You are on page 1of 19

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Rama at Sita (Epiko ng India)

Self-Learning Module
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Rama at Sita (Epiko ng India)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala:Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judith Ann M. Manlapaz
Editor: Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban
Joanne M. Nunez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Bernadeth D. Magat
Gerwin L. Cortez
Tagasuri ng Disenyo Glehn Mark A. Jarlego
at Balangkas:
Tagaguhit: Kimberly S. Liwag
Tagalapat: Katrina M. Matias
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: Gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Batid kong kilala mo sina Captain Barbell, Darna, Batman, at


Superman dahil sikat sila bilang mga piksyunal na karakter na may
pambihirang lakas o mas kilala bilang mga superheroes na nagliligtas ng
mga tao at mga mahal sa buhay.

Sa modyul na ito, ating aalamin kung maituturing ding superhero


tulad nila ang tauhan sa panitikan ng mga Hindu. Tunghayan mo kung
paano niya pinatunayan ang isa sa mga sikat na linya sa awit na Florante at
Laura ni Francisco Baltazar na: “Pag-ibig, ‘pag pumasok sa puso ninoman,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang”.

Halina’t lakbayin mo ang panitikang maaaring maging salamin sa


kultura ng bansang India.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng


alinmang bansa sa Kanlurang Asya (F9PT-IIIg-h-54)
2. nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan (F9PN-IIIg-h-54); at
3. nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa
epiko (F9PB-IIIg-h-54).

Handa ka na ba? Alam kong handang-handa ka na! Halina’t simulang


pagyamanin ang iyong kaalaman.

1
Subukin

Kumusta ka? Binabati kita dahil natapos mo ang iyong paglalakbay


sa panitikan ng Thailand. Muli, ako ang iyong makakasama patungo sa
bagong paglalakbay.

Sagutin mo muna ang mga katanungang inihanda ko para sa iyo


upang malaman ko kung mayroon kang alam sa ating tatalakayin ngayon.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag


Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ito ay katangiang dapat taglayin ng isang bayani maliban sa isa.


A. mabuti C. malakas
B. makisig D. matatakutin

2. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpapakita ng mga Hindu ng pagbati


at pamamaalam sa kanilang kapwa.
A. beso-beso C. pagmamano
B. namaste D. shake hands

3. Ito ay isa sa pilosopiyang Hindu bukod sa kagandahan at katotohanan.


A. kabutihan C. kasipagan
B. kapayapaan D. katapatan

4. Ito ang katangiang dapat taglayin ng isang bayani.


A. makatao C. magandang mukha
B. mayaman D. malakas ang karisma

5. Ito ang mga tungkuling kailangang gampanan ng isang bayani maliban


sa isa.
A. gumawa ng gulo
B. gumawa ng kabutihan
C. magligtas ng mga naaapi
D. tumulong sa nangangailangan

2
6. Ito ang kulturang masasalamin sa pangyayaring, sinundan pa rin ni
Lakshamanan ang kapatid na si Rama kahit ‘di niya alam kung
makababalik pa siya.
A. pagiging matapang
B. pagpapahalaga sa pamilya
C. padalos-dalos magdesisyon
D. marunong sa pakikipagsapalaran

7. Ito ang maaaring mangyari kay Rama dahil sa pagkadakip ni Ravana


kay Sita.
A. babawiin si Sita kay Ravana
B. magdeklara ng labanan laban kay Ravana
C. hayaan na lamang ang asawa niyang si Sita
D. hintaying ibalik ang asawa para walang gulo

8. Ito ang kultura ng mga Hindu na ipinakikita sa pahayag na tumanggi si


Maritsa na tulungan sina Ravana at Surpanaka laban kay Rama
sapagkat kakampi raw nito ang Diyos.
A. takot sa Diyos
B. pagiging duwag
C. pagpapahalaga sa kapwa
D. pagtanggi sa hindi mabuting gawain

9. Ito ang maaaring kahantungan nang pagsisinungaling ni Surpanaka sa


kaniyang kapatid na si Ravana.
A. makakamit ang kaligtasan
B. maaaring maging sanhi ng pag-aaway
C. magiging dahilan ng pagkakasundo
D. magkakaroon ng kaayusan sa kanilang samahan

10. Ito ang maaaring kahinatnan ng pagmamahal ni Surpanaka kay Rama


na may asawa na.
A. Hihintayin niyang mahalin siya ni Rama.
B. Siya ay mabibigong mahalin din ni Rama.
C. Gagawa siya ng paaran para mahalin siya ni Rama.
D. Hindi na niya itutuloy ang nararamdaman para kay Rama.

