You are on page 1of 91

Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag.

She doesn't care


what other people think of her as long as she knew that she's not doing anything wrong. But what
everyone doesn't know is behind her happy-go-lucky attitude hides a very serious woman who knows how
to use a gun. Kaino Garcia is an NBI Agent who was given a job to protect a woman who knows too much.
Nang makita niya ang babae, gusto niyang matawa. She's nothing but a happy-go-lucky glutton woman. Ito
ba ang babaeng may alam ng lahat na kailangan nilang malaman? Baka nagkakamali lang ang superior
niya.

Pero walang nagawa si Kaino kung hindi protektahan si Gilen, ang hindi niya alam, na sa pag-protekta niya
sa dalaga, manganganib din pala ang puso niya.

CHAPTER 1

KAINO was beyond pissed when he heard the news. Wala siya gustong gawin kung hindi ang suntukin ang
kung sino man ang nagpapakalat ng cocaine at Marijuana sa bansa. Ang sarap tirisin ng mga ito at pagpira-
pirasuhin. Marami na ang kabataan na nasira ang buhay dahil sa drugs at ang masakit sa dibdib ay trabaho
niyang lipulin ang lahat ng drug dealer at drug pusher sa bansa pero hindi niya magawa dahil kulang siya sa
impormasyon at ibidinsiya.

"Kaino, I'm sorry. Nakalabas ng kulungan kanina si Jaime Ramirez."

Nanggigigil na ikinuyom niya ang kamao. "Ano pa ang silbi ng batas kung hindi naman iyon pinapatupad ng
maayos?"

"Kaino, you have to understand that we are under red tape. Kahit ako nanggigigil na ikulong ang hayop na
Jaime Ramirez na 'yon pero hindi ko magawa kasi wala tayong ebidensiya laban sa kanya."

"Evidence, my ass! Kahit naman siguro ipagduldulan pa natin ang ebedinsiya sa korte, wala pa ring
magbabago. Makakalaya na makakalaya pa rin siya."

His superior sighed. "Alam ko 'yon kaya nga pinatawag kita ngayon. I have a job for you."

Kumunot ang nuo niya. "A job for me? Pero may hawak akong kaso. Don't tell me tatanggalin mo ako sa
kaso no Jaime Ramirez. Sir, hindi naman yata-"

"Silence!" Sigaw nito na ikinatigil niya sa pagsasalita. Minsan nakakalimutan niya na superior niya ang
kaharap. Ito kasi ang ninong niya at para lang silang magkaibigan kung mag-usap. Kaya naman kapag
sumigaw na ito, minsan nagugulat siya.

"Sorry, sir." Nakatungong hingi niya ng tawad.

"Its okay, Kaino. I understand where you're coming from. Pero hindi naman kita tatanggalin sa kaso ni
Jaime Ramirez. Itong trabaho na ibibigay ko sayo ay konektado kay Jaime Ramirez."

"Ano po ba ang ipapatrabaho niyo sa akin, sir?"

Huminga ng malalim ang superior niya at may inilapag na larawan ng isang babae sa ibabaw ng mesa nito.
"That's Gilen Ramirez."
Tinitigan niyang mabuti ang babae sa larawan. She's beautiful, he gave her that. "Gilen Ramirez? How is
she related to Jaime Ramirez?" Tanung niya habang nakatingin parin sa magandang mukha ng babae.

"'Yon ang gusto kong alamin mo. It is said that she is Jaime Ramirez's daughter, pero mayroon ding
nagsasabi na ampon lang siya. Mayroon din akong nabalitaan na anak siya ng kapatid ni Jaime Ramirez. At
ayon naman sa informer natin, anak siya sa labas ng Jaime Ramirez. You see, walang nakakaalam kung sino
si Gilen Ramirez at kung ano ang kaugnayan niya kay Jaime Ramirez."

"'Yon ba ang gusto niyong alamin ko?"

"That and more. According sa informer natin, Gilen knows everything about Jaime's illegal businesses. At
nalaman ko rin na gagawin ang lahat ni Jaime para hindi magsalita si Gilen. I'm thinking na patatahimikin
nito ang babae."

"Kung ganoon, hindi niya anak si Gilen. Kasi kung anak niya si Gilen, e di sana hindi niya ito sasaktan."

"Hindi tayo nakakasigurado riyan. Kaya naman gusto kong kilalanin at portektahan mo si Gilen. Gawin mo
ang lahat para mapalapit sa kanya. Huwag mong sasabihin kung sino kang talaga, baka matakot pa 'yon
sayo at lumayo. Ang misyon mo ay protektahan siya at mapalapit sa kanya para malaman natin ang
katutuhanan."

Tumango siya. "Yes, sir."

"Good." May iniabot itong folder sa kanya. "Diyan nakalagay ang nalakap namin na impormasyon tungkol
kay Gilen. Gamitin mo iyon para makalapit ka sa kanya."

"Oho."

"Good. Now, leave my office and do what I told you to do."

Sumaludo siya. "Yes, sir."

GILEN rolled her eyes. Ewan talaga niya rito kay Marj e. Bulag lang ang drama. Kahit nga siguro bulag ay
makikita na gusto ito ni Marlon Aiken. Hay. Mai-stress siya kay Marj.

"Bahala ka sa buhay mo." Aniya kay Marj at tumayo. "I'm going to dance!"

Nagtuloy-tuloy siya sa dance floor. Habang umiindak sa maingay na musika, pakiramdam niya ay may
nakamasid sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasayaw. Nang mapagod, naglakad
siya patungo sa restroom. Akmang papasok na siya ng may makabungguan siya.

Nagtaas siya ng tingin at napangiti siya ng makita kung sino ang nakabanggan niya. "I'm sorry, Mr. security
guard. I didn't see you there." Aniya na may malapad na ngiti.

"Hindi mo ako nakita? Bakit, naka-drugs ka ba?"

Kumunot ang nuo niya. "What's drugs? Is that... some kind of food I can eat?"

"Hindi mo alam kung ano ang drugs? According to REPUBLIC ACT NO. 9165. It is the policy of the State to
safeguard the integrity of its territory and the well-being of its citizenry particularly the youth, from the
harmful effects of dangerous drugs on their physical and mental well-being, and to defend the same
against acts or omissions detrimental to their development and preservation. In view of the foregoing, the
State needs to enhance further the efficacy of the law against dangerous drugs, it being one of today's
more serious social ills. Ngayon, alam mo na ba kung ano ang drugs o gusto mong isa-isahin ko pa sayo ang
lahat ng batas na may kinalaman sa drugs?"

Hinilot niya ang nuo na sumakit sa republic act blah blah blah. "Mr. Security guard, iihi lang po ako. Wala
naman po yatang niri-recite na republic act diyan sa loob ng restroom para maka-ihi ako." Sabi niya
habang may ngiti sa mga labi. "Kaya naman, padaanin niyo na po ako. Puwede ba Mr. Security guard?"

May itinuro ang kamay nito. "Nakikita mo ba 'yon, Miss?"

Napamulagat siya ng makita ang male sign. Napakagat labi siya. "Ay, mali pala ako." Tumawa siya. "Akala
ko pambabaeng restroom."

Tinaasan siya nito ng kilay. "Doon ka mag-CR sa pambabae. Baka mahimatay ka pa kapag makakita ka ng
kung ano-ano sa loob."

Mataman niyang tiningnan ang kilay nito na nakataas pa rin. "Wow, ang galing mo naman. Alam mo bang
talentado ka kapag nakaya mong itaasa ang kilay mo at lalaki ka?"

"Sige, lokohin mo pa ako. According sa Republic act article-"

"Stop. Iihi na ako." Pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. Iihi lang naman siya. Wala siyang balak malaman
ang republic act chorva-chorva na iyan.

Nagmamadali niyang tinungo ang girl's rest room. Bago siya pumasok, nilingon muna niya ang lalaki.
Mataman itong nakatingin sa kanya na para bang pinagaaralan siya. She smiled at him and he looks
startled. Baka ito ang naka-drugs. "CR lang ako Mr. Security Guard."

He frowned and left. Kumunot ang nuo niya. Hay. Ang weird talaga ng mga tao sa mundo. Pagkatapos niya
mag-CR, binalikan niya ang table nila ni Clover.

"Hey, girls." Walang buhay na bati niya sa mga kaibigan.

Nakita niyang nagkatinginan si Marj at Clover. Sigurado siyang iniisip ng mga ito kung bakit wala siyang
gana.

"Anong nangyari sayo?" Tanung ni Marj.

Sumimangot siya. "May naka-argumento akong security guard doon sa may rest room. Na-drain yata ang
utak ko sa mga republic act na pinagsasasabi niya. Akalain mo bang sinaysayan ako ng mga batas? Hello!
Iihi lang po ako at nagkataong panlalaki ang napasukan ko kasi hindi ako nagbabasa ng sign. Alam kong
mali 'yon pero kailangan bang isa-isahin niya ang lahat ng batas sa Pilipinas?"

"Paki-explain nga ng mukha ng security guard na nakasagutan mo." Kunot ang nuong sabi ni Marj.

"Macho at guwapo." Sagot niya na may ngiti sa mga labi.

"Malaking tulong ang description mo." Sarkastikong wika ni Marj.

"What? E 'yon lang naman ang napansin ko sa kanya, well, maliban sa maganda niyang mata." Aniya ng
maalala ang mga mata nito. Napaka-guwapo talaga ni Mr. Security guard.
"I think si Kaino ang bouncer na tinutukoy mo."

"Kaino? Ang pangit naman ng pangalan niya." Komento niya pero ang totoo nagandahan siya sa pangalan
ni Mr. Security guard. "Pero okay lang. Guwapo naman e."

"Marjorie, can I talk to you for a minute?" Anang boses ng isang lalaki.

Nang lingunin niya kung sino iyon, it's Marlon Aiken. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaibigan niya?

"Bakit?" Tanung ni Marj kay Marlon Aiken.

"Basta." Anito.

"Sige, kakausapin daw ako." Paalam sa kanila ni Marj.

Nanunudyong ngumiti siya kay Marj. "Aherm. Ingat. Huwag mangangagat."

Inirapan siya nito at umalis. Nilingon niya si Clover na nakatingin sa dance floor.

"You want to dance?"

"No, I rather sleep." Sagot nito.

She rolled her eyes. "Hay, ano pa ba ang inaasahan kong isasagot mo."

Tumayo si Clover. "I'm going home. Magpapahatid ka ba sa akin?"

"Nah. I'm good. Magta-taxi nalang ako mamaya." Sagot niya at umorder pa ng isang shot ng Mojito. Unlike
other woman, she can hold her drink.

"Magiging okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanung sa kanya ni Clover.

"Yes, I'm sure." She smiled at her best friend. "Go, I can take care of myself."

"Okay. Ingat ka."

"Ikaw din." Ihinatid niya ng tingin si Clover.

Isang oras pa ang ipinamalagi niya sa Bachelor's Bar bago niya napagdesisyunang umuwi. Pagkalabas niya
sa Bar, nagsitayuan ang mga balahibo niya. Agad niyang sinuri ng tingin ang kalsada. May dalawang
motorsiklo na nakaparada hindi kalayuan sa Bar.

Napailing-iling siya. "My god, can't they at least try to disguise themselves?" She asked herself. Ito ang
dahilan kung bakit hindi siya nagpahatid kay Clover. Ayaw niyang masali ang kaibigan sa gulo ng buhay
niya.

Nagsimula ito tatlong linggo na ang nakakaraan. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito sa kanya... no
scratch that... alam niya kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya pero hinding-hindi siya makakapayag
na mahuli siya ng mga ito. She'd been in their hands and it's not good for her health. Matagal na niyang
iniwan ang buhay na iyon, at wala siyang balak na bumalik pa roon. Mamamatay muna siya bago mangyari
'yon.
Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid ng kalsada. Napatingin siya sa dalawang anino na bigla nalang
sumulpot sa likod niya. She maintained her pace. Huminga siya ng malalim at hinanda ang sarili sa mga
susunod na mangyayari. Nakita niyang palapit ng palapit sa kanya ang anino, nararamdaman niya ang
presensiya ng mga ito. Ipinikit niya ang mga mata at mabilis na kumaripas ng takbo.

"Habulin siya!"

Narinig niyang sigaw ng isang boses lalaki. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo pero kahit saan siya lumiko,
nasusundan siya ng mga ito. Tumigil siya sa pagtakbo makitang dead end ang pinasukan niyang eskinita.

Shit! Kinalma niya ang sarili nang makitang palapit na ng palapit ang dalawang lalaking humahabol sa
kanya.

"Nahuli ka rin naman sa wakas." Sabi 'nong kalbo.

"Oo nga." Segunda naman nuong kasama nito na malapit ng makalbo. "Hindi ka na makakatakas ngayon."

She chuckled. "Wow." Tinuro niya ang lalaki sa kanan. "Ikaw kalbo." Tapos itinuro niya ang katabi nito.
"Ikaw naman, malapit ng makalbo. Match na match kayo. Bagay bagay na maging kontrabida."

"Tama na ang satsat. Sumama ka sa amin! Ngayon din!" Sigaw ni Kalbo.

Itinirik niya ang mga mata. "Kalbo, tatlong linggo na nating ginagawa itong habulan na ito, ngayon pa ba
ako sasama sa inyo? Hindi ba riyan pumasok sa utak mo na kaya nga ako tumatakbo ay dahil gusto kong
makalayo sa inyo?"

"Sumama ka sa amin kung hindi papatayin kita." Wika ng katabi ni Kalbo at naglabas ng baril at itinutok sa
kanya.

She looked at the gun. Hmm. Nice gun. Naglakad siya palapit sa mga ito. Umiling-iling siya. "Kung gusto
niyo akong patayin e di sana noon pa. Kilala ko ang mga katulad niyo, may kailangan kayo sa akin kaya
hindi mo pa kinakalabit ang baril na hawak mo."

Akmang magsasalita ito ng umigkas ang kamao niya sa mukha nito at malakas na sinipa ang kamay nito na
may hawak na baril. Muntik na itong mabuwal sa pagkakatayo. Psst! Sayang naman. Nakita niyang akmang
kukunin ng kasamahan nito ang baril na nabitawan, umuklo siya at sinipa ang baril palayo sa kanilang tatlo.

"I don't think so boys." Aniya at ikinuyom ang kamao. Mukhang mapapalaban siya ng wala sa oras.

Sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Sumuntok si Kalbo pero agad naman siyang nakaiwas. Sinuntok
niya ang kasama nitong lalaki at mas mabilis pa sa kidlat na sinipa si Kalbo sa leeg. Akmang sisipain niya
ulit si Kalbo ng may yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Huwag mo akong yakapin! Ang baho mo!" Sigaw niya at iniumpog ang ulo niya sa ulo nito.

Binitawan siya nito. "Peste kang babae ka!"

Hinarap niya ang lalaki na sapo-sapo ang nuo na namamaga. Sinipa niya ito pero mabilis nito iyong
nasalag. Nakita niya si Kalbo na nakabawi na sa pagsipa niya sa leeg nito. Inihanda niya ang sarili sa
matinding laban. Isa lang ang nasa isip niya sa mga oras na iyon, hinding-hindi siya sasama sa mga ito.
Akmang susugurin siya ng dalawa ng may magsalita hindi kalayuan sa kanila.

"Tigil! Pulis ako!" Sigaw nito habang nakatutok sa mga lalaki ang baril.
Ginamit ni Gilen ang pagka-distract ng dalawa. She jumped and flipped mid-air then kicked bald guy in the
head hard. When her feet touched the ground, Gilen kneel on one knee and use her other knee to off-
balance bald guy two. Nang matumba ito, mabilis niyang sinipa ito sa tiyan at malakas na siniko ang baga
nito.

Hinihingal na tiningnan niya ang dalawang lalaki na walang mga malay. She smiled to herself. Hindi pa rin
pala siya kinakalawang. She can still beat up someone.

"Freeze!"

Napatigil siya sa pagtayo at nilingon ang lalaki na nakatutok sa kanya ang baril. A pulis huh? Sigurado
siyang pulis ito, dahil kung kasamahan ito ni Bald one and two, sigurado siyang kanina pa siya nito binaril.

"Lumuhod at yumuko ka!" Sigaw ulit nito.

Dahan-dahan siyang lumuhod at iniyuko ang ulo. Narinig niya ang paglapit nito sa kanya. Tumigil ito sa
harapan niya. When Gilen felt him touched her shoulder, she quickly grabs his arm and back flip him over
her head. When she heard a grunt, mabilis siyang tumakbo palabas ng eskinita.
CHAPTER 2

HUMIHINGAL si Gilen nang makarating sa main road. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa
inuukupa niyang apartment. Tumingin siya sa labas ng bintana ng taxi. Hindi ito dapat magtuloy-tuloy.
Nasisira ang tahimik kong buhay dahil na naman sa taong 'yon. Kailan ba niya ako tatantanan? Bakit
ngayon pa kung kailan masaya na ako at maayos na ang buhay ko?

Kapag nagpatuloy pa ang paghabol ni Jaime sa kanya, siguradong mapapahamak ang mga kaibigan niya.
Alam niya ang likaw ng bituka ni Jaime. Natatakot siya para sa mga kaibigan niya na tinanggap at minahal
siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Mula nang makaalis siya sa poder ni Jaime, naging maganda na ang
buhay niya. Nakilala niya ang dalawa niyang matalik na kaibigan, si Clover at Marj, walang alam ang dalawa
sa nakaraan niya. Ayaw niyang malaman nang mga ito kung ano siya noon. Nagbago na siya at iyon ang
mahalaga. Naiinggit siya sa mga kaibigan niya dahil may pamilya ang mga ito na matatakbuhan. May
pamilya nga siya pero ito pa ang gustong sumira sa buhay niya.

