You are on page 1of 56

9

ARALING PANLIPUNAN
Sariling Linanging Modyul
Ikatlong Markahan
Modyul: 1-6

Division of Angeles City


1
ARALING PANLIPUNAN 9 (Modyul 1)

Pangalan:________________________________________________ Linggo: 1-2

Seksyon:__________________________________________________ Petsa:______

Paksa: Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

*Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa


paikot na daloy ng ekonomiya

Panimula/Susing Konsepto

Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng


konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang modelo ng
pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat ng sektor sa isang
ekonomiya. Sa pamamagitan nito, naipakikita nang simple ang reyalidad.

Ang pagtataya sa buong gawi ng lipunan ay isang malawak na gawain. Upang


mailarawan ang galaw ng pambansang ekonomiya sa isang simpleng kalagayan maipakikita ito
sa pamamagitan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Unang Modelo. Payak na Ekonomiya. Ito ay nagpapakita ng isang payak na ekonomiya


na kung saan ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang gumagawa ng produkto ay siya
ring kumukonsumo.

2
Pigura 1

Modelo – Payak na Ekonomiya

Lumilikha ng mga
produkto

Kumukonsumo ng
mga produkto

Sambahayan Bahay-Kalakal

Ikalawang Modelo. Ang Bahay-kalakal at Sambahayan. Sa modelong ito, ang


ekonomiya ay nahahati sa dalawang sektor: ang sambahayan at bahay-kalakal. Mayroong
itong dalawang pamilihan: (1) ang pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets (lupa,
lakas-paggawa, entreprenyur, kapital) at (2) pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity
(kilala bilang goods market o commodity market) at serbisyo.

Pigura 2

Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan


Kita
Pamilihan ng tapos na
Produkto at Serbisyo Pagkonsumo

Produkto at
serbisyo Produkto at
serbisyo

Bahay-Kalakal Sambahayan
Input para sa
produksiyon Salik ng
produksiyon

Pamilihan ng Salik ng
Produksiyon
Sahod, upa at tubo Kita

Makikita sa Pigura 2, na ang nasa loob na daloy ay mga produkto at serbisyo sa pagitan
ng sambahayan at bahay-kalakal. Ipinagbibili o pinapaupahan ng sambahayan ang paggamit
ng kanilang lupa, lakas-paggawa, kapital, pamamahala sa pamilihan ng salik ng produksiyon.
Binibili naman ito ng bahay-kalakal na ginagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo na

3
ipinagbibili sa sambahayan sa pamamamagitan ng pamilihan ng mga tapos na produkto at
serbisyo.

Ang nasa labas naman na daloy ay nagpapakita ng kita ng ekonomiya. Ginagamit ng


sambahayan ang salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal. Ang
bahay-kalakal naman ay ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa pagbabayad ng paggamit
nila ng mga salik ng produksiyon gaya ng sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo para sa
may-ari ng bahay-kalakal.

May prinsipyong makukuha sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.

1. Ang paikot na daloy ay nasa ekwilibriyo. Dahil ito ay paikot, kung ano ang dumadaloy
palabas sa bawat sektor ay siya ring dadaloy papasok.
2. Ang gastos sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ay dumadaloy mula sa
sambahayan patungo sa bahay-kalakal at ang kita sa salik ng produksiyon ay
dumadaloy mula bahay-kalakal patungo sa sambahayan.

Ipinapakita dito ang kabuuang gastos at ang kabuuang kita ay masasabing patas o tama
lamang.

Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal. Makikita sa modelong ito kung paano nagdudulot ng
pagkakaroon ng palabas at paloob sa daloy ng ekonomiya. Ipinakikita sa Pigura 3 na ginugugol
ng sambahayan ang kanilang kita sa pagbili ng mga produkto at serbisyo. Ngunit hindi lahat ng
kanilang mga kita ay kanilang ibinibili ng mga produkto at serbisyo, ilang bahagi nito ay kanilang
itinatabi sa mga bangko bilang pag-iimpok.

Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga


pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay sa pamilihang pinansyal (bangko,
kooperatiba, insurance, pawnshop at stock market). Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas
na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Ang bahay-kalakal naman ay nais na palakihin o palawakin ang kanilang produksyon


kung kaya’t mangangailangan sila ng karagdagang puhunan. Ang mga may-ari ng bahay-
kalakal ay manghihiram sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal upang
gamitin sa pamumuhunan at makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Ang paghiram ng
bahay-kalakal sa mga pamilihang pampinansyal ay may kapalit na kabayaran sa pamamagitan
ng interes sa hiram na puhunan. Samakatuwid, ang pamumuhunan ay isang papasok na daloy
sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon at


paglaki ng pamumuhunan. Para maging matatag ang ekonomiya, kailangan na may ipon ang
sambahayan at bahay-kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng
bahay-kalakal, tataas ang produksyon. Inaasahan din na dadami ang oportunidad para sa
trabaho. Sa ganitong modelo, kinakailangang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan.

4
Pigura 3

Ang Paikot na Daloy at Pamilihang Pinansyal

Upa, sahod, interes


at tubo Kita
Pangangapital
Bahay-Kalakal

Mga Salik ng Produkto


Produksiyon at
Serbisyo

Pamilihan ng Pamilihan ng mga Bangko


Salik ng Taposna Produkto
Produksiyon at Serbisyo

Mga Salik ng Produkto at


Produksiyon Serbisyo

Sambahayan
Pagkonsumo Pag-iimpok
Kita

Ikaapat na Modelo. Ang Pamahalaan. Sa modelong ito makikita kung paanong ang
pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.

Isa sa mga mahahalagang gawain ng pamahalaan ay ang paniningil ng buwis sa mga


kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal. Dahil dito, hindi lahat ng kinikita ng bahay-kalakal at
sambahayan ay naibibili ng mga salik ng produksiyon at naibibili ng mga produkto at serbisyo.
Ilang bahagi ng kanilang kinikita ay ibinabayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis.
Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Public revenue ang tawag sa kita mula sa
buwis. Ito ang ginagamit ng pamahalaan para sa mga pampublikong paglilingkod.

Ang pamahalaan katulad ng sambahayan at bahay-kalakal ay kinakailangan din na


gumastos para maisakatuparan ang paglilingkod sa mga mamamayan. Ang pamahalaan ay
gumagastos para sa pagpapasahod ng mga kawani nito, bumibili ng iba’t ibang produktong
kailangan upang patakbuhin ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Dahil dito ang gastos na ito
ay isang papasok na daloy sa ekonomiya.

5
Pigura 4

Ang Paikot na Daloy at ang Pamahalaan

Upa, sahod, interes


at tubo Pamumuhunan

Bahay-Kalakal Kita

Salik ng Produkto at
Produksiyon Serbisyo

Pamilihan ng Pamahalaan Pamilihan ng mga


Salik ng Taposna Produkto Bangko
Produksiyon at Serbisyo

Produkto at
Salik ng Serbisyo Pagkonsumo
Produksiyon
Kita
Sambahayan Pag-iimpok

Ikalimang Modelo. Kalakalang Panlabas. Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pag-
aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa. Ang pag-aangkat (import)
ay pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa, samantalang ang pagluluwas
(export) ay pagbebenta ng mga produkto at serbisyong gawa sa ating bansa.

Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na kalakalan sa paikot na daloy ng


ekonomiya. Napapansin mo marahil na hindi lahat ng mga itinitinda sa ating bansa ay dito
ginawa. Marami sa mga produktong ito ay gawa sa ibang bansa o inaangkat mula sa ibang
bansa. Pumapasok ang mga inaangkat na produktong ito sa ating ekonomiya at magiging
bahagi na ang mga produkto sa merkado. Ang pag-aangkat ay isang papasok na daloy sa
daloy ng mga produkto at serbisyo. Ang pag-aangkat sa mga dayuhang produkto ay
kinakailangang bayaran natin ito kung kaya’t ang pag-aangkat ay palabas na daloy ng salapi
sa ekonomiya.

