Ang karagatan ay isang larong patula na kadalasang
ginagawa sa mga lamayan. Ito’y umiikot sa pagpapasikatan ng kabinataan sa husay ng pagtula at dami ng nilalaman upang maakit ang kadalagahan. Ang singsing ng prinsesa ay nawawala at ang “lulusong” sa karagatang kinahulugan nito ay kabinataan at ang paglusong ay sa pamamagitan ng tula. Ang Karagatan
Ang karagatan ay isang laro o paligsahang patula. Batay
ito sa alamat ng isang dalagang nahulog ang singsing sa gitna ng dagat. Ang kamay ng dalaga ang naghihintay na gantimpala sa binatang makasisid at sa huli makakakuha ng singsing. Ang eupemismong pahayag
Ang eupemismong pahayag o habas ng paraan ng
pahayag na nagbabawas sa tindi o sidhi ng salita. Nais nag nagsasalita na maipapaabot ang isang kahulugan ng kaniyang sinasabi o nais sabihin ngunit isinaalang-alang niya ang dating nito sa pinagsasabihan. Halimbawa
Gusto mong sabihin ito sa iyong kausap:
1. Patay na pala ang iyong ama.
2. Pangit mo ngayon.
3. May iba na siyang gusto.
4. Ang baho ng katabi ko.
Halimbawa
Maaari mong sabihin sa paraang ito:
1. Sumakabilang buhay na pala ang iyong ama?
2. Hindi ka yata nakapag-ayos ngayon?
3. May iba na siyang tinitingnan.
4. Hindi maganda ang amoy ng katabi ko.
Ang eupemismong pahayag
Ang eupimismong pahayag ay nagiging tulay sa pagsabi
ng mga salitang mabigat pakinggan na masabi sa pinakamagaan na digri o tindi. Takdang aralin
Sagutan ang pagsasanay sa pahina 55, isulat ang iyong
sagot sa isang buong papel, kunan ng litrato at ipasa ang iyong takdang aralin sa petsa 30 ng buwan ng Oktobre taong 2020.