You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III

NEHEMIAH CHRISTIAN SCHOOL, INC.


WE GIVE THE BEST TO NURTURE YOUR CHILD
VALUES EDUCATION (ESP)
GRADE 4
3RD GRADING EXAMINATION
Name: Date: Score:

PANGKABUOANG PANUTO: This is a 40-item test, read each direction written in every type of test.
Answer this test in one hour. LETTERS ONLY

Test 1.
PANUTO: Piliin ang masayang mukha kung kanais-nais ang ipinakikitang gawain at piliin
ang malungkot na mukha kung hindi kanais-nais.

1. Ikinatutuwa ni Henry na ibang barangay ang sinalanta ng bagyong dumating.

2. Nangalap ng mga de-latang pagkain at bigas ang mga kabataan at ipinamahagi nila sa mga
sinalanta ng sunog.

3. Ipinamahagi ni Cora ang mga damit na maliit niyang damit sa mga biktima ng kalamidad.

4. Tinulungan ni Aling Celia ang mga nasalanta sa pamamagitan ng mataimtim na panalangin.

5. Nagbigay ng donasyon si Santi sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.

6. Hininaan ni Lovely ang volume ng radyo dahil natutulog ang kanyang lola na maysakit.

7. Pinaalahanan ni Ella ang mga kalaro na huwag magingay sapagkat nagpapahinga ang kanyang
Ama.
8. Ginugulo ni Kat ang kanyang kapatid na nag-aaral.

9. Tahimik ang buong klase ng Grade 4 – Gratitude sa oras ng kanilang pagsusulit.

10. Tinutulungan ni Angel ang kanyang nanay na may sakit upang maging komportable.

Test 2.
PANUTO: Basahin at unawain mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11. Mapalad ang mga lugar na hindi nasasalanta ng anumang kalamidad. Ano ang maaari nilang
gawin para sa mga nasalanta?

a. Panoorin lang sila sa telebisyon.


b. Bahala na sa kanila ang pamahalaan.
c. Makipag-ugnayan sa mga kinauukulan at mag-abot ng anumang makakayanang tulong

12. Nagbigay ng babala ang PAG-ASA tungkol sa parating na malakas na bagyo. Ano ang dapat
ninyong gawin?

a. Magwalang-bahala muna sapagkat maaari pang mag-iba ng landas ang bagyo.


b. Maghanda ng lahat ng mga kakailanganin sa oras ng pangangailangan at ipaalam ito sa iba.
c. Huwag maniwala sa babala.

13. Ang mga taong may magandang kalooban ay:

a. Nananalangin at tumutulong sa mga nangangailangan.


b. Nanonood lang sa mga taong nagsisilikas.
c. Naawa lang sa biktima.

14. Madaling mapagagaan ang kalagayan ng mga sinalanta kung ____

a. Tutulungan sila ng pamahalaan at pribadong sektor.


b. Tutulungan sila ng pamahalaan.
c. Tutulungan sila ng pribadong sektor.

15. Mabilis na pagkalat ng apoy. Ano ang tawag dito?

a. Baha
b. Sunog
c. Lindol

16. Anong uri ng paggalang ang ipinapakita ng nasa larawan?

a. Paggalang sa namamahinga
b. Paggalang sa nag-aaral
c. Paggalang sa maysakit

17. Anong uri ng paggalang ang isinasaad sa larawan?

a. Paggalang sa namamahinga
b. Paggalang sa nag-aaral
c. Paggalang sa maysakit

18. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng paggalang sa nagpapahinga?

a. b. c.

19. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa nag-aaral/edukasyon MALIBAN SA:

a. b. c.

20. Alin sa mga sumusunod na larawan ang HINDI nagpapakita ng paggalang?

a. b. c.

Test 3.
PANUTO: Isulat and TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, MALI kung hindi.

21. Makinig sa guro tuwing siya ay may pinapaliwanag.

22. Makipag usap sa katabi tuwing may nagsasalita sa harapan.

23. Ibigay ang buong atensyon sa nagsasalita.

24. Makinig ng mabuti tuwing may nagsasalita.

25. Huwag makinig sa ingay o sa iba pang bagay.


26. Siguraduhin naririnig ng maliwanag ang nagsasalita.

27. Gumawa ng ingay tuwing may nagsasalita sa harapan.

28. Huwag makipag-usap sa iba.

29. Maupo ng maayos tuwing nagsasalita at nagpapaliwanag ang guro.

30. Sabayan ng ingay habang ang iyong kausap ay nagsasalita.

31. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan.

32. Kung puno na ang basurahan ay itapon na lang ang basura sa ilog.

33. Pagsasagawa ng reduce, reuse, recycle.

34. Paglalakad sa halip na pagsakay lalo na kung malapit lang naman ang pupuntahan.

35. Tumulong sa paglilinis ng bakuran.

36. Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa.

37. Mayaman ang Pilipinas sa kultura.

38. Mas tangkilikin ang mga kuwento at palabas na gawa ng mga Koreano.

39. Gawing kawili-wili ang pagbabasa ng kuwentong bayan, alamat at epiko.

40. Dapat nating ikahiya ang ating kultura.

You might also like