You are on page 1of 21

Pagbasa at Pagsusuri

SHS sa Ibat Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik

116
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Nagagamit ang Cohesive Devices sa Pagsulat ng Sariling Halimbawang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judith A. Calivara
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

117
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Nagagamit ang Cohesive Devices
sa Pagsulat ng Sariling
Halimbawang Teksto

118
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Nagagamit ang Cohesive Devices sa Pagsulat ng Sariling Halimbawang
Teksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan,
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

119
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Paggamit ang Cohesive Devices sa Pagsulat ng Sariling Halimbawang Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

120
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha


Sanggunian
o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

121
Week

3
Alamin

Naranasan mo na bang sumulat ng tekstong deskriptibo o kahit anong teksto


na ito? Ano-ano ang mga isinasaalang-alang mo sa tuwing ikaw ay nagsusulat ng
awtput bilang pagsasanay sa makrong kasanayang pagsulat? Maaaring alam mo ang
mga angkop na salitang gagamitin sa paglalarawan maging sa panghihikayat at iba
pa, ang tanong sapat na ba ito upang makabuo ka ng maayos na sulatin?
Sa bahaging ito ng modyul, matutulungan ka nito para mapahusay at
mapaganda pa lalo ang kakayahan mo sa pagsulat sa paggamit ng mga cohesive
devices. Pamilyar na ba ito sa iyo? Maaaring naituro na ito sa iyo at upang
manumbalik sa iyong alaala ang tungkol dito sasamahan kitang alamin.

Pamantayang Pangnilalaman:

 Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap:

 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang


kultural at panlipunan sa bansa.

Kasanayan sa Pampagkatuto

 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto


F11WG-IIIc-90

Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat:
2. nagagamit sa pagbuo ng sariling teksto: at
3. nakasusulat ng tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices.

122
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang sa iyong sagutang papel.
___ 1. Ang mga panghalip ay inihahalili maliban sa __________.
A. pangngalan C. hayop
B. bagay D. lugar

___ 2. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at


maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. cohesive devices C. istruktura
B. talasalitaan D. talata

___ 3. Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito makikita sa pangungusap?


A. gitna C. unahan
B. hulihan D. kabilaan

___ 4. Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na ang paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
A. Leksikal C. Pang-ugnay
B. Reperensiya D. Substitusyon

___ 5. Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit


inaasahang magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang nais ipahiwatig sa
nawawalang salita.
A. Substitusyon C. Leksikal
B. Pang-ugnay D. Elipsis

___ 6. Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao, pook, bagay o hayop. Anong bahagi ng
pananalita ang tinutukoy nito?
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pangngalan

___ 7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?


A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.

123
___ 8. Sa paggamit ng reperensiyang katapora, saan ito makikita sa pangungusap?
A. gitna C. unahan
B. hulihan D. kabilaan

___ 9. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. pangungusap C. mensahe
B. parirala D. salita

___ 10. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?


A. Pangngalan C. Panghalip
B. Pang-abay D. Pandiwa

___ 11. Si Teodoro ay isang binata na may edad labingwalo. Siya ay payat, mahilig
mag-basketball at nais niyang may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa.
A. Katapora C. Anapora
B. Leksikal D. Elipsis

___ 12. Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:


A. Pang-ugnay C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pandiwa

___ 13. Sa panahon ng ECQ lahat ng mamayang Pilipino ay abala sa paghahanda


ng pagkain, gamot, alchohol, sanitizer, at mapanatili ang kalinisan ng loob at
labas ng bahay.
A. Pag-uulit C. Pag-iisa-isa
B. Kolokasyon D. Pagbibigay kahulugan

___ 14. Ipaglaban mo ang karapatan mo, sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo


ang iyong mga magulang. Napagod silang lahat para makatapos kayo.
A. Anapora C. Kahulugan
B. Katapora D. Pag-iisa-isa

___ 15. Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na pag-ingatan ang kalusugan sa lahat
ng oras dahil ito ay walang pinipili, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o
wala, at bata man o matanda.
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Kolokasyon D. Substitusyon

124
Aralin
Pagsulat: Cohesive Devices
5
Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng SHS upang malinang ang
makrong kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto gamit ang mga cohesive
devices at paghahanda rin sa pagsulat ng pananaliksik hinggil sa mga isyung
panlipunan sa kasalukuyang panahon. Magagamit din ito bilang instrumento sa
mabisang komunikasyon, pasalita at pasulat man, na nagpapamalas ng kahusayan
sa pagpoproseso ng iba’t ibang impormasyon at pagbabagong teknolohikal na
nagaganap sa bagong henerasyon.