Hindi rin naman lahat ng mga nagawang produkto sa ating bansa ay dito rin itinitinda.
Malaking bilang ng mga produktong ito ay iniluluwas natin sa ibang bansa. Dahil dito, marami
tayong mga produktong binibili ng mga mamamayan sa labas ng bansa. Bunga nito, kumikita
ang bansa sa pagluluwas, ito ay papasok sa daloy ng salapi sa ating bansa

6
Pigura 5

Ang Paikot na Daloy at ang Kalakalang Panlabas

Upa, sahod

Pagluwas
interes at

Kita
Bahay-
tubo Pamumuhunan
Kalakal
Salik ng
Produkto at
Produksyon
Serbisyo
Buwis Buwis
Pamilihan
Pamilihan ng ng Tapos Panlabas
Bangko
Salik ng na na Sektor
Produksyon Pamahalaa Produkto at
Pagkonsumo
Serbisyo

Pagkonsumo

Pag-aangkat
Sambahayan Pag-iimpok
Kita

Gawain 1
A. Panuto: Sagutan sa isang malinis na papel. Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na
pahayag ay wasto at kung MALI ay isulat ang pahayag upang maging tama.

________1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang


ekonomiya ng isang bansa.
________2. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya ay ang simpleng modelo ng
ekonomiya na may dalawang sektor; ang sambahayan at bahay-
kalakal.
________3. Ang bahay-kalakal ay may tunguhin na paunlarin ang kanilang
produksiyon.
________4. Ang panlabas na sektor ay may gawaing pag-aangkat at pagluluwas
ng mga produkto at serbisyo sa loob ng bansa.
________5. Ang paglago ng ekonomiya ang tanging tunguhin ng pag-aaral ng
ekonomiks.

7
Gawain 1

B. Panuto: Isulat kung kaninong gampanin sa paikot na daloy ang mga sumusunod. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.

Sambahayan Bahay-Kalakal Pamilihan ng Salik ng Produksiyon


Bangko Panlabas na Sektor
Pamahalaan Pamilihan ng mga Produkto at serbisyo

____________1. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon.


____________2. Nagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa labas ng bansa.
____________3. Nagpoproseso ng mga salik ng produksiyon upang maging mga yaring produkto
at serbisyo.
___________4. Halimbawa nito ay ang ahensiyang nagsasanay ng lakas-paggawa.
___________5. Dito mabibili nang tingi ang mga produktong kailangan ng sambahayan.
___________6. Nagbabayad ng buwis mula sa sahod.
___________7. Nagbibigay ng mga serbisyong pampubliko.
___________8. Nagbabayad ng buwis mula sa kita ng negosyo.
___________9. Itinatabi ang salapi ng sambahayan.
__________10. Nagpapautang sa mga bahay-kalakal upang mapaunlad ang kanilang
produksiyon.
__________11. Nangongolekta ng buwis.
__________12. Nagpapanatili ng kaayusan sa daloy ng ekonomiya.
__________13. Pangunahing tagabili ng lupa, lakas-paggawa, kapital at entreprenyur.
__________14. Tumatanggap ng upa, sahod, interes at tubo.
__________15. Sumusunod sa mga pandaigdigang regulasyon sa kalakalan.

Gawain 2

Panuto: Pag-ugnayin ang mga pahayag sa hanay A na naglalarawan sa hanay B. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Lumalahok ang pamahalaan sa sistema A. Unang modelo


ng pamilihan
2. Pagkakaroon ng relasyon ng panlabas na B. Ikalawang
Model kalakalan sa paikot na daloy ng ekonomiya
3. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring C. Ikatlong
Modelo kumukonsumo
4. Dito pumapasok ang pag-iimpok D. Ikaapat na modelo
5. Nahahati ang ekonomiya sa dalawang sektor: ang
sambahayan at bahay-kalakal E. Ikalimang model
6. Dito nagbebenta at bumibili ng kalakal at serbisyo
7. Ginagamit ang kanilang salapi sa pagbili F. Bahay-kalakal

8
ng mga produkto at serbisyo
8. Ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa G. Sambahayan
pagbabayad ng paggamit nila ng mga salik
ng produksiyon H. Pamilihan
9. May kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas
ng mga produkto at serbisyo I. Pamahalaan
10.Gumagastos sa mga pampasahod ng mga
kawani at bumibili ng iba’t ibang produktong J. Kalakalang Panlabas
kailangan upang patakbuhin ang gobyerno

Gawain 3

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga gampanin ng mga sumusunod na sektor sa paikot
na daloy ng ekonomiya.

SAMBAHAYAN

MGA SEKTOR PANLABAS NA


PAMAHALAAN NG PAIKOT NA SEKTOR
DALOY NG
EKONOMIYA

BAHAY-KALAKAL

Sambahayan Pamahalaan Bahay Kalakal Panlabas na Sektor

Susi sa Pagwawasto

9
ARALING PANLIPUNAN 9 (Modyul 2)

Pangalan:________________________________________ Linggo: 3

Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Ang Pagsukat ng Pambansang Kita

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita

Panimula (Susing Konsepto)

ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG


PAMBANSANG KITA

Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles,


Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang
mga sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa


antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung
bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin
ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap
na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga
nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka
lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang
datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan
ng ekonomiya.

Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonomiya, hindi maiiwasan na mailarawan ito gamit


ang pambansang kita. Walang malilikom na kita ang pambansang ekonomiya kung wala itong
malilikhang produkto. Sa pagsukat ng pambansang kita, naisasaalang-alang naman ang
dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya. Ang mga sumusunod ay ginagamit na
panukat ng pambansang kita.

10
GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL PRODUCT

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na Gross National Product ay
tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng
mga mamamayan ng isang bansa.

➢ Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso


ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang.
Gayundin ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi
ang nagsasagawa nito katulad ng pagtatanim ng gulay sa bakuran.
➢ Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy ay
hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil ito ay hindi nakarehistro
at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain
➢ Ang produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National
Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.

GROSS DOMESTIC PRODUCT

Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga


ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa
loob ng isang bansa.

➢ Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo
maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa
ay kasama dito.
➢ Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan na nasa loob ng pambansang
ekonomiya.

Gross National Income at Gross Domestic Product

• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay National Income Accounts.

• Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita, tinatawag itong National Income


Accounting.

• Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon, maaring quarterly o taunan.

11
Tatlong pamamaraan ng National Income Accounting

1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure Approach)

Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal,


pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang
sumusunod:

a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga gastos ng mamamayan tulad ng
pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng
gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal
tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksyon, sahod ng mga
manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa
pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.
d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas ang niluluwas o
export sa inaangkat o import.
e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na
hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga
transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.
f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income.
Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

➢ Sa isang pamamaraan ng gastusin, ang pormula ay :

GNI= C + I + G + ( X - M ) + SD + NFIFA
GNI = GDP + NFIFA

Halimbawa:

C = 130 M piso
I = 30 M piso
G = 24 M piso
X = 25 M piso
M = 10 M piso
SD = 3 M piso
GDP = 222 M piso
NFIFA = 60 M piso
GNI = 282 M
piso
➢ Sa paggamit ng pormula ng GNI, kapag pinagsama-sama ang lahat makukuha ang
halagang 282 M.

12
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added Approach)

Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa.
Ang anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor
ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga
ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy
na sektor ng ekonomiya ay agrikultura (agriculture), kasama ang pangingisda at paggugubat,
industriya (industriya) at paglilingkod (service).

Halimbawa:

Agrikultura - 60 M piso
Industriya - 80 M piso
Serbisyo - 53 M piso

GDP = 193 M piso


NFIFA = 10 M piso
GNI = 203 M
piso
➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang halagang 203
M piso.

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat
salik. Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang pambansang kita o national
income ng bansa. Ang mga kabilang sa National Income (NI) ay ang mga sumusunod:

a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) - sahod na ibinabayad


sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –Kabayaran na tinatanggap ng mga tao
na hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ay kita ng isang entreprenyur bilang salik
ng produksyon. Dito rin nabibilang ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang
kita ng entrepreneur sa kanyang negosyo ay tinatawag na proprietor’s income.
c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na tinanggap ng korporasyon at
pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan (KP)- ito ay lahat ng kita na tinanggap ng pamahalaan tulad ng
buwis, mga kinita ng korporasyon na pag-aari ng gobyerno at mga interes sa
pagpapautang ng pamahalaan.
e. Capital Consumption Allowances (CCA) – tinatawag na depresyong pondo na
inilalaan para sa pagbili ng bagong makina o gusali kung ang mga ito ay unti-unting
nasisira at naluluma.
f. Indirect Business Tax (IBT)- Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto o
serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng
pamahalaan.

