You are on page 1of 2

Mga Berso:

Taon K

Miyerkules ng Abo Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

a. Kapag ngayo’y Napakinggan a. Sa ulap na maliwanag,


Ang tinig ng Poong Mahal ito ang siyang pahayag,
b. Huwag na ninyong hadlangan b. ang D’yos Ama na nangusap:
c. Ang pagsasakatuparan c. “Ito ang mahal kong Anak,
d. Ng mithi n’ya’t kalooban d. lugod kong dinggin ng lahat.”

Unang Linggo ng Kuwaresma Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

a. Ang tao ay nabubuhay a. Sinabi ng Poong mahal:


hindi lamang sa tinapay “Kasalanan ay talikdan,
b. kundi sa Salitang mahal b. pagsuway ay pagsisihan;
c. mula sa bibig na banal c. maghahari nang lubusan
d. ng Ama nating Maykapal. d. ang Poong D’yos na Maykapal.”
Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma Linggo ng Palaspas At Biyernes Santo

a. Babalik ako sa ama, a. Masunuring Kristo Hesus,


at aamuin ko siya, naghain ng buhay sa krus,
b. sasabihin ko sa kanya: b. kaya’t dinakila ng D’yos;
c. “Ako po ay nagkasala c. binigyan ng ngalang tampok
d. sa D’yos at sa ‘yong pagsinta.” d. sa langit at sansinukob.

Ika-limang Linggo ng Kuwaresma Huwebes Santo

a. Magsisi tayong mataos, a. “Ang bagong utos ko’y ito:


halinang magbalik-loob mag-ibigan sana kayo
b. sa mapagpatawad na Diyos. b. katulad ng ginawa ko
c. Sa kanya tayo’y dumulog c. na pagmamahal sa inyo,”
d. at manumbalik na lubos. d. ang sabi ni Hesukristo.

You might also like