Nang tumigil ang taxi sa harap ng apartment niya, binayaran niya ang driver at lumabas ng taxi.
Nagmamadali siyang pumasok sa apartment niya at tinungo ang kinaroroonan ng telepono.

Gilen dialed his number. Itong taong ito lang ang makakatulong sa kanya sa problema niya. After two rings,
he picked up.

"Yes, who's this?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"This is Gilen."

Ilang minuto itong walang imik. "For you to call me after five years of being silent, I assumed you have a
problem."
She bit her lower lip. "Yes. Jaime Ramirez is going after me. Akala ko ba pagkatapos nang ginawa ko,
makukulong silang dalawa ng kapatid niya. Pero isa lang ang ikinulong ninyo. Kung alam ko lang na
mangyayari ito, sana-"

"Gilen, calm down. I already sent my men to protect you." Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. "At si
Julio Ramirez lang ang naipakulong namin dahil sa kanya nakaturo lahat ng ebidensiya at hindi kay Jaime."

"Bullcrap!" Hindi niya napigilang sigaw. "Si Jaime ang diniin ko, bakit si Julio ang nakulong? Sabi mo
magbagong buhay ako at ipaubaya ko na sayo ang lahat. Ipinaubaya ko ang lahat sayo, pero hindi mo pala
nagawa ng tama. Ngayon, ano na ang gagawin ko? Hindi lang ang buhay ko ang nanganganib kung hindi
pati ang mga kaibigan ko."

"I'm sorry. Ginawa namin ang lahat pero mautak talaga si Jaime. I already sent my men to protect you,
Gilen-"

"I don't need your men to protect. You know that I can protect myself. Ang mga kaibigan ko ang
protektahan mo." Ibinaba niya ang telepono at nagmamadaling pumunta sa kuwarto niya.

Nanghihinang umupo siya sa ibabaw ng kama. Ang dami niyang katanungan na hindi niya kayang sagutin.
Kung si Julio lang ang nakulong at nakalaya si Jaime, bakit ngayon palang siya pinahabol ni Jaime? It's been
five years. Bakit ngayon lang?

Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa pagtulog dala niya ang katanungang iyon. Bakit
ngayon lang? Bakit? Ano ang binabalak ng lalaking 'yon?

HINDI pa nagdidilim ang kalangitan, nasa labas na ng Bachelor's Bar si Gilen. Pagkapasok niya sa Bar, agad
siyang hinarang ng isang lalaki. Ang lalaking nakabongguan niya sa rest room.

She smiled cheekily. "Uy, diba ikaw yong lalaki doon sa rest room?"

He grimaced. "O, e ano naman ngayon?"

"Summa cum laude ka ba nuong collage ka? Alam mo kasi ang mga republic chorva na 'yon."

He sighed. "Hindi kailangan ng isang tao na maging summa cum laude para malaman ang mga bagay na
'yon."

Gilen rolled her eyes. "Yeah, right. Sino bang normal na tao ang memorize ang isang republic act? Ikaw
lang yata ang kilala kong ganoon."

"Wala ka ng pakialam kung memorize ko lahat ng republic act. It's part of my job."

Kumunot ang nuo niya at pinasadahan ito ng tingin. "No offence Mr. Bouncer but I'm pretty sure na wala
sa job description mo ang mag salaysay ng republic act sa bawat costumer na papasok dito sa Bar. Well,
unless, isa kang attorney. Pero kung isa kang attorney e di sana wala ka rito ngayon. Tapos-"

"Shut up, please."

Napasimangot siya. "Grabe ka talaga. Nagsasalita lang naman ako."

"Masyado kang madaldal at ayoko sa mga madaldal na tao."


Inirapan niya ito. "Whatever. Pasalamat ka nga kinausap kita. Hmp!"

Akmang lalampasan niya ito ng humarang na naman ito sa daraanan niya. Tiningnan niya ito ng masama.

"Ano na naman? Akala ko ba ayaw mo sa madaldal. Umalis ka nga riyan sa daraanan ko. I'm hungry and
thirsty." Aniya sa mataray na boses.

"We're close." Anito na may itinuro sa likuran niya.

Tiningnan niya ang itinuro nito at kumunot ang nuo niya. "Oh e ano naman ngayon. We're close nga pero
sa labas niyan ay we're open."

"Bakit ba gusto mong lumaklak ng alak. Maaga pa para patayin mo ang bituka mo."

She sighed dramatically. "Mr. Bouncer-"

"It's Kaino."

Natigilan siya ng ilang Segundo bago nagsalita ulit. "Okay, Kaino it is. Kaino, hindi ko pinapatay ang bituka
ko. Saka minsan lang naman ako uminom ah."

"Yeah, right. So hindi ikaw 'yong babaeng nakikita ko rito gabi-gabi na halos ubusin ang alak sa Bar?"

Bigla siyang nagtatalon sa tuwa. "Yes! May stalker na ako!" She smiled cheekily at Kaino. "Gusto mo ba ng
autograph ko?"

Marahang menasahi ni Kaino ang nuo. "Umalis ka na."

She pouted. "Pero nagugutom nga ako at nauuhaw. Maawa ka naman sa akin."

Pinandilatan siya nito. "Ano naman ang tingin mo sa Bachelor's Bar, restaurant? We serve drink not stake
with rice."

Biglang tumunog ang tiyan niya sa sinabi nito. Pabiro niyang tiningnan ng masama ang lalaki. "Kasalanan
mo kung bakit tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na tuloy ako."

"Pero kanina lang sabi mo nagugutom ka, tapos ngayon ako ang sinisisi mo?" Ihinilamos nito ang dalawang
kamay sa mukha na parang punong-puno na ito sa kanya.

She chuckled. "You're so fun to tease."

He glared at her. "You're testing my patience, woman."

Gilen grinned at him. "And you're so fun to tease, man."

Napailing-iling ito at nagtanung kapagkuwan. "Are you really hungry?"

"Yes." Walang pag aalinlangang sagot niya.

"Come on, follow me." Anito at naglakad papunta sa kung saan.


She bit her lower lip while thinking if she'll follow him or not. Nanaig ang bangingi niyang utak at sinundan
si Kaino. Tumigil ang lalaki sa isang pintuan na may nakasulat na Bouncer's quarter.

Napangiti siya. "Wow. May Bouncer's quarter pala? Akala ko maid lang ang may quarter."

He gave her a funny look. "Can you please stop commenting on everything you see? Nakakirita e."

Sinimangutan at inirapan niya ito. "Bakit ba ganyan ang ugali mo? Lahat nalang ng sinasabi ko, pinapansin
mo. Magsabi ka lang kung fan kita o stalker, promise, hindi ako magagalit."

Hindi siya nito sinagot at binuksan ang pintuan. Pagkapasok nito, pumasok na rin siya kahit hindi siya
sinabihang pumasok. Agad niyang ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng silid. Maliban sa isang kama at
pandalawahang mesa, wala ng laman ang silid na iyon.

"Kakaiba itong quarters mo, Kaino." Aniya.

"Sige, manlait ka pa."

"Hindi naman ako nanlalait."

Naglakad siya palapit sa mesa at humugot ng bakanteng upuan at umupo. Pinag-krus niya ang paa at
tumingin kay Kaino na nahuli niyang titig na titig sa kanya.

She smiled sweetly at him. "Bakit ka titig na titig ka sa akin? Gusto mo ng picture with autograph ko? I
promise, super ganda ng perma ko."

Nag-iwas ito ng tingin. "No thanks." Binuksan nito ang bag na nasa ibabaw ng kama at may kinuha roon na
naka-cellophane.

Naglakad ito palapit sa kanya at iniabot ang kinuha nito sa bag. "Heto, kainin mo. I'm not hungry anyway."

Tinitigan niya ang hawak nito. "Ano yan?"

He opens the cellophane and put the Tupperware on the table. "Baon ko yan. Don't worry, walang lason
yan."

Binuksan niya ang Tupperware at ganoon na lamang ang saya niya ng makakita ng ng fried chicken. It her
favorite food of all time! Walang sere-seremonyang kinuha niya ang friend chicken at kinagat iyon.
Hmmm. Yummy! Tapos kinamay niya ang kanin. Grabe, ang sarap-sarap talaga ng friend chicken. Magana
siyang kumain. Wala siyang pakialam sa paligid at ang tangging focus lang niya ay ang pagkain sa harap
niya.

Namalayan nalang ni Gilen na ubos na ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Kaino. Nag-angat siya ng tingin
at nakitang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ang lalaki.

She smiled forcedly. "Sorry. Ang sarap kasi ng friend chicken e."

Napailing-iling ito. "Ang bilis mong kumain. Are you sure na tao ka?"

Tiningnan niya ito ng masama. "Ano naman ang tingin mo sa akin, hayop? Wala kang karapatang
insultuhin ako kahit binigyan mo pa ako ng pagkain." Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan.
"Salamat sa pagkain." Aniya at lumabas ng Bouncer's quarter.
HUMINGA ng malalim si Kaino ng lumabas si Gilen sa quarters niya. Tiningnan niya ang Tupperware na
wala nang laman. He can't believe a woman can eat as fast as Gilen can. Nang tanungin niya ito kung tao
ito, talagang nagtaka siya kung tao nga ba ito. Ang bilis kasing kumain. Parang inaagawan ng pagkain.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang superior niya.

"Sir, are you sure about Gilen Ramirez?" Tanung niya kaagad ng sagutin nito ang tawag.

"Sure about what, Kaino?"

"Sure ba kayo na siya ang babaeng may alam ng lahat? Parang hindi naman e. Ang takaw-takaw niya at
parang isip bata."

Tumawa ang superior niya. "Of course, I'm sure. Basta gawin mo nalang ang pinapagawa ko. Protect her,
Kaino."

"Yes, sir."

Pinatay niya ang tawag at lumabas ng quarters. Naabutan niya si Gilen na nakaupo sa stool at nakaharap
sa bar counter habang sumisimsim ng alak. Napailing-iling siya. Akmang kakausapin niya ito nang matigilan
siya ng makita ang expression ng mukha nito. Parang hindi ito ang Gilen na matakaw at medyo may pagka-
childish. Ang Gilen na nakikita niya ngayon ay hindi ang babaeng nakausap niya kanina.

Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.

"Can I sit here?" Tanung niya na tinutukoy ang katabi nitong stool.

"Sure. Hindi ko naman pag-aari ang upuang yan."

"Ang taray mo yata."

Binalingan siya nito na may pekeng ngiti na naka-plaster sa mga labi. "Sure. You can sit there, hindi ko
naman pag-aari ang upuang yan." She said with a fake enthusiasm.

"Too fake." Aniya.

She rolled her eyes. "Pasalamat ka talaga at masarap yong fried chicken na ibinigay mo sa akin." She
smiled genuinely at him. "Salamat sa pagkain."

Kaino blinked rapidly. Agad siyang nag-iwas ng tingin para hindi makita ang maganda nitong ngiti. Parang
kinapos siya ng hininga.

"Ahm..." He cleared his throat. "Yeah... sure. Welcome."

He heard Gilen chuckled. "Hindi pa pala tayo pormal na magkakilala. Hi, I'm Gilen Ramirez, ikaw, anong
pangalan mo?"
Ibinalik niya ang tingin dito at nakita niyang nakalahad ang kamay nito. Tinaggap niya ang pakikipagkamay
nito at pinigil niya ang hininga ng maramdaman ang malambot nitong kamay. Shit! Bakit ba ito nangyayari
sa akin?

"Kaino Garcia. Nice to meet you."

"Same here."

Binawi nito ang kamay at gusto niyang kutusan ang sarili dahil gusto pa niyang hawakan iyon. Kaino,
trabaho lang si Gilen at wala ng iba!

"So, what do you do for a living?" Tanung niya. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon tungkol dito.

Gilen shrugged her shoulder. "Wala akong trabaho."

Kumunot ang nuo niya sa sagot nito. "Wala? Kung ganoon paano ka nabubuhay? You're always here in
Bachelor's Bar, how can you pay your drinks?" Tumatanggap ba siya ng pera kay Jaime Ramirez?

"Inheritance." Maikling sagot nito.

"Inheritance from whom?"

Kunot ang nuong binalingan siya nito. "Bakit mukhang interesado ka sa buhay ko?"

"I want to know you more." Nag mag-sink in sa utak niya ang kanyang sinabi, gusto niyang ilibing ang sarili
sa lupa. Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig niya. Puwede namang 'I'm just curious'. Bakit 'yon pa?

Gilen chuckled and tap his face playfully. "That's sweet, Kaino, pero hindi ikaw ang tipo kung lalaki."

Napanganga siya. Did she just reject him? Parang hindi 'yon kayang tanggapin ng ego niya. Siya? Si Kaino
Garcia na isang matinik na NBI Agent at habulin ng babae. Ni-reject lang ng isang matakaw na babae?

"At wala akong balak makipag-relasyon ngayon, masyado pang magulo ang buhay ko." Anang boses ni
Gilen.

Napatigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano ng marinig niya ang sinabi nito. Magulo pa ang buhay? Bakit
naman kaya?

"Bakit magulo ang ... buhay mo?" Tanung niya rito. He's hoping against hope that she'll answer him.

Gilen just shrugged. "Basta magulo." Inilapag nito ang hawak na baso at naglagay ng Sampung libo sa Bar
counter. "Keep the change." Anito sa Bartender na nakatanga habang nakatingin sa sampung libo.

Tumayo si Gilen at naglakad palabas ng Bar. Tatawagin sana niya ang pangalan nito ng mapagpasyahan
niyang sundan nalang ang dalaga. Iiwan muna niya ang Bachelor's Bar, wala naman yatang mangyayari
kung aalis muna siya pansamantala.

CHAPTER 3
PAGKALABAS ni Gilen sa Bar, agad niyang naramdaman na may nakasunod sa kanya. Mabilis siyang
lumingon at nagulat ng makita si Kaino sa likuran niya.

"Anong ... Bakit mo- Sinundan mo ba ako?" Kunot-nuong tanong niya rito.

"Yeah. Sinundan kita." Walang pag aalinlangang pag-amin nito.

Tumaas ang kilay niya. "Wow. You're so honest." Puno ng sarkastikong ani niya.

"Stop the sarcasm, Gilen. I'm being honest here."

Umingos siya. "Alam mo, ikaw lang ang bouncer na nakilala kong englisero."

"Hindi naman porke't bouncer lang ako e bobo na ako. May pinag-aralan din naman ako."

She rolled her eyes. "Oo na. Teka nga muna, bakit mo ba ako sinusundan?"

"Diba sabi ko, I want to know you more? Kaya naman sinundan kita." Anito na hindi makatingin sa kanya.

"Yeah right." Aniya na hindi naniniwala sa sinabi nito. "Puwede ba Kaino, kakakilala mo lang sakin. Tigilan
mo nga ako."

"Ano naman ngayon kung kakakilala ko lang sayo?"

Itinirik niya ang mga mata at nagumpisang naglakad sa gilid ng kalsada. Naramdaman niyang sinundan siya
nito.

"Kaino, stop following me." Aniya sa matigas na boses.

"I want to know you more, Gilen." Anito nang makahabol sa paglalakad niya.

Hindi siya tumigil sa paglalakad at sinagot si Kaino. "Look, I don't want to know you more. So please, leave
me alone."

"I don't want to leave you alone."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Leave me alone, Kaino."

Ilang segundong matiim siya nitong tinitigan kapagkuwan ay nagsalita. "Where's the happy-go-lucky Gilen?
Yong babaeng palaging nakangiti na nakikita ko sa Bar gabi-gabi. Anong ginawa mo sa kanya? Is that the
real you or the fake you. Gabi-gabi kitang nakikita, kaya naman naninibago ako sa kaseryusuhan mo
ngayon."

Huminga siya ng malalim. "Kaino, hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan na husgahan kong totoo ba
o peke ang pagkatao ko."

"That's the point. Kaya gusto kitang makilala-"

"Shut it! I don't want to talk to you." Aniya at mabilis na tumakbo palayo kay Kaino.

Gilen turns around when she heard footsteps behind her. When she saw Kaino, she doubled her pace.
Akala niya ay nakatakas na siya rito ng biglang may humawak sa braso niya at pinigilan siyang makatakbo
palayo.
Masama ang ipinukol niyang tingin kay Kaino. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

"Shh... huwag kang maingay." Anito at dahan-dahan siyang iginiya patungo sa madilim na parte ng kalsada.
"Someone was following us."

Inatake siya ng kaba. No way! Sila na naman? Nag-angat siya ng tingin kay Kaino. Abala ang binata sa
pagtingin sa paligid.

"Sino ang sumusunod sa atin? Ikaw lang naman ang narinig ko kanina." She whispered.

Bumaling ito sa kanya. Nagkasalubong ang titig nila. "I don't know. I saw some shadows and then heard
some footsteps. Hindi ko alam kung sino sila. Kilala mo ba sila?"

Umiling siya. "Hindi ko sila kilala." She lied. Hindi niya ito hahayaang madamay sa gulo ng buhay niya.

"Oh...are you sure?" Paninigurado nito. "Sigurado kang hindi mo sila kilala?"

Mabilis siyang umiling. "Sigurado ako."

"Okay." Ipinalibot nitong muli ang paningin. "I think we should go back to the Bar."

"Nababaliw ka ba?" Tumingin siya sa paligid. "Kung may sumusunod nga sa akin, sigurado akong madali
nila tayong mahuhuli kung babali ako."

