You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 6 Week 1

3rd Quarter

I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
II. Paksang-aralin
a. Paksa : Mapayapang Pamayanan, Inaalagaan ng Mamamayan
III. Pamamaran
a. Pagganyak
Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto sa pahina 109-110.
b. Pagtalakay
Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto.
Tanong: Bakit tinaguriang isang “milagro” ang pagbisita ni Pope Francis ditto sa
pilipinas?
Ano ang gamit na pariralang pang-abay sa pangungusap?
c. Paglalapat
Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain/pagsasanay sa pahina 110-111.
Ipatukoy kung ano ang kahulugan ng mga talasalitaan sa ibaba.
1. tinaguriang
2. pagtitipon
3. nagtungo
4. sigla
5. magdulot
d. Paglalahat
Binisita ni Pope Francis and Pilipinsa noong Enero 15-19. Sa kanyang pagdating
ay nagmisa siya sa Manila Cathedral, Tacloban, At Luneta. Dumalaw rin siya sa
Malakanang.
Naging masaya ang mga Pilipino sa pagbisita ng Santo Papa. Lahat ay nag-abang
sa kanyang pagdating.
Nagdulot ng pagkakaisang isperitwal ang pagdating ng Santo Papa sa Pilipinas.
Lahat ay naging madasalin at mapagmahal sa pamilya at kapwa.
IV. Pagtataya
Itanong:
Ano-ano ang mga nagging gawain ng santo papa sa pagdating niya sa Pilipinas?
Ibigay ang nagging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagdating ni Pope Francis. Paano nila
tinanggap ang Santo Papa?
Ano ang dinulot sa bansa ngpagdalaw ng Santo Papa? Ano ang naging epekto nito sa bawat
Pilipino?
V. Takdang aralin
Sumulat ng limang pang-abay na ginamit sa teksto.
Banghay Aralin sa Filipino 6 Week 1
3rd Quarter
I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarwan ng paraan, panahon at lugar ng kilos
at damdamin;
2. nakapagbibigay ng panuto.
II. Paksang-aralin
a. Paksa : Pariralang Pang-abay

III. Pamamaran
a. Pagganyak
Magtawag ng mag-aaral para basahin ang kanyang takdang aralin. (Pang-abay na ginamit
sa teksto)
b. Pagtalakay
Talakayin ang mga pariralang pang-abay.
Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng pang-abay base sa tekstong
“Payapang Pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas.”
1. Massyang dumating sa Pilipinas si Pope Francis noong ika 15 ng Enero.
2. Ang Santo Papa ay mainit na tinanggap ng mga Pilipino.
3. Sunod-sunod na nagdatingan ang mga tao sa Luneta.
c. Paglalapat
Ipatukoy ang pariralang pang-abay sa bawat pangungusap sa pahina 111.
d. Paglalahat
Ang mga pariralang pang-abay ay mga pang-abay na nagbibigay turing sa paraan,
panahon, lugar na ikinikilos, inilalarawan, at iba pang binibigyang-turing.
IV. Pagtataya
1. Ipagawa ang gawain sa pahina 112.
V. Takdang aralin
Sumulat ng limang pangungusap na ginagamitan ng pang-abay na pamaraan, pamanahon, at
panlunan.
Banghay Aralin sa Filipino 6 Week 1
3rd Quarter
I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarwan ng paraan, panahon at lugar ng kilos
at damdamin;
2. nakapagbibigay ng panuto.
3. Nagmumungkahi ng iba pang pangyayari na maaaring maganap sa binasang teksto.
4. Naisasagawa ang napakinggang hakbang ng isang gawain.
II. Paksang-aralin
a. Paksa : Pariralang Pang-abay
III. Pamamaran
a. Pagganyak
Pangkatin ang klase. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na makapaggawa ng
iskedyul para kay Pope Francis mula 15-19 ng Enero. Tiyaking makakagamit sila ng
Pariralang pang-abay.
b. Pagtalakay
Balikan nag teksto patungkol sa pagdalaw ng Santo Papa ditto sa Pilipinas.
Bigyang diin ang tamang pagkakasunod sunod ng tekstong binasa.
c. Paglalapat
Tanong:
Ano ang Pang-abay? Ano-ano ang mga uri nito?
Ano ang kahalagahan ng may sariling wika?
Bakit mahalagang tandaan ang tamang pagkakasunod-sunod ng tekstong binasa o
napakinggan?

d. Paglalahat
Ang mga pariralang pang-abay ay mga pang-abay na nagbibigay turing sa paraan,
panahon, lugar na ikinikilos, inilalarawan, at iba pang binibigyang-turing.

IV. Pagtataya
Hayaan ang mga mag-aaral na gawin ang pagtataya sa pahina 112-113.
V. Takdang aralin
Sumulat ng limang pangungusap na ginagamitan ng Pariralang pang-abay.

You might also like