You are on page 1of 5

KAKAYAHANG PAGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

APAT NA KOMPONENTS

1. LINGGUWISTIKO O GRAMATIKAL
2. SOSYOLINGGUWISTIKO
3. PRAGMATIK AT ISTRATEDYIK
4. DISKORSAL

DELL HYMES – isang lingguwista na nagpakilala ng kakayahang pangkomunikatibo

COMMUNUCATIVE COMPETENCE O MABISANG KOMYUNIKEYTOR – kakayahan ng isang tao na magamit ang wika
nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ng tama ang
mensahe, at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap

LINGUWISTIKO O GRAMATIKAL

 Tumutukoy sap ag-unawa at kasanayan ng isang tao sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at tuntuning pang-
ortograpiya.

SINTAKS

 Tawag sa pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan

ESTRUKTURA NG PANGUNGUSAP

- Tumutukoy sa tamang ayos o pagkakabuo ng pangungusap.

TATLONG PANGKAT:

1. AYOS NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT


1.1. Pasalaysay
1.2.Patanong
1.3.Pautos o pakiusap
1.4.Padamdam
2. AYOS NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
2.1.Payak – binubuo ng simuno at panaguri. Nagpapahayag ng buong diwa
2.2.Tambalan – binubuo ng dalawang payak na pangungusap
2.3.Hugnayan – binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-
makapag-iisa.
2.4.Langkapan – binubuo ng isa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-
makapag-iisa.
3. PANGUNGUSAP NA DI-LANTAD ANG PAKSA
3.1.Pagka-mayroon o Pagkawala ng Paksa
Hal:
May mga turistang humanga kay Meyor
Walang nawala sa aming gamit
3.2.Matinding Damdamin
Hal:
Wow!
Ang galing!
2. TUNTUNING ORTOGRAPIYA

Wastong Gamit ng NANG

1. Kapag sinasagot ang tanong na PAANO

Paano tumakbo si Ben?

Tumatakbo si Ben nang matulin.

Tumatakbo si Ben nang nakapikit.

2. Kapag UMUULIT ang kilos

Takbo nang takbo si Ben kaya siya ubo nang ubo.

3. Kapag sinasagot ang tanong na GAANO


Gaano kalaki ang itinaba ni Ben?
Tumaba si Ben nang bahagya.

Gaano siya katagal nakulong ?


Nakulong siya nang isang taon.

Gaano kalayo ang nilakad niya ?


Naglakad siya nang isang kilometro.

Wastong Gamit ng NG

1. Kapag sinasagot ang tanong na ANO


Ano ang kinain ni Ben ?
Kumain si Ben ng pansit na malamig.

2. Kapag pagmamay-ari
Mahilig siyang kumain ng talbos ng kamote.
Nakakabingi ang tahol ng aso ng kapitbahay.
Kabarkada ko ang apo ng tita ng kaklase mo.

Iba pang gamit ng NANG

1. ibang salita sa noong


HAL: Nang isilang ka sa mundong ito.
Wala na raw pagkain nang dumating ako sa inyo.
2. ibang salita sa PARA at UPANG
HAL: Maligo kang maigi nang bumango ka.
Halina tumaya tayo sa lotto nang yumaman ka.
3. Para masarap bigkasin ang NA
HAL: Puwede nang pumasok.
Ang mamatay na dahil sa iyo.
Ang mamatay nang dahil sa iyo.
4. kapag katabi ang salitang maaga
HAL: Uuwi ako nang maaga bukas.
Dumating ka nang maaga bukas.

Iba pang gamit ng Ng:

1. kapag sinasagot ang tanong na kailan


HAL: Kailan umuwi umuwi si Ben?
Umuwi ng umaga si Ben.
2. kapag tungkol sa oras at petsa
HAL: Gumigising ako tuwing ikapito ng umaga.
3. Kapag ubod ng, puno ng, saksakan ng [hitsura]
HAL: Ubod ng ganda ang bulaklak na ito.
Puno ng kasamaan si Celia.

WASTONG GAMIT NG DAW O RAW? DIN O RIN? DITO O RITO?

KAILAN NAGIGING R ANG D?


- Kung nagtatapos sa A,E,I,O,U at W,Y ang sinusundang salita ang D ay nagiging R.

PUWEDE NAMAN MAS BONGGA

Gusto daw ni Ben ang kalooban ni Ana. Gusto raw ni Ben ang kalooban ni Ana.

Maraming makokolektang kabibe dito. Maraming makokolektang kabibe rito.

May kalabaw din kami sa bukid. May kalabaw rin kami sa bukid.

Kung hindi nagtatapos sa A,E,I,O,U at W,Y. mananatili ang D.

HAL:

Ahas daw ang nakitanila sa dagat.

Nauntog din si Perla sa dingding.

Maraming mahuhuling hipon dito.

MALI TAMA

taontaon taon-taon

Ang laki laki Ang laki-laki

Magandang maganda Magandang-maganda

karapatdapat Karapat-dapat

pasulyapsulyap Pasulyap-sulyap

parepareho Pare-pareho

kapakipakinababg Kapaki-pakinabang

kapanapanabik Kapana-panabik

Paru-paro paruparo

Gamu-gamo gamugamo

Ipu-ipu ipuipo
Kili-kili kilikili

Ala-ala alaala

Katanggap-tanggap Mali

Pormal Di-pormal Sobra Ubod

tagabundok tigabundok taga-bundok tiga bundok

tagabayan tigabayan taga-bayan tiga bayan

taga-Marikina tiga-Marikina tagaMarikina tiga Marikina

Taga-Cebu tiga-Cebu tagaCebu tiga Cebu

Tandaan:

laging may gitling [-] sa pagitan ng panlaping taga at pangngalang pantangi

hal: taga-Cebu

Walang gitling kahit kailan sa pagitan ng taga at pangngalang pambalana

Hal: taga bukid

DATI PATOK

anu-ano ano-ano

taun-taon taon-taon

pitu-pito pito-pito

patung-patong patong-patong

taun-taon taon-taon

pitu-pito pito-pito

tatalun-talon tatalon-talon

Mga ESTANDARDISADONG SALITA


ESTANDARDISADO IWASAN

LALAKI LALAKE

kasi kase

sabi sabe

hindi hinde

pakialam pakealam

ano anu

noo nuo

manood manuod

loob luob

DI- PORMAL PORMAL

pwede puwede

kwento kuwento

sweldo suweldo

kwarto kuwarto

pwesto puwesto

You might also like