"I need my car. Ihahatid kita kung saan ka man nakatira. You're not safe here-"

"Wait..." She gave him a doubtful look. "May sasakyan ka?"

"Oo. Bakit? Anong masama roon?"

"You can afford to buy a car?"

"Yeah. It's a car loan. Regular employee ako sa Bachelor's Bar. At saka, second hand 'yon." Anito habang
nakatingin sa mga mata niya.

Bakas sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. Bakit naman ito magsisinungaling sa kanya? Walang
dahilan para gawin nito iyon.

Gilen reached for his hands and gripped it. "Kaino, iwan mo na ako rito. Bumalik ka sa Bar at kalimutan mo
ang lahat ng ito, okay?"

"What? Are you freaking kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Hindi ko 'yon kayang
gawin. Hindi kita basta-basta iiwan-"

"Shut it! Just do what I say. Umalis ka na." Binitawan niya ang binata at naglakad pabalik sa gilid ng kalsada
kung saan maliwanag at nakikita siya.

Kung may sumusunod sa kanya, kailangan niyang ilayo iyon kay Kaino. Baka ano pa ang gawin ng mga ito
sa binata kapag nakita itong kasama niya. Hindi niya hahayaang may masaktan dahil sa kanya. Mabilis
siyang naglakad. Nang may mahagip ang mata niya na isang anino sa likuran niya, mabilis siyang umikot at
sinipa ang nasa likuran. Nang ma-realize niya na si Kaino ang nasa likuran niya, she was horrified.
Nagpapasalamat siya at mabilis na nasalag ni Kaino ang sipa niya.
"Oh my god! I'm so sorry." Hingi niya ng tawad at minasahe ang braso nito na ipinansalag nito sa sipa niya.

"Okay lang." Binawi nito ang kamay na minasahe niya. "Kailangan mo ng umuwi, Gilen. Hindi ka safe rito.
Halika na, ihahatid na kita."

She shook her head. "That's sweet and everything but I'm okay. I don't need a ride home, but thanks
anyway." Humakbang siya palayo rito at pinara ang taxi na papalapit sa kanila. "Bye, Kaino. See you
tomorrow." Aniya bago sumakay sa taxi.

NANGHIHINANG umupo si Gilen sa sofa at binasa muli ang sulat na nakita niya na nakadikit sa pintuan ng
apartment niya. Nang makita niya iyon, gusto niyang umiyak. Pero hindi niya hinayaan ang sarili na
umiyak. Hindi niya pagaaksayahan ng luha ang mga walang kwentang tao.

Gilen,

Kailangan ko ang white note book na alam kong nasayo dahil ipinatago 'yon ng walang kwenta mong ina.
Ibigay mo 'yon sa akin kung hindi papatayin kita. Binibigyan kita ng isang linggo para ibigay sa akin ang
gusto ko. Kapag hindi mo ibinigay sa loob ng isang linggo, may ibuburol ang mga kaibigan mo. Magsasama
kayo ng walang kwenta mong ina sa impyernong pinaglagyan ko sa kanya.

Nagmamahal, Jaime.

PS: Kapag nalaman ko na himingi ka ng tulong sa Pulis, ang mga mahal mong kaibigan ang papatayin ko.
Enjoy :)

Galit na pinira-piraso niya ang sulat ni Jaime. Alam na ng demonyong 'yon kung saan siya nakatira. Araw
nalang ang bibilangin niya, malalaman na nito ang cell phone number niya.

Gilen dialed his number again. After two rings, he picked up.

"Gilen, bakit ka tumawag gamit ang cell phone mo? May problema ba?" Tanung ng nasa kabilang linya.

"Please. Protect my friends." Pakiusap niya rito. "Ibibigay ko lahat ng kailangan niyo sa akin. Impormasyon,
lokasyon o kahit na ano, basta protektahan mo lang ang mga kaibigan ko. Please, protect them. Ayokong
madamay sila sa gulo ng buhay ko."

Natahimik ang kausap ng ilang segundo. "Ibibigay mo sa amin ang white book?"

"Hindi. Pero sasagutin ko lahat ng tanong niyo. Ibang usapan na ang white book. Pag-aari iyon ng ina ko at
hindi ko iyon ipamimigay sa kahit na sino." Aniya sa matigas na boses. "Protect my friend and I will spill
some beans. Do we have deal?"

"Deal. Tatawagan nalang kita kapag kailangan ko na ang impormasyon mo." Anito at pinatay ang tawag.

Mariin niyang ipinikit ang mata at inilagay ang braso sa nuo. My world is starting to turn upside down.
Sawang-sawa na siya sa ganitong buhay. She wanted to be Gilen, the glutton friend of Clover and Marj. She
missed her friends, but she knew better than to bond with her friends and endanger them in the process.
Hindi niya kakayanin kung isa sa mga kaibigan niya ay masaktan.
NASA kalagitnaan ng pagluluto ng agahan si Gilen ng tumunog ang doorbell ng apartment niya. Sino kaya
'yon? Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bintana na malapit sa pintuan at sinilip kung sino ang nasa
labas ng apartment niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Kaino.

Anong ginagawa niya rito? Kunot ang nuong tanong niya sa sarili.

Mabilis na binuksan niya ang pintuan at hinarap ang binata. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman
na dito ako nakatira? Anong kailangan mo sa akin?"

"Relax. Anong ginagawa ko rito? Well, nag-alala kasi ako sayo kagabi kaya naman nandito ako para alamin
ang kalagayan mo. Paano ko nalaman na dito ka nakatira? I followed you home last night. Nag-alala kasi
ako."

"You followed me home? Paano? Lumipad ka?" Sarkastikong tanong niya. Alam niyang nasa Bar ang
sasakyan nito.

"No. Pagka-alis ng taxi na sinasakyan mo, tamang-tama naman na may paparating na isa pang taxi."

Napailing-iling siya. "Anong kailangan mo sa akin?"

"Nag-alala ako sayo kagabi."

"Oh e, ano naman ngayon? Gusto mo mag-party tayo?" Puno ng sarkasmo ang boses niya. "Please, Kaino,
tigilan mo ako. You, worrying about me is cute and sweet but it had to stop. You have to stop this. Hindi
ikaw ang tipo kung lalaki, Kaino."

"Paano mo naman nasabi na hindi ako ang tipo mong lalaki? Hindi mo pa naman ako kilala."

"And I don't want to know you." Isinara niya ang pinto. "Go home, Kaino. Wala kang mapapala sa akin."

Akamang maglalakad na siya pabalik sa kusina ng marinig niya ang nagpa-panic na boses ni Kaino.

"God, Gilen! You have to open the door! 'Yong mga tao na humahabol sayo, nandito sa labas! You have to
let me in!"

Nagmamadaling binuksan niya ang pinto at hinatak ang damit ng binata papasok sa bahay niya.
Kapagkuwan ay ini-lock niya ang pintuan at sumilip sa labas ng bintana. Maliban sa sasakyan na
nakaparada hindi kalayuan sa bahay niya, wala siyang ibang tao na nakita. Naningkit sa galit ang mata niya
nang ma-realize na nagsinungaling si Kaino para papasukin niya ito. Siya naman itong si tanga at nagpa-
uto.

Nanlilisik ang mga mata na hinarap niya si Kaino. "How dare you to trick me?!"

Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Sorry, huwag ka ng magalit."

"Huwag akong magalit?! Gago ka pala e-"

Bumaba ang isang kamay nito at may hinugot na chocolate bar mula sa bulsa ng pantalon nito. "Want
chocolate?"

Agad na kumalma ang nagagalit niyang kalooban ng makita ang chocolate Bar. Mabilis niyang kinuha iyon
sa binata at binalatan.
"Chocolate lang pala ang katapat mo." Anito sa mahinang boses pero narinig niya.

"Pasalamat ka at feel na feel ko itong binigay mong chocolate." Naglakad siya pabalik sa kusina. "Come on.
Nandito ka na rin lang, might as well eat breakfast with me."

Ngumisi si Kaino. "Talaga? Sabay tayo magbi-breakfast?"

Inirapan niya ito. "May bayad 'yon."

May hinugot na naman itong isang malaki at malapad na chocolate Bar mula sa bulsa nito at inabot sa
kanya. "Sapat na ba itong kabayaran o kailangan pa kitang ipagluto?"

Tinanggap niya ang chocolate Bar. "Magluto ka na. Para buong-buo na ang bayad mo."

"May balak ka yatang alipinin ako e."

Umupo siya sa ibabaw ng island counter. "Well, nangangailangan ako ng isang alipin gigilid."

Walang buhay ang mga mata niton nang titigan siya. "Wala akong balak maghanap ng among matakaw."

Sinimangutan niya ito. "Heh! Magluto ka ng nga lang diyan."

"Okay." Anito at tahimik na ipinagpatuloy ang niluluto niyang agahan bago ito dumating.

MAGKAHARAP sila ni Kaino sa maliit na mesa at pinagsasaluhan ang agahan na niluto nito. Tiningnan niya
ang binata na maganang kumakain.

"Welcome." Aniya.

Nag-angat ito ng tingin. "Huh?"

"You're welcome. Pagkain ko yang magana mong kinakain."

Tumaas ang isa nitong kilay. "You welcome rin."

"Walang akong pagkain mo na kinain ko."

Tumingin ito sa chocolate Bar na hawak-hawa niya. "Feeling mo naman pag-aari mo yang chocolate."

Inirapan niya ito at itinago ang chocolate sa likuran. "Bayad mo sakin 'to."

"Oo na. Hindi ka na welcome." Anito at ibinalik ang buong atensiyon sa pagkain.

Napangiti siya. Ito ang ikalawang beses na hinayaan siya nitong manalo. Hindi naman pala ito insensitive
tulad ng unang impresyon niya rito. Nuong nakabunggoan niya ito sa rest room, para itong ewan. Parang
hindi iyon ang Kaino ngayon na nag-aalala para sa kanya.

"Nagda-drugs ka ba?"
Bigla itong umubo na parang nabibilaukan. Mabilis niyang inabutan ito ng isang basong tubig. Tinanggap
nito iyon at nagmamadaling ininom ang tubig.

He glared at her. "Ano bang klaseng tanong 'yon? God! Ako? Nagda-drugs?" Tumawa ito ng walang buhay.
"I hate drugs."

She shrugged her shoulder. "Nagtatanong lang naman ako e."

Binitawan nito ang kutasara at tinidor at matiim siyang tinitigan. "Bakit mo ba itinanung 'yon? Mukha ba
akong nagda-drugs?"

Umiling siya. Alam niya kung nagda-drugs ang isang tao o hindi. "Hindi ko alam kung bakit ko tinanong iyon
sayo. Ang weird mo kasi. Nuong una nagkabongguan tayo, ang taray mo kaya. Tapos ngayon naman 'I want
to know you more' and drama mo. See? Masakit sa atay ang ugali mo. Napakahirap intindihin."

"And then you assumed na nagda-drugs ako?"

She nodded.

"Hindi ako nagda-drugs." He picked up the spoon and fork again. "Masakita yang atay mo kasi palagi kang
umiinom. Hindi na ako magtaka mamatay iyang atay mo."

Sinapo niya ang tiyan. "Atay, naghihingalo ka na ba riyan?" Tanong niya sa atay niya.

Kaino chuckled. "Baliw ka talagang babae ka. Para namang sasagutin ka niyang atay mo."

"Malay mo sumagot."

Umiling-iling ito. "Ewan ko sayo, Gilen. Baliw ka na talaga."

Ngumisi siya. "Pero gusto mong makilala ng mabuti itong baliw na ito."

Natigilan ito at tumingin sa kanya. "Yes. Gusto kong makilala ang baliw na kaharap ko ngayon."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Kaino-"

"Kumain na tayo." Anito na nakangiti at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Siya naman ay nakatitig lang dito habang gulong-gulo ang utak niya. Bigla itong nag-angat ng tingin at
nagtama ang mga mata niya. She felt her heart skips a beat. She quickly looked away. Ano ba naman 'to?
May gusto na ngang pumatay sa akin, mukhang may sakit din ako sa puso. Ako na ang malas.
CHAPTER 4

GILEN was sipping her coffee, waiting for him to arrive when someone sits on the vacant chair in front of
her. Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki na naka-upo ngayon sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

Kaino shrugged. "Nakita kitang naka-upo kaya naman nilapitan kita. Balak ko rin mag-kape rito, mind if I
join you?"
"No, I don't mind. Medyo boring din mag-kape nang mag-isa." Aniya na nakangiti pa rin.

Kumunot ang nuo nito. "Mukhang masaya ka yata ngayon."

Tumango siya. "Yeah, masaya ako."

"Bakit?"

"Kasi magkikita kami ni Luther ngayon." She chirped happily.

"And who the hell is Luther?"

Nag-aalangan siyang sagutin ito dahil parang sumama ang mukha nito. "Ahm, someone I know."

"Someone you know? Paano ka nakakasiguro na hindi ka niya sasaktan? Na hindi ka niya papatayin? Na
hindi ka niya-"

"Woah! Pause!" Gilen chuckled lightly. "Kaino, bakit mo naman naisip na papatayin niya ako? Luther is a
friend of mine. Actually, he's more of my knight in shining armor. He saves me all the time."

Nawala ang kislap ng mga mata nito. "Really? I'm happy for you."

"Happy for me?" Hindi naniniwalang tiningnan niya ito. "Kaino, mukha kang papatay ng tao, 'yon ba ang
masaya para sa akin?"

Agad na nawalan nang emosyon ang mga mata nito. "Masaya ako para sayo."

She exhaled. "And now you're eyes had no emotion, I'm pretty sure that you're not happy for me."

He looked at her; irritation is visible on his eyes. "Kailangan ba talagang ibasi mo ang nararamdaman ko sa
kislap ng mga mata ko?"

"Yeah. Mula pa nuong bata ako, ganoon na ako. My mom thought me to always read eyes expressions,
doon mo raw kasi malalaman ang tunay na saluobin ng isang tao."

Ilang minuto itong hindi umimik at nakatitig lang sa kanya bago nagsalita. "So, alam mo kung anong
nararamdaman ko kapag tiningnan kita ng ganito?"

Tumitig ito sa kanya na may kakaibang kislap ang mga mata nito at sa unang pagkakataon, hindi niya
mabasa iyon. Parang may sakit, pagtatampo at pagaakusa ang tingin nito sa kanya.

"Ano 'yon?"

"It's called jealousy." Anito at tumayo pagkatapos ay naglakad palabas ng coffee shop.

Nakatanga lang siya habang nakatingin sa likod nito na papalayo. Jealousy? Nagseselos siya? Kanino
naman kaya at bakit? Napailing-iling siya. Napaka-weirdo talaga ng lalaking iyon kahit kailan.

"I'm sorry, I'm late." Anang boses sa likuran niya.

Napanatag ang kalooban niya ng marinig ang boses na iyon. "It's okay; you don't have to apologize,
Luther."
Umupo ang lalaki sa inukupang upuan ni Kaino. "Kumusta ka na?"

She gave him a small sad smile. "Heto, naka-move on na pero ayaw talaga nila akong patahimikin."

"Gilen, I'm always here, remember I promise you that?"

"Alam ko pero sawang-sawa na ako."

Ipinalibot nito ang tingin at inilagay ang siko sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay inilapit ang mukha nito sa
kanya.

"Ang alam ko, huhulihin ka nila at pipilitin kang ibigay sa kanila ang white book. Nuong huli kaming
magkausap ni Jaime, binalaan niya ako. Kapag tulungan daw kita, alam ko na raw ang kalalagyan ko."

Nanlaki ang mga mata niya at nag-alala siya para sa kaibigan. "Then you shouldn't be here, Luther. Alam
mo kung ano ang kayang gawin ni Jaime."

"At alam mo rin na kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Alam ko, pero paano ang mga tauhan mo?"

He shrugged. "I know they can protect themselves, Gilen. Huwag kami ang alalahanin mo, okay? My home
is open for you."

Marahan siyang umiling. "No. Hindi kita idadamay sa problema ko. Alam mo naman siguro na nasa likod ko
rin ang NBI at alam kong pinababantayan na nila ako ngayon. Tinawagan ko na siya, sabi niya nagpadala na
raw siya ng tao na magbabantay sa akin. Meaning, alam nila ang nangyari bago pa ako tumawag."

"Well, what can I say? NBI is NBI." He leaned on his seat. "Ano na ang gagawin mo ngayon?"

She shrugged. "Hindi ko alam. Maybe run as fast as I can."

"You can always come back to us."

Mapakla siyang tumawa. "Luther, matagal ko ng iniwan ang buhay na yon. Nagbago na ako."

"Baka lang naman magbago ang isip mo."

She shook her head. "Nope." Inubos niya ang kape at isinukbit ang shoulder bag na dala. "I have to go.
Nakipagkita ako sayo ngayon para sabihing huwag kang gumawa ng kahit na ano na makakasira sayo dahil
sa akin. Hindi ko magugustuhan 'yon. And I'm pretty sure na kahit tulungan mo ako, walang bisa iyon sa
NBI. We both know that NBI knows that you're selling illegal things. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit
hindi ka pa nila hinuhuli. Oh, scratch that. Alam kop ala kung bakit hindi ka pa nila hinuhuli."

Luther smirked. "That's what you called, connections, Gilen."

Umiling-iling siya at tumayo. "Whatever, Luther. Sayonara."

Luther chuckled. "Sayonara and please, do tell your boyfriend that I'm not a foe so he can stop looking at
us through binoculars."

"Boyfriend?"
"Yeah, 'yong lalaki na kausap mo kani-kanina lang bago ako lumapit sayo."