13
➢ Sa isang pamamaraan ng kita, ang pormula ay:

NI= KEM + KEA + KK + KP


GNI = NI + IBT + CCA
Halimbawa:

KEM - 150 M piso


KEA - 60 M piso
KK - 15 M piso
KP - 25 M piso

NI = 250 M piso
IBT = 5 M piso
CCA = 12 M piso

GNI = 267 M
piso
➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang halagang 267
M piso.
➢ Ang compensation of employees ay ang sahod ng manggagawa. Ang rent ay kita mula
sa lupa. Ang interes ay mula sa capital. Ang buwis na galing sa kita ng bahay-kalakal ay
ang corporate income tax.

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES

Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga produkto at


serbisyo sa pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa pagsukat ng GNI.
Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan, ito ay ang mga sumusunod:

• Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa kasalukuyang presyo


- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
• Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na
produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan
pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year.

Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng


Growth Rate. Ano ba ng Growth Rate? Ang Growth rate ay ang sumusukat kung ilang bahagdan
ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba
upang masukat ang growth rate ng Gross National Income.

14
Taon Current/Nominal Growth rate ng Real/Constant Growth rate
GNI nominal GNI Prices GNI
2015 8,634,139 ----- 5,935,675 ----
2016 9,345,619 8.24 % 6,135,019 3.36%
2017 10,455,510 11.88 % 6,394,598 4.23%
2018 11,835,998 13.20% 6,899,136 7.89%

Pormula:

Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon − GNI sa nakaraang taon


GNI sa nakaraang taon X 100

Halimbawa:

2015 Nominal GNI = 8,634,139


2016 Nominal GNI = 9,345,619

Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon − GNI sa nakaraang taon X 100


GNI sa nakaraang taon
= GNI (2016) - GNI (2015) X 100
GNI (2015)
= 9,345,619 - 8,634,139 X 100
8,634,139
Growth Rate = 8.24%

LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.Sa pagtantya


ng GNI, hindi naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo sa bansa. May
mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakukwenta dahil ang mga ito ay hindi
ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na walang record sa ating pamahalaan o sa ibang
ahensya nito. Kabilang dito ay ang mga sumusunod:

- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng pinggan, at


pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran)
- Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga, nakaw na
sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, ata iba pa.)
- Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng isang planta ng koryente
upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon)
- Kalidad ng buhay

Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng


pagkatao ang pambansang kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat ng
pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng ekonomiya.

15
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung angkop ang tinutukoy ng pangungusap at MALI kung
hindi angkop ang tinutukoy ng pangungusap. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

__________1. Ang GNI ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at


serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
__________2. Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita ay National Income
Accounting.
__________3. Ang paglago ng GDP ay sandata ng pamahalaan sa pangungutan sa ibang bansa.
__________4. Hindi nasusukat ang mga kabilang sa impormal na sektor at hindi pampamilihang
gawain.
__________5. Ang GNI at GDP ay maaaring sukatin makalipas ang dalawang taon.
__________6. Ang pakikipagkalakalan ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ng
anumang bansa.
_________ 7. Kakayahan ng salapi ng tao na makabili ng mga produkto at serbisyo.
_________ 8. Ang rent ay kita mula sa lupa.
_________ 9. Nasusukat ng GNI at GDP ang dami ng pinagkukunang-yaman ng pambansang
ekonomiya.
_________ 10. Ang Expenditure Approach, Industrial Origin Approach at Income approach ay mga
pamamaraan ng National Income Accounting.

Gawain 2

A. Panuto: Gamit ang mga pormula na ating napag-aralan, sagutin mo ang mga
sumusunod. Ipakita ang solusyon at isulat ito sa inyong sagutang papel.

a. Pamamaraan ng panukat ng pambansang kita


1. C = ₱ 120 M 2. Agrikultura = ₱ 60 M 3. KEM = ₱ 100 M
G = ₱ 60 M Industriya = ₱ 40 M KEA = ₱ 50 M
I = ₱ 80 M Serbisyo = ₱ 35 M KK = ₱ 15 M
X = ₱ 90 M NFIFA = ₱ 10 M KP = ₱ 25 M
M = ₱ 45 M IBT = ₱ 5M
SD = 0 CCA = ₱ 12 M
NFIFA = ₱ 4 M

b. Growth Rate
4. GNI (Nakaraang taon) = Php 1, 950, 524.00

GNI (Kasalukuyang taon) = Php 2, 243, 714.00


5. GNI (Nakaraang taon) = Php 7, 336 ,088.00
GNI (Kasalukuyang taon) = Php 8, 634, 132.00

B. Panuto: Tanungin ang mga magulang tungkol sa kinikita at gastusin ng magulang sa loob ng
isang buwan. Isulat sa talaan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa inyong
sagutang papel.

16
Pamprosesong Tanong:

1. Magkano ang kabuuang kita ng iyong mga magulang sa loob ng isang buwan? At ilan ang
kabuuang gastusin ng inyong pamilya sa loob ng isang buwan?

2. May natira ba sa kabuuang kita ng iyong magulang kung ibabawas ang gastusin?
Magkano?

3. Ano ang masasabi mo sa kita at gastusin ng inyong pamilya? Sapat ba ang kinikita ng inyong
mga magulang sa gastusin ng inyong pamilya?

4. Sa iyong palagay, anu-anong mga pinagkakagastusan ng inyong pamilya ang di naman


masyadong mahalaga o kaya ay dapat palitan o bawasan?

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong o makapag-aambag sa gastusin ng inyong


mga magulang?

Pinagmumulan ng Kita Kita


Suweldo
Iba pang Kita
Kabuuang Kita
Gastusin sa Isang buwan Halaga
1.Pagkain
2.Pamasahe
3.Ilaw
4.Tubig
5.Gastusin ng mga Anak sa
paaralan
Kabuuang Gastusin

Gawain 3:

Panuto: Basahin at unawain ang balita tungkol sa pambansang kita ng ating bansa at sagutan
ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

Paglago ng ekonomiya, pinakamabagal simula 2015


ABS-CBN News
Posted at Nov 08 2018 02:29 PM

Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter (Q3) ng 2018, base sa
naitalang gross domestic product (GDP) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang gross
domestic product ay sukatan ng lahat ng mga ginagawang produkto at ibinigay na serbisyo sa
loob ng bansa sa itinakdang panahon. Base sa datos na inilabas nitong Huwebes, 6.1 porsiyento
lamang ang inilago ng ekonomiya ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre, na bahagyang
mas mababa sa 6.2 porsiyentong naitala noong Abril hanggang Hulyo nitong taon. Ito ang
pinakamabagal na paglago ng ekonomiya tuwing Q3 magmula pa noong second quarter ng
2015, ayon sa PSA. Nakita rin ang pagbagal ng paglago sa household consumption, na

17
pinakamabagal sa loob ng 4 taon. Dahil ito umano sa pagbaba ng paggastos sa pagkain at iba
pang mga pangunahing bilihin. Nasa 6.9 porsiyento naman ang naging paglago sa serbisyo
habang nasa 6.2 porsiyento ang natamong paglago sa industriya. Nagkaroon naman ng 0.4
porsiyento bawas sa agrikultura sa Q3, na maaaring dahil sa pinsalang dala ng mga dumating
na bagyo sa mga pananim, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Nananatili ang Pilipinas na isa sa may pinakamabilis na lumagong ekonomiya sa Asya, kasunod
ang Vietnam na may 7 porsiyentong GDP, at Tsina na may 6.5 porsiyentong GDP. "We are not
exactly exuberant about the 6.1-percent growth rate, but still comforted that we still remain one
of the fastest growing economies in Asia," aniya. Dagdag ng kalihim na kinakailangan ang 7
porsiyentong GDP sa Q4 para makamit ang lowend target na overall GDP nitong taon na 6.5
hanggang 6.9 porsiyento.

Magugunita ring bumagal ang paglago ng ekonomiya noong nakaraang quarter, o


mula Abril hanggang Hunyo dahil umano sa pansamantalang pagsara ng Boracay at mas
mabilis na inflation.
Pinagkunan: https//news.abs-cbn.com

Pamprosesong tanong:

1. Ayon sa balitang inyong binasa, bakit bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa simula
2015? Ipaliwanag?

2. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamabilis na lumalago ang ekonomiya sa Asya. Bilang isang
indibidwal, sa papaanong paraan ka makakatulong upang mapanatili ang paglago ng
ekonomiya ng ating bansa?

3. Sa iyong palagay, ano ang naiaambag mo o ng iyong pamilya sa pambansang produksyon


ng bansa? Bakit ito mahalaga tungo sa pambansang pagsulong ng ekonomiya?

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong iambag upang makamit ang pag-unlad ng
ating bansa?

Susi sa Pagwawasto:

18
ARALING PANLIPUNAN 9 (Modyul 3)

Pangalan:________________________________________ Linggo: 4-5

Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Konsepto, Dahilan at Epekto ng Implasyon

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon

Panimula (Susing Konsepto)

Kahulugan ng Implasyon
Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods.
Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang Implasyon ay pataas
na paggalaw ng presyo sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya.

Deplasyon at Hyperinflation
Deplasyon ang tawag kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin at
hyperinflation naman kung saan ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo ang presyo
ng mga bilihin.

Mga Konsepto sa Implasyon


Boom- mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalan ng trabaho
at may maayos na antas ng pamumuhay.
Depression- kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang antas ng ekonomiya kung saan
mataas ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng isang taon.
Slump- kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ay may pagbaba sa mga presyo ng mga bilihin.
Recession- pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng ilang buwan.
Stagflation- may paghinto ng ekonomiya kasabay ng implasyon.
Reflation- ekonomiyang may bahagyang implasyon.
Disimplasyon- proseso ng pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.

19
Inflationary gap- ang pangkalahatang
demand ay higit na mas malaki kaysa sa
suplay.
Phillip’s Curve- Ayon kay A.W Phillips, mayroong
trade-off, ito ang pagitan ng kawalan ng
trabaho at implasyon.

Ang pagtaas ng mga pangkalahatang


presyo ng mga bilihin ay ang tinatawag na
implasyon. Ano- ano ang mga dahilan kung
bakit nagkakaroon ng implasyon sa ating
ekonomiya? Ang mga sumusunod ay
makapagbibigay sa iyo ng kaalaman kung
bakit nagkakaroon ng implasyon.

Mga Dahilan ng Implasyon


1. Demand-Pull Inflation - ang patuloy na
pagtaas ng demand na hindi matugunan ng suplay. Kapag ang demand ay tumataas at hindi
matugunan ng suplay ang pangkalahatang presyo ay tumataas na nagiging dahilan ng
implasyon.

2. Cost-Push Inflation - Ang pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay makadaragdag sa


gastusin ng produksiyon. Ang pagtaas na ito sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga
natatapos na produkto.

3. Import-induced Inflation- kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na


produkto at nagkaroon sa pagtaas sa mga presyo nito,tumataas ang bilihin na magiging sanhi
ng implasyon.

4. Profit-Push Inflation- Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago ang mga
produkto na nagiging sanhi ng kakulangan at nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

5. Currency Inflation- ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng paggastos ng malaking


halaga upang makabili sa kakaunting produkto.

6. Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng


pangkalahatang presyo ng mga bilihin.

Epekto ng Implasyon
Hindi sa lahat ng pagkakataon negatibo ang implasyon dahil kung may naaapektuhan ay
mayroon din namang nabebenepisyuhan sa tuwing may implasyon.

Mga Nakikinabang sa Implasyon Halimbawa

Mga umuutang Ang pag-utang na may 10% interes ay


nanatiling 10% kahit may pagtaas na 15% ng
implasyon, Ang ibinayad na perang Php

20
1,000 ay Php 935 lamang halaga kaya siya
ay nakinabang.
Mga negosyante Ang negosyanteng maraming stocks na
produkto gaya ng asukal at nagkaroon ng
pagtaas sa presyo ng asukal ay tataas ang
kita ng hindi inaasahan.
Mga speculators Bumili ng mga bahay o lupa sa mababang
halaga sa mga hinihinala nilang kikita ng
malaki kapag tumaas ang presyo sa
hinaharap.
Mga taong may di-tiyak ang kita May mga taong kumikita sa komisyon kaya
tuwing may implasyon at tumaas ang
presyo tumataas din ang kanilang kita.

Mga Naaapektuhan sa Implasyon Halimbawa

Mga taong may tiyak na kita Sila ang naaapektuhan dahil sa hindi
nagbabago ang kanilang sahod at tumaas
ang presyo ng bilihin kakaunti na lamang
ang kanilang nabibili tuwing may implasyon.
Mga taong nag-iimpok Sila ay nalulugi kapag ang interes sa bangko
ay maliit kaysa sa antas ng implasyon.
Mga taong nagpapautang Sila ay nalulugi sa 10% interes na pautang at
binayaran sila ng Php 1,000, Php 935 lamang
ang tunay na halaga kung 15% ang antas ng
implasyon.

Maraming salik ang nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na nagiging sanhi
ng implasyon.
Basahin at unawain ang balita sa ibaba at sagutan ang mga hinihingi sa kahon. Ang mga
sumusunod ay makatutulong sa iyo upang mas maunawaan ang ating aralin.

Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin


By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014

Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin ang pagtaas ng presyo


ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang,
luya, bigas at asukal, tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya naman
ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata.
Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price Coordinating Council (NPCC)
para talakayin ang sunod-sunod na pagtaas na ito ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa
kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa
panayam ng DZMM na nagkaroon lang ng temporary shortage.

21
Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier habang ang
nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon. Naipit lang aniya ang ibang suplay sa mga
port at inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa loob ng dalawang linggo hanggang
isang buwan.
Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta ng mga
murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial na bigas, tutugunan ito ng National Food
Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng inilalabas nilang bulto ng bigas.
Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng broiler groups na
bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon na naranasan nitong mga
nakalipas na buwan.
Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga susunod na linggo.
Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas dahil sa pagtaas ng world price nito.
May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t hindi pa ito
inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang pinapayagan ang pagtaas
basta’t malapit sa antas ng inflation. “Kailangan talaga every year may ine-expect ka na pag-
akyat kahit konti,” sabi pa ng kalihim. With a report from Alvin Elchico, ABS-CBN News

Gawain 1
A. Panuto: Gamit ang balita sa itaas isulat sa dahilan ang halimbawa na iyong nakita sa
balita. Magbigay ng magiging bunga ng implasyon at ang epekto ng implasyon.

Dahilan Bunga ng Epekto ng


Implasyon Implasyon
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import-induced Inflation
Profit-Push Inflation
Currency Inflation
Petrodollars Inflation

Bago natin masasabing may implasyon na nagaganap sa ating bansa ay kailangan muna
nating alamin at malaman kung paano sukatin ang mga pagbabago sa mga presyo ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan.

Pagsukat sa Pagbabago ng Presyo

Purchasing Power of Peso- Ito ang ginagamit upang masukat ang tunay na halaga ng piso
sa kasalukuyang taon kumpara sa basehang taon.
Pormula:
PPP = 1
X 100
CPI kasalukuyang taon

Price Index- Ito ang average na presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo na
ikukumpara sa isang batayang taon.

22
Consumer Price Index (CPI)- Sinusukat nito ang pagbabago sa halaga ng salapi gamit ang
pagbabago sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa
kasalukuyang taon.

Pormula:
CPI= (Kabuuang presyo ng kasalukuyang taon)
X 100
(Kabuuang presyo ng basehang taon)

Inflation Rate- Ang antas ng implasyon kung saan ang porsiyento ng pagbabago sa CPI ng
kasalukuyang taon kumpara sa CPI ng nakaraang taon.

Pormula:
Inflation Rate = CPI kasalukuyang taon – CPI ng nakaraang taon
X 100
CPI ng nakaraang taon
Halimbawa:
Aytem 2019 2020
Bigas 1,050 1,250
Asukal 250 350
Kape 150 200
Mantika 200 250
Isda 120 180
Manok 160 220
Kabuuang presyo 1,930 2,450

Gamit ang pormula sa ibaba ay makokompyut ang Consumer Price Index na sumusukat sa
pagbabago ng mga produktong madalas na kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.