3
Aralin

1 Rama at Sita

Ngayon, sasamahan kita sa panibagong biyahe. Ito ay sa isang


bansang matatagpuan sa Timog Kanlurang Asya – ang India. Tulad ng
maraming bansa sa Asya, mayaman din ito sa mga akdang pampanitikan
tulad ng epiko. Isa na rito ang “Rama at Sita” na isinalin sa Filipino ni
Rene O. Villanueva. Aalamin natin kung ano-ano ang bumubuo sa kultura
ng bansang India at kung paano naiiba ang epiko sa iba pang uri ng
panitikan.

Balikan

Bago tayo magtungo sa India, balikan mo muna ang iyong nakaraang


paglalakbay. Naaalala mo pa ba kung saan iyon?

Mahusay! Sa Thailand.

Ngayon, subukin mo ngang sagutin ang mga gawain sa ibaba.


Kinakailangang matapos mo ang gawaing ito upang tayo ay makarating na
sa ating susunod na destinasyon.

Panuto: Sumulat ng tatlong (3) mahahalagang pangyayari sa, “Alamat ng


Face Mask”. Gamitin mo ang angkop na pang-abay na pamanahon,
panlunan at pamaraan at mga pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

1. ______________________________________________________________________.
2. ______________________________________________________________________.
3. ______________________________________________________________________.

4
Tuklasin

Mahusay! Habang tayo ay naglalakbay, gawin mo muna ang


HulaRawan na aking inihanda para sa iyo upang magkaroon ka ng ideya
tungkol sa bansang India.

Panuto: Kilalanin kung ano o sino ang mga nasa larawan. Isulat ang sagot
sa hiwalay na papel.

Ang dalawang palad ay


pinagdaraop at iniyuyuko ang
mukha. Ito ang paraan ng pagbati
at paggalang ng mga Hindu.

Ito ay ipinagawa ni Emperador


Shah Jahan para sa kaniyang
namayapang asawang si Mumtaz
Mahal bilang simbolo ng kaniyang
wagas na pagmamahal sa asawa.
Nagtagal ng 23 taon ang paggawa
nito. Dito siya nakalibing.

Isang madreng Katolikong


nakilala bilang isang “buhay na
santo” noong nabubuhay pa siya.

Pinaniniwalaan ng bansang
India ang kagandahan,
katotohanan, at _______________.

5
Suriin

Basahin mo ang epikong “Rama at Sita”. Tuklasin ang mga kulturang


Asyanong masasalamin sa epikong ito at hulaan ang mga maaaring
mangyari sa mga mababasa/maririnig na pangyayari

Ang akdang ito ay maririnig din sa link na ito:


https://youtu.be/RhIP1hWwxuw

Rama at Sita (Isang kabanata)


Epiko – Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama, Sita, at


Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang
dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si
Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng
mga higante at demonyo. “Gusto kitang
maging asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi
maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.”
Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas
siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni
Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging
higante. Nilundag niya si Sita para patayin.
Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa
at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya
namang pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan


ang kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante.
“Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng
kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay
Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa
gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi
ang babae.

6
Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kaniyang
ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si
Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento
ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na


mabago ang sarili sa kahit anong anyo o hugis. Nang malaman ni
Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi
itong tumulong. “Kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita
nang hindi masasaktan si Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya
nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng


isang gintong usa. Tinawag niya agad sina Rama at Lakshamanan para
hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka
higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang
asawa, kinuha ni Rama ang kaniyang pana at busog. “Huwag mong
iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang
narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya
napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si


Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi,
kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay
nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si
Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis ni Lakshamanan kaya nagalit si
Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging
hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa
bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang
sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay
naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Rama ang usa at bigla itong naging si


Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring
Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na roba at humingi siya ng
tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang
libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana.
Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga! Itinulak ni Sita si
Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang
mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga
kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita
pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan.