Kumunot ang nuo niya at tumingin sa labas ng coffee shop. Hinanap ng mata niya si Kaino. "Ano ba ang
sinasabi mo?"

Tumayo na rin si Luther at humarap sa kanya. "May mga tauhan ako na nakapalibot sa coffee shop, Gilen."
Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "'Till we see each other again, Gilen, the most beautiful
thief."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ni Luther. Matagal na rin mula
nang marinig niya ang salitang iyon. Nasanay na siya sa buhay na mayroon siya ngayon, bakit kailangan pa
nitong ipaalala ang buhay niya noon?

Umalis si Luther at naiwan siyang nakatayo at nakatulala. Hindi niya alam kung ilang Segundo o minuto
siyang nakatayo basta namalayan nalang niya na may humawak sa kamay niya at iginigiya siya palabas ng
coffee shop. Nang tingnan niya kung sino iyon, nagulat siya ng makita si Kaino.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot ang nuong tanong niya.

"Saving you from embarrassment. Alam mo bang halos magli-limang minuto ka nang nakatayo at lahat ng
tao ay nakatingin sayo? Saan ba nagsususuot iyang isip mo?"

Nag-iwas siya ng tingin. "May iniisip lang ako."

"Ano 'yon?"

"Nothing."

"Sometimes, the word nothing has a lot of meaning than the other words in dictionary."

"My nothing has no meaning." Ipiniksi niya ang kamay na hawak nito at mabilis na naglakad patungo sa
sasakyan niya.

"The way you act now, parang hindi ikaw ang Gilen na baliw na nakasalo ko ng agahan nuong isang araw."

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Hindi mo ako kilala, Kaino. Ano naman kung magbago
ako, as long as wala akong naapektuhan na tao, ayos lang 'yon."

"Ano naman ang tingin mo sakin? Hayop?" Puno ng iritasyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Naaapektuhan mo ako, Gilen. Nag-aalala ako para sayo."

"Then stop worrying about me. Wala ka namang dapat na ipagalala."

"I care for you, Gilen-"

"Shut up, Kaino! Just shut the hell up! Wala kang alam sa akin ni katiting, hangga't maaga pa, lumayo ka na
sa akin. Kasi hindi ko kayang suklian iyang nararamdaman mo para sa akin."

"Hindi ako lalayo sayo." Naglakad ito palapit sa kanya. "Wala akong pakialam kung hindi mo kayang suklian
ang nararamdaman ko." Hinawakan nito ang kamay niya. "Gilen, I care for you. Gusto kita, kaya please,
hayaan mo akong mag-alala para sayo."

Huminga siya ng malalim at ibinuka ang palad. "May chocolate ka ba riyan? Nagugutom ako e."
Kaino looked at her in disbelief. "Gutom ka na naman? Kakakain mo lang diba?"

She nodded while pouting like a kid. "Pero nagugutom pa rin ako. Please? Pahingi naman ng chocolate oh?
Mayroon ka bang baon diyan?"

"Nope, but I know a very delicious restaurant that serves brunch."

She grinned at Kaino. "Talaga? Libre mo ako?"

Napailing-iling si Kaino at inakbayan siya. "Oo, libre kita."

Pinalis niya ang braso na naka akbay sa balikat niya. "Hindi porke't ililibre mo ako, puwede mo na akong
akbayan."

Tumawa ang binata sa sinabi niya. "Worth the try."

Siniko niya ito sa tagiliran. "Worth the try ka riyan. Baliw."

"Look who's talking. Mas baliw ka sa akin."

"Hindi kaya." She stuck out her tongue at him.

"Isip bata."

Inirapan niya ito. "Gusto mo ang isip bata na ito kaya magtiis ka."

Inakbayan siyang muli ni Kaino, sa pagkakataon iyon, hindi niya pinalis ang braso nito sa balikat niya. She
felt safe in his arms.

"Yeah, hindi ko nga alam kung bakit gusto kita e. Baliw na yata ako para magustuhan ang isang isip bata at
matakaw na si Gilen."

She laughed and stayed silent. Sa unang pagkakataon, napasaya siya ng isang tao na hindi niya kapamilya o
kaibigan. Hindi niya akalain na ang lalaking ito na hindi naman niya gaanong kilala ay mapapataba ang
puso niya.

PAGKATAPOS nilang kumain ni Kaino, pinilit niya itong bumalik sa Bachelor's Bar nang malaman niyang
balak nitong umabsent dahil sa kanya. Ayaw niyang maapektuhan ang trabaho nito ng dahil sa kanya.
Salamat naman at pumayag ito pero kailangang ihatid siya nito sa apartment na inuukupa niya. Wala
siyang nagawa kung hindi ang pumayag.

"We're here." Anunsiyo ni Kaino nang tumigil ang sasakyan nito sa harap ng apartment niya.

She unbuckled her seatbelt and opens the door. "Salamat sa paghatid."

"Welcome."

Lumabas na siya sa sasakyan nito at pumasok sa bahay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang
magulong apartment. Para iyong dinaanan ng tsunami, lahat ng gamit niya nagkalat sa sahig.
Shit! Salamat sa panginoon at hindi niya rito itinago ang white book. Hindi na niya kailangan imbestigahan
para malaman ang pakay nang mga taong nanggulo sa apartment niya.

"We have to call the police." Anang boses ni Kaino sa likod niya.

"No!" Hinarap niya ito. "No police."

"What? Why? This is obviously a robbery. Paano kung may nanakaw sa mga gamit mo?"

"Walang ninakaw sa mga gamit ko." Matigas ang boses na sagot niya.

Mataman siyang tinitigan ni Kaino. "Paano ka naman nakakasiguro?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Basta. Don't call the Police."

Inilagay niya ang cellphone malapit sa tenga. "No. I'm calling the Police and that's final." Anito at naglakad
papasok sa apartment niya.

Nanghihinang umupo siya sa sofa na gutay-gutay na. Sa tingin ba talaga nila itatago ko rito ang white
book? Doon sila nagkakamali. Hinding-hindi niya hahayaan na mapasakamay iyon ni Jaime. Mamamatay
muna siya bago mangyari iyon.

"Parating na ang mga Police." Wika ni Kaino nang tumabi sa kanya ng upo.

"Diba sinabi ko nang huwag mo silang tawagan. Ayokong maging big deal ito. It's just a robbery attempt."

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Kaino. "Just a robbery attempt? Gilen, parang dinaanan ng malakas
na bagyo ang bahay mo. Hindi ka ba natatakot na baka bumalik ang mag magnanakaw na yon at narito ka
sa bahay mo?"

Nagsitaasan ang balahibo niya sa sinabi ni Kaino. Siyempre, natatakot siya, pero wala namang magagawa
ang takot niya. Kailangan niyang maging matapang para sa sarili niya. Walang ibang magtatangol sa sarili
niya kung hindi siya.

"Tawagin mo nalang ako kapag dumating na ang mga pulis." Aniya at naglakad patungo sa kusina.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang makita na pati ang kusina niya, magulo rin.

Someone hugged her from behind. "Madadakip din ang gumawa nito sa bahay mo." Anang boses ni Kaino.

Hindi na siya umaasa. Kung alam lang nito kung sino ang gumawa nito. Binaklas niya ang braso nito na
nakapulupot sa bewang niya.

"Sana nga. Ang daming nasira. Pababayaran ko ito sa kanila kapag nadakip sila." She said, trying to crack a
joke but failed.

"Gilen-"

Naputol ang iba pang sasabihin ni Kaino nang marinig ang tunog nang serina ng Pulis. Mabilis na iniwan
siya ni Kaino sa kusina at siya naman naiwan na nag-iisip kung ano ang isasagot niya sa mga walang
kwentang tanong ng mga Pulis.
"MA'AM, nasaan ka nang mangyari ang panloloob sa bahay niyo?" Tanong nang pulis kay Gilen.

She calmed herself. "I was outside with my friend. We were eating in a restaurant."

"Saang restaurant po?"

Naiirita na tiningnan niya ang Pulis. "Ano ba talaga? Sino ba ang iniimbistigahan mo? Ako o yong
magnanakaw? Kanina ka pa tanong ng tanong nang mga walang kwentang bagay. Why don't you just
search my apartment and look for something!"

Nawalan ng imik ang pulis. Iniwan niya ito at tinungo ang kuwarto niya para tingnan kung ninakaw ang
pera niya sa vault. Ngayon lang niya naalala na may pera pala siyang iniwan sa bahay.

SINUNDAN nang tingin ni Kaino si Gilen na halata ang iritasyon sa mukha. Napailing-iling siya sa inasal nito
sa harap ng pulis. Wala itong respito sa mga alagad ng batas.

"Sa tingin mo hinahanap nila ang white book?" Tanong ni Ethan sa kanya, ang partner niya sa pag-
protekta raw kay Gilen.

Nagkibit-balikat siya. "Maybe."

Nuong isang araw, pinatawag sila ng superior nila para ipaalam na nagbago ang misyon nila ni Ethan. Kung
noon ay protektahan si Gilen at makalapit dito ang misyon nila, ngayon naman ay protektahan ito at
alamin kung nasaan ang white book na nasa pangangalaga raw ni Gilen. Ang librong iyon daw ang
magdidiin kay Jaime para makulong na ito nang tuluyan.

"Sa tingin ko iyon ang hinahanap nila." Wika ni Ethan. "Kumusta na pala ang paglapit mo sa kanya, may
nalaman ka na ba tungkol sa white book?"

"Ethan, hindi pa kami ganoon ka-close para i-kwento niya sa akin ang bagay na iyon. Wala pa nga yata kami
sa MU stage. She's so hard to crack. Ang hirap niyang pasukin."

Ethan rolled his eyes at him. "Then use your charm and good looks."

Pinandilatan niya ito. "Easy for you to say, hindi naman kasi ikaw ang nakikipaglaro sa naglalagablab na
apoy."

Matagal siyang tinitigan ni Ethan. "Don't tell me you're starting to like her?" Nanlaki ang mga mata nito.
"Don't tell me you're courting her for real?"

"Shut up, Ethan. Alam mo kung bakit nakikipaglapit ako sa kanya."

"Yeah, I know. Sana nga pareho tayo nang iniisip, Kaino. Kasi ang alam ko, nakikipaglapit ka sa kanya para
malaman kung nasaan ang librong 'yon. Sana iyon din ang nariyan sa isip mo."

"Alam ko kung ano ang trabaho ko, Ethan. I can separate my personal life from my job as an NBI Agent."

"Good. kasi kailangan natin ang librong 'yon. If you have to woo here to get that book, do it. Romance her.
Flirt with her. Whatever. Get that book. Ako ang magpo-protekta sa kanya, ikaw naman ang papasok sa
mundo niya."
Tumango siya at napatingin sa pinasukang pinto ni Gilen. Alam niyang naglalaro siya sa apoy, sana naman
ay hindi siya mapaso. Kailangan na niyang malaman kung nasaan ang librong iyon para matapos na ito.

I don't want to play with fire. I don't want to get burn.

CHAPTER 5

NASA isang caf 茅 si Gilen kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Marj at Clover. Ginigisa siya
nang mga ito tungkol sa nangyari sa bahay niya. Ayaw man niyang magsalita, hindi niya kayang
magsinungaling sa mga kaibigan niya. Matagal na siyang nagsisinungaling sa mga ito, siguro nga ito na ang
tamang panahon para malaman nang mga ito ang nakaraan niya.

"Gilen, why didn't you tell us? Alam mo naman na nasa likod mo kami diba?" Puno nang pag-aalala ang
boses ni Marj habang nakatingin sa kanya na parang naiiyak.

She looked away. "I don't want to tell you. I don't want to remember my past. Gagawin ko ang lahat
mabura lang iyon."

"But you can't erase it." Wika ni Gilen. "Your past is your past, Gilen. Kahit anong gawin mo hinding-hindi
na iyon magbabago. I can't believe you didn't tell us. Tanggap ka naman namin kahit ano ka pa noon. Marj
and I love you."

She smiled sadly. "Sorry, natakot kasi ako."

Ginagap ni Marj ang kamay niya at pinisil iyon. "It's okay. Ang importante ngayon, hindi ka masaktan nang
mga taong iyon. We can help you-"

"No." Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. "Huwag mo akong tulungan. Kaya ko ito at saka ayokong
madamay kayo sa gulo ng buhay ko."

"Tama si Gilen, Marj." Sang-ayon ni Clover. "Mas makabubuti na manahimik nalang tayo. Hindi gugustuhin
ni Gilen kung pati tayo ay masaktan ng mga taong iyon. At kahit pa may pera tayo para mag-hire ng
bodyguard, wala ring silbi iyon."

Tumango siya. "Clover is right. Kaya naman hihingin ko sa inyo na huwag muna kayong maglalalapit sa akin
hangga't hindi pa natatapos ang problema kung ito."

Marj exhaled loudly. "Fine. Pero saan ka titira? Hindi ka na puwedeng bumalik sa bahay mo. Baka bumalik
ang mga taong iyon."

"Trust me, hindi na ako nakaapak muli sa bahay ko. Ang lalaking iyon! Urgh! Ang sarap ipakain sa buwaya
ni Kaino!" Nanggigigil na sabi niya.

Ngumisi si Clover. "Si Kaino? Aherm."

Inirapan niya ito. "Hay, tigilan mo nga ako, Clover. Walang nangyayari sa amin ni Kaino. Wala!"

"Bakit? May sinabi ba akong mayroon?" Nanunundyo ang tingin na ipinukol nito sa kanya. "Aherm, Gilen."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para kalmahin ang sarili. "Tigilan mo ako, Clover."

Marj chuckled. "First time naming nakita ang reaksiyon mong ito, Gilen. Nakakatawa. Marunong ka palang
magalit."

Itinirik niya ang mga mata. "Tigilan niyo ako!"

Tumawa si Clover. "Okay, okay. Titigilan ka na namin basta ba sasagutin mo ang tanong ko."

"Ano 'yon?"

"Saan ka nakatira ngayon?" May pilyang ngiti sa mga labi ni Clover.

Naiinis na tumayo siya at iniwan ang mga kaibigan na nagtatawanan. Napasimangot siya nang pumasok sa
isip niya si Kaino. Ang lalaking 'yon! Pagkatapos halughugin nang mga Pulis ang bahay niya, hindi siya
tinantanan ni Kaino. Pinilit siya nitong pansamantalang manatali sa bahay nito. Ayaw niya pero hindi siya
nito tinigilan.

Argh! Bakit ba ako pumayag na tumira sa bahay ni Kaino?

Akmang tatawag siya ng Taxi nang may tumigil na sasakyan sa harap niya. Agad siyang inataki ng kaba.
Handa na siyang kumaripas nang takbo ng bumukas ang driver seat at iniluwa si Kaino. Tinitigan niya ang
gamit nitong sasakyan. Alam niya ang lahat ng uri ng sasakyan at ang sasakyan na nasa harapan niya
ngayon ay isang Aston Martin.

"Hop in." Nakangiting wika ni Kaino.

"What happened to your car? Why the hell are you driving an Aston Martin?"

Kaino chuckled. "Hiniram ko lang 'to sa pinsan ko."

"Pinsan?" Kumunot ang nuo niya. "Ang yaman yata ng pinsan mo."

"Yeah. Very rich."

"Ah. Buti pinahiram ka." Sumakay siya sa sasakyan at isinuot ang seat belt. "Teka lang, bakit pala narito ka?
Aren't you supposed to be in Bachelor's bar, working?"

Pinausad nito ang sasakyan. "Nag-resign na ako."

Nanlaki ang mga mata niya at hinarap ito na abala sa pagmamaneho. "What?! Bakit naman?"

Nagkibit-balikat ito. "I quit. Babantayan kita. I want to take care of you."

Hindi makapaniwalang tumingin siya rito. "What the hell is wrong with you? Paano ka na ngayon? You
resigned for what? To take care of me? God, Kaino, anong kakainin mo ngayong wala ka ng trabaho?"

Walang pakialam na nagkibit-balikat ito ulit. "May ipon naman ako. Kaya yan. Hanggang hindi nahuhuli ang
nanloob sa bahay mo, mananatili ako sa tabi mo."

"No! You can't do this! Bumalik ka na sa trabaho mo, Kaino. Please." Pakiusap niya rito.
"Nope. I'm staying with you, Gilen. Maghahanap ako ng trabaho kapag nahuli na ang nanloob sa bahay
mo. My decision is final."

Walang nagawa si Gilen kung hindi ang sumuko at tumingin sa labas ng bintana nang sasakyan nito. Hindi
talaga niya maintindihan ang takno ng isip ni Kaino. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya pero hindi naman
nito kailangang mag-resign sa trabaho.

Wala silang imik ni Kaino hanggang sa makarating sa bahay nito. Napanganga siya ng makita ang bahay na
nasa harapan niya.

"Anong ginagawa natin dito?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi pa ba tayo uuwi sa bahay mo?"

"Ahm... I borrowed this house from my cousin. Gusto ko kasi maging komportable ka. Nasa-amerika
naman ang pinsan ko at pumayag siya na gamitin natin ang bahay niya pansamantala." Paliwanag nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at tumingin ulit sa malaking bahay na mansiyon na kung
maituturing.

"Gusto kong umuwi sa bahay ko." Aniya.

"Gilen, napagusapan na natin 'to. You'll stay with me for a while. Baka balikan ka ng mga taong 'yon.
Ihinabilin ka sa akin ni Agent Ethan Decordova, remember?"

"Naaalala ko." Bakit ba kasi may NBI pa na nakapasok sa bahay niya? Wala siyang nagawa ng ihabilin siya
ni Agent Decordova kay Kaino. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. She knows what NBI can do.
At saka may-record na siya sa NBI, kaya naman hindi siya umangal sa paghahabilin nito sa kanya kay Kaino.

