You are on page 1of 4

Filipino

Pang-abay
1. Ang mga tawag sa mga salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawaan sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay.
Answer: Pang-abay
2. Ito ay uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na paano naganap, nagaganap o magaganap
ang kilos?
Answer: Pamaraan
3. Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na saan nagnap, nagaganap, magaganap ang
kilos?
Answer: Panlunan
4. Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na kalian naganap, nagaganap o magaganap ang
kilos?
Answer: Pamanahon
5. Uri ng pang-abay na mga katagang karaniwang kasunod sa unang salita ng pangungusap
tulad ng yata, nga, ba, pa, pala, daw/raw, lamang/lang, din/rin?
Answer: Ingklitik

Panuto: Salungguhitan ang pang-abay o pariralang pang-abay sa bawat pangungusap at


ilagay kung anong uri ng pang-abay ito nabibilang.

1. Si Leo ay mahusay magdrowing ng mga tao.


2. Nalinisan nang maigi ang sasakyan ninyo.
3. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya.
4. Sinuot niya nang baliktad ang kanyang damit.
5. Ang bangko ay matatagpuan sa dulo ng Ayala Avenue.
6. Tutulungan ako ni Ate Sheila mamayang gabi.
7. Nahuli rin sa wakas ang magnanakaw!
8. Talagang nakakainis ang mga taong makukulit.
9. Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan.
10. Ang mga magulang ni Anna ay napakabait at bihirang magalit.
11. Parati siyang nagte-text sa akin kaya naubos ang pera niya.
12. Ang mga mananayaw ay mag-eensayo sa himnasyo.
13. Ang mangingisda ay sumisid nang malalim.
14. Makakauwi si Francesca sa araw ng pista.
15. Maagang dumarating ang sundo ni Sonny.
16.Magsipilyo ka bago ka matulog.
17. Ipinanganak si Tito Gabriel noong ika-15 ng Marso, 1970.
18. Ang paliwanag ni Ginang Alberto ay madaling intindihin.
19. Tumawag siya sa telepono kani-kanina lamang.
20. Sama-sama silang naglakad patungong simbahan.

Sagot:
1. Si Leo ay mahusay magdrowing ng mga tao. (pamaraan)
2. Nalinisan nang maigi ang sasakyan ninyo. (Pamaraan)
3. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya. (Pamaraan)
4. Sinuot niya nang baliktad ang kanyang damit. (Pamaraan)
5. Ang bangko ay matatagpuan sa dulo ng Ayala Avenue. (Panlunan)
6. Tutulungan ako ni Ate Sheila mamayang gabi. (Pamanahon)
7. Nahuli rin sa wakas ang magnanakaw! (Ingklitik)
8. Talagang nakakainis ang mga taong makukulit. (Ingklitik)
9. Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan. (Pamanahon)
10. Ang mga magulang ni Anna ay napakabait at bihirang magalit. (Pamanahon)
11. Parati siyang nagte-text sa akin kaya naubos ang pera niya. (Pamanahon)
12. Ang mga mananayaw ay mag-eensayo sa himnasyo. (Panlunan)
13. Ang mangingisda ay sumisid nang malalim. (pamaraan)
14. Makakauwi si Francesca sa araw ng pista. (pamanahon)
15. Maagang dumarating ang sundo ni Sonny. (Pamanahon)
16.Magsipilyo ka bago ka matulog. (pamanahon)
17. Ipinanganak si Tito Gabriel noong ika-15 ng Marso, 1970. (pamanahon)
18. Ang paliwanag ni Ginang Alberto ay madaling intindihin. (pamaraan)
19. Tumawag siya sa telepono kani-kanina lamang. (pamanahon)
20. Sama-sama silang naglakad patungong simbahan. (pamaraan)