7
Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal
siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.

Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang


sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni
Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.

Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang


naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi
nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.
Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante
sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga
higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang
lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si
Sita.

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para


salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na
unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na
pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang
naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay


ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante
nang makita nilang patay na ang kanilang pinuno. Umiiyak na
tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling
nagsama nang maligaya.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa


hiwalay na papel.

1. Anong kabayanihan ang ginawa ng pangunahing tauhan? Ibigay ang


ilang pangyayari sa epiko bilang iyong patunay.
2. Makatotohanan ba ang kaniyang ginawa upang patunayan ang
kaniyang pagmamahal kay Sita? Pangatwiranan.
3. Ano-ano ang mga ‘di makatotohanang pangyayari sa epikong binasa?
4. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?
5. Paano naiiba ang epiko sa alamat?

8
Salamat, sa iyong matiyagang pagbabasa/pakikinig. Inaasahan kong
marami kang natututuhan.

Upang higit na maging malawak ang iyong kaalaman sa aralin, narito


ang mga dapat mo pang malaman tungkol sa epiko.

Tutukan at Pag-aralan!

• Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan


ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya’y buhat sa lipi
ng mga diyos o diyosa.

• Ang paksa ng mga epiko ay tungkol sa mga kabayanihan ng


pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.

• Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na epos na


nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan.

• Mga Epiko sa Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim,


Ibaloy, Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Darangan.

• Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey ng Gresya,


Siegried ng Alemanya, Kaleva ng Pinlandiya, Ramayana at
Hiawatha ng India, Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya,
Beowulf ng Inglatera, El Cid ng Espanya, Epiko ni Haring
Gesar (Tibet)

Ngayon ay alam mo na kung ano ang epiko at ang iba pang


halimbawa nito.

Halika! Gawin mo ang inihanda kong mga gawain para sa iyo. Alam
kong kayang-kaya mo ito!

9
Pagyamanin

Gawain 1: #KatangiangTaglayIbigay
Panuto: Ibigay ang katangian ni Rama mula sa epikong Rama at Sita.
Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang sagot sa loob nito.

Pisikal Pag-iisip

RAMA
Ispirituwal Pagsasalita

Gawain 2: #Hula…hulang may tama!


Panuto: Hulaan ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na
pangyayaring napakinggan sa akda. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Pangyayaring nabasa o narinig Maaaring Maganap

1. Gustong-gusto ni Surpanaka si
Ravana.

2. Iniwan ni Rama si Sita para


habulin ang usa.

3. Umalis si Lakshamanan papunta


sa gubat para sundin ang
kagustuhan ni Sita.

4. Inihulog ni Sita ang mga bulaklak


sa kaniyang buhok.

5. Sinundan ng agila ang


karuwaheng lulan sina Sita at
Ravana.

10
Gawain 3: #KilalanAsya at KilalanINDIA
Panuto: Isa-isahing ilarawan ang mga kulturang Asyanong masasalamin sa
epikong Rama at Sita mula sa bansang India. Kopyahin ang grapikong
pantulong sa hiwalay na papel at isulat ang sagot sa loob nito.

Isaisip

Binabati kita! Mukhang lalo mong pinaghuhusay ang iyong pagsagot!


Batid kong napayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa epiko at kultura
ng bansang India. Mahusay mo ring naibigay ang iyong hula sa maaaring
maganap ukol sa mga ibinigay na pangyayari.
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

Katangian ko bilang isang Asyano, narito!

Ako bilang isang kabataang Asyano ay may mga katangiang


sumasalamin sa epikong aking binasa dahil ______________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

11
Isagawa

Panuto: Magsaliksik ng isang maituturing na bayani sa Kanlurang Asya.


Bigyan siya ng katangian batay sa mga hinihingi sa loob ng kahon. Ilarawan
din ang kulturang taglay niya bilang Asyano. Gayahin ang pormat sa ibaba
at sagutin sa hiwalay na papel.