Binalingan niya si Kaino. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sayo ako ihinabilin. Saka para
namang espesyal ang kaso ko. It's just a robbery and it happens all the time."

Tiningnan siya ni Kaino na para bang nag-iisip kung magsasalita ba ito o hindi.

"Actually, kaibigan ko si Agent Decordova. Nang malaman niya na special ka sa akin, binigyan niya ako ng
basbas na bantayan ka hanggang hindi pa nahuhuli ang mga taong iyon."

Pagak siyang tumawa. "God, Kaino, can you hear yourself? Binasbasan ka ni Decordova na bantayan ako?
Ano ka, pulis? Last time I check, you're just a bouncer."

Nag-iwas ito ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi. "Ito ba 'yon? Dahil isa lang akong bouncer kaya
hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko para sayo?"

She sighed irritably. "My god! Paano naman napasok sa usapan natin ang nararamdaman na iyan? Kaino,
ang pinaguusapan natin ay ang trabaho mo at hindi iyang feelings mo."

"Pareho rin iyon. They way you said it, parang ini-insulto mo ang trabaho ko. Yes, I'm just a bouncer but
I'm proud of it!"

Naiinis na tinanggal niya ang seatbelt at lumabas sa sasakyan nito. Argh! Nakakainis! Boysit! Paano naman
napasok sa usapan nila ang feelings nito para sa kanya? Ang utak talaga ng lalaking iyon! Ang sarap ilublub
sa asido!
SUMANDAL sa likod ng upuan si Kaino habang pinagmamasdan si Gilen mula sa loob ng sasakyan niya.
Halata ang iritasyon sa mukha nito dahil sa sinabi niya. Kinakain siya ng konsensiya niya. Sinabi lang naman
niya iyon para mawala sa isip nito si Agent Decordova. Bakit ba niya kasi sinabi iyon? Nakakainis!

Lumabas siya ng kotse at nilapitan ang dalaga. "Hey, you okay?"

Tiningnan siya nito ng masama. "What do you think? Kaino, hindi ko maintindihan ang takbo niyang utak
mo-"

"I'm sorry." Hindi niya alam kung bakit siya humihingi ng tawad. Medyo marami-rami na rin ang kasalanan
niya sa dalaga at hindi sapat ang isang sorry.

Huminga ito ng malalim na para bang kinakalma ang sarili. "Alam mo bang nakakairita ka?"

He forced a smile on his lips. "Yeah, I know."

Humarap ito sa kanya na seryoso ang mukha. "Kaino, wala naman akong pakialam kung isa kang bouncer. I
don't care. Isa iyong marangal na trabaho at hanga ako sayo dahil kahit kaunti lang ang sahod mo, hindi
mo naisipang gumawa ng mga illegal na bagay. Hindi kita minamaliit. At hindi naman dahil sa trabaho mo
kaya hindi ko masuklian ang nararamdaman mo para sa akin. It's just ... complicated."

Mataman niyang tinitigan si Gilen na nakatingin sa kanya. May kung anong estrangherong emosyon ang
lumukob sa puso niya sa mga sinabi nito. Masasabi pa kaya nito ang mga iyon kung alam nito na isa siyang
NBI Agent, nagmamay-ari ng isang Aston Martin at tagapagmana ng mansiyon na nasa harap nila ngayon?

He swallowed hard and looked at her in the eyes. Alam niyang puro kasinungalingan ang lalabas sa bibig
niya at nako-konsensya siya pero kailangan niyang gawin ito para sa trabaho niya.

"I really like you, Gilen." Aniya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang magsinungaling dito. Matagal na
niyang niloloko ang dalaga, tama na. Pero hindi siya puwedeng tumigil.

Ilang segundo ang dumaan bago ito nagsalita. "Gusto rin kita, Kaino."

Malalaki ang matang ibinalik niya ang tingin kay Gilen na nakatungo at namumula ang pisngi. What the
hell?! Shit! No! Shit! She can't like me for real!

"But I can't like you." Dagdag nito.

Dapat makahinga siya ng maluwang dahil hindi siya nito gusto pero bakit parang may kumudlit na sakit sa
puso niya? Ano ba itong nararamdaman niya?

Parang may sariling isip ang mga paa niya na tinawid ang destansya nila ni Gilen. Sinapo niya ang pisngi
nito at inaangat ang ulo nito para magtama ang mga mata nila ng dalaga. Pagkatapos ay dahan-dahang
inilapit niya ang mukha sa mukha nito, nang maglapat ang mga labi nila, tumigil ang paghinga siya at hindi
siya makagalaw sa kinatatayuan.

I'm doing this for my job... Kombensi niya sa sarili. Then why do I like the feeling of her lips pressed against
mine?

GUSTONG bugbugin ni Gilen ang sarili dahil sa kagagahang ginawa niya kani-kanina lang. Bakit niya
hinayaang mangayri ang bagay na 'yon? Why did she let him kissed her?! Shit!
Pagkatapos nang halikan na iyon, wala silang imik pareho ni Kaino. Ihinatid siya nito sa silid na gagamitin
niya at iniwan siya nito roon na walang isang salita na lumabas sa bibig nito. Nagpapasalamat siya at
iniwan siya nito. Kailangan niyang kastiguhin ang sarili sa kagagahang ginawa.

Hinawakan niya ang labi na parang nag-iinit.

"Ano ba naman 'to?! Wala akong oras sa pesteng feelings na 'to!" Naiinis na nahiga siya sa kama at
tinakpan ang mata niya gamit ang kaliwa niyang braso. "I don't have time for this! Urgh!"

Napaigtad siya ng may marinig na katok sa pintuan ng kuwarto niya. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Pasok. Bukas yan."

Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip si Kaino. Agad siyang bumangon at umupo sa ibabaw ng
kama nang makita ang binata. Nang magtama ang mga mata nila, mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya.

Shit! Am I blushing?

"Heto pala 'yong backpack mo na naiwan mo sa bahay ko. Dinala ko nang pumayag ang pinsan ko na
gamitin ang bahay niya. And ... ahm... lunch is ready. Kakain ka ba kasama ako o pahahatiran nalang kita ng
pagkain dito?" Tanong sa kanya ni Kaino.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Puwedeng pahatiran mo nalang ako?"

Nag-taas siya ng tingin at nahuli niyang nakatitig si Kaino sa labi niya. Nang mapansin nitong nakatingin
siya rito agad itong tumalikod.

"Sige, papahatiran nalang kita ng pagkain." Anito at iniwan siya sa silid niya.

Nakahinga siya ng maluwang ng umalis ito. Bakit ba parang mapupugto ang hininga niya habang
nakatingin sa binata? Diyos ko naman! Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Tumayo siya at tinungo ang backpack na nasa sahig, naglalaman iyon ng ilang pares ng damit. Mabuti
naman at dinala nito iyon. Kung hindi wala siyang ibang choice kung hindi ang bumalik sa bahay niya at
kumuha ng mga bagong pares ng damit.

Kinuha niya ang bag at inilagay iyon sa ibabaw ng kama at kinuha ang cell phone na nasa bulsa ng pantalon
niya. Sa nangyari sa bahay niya, kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Sigurado siyang nagpa-plano
na si Jaime kung paano siya dadakipin at papaaminin kung nasaan ang white book. Ang it's going to be
painful.

Hinanap niya ang numero ni Luther at tinawagan ito. Isang ring palang, sumagot na ang binata.

"Hey, Gilen. Napatawag ka? May problema ba?"

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Alam kong sinabi ko na ayokong idamay ka sa problema ko kasi
baka anong gawin sayo ni Jaime-"

"Which I don't care. Spill. What do you need? Of course, you know that you have to pay me back."

Ipinikit niya ang mga mata at kinombinsi ang sarili na tama ang ginagawa niya, na walang mangyayaring
masama kay Luther. Na walang mangyayaring masama sa kanya.
"Luther, I need your help."

"Yeah, I know. Halata naman sa boses mo. So what kind of help do you need from me?"

"I know it's big and I'm not sure if you're going to-"

"Just say it, Gilen." Luther cut her off. "Anong kailangan mo?"

"I need you to protect me."

"Sure." Mabilis na sagot ni Luther. "Kailan ka pupunta sa bahay?"

"Ahm... no, hindi ako titira riyan sa bahay mo. Hindi mo naman ako kailangang bantayan
twenty-four/seven. I'll call you when I need your help."

"Whatever you say."

"Thanks. So what kind of payment do you want for protecting me?" Tanong niya. "Ayokong magkaroon ng
utang na loob sa kahit na sino."

Ilang segundo itong nawalan ng imik. "Glad you ask. I want you to-"

"No stealing cars." Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. Sa boses palang nito alam na niya ang
kabayarang gusto nito.

"Oh, come on, it's just one car, owned by Senator Lowe Herrera. It's no biggie; you can steal it with your
eyes close."

Steal a car for her protection? Gagawin ba niya? Mensahe niya ang sentido habang nag-iisip ng
magandang gawin. Sa nangyari sa bahay niya, wala siyang maasahan sa NBI. Hindi niya maramdaman na
pino-protektahan siya ng mga ito tulad ng sinabi ng lalaking iyon. Kung hindi siya po-protektahan ng mga
ito, puwes siya ang po-protekta sa sarili niya sa paraang alam niya.

"Deal. One car for my protection. Text me the address and where to deliver it."

Luther chuckled. "Sigurado ka bang marunong ka pang magnakaw ng sasakyan?"

She rolled her eyes. "Luther, you're talking to Gilen Ramirez, professional grand theft auto. Pero ngayon ko
lang ito gagawin, just one car and you'll protect me."

"Yes, just one car. See yah tonight with my new and shining Ferrari."

CHAPTER 6

NASA teresa si Kaino at nagpapahangin ng makita niya si Gilen na lumabas ng bahay at naglakad patungo
sa gate. He narrowed his eyes on her. May dala itong bag at naka-all black ito.

Saan siya pupunta?


Mabilis niyang kinuha ang cell phone at sinundan ang dalaga. Nagtago siya sa likod ng malaking halaman
ng makita niyang tumigil ito sa harap ng gate at tinitigan ang malaking padlock ng gate.

Napanganga siya nang simulan nitong akyatin ang gate. What the hell? Paano niya nagawa 'yon? Mas
namangha siya ng bigla itong tumalon mula sa itaas ng gate pababa sa semento, she landed smoothly like
jumping a three feet tall was just a piece of cake. Tuluyan na itong nakalabas at tumakbo palayo sa bahay
niya.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Ethan. Naka-ilang ring din bago ito sumagot.

"Yes?" Anito sa kabilang linya.

"Lumabas si Gilen sa bahay ko. Hindi ko alam kung saan siya pupunta? Naka-all black siya at may dalang
bag. Ethan, baka kung ano ang mangyari sa kanya." Pilit niyang itinago ang pag-aalala na nararamdaman
para sa dalaga.

"Sundan mo siya. Tapos tawagan mo ako kung saan siya pumunta, okay? Mag-uusap tayo bukas." Wika ni
Ethan. "Nasa labas ako ng bahay ngayon ni Gilen, may mga kalalakihan sa loob ng bahay. Mukhang
hinahalughug na naman nila ang bahay ni Gilen."

Huminga siya ng malalim. "Okay. Susundan ko siya."

Tinapos na niya ang tawag at sinundan ang dalaga gamit ang Ducati niya. Hindi niya puwedeng gamitin ang
Aston Martin niya baka makilala iyon ni Gilen.

Naabutan niya ang dalaga na nasa labas nang gate ng subdivision. Nang may dumaan na taxi, pinara nito
niyon. Sinundan niya ang sinasakyan nito. Tamang-tama lang ang destansiya ng motorsiklo niya at taxi na
kinalululanan nito para hindi nito mahalata na may sumusunod dito. Nang tumigil ang taxi sa harap ng
isang sikat at mamahaling restaurant, naguluhan siya.

Is she meeting someone? Parang may kumurot sa puso niya sa isiping baka lalaki ang katagpo nito. Pero
kung makikipagkita lang ito sa isang lalaki, bakit kailangan pa nitong tumakas? Bakit hindi ito nagpaalam sa
kanya?

Nakita niyang bumaba si Gilen sa taxi at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng parking lot. Mabilis itong
naglakad palapit sa isang kulay itim na Ferrari at umuklo na para bang nagtatago mula sa mga mata ng
publiko. Ipinarada niya ang motorsiklo hindi kalayuan sa kinaroroonan ng dalaga at dahan-dahang
nilapitan ito.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ginagawa nito.

"YES!" Gilen whispered in triumphant when she heard a click. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at
madali iyong bumukas. "Thanks god."

"Anong ginagawa mo?"

Nabitawan ni Gilen ang hawak niyang auto-lock car opener na ginamit niya para buksan ang Ferrari na
gustong ipanakaw sa kanya ni Luther. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng marinig ang boses ni Kaino.

Why is he here, for Pete's sake!


Nag-aalangang nilingon niya ito at nakita niyang madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Kaino..." She whispered his name.

"Ano bang ginagawa mo?" Hinaklit nito ang braso niya at sapilitan siyang itinayo. "Ninanakaw mo ba ang
sasakyan na iyan?"

Hindi siya naka-imik sa tanong nito at tinitigan ang semento na para bang naroon ang sagot sa problema
ng buong mundo.

"Sagutin mo ako, Gilen. Are you trying to steal this car?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "N-No."

"Really?" Umuklo ito at may pinulot. "So, ano ito?"

Lihim siyang napalunok ng makita niya ang auto-lock car opener na ginamit niya kanina para buksan ang
pintuan ng sasakyan. "Ahm... n-nahulog ko."

Hinawakan siya ni Kaino sa baba at pinilit siyang tumingin dito. Nang magtama ang mga mata nila, nakita
niya ang walang emosyong mukha ng binata.

"Kaino-"

"I can't believe you, Gilen. Bakit mo ba nanakawin ang sasakyan na 'to? Kung gusto mo ng sasakyan, sana
sinabi mo sa akin. Puwede ko naman iyong gawan ng paraan."

"Kaino-"

"Hindi ko akalain na kaya mo itong gawin. Ito ba ang dahilan kung bakit ka tumakas sa bahay at hindi
nagpaalam sa akin?" Tumawa ito ng mapakla. "This is bullshit!"

Hinawakan nito ang kamay niya at akmang hihilain siya papunta kung saan ng may narinig silang nagsalita.

"Sino kayo? Bakit bukas ang pintuan ng sasakyan ko? Magnanakaw kayo no?" Anang boses ng isang lalaki.

Sabay nilang nilingon ni Kaino ang pinanggalingan ng boses. There, stood Senator Lowe Herrera, the owner
of the Ferrari she wanted to steal. Napahawak siya sa kamay ni Kaino. Bakit ba nangyayari ito? Gusto lang
naman niyang protektahan ang sarili niya. Dahil sa ginawa niya, mukhang pati si Kaino mapapahamak nang
dahil sa kanya.

Nababahalang tumingin siya kay Kaino. "Anong gagawin ko?"

Sa halip na sagutin, binitawan ni Kaino ang kamay niya. Parang may kung anong sumuntok sa puso niya sa
ginawa nito. Ikinuyom niya ang kamao at inihanda ang sarili sa mangyayari sa kanya. Shit! Mauulit na
naman ang nangyari sa kanya dati.

"Ikaw." Wika ni Lowe Herrero sabay turo sa kanya. "Nakita kitang umaaligid sa sasakyan ko. Balak mo bang
nakawin ang kotse ko?" Galit ang boses nito.

"S-Sir-"

"At itong lalaking 'to." Tinuro nito si Kaino. "Kakutsaba mo siya ano-"
"No! Wala siyang alam sa-" Napatigil siya sa pagsasalita ng hawakan ni Kaino ang kamay niya at pinagsiklop
iyon.

"Shut up." Bulong nito sa kanya at hinarap si Senator Herrera. "Good evening, Senator. My name is Kaino
Garcia." Inilabas nito ang pitaka mula sa bulsa at may ipinakita sa Senator. "I'm an NBI Agent. My partner
and I were just guarding your car. May narinig kasi kami na may balak daw magnakaw ng sasakyan niyo.
Pasensya na kung binuksan ko ang sasakyan niyo, it's to draw the thief's attention. Patawad po, Senator
kung hindi kami nagpaalam sa inyo bago namin binuksan ang sasakyan niyo. It was my fault."

"Oh, it's okay." Biglang huminahon ang boses ni Lowe Herrera. "Thanks for guarding my car. I appreciate
it." Anito at sumakay sa kotse nito at iniwan sila ni Kaino sa parking lot.

Mabilis na inagaw ni Gilen ang wallet na hawak-hawak nito at tiningnan ang ipinakita nito sa Senador.
Walang buhay siyang tumawa.

"God, I'm such an idiot." Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. "Bakit ba hindi ko napansin.
Ang bobo ko talaga." Tumingin siya sa kalangitan para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata
niya. "Bakit nagsinungaling ka sa akin?"

She heard him exhaled loudly. "Gilen, I can explain."

Nang maramdamang kalmado na ang mata niya, ibinalik niya ang tingin kay Kaino. "Sure, hindi naman
makitid ang utak ko para hindi pakinggan ang paliwanag mo. But I have one question to ask before I let
you explain yourself."

"Okay. Ask away."

"'Yong pagkagusto mo sa akin, totoo ba 'yon o kasinungalingan lang?"

Nang mag-iwas ito ng tingin, alam na niya ang sagot nito.

"Don't answer me." Aniya. "Alam ko na ang sagot mo."

