You are on page 1of 1

Mga Tugmang de Gulong

1. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan.


2. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
3. And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
4. Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.
5. Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.
6. Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.
7. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.
8. Pasaherong masaya, tiyak na may pera.
9. Puwedeng matulog, bawal humilik.
10. God knows Hudas not pay.

Mga Tulang Panudyo


Ang tulang Panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na may layunin na uyamin o manudyo. Ito
rin kayarian na may sukat at tugma. Dito ay pinapapahayag na ang mga ninuno natin ay may
makulay na buhay nang bata pa sila.

You might also like