Pangalan ng bayani: ________________________________________

A. Pisikal na katangian
________________________________________________________

B. Intelektuwal na kakayahan
________________________________________________________

C. Karangalang ibinigay sa bansa


________________________________________________________

D. Kabayanihang ginawa
________________________________________________________
E. Kulturang taglay bilang Asyano
________________________________________________________

12
Tayahin

Sa wakas, malapit na tayong matapos sa paglalakbay natin sa


bansang India. Ngayon pa lang ay binabati na kita!

Sa bahaging ito, tatayahin naman natin ang kabuuan ng iyong


natutuhan sa ating tinalakay.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan.


Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Anong paraan ang ipinakikita ng mga Hindu sa pagbati at


pamamaalam sa kanilang kapwa?
A. beso-beso C. pagmamano
B. namaste D. pagtango ng ulo

2. Aling katangian ang hindi dapat taglayin ng isang bayani?


A. mabait C. matipuno
B. malakas D. mayabang

3. Ano pa ang pinaniniwalaan ng mga Hindu bukod sa mga pilosopiyang


kagandahan at katotohanan?
A. kabutihan C. kasipagan
B. kapayapaan D. katapangan

4. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang bayani?


A. maganda o pogi C. matalino at matapang
B. maraming kaibigan D. may karisma sa madla

5. Hindi pumayag si Maritsa sa plano nina Ravana at Surpanaka laban


kay Rama sapagkat kakampi raw nito ang Diyos. Anong kultura ng
mga Hindu ang ipinakita sa pangungusap na ito?
A. pagiging duwag
B. pagkatakot sa Panginoon
C. pagpapahalaga sa kapwa
D. pagtanggi sa masamang gawain

13
6. Alin sa mga pahayag ang hindi dapat gawin ng isang bayani?
A. paggawa ng kabutihan
B. pagliligtas sa mga naaapi
C. pagtulong sa nangangailangan
D. paggawa ng away sa komunidad

7. Sinundan pa rin ni Lakshamanan ang kapatid na si Rama kahit ‘di


niya alam kung makababalik pa siya. Anong kultura ang
masasalamin sa pangyayaring ito?
A. pagiging matapang
B. pagpapahalaga sa pamilya
C. padalos-dalos magdesisyon
D. marunong sa pakikipagsapalaran

8. Ano ang maaaring maging epekto ng ‘di pagsasabi ng katotohanan ni


Surpanaka sa kaniyang kapatid na si Ravana?
A. magkakaroon ng pag-aaway
B. makakamit nila ang kapayapaan
C. magkakasundo ang kanilang samahan
D. magkakaroon ng kaayusan sa kanilang samahan

9. Ano ang maaaring mangyari kay Rama nang habulin niya ang gintong
usa?
A. Hindi na makababalik si Rama.
B. Siya ay masasawi dahil sa paglalaban.
C. Siya ay makikipaglaban sa gintong usa.
D. Mahuhuli ang gintong usa para sa kaniyang asawa.

10. Ano ang maaaring mangyari sa pag-ibig ni Surpanaka kay Rama na


may minamahal ng iba?
A. Siya ay mabibigong mahalin din ni Rama.
B. Hihintayin niyang ibigin din siya ni Rama.
C. Gagawa siya ng paaran para mahalin siya ni Rama.
D. Hindi na niya itutuloy ang nararamdaman kay Rama.

14
Karagdagang Gawain

Wow! Isang pagbati para sa iyo aking mag-aaral.

Pinatunayan mo ang iyong taglay na kasipagan at kahusayan sa iyong


paglalakbay. Narito ang karagdagang gawain upang mas malinang ang
iyong kaalaman.

MAGSALIKSIK UPANG MAGING MATINIK!

Magsaliksik ng iba’t ibang epiko mula sa Kanlurang


Asya.
Tukuyin kung ano-ano ang mga katangiang lumutang
sa pangunahing tauhan at ang mga kulturang nasalamin sa
epikong nasaliksik.

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian
Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9, Meralco Avenue, Pasig City.
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd- IMCS).

FRED_ship Club. Rama at Sita - Epiko ng HINDU INDIA. Nob.4,2019.


Youtubevideo,7:21https://www.youtube.com/watch?v=E4SVHxjrUDo

Garcia, Judith Ann. “Rama at Sita (Epiko ng mga Hindu) Dis.21,2020


Youtubevideo,7:21.https://youtu.be/RhIP1hWwxuw

17

You might also like