You are on page 1of 1

ANSWER DEMO

Pagganyak:

1. Ano ang napansin ninyo sa binasang tula ?

• Ito Po ay napapalooban ng maririkit o matatalinhagang salita.

2. Ano ang tawag sa mga salitang ito ?

• Ang tawag sa mga salitang ito ay tayutay.

1. Ano ang tayutay ? (2)

Ang tayutay ay yaong mga matatalinhagang salita. Ito ay nagbigay kulay at sining para sa isang mabisang
pahayag.

1. Halimbawa ng Pagtutulad o Simili

• Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituin sa kalawakan.

• Tila maamong tupa si Juan kung ito ay napapagalitan.

• Si Cynthia ay parang anghel na bumaba mula sa langit.

2. Halimbawa ng Pagwawangis o Metapora

• Siya ay langit na di kayang abutin ninuman.

• Ang kanyang kamao ay bakal

• Tinik ng lalamunan ko ang katahimikan mo.

• Ang puso niya ay bato.

3. Halimbawa ng Pagsasatao o Personipikasyon

• Hinalikan ako ng malamig na hangin

•Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin

4. Halimbawa ng Pagmamalabis o Eksaherasyon--

• Halos madurog ang kanyang puso sa paghihiwalay ng kanyang kasintahan.

•Namuti ang kanyang buhok sa kahihintay sayo.

5. Halimbawa ng Pag-uyam o Irony

• Ang ganda ng kamay mo

• Ka'y kinis ng Mukha mong butas-butas sa kakapisil mo ng tagyawat.

1. Halimbawa ng matalinhagang ekspresyon

• Ang kanyang tunay na ugali ay lumalabas tulad ng halik ni hudas

2. Halimbawa ng simbolo

• Nagulat ako nang bigyan ako ng pulang rosas ng aking lalaking kaibigan ngayong Valentine's Day.

• Nagagandahang bulaklak ang mga kalahok.

You might also like