You are on page 1of 2

MUNI-MUNI: WHAT AM I – A PESSIMIST OR AN OPTIMIST?

TAGALOG

Pesimista or oprimista.

Sa takbo ng ating buhay, kanya-kanyang daloy ng kwento ang ating

pinagdadaanan. Iba’t iba ang ating pinagmulan, gayon din ang ating paraan ng

pakikisalamuha natin sa ating kapwa, pati ang epekto ng ating interaksyon hindi lamang

sa iba ngunit pati sa pagpapaunlad ng ating sarili. Bilang resulta, ang mga epektong ito

ay nakapag-aambag ng kontribusyon sa ating personalidad, maging ang paraan ng

pagtanaw natin sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Sa ganitong pagninilay,

maitatanong natin ang ating sarili, “Ako ba ay pesimista o optimista?”

At ang aking personal na kasagutan sa aking personalidad – ako ay optimista.

Ang isang indibidwal ay maituturing na optimista kung siya ay madalas na

nakikitaan ng positibong na pagtingin sa mga sitwasyon, lalo na sa mga kaganapang

makikitaan ng kalaliman o kabigatan. Dagdag rito, karaniwang positibo ang nagiging

pagtingin ng lipunan sa isang optimistang tao dahil sa payak na kaliwanagan na siya ay

nakapagbibigay rin ng mabuting epekto sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Masasabi kong optimista ang aking pagtatasa sa aking sarili dahil napapansin ko

ang pananatili ng aking positibong presensya sa gitna ng isang pagsubok o mabigat na

sitwasyon. Halimbawa na lamang na sa tuwing pagkakataong mapapansin ko na may

pagbabadya na maging mababa ang aking grado sa isang asignaturang nahihirapan


ako, napananatili ko ang aking sarili na maging kalmado at positibo, kaakibat ang mga

paraan at solusyon na aking pinaplano upang makabawi sa kinakaharap kong

pagsubok bilang estudyante. Bilang resolusyon, nagiging positibo rin ang resulta dahil

sa pakikitungo ko sa aking sarili at sa sitwasyong kinahaharap.

Bilang esensya, hindi natin tunay na batid kung paano tayo nakikitungo sa mga

sitwasyon, sa ating kapwa, o sa persepsyon natin sa ating sarili. Maaaring optimista

ang ating personalidad, ngunit sa ibang bagay ay nagiging pesimista tayo, at vice

versa, gayunpaman, ang mga ito ay normal. Sa paglubog ng araw, lahat tayo ay

nananatiling tao lamang, na may kanya-kanyang paraan ng pakikisalamuha. Ang

mahalaga, napagbubuklod-buklod tayo ng iba’t ibang pakikitungo natin mula sa ibang

indibidwal, maging ang pakikitungo ng ibang indibidwal sa atin at ang kontribusyon nito

sa pagpapaunlad natin ng ating sarili.

You might also like