You are on page 1of 2

HEOGRAPIYA

Ang bayan ng Aliaga ay ipinangalan sa sinilangan ng unang Gobernadorcillo, Don Aniceto


Ferry, sa Trevel, Espanya.  Ang Aliaga ay bahagi ng probinsiya ng Pampanga mula 1571
hanggang 1848 at ito ay itinatag bilang isang bayan ng Nueva Ecija noong Pebrero 8, 1849. Ang
makulay na kasaysayan ng Aliaga ay kaakibat ng sari-saring kalamidad na napagtagumpayan ng
mga mamamayan dahil na rin sa sama-samang lakas at isipan ng mga tao at mga namumuno na
mabuhay ng masagana at payapa at sa kanilang debosyon sa tulong at pamamagitan ng mahal na
patrona, Nuestra Señora Delas Saleras. Tunay ngang nalagpasan ng Aliaga ang mga sagabal sa
kaunlaran at ngayon, ang ating bayan ay nasa pinto na ng pagiging sentro ng pangangalakal sa
lalawigan ng Nueva Ecija.      Ang Bayan ng Aliaga ay matatagpuan sa Kanluran ng Lalawigan
ng Nueva Ecija. Sa hilaga ay matatagpuan ang Sto. Domingo, Quezon at Talavera. Sa timog
naman ay ang mga bayan ng Sta. Rosa at Zaragosa at sa kanluran ay Licab, sa silangan ay
Cabanatuan.

Ang Bayan ng Aliaga ay isang ika-4 klaseng bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija, Pilipinas.


Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 70,363 sa may 16,853 na kabahayan.

KULTURA AT TRADISYON
Ang Taong Putik Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa munisipalidad sa araw
ng kapistahan ni San Juan Bautista tuwing ika-24 ng Hunyo. Ang relihiyosong pagdiriwang ay
ipinagdiriwang ng mga lokal at mga deboto upang magbigay pugay kay San Juan Bautista sa
pamamagitan ng pagsusuot ng mga kasuotan na naka-pattern mula sa kanyang kasuotan.
Ibinabad ng mga deboto ang kanilang sarili sa putik at tinatakpan ang kanilang katawan ng mga
tuyong dahon ng saging at bumisita sa mga bahay o humingi ng limos sa mga tao sa anyo ng
mga kandila o pera upang makabili ng mga kandila na kanilang inialay kay San Juan Bautista.

PANGUNAHING HANAPBUAHY

Ang uri ng hanapbuhay ng mga tao sa Aliaga ay pagsasaka. At ang main crops naman ay sibuyas
at palay. Mula sa buwan ng June hanggang December ang mga magsasaka ay nagtatanim ng
palay at pagsapit naman ng buwan ng January hanggang May ay nagtatanim sila ng sibuyas.

Marami ring mga malalaking establisyimento ang Aliaga. Mayroon itong mga banko, kagaya ng
Pro Farmer’s Bank, Producers Bank, at GM Bank. Meron ding mga one stop shop kagaya ng 7-
Eleven, 758 Trading, at mga money remittance center kagaya ng Cebuana Pawnshop, M
Lhuillier, Palawan Pawshop, at Villarica Pawnshop.
FESTIVAL SA ALIAGA

a)      Taong Putik Festival (every feast day of Bibiclat – June 24)
b)      Pilgrimage Church (Nuestra Seňora delas Saleras Parish Church)
c)      Sinakulo Festival (every Holy Week)

PASYALAN

 Diocesan shrine of nuestra Seňora delas Saleras


 Cllex aliaga
 Pantoc Hanging Bridge
 Diocesan shrine of saint john the baptist

You might also like