CPI = Kabuuang presyo ng Kasalukuyang Taon


X 100
Kabuuang presyo ng Basehang Taon
= 2,450
X 100
1,930
= 126.94

Inflation Rate = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaang Taon


X 100
CPI ng Nagdaang Taon
= 126.94 - 100
X 100
100
= 26.94

Ang antas ng implasyon ay 26.94%, ibig sabihin nagkaroon ng 26.94% na pagtaas sa presyo
ng mga bilihin sa pagitan ng 2019 at 2020. Nangangahulugang mas mataas ang bilihin ngayon
2020 kumpara noong nakaraang taon ( 2019 ) dahil sa implasyon.

23
PPP = 1
X 100
CPI kasalukuyang taon
= 1
X 100
126.94
= .7877

Ang kakayahan ng piso ngayon taong 2020 ay .7877 ibig sabihin ang kakayahan ng piso
ay makakabili lamang ng halagang .79 sentimos batay sa presyo noong taong 2019 dahil sa
implasyon. Mapapansin na habang lumalaki ang CPI ay lumiliit ang halaga ng piso.

Gawain 1

B. Panuto: Ilarawan ang nakikita sa bawat larawan tungkulo sa implasyon. Itala ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.
1.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________.
2.

BEANS
BEFORE: 20.00/KL BIGAS- _____________________________
BEFORE:
NOW: 25.00/KL
28.00 /KL.
NOW:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________.
3.

24
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_________________________.
4.
JANUARY – MAY (ECONOMIC PERFORMANCE
REPORT)

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
5. _________________________.

Gawain 2
Panuto: Punan ang kahon gamit ang pormula sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Aytems 2020 2019

Pagkain 1,300 1,050

Damit 1,250 900

Pamasahe 900 700

Kuryente 1,500 1,250

Kabuuang Presyo 4,950 3,900

CPI (1) ?

Inflation Rate
(2) ?

25
Purchasing Power (3)?

CPI= (Kabuuang presyo ng Kasalukuyang taon)


X 100
(Kabuuang presyo ng batayang taon)
CPI=

= ?

Inflation Rate = CPI kasalukuyan-CPI nakaraang taon


CPI nakaraang taon X 100
=

?
=

PPP = 1
X 100
CPI Kasalukuyan
= 1
X 100
126.92
=
?

Gawain 3
A. Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Ang mga umuutang, negosyante, mga speculators at mga taong may di-tiyak na kita ang
mga nakikinabang tuwing may implasyon dahil
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ang mga taong may tiyak na kita, mga nag-iimpok at mga taong napapautang ay
naaapektuhan tuwing may implasyon dahil
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________
3. Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya na dapat masolusyunan sa pamamagitan ng

26
_________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bilang mag-aaral, makatutulong akong maiwasan ang problemang dulot ng implasyon kung
_________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

Gawain 3

B. Panuto: Naranasan mo na ba ang malawakang pagtaas ng presyo ng halos ng lahat ng


bilihin? Halimbawa, nagkaroon ng pagtaas ang presyo sa halos lahat ng produkto. Piliin
sa loob ng kahon ang mga bibilhin mo kung may implasyon. Pumili ng sampung bagay
na iyong bibilhin at isulat sa nakalaang kahon. Iantas ayon sa una mong bibilhin
hanggang ikasampu. Pagkatapos ay sagutan ang mga pamprosesong tanong.

burger fried chicken soft drinks tubig juice damit sapatos


papel cellphone bigas isda gulay
prutas ballpen kape

1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
6. ___________________________________
7. ___________________________________
8. ___________________________________
9. ___________________________________
10. __________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang una mong binili at bakit ito ang una mong binili?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang nakaimpluwensiya sa iyo kung bakit ang mga produktong ito ang pinili mo?
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Ano ang isinaalang-alang mo sa pagpili ng mga produktong iyong binili?


__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Bakit tuwing may implasyon ang mga produktong ito ang dapat mong unahing bilhin? Ano
ang kahalagahan ng tamang pagdedesisyon sa suliranin ng implasyon?
___________________________________________________________________________

27
___________________________________________________________________________
5. Maglahad ng mga desisyong dapat mong gawin upang maiwasan ang implasyon.
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

28
ARALING PANLIPUNAN 9 (Modyul 4)
Pangalan:________________________________________ Linggo: 6
Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Ang Patakarang Piskal

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal

Panimula (Susing Konsepto)

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL


- tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis
upang mabago ang galaw ng ekonomiya. (Balitao et.al, 2014) Maihahalintulad ito
sa pagbabadyet sa mga gastusin sa iyong sariling mga pangangailangan o
pagbabadyet ng iyong mga magulang sa pangangilangan ng inyong buong
pamilya.
- ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili
ang kaayusan ng ekonomiya (John Maynard Keynes, 1935). Ipinapaliwanag nito na
ang paggasta ng pamahalaan ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa
pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources na mayroon ang isang bansa o
lugar. Ito naman ay magdudulot ng mas maraming oportunidad para sa trabaho o
negosyo.

DALAWANG PARAAN UPANG PANGASIWAAN NG PAMAHALAAN ANG PAGGAMIT NG


PONDO:

Expansionary Fiscal Policy


Contractionary Fiscal Policy
-isinasagawa upang mapasigla ang
matamlay na ekonomiya ng bansa. - ipatutupad kapag nasa alanganing
Halimbawa: pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya
- ang kabuuang awtput ay mababa Halimbawa:
nang higit sa inaasahan dahil hindi - lubhang masigla ang ekonomiya na
nagamit ang mga resources maaaring magdulot ng overheated
- mababa ang pangkalahatang economy
demand ng sambahayan - may mataas na pangkalahatatang
-walang insentibo sa mga awtput at employment.
mamumuhunan na gumawa o
magdagdag pa ng produksyon.

29
Expansionary Fiscal Policy
Paano ito isasagawa ng pamahalaan? Contractionary Fiscal Policy
Halimbawa: Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
- paggasta sa mga proyektong Halimbawa:
pampamahalaan - magbabawas sa paggastos ang
- pagpapababa sa buwis pamahalaan at mahihila nito ang
Ang mga ito ay muling magreresulta ng kabuoang demand
mas maraming trabaho para sa mga - patataasin ang buwis
mamamayan na makapagbibigay Ito naman ay magreresulta sa pagbagal
naman ng mas malaking kita sa ng ekonomiya kung saan liliit ang kita na
ekonomiya. Ganito rin ang magiging siya namang pipigil sa pagtaas ng mga
kaganapan sa bahay-kalakal kung presyo sa bilihin o implasyon. Sa pagtaas
saan mas makapagpoprodyus sila ng naman ng buwis, ang mga mangagawa
mas maraming kalakal o produkto dahil ay mapipilitang magbawas ng kanilang
ang mga maiipong salapi mula sa gastusin para sa pagkonsumo
ibabayad sana sa buwis ay maaari na
nilang gamitin sa iba.

KAHALAGAHAN NG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG PAMAHALAAN KAUGNAY NG MGA


PATAKARANG PISKAL NA IPINATUTUPAD NITO

1. Ito ang pangunahing tagapagtakda ng mga patakaran na maghahatid sa ikagaganda


ng kondisyon ng ating ekonomiya.
2. Nagsasaayos ng mga pamamalakad upang matugunan ang ilang problemang pang-
ekonomiya tulad ng pagbibigay regulasyon sa pagdaragdag at pagbabawas sa gastusin
gayundin sa pagpapataas at pagpapababa sa singil ng buwis.

ANG PAMBANSANG BADYET AT PAGGASTA NG PAMAHALAAN

Alam mo ba na ang pambansang badyet ay kahalintulad din lamang sa badyet sa


inyong sariling pamilya o tahanan? Kung paano nito tutugunan ang mga pangunahing
pangangailangan mula sa mga nalikom na salapi mula sa trabaho o negosyo na mayroon ang
isang pamilya. Subalit mas malawak at mas malaki ang ginagalawan ng pambansang badyet
dahil sa aspeto ng pagbibigay alokasyon sa bawat ahensya o departamento upang
maitaguyod ang kani-kanilang mga proyekto at programa para sa pambansang kaunlaran.