"I'm sorry, Gilen. It's my job to protect you and-"

"Parti ba nang panloloko mo sa akin ang pag-protekta mo?" Itinapon niya rito ang wallet at tumama sa
dibdib nito. "Kaino naman... Wala naman sa akin kung sinabi mo sa akin na NBI ka at binabantayan mo
ako. Pero ang ilihim mo iyon at magpanggap na may gusto sa akin? Gago ka e!"

Naglakad siya palayo rito. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang nag marinig niyang magsalita si Kaino.

"Akala ko pakikinggan mo ang paliwanag ko." Anito sa mahinang boses.

Nakapamaywang na hinarap niya ito. "Ano pa ba ang ipapaliwanag mo sa akin, Kaino?"

"Marami, pero umuwi muna tayo sa bahay. Doon ako magpapaliwanag. It's not safe here."

Nanguuyam siyang tumawa. "Really? Ini-expect mo pa na babalik ako sa bahay ng pinsan-" Tumigil siya sa
pagsasalita at napailing-iling ng may maisip. "Bahay nga ba 'yon ng pinsan mo? Yong kotse na ginamit mo,
sa pinsan mo ba talaga iyon?"

"I own the car but the house is owned by my parents."


Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Why did you lie to me?"

"I will explain, but please, let's go home."

"Hindi ako sasama sa bahay mo. I rather live in the street-"

"And let Jaime Ramirez men take you? 'Yon ba ang gusto mo? Ang mahuli ka nila at pahirapan para ibigay
mo sa kanila ang pinakamamahal mong white book."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Alam mo ang tungkol sa white book?" Mahina ang boses na
tanong niya rito. Paano nito nalaman iyon?

Tumango ito at sinalubong ang titig niya. "Hindi ka puwedeng bumalik sa bahay mo, sabi ni Ethan may mga
kalalakihan ngayon sa bahay mo. Hindi ka puwedeng tumira sa bahay ni Marj o Clover kasi madadamay
sila. Ang choice mo nalang ngayon ay ang bahay ko."

Nakapag-isip siya at tama ang sinabi nito. Wala siyang ibang choice.

"Fine. Babalik ako sa bahay mo sa isang kondisyon."

"Ano 'yon?"

"Iharap mo ako bukas sa superior mo. Gusto ko siyang makausap ng personal."

"Deal." Inilahad nito ang kamay. "Umuwi na tayo."

Tinabig niya ang kamay nito. "Galit ako sayo."

Iniwan niya si Kaino at akmang tatawag ng taxi nang may humawak sa kamay niya. Nang tingnan niya kuing
sino iyon, si Kaino lang pala.

"You're going to ride in my motorcycle with me." Anito at hinila siya patungo sa nakaparadang Ducati.

Napailing-iling siya. "Let me guess, pag-aari ng pinsan mo?"

Tiningnan nito ang Ducati ang binalingan siya. "No. Pag-aari ko 'to."

"Truth, one point. Lies, too many to mention."

Nagpanggap si Kaino na walang narinig. Huminga ito ng malalim at sumakay sa Motorsiklo nito. "Sakay
na."

Walang pag-aalangang sumakay siya. Dumikit ang dibdib niya sa likod nito at napalunok siya ng may
maramdamang kakaibang sensasyon.

"Okay ka na ba riyan sa likod?" Tanong sa kanya ni Kaino.

"O-Oo." Nauutal na sagot niya.

Pinaharurot na nito ang motorsiklo palayo sa parking lot kung saan napurnada ang plano niya. Nililipad
ang mahaba niyang buhok dahil sa malakas na hangin at wala siyang helmet na suot.
Nang biglang lumiko ang motorsiklo, humawak siya sa bewang nito para hindi siya mahulog. Naramdaman
niyang natigilan si Kaino nang ipalibot niya ang braso sa bewang nito.

"Sabihin mo lang kung hindi mo gusto na nakahawak ako sayo." Sabi niya sa malakas na boses.

Mas pinabilis pa nito ang pagpapatakbo sa motorsiklo. "Hold me tight and don't let go!" Sigaw nito.

"What?"

"Someone is following us! Mas bibilisan ko pa ang pagpapatakbo para hindi nila tayo masundan." Malakas
ang boses na sabi nito.

Tumingin siya sa review mirror at napansin ang kulay itim na sasakyan sa likod nila. Napakunot ang nuo
niya nang lumiko sila ay lumiko rin ito. Halatang sinusundan sila.

"Sino ba ang mga 'yon?" Tanong niya.

"I don't know. Hold on tight, Chocolate."

Napamulagat siya. "What did you call me?"

He chuckled. "Chocolate. You like chocolate right? Mula ngayon 'yon na ang tawag ko sayo. Chocolate, it
sounds cute. Like you."

Tinampal niya ang tiyan nito. "Gago! Galit pa rin ako sayo kaya walang epekto iyang mga hirit mo."

Tumawa ito ng malakas. "So, kapag hindi ka na galit, e-epekto na iyon?"

"Not in this lifetime."

"Come on, Chocolate. Alam ko namang na-apektuhan ka sa hirit ko e."

"Tigilan mo ako, Kaino. Baka mabatukan kita."

"Titigil na po basta sabihin mo munang guwapo ako."

"Asa ka pa!"

"Chocolate, ang ganda mo."

Hindi niya napigilan ang sarili at binatukan niya ito. "Alam kong maganda ako. Hindi ko kailangan ang salita
mo para malaman iyon."

Itinigil nito ang motorsiklo at nilingon siya. "Wala na sila."

"Ha?"

"'Yong humahabol sa atin. Wala na."

Mabilis siyang lumingon at wala na nga ang itim na kotse. Napansin din niyang nasa harap na sila ng bahay
nito.

"Anong-"
"I don't want you to be scared. Kaya naman nilibang kita sa pamamagitan ng pagkulit sayo." Tinulungan
siya nitong makababa sa motorsiklo.

Napatitig siya sa binata. Nilibang siya nito para hindi siya matakot? Bakit nito ginawa 'yon?

"Thanks." Aniya kahit naguguluhan siya kung bakit ginawa nito iyon.

"No problem." Sagot nito at binuksan ang gate pagkatapos ay pinapasok siya sa loob.

Hinintay niyang maipasok nito sa loob ang motorsiklo at sabay silang pumasok sa bahay. Katahimikan ang
namagitan sa kanilang dalawa habang nakatayo at nakaharap sa isa't-isa.

"So, ahm... magpapahinga na ako." Aniya.

"Paano ang pagpapaliwanag ko?"

"It can wait tomorrow." Sagot niya at nag-umpisa ng maglakad patungo sa second floor.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng magsalita si Kaino.

"For the record, I wasn't just saying things to get your mind off the car that was tailing us. When I said
you're cute, I wasn't lying."

Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan at hinarap ang binata. "Nung sinabi kong gago ka, I mean it. At
hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sayo. Kahit pa nilibang mo ako para hindi ako matakot, gago ka pa
rin."

Pagkasabi 'non ay nagpatuloy siya sa paglalakad papunto sa silid niya.

CHAPTER 7

NAGISING si Gilen sa ingay na nanggagaling sa labas ng kuwarto na inuukupa niya. Kinusot niya ang mga
mata gamit ang likod ng kamay niya at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Inayos niya ang sarili at
lumabas sa kuwarto para tingnan kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig.

Pagkalabas niya sa silid niya, nakita niya si Kaino at si NBI Agent Decordova na nasa hagdanan at parang
nagri-wrestling.

Nagsalubong ang kilay niya sa ginagawa ng dalawa. "Anong ginagawa ninyo?"

Natigilan ang dalawa at sabay na tumingin sa gawi niya. Agad na naghiwalay ang mga ito at umayos ng
tayo at humarap sa kanya.

Pilit na ngumiti sa kanya si Kaino. "Wala kaming ginagawa, Gilen. Sige matulog ka na ulit." Pasimpli nitong
tiningnan ng masama si Agent Decordova. "May isang tao kasi rito na walang commonsense."

Naningkit ang mga mata ni Agent Decrodova at hinarap si Kaino. "Ako pa ngayon ang walang
commonsense? Gusto ko lang siyang makausap. Mali bang kausapin siya? It's already nine in the morning,
so I think its okay to wake her up. Ikaw lang naman kasi itong masyadong epal at ayaw gisingin si Gilen."
"Ako talaga?" Namaywang si Kaino at nakataas ang nuong tiningnan si Agent Decordova. "It's called
respect you piece of slime. Natutulog yong tao."

"It's already nine in the morning-"

"Tumigil nga kayong dalawa." Saway niya sa dalawang lalaki na nasa harapan niya na parang mga bata na
nag-aaway. "I'm awake. So anong kailangan niyo sa akin?"

Nginitian siya ni Agent Decordova at lumapit sa kanya sabay lahad ng kamay. "Hi, I'm Ethan Decordova. NBI
Agent. I'm here to protect you."

She rolled her eyes. "Protect me? Baka naman yong white book rin ang habol niyo sa akin."

"Yes, isa iyon sa dahilan kung bakit ka namin pino-protektahan." Wika ni Ethan. "Ayon sa superior namin,
nasa white book mo ang kailangan namin ebidensiya para makulong si Jaime Ramirez. Kaya
pagpasensyahan mo na ang naisip naming paraan para makalapit kami sayo." Anito sabay lingon kay Kaino
na tahimik na nakamasid lang sa kanila.

Pagak siyang tumawa sa sinabi ni Ethan. "That was below the belt. Hindi ko akalain na iba na pala ang
pamamaraan ngayon ng mga NBI para makuha ang gusto nila." Walang emosyong tumingin siya kay Kaino.
"Ang pabirong ligawan ako para makuha ang gusto ay hindi makatarungan. I have the right to keep that
book because its mine and I'm pretty sure na may batas kang alam tungkol sa karapatan ng may-ari sa
isang bagay na pagmamay-ari niya."

Tumungo si Kaino at halatang guilty ito.

Ibinalik sa kanya ni Ethan ang atensiyon. "Sorry kung nagawa namin yon. It's the only way-"

"It's not the only way." Sansala niya sa iba pang sasabihin nito. "Maraming paraan, Agent Decordova."

Nilampasan niya ang mga ito at bumaba sa hagdan at tinungo ang kusina. Wala siyang nakitang ni isang
katulong, hindi tulad kahapon na may nakita siya. Nilapitan niya ang coffee maker at gumawa ng kape.

Ilang minuto ang lumipas, naramdaman niyang may pumasok sa kusina. Kapagkuwan ay may dalawang
matitipunong braso ang pumalibot sa bewang niya.

"I'm sorry, Gilen. I didn't mean to hurt you." Anang boses ni Kaino.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinatigas ang boses. "Who said I'm hurt?" Hinarap niya ang binata,
walang emosyon ang mukha niya na sinalubong ang tingin nito. "Kaino, hindi ako nasaktan kasi hindi
naman ako nagkagusto sayo."

Nawalan ng imik ang lalaki at binitawan ang baywang niya.

Kinuha niya ang tasa na may lamang kape. "If you'll excuse me, please, step away. Magka-kape ako."

Akmang lalampasan niya ito ng bigla nalang nitong sinapo ang pisngi niya at siniil nang mapusok na halik
ang mga labi niya. Nabitawan niya ang tasa na hawak-hawak at nanigas sa kinatatayuan niya habang
nakalapat parin ang labi ni Kaino sa mga labi niya.

Ayaw man niya, dahan-dahang pumikit ang mga mata niya at ninamnam ang halik ni Kaino. Sa bawat
paggalaw ng labi nito, parang may mga paru-paru na nagliliparan sa loob ng tiyan niya. When Kaino trailed
his hand from her face down to her neck, nagsitaasan ang mga balahibo niya. Parang may dumadaloy na
kuryente sa mga kamay nito at mahina siyang napaungol sa ginawa nito.

Hindi niya namalayan ang sarili na tinutugon na pala ang halik ng binata. Ginagaya niya ang bawat galaw
ng labi nito na nagpapaungol sa kanya at bumubuhay sa ibang parte ng katawan niya. Ipinalibot niya ang
braso sa leeg nito at hinapit ito palapit sa kanya. Napaungol ito sa ginawa niya at mas ginanahan pa siyang
ipapatuloy ang paghahalikan nila.

"Oh... shit..." Anang boses na mabilis na nagpamulat sa mga mata niya.

Para silang napaso sa isa't-isa at mabilis na lumayo. Ramdam niya ang mata sa kanya ni Ethan. Hindi siya
makatingin sa lalaki at nakatungo lang.

"Okay..." Ethan took a deep breath. "I'm going home. Just call me when you need me, Kaino." Anito at
mabilis na iniwan sila ni Kaino sa kusina.

Katahimikan ang namayani sa kanila ni Kaino. Walang nagsalita o gumalaw sa kanilang dalawa. Nakatingin
sila pareho sa sahig na para bang may isang interesanting bagay doon. Hindi siya makatingin sa binata
dahil sa hiyang nararamdaman.

Kasasabi palang niya na hindi niya ito gusto, kung ganoon bakit niya tinugon ang halik nito? Wala na talaga
siya sa tamang pag-iisip. Bakit ba niya hinayaan ang sarili na maging mahina sa halik nito. Oo nga at inamin
niya sa sarili niya na gusto niya si Kaino pero hindi niya dapat tinugon ang halik nito.

She's supposed to hate him for lying to her. Pero ano itong kagagahan na pinaggagagawa niya? She just
kissed him back for crying out loud!

Sa kawalang masabi at magawa, umuklo siya at pinulot ang nabasag na tasa. Akmang hahawakan niya ang
nabasag na tasa ng may nauna sa kanyang pulutin iyon. Nagtaas siya ng tingin at nagtama ang mga mata
nila ni Kaino.

"Kaino..." Bulong niya sa pangalan nito.

Ito ang unang nagbaba ng tingin kapagkuwan ay nagsalita. "Stop lying."

Nainis siya sa sinabi nito. Para naman kung sino ito para sabihin iyon sa kanya. Isa rin naman itong
sinungaling.

"Who are you to say that to me?" Masama ang tingin na ipinukol niya rito. "It was you who lied to me,
Kaino. Kaya wala kang karapatan na sabihin iyan sa akin."

Sinalubong nito ang tingin niya. "Akala ko ba hindi ka apektado sa ginawa ko?"

Napatanga siya sa sinabi nito. "I'm... ahm- H-Hindi naman talaga."

"Yes, I lied to you but I did it for a reason-"

"There's no reason that can justify what you did. Nagsinungaling ka sa akin, and that's that."

Huminga ito ng malalim na para bang humuhugot ito nang lakas ng loob bago magsalita.

"Gilen, I'm sorry for lying to you. Yeah, I lied but not about everything."
"Kaino-"

"Ang kasinungalingan lang na sinabi ko sayo ay tungkol sa trabaho ko, sa bahay ko at sa sasakyan ko. But
other than that, wala na. So when I told you that I care for you and I like you, I wasn't lying, Gilen. It was
the truth."

Wala siyang buhay na tumawa at tumayo. "Tama na ang kasinungalingan, Kaino. The end na iyang drama
mo. Kaya tama na." Aniya at umalis sa kusina.

TUMUNGO sa teresa si Gilen pagkagaling sa kusina. Nakahinga siya ng maluwang ng hindi na niya
naramdaman ang presensiya ni Kaino. Ewan ba niya. Pakiramdam niya nag-iiba ang lahat kapag malapit
lang sa kanya ang binata.

Napaigtad siya ng biglang may magsalita sa likuran niya.

"You shouldn't be here, Gilen. Baka mabaril ka. Masyadong open ang kinatatayuan mo." Anang boses ni
Kaino.

Itinirik niya ang mga mata. "Ang OA mo. At saka hindi nila ako papatayin kung iyon ang inaalala mo. May
kailangan pa sila sa akin."

Lumapit ang binata sa kanya at tumayo sa tabi niya. "Ano ba ang kailangan nila sayo?"

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Balik tanong niya rito. "Kung anong kailangan mo, iyon din ang
kailangan nila."

"Bakit hindi mo nalang ibigay iyon sa batas para hindi ka na nila habulin?"

Tumawa siya ng pagak. "Sa tingin mo naman ganoon lang 'yon? Kaino, hindi ako bobo. Ang white book ang
tinging dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon. Kung bakit hinahayaan ako ni Jaime na
huminga. Hindi ko 'yon ibibigay sa inyo."

Hinarap siya nito. "Gilen, I can protect you."

"No offense meant, Kaino, pero hindi ko maramdamang secure ako sayo." Tapat na sabi ni Gilen. "Pareho
lang naman kayo ng gusto ni Jaime Ramirez. Ang white book."

"Gilen-"

"I want to go shopping." She cut him off. "Wala na akong damit na susuotin bukas. May pakiramdam ako
na magtatagal pa ako sa poder mo. At saka kailangan magmukha akong tao kapag nakaharap ko na ang
superior mo."

Natahimik ito ng ilang segundo kapagkuwan ay nagsalita. "About my superior... puwede bang saka mo na
siya kausapin?"

"No. I want to talk to him. Kung po-protektahan niya ako, I want it to be right. Hindi ako newbie sa
protection program na ito. Been there, done that." Tinalikuran niya ang lalaki. "Maghahanda lang ako
tapos pupunta ako sa mall. Puwede bang gamitin ang kotse mo?"

"Yeah, sure."
"Okay. Thanks."

Iniwan niya ito at tinungo ang silid niya para maligo at magbihis.