Balikan

Alam na alam mo na ba ang iba’t ibang uri ng teksto tulad ng tekstong


impormatibo, naratibo, persweysib, deskriptibo, argumentatibo, at prosidyural?
Tukoy na tukoy mo na ba ang pagkakaiba-iba at mga katangian ng mga ito? Tingnan
nga natin kung hanggang saan ang kaalaman mo dito.
Magbalik tanaw nga tayo sa tekstong deskriptibo. Ang layunin ng ganitong
teksto ay mapalutang ang katangian ng tao, bagay, lugar o hayop. Paano ang
paglalarawan?
May tinatawag tayong subjektibong paglalarawan mula sa mayamang
imahinasyon ng manunulat samantalang ang objektibo ay may pinagbabatayang
katotohanan. Mayroon tayong karaniwang paglalarawan gamit ang limang
pandama, ito ay ang paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama (5 senses).
Teknikal na Paglalarawan na kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga
ilustrasyong teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura
ng inilalarawan. Masining, di literal ang paglalarawan at ginagamitan ng
matalinhaga o idyomatikong pagpapahayag gaya ng tayutay. Siguro naman bumalik
na sa iyong isipan at makukuha mo ng gawin ang inihanda kung gawain para sa iyo.
Mayroong dalawang larawan sa ibaba. Ilarawan ang mga sumusunod sa isang talata
lamang. Gumamit ng hiwalay na papel sa paglalarawan at gawain.

Paglalarawan ng Pangulo ng Pilipinas


_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

125
Paglalarawan ng damdamin

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Itala ang iyong mga isaalang-alang sa paglalarawan ng pangyayari, tauhan, at


damdamin na ginamit mo sa paglalarawan sa itaas.

1. ________________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________________

Pag-usapan natin ang natapos mong gawain. Ang bahaging ito ng modyul ay
iyong magiging gabay o tulong sa sandaling ikaw ay magsusulat na ng sariling
halimbawang tekstong deskripitibo kasama ng matutuklasan mo sa kasalukuyang
aralin sa mga susunod na bahagi ng modyul na ito.

126
Tuklasin

Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan sa hiwalay na papel ang mga katanungang
nasa ibaba ng konteksto.

Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng


Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si
Diego ay nakita na ako sa labas ni Diego.Nilibot namin ang Luneta. Ang
Luneta ay lugar na kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot
namin ang Intramuros gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay napagod kaya
pinainom muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort
Santiago. Ang Fort Santigo ay isang makasaysayang pook sa Maynila.

Analisis:
1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano mo ito isusulat ng malinaw at
maayos ang kaisipan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pag-usapan natin ang kinalabasan ng iyong pag-aanalisa at rebisyon sa
nasabing konteksto. Unti-unti ng hinahasa ka sa kasanayang pagsulat at mas lalong
malilinang ito sa kaalamang matutunghayan mo sa susunod na bahagi ng modyul
na ito.

127
Suriin

Ang ginawa mo kanina ay may kaugnayan sa pagsulat ng mga pangugusap


na bumubuo sa mga talata kaya kailangan ng mga salitang mag-uugnay sa mga ito.
Dito makikita ang halaga ng cohesive devices. Upang higit na maging malinaw sa iyo
ang gamit ng cohesive devices sa anumang gawaing pagsulat, basahin mo na ang
konseptong ito!
Gamit ng Cohesive Devices
Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na
nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa.
Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga cohesive devices para makabuo ng
makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at
naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa
kaniyang isinulat.

1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy


o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito
ang anapora at katapora.

Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda


sa pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.

Halimbawa:

Hindi baleng mabigo ka na ipaglaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo
ka nang hindi man lamang dahil sa mga ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng


Doctorate in Humanities Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda


sa pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:

Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo sa akin. Di ko alam kung anong


nagawa kong kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in
Humanities Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

128
2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.
Halimbawa:

Bumigay na ang aking laptop kaya bumili ako


ng bago.

Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.

3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang


maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.

Halimbawa:

Nagpunta si Nadine sa mall at namili si


Nadine sa mall.

Nagpunta si Nadine sa mall at namili.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng


sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.

Halimbawa:

Ang mabuting magulang ay


nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.
1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.

a. Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.

129
b. Pag-iisa-isa

Halimbawa:

Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito


ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

c. Pagbibigay Kahulugan
Halimbaw:

Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga


pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa
hapag-kainan.

2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.

Halimbawa:

nanay-tatay guro-mag-aaral
doktor-pasyente hilaga-timog

puti-itim maliit-malaki mayaman-mahirap

Pagyamanin

Pagsasanay 1.
Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa teksto. Isulat sa patlang kung
Anapora o Katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat nang madiin
(bold). Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
__________1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang sigaw ng maliksing si Doris
habang pangko ang matandang lupaypay at tila wala ng buhay. Isinakay
siya sa huling bahagi ng kotse at saka mabilis nitong pinaandar ang
sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit hindi na umabot
nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.

