You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. Layunin
A. Nasusuri ang mga patakaran at programang inilunsad ni Pangulong Ramon F.
Magsaysay.
B. Nabibigyan halaga ang mga programa at patakaran ng mga Pangulo sa lipunan at bansa.
C. Nakakapagbigay ng mga programa at layunin ni Pangulong Ramon F. Magsaysay.

II. Paksang Aralin


Paksang Aralin: Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Ramon F. Magsaysay
Sanggunian: Araling Panlipunan (Ikatlong Markahan- Modyul 2)
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Mga Larawan

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Bata


A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Sino ang tagapagbalita ngayong
araw?
(Ang mga tagabalita ay nagsimula na sa
pagbabalita)
2. Balik- Aral
Sinong pangulo ang inyong
tinalakay sa nakaraang aralin?
Si Pangulong Elpidio R. Quirino ma’am

Tama, Magaling!
Magbigay ng mga surilaning
kinaharap ni Pangulong Elpidio
Quirino.
1. Hamong Pangkabuhayan
2. Banta ng Komunismo
3. Usaping Huk
Tama, Mahusay!
Isa sa mga program ani Pangulong
Quirino ay ang Farm- to- Market-
Roads. Nakatulong ba ng
programang ito sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng bansa? Paano? Nakakatulong ito dahil mas napadali ang
pag hatid ng mga produkto galing sa mga
sakahan papunta sa mga siyudad.

B. Paglinang sa Aralin
1. Pagganyak
Mga bata sinong pangulo ng
bansa ang nasa larawan?
Hindi po namin alam, ma’am
Kung ganon ay, inyong buuin ang
letra at sabihin kung ano ang
nabuo.
Ramon Magsaysay
Tama, Magaling!
2. Pag-alis ng Balakid
Kilala niyo ba kung sino si Ramon
F. Magsaysay?
Siya ay tinaguriang “Tagapagligtas ng
Demokrasya”
Tama!
3. Paglalahad ng Aralin
Ngayon ay ating tutuklasin ang
mga patakaran at program ani
Pangulong Ramon F. Magsaysay
4. Pagtatalakay
Saan ipinanganak si Ramon F.
Magsaysay?
Sa Iba, Zambales Ma’am
Tama! Kailan siya ipinanganak?
Noong Agosto 31, 1907.
Magaling!
Kailan siya naging tanyag bilang
isang mahusay na lider ng gerilya?

Kailan at Sino ang nagpangalan Ikalawang Digmaan Pandaigdig


sakanya bilang gobernador
military ng Iba, Zambales?

Si Douglas McArthur nang palayain ng


Mahusay! Estados Unidos ang Pilipinas.
Napili siya ni Pangulong Elpidio
Quirino upang maging kalihim ng
Tanggulang Pambansa upang
mahawakan ang pagbabanta ng
mga Hukbalahap o tinatawag na?
Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones
Magaling!
Siya ay naniniwala na hindi
maaakit ang mamamayan na
sumapi sa komunismo kung ang
pamilya ay may mabuting
kabuhayan. Nagtagumpay siya sa
kampanya laban sa Hukbalahap
sa pamamagitan ng pagbigay ng
amnestiya. Ang kanyang
kampanya ay itinuturing na isa sa
pinakamatagumpay na
kampanyang anti- gerilya sa
modernong kasaysayan.

Noong bumagsak ang Bataan, ano


ang kanyang binuo?

Tama! Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon


Bilang kalihim ng Pagtatanggol,
kaniyang binuwag ang pamunuan
ng mga Hukbalahap. Pinigil niya
ang panganib na pinaplano ng
mga Pulahang Komunista.

Ano ang iniligtas ni Pangulong


Magsaysay?
Ang demokrasya ng Pilipinas
Tama, ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa.
Napigil niya ang paghihimagsik ng
Huk at napasuko ang
pinakamataas na lider nito na si
Luis Taruc.

Si Pangulong Ramon Magsaysay


ang Ikatlong Pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
Dahil sa kaniyang pagiging
malapit sa mga ordinaryong tao
siya ay kinilala bilang?
Kampeyon ng Masa
Tama, at pinakamahal na Pangulo
ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang
tiwala ng mga mamamayan sa
pamahalaan.
Ano ang kaniyang winakasan?
Winakasan niya ang korupsiyon sa
pamahalaan.
Magaling!
At siya din ang kauna-unahang
pangulo na nagbukas ng
“Malacanang” para sa lahat.
Naniniwala siya na “kung ano ang
nakakabuti sa karaniwang tao ay
makabubuti din sa bansa”.
Nagwakas ang kanyang
pamamahala nang mamatay siya
dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan na may
pangalan Mt. Pinatubo sa Bundok
Manunggal sa Cebu noong Marso
17, 1957.

Basahin ng malakas ang kanyang


patakaran at programmang
inilunsad.

(Ang mga bata ay nagsimula ng basahin


ang mga patakaran at programmang
inilunsad ni Pangulong Ramon F.
C. Pangwakas na Gawain Magsaysay)
1. Pagsasanay
Panuto: Punan ng mga
impormasyon ang data retrieval
chart.

Programa ni Layunin Resulta


Magsaysay ng ng
Programa Programa

2. Paglalahat
Ano ang nagging pokus sa
administrasyon ni Pangulong
Ramon Magsaysay?
Ang karaniwang tao ang nagging pokus
ng administrasyon ni Pangulong Ramon
Magsaysay.
Tama, Magaling!

Siya ay tinaguriang?
Tagapagligats ng Demokrasya
Magaling!
Ano ang kanyang pinatupad, na
nagbibigay ng proteksyon sa mga
magsasaka?

Agricultural Tenancy Act


Mahusay!

3. Pagpapahalaga
Bakit kailangan natin ang
sumunod sa mga programa at
patakaran ng mga Pangulo?
Upang umunlad at maging payapa ang
ating Bansa.

Magaling!

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Paano inalis ni Pangulong Magsaysay ang ligalig sa mga baryo?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit tinagurian siyang “Tagapagligtas ng Demokrasya”?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

V. Takdang- Aralin

Basahin ang mga patakaran at Programa ni Diosdado P. Macapagal at pagkatapos ay ilista


ang kanyang nagawa sa ating bansa.

You might also like