You are on page 1of 2

Sa isang bukid sa probinsya, may isang tupa na nagngangalang Tia, siya ay mayabang maka-sarili at

pinahihirapan ang ibang mga hayop para lang sa kanyang ika-sasaya. . Madalas din niyang tinutukso at
minamaliit ang ibang mga hayop.

“ Tia, maaari po bang manghingi ng maraming pagkain sa iyo? “ nagmamakaawang tanong ng


kambing kay Tia. “ At bakit ko naman iyon gagawin? Sino ka para manghingi ng pagkain mula sa akin?
Kilala mo ba kung sino ako?” Galit na pagsagot ni Tia sa kambing. “Paumanhin po, Tia, ilang araw na po
kasi akong hindi nakakakain dahil nakakalimutan ng ating amo.” Takot na sagot ng kambing. “Palibhasa
ako ang paborito ng ating amo kaya mas inaalagaan at iniisip niya ako, hindi tulad ng isang kambing na
katulad mo”

Maraming mga hayop sa bukid na hinahangaan si Tia dahil siya ang paborito ng kanilang amo
ngunit sila din ay nagseselos dahil higit na mas maganda ang pakikitungo ng kanilang amo sa kaniya.

Napansin ni Tia na hindi siya hinahangaan at pinagseselosan nina Potra, ang baboy at ni Ken, ang
kalabaw, kaya’t napagisipan niya na magpanggap na siya’y makikipagkaibigan sa kanila. “Ano na ang
lagay ng aking mga kapwa-hayop?”Nagulat naman sila Potra at Ken dahil kinamusta sila ni Tia. “Mabuti
naman kami, Tia.“ Nagulat si Tia sa sagot ng baboy at kalabaw dahil ginagalang at nirerespeto siya ng
ibang mga hayop. Nagtaka naman sina Potra at Ken sa reaksiyon ni Tia dahil maayos naman ang kanilang
pag-sagot. “Bakit ganyan ang pagsagot ninyo sa akin, hindi niyo ba ako igagalang?” sabi ni Tia. “Aba,
bakit naman kailangan ka naming igalang? Pantay-pantay lang naman tayo dito” sagot ni Ken. Walang
naisagot si Tia nang biglang dumating ang kanilang amo.

Pagkalipas ng oras, gabi na’t naisipan ni Tia na mag-libot sa bukid. Habang naglalakad si Tia, hindi
niya mapigilang maisip ang sinabi ni Ken. Nakapansin siya ng puno na ngayon nya lang nakita. Nagulat si
Tia nang biglang nagsalita ang puno. “Pantay-pantay lang naman talaga kayong mga hayop”, saad ng
puno. “Paano mo naman nalaman kung ano ang bumabagabag sa aking isip?” Nagtatakang pag-tanong
ni Tia. “Sabihin na lang natin na mayroon akong kakayahan na hindi kaya ng iba.” Nagulat man siya
ngunit napatahimik na lamang si Tia dahil napagtanto niya na tama ang sinabi ng puno. “Dahil lamang na
iba ang pakikitungo sa iyo ng amo mo ay hindi nangangahulugan na maaari mo itong kunin bilang isang
kalamangan, ngayon, pag-isipan mo ang iyong mga ginawang pakikitungo sa iba” pagsaad ng puno .

Isang iglap ng realisasyon ang biglang kumislap sa kaisipan ni Tia, bigla niyang naalala ang lahat ng
mga masasama at makasariling-kilos na kanyang nagawa. Habang kausap ni Tia ang puno, inakala ng
amo niya na nawawala si Tia, napansin din ito nina Potra at Ken kaya tumakas sila mula sa kamalig
upang hanapin si Tia. Matapos mapagtanto ni Tia na siya ay mali, siya ay nagmadaling bumalik sa
kamalig nang bigla niyang nakasalubong sina Potra at Ken. “Tia, andito ka lang pala! Kanina ka pa namin
hinahanap. “ Nagaalalang wika ni Potra. Nagulat naman si Tia dahil hindi niya inaasahan na
makakasalubong niya sina Potra at Ken. “Bakit? Ano naman ang bumabagabag sa inyong isip?”
Nagtatakang pagtanong ni Potra. “Pinag-isipan ko ang aking mga nakaraang aksyon at ang mali at mga
masasamang nagawa ko sa iba, kaya gusto,ko magpaumanhin sa inyo, nais ko na rin magbago” sagot ni
Tia. “Naiintindihan ka namin, Tia. Lahat naman tayo ay nagkakamali at nararanasan ‘yan” saad ni Potra.
Pagkatapos ni Tia manghingi ng paumanhin kila Potra at Ken, biglang nag-hikab nang malakas si Ken,
“Tara na, Potra at Tia, dahil ako’y inaantok na” saad naman ni Ken, natawa na lamang ang dalawa. “Sige,
tara na at tayo’y matulog na, dahil nakakapagod ang araw na ito”Wika ni Tia.

Masayang nagtungo ang tatlo pabalik sa kamalig at natuwa naman ang kanilang amo na galing sa
pag- hahanap kay Tia dahil nakita nya na mag kakasama matulog sila Potra , Ken at Tia. Sumapit ang
umaga at naunang nagising si Tia at nakita nya na tulog pa ang iba kaya’t naisipan nya na mag tungo sa
Puno na kanyang natagpuan kagabi upang mag pasalamat, ngunit pag dating nya sa kinaroroonan ay
wala siyang nakita kung hindi patag na lupa lamang at mga dahon,hindi nya makita ang punong malaki
sa kapaligiran kaya’t bumulong na lamang siya sa hangin "Salamat sa iyong ginawa dahil nalaman ko na
ang aking ginagawa ay sumasalamin sa kung sino ako Masayang wika ni Tia sa hangin. "Hindi man
naririto ang Puno na tumulong sakin nais ko parin sakanya magpasalamat" pag-iisip ni Tia.

Nagtungo na si Tia pabalik sa kamalig at nakita nya sila Potra at Ken na kasama ang mga ibang hayop
lumapit si Tia kala potra at tinanong "Bakit naka tipon ang lahat dito, Potra?" tanong ni Tia "Sinabi namin
na may importante kang sasabahin sa kanila kaya’t sabihin mona ang iyong gustong sabihin at tapangan
mo ang iyong loob" wika ni Ken. Kinakabahan man si Tia ngunit kailangan nyang mang hingi ng
paumanhin sa pag trato nya sa iba "Alam kong madami akong nagawang kasalanan sainyo at akoy
humihingi ng paumanhin sa inyong lahat ,alam ko na hindi nyo ako mapapatawad kaagad ngunit
pagsisikapin ko na mag bago at iisipin ang kapakanan ng iba maliban sa aking sarili" pahayag ni Tia sa
lahat. Kinakabahan si Tia sa reaksyon ng iba ngunit ito ay napawi ng magsalita sila “ Naintindihan ka
namin Tia, aasahan namin ‘yan” wika ng mga hayop kasama sila Ken at Potra.Masaya ang naging araw ni
Tia simula noon, sya’y madaming ng kaibigan at pa tuloy ang pag ba bago ni Tia simula noong
mapagtanto nya na ang mga ginagawa nya ay sumasalamin kung sino ka o anong klaseng hayop ka.

You might also like