You are on page 1of 2

Mahabang Pagsubok I ARALING PANLIPUNAN: GRADO-8 (Ikatlong Markahan)

(Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses)


PANGALAN:______________________GRADO/SEKSYON:________________ISKOR:_____PETSA:________
I. A. Pamuto: Basahin at Suriin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang titik sa papel ng iyong wastong sagot.
1. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan? Binigyang-diin
niyang ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate.
A. John Locke B. John Adams C. Rene Descartes D. Jean Jacques Rousseau

2. Sa anong dahilan nagsimula ang kaisipan sa panahon ng enlightenment?


A. Nang gamitin ng tao sa mabuti para sa lipunan B. Nagsimula noong mamulat ang kaisipang pantao
C. Sa panahon ng kaalaman ng tao ukol sa mga batas D. Ang rason ay ang “ilaw na tatanglaw sa wastong daan

3. Ito ay isang pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon
at maging sa edukasyon na nagbigay daan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses. Ito ay tinatawag n na Rebolusyong
Pangkaisipan o kilala din sa tawag na Panahong ____.
A. Siyentipiko B. Enlightenment C. Industriyal D. Panlipunan

4. . Ang “balance of power” o paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan ay nagpamulat sa mga Amerikano at Pranses
na naaapi ng ibang makapangyarihang bansa kaya naganap ang __________.
A. Rebolusyong Amerikano laban sa mga Ingles
B. Rebolusyong Ingles laban sa mga Pranses
C. Rebolusyong Amerikano at Pranses laban sa British
D.Pagtutulungan ng mga British at Pranses laban sa Amerikano

5. Ang Rebolusyong Pranses at Amerikano ay naganap dahil sa kaisipan ng ilang philosophes; “likas na mabuti ang tao”,
naging masama lamang ito dahil sa impluwensiya ng lipunang masama na nag-uugat sa hindi pantay na
distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan nito. Kaninong kaisipan ito?
A. Thomas Hobbes B. Jean Jacques Rousseau
C. Voltaire D. Denis Diderot

6. Sa Panahon ng Enlightenment, maraming sumikat na pilosopo. Kabilang na ang Pranses na si Baron de Montesquieu
sa larangan ng politika. Ayon sa kanya,
A. Ang paghahati ng pamahalaan sa tatlong sangay; lehislatura, ehekutibo at hukuman.
B. Kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at kanilang pinuno.
C. Ang tao ay may karapatang mangatwiran,mataas na moral at karapatan ukol sa buhay,kalayaan at pag-aari.
D.Pinakamahusay na pamahalaan ang absolutong monarkiya.

7. Sa librong “A Vindication of the Rights of Woman” ni Wollstonecraft, bakit siya nanawagan na dapat pantay ang
edukasyon sa mga babae at lalaki?
A. Dahil siya ay galit sa kanyang asawa
B. Dahil sunod-sunoran lamang siya sa kanyang asawa
C. Dahil ayon sa kanya kailangan ito upang maging mabuting ina
D. Dahil ayon sa kanya ang edukasyon ay maaring magbigay ng armas na kanilang kakailanganin upang
makapantay sila sa kalalakihan sa pampublikong pamumuhay

8. Alin ang hindi totoo sa impluwensiya ng Rebolusyong pangkaisipan kaugnay sa naganap na Rebolusyong Amerikano
at Pranses?
A. Ang mga tao ay nawalan ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya.
B. Higit na naging mapanuri ang tao at iba-ibang pananaw ang kanilang natutunan.
C. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal nang sinusunod.
D. Naging mapangahas sa pagtuligsa sa estruktura ng lipunan at nagnanais na baguhin ito.

9. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng maraming tao sa larangan ng ekonomiya?
Nabago ito sa pamamagitan ng _____.
A. Panukala ni Adam Smith na ang pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan
B. Binatikos Denis Diderot ang “Divine Right” at ang tradisyunal na relihiyon.
C. Pagnanais ng mga philosophes ng kalayaan sa pamamahayag.
D. Pagtuligsa ni Baron de Montesquieu sa absolutong monarkiya
10. Unawain at suriin ang sumusunod na ilustrasyon. Sagutin ang kasunod na katanungan.
SANHI BUNGA
EDSA REVOLUTION
Korapsyon Pagpapatalsik kay Marcos
Malawakang Dayaan sa Snap Election Pagluklok kay Corazon Aquino bilang pangulo
Human Rights Violation
Pagkamatay ni Ninoy Aquino
REBOLUSYONG AMERIKANO
Paniningil ng mataas na buwis Pagkamatay ng mga sundalo at sibilyan
Stamp Act Paglaya ng United States mula sa Great Britain
Boston Tea Party
REBOLUSYONG PRANSES
Malawakang kahirapan Pagkalat ng ideyang liberal
Paniningil ng mataas na buwis Pagkamatay ng maraming mamamayan
Pang-aabuso sa mga mamamayan ng may kapangyarihan Pagpapatalsik sa hari o monarko

10. Batay sa ilustrasyon, ano ang idinudulot ng rebolusyon?


1. Napapalitan ang pinuno ng isang bansa.
2. Higit na humihirap ang mga mamamayan.
3. Nag-uugat ito sa maling pamamahala.
4. Pagbabago ng isang lipunan.

A. 1,3 B. 2,3 C. 1,2 D. 1,4


18. Ang cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa mga estado sa America. Ano ang mensaheng ipinakikita nito kung nangyari
ito sa panahon ng rebolusyon laban sa British?
A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas.
B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban.
C. Mag-ingat sa British na kawangis ng ahas.
D. Walang maaapi kung walang nagpapaapi.

19. Isang pinakapopular na lider Heneral sa France na kinikila bilang Emperor I dahil nasakop niya ang malaking bahagi
sa Europe.
A. Napoleon Bonaparte B. Haring Louis XVI C. George Danton D. Haring Louis XV

20. Anong sanhi sa ikinamatay sa labanan ni Napoleon Bonaparte?


A. Dahil sa paggamit ng guillotine
B. Dahil sa pagtapon sa kanya sa isang isla
C. Dahil tinamaan siya ng bala
D. Dahil sa Arsenic Poisoning
21. Anong labanan sa Europe na ikatalo ng mga Austrians at Prussians laban sa Rebolusyong Pranses?
A. Battle of Ulm B. Battle of Austerlitz C. Battle of Jena D. Battle of Friedland

22. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang nagsimula ang Rebolusyong
Amerikano, nagpadala ng tulong military ang France sa United States na Malaki ang naitulong sa pananagumpay ng huli.
Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo?
A. Magkakampi ang France at United States.
B. Magkasabay na nilalabanan ng England ang United States at France.
C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States.
D. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang England.

23. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?


A. Pagtanggal ng sistemang Piyudal
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatang Pantao.
C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika.
D. Paglawak ng ideyang Kalayaan, pagkakapantay-pantay, pagkakapatiran.
24. Hari ng Pransiya na naging malabis na maluho at magarbo sa kanyang pamumuno kahit ang kanyang mga
nasasakupan ay naghihirap ng lubusan
A. Henry VIII B. Louis XVI C. Edward III D. Peter I
25. Isang makina na ginamit sa panahon ng kaguluhan sa Pransiya at nagging simbolo ng hinahangad na reporma ng mga
tao A. Lethal injection B. Silya Elektrika C. Gas chamber D. Guillotine
26. Pamahalaan na pinamumunuan ng isang absolutong hari.
A. Imperyo B. Diktaturya C. Monarkiya D. Shogunato
27. Isang kulungan na sumisimbolo sa di makatarungang pamamalakad ng monarkiya
A. Karlskrona B. Bastille C. Santiago D. Warsaw
28. Isang insidente sa Pransiya kung saan maraming mga “royals” ang pinutulan ng ulo sa pamamagitan ng guillotine
dahil sa paghahangad ng mga taong patalsikin ang hari at magtatag ng republika
A. Pagbagsak ng Bastille B. Rebolusyong Pranses C. Reign of Terror D. Tennis Court Oath
29. Ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog Amerika bilang protesta sa Parliamento ng
Britanya
A. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan
B. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan ng himagsikan
C. Maging Malaya at isang karangalan
D. Walang pagbubuwis kung walang representasyon
30. Marubdob na damdamin ukol sa bayan at paghahangad ng kalayaan
A. Nasyonalismo B. Patriotismo C. Liberalismo D. Demokrasya

You might also like