30
MGA PARAAN NG PAGHAHANDA

1. Budget call muna mula sa Department of Budget and Management o DBM para sa
lahat ng mga ahensya. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: hangganan
lamang ng badyet; paggasta; inaasahang buwis at kita para sa mga bawat
ahensya na nakabatay sa pagsusuri ng Development Budget Coordination
Committee.

2. Hinihimok ang pakikisangkot ng mga civil society organizations at iba pang mga
stakeholders.

3.Magkakaroon ng pagtatanggol ang bawat ahensya na masusi namang susuriin ng


DBM at pagkatapos ay ilalabas na ang kanilang rekomendasyon

4. Mula sa rekomendasyon, pag-aaralan naman ito ng isang Executive Review Board


mula sa Kalihim ng DBM at mga nakatataas na opisyal ng pamahalaan

5. Ang National Expenditure Program ay bubuoin na ng DBM ayon sa


napagkasunduan
ng Executive Review Board.

6. Ihaharap na ito sa Pangulo upang linangin ang NEP.

7. Titipunin na ang mahalagang dokumentong bubuo sa President’s Budget at NEP at


ito ay ipapasa sa Kongreso bilang General Appropriations Bill upang sang-ayunan at
maging isang ganap na batas.

31
ANG BADYET NG PAMAHALAAN

Badyet ayon
sa Sektor

ANG BADYET NG
PAMAHALAAN
Inihahanda ito ayon sa
prayoridad ng
Badget ayon pamahalaan kung saan Badyet ayon
sa iba't ibang ang edukasyon, sa Expense
kagawaran at pangkalusugan, social Class
special welfare at pang
purpose fund
pangunahing serbisyo
ang pinaglalaanan nito.

Badyet ayon
sa mga
rehiyon

Ang badget ng pamahalaan ay masusing pinag-aaralan upang


mapagkalooban ng tamang alokasyon ang pondo ng pamahalaan.

32
PAGGASTA NG PAMAHALAAN AYON SA EXPENDITURE PROGRAM

Ang mga pondo at salaping


nalilikom ay may katumbas na
paggastos. Upang maayos na
maipamahagi ito sa mga
proyekto at programang
pampamahalaan, kailangan
ang epektibong paggasta.

Ang expenditure Program ay


nakabatay sa pinakamataas
na gastusing nararapat sa
mga pananagutang dapat
maipagkaloob sa buong taon.
Ito ay nahahati sa tatlo:

CURRENT OPERATING NET LENDING


EXPENDITURES CAPITAL OUTLAYS -para naman sa mga
-para sa pagbili ng mga -pondong nakalaan paunang bayad sa
produkto at serbisyong upang makabili ng mga mga utang ng
tulad ng Personal produkto at serbisyong pamahalaan na
Services (hal. ay para sa makapagbibigay asset inilaan para sa mga
sahod, dagdag sweldo sa pamahalaan tulad ng programang may
at cost of living mga capital stock ng kaugnayan sa mga
allowance ng mga Government-owned and korporasyong
permanente, Controlled Corporation pagmamay-ari ng
pansamantala, (GOCC) at iba pang pamahalaan.
kontraktuwal at casual mga subsidies nito
na empleyado ng
pamahalaan) at
Maintenance and
Other Operating
Expenses-
MOOE (tulad ng
supplies, transportasyon,
tubig, koryente at iba
pang kumpunihin)

33
PINAGMUMULAN NG KITA NG PAMAHALAAN

Upang maayos na maisakatuparan ang lahat ng mga planong proyekto at programa, ang ating
pamahalaan ay nangangailangan ng salapi na tanging kinukuha sa buwis ng mamamayang
Pilipino, kita mula sa interes ng salaping nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tulong mula
sa mga dayuhan at pampribadong institusyon at mga ari-ariang pagmamay-ari ng
pamahalaan.

IBA’T IBANG URI NG BUWIS

Ayon sa kung sino ang apektado:


• Tuwiran - direktang kinokolekta mula sa mga indibidwal at bahay-kalakal (hal.
Witholding tax)
• Hindi-tuwiran - nakokolekta naman ito mula sa mga kalakal at paglilingkod (hal.
value-added tax)

Ayon sa porsiyentong ipinapataw:


• Proporsiyonal-anumang kalagayan sa buhay pantay lamang ang buwis na
ipinapataw

• Progresibo -habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon,


tataas din ang halaga ng buwis na kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987
Saligang Batas

Regresibo-kapag lumalaki ang kita, bumababa naman ang kanyang buwis.


Ayon sa layunin:
• Para kumita - upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga
operasyon nito (hal. sales tax, income tax)
• Para magregularisa - upang makontrol ang kalabisan ng isang gawain o
negosyo (hal. Excise tax)
• Para magsilbing proteksyon-upang pangalagaan ang interes ng mga lokal na
sektor laban sa mga dayuhang kakompetensiya (hal. taripa)

34
Gawain 1

A. Panuto: Mula sa mga polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa paggamit ng salapi,


maglahad ng mga epekto nito sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Paalala: Huwag sagutan ang mga kahon na may kulay.

EPEKTO NITO SA IYO BILANG:


SITWASYON
MAG-AARAL MAY NEGOSYANTE OPISYAL NG
PAMILYA PAMAHALAAN

1. Pagtaas ng singil
ng buwis
2. Pagbaba ng
singil ng buwis
3. Pagdaragdag sa
gastusin ng
pamahalaan
4. Pagdaragdag ng
suplay ng salapi
5. Pagbabawas sa
gastusin ng
pamahalaan
6. Pagbabawas ng
suplay ng salapi

7. Gagamitin ang
lahat ng mga
resources ng
pamahalaan
8. Hindi pagbibigay
ng insentibo sa mga
mamumuhunan

35
Gawain 2

Panuto: Gumawa ng isang pie grap na magpapakita ng iyong mungkahing pagbabalangkas sa


pambansang badyet. Isulat ito sa isang sagutang papel.

1. Bigyang pansin ang mga sumusunod na aspeto:

- Serbisyong Panlipunan
- Serbisyong Ekonomiko
- Serbisyong Publiko
- Pasan Na Utang
- Tanggulan

2. Paano mo ito hinati - hati?

3. Ano ang mas higit mong binigyan ng pansin o mas malaking badyet? Ipaliwanag.

4. Ano - anong mga proyekto o programa ang nais mong ipatupad sa paglalaan mo ng may
pinakamalaking pondo o badyet?

5. Paano mo mapoprotektahan ang sektor na pinaglaanan mo ng may pinakamalaking


badyet?

Gawain 3

Panuto: Isa-isahin ang iba’t ibang uri ng buwis at mga kaukulang halimbawa nito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

MGA URI NG BUWIS


1. Ayon sa layunin Paliwanag Halimbawa
1a)
1b)
1c)
2. Ayon sa kung sino ang 2a)
apektado
2b)
3. Ayon sa porsiyentong 3a)
ipinapataw
3b)
3c)

36
Susi sa Pagwawasto:

37
ARALING PANLIPUNAN 9 (Modyul 5)
Pangalan:________________________________________ Linggo: 7
Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Patakarang Pananalapi

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Patakarang Pananalapi o Monetary Policy ay ang paggamit o pagkontrol ng suplay ng


salapi at antas ng interes upang mapalago ang ekonomiya at mapatatag ang presyo sa
pamilihan

Ang anumang bagay na tinatanggap na pamalit ng mga produkto at serbisyo ay matatawag


na salapi.

MGA INSTRUMENTO NA GINAGAMIT NG BSP UPANG MAIPATUPAD ANG PATAKARANG


PANANALAPI

Fiat Money
Authority

Reserve Open Market


Requirement Operation
Pagkontrol
ng Suplay
ng Salapi

Rediscount Rate Moral Suasion

38
1. Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang mag-imprenta ng
salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi sa sirkulasyon, maaaring
mag-imprenta ng salapi upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng mga tao sa
bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung magkano
ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito ay tinatawag na
rediscounting.
4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng
pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at bumili ang BSP
ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar; binabayaran ito ng piso,
kung ang BSP naman ang nagbebenta ng dayuhang salapi, nakatatanggap naman
siya ng piso, sa ganitong paraan nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang
pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga bangko.
Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga gawain ng mga
bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring kausapin ng gobernador ng BSP
ang mga bangko upang maipaliwanag ang sitwasyon ng ekonomiya at kung paano
makatutulong ang mga bangko upang malutas ang anumang suliranin sa
pananalapi na kinakaharap ng bansa.

