You are on page 1of 2

Cronica A.

Pedrasita
Samantha Alyson Aserit
Rafella Esteves
9-Platinum

Ang Oso at ang Usa

Sa isang malamig na bansa nakatira ang dalawang matalik na magkaibigang oso


at usa. Sila ay palaging magkasama mula tagsibol hanggang taglamig. Nakasanayan
na nilang magtayo ng bahay na matutuluyan tuwing dumarating ang taglagas nang sa
gayon ay handa sila sa panahon ng taglamig.

Nang dumating ang panahon ng taglagas, naghiwalay sila sa gubat upang


maghanap ng mga kahoy na magsisilbing haligi ng kanilang tahanan. Habang abala si
Usa na maghanap ng kahoy ay nakasalubong nya si Soro na naghahanap din ng mga
punong kahoy para sa kaniyang gagawing bahay para sa taglamig. Lumapit ang Usa sa
Soro para magtanong, ‘‘kaibigang Soro, ano ang iyong gagawin sa mga kahoy na
iyan?" tanong ng Usa. "Gagamitin ko ito para sa aking bahay sa taglamig, kaibigang
Usa" sagot naman ni Soro.

Lumipas na ang ilang oras ngunit 'di pa rin sila tapos sa kanilang pag- uusap
hanggang sa mapagkasunduan nilang magtulungan sa kani-kaniya nilang bahay na
gagawin. "Tutulungan mo ako sa paggawa ng aking bahay at tutulungan din kita" saad
ng Soro sa Usa. Dali-dali namang pumayag ang Usa sa kanilang kasunduan.

Habang patuloy sila sa paghahanap ng mga gamit ay nakita nila si Oso. Nakita ni
Usa na hirap na hirap si oso sa paggawa ng bahay ngunit hindi niya ito pinansin.
Nagsimula na sa paggawa si Soro at mas pinili ni Usa na tulungan ito kaysa kay Oso.

Lumapit si Oso sa matalik niyang kaibigang si Usa. "kaibigang Usa, akala ko ba'y
tulungan at sabay tayong magtayo ng bahay?" tanong ng Oso.

"Patawad kaibigan! Ngunit napagkasunduan na namin ni Soro na magtulungan


ngayong taglagas," Sagot naman ni Usa.

Sumagot muli si Oso "Labis na nakakalungkot ang iyong pagtalikod sa akin


kaibigan, ngunit wala akong magagawa sapagkat desisyon mo 'yan."

Malungkot na umalis si Oso upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Lumipas


ang ilang araw at sa wakas, tapos na ang bahay ni Oso at handa na siya sa panahon
ng taglamig. Samantalang si Usa, hindi pa nakakapagsimula ng kaniyang bahay
sapagkat inuna niyang tulungan si Soro.

"Tapos na ang iyong bahay kaibigang Soro, ako naman ngayon ang iyong
tulungan," wika ni Usa.

"Wala na akong pakialam sa kasunduang iyan dahil tapos na ang bahay ko!"
sagot naman ni Soro.

"Pakiusap Soro, Isang linggo na lamang ay darating na ang panahon ng


taglamig. Saan ako tutuloy kung hindi ako nakagawa ng bahay?" pakiusap naman
ni Usa.

"Bahala ka sa buhay mo! sagot muli ni Soro. Hindi ko kasalanang uto-uto ka!"

Hindi na alam ng Usa ang gagawin, kaya naman naglakad lakad na lamang
siya sa gubat kahit na hindi niya alam saang direksyon siya tutungo. Habang
naglalakad ay labis siyang nagsisising pinili niyang tulungan si Soro kaysa kay Oso.
Sa labis na kaniyang kalungkutan, napasilong na lamang siya sa isang puno at
umiyak.

Habang pabalik si Oso sa kanyang bahay matapos maghanap ng makakakain ay


nakita niyang si Usa ay nasa ilalim ng puno at umiiyak. Nilapitan niya ito at tinanong,
"Usa, anong nangyari sa'yo? Tapos na ba ang iyong bahay?"

"Wala na'kong panahon upang magtayo pa ng bahay, kaibigan" sagot naman ng


Usa. "Ako'y tinalikuran ni Soro matapos ko siyang tulungan. Labis akong
nakararamdam ng kalungkutan at hindi ko na alam ang gagawin".

"Huwag kang mag-alala kaibigan, hindi kita tatalikuran kailanman" saad naman
ni Oso. "Alam kong nasiyahan ka lamang sapagkat mayroon kang kaibigang bago, kaya
naman agad mo siyang pinagkatiwalaan. Sa darating na taglamig, maaari ka munang
makituloy sa aking bahay."

Nabuhayan ng loob si Usa at agad na tumayo. Agad niyang niyakap si Oso at


humingi ng paumanhin. Hindi niya inaakalang ang kaibigan na kaniyang tinalikuran ang
siya pang magsasalba sa problema na hindi niya na alam paano solusyonan.

You might also like