MALAPAD ang ngiti ni Gilen habang namimili ng damit. After a week, sa wakas nakapag-shopping din siya.
Ito ang palagi niyang ginagawa nuong wala pa ang gulo na ito, well, this and eating. She missed shopping
and eating. She missed shopping and eating with her friends.

Nang maalala ang mga kaibigan, bigla siyang nalungkot. How she wish kasama niya ang mga ito ngayon.

"Hindi ka pa ba tapos?" Anang boses sa likod niya.

Sumama ang templa ng mood niya ng marinig ang boses ni Ethan. Hindi niya akalaing sasama si Kaino sa
kanya at kasama pa si Ethan. Kailangan daw kasi protektahan siya. Nakakapika lang kasi palaging
nagrereklamo ang dalawa kapag pumapasok siya sa isang boutique. Naiinis siya na sumama ang mga ito
pero wala naman siyang magawa.

Hinarap niya si Ethan na nakabusangot at maraming dalang pinamili niya.

"Manahimik ka nga, Ethan. Ikaw itong may gustong sumama mag-shopping. Deal with it like a very
responsible Agent."

Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya. "Hindi ako bodyguard o personal assistant mo para sumama
sayo mag-shopping!"

She smirked at him. "Too bad. Nang tanggapin mo ang pag-protekta sa akin, kasama na roon ang pagiging
body guard ko at pagiging personal assistant ko."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa pagsa-shopping.

Pagkalipas ng ilang oras, marami na siyang napamili. Hindi niya namalayan na malapit na palang mag-
lunch. Hinarap niya si Ethan at Kaino an hindi maipinta ang mukha.

"What? May pupuntahan ka pang boutique?" Puno ng iritasyon ang boses ni Kaino na ikinangiti niya niya.

"Gusto kong kumain. Nagugutom na ako." Aniya.

"Thanks god!" Ethan exclaimed and went to the nearest fast food restaurant with Kaino and her in tow.

"Tapos ka na bang mag-shopping?" Tanong sa kanya ni Kaino habang papasok sa pinasukang fast food
restaurant ni Ethan.

"Bakit? Napapagod ka na?"

"Oo. At nakakahiyang tumayo na parang timang sa isang lingerie store." Anito na medyo namumula ang
pisngi.

Mahina siyang tumawa ng maalala ang mukha nito at si Ethan habang nakatayo at naiilang na nakatingin
sa mga lingerie na nagkalat sa lingerie store. It was so funny to watch kaya naman sinadya niyang magtagal
sa store na iyon para asarin ang mga ito.
"Stop laughing." Naiinis na saway sa kanya ni Kaino.

Malapad na nginitian niya ito. "I can't help it. Nakakatawa kayo ni Ethan e. Yan kasi, sumama pa kayo sa
akin."

"We have to protect you, Gilen. Please, understand that."

"Okay." Aniya na natatawa pa rin. "Kumain nalang tayo."

Pagkatapos nilang kumain ni Kaino at Ethan, napagpasyahan ni Gilen na umuwi na. Ayaw na niyang
pahirapan ang dalawang lalaki na ito na gusto lang naman siyang protektahan.

"Sa wakas. Uuwi na rin tayo." Wika ni Ethan na nasa Driver seat at nagmamaneho pabalik sa bahay ni
Kaino.

"Oo nga." Sangayon ni Kaino. "Nakakapagod mag-shopping. Ganoon ba talaga kayong mga babae? Walang
kapagurang maglakad kapag damit at ka-artihan sa katawan ang pingauusapan?"

Sinipa niya ang likod ng upuan ni Kaino. Nasa backseat siya kaya naman madali lang niyang nasipa ang
upuan ng binata.

"Puwede ba, Kaino. Hindi ako maarti. Wala namang masama kung aalagaan ko ang sarili ko."

Kaino puffed a breath. "Maarti ka. Huwag kang denial. You're a girl. You're bound to be 'maarti'."

Ethan chuckled. "Tama si Kaino."

"Manahimik nga kayo-"

Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at kasunod niyon ay
ang tunog ng nababasag na salamin. Umuklo siya at inilagay ang kamay sa ulo niya na parang pino-
protektahan iyon. Lumingon siya at nakitang may maliit na butas ang likod ng sasakyan.

"Shit! Gilen! Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kaino habang kinakasa ang baril na hindi niya alam kung saan
nito nakuha.

"Yeah." Sagot niya at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa ilalim ng upuan ng may tumamang bala sa likuran
ng sinasakyan nilang kotse.

"Shit!" Mura ni Ethan at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

Si Kaino naman ay abala sa pag-asinta sa itim na kotse na nasa likuran nila pero hindi naman nito binabaril
ang bumabaril sa kanila.

"Kaino! Iputok mo na nga yan!" Sigaw niya rito.

"Wait! Maraming tao. Baka madamay sila!" Balik sigaw ni Kaino sa kanya at bumalik sa kinauupuan.

"Akin na nga iyan!" Naiiritang inigaw niya ang baril sa binata.

"What the heck are you doing, Gilen!" Pilit na inagaw sa kanya ni Kaino ang baril pero nunkang ibalik niya
rito ang baril.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inilabas ang kalahati ng katawan habang mahigpit na
nakahawak sa pintuan ng kotse. Iniumang niya ang baril sa gulong ng sasakyan na nakasunod sa kanila at
kinalabit ang gatilyo ng ilang beses.

"Yes!" Sigaw niya ng makitang tinamaan niya ang gulong at gumiwang ang sasakyang bumabaril sa kanila
at nawala sa lane.

Mabilis siyang bumalik sa loob ng sasakyan at ibinalik ang baril kay Kaino na hindi makapaniwalang
nakatingin sa kanya.

"Where did you learn to shoot like that?" Manghang tanong sa kanya ni Ethan.

"Yeah." Kaino was breathless. "Saan ka natutong umasinta ng ganoon. That was a perfect shot."

Ibinalik niya ang baril kay Kaino at sumadal sa likod ng upuan at tumingin sa labas ng bintana. "I need to
talk to your superior." Aniya sa seryosong boses.

"Sure." Sabay na sagot ni Ethan at Kaino.

"Nagmamadali na si Jaime. Para barilin ang kotse na sinasakyan ko. That was a reckless and desperate
move. Kailangan kong makausap ang superior niyo."

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Walang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa
NBI Headquarters.
CHAPTER 8

PAGKAPASOK ni Gilen sa NBI Headquarters kasama sina Kaino at Ethan, biglang bumigat ang pakiramdam
niya. It's like d 茅 j 脿 vu. Ganito rin ang nangyari sa kanya ilang taon na ang nakakaraan.

"You look pale. Are you okay?" Tanong ni Kaino na nasa tabi niya at pasulya-sulyap sa kanya habang
naglalakad.

Ipinalibot niya ang dalawang braso sa katawan niya na para bang nilalamig.

"Yeah, I'm fine." Sagot niya rito.

"Sigurado ka?"

"Oo."

Bago pa ito makapagsalita ulit, tumigil si Ethan sa isang pintuan na pamilyar na pamilyar sa kanya. Siya pa
rin ba ang head ng NBI?

Nang buksan ni Ethan ang pintuan, pinigilan siya ni Kaino sa braso.

"Gilen, okay ka lang ba talaga?" May pag-aalala sa boses nito.

Nilingon niya ang binata. "Yeah, I'm fine. Bakit ba ang kulit mo? Tanong ka ng tanong!" Sikmat niya.

"I'm just worried." Sinalubong nito ang titig niya. "Gilen, you look really pale. Nag-aalala ako sayo."
Ipiniksi niya ang braso na hawak nito. "I'm fine nga sabi diba? Bakit ba ang kulit mo?"

"I'm just-"

"Papasok ba kayong dalawa o hindi?" Anang boses na nanggaling sa loob ng opisina na pinasukan ni Ethan.

Sabay silang tumingin ni Kaino sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino iyon. Its him!
Bakit ba umasa siya na hindi na ito ang NBI Director? Kaya nga hindi parin hinuhuli si Luther dahil sa
lalaking ito.

"Gilen." Nginitian siya nito. "Nice to see you again."

"Nice to see you-hin mo ang mukha mo. Buhay ka pa rin pala." Pagtataray niya sa kaharap.

He grinned. "Masamang damo ako, Gilen. At saka diba magkausap lang tayo sa telepono days ago?"

Pinaglipat-lipat ni Kaino ang mata sa kanila ng superior nito.

"Magkakilala kayo?" Nagugulumihang tanong ni Kaino habang magkasalubong ang kilay.

Tumango ang NBI Director na si Luther San Diego Sr. "Yeah, magkakilala kami. Come on in nang
makapagusap tayo ng mabuti." Anito sa kanilang dalawa ni Kaino.

Inirapan niya ito at pumasok sa opisina nito na nakataas ang kilay. Nakita niyang nakatingin sa kanya si
Ethan ng matiim.

"Ano?" Mataray niyang sikmat sa lalaki.

Umiling ito. "Magkakilala naman pala kayo ni Gilen, pinahiripan mo pa kami, Sir." Ani ni Ethan sa superior
nito.

Tumawa ng mahina si Luther Sr. "Wala kang karapatang umangal, Agent Decordova. At may rason ako kung
bakit ko ginawa iyon." Tiningnan nito si Kaino na nasa labas pa rin ng opisina. "Pumasok ka na Agent
Garcia, para maumpisahan na natin ang pag-uusap. Marami akong sasabihin kay Gilen."

"Hindi naman siguro ako kailangang present sa pag-uusap ninyo." Ani ni Kaino sa walang emosyong boses.

"Kailangan ka kaya pumasok ka na." Matigas na boses ni Luther Sr. na ikinatirik ng mga mata niya.

Napipilitang pumasok si Kaino at umupu sa visitor's chair na nasa tabi niya. Si Ethan naman ay nakatayo
lang at nakaharap kay Luther Sr.

"So..." Luther Sr. trailed and looked at her. "How are you? I heard kinausap ka ng anak ko. Ferrari huh?"

"Yeah. Pero hindi naman natuloy." Binalingan niya si Kaino na nasa tabi niya. "Napigilan ako ni Kaino."

"Mabuti naman. Kung hindi isa na namang kabaliwan ang gagawin mo na hindi ko alam kung mapapalusot
ko pa." Anito. "Kung gusto mo ng proteksiyon dapat sinabi mo sa akin. Hindi na sa iba ka pa maghahanap.
My men are there to protect you-"

Ibinalik niya ang tingin kay Luther Sr. "Hindi ko maramdamang pino-protektahan mo ako." Putol niya sa iba
pa nitong sasabihin. "Kaya naman naghanap ako ng ibang magpo-protekta sa akin."
"I'm sorry to hear that." Pinaglipat-lipat nito ang tingin kay Ethan at Kaino. "Ano bang pinaggagagawa
ninyong dalawa? Kayo ang inatasan kung bantayan si Gilen."

"Sir, with all due respect, pinrotektahan po namin si Gilen sa abot ng aming makakaya." Wika ni Kaino.

"Yes, sir." Pag sangayon ni Ethan sa binata.

"Talaga lang ha?" Ibinalik ni Luther Sr. ang tingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi na hindi mo
naramdaman na prinotektahan ka nitong mga kutong-lupang ito?"

"Wala sila kapag nanganganib ang buhay ko." Simpling sagot niya.

Masama ang tingin na bumaling ito sa dalawang lalaki. "Explain."

"Binabantayan namin siya, Sir." Sabi ni Kaino. "Nung hinahabol siya ng dalawang kalalakihan, naroon ako at
dapat ay tutulungan siya pero pati ako ay ibinalibag niya sa sahig. Pagkatapos, nuong pinasok ang bahay
niya, naroon din ako at hindi ko siya hinayaang mag-isa. Para sa akin, pinrotektahan ko siya, Sir."

Tumango-tango si Luther Sr. "Good." Tumingin ito sa kanya. "So, anong kailangan mo at narito ka ngayon
kung pino-protektahan ka naman pala nitong dalawang ito?"

"May bumaril sa sasakyan namin." Aniya.

Ilang minutong nawalan ng imik si Luther Sr. bago nagsalita. "Si Jaime 'yon, sigurado ako. Mukhang
talagang desperado na siyang makuha ang white book mo."

Umiling siya. "Hindi ko yun ibibigay sa kanya o sa'yo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa visitor's chair.
"Aalis na ako."

"Kung hindi mo ibibigay yon sa amin, kung ganoon ikaw ang gagawin kong star witness para makulong si
Jaime Ramirez."

Nabitin ang paghakbang niya nang marinig ang sinabi ni Luther Sr.

"Sir, hindi puwedeng maging star witness si Gilen." Wika ni Kaino at tumayo. "Hindi naman siya kasama sa
mga tauhan ni Jaime na gumagawa ng illegal. She can't be a star witness-"

"Silence, Kaino." Tumayo si Luther Sr. at mataman siyang tinitigan. "Siguro nga ito ang tamang oras para
may malaman kayo tungkol sa taong pino-protektahan ninyo. Fact about Gilen Ramirez, at the age of
fifteen, isa na siyang professional grand theft auto na hawak ni Jaime Ramirez. Natigil lang ang mga illegal
na ginagawa ni Gilen ng madakip ko siya at isinailalim sa protection program para gawing star witness. At
alam niyo naman na ang nadiin ay ang kapatid ni Jaime na si Julio."

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Kaino. "Isa kang professional grand theft auto?" Mapaklang
tumawa ito. "Here I am, trying to be a good person for you kasi akala ko iba ka. Sobrang na-guilty pa ako sa
pagsisinungaling ko sayo. Akala ko isa kang mabuting babae. So bumalik ka na naman ba sa pagiging
magnanakaw ng kotse? Nuong nakita kita sa labas ng restaurant at-"

"Tama na iyan, Kaino." Pigil ni Luther Sr. sa binata at binalingan si Ethan. "Maghanda ka. Sasamahan mo si
Gilen sa isla kung saan safe siya roon." Ibinalik nito ang tingin kay Kaino. "Ikaw naman, dito ka lang. May
ipapagawa ako sayo."
"Teka lang." Pigil niya kay Luther Sr. "Anong isla? Hindi pa ako pumapayag na maging star witness niyo-"

"Star witness o ang white book mo? You don't have to answer, Gilen, been there, done that. Alam ko na
ang isasagot mo." Wika ni Luther Sr. "Sige, makakalis na kayo. Aalis ang Helicopter pagkalipas ng isang oras
kaya naman maghanda na kayo."

Walang imik na lumabas sila sa opisina ni Luther Sr. Nakakainis at mapapasailalim na naman siya sa NBI
protection program. Akala niya tapos na ang episode na ito ng buhay niya pero may continuation pa pala.

Iginiya siya ni Ethan papunta sa pinakamalapit na caf 茅 sa NBI Headquarters. Nang makapasok sa
nasabing caf 茅, umupo siya sa bakanteng upuan sa pandalawahang mesa.

"Dito ka lang muna, Gilen. Maghahanda lang ako, babalikan kita kaagad. I think hindi mo na kailangang
maghanda. Marami ka namang nabili na mga damit na nasa sasakyan ko, sa tingin ko sapat na ang damit
na 'yon." Nilingon nito si Kaino na nasa likuran nila at walang imik na sinundan sila. "Bantayan mo muna si
Gilen-"

"Bakit ko naman siya babantayan?" Blanko ang ekspresyon nito ng tumingin sa kanya. "Hindi ako
nagbabantay sa mga magnanakaw."

She gritted her teeth in irritation. "Hindi ko rin naman kailangan ng isang makitid ang utak na
tagapagbantay. Umalis ka na, Ethan. Kaya ko ang sarili ko."

Padaskol na umupo si Kaino sa bakanteng upuan sa harap niya. "Pesteng trabahong 'to." He murmured
under his breath.

Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. "Mas peste ka." Nanggigigil na sabi niya rito.

Pinanlakihan siya nito ng mata. "Puwede ba huwag mong ididikit ang katawan mo sa akin."

Inirapan niya ito. "Gago!"

"Ga-"

"Hindi ako gaga, kung iyan ang sasabihin mo."

"Oo, hindi ka gaga, magnanakaw ka lang." Inungusan siya nito at nagbawi ng tingin.

"Ang kitid ng utak mo! Akala ko naman iba ka. Mapanghusga!" Sabi niya sa nanggigigil na boses.

Sinalubong nito ang galit niyang tingin. "Gilen, nakita kitang binubuksan ang isang kotse. Pinagwalang
bahala ko yon kasi akala ko wala lang iyon at trip mo lang. Tapos ngayon, malalaman ko na dati ka palang
magnanakaw-"

"That's the key word, Kaino. Dati akong magnanakaw. Hindi na ngayon."

"Kung ganoon, yung nakita ko kagabi, anong ibig sabihin 'non? Naglalaro ka lang? Gilen naman, hindi ako
bobo."

"Oo hindi ka bobo, gago ka lang." Tumayo siya at naglakad palabas ng caf 茅.

"Gilen, bumalik ka rito! Saan ka ba pupunta?"


Hindi niya ito pinansin at lumabas ng caf 茅. Nasa pintuan na siya ng makarinig ng sunod-sunod na putok
ng baril. Mabilis siyang dumapa it inilagay ang dalawang kamay sa ulo. Napapaigtad siya tuwing may
tinatamaang salamin ng caf 茅 ang bala. Mariin siyang napapikit sa isiping maraming tao sa loob at
masasaktan sila ng dahil sa kanya. She was about to crawl when someone put an arm on her back and
pinned her on the ground.

"Still! Baka tamaan ka ng bala." Boses iyon ni Kaino.

"Akala ko ba huwag akong dumikit sayo. Ikaw ngayon itong nakadikit sa akin." Aniya.

"Shut up, please."