130
__________2. Bayani ang mga taong handang tumulong sa nangangailangan kahit
walang hinihintay na kapalit o magbuwis ng buhay para sa bayan kung
kinakailangan. Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
__________3. Matamis na maasim ito. Ang may katigasan at kulay lilang balat ay
nagtataglay ng mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang
dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay na sustansiya. Hindi
pangkaraniwang prutas ang mangosteen.
__________4. Grab taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong teknolohiya
para mapadali ang paghahanap ng masasakyan? Ito ay alternatibo sa
nakasanayang de-metrong taxi.
__________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala sa ating
malalaking lungsod?
Pagsasanay 2.

Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-ugnay o leksikal ang ginamit na


cohesive devices sa mga sumusunod. Gawing gabay ang mga salitang nakasulat
nang madiin (bold) at isulat sa patlang ang sagot.
__________1. Nagbigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie naman ay tatlo.
__________2. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang kita ng kapalit.
__________3. Nabasa ng mga mag-aaral ang akda. Ang mga mag-aaral na ito ay
natuto sa binasa.
__________4. Nagkasama sa paglalakbay ang magkaibigan. Lalo nilang nakilala ang
isa’t isa sa biyaheng ito.
__________5. Ang mahusay na pagpapaliwanag at pagsasalita ang dahilan kung
bakit nahihikayat makinig ang mga tao sa kaniya.

Pagsasanay 3.
Obserbahan kung paano ginamit ang mga panghalip sa mga hinalaw na
talata mula sa isang tekstong pinamagatang “Propesyonalismo” ni Joselito
D. Delos Reyes.

131
Suriin ang mga ito sa ibabang talahanayan:

Tukuyin at isulat dito kung


anong panghalip ang ginamit sa
Bahagi ng Teksto talatang nasa kabilang hanay at
isaad
kung Anapora o Katapora ang
panghalip.
Halimbawa: siya-katapora
1. Sa ating bansa, may dalawang popular na
paraan para matawag na propesyonal. Una,
magtapos ng kursong kapag natapos,
kukuha ka ng pagsusulit na ibinibigay ng
Professional Regulation Commission (PRC).
Dapat kang pumasa sa pagsusulit na ito na
tumatagal ng isa hanggang apat na araw.
2. Hindi dahil sa winawalang bahala ko ang
propesyonal o lisensiyado. Napakahalaga
nito.
3. Sa mga pagawaan at estruktura,
propesyonal dapat. Lisensiyadong inhinyero
dapat. Dahil dumaan sila sa proseso ng pag-
aaral, pagtatapos, at pagpasa sa pagsusulit
para matawag na propesyonal na inhinyero.
4. Kaya lamang, may nakababahalang balita
nitong mga nagdaang araw. Itong usapin
hinggil sa kinatawan ng party list na
pangkabataan.
5. Shortcut, palakasan, pagbaluktot sa batas,
pagkalunod sa kapangyarihan para lang
makalusot sa Kongreso. Matapos ito,
tatawaging representative siya ng mga
propesyonal.

Pag-usapan natin anoman ang iyong kasagutan dito.


Ipagpalagay na hindi gumamit ng mga panghalip na ito ang may-akda, madali pa
rin kaya nating maunawaan ang teksto?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Paano nakatulong ang mga panghalip na ito para mabuo ang talata?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

132
Isaisip

Inaasahan kong naging malinaw na sa iyo ang tungkol sa araling tinalakay natin
ngayon. Upang malaman ko na may naunawaan ka sa Cohesive devices may gawain
akong inihanda para sa iyo. Tayo na! Ituloy na natin ito.

Dugtungang Gawain: Ipahayag nang malinaw ang anomang pagkatuto at


kahalagahang nakuha sa tinalakay na aralin. Isulat sa hiwalay na papel ang
kasagutan.

Bakit kaya mahalagang pag-


aralan pa ng mga kabataang
tulad ko ang cohesive devices
at sa anong aspekto ito
makatutulong sa akin bilang
mag-aaral? Alam ko na…

Nalaman ko sa araling ito na _____________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
at natutuhan ko na ______________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

133
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices sa
pamamagitan ng isang Travel Brochure. Lapatan ng pamagat. Gawing gabay ang
rubrik sa ibaba sa iyong susulating tekstong deskriptibo. Gawin at isulat sa isang
oslo paper o short bond paper.
Batayan sa pagsulat ng teksto:
1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan sa rehiyon. Halimbawa: Mga lugar
sa CALABARZON na iyong napuntahan
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng travel brochure.
3. Kinakailangang Obhetibo at Subhetibo ang katangian ng paglalarawan. Muling
silipin ang bahagi ng BALIKAN ng modyul na ito.

Pamantayan 4 3 2 1

Husay ng pagsulat Napakahusay at Nakagamit ng mga May kakulangan Kulang na kulang


at paglalarawan lubhang nakaaakit salitang ang pagkaka-gamit at hindi angkop ang
ang pagkakagamit mahuhusay at ng mahu-husay na mga salitang
ng mga salita sa nakaaakit sa mga salita sa ginamit sa
pagsulat ng pagsulat ng pagsulat kaya paglalarawan
paglalarawan. paglalarawan. naman hindi kaya’t hindi ito
gaanong nakaaakit nakaaakit sa
ang paglalarawan. sinomang
makababasa.

Paggamit ng Nakagamit nang Nakagamit ng mga Kakaunting datos Walang nasaliksik


angkop na datos angkop na mga datos na mula sa na nasaliksik lang na datos ang
tungkol sa lugar datos na lalong pananaliksik. ang nagamit at naisama at pawang
nakapagbigay rikit karamihan sa opinyon lang ng
sa paglalarawan. nakalahad ay manunulat ang
opinyon lang ng nailahad.
manunulat.

Paggamit ng Nakagagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Hindi gumamit ng


angkop na angkop na cohesive devices o cohesive devices o cohesive devices o
cohesive devices o cohesive devices o kohesyong kohesyong kohesyong
kohesyong kohesyong gramatikal sa gramatikal subalit gramatikal kaya’t
gramatikal gramatikal na pagbuo ng hindi ito sapat para walang kaayusan
lalong nagbigay paglalarawan. sa maayos na ang daloy ng
nang maayos na daloy ng paglalarawan.
daloy ng paglalarawan.
paglalarawan.

134
Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ginamit na cohesive device (Panghalip) sa


bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay anapora o katapora. Dalawa (2) ang
sagot sa bawat bilang.
__________1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay ang mabilis na pagbabago sa
larangan ng paggawa ng pelikula.
__________2. Tayo ngayon ay nasa panahon ng impormasyon, kaalinsabay ang
paggamit ng bagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula.
__________3. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.
__________4. At kahit mabigo ka, huwag kang mag-aalala. Hindi iyan ang sukatan
ng worth mo bilang tao.
__________5. Ipaglaban mo ang karapatan mo, write a story, hug your parents.
Napagod silang lahat para mapa-graduate kayo.

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
___ 6. Sa bahagi ng pananalita, ang siya, tayo, iyan, ito, doon, at sila ay mga
halimbawa ng ___________.
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pangngalan
___ 7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?
A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
___ 8. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. salita C. mensahe
B. parirala D. pangungusap
___ 9. Sa mga cohesive devices, saan nabibilang ang anapora at katapora?
A. Substitusyon C. Reperensya
B. Pang-ugnay D. Elipsis
___ 10. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at
maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. talata C. talasalitaan
B. estruktura D. cohesive devices
___ 11. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?
A. Pandiwa C. Pang-abay
B. Panghalip D. Pangngalan
___ 12. Nasira ko ang portfolio mo. Tutulungan na lang kitang gumawa.
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Leksikal D. Substitusyon

135
___ 13. Ang magkapitbahay ay nag-uusap kung ano ang puwede nilang ibigay
nadonasyon sa barangay. Nagbigay si Lenie ng limang kabang bigas at si Lorry
nama’y apat.
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Leksikal D. Substitusyon
___ 14. Ang pamahaang lokal ay ginawa ang lahat para makaiwas sa sakit na
nakamamatay at ang mga mamamayan naman ay dapat sumunod sa mga
patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
A. Substitusyon C. Leksikal
B. Pang-ugnay D. Elipsis
___ 15. Sa gitna ng pandemya higit na apektado ang maralitang pamilya.
Naghihirap sila kaya kailangang magtiis at magtipid sa ayudang kanilang
natatanggap.
A. Substitusyon C. Leksikal
B. Pang-ugnay D. Elipsis

Karagdagang Gawain

Muli binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga pagsubok sa
modyul na ito. Dahil diyan, bibigyan pa kita ng isa pang pagsubok kaugnay sa
katatapos na aralin. Kinakailangan lamang na maging malinaw at maayos ang
daloy ng kaisipan sa isusulat mo upang mapagtagumpayan mo rin ang gawaing
ito.
Bumuo ng sariling halimbawa ng bawat cohesive devices. Dalawang (2)
puntos sa bawat bilang. Isang puntos kapag mali ang pagkakagamit ng cohesive
device at dalawang puntos kung tama ang paggamit ng ng cohesive device.

1. Anapora ____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Katapora____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Substitusyon________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Elipsis_______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Pang-ugnay__________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
6. Leksikal_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

136

You might also like