MGA URI NG BANGKO

PAGTITIPID
/THRIFT
BANK

TRUST
BANGKO COMMERCIAL
COMPANY BANK

RURAL
BANK

39
1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa
puhunan at ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand deposit
at iba pang serbisyong pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang tumanggap
ng papeles ng pagkakautang.
Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank, Metrobank at Equitable
PCI Bank.
2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito ang
tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa
mga mamumuhunan upang sila ay tumubo.

Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank, Banco Filipino


Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank
3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan kung
saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit lamang ang
kanilang puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong bangko ay mga
magsasaka, mangingisda at mga taong nabibilang sa sektor ng agrikultura.

MGA ESPESYAL NA BANGKO

a.Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang bangkong ito ng


pamahalaan upang magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran, lalung
lalo na sa larangan ng pagpapatayo at pagpapalago ng industriya ng bansa.
Nagpapautang ito sa mababang interes.
b.Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong ito bilang katuwang
ng programa sa repormang agraryo ng bansa. Ito ang pinanggagalingan ng
pondo ng programa at nagbibigay ng pautang at tulong sa mga magsasakang
nakasama sa repormang agraryo.
c.Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines)
Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila ng espesyal na bangko
na hindi lamang institusyong pananalapi kundi susunod din sa alituntunin ng
kanilang relihiyong Islam na may kinalaman sa pananalapi, pangungutang,
pagbabayad at pakikipagkalakalan.

40
IBA PANG INSTITUSYONG PANANALAPI

a. Kompanyang Seguro – ito ay nahahati sa dalawa: ang pribado at pag-


aari ng pamahalaan.
b.Government Service Insurance System (GSIS) ay itinalaga upang
mangolekta sa mga empleyado ng pamahalaan ng buwanang
kontribusyon bilang pag-iimpok sa kanilang pagreretiro sa serbisyo ng
pamahalaan.
c. Social Security System – ito ay itinalaga para mangolekta ng
buwanang kontribusyon sa mga empleyado ng mga pribadong
kompanya. Sila ay tatanggap ng pensiyon sa kanilang pagreretiro at
naka-seguro rin sila sa anumang mangyayaring aksidente at iba pang
pinsala sa katawan dulot ng kanilang trabaho.
d.Bahay-Sanglaan – ito ay nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral
na karaniwang alahas, kasangkapan, o kagamitan at anumang
mahahalagang bagay.
e.Tagapagpalit ng Dayuhang Salapi (Money Exchanger) – ito ay nasa
ilalim ng pamamahal ng BSP upang legal na makapagpalit ng mga
dayuhang salapi sa piso.
PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG PANANALAPI

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng bansa ay naharap sa matinding


kahirapan at pagkawasak ng ekonomiya dulot ng digmaan. Itinatag ang tatlong
pangunahing institusyon upang mamahala sa gagawing rehabilitasyon at sa sistema ng
pandaigdigang kalakalan. Ito ay ang:

1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong pananalapi at payo sa mga
bansang kasapi nito para sa kanilang programang pangkaunlaran, pagbawas sa kahirapan
at proteksiyon sa pandaigdigang pamumuhunan.
2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang sistema ng pananalapi sa
pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng dayuhang salapi at balanseng kita ng mga bansa
sa mundo. Ito rin ay nagbibigay ng teknikal at tulong pinansyal kapag may
pangangailangan at may humingi ng tulong.
3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) – Naitatag ito upang itaguyod ang
internasyonal na kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas o pagtatanggal ng mga
hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.

41
Gawin 1

PUNUAN MO!

Panuto: Punuan mo ng tamang kasagutan ang mga hinihingi sa loob ng


kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng diagram. Gawain ito sa iyong sagutang papel.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

INSTITUSYONG
BANGKO
DI-BANGKO

1. Batay sa iyong natutuhan paano nakatutulong ang Bangko Sentral sa problema ng mga
bangko?
2. Bakit mahalaga na mayroong ugnayan ang mga bangko at Institusyong di-bangko?
3. Paano mo mapapahalagahan ang bangko kung saan nakalagak ang iyong pera?

Gawain 2: SURIIN MO!

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang at sabihin kung ano ang epekto nito sa
kalagayan ng sektor ng pananalapi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Madagdagan ang oras ng pagdedeposito sa bangko


Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

42
2. Pagpapautang sa mga mahihirap na tao
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
3. Mababang interes sa mga pautang ng bangko
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
4. Mataas na interes sa mga nakadepositong bangko
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
5. Mahabang panahon na pagbabayad ng utang ng mga manggagawa
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
6. Pagbaba ng pension ng mga retirado
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
7. Walang insurance sa perang nakalagak sa bangko
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
8. Mabilis na proseso sa pangungutang sa bangko
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
9. Maikling oras ng paghihintay sa loob ng bangko
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
10. Madalas na offline ang mga ATM

43
Epekto sa pananalapi:
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Gawain 3

Panuto: Suriin ang mga larawan. Sagutan ang mga kalakip na katanungang nasa ibaba. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

P P
1000.00
500.0
0

500.0 1000.0
0 0

P P
100.0

200.0
0

0
100.0 200.0
0 0

P
50.00

50.00
Mga gabay na tanong:

1. Saan ko ilalaan ang mga salapi sa itaas?

2. Anong kaugnayan ng salaping ito sa patakarang pananalapi ng bansa?

3. Paano mo pinapahalagahan ang paggamit ng salapi?

Susi sa Pagwawasto

44
ARALING PANLIPUNAN 9 (Modyul 6)
Pangalan:________________________________________ Linggo: 8
Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Patakarang Pananalapi

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik


ng ekonomiya

Panimula (Susing Konsepto)

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN

BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA

Ang pag-iimpok ay isang sistema na kung saan ang


mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay iniimbak sa
bangko. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng kita
para sa hinaharap. Ang pag-iimpok ay isa sa mahalagang
gawain ng sambahayan na kailangan ng ekonomiya.

Samantala, ang mamumuhunan naman ay maaaring


utangin ang perang ito upang makapaglikha ng maraming
trabaho para sa mga Pilipino. Kung gayon, ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay nakatutulong sa pag-unlad ng isang
ekonomiya. May mga gawain ang sambahayan at bahay-
kalakal na nagdudulot ng pagkakaroon ng palabas at paloob
na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ginagastos ng
sambahayan ang kanilang mga kita ngunit hindi lahat ng
kanilang kita ay kanilang ginagastos dahil bahagi nito ay
itinatabi nila sa mga bangko bilang pag-iimpok.

45
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban ng paggastos
ng sambahayan para sa kanilang mga
pangangailangan sa kinabukasan. Dahil dito, ang pag-
iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay palaging may
layuning palaguin ang kanilang produksiyon kung kaya’t
madalas silang nangangailangan ng karagdagang
puhunan. Sila ay umuutang sa mga bangko upang
mamuhunan at makabili ng karagdagang salik ng
produksiyon. Kung ganoon, ang pamumuhunan ay
papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Ang pag-iimpok ay tinatawag ring pagtatabi o pag-iipon


para may magamit sa hinaharap. Maaari tayong mag-impok sa
bangko o sa alkansya. Maaari din tayong bumili o magbayad
ng mga insurances. Madalas ganito ang kaisipan ng bawat
Pilipino, ang magtago ng “savings” o ipon sa bangko.

Kadalasan ginagawa ito ng mga wais sapagkat ito ay


lumalago dahil sa interes sa deposito. Kaya naman mas
hinihikayat ng gobyerno na mag-ipon sa bangko kaysa
gumamit ng alkansya. Ang pag-iimpok ay bahagi ng buhay
at upang maging kapaki-pakinabang ang inimpok na
salapi, ilagay ito sa mga bangko o institusyong
pampinansyal.

