You are on page 1of 3

KARUNUNGANG-BAYAN

KAALAMANG-BAYAN- mga akdang pampanitikang lumaganp sa panahon ng mga


katutubo sa ibat ibang panig ng bansa tulad ng karununang bayan.
Ang panitikang ito ay binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan at bulong

SALAWIKAIN- ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng


kagandahang asal o kabutihang asal.

Halimbawa: aanhin pa ang damo,kung patay na ang kabayo

SAWIKAIN- ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong


kahulugan may higit 2-3 salita lamang.

Halimbawa: bagong tao - binata


Bulang-gugo - gastador; galante

KASABIHAN- ipinalalagay na mga sabihin ng mga bata at matatatanda na katumbas


ng mga tinatawag na Mother goose rhymes at madali ito ipaliwanag, kahulugan ay
nasa salita na mismo.

Halimbawa: putak, putak, tiririt ng ibon


Batang duwag, hanap ay asawa

BUGTONG- ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan

Halimbawa: dalawang katawan, tagusan ang tadyang(hagdan)

PALAISIPAN- ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan

Halimbawa: sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan.


Lumundang ang isa. Ilan and natira?

BULONG- ay ginagamit pangkontra sa mga kulam, engkanto, at masasamang


espitiru

Halimbawa: huwag magagalit

ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE


BATUMBAKAL- datu ng batangan at mga balangay sa karatig nito

MUTYA MARIN- maganda mahinhim at halos ang lahat katangian ng dalagang


silangan ay napisan sa kanya.

Mga manliligaw ni mutya marin ay sina:


DATU BAGAL- na ubod ng yaman, ang kaharian niya ay kilala sa tawag na
MINDORO
DATU SAGWIL- laguna
DATU KAWILI- kamarines

GARDUQUE- manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan


ALAMAT AT EPIKO
KUWENTONG-BAYAN- ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga
tradisyong pilipino.
- ay isang uri ng salaysay, mababakas sa balangkas nito ang pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangayayari.

ALAMAT AT EPIKO- ay ilan lamang sa mga akdang kabilang sa mga kuwentong-


bayan.

ALAMAT- ang salitang alamat o legend sa ingles ay mula sa salitang latin na


legendus na nangangahulugang “upang mabasa”.
-isang mahalagang bahagi ng kulturang pilipino ang mga alamat.

KARANIWANG PAKSA NG MGA ALAMAT- ay ang ating katutubong kultura,mga


kaugalian at kapaligiran

EPIKO- ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng


isang tao o mga ta laban sa mga kaaway.
-ang epiko ay mula sa 1000 hanggang 55,000 linya.

MGA BAHAGI NG KUWENTONG-BAYAN

SIMULA- matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkop o elemento


TAUHAN- ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang
sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontrabida.
TAGPUAN- ang pangyayari ng aksiyon
GITNA- makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo
o eksena.
DIYALOGO- ang usapan ng mga tauhan.
SAGLIT NA KASIGLAHAN- magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa problema
TUNGGALIAN- magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad
at ito ay maaarig ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan.
KASUKDULAN- ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang
kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
KAKALASAN- wakas ng kuwentong-bayan

URI NG PANG-ABAY
PANG ABAY- tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay.

PAMANAHON- pang abay nagsasaad kung KAILAN ginanap, ginaganap, o


gaganapin ang sinsabi ng pandiwa sa pangungusap.(when)
Nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang
Kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa

PANLUNAN- kung SAAN GINAWA ang kilos(where)

PAMARAAN- sumasagot sa tanong na PAANO sinasabi ng pandiwa sa


pangungusap (how)
PANGGAANO- nagsasaad ng sukat o timbang(number)

KATAGA O INGKLITIK- katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng


pangungusap
URI NG PANGATNIG
PANGATNIG- ay bahagi pananlitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita

PAMUKOD- may pamimili,pagtatangi,pagaalinlangan


- ni,o, at maging
PANDAGDAG- nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag
- at, saka, pati
PANINSAY O PANALUNGAT- ginagamit upang sumalungat sa una
- datapwat, kahit, subalit, ngunit, bagamat, at habang
PANUBALI- maypagbabakasaki o pagaalinlangan ang pahayag
- kundi kung di kung kapag sana at sakali
PANANHI- ginagamit upang magbigay ng dahilan
- bakit sapagkat pagkat kasi palibhasa at dahil
PANLINAW- ginagamit upang linawin o magbigay-linaw
- anupa kaya samakatwid madaling salita at kung gayon

MGA TANYAG NA MANUNULAT


MGA MANUNULAT SA PANAHON NG MGA ESPANYOL
-Ang mga nakilalang manunulat na Pilipino sa panahon ng Espanyo! ay nahahati sa
dalawa.

DR JOSE RIZAL- ang kinikilalang pambansang bayani ng Pilipinas. Bilang


repormista, di mabilang na mga akda ang kanyang naisulat na tunay na gumising sa
damdaming makabayan ng mga Pilipino. Pinakatanyag sa mga ito ay ang mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

GRACIANO LOPEZ-JEANA- bilang manunulat ay nakagawa nang may 100


talumpating magpa-hanggang ngayon ay binabasa pa rin ng mga Pilipino.
Ilan sa kanyang mga naging tanyag na akda at talumpati

MARCELO H. DEL PILAR- bilang isang repormista ay gumamit ng mga sagisag na


Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat. Siya ay nakilala bilang isang
masugid na manunulat sa wikang Tagalog kaya naman higit na naging mabisa sa
maraming mga Pilipino ang kanyang mga akda kaysa sa mga isinulat ni Rizal na
karamihan ay nasulat sa wikang Espanyol.

MGA TANYAG NA MANUNULAT SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

EMILIO JACINTO- sa gulang na labingwalo, ay sumapi sa Katipunan at kinilala


bilang pinakabatang miyembro ng kilusan.
Naging dalubhasa si Jacinto sa wikang Tagalog dahil ito ang opisyal na wikang
ginamit niya sa pakikipagtalastasan.

APOLINARIO MABINI- ay tinaguriang Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo.


Marami siyang isinulat na akda sa Espanyol at sa Tagalog. Ang kadalasang tema ng
kanyang mga isinulat ay tungkol sa politika, pamahalaan, at pilosopiya.
Ginamit niya ang sagisag-panulat na Katabay.

You might also like