You are on page 1of 1

Hindi Berbal na Komunikasyon

Ang hindi berbal na uri ng komunikasyon naman ay tumutukoy sa paraan ng


ating pakikipag-usap na hindi ginagamitan ng salita o tunog. Ito ay uri ng
komunikasyon kung saan gumagamit tayo ng ekpresyon ng muka, senyas, at
indayo ng katawan upang maipahayag ang ating damdamin.

Halimbaw ng Hindi Berbal na Komunikasyon

 Ang kawalan ng kakayanan na makatingin ng diretso sa pulis matapos mong


magawa ang krimen.
 Paggamit ng wikang pasenyas upang sabihin ang iyong nais.
 Pagpapakita ng pisikal na ekpresiyon gamit ang muka.
 Paggamit ng kumpas ng kamay.
 Pagkakaroon ng indayo ng katawan.

Berbal na Komunikasyon
Ang berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa ating paraan ng pakikipag-
usap o talastasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita na
napapakinggan ng tagapakinig. Malawak din ang nasasakop ng berbal na
komunikasyon sapagkat hindi lamang basta kung ano ang ating mga salita na
napapakinggan o nababanggit ang basehan upang magkaroon ng maayos na
komunikasyon. Kalakip ng berbal na komunikasyon ang wika, paggamit ng
salita, tunog, lakas ng boses, at pati na din ang tamang diin.

Halimbawa ng Berbal na Komunikasyon

 Pagtuturo ng isang guro sa kanyang mga estudyane.


 Pagsasalita o pag-aanunsyo sa tanghalan sa harap ng maraming tao.
 Pagpapaliwanag ng katangian ng iyong produkto.
 Pakikipag-usap sa iyong mga kaklase ngayong mayroon ng face to face na
klase.

You might also like