Ang pamumuhunan o pagdaragdag ng istak


para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang
produksiyon. Ang pagbili ng mga makinarya,
paglalaan ng pondo para sa depresasyon ng mga
kapital at paghiram ng salapi ay ilan sa anyo ng
pamumuhunan na ang layunin ay para sa hinaharap.
Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na
salapi. Ang paggasta ay pagbili ng mga kagamitan,
mga salik ng produksiyon at iba pa.

46
Karaniwan sa mga namumuhunan ay gumagamit
ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa
bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi. Ang perang
hiniram upang gamiting puhunan ay nagmumula sa
inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi
tulad ng bangko o kooperatiba. Ang perang inimpok ng
mga tao sa bangko ay ipinapahiram sa mga negosyante
upang gamitin sa pamumuhunan. Ang pamumuhunan ay
isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Mas maraming
negosyo, mas maraming trabaho. Ito ay maaaring
magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran.

Ang ilan sa mga halimbawa ng bangko


na matatagpuan sa Pilipinas ay ang mga
sumusunod:

47
Mga Institusyong Bangko – ito ang mga institusyong
tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at
pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes
o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito
ay lumalago.

Uri ng mga Bangko

1. Commercial Banks - ito ang malalaking bangko. Nakapangangalap sila ng deposito


sa higit na maraming tao.

2. Thrift Banks - ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay


ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito sa
kanilang mga negosyo.

3. Rural Banks- nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang


mga mamamayan sa kanayunan.

4. Specialized Government Banks- mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag


upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.

a. LBP (Land Bank of the Philippines) – layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo sa
mga programang pansakahan.
b. DBP (Development Bank of the Philippines) – layunin ng DBP ang tustusan ang mga
proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines) – layunin nito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang
kanilang kabuhayan.

Mga Institusyong Di-Bangko – tumatanggap sila ng


kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at
muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng
panahon upang ito ay mapakinabangan.

Uri ng Institusyon ng Pananalapi na hindi Bangko

1. Kooperatiba- isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang


panlipunan o pangkabuhayang layunin. Ang perang inambag ng mga kasapi ay
kumakatawan sa shares at tumatayong pondo ng kooperatiba.

2. Pawnshop o Bahay-Sanglaan- nagpapautang sa mga taong madalas mangailangan


ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
48
3. Pension Funds

a. GSIS (Government Service Insurance System) – ahensiyang nagbibigay ng life


insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal
na pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikng paaralan.
b. SSS (Social Security System) – ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa
mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan.
c. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at
Gobyerno) – itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.

4. Registered Companies – kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at


Palitan (Securities and Exchange Commission o SEC) matapos magsumite ng basic at
additional documentary requirements, at magbayad ng filing fee.

5. Pre-Need- kompanya na rehistrdo sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya


na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-need.

6. Insurance Companies- rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapaatan


ng Insurance Commission na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation


ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na itinatag
noong Hunyo 1963 sa ilalim ng Batas Republika Blg. 3591. Ito
rin ay malayang institusyong pampananalapi na nag-uugnay
sa Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Ang PDIC ay
ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang
pag-iimpok sa Pilipinas.

49
Kapag maraming tao ang nag-impok,
maraming bansa ang mahihikayat na mamuhunan
sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa
ang mataas na antas ng pag-iimpok. Ang PDIC ay
gumagarantiya ng hanggang Php500,000.00 sa
deposito ng bawat depositor. Ang investment
product, fraudulent account, laundered money, at
depositong produkto na nagmula sa hindi ligtas at
unsound banking practices ay hindi kabilang sa
segurong ibinibigay ng PDIC.

Mga gawi na dapat isaalang-alang ng mga mag-iimpok sa bangko:

1. Kilalanin ang iyong bangko.


2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
7. Maging maingat.

Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga


bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang
pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din
ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang
mapakinabangan nang husto at walang
nasasayang.

Ang kita ay halagang natatanggap ng tao


kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
Maaari itong itabi o itago bilang savings o ipon. Ang
savings ay isang paraan ng pagpapaliban ng
paggastos. Ang ipon na ginamit upang kumita ay
tinatawag na investment. Ang economic investment ay
paglalagak ng pera sa negosyo. Maaari ring maglagay
ng ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds,
o mutual funds.

50
Mahalaga ang savings sapagkat ang pera na iyong naipon bilang
savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga
bangko. Ang mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing
tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan.

Ang umuutang o borrower ay maaaring


gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset o
pagmamay-ari na may ekonomikong halaga o
gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera
na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring
kumita ng interes o dibidendo.

Pero kung itatago mo nang matagal na panahon sa


alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang
lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Maaari ding magdulot
ito ng kakulangan sa suplay ng salapi sa pamilihan. Mas
makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na
bangko upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping
inimpok.

Sadyang napakahalaga ang mag-impok sapagkat kapag tayo ay


may trabaho ay may kita rin tayong matatanggap bilang kabayaran sa
ating serbisyo. Bahagi din ng kita na hindi dapat gastahin ang lahat ng kita
at sa halip ay iipunin na lang ito o ilalagay sa bangko at kung sakali mang
may problemang dumating sa atin o pangangailangan sa hinaharap may
mapagkukuhanan tayong pera.

Ang pamumuhunan ay kinakailangan lalong


lalo na sa mga negosyante dahil kung ang isang tao
ay may balak magtayo ng negosyo kinakailangan
niya muna ng puhunan nang sa ganoon ay magsilbi
itong dahilan upang muling pumasok ang nailabas
niyang pera sa paikot nitong daloy.

51
Gawain 1

Panuto: Ngayon naman ay suriin mo ang pagkakaiba ng mga institusyong bangko at di-
bangko. Ang gawaing ito ay magiging sukatan ng guro sa antas ng kaalaman o
pagkakaunawa batay sa pagkakaiba ng mga bangko at di-bangko. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Institusyong Bangko Institusyong Di-Bangko

Mga Tanong:

1. Paano nagkakaiba ang institusyong bangko at di-bangko?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay mag-iimpok, saang bangko mo dapat ilagak ang iyong pera?
Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyong


bangko at di-bangko sa lipunan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga institusyong bangko? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga institusyong di-bangko?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

52
Gawain 2

Panuto: Suriin ang pigura na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng kaalamang


natutunan tungkol sa istruktura ng pag-iimpok at pamumuhunan. Upang higit na
maunawaan sagutin ang mga tanong na susukat sa antas ng iyong kaalaman at pang-
unawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Naimpok Utang

Financial Intermediaries
Commercial Banks
Nag-iimpok Savings and Loans Nangungutang
Credit Unions
Finance Companies
Mutual Funds
Pension Funds

Interes at Pag-aari
Dibidendo

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay, ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga financial intermediaries sa nag-iimpok at


namumuhunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

53
4. Kung ikaw ay mamumuhunan, ano naman ang maaaring pakinabang mo dito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang umunlad ang ating


ekonomiya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Matapos mong mapag-aralan ang mga istruktura ng pag-iimpok at


pamumuhunan, ngayon ay paghambingin mo ang pag-iimpok at pamumuhunan sa
pamamagitan ng paglalagay sa Venn Diagram ng pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga katangian ng bawat isa. Gamiting gabay ang sagot sa katatapos na gawain at
sagutin ang mga tanong upang mapunan mo ng wasto ang dayagram. Itala ang
wastong sagot sa sagutang papel.

Pagkakaiba Pagkakaiba

PAG-IIMPOK PAMUMUHUNAN

Pagkakapareho

Mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang


salik ng ekonomiya?
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

54
2. Ano ang magiging epekto ng mataas na antas ng pag-iimpok at pamumuhunan sa
ekonomiya?
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ano ang kahihinatnan ng matatag na sistema ng pagbabangko sa bansa?


_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Kung ikaw ay mamumuhunan, paano mo pamamahalaan ang iyong negosyo


upang maging matagumpay ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasagawa nang tama ang pag-iimpok?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Repleksyon

Panuto: Punan ng mga kaisipan na natutunan sa mga paksa na nasa kaliwang bahagi
ng talaan. Gawin ito sa sagutang papel.

Paksa Natutunan
Paikot na Daloy ng
Ekonomiya

Pagsukat ng
Pambansang Kita

Implasyon

Patakarang Piskal

55
Patakarang
Pananalapi

Pag-iimpok at
Pamumuhunan

Susi sa Pagwawasto

56

You might also like