Panitikan/Literature
1. Pagpapahayag ng mga damdamin ng mga tao hinggil sa mga agay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sapanlipunan at pamahalaan.
Sagot: Panitikan
2. Panitikan pansulat, binubuo ng pangungusap o nagpapahayag ng kaisipan.
Sagot: Tuluyan/Prosa
3. Panitikan pansulat, binubuo ng saknong o taludtod at nagpapahayag ng damdamin.
Sagot: Patula
4. Alamat, Pamuba, Maikling kwento, nobela at iba pa, ito ay halimbawa ng anong
panitikan pagsulat?
Sagot: Tuluyan/Prosa
5. Liriko, soneto, oda at iba pa, ito ay halimbawa ng anong panitikan pansulat?
Sagot: Patula
6. Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na nakakapaloob sa isang saknong.
Sagot: Sukat
7. Ang paraan ng pag basa
Sagot: Panig
8. Mga akda na katangi-tagi sa masining at malikhaing pagtatanghal ng mga ideya at
damdaminng unibersal at pangmahabang pamnahon, gaya ng tula, katha, dula at
sanaysay.
Sagot: Panitikan
9. Uri ng Sukat na may walong pantig?
Sagot: Wawaluhin
10. Uri ng sukat na may sandosenang pantig?
Sagot: Lalabindalawahin
11. Uri ng sukat na may labing-anim na pantig?
Sagot: Lalabing-animin
12. Uri ng sukat na may labing-walong pantig?
Sagot: Lalabing-waluhin
13. tumutukoy sa magkakasintunog ang huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
Sagot: Tugma
14. Tula na puno ng masisisdhing damdamin ng tao tulad ng pag-
ibig,kalungkutan ,kaligayahan at tagumpay.
Sagot: Tulang Liriko
15. Tula na may labing-apat na taludtod
Sagot: Soneto
16. Kadalasang tema ay tungkol sa pagmamahal, pagmamalasakit, pighati o kalungkutan,
kasiyahan at iba pa.
Sagot: Tulang Liriko
17. Karaniwang pumapaksa sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabitiran sa kalikasan
ng tao.
Sagot: Soneto
18. Isang uri ng tula na may himig o awit.
Sagot: Tulang Liriko
19. Naghahatid ng oral sa mambabasa
Sagot: Soneto
20. isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at parangal
Sagot: Oda
21. isang maikling awit na panrelihiyon na nagpupugay sa Diyos
Sagot: Dalit
22. isang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay 
Sagot: Oda
23. kalimitang wawaluhing pantig na may dalawa/tatlo/apat na taludturan
Sagot: Dalit
24. Walang tiyak na bilang ng pantig / taludtod sa isang taludturan.
Sagot: Oda
25. Tula para sa alala sa isang yumao
Sagot: Elehiya
26. Kadalasang paksa ay gaya ng kalungkutan at kamatayan.
Sagot: Elehiya
27. Isang tula na may balangkas
Sagot: Tulang pasalaysay
28. Mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Sagot: Epiko
29. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong at
may kumpas na martsa (allegro) o mabilis
Sagot: Korido
30. naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay.
Sagot: Tulang pasalaysay
31. Karaniwang paksa ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan, kagitingan at
kabayanihan ng mga tao noong unang panahon.
Sagot: Epiko
32. binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula
Sagot: Korido
33. nagkukwento o naglalahad ng maikling pangyayari , naglalarawan ng isang sitwasyon.
Sagot: Tulang pasalaysay
34. Patungkol sa kababalaghan o pananampalataya
Sagot: Korido
35. nagsasalaysay ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
Sagot: Tulang pasalaysay
36. Ang tauhan ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan
Sagot: Korido
37. inilalahad din dito ang katapangan at kagitingan ng mga bayani.
Sagot: Tulang pasalaysay
38. nagsasalaysay ng hirap at sakit ni Hesukristo na Inaawit tuwing mahal na araw
Sagot: Pasyon
39. Karaniwan sa mga bugtong ang pagpapahula sa mga bagay-bagay na nakikita natin sa
ating bahay, komunidad at kalikasan.
Sagot: Bugtong
40. nagsasaad ng buhay ni Hesukristo  mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang
kamatayan
Sagot: Pasyon
41. isang uri ng panitikan na nagpapalawak hindi lamang ng talasalitaan kundi sa pang-
unawa rin
Sagot: Bugtong
42. Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral o
gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.
Sagot: Salawikain
43. pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan
Sagot : Bugtong
44. Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa kabutihang
asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa
Diyos.
Sagot: Salawikain
45. Layunin ng bugtong na magbigay ito ng katuwaan sa kabataan at katandaan.
Sagot: Bugtong

You might also like