You are on page 1of 1

ESP V

I. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi wasto.
______1. Pagsasagawa ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
______2. Paglalaan ng oras upang magboluntaryo sa pag-aayos ng relief goods.
______3. Iasa sa pamahalaan ang pangangailangan ng lahat ng biktima ng kalamidad.
______4. Paglalagay ng post sa facebook upang magbigay ng impormasyon tungkol sa lindol.
______5. Ipagsawalang bahala ang panghingi ng tulong ng mga biktima ng kalamidad.
______6. Pagbibigay ng mga patapon at hindi na mapakikinabangang gamit sa nasunugan.
______7. Paggamit ng social media upang manawagan ng tulong para sa mga nasalanta ng
bagyo.
______8. Magsagawa ng proyekto upang matulungan ang mga nasunugan.
______9. Paggawa ng mga poster at flyers upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa
lindol at sunog sa inyong pamayanan.
______10. Pagbibigay ng mga relief goods sa mga biktima ng sunog sa ibang lugar.

II. Piliin ang wastong sagot sa kahon sa ibaba.


______11. Ito ay ang labis na pag-apaw o paglawak ng tubig.
_______12. Tawag sa paggalaw ng lupa na maaring magresulta ng pagguho ng mga gusali.
_______13. Ito ay pagkalat ng apoy na maaring maging sanhi ng pagkasira ng mga istruktura.
_______14. Ito ay ang malakas na pag-ulan na may kasamang kulog, kidlat at malakas na
hangin.
_______15. Tawag sa pagguho ng lupa mula sa mataas na lugar.

III. Basahing mabuti ang pangungusap upang mabuo ang salita. Punan ang mga
nawawalang letra sa loob ng panaklong.

16. ( b_nu_ul_y ) Ikaw ay palaging _______ o pinagkakaisahan ng iyong mga kaklase o kaibigan.

17. ( k_n_kut_a) Kapag ikaw ay nakikita ng iyong mga kapitbahay, ikaw ay madalas nilang ______ o
minamaliit dahil sa kulay ng iyong balat.

18. ( p_n_pa_o) Kadalasan kapag mainit ang ulo ni Tatay o pagod si Nanay dahil sa iyong kakulitan
kaya ikaw ay __________ o pinapagalitan.

19. ( p_n_ala_t) Ibang tawag sa pamimintas sa isang tao sa kaniyang pisikal na kaanyuan at iba pa.

20. (pa_m_mal_s_ _it) Pagtulong sa kapwa nang walang hinihingin kapalit

21. (p_ _ is) Kilala sila bilang tagapagpanatili ng kaayusan ng ating komunidad.

22. ( aw_ _ r_ da_) Sila ang mga taong dapat nating lapitan kung sakaling tayo ay nakararanas ng
pananakit o pambubully.

23. ( _s _ m b_ ng ) Ito ang dapat mong gawin kung may mga taong nananakit o nangungutya sa
iyo.

24. ( ma_t_mp_) Ito ay katangian na dapat mong taglayin at isaalangalang upang hindi ka lalo
masangkot sa anumang kaguluhan.

25. ( p_gma__ltra_o ) Ito ang tawag sa pang-aabuso o pagmamalabis sa iyong kapakanan bilang
isang tao

IV. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang SUMBONG kung ang kaguluhan ay kailangan
nang ipagbigay alam sa kinauukulan at USAP kung dapat lamang pagsabihan.
______26. Nakita mong binubully ang bago mong kaklase kaya naman nilapitan at ipinagtanggol mo
siya Humingi naman ng tawad ang mga nambubully.
______27. May mga programang inilunsad ang inyong barangay para sa mga nasunugan. May mga
pilit na nanlalamang kung kaya’t naisip mong ikaw na mismo ang magsa-ayos upang magkaroon ang
lahat ng pantay-pantay na ayuda.
______28. Maraming kabataan ang palaging nakatambay sa inyong kalsada tuwing gabi dahil sa
pagkakaroon ng karera ng motor.Ayaw magsipag-uwi at patuloy sa pag-iingay.
______29. Nadulas ka habang tumatakbo papasok sa paaralan, pinagtawanan at inaasar ka ng mga
batang nakakita sayo. Hindi mo nalang sila pinansin para walang gulo.
______30. Napapansin mong palaging sinasaktan at hindi tinatrato ng tama si Henry ng kanyang dahil
sa kondisyon nito sa mata.

You might also like