You are on page 1of 2

Anting-anting (Maikling Kwento)

Ang init ng panahon, / si Nanay ay abala na naman sa pagluluto ng pagkain. // Malapit na din kasi
magtanghalian / at medyo kumukulo na rin ang tiyan ko / pero kaya ko pa namang hintayin ang oras ng
kainan. // Sobrang init talaga ng panahon, / bakit kaya ganoon? // Sana may kapangyarihan akong gumawa
ng yelo / para maging malamig sa bahay namin / para naman di ganitong tagaktak na naman ang aking
pawis. // Basang-basa na ang sando ko sa pawis / at ‘di na rin maganda ang pakiramdam ko / dahil sa
malagkit na kapit ng pawis sa aking di kaputiang balat. //

Ahh teka, / ako nga pala si Jojo, / Jonathan sa totoong buhay. // Heto ako ngayon / at nag-iisip kung
anong magandang kapangyarihan ba ang magandang taglayin / ‘pag naging super hero na ako / pero ang
pag-iisip na iyon ay naudlot / nung bigla akong tawagin ni lolo / na nakaupo sa kanyang tumba-tumba. //

“O Lo, / bakit n’yo po ako tinawag?” / banggit ko pagkalapit ko sa kanya. // “Wala naman apo, /
nais ko lang iwan sa iyo / ang isang regalo na magpapabago sa iyong buhay.” // Natawa na lang ako, / si
Lolo talaga mapag-imbento. // Wala na naman siyang lupa na maipapamana sa amin / dahil mahirap lang
ang lahi namin, / ano naman kayang pamana ang sinasabi ng lolo ko? // “Eh ano ba yung ibibigay n’yo sa
akin Lolo?” //

Kinuha niya ang kaliwa kong kamay / at ipinatong ang isang tila maliit na bato. // Nang tingnan ko
kung ano ang kabuuan ng batong iyon, / napagtanto ko na isa palang kwintas na may palawit na bato ang
ibinigay ni lolo. // “Ahhh. / Ang inyong anting. / Bakit nyo naman po ito ibinibigay sa akin Lo?” // “Apo, /
tapos na ang pangangalaga sa aking ng anting-anting na yan. // Dapat lang na ako’y lumisan na / upang
magkita na kaming muli ng iyong Lola. // Mali na pahirapan ko pa kayo sa aking katandaan / kaya apo, /
tanggapin mo ang aking handog at ito’y pangalagaan.” // Sabi niya sabay ngiti sa akin. // Nakita ko pa tuloy
ang bungal niyang ngipin. // Ngumiti na lang din ako / bilang tugon at tinitigang muli ang kwintas. //
Pagkatapos noon ay sabay-sabay na kaming nananghalian / kasama ang buong pamilya. //

Kinagabihan, / lumisan na si Lolo. // Iniwan na nga niya kami / at marahil ay masaya na silang
magkasama ni Lola sa langit. // Ilang araw na ibinurol si Lolo / at sa kanyang libing ay isinuot ko na ang
kanyang regalo / bilang tanda ng paggalang kay Lolo/ at sa kanyang iniwang paniniwala. //

Lunes ng umaga, / may pasok na naman. // Pagkatapos ng dalawang klase ay narinig kong
nagkayayaan ang mga lalake kong kaklase. // Nagtipon sila sa likuran ng silid aralan at nag-usap. // Maya-
maya pa, / lumapit sa akin ang isa sa aking mga kaklase at sinabi, / “ Jo, sama ka sa amin mamaya.” //
“Bakit naman? / Saan ang gala?” / tanong ko. // Sa dating tamabayan ! Maglaro ulit tayo ng ML . Minsan
lang ‘to.” Udyok ng kaklase ko. “Ayoko talaga bro. Sa susunod na lang.

Kinagabihan/ pagkatapos naming kumain/ nakatanggap ako ng text mula sa nanay ng kaklase ko,/
hinahanap niya ang anak niya/ dahil hanggang ngayon ay hindi pa daw ito nauwi//. Hindi naman ako
nakasagot/ dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin//. Ayoko naming/ mapagalitan ang tropa
dahil sakin/ pero// ayoko din namang magsinungaling sa mga magulang niya//.

Nagkayayaan/ po ang barkada na maglaro ng ML (Mobile Legends).// Hindi ko lang po alam kung
nasaan sila ngayon//. Iyan na lang ang naisagot ko/ sa mensahe ng nanay ng kabarkada ko.// Kinabukasan,
/nalaman ko na lang sa kaklase ko/ na napaaway pala ang mga kabarkada ko/ at mga nasa ospital ngayon/
dahil sa mga sugat na natamo nila sa pakikipag-away sa isang grupo.// Naisip ko tuloy, /buti na lang tinamad
ako at hindi sumama.//
Dumaan pa ang mga araw at/ ilan pang mga insidente ang nalagpasan ko.// Isa na dito yung
nagkayayaang mag-swimming ang buong klase,/ sumama ako dahil nandoon ang crush ko/ pero nagkaroon
ng aberya,/ naiwan ko yung anting ni lolo sa eskwelahan kaya kinailangan kong bumalik.// Hinintay naman
ako ng buong klase sa sakayan pero pagdating ko,// ayaw na nilang lahat tumuloy. /Nabalitaan ko na
nagkaroon daw /ng banggaan sa daan na dapat tatahakin ng sasakyan namin papunta sa paliliguan namin.//
Dahil sa takot /nagsiurungan na sila sa pagtuloy.// Sabi pa ng isa kong kaklase,/ buti na lang naiwan ko
yung kwintas ko/ kung hindi/ baka isa din kami sa mga namatay /at nasugatan sa banggaan kung
nagkataon.//

Hanggang ngayon/ na ako’y nagbibinata na maraming beses na akong nakaiwas sa maraming


aksidente./ Hindi ko alam kung talaga bang/ epektibo ang anting ni lolo/ pero// ang alam ko lang,/ ginagawa
ko lang kung ano ang nararamdaman kong dapat./ Dikta man ng anting/ o hindi,/ susundin ko/ kung ano
ang aking kutob//. Di pa din ako desidido/ sa kapangyarihan ng anting/ pero /mas mabuti na din na nasa
akin ito./ Mas panatag ang aking damdamin /dahil pakiramdam ko/, ginagabayan ako ni Lolo/ kasama si
Lola mula sa itaas.//

You might also like