Nilingon niya ang binata na ihinaharang katawan para hindi siya tamaan ng bala. She felt weird inside.
Nang tumigil ang pamamaril, ipinalibot niya ang paningin. Nakita niya ang basag na salamin ng caf 茅 at
may mga taong duguan at nakahandusay sa sahig ang iba.

Napahikbi siya sa nakita. This is my fault. Sisi niya sa sarili. Kung binigay ko nalang sana ang white book kay
Jaime, hindi mangyayari 'to.

Dalawang matitipunong braso ang yumakap sa kanya at inalo siya. "This is not your fault. Huwag mong
isipin na ikaw ang may kasalanan. Biktima ka lang din." Masuyong hinagod ni Kaino ang buhok niya at
hinalikan siya sa nuo. "Tahan na. Huwag ka ng umiyak. Hindi makakatulong ang luha mo sayo. You have to
be strong, Gilen. Yan ang kailangan mo ngayon."

Humihikbing tumango siya. "Sorry..." Pinahid niya ang isang butil ng luha na kumawala sa mata niya. "I
blame myself for all of this and I'm scared, Kaino. Paano kung mamatay ako? Paano kung makuha nila ako
tapos patayin-"

Sinapo nito ang pisngi niya at pinilit siyang tumingin sa mga mata nito.

"Gilen, hindi ko hahayaang mangyari yon, okay? It's my job to protect you and- no scratch that. I want to
protect you, Gilen. Kahit pa nga isa kang magnanakaw."

Tiningnan niya ito ng masama. "Gago ka. Hindi ko naman kailangan ang proteksiyon mo. Sinigaw-sigawan
mo pa ako kanina. Walang hiya ka talaga."

Kaino chuckled lightly. "Ikaw na ang babaeng nakilala ko na walang utang na loob."

Inirapan niya ito. "Wala akong utang na loob sayo."

"Whatever. Kailangan na nating makaalis dito." Hinawakan nito ang kamay niya at tinulungan siya
makabangon mula sa pagkakadapa. "Halika na."

She brushed the dust off her jeans and shirt. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya kay Kaino na hinihila siya
patungo sa kung saan. "Baka hanapin tayo ni Ethan."

"Tatawag ko nalang si Ethan. Babalik tayo sa NBI Headquarters. Hindi ka safe dito. Shit talaga ang Jaime na
'yon!"

Hinayaan niyang hilain siya ni Kaino pabalik sa NBI Hq. Pagkapasok nila sa HQ, agad nitong tinawagan si
Ethan para sabihing bumalik sila sa HQ.

Ibinalik ni Kaino ang cell phone sa bulsa ng pantalon at hinarap niya.


"Ethan said he's on his way here." Anito at pinakatitigan siya ng matiim. "Alam mo bang pinagalala mo
ako."

She rolled her eyes. "Nandito na naman po tayo sa kasinungalingan mo. Kaino, kasasabi mo palang na wala
akong kwentang magnanakaw."

"Yeah, I know... pero... k-kasi..."

"Stop it, Kaino." Aniya sa mahinang boses. "Okay lang naman kung iyon ang tingin mo sa akin. I don't
mind, totoo naman kasi 'yon." Tumawa siya ng mapakla. "Pero hindi ko naman ginusto ang buhay na 'yon.
Sa mura kung edad nasadlak na ako sa mga illegal na gawain kaya naman nang lumaki ako at nagkaisip,
normal na sa akin 'yon. Hindi ko sinasabing intindihin mo ako, pero sana huwag mo akong husgahan. Kasi
wala ka namang alam sa pinagdaanan ko noon. Wala kang karapatan na husgahan ako, Kaino. Wala. Kasi
hindi mo alam ang buhay ko noon bago ako nahuli ni Luther Sr."

Ilang minuto itong nakatitig lang sa kanya kapagkuwan ay nagsalita. "Sorry. I didn't mean to judge you."

Tumango siya. "You're not forgiven, but I'll try to forget."

Pagkalipas ng sampung minuto dumating si Ethan na may dala-dalang backpack at isang pambabaeng
travelling bag. Nang mapansin nitong nakatingin siya sa kulay pink na travelling bag, inabot nito iyon sa
kanya.

"Nandiyan lahat ang pinamili mong damit sa mall." Ani ni Ethan. "Halika na sa Helipad. Aalis na ang
Helicopter."

Sumundo siya kay Ethan papunta sa roof top kung saan naroon ang Helicopter at naghihintay sa kanila.
Iyon ang maghahatid sa kanila sa isla na pinaggalingan na niya noon. Nasa likuran nila si Kaino na walang
imik lang na nakasunod sa kanila.

Nang makarating sila sa roof top, kinausap ni Ethan ang piloto at naiwan siya kay Kaino na tinutulungan
siyang makaupo ng maayos sa loob ng helicopter. Isinuot nito ang seat belt at nilagyan ng ear plug ang
tenga niya.

Habang nakalagay ang earplug sa tenga niya, he started talking.

"Ano?" Tanong niya rito.

Hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil sa nakatakip sa tenga niya. Umiling-iling ito ng nakangiti at
tinanggal ang ear plug sa tenga niya.

Kaino smiled at her. "Sabi ko mag-ingat ka at mami-miss kita."

Pagkasabi niyon ay ibinalik nito ang ear plug sa tenga niya at bumaba ng helicopter at naiwan siyang
nakaawang ang mga labi sa sinabi nito.

Ma-miss niya ako? Tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng munting kasayahan sa puso niya. Napailing
nalang siya sa nararamdaman.

Pumasok na si Ethan sa loob ng helicopter at nagsuot ng seat belt at ear plug. Ilang minuto lang ang
lumipas naramdaman ni Gilen at paunti-unting pagtaas ng sinasakyan. Napatingin siya sa baba at nakita
niya si Kaino na nakatingala sa kanila at kumakaway.
Nag-iwas siya ng tingin ng may maramdamang kakaiba ang puso niya. Kahit anong deny pa niya sa sarili
alam niyang mami-miss din niya ang binata. At sa patuloy na paglipag ng helicopter palayo kay Kaino,
nararamdaman kaagad niya ang pangungulila rito.

Pesteng puso! Buwesit na pag-ibig! Ngayon pa talaga tumama kung kailan magulo ang buhay ko.
CHAPTER 9

ILANG araw nang namamalagi si Gilen sa isla, and it's so boring. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang
mag-swimming sa beach at manuod ng sunrise at sunset. Kinukulit niya si Ethan na pahiramin siya ng cell
phone kasi tatawagan niya ang mga kaibigan niya para man lang malibang siya pero hindi ito pumayag.
Nakakabagot ang walang ginagawa. Nakakainis naman kasi. Nang lumapag ang helicopter sa isla,
kinompiska ang gadget na dala niya which is her phone.

Protocol daw. Protocol, her ass!

Nandito siya ngayon sa buhangin at hinihintay ang sunset, wala naman siyang ibang gagawin kung hindi
ito.

Napatingala siya sa kalangitan ng may marinig na malayong tunog ng helicopter. Hindi na iyon bago sa
pandinig niya. Sa isang linggo niyang pananatili sa islang ito, halos araw-araw pumupunta ang Helicopter
na iyon dito sa isla para magdala ng kung ano-anong gamit o pagkain para sa mga nakatira rito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga ng makitang lumubog na ang araw. Isang araw na naman ang
lumipas na wala siyang ginawa kung hindi umupo, matulog at kumain. Nakakairita pero ayaw naman
niyang bumalik sa manila kung saan may nagtatangka sa buhay niya. Kahit ayaw niya, ipapaubaya niyang
muli kay Luther Sr. ang problema niyang ito.

Wala naman akong ibang choice.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa inuukapa niyang
maliit na cottage. Nang dumaan siya sa inuukupang cottage ni Ethan na katabi lang ng cottage niya,
napakunot ang nuo niya. Madilim ang loob at halatang walang tao.

Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yon? Siguro nandoon si Ethan sa island HQ. Palagi kasing naroon
ito kapag wala sa cottage nito. Hindi naman siya natatakot na wala siyang kasama dahil nagkalat ang mga
guard sa isla at alam niyang palaging tsini-check ang cottage niya kung okay lang ba siya o hindi.

Nagkibit-balikat siya at pumasok na sa cottage niya. Naghahanda na siyang maligo ng may kumatok sa
pintuan ng cottage niya. Sa isiping si Ethan iyon, agad niyang binuksan ang pinto ng walang pag-aalilangan.

Umawang ang labi niya ng makita kung sino ang nasa labas ng pintuan.

"Kaino?" Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito.

Nakatayo ang binata at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon na suot nito. Titig na titig ito
sa kanya na para bang natatakot na kapag kumurap ito kahit isang beses lang ay mawawala siya sa
paningin nito.

Sa isang linggong pananatili niya sa isla, walang araw na hindi ito sumagi sa isip niya. Ngayon lang niya
naramdaman na sobra niya itong na-miss ngayong nakita na niya ito.

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito yakapin ng mahigpit. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa binata.
"Hindi mo ba ako papapasukin?" Balik tanong nito.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Sige, pasok ka."

Pumasok si Kaino at ipinalibot ng tingin sa kabuunan ng cottage niya. Parang sinusuri nito ang bawat sulok
ng cottage sa klase ng pagkakatingin nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ulit kay Kaino.

Binalingan siya nito, nakapamulsa pa rin. "I came here to see if you're okay."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "I'm okay. How about you? Kumusta?"

"Okay lang din." Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa
pisngi niya. "Pumayat ka. Hindi ka ba nila pinapakain ng tama rito?"

Marahan siyang umiling. Ramdam niya ang init na nanggagaling sa kamay nito nang sumagi ang kamay
nito sa balat niya ng hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya.

"Pinapakain nila ako ng tama." Sagot niya. "Wala lang akong gana."

"Bakit naman?"

"Kasi name-miss k..." Kasi name-miss kita. "Nami-miss ko ang mga kaibigan ko."

"Alam mo naman diba kung bakit hindi mo sila puwedeng tawagan. Rest assured na ayos lang ang mga
kaibigan mo. Don't worry about them. Sinabihan ko na sina Alexus at Marlon Aiken na dalhin muna ang
mga kaibigan mo sa isang ligtas na lugar."

"Salamat." Pasimpli siyang humakbang palayo rito.

Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Mabilis ang tibok ng puso niya at
natatakot siya na baka marinig iyon ng binata. Wala siyang balak na malaman nito ang nilalaman ng puso
niya, magulo pa at natatakot siya.

Inisang hakbang ulit nito ang pagitan na inilagay niya sa kanilang dalawa.

"Nandito ako para kumustahin ka. Aalis din ako bukas kaya puwede ba, huwag mo akong iwasan." Anito na
ikina-angat niya ng tingin.

"Hindi naman kita iniiwasan." Sabi niya sa mahinang boses.

"Hindi nga ba? Hindi kita nakita ng isang linggo, Gilen. Nag-alala ako sayo at ito ang isasalubong mo sa
akin? Please lang, Gilen, nakakaramdam naman ako at alam kung iniiwasan mo ako. No need to lie."

Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit parang galit ka pa sa akin ngayon? Hindi ko naman sinabi na mag-alala ka sa
akin."

Walang imik na naglakad ito papunta sa pintuan ng cottage niya at binuksan iyon. Bago ito lumabas,
nilingon siya nito.
"Pumunta ako dito sa isla kasi gusto kitang makita at na-miss kita. Pero mukhang the feeling is not
mutual."

Pagkasabi nun ay lumabas na ito ng cottage niya at naiwan siyang sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Sinapo niya ang dibdib na parang may nagkakarerang daga sa loob.

Ewan ko talaga sayong puso ka! Kung kailan naman magulo ang buhay ko, saka ka naman titibok para sa
isang lalaki.

Kinuha niya ang tuwalya na nasa ibabaw ng kama at pumasok sa banyo. Habang naliligo nasa isip niya si
Kaino at ang sinabi nito sa kanya.

"Pumunta ako dito sa isla kasi gusto kitang makita at na-miss kita. Pero mukhang the feeling is not
mutual."

Huminga siya ng malalim ng maalala ang sinabi ni Kaino. Shit naman oh. Paulit-ulit iyon na nagre-replay sa
utak niya. Naiinis na lumabas siya ng banyo at nagbihis. Pagkatapos niyon ay nahiga siya sa kama at tumitig
sa kisame. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sarili na matulog kahit hindi pa siya nanananghalian.
Wala siyang ganang mag-dinner.

KINAUMAGAHAN, nagising si Gilen ng maaga para mag-jogging at makalimutan si Kaino na nasa isip niya
kahit natutulog siya pagtulog niya. Nakakairita na. Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng cottage at nag-
umpisang mag-jogging.

Hindi pa siya nakakalayo sa cottage niya ng may maramdamang nag-jogging sa tabi niya. Tiningnan niya
kung sino iyon at ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya ng makita si Kaino sa tabi niya.

Nagpatuloy siya sa pag-jogging kahit ang gusto niyang gawin ay ang tumigil sa pagtakbo at bumalik sa
cottage niya. Nagpanggap siya na hindi apektado sa presensiya nito at binaliwala ang binata. Ilang minuto
na silang nagja-jogging nang habol ang hininga na tumigil siya at nagpahinga.

Naramdaman niyang may tao sa harapan niya kaya naman nag-angat siya ng tingin at ng makita niya si
Kaino na nakatingin sa kanya ay mabilis siyang tumayo ng maayos at sinalubong ang matiim na titig sa
kanya ng binata.

"What?" Tanong niya kay Kaino ng hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya.

He shrugged his shoulder. "Nothing." Anito habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" Usisa niya rito.

Nagkibit-balikta ulit ito. "I'm just memorizing your beautiful face, aalis na kasi ako mamaya."

Mabilis siyang nagbaba ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi nito. Matagal na
niyang alam na maganda siya pero bakit kapag si Kaino ang nagsabi na maganda siya hindi mapakali ang
puso niya? Para iyong hinihili sa kalangitan.

"A-Ano ba ang pinagsasasabi mo, K-Kaino?" Nauutal na sabi niya.

Inilagay nito ang kamay sa baba niya at itinaas ang mukha niya para magtama ang mga mata nila.
Matiim siya nitong tinitigan. "Gilen, na-miss kita." Marahang hinaplos nito ang pisngi niya gamit ang kamay
nito. "Gustong-gusto kitang makita kaya naman pinilit ko ang superior ko na bigyan ako ng pahintulot na
bisitahin ka rito sa isla. And I'm happy to see you; but it saddened me that the feeling isn't mutual. Pero
ayos lang 'yon. Ang importanti okay ka."

Walang lumabas ni isang salita sa bibig niya kahit nakabuka iyon. Hindi siya makapagsalita habang
nakatingin sa maganda nitong mga mata na para bang hinihipnotismo siyang titigan ito buong araw.

"Kaino..."

Dahan-dahan siya nitong binitawan at umayos ng tayo.

He smiled at her. "Aalis na ako mamayang hapon. May mga binili akong pagkain para sayo, nasa cottage ko.
Mind if you come to my cottage and get it?"

Wala sa sariling tumango siya at umo-o. "Yeah, sure."

"Great." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kung saang parti ng isla

At siya naman parang timang na basta nalang nagpahila sa binata na hindi man lang nagtatanong kung
saan siya nito dadalhin. After five minutes, they enter a small cottage near the shore. Napaka-presko ng
simoy ng hangin at naririnig niya ang alon ng dagat. Ito ang gusto niyang cottage pero hindi siya hinayaan
kasi baka raw may makapasok sa isla at makuha siya. Kailangan daw ang cottage niya ay malapit sa HQ.

But Gilen doubt kung may makakapasok nga sa islang ito. Sa higpit ng security at sa dami ng pakalat-kalat
na guard sa isla, napaka-imposibling mapasok ang islang ito. Maliban doon, napapalibutan din ng CCTV
camera ang buong isla.

"Nagdala ako ng pagkain mula sa maynila." Si Kaino ang unang bumasag sa katahimikan ng makapasok sila
sa cottage nito. "Alam kong nami-miss mo na ang pagkain sa maynila kaya naman binilhan kita."

Napatanga siya ng isa-isa nitong inilabas mula sa paper bag ang tatlong mahahabang cake roll na may
flavor chocolate, mocha at ube. May inilabas din itong limang malalapad na bar ng Cadbury at syempre pa
maraming chips. May binili rin itong sodas at mga fresh milk na nasa karton. May munting ngiti na gumuhit
sa mga labi niya ng makitang may binili itong maraming Hershey's kisses na chocolate. Paano nito nalaman
na favourite niya ang kisses?

"Binili mo ang lahat ng ito para sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang naglalaway sa mga
pinamili nito.

Binalingan siya ni Kaino. "Yeah. I know how much you love food. Saka sabi ni Ethan panay daw ang
reklamo mo dahil walang makain na sweets dito." Tiningnan nito ang pinamili at ibinalik ang tingin sa
kanya. "Sorry kung ito lang ang nabili ko. Nagmamadali kasi akong makita ka kaya naman-"

"Thanks you." She chirped happily. "Super thank you sa mga pinamili mo. I didn't know na nai-kwento pala
sayo ni Ethan ang mga reklamo ko. And I wasn't expecting na bibilhan mo ako para lang may makain ako
rito sa isla."

He chuckled lightly. "Gilen, alam ko naman kung gaano ka katakaw."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at inungusan ito. "Matakaw ka riyan. Hindi kaya."

"Yeah, and unicorns are real." Puno ng sarkasmong sabi nito.


Inirapan niya ito. "Umalis ka nga riyan." Itinulak niya ito palayo sa mga pinamili nito at binuksan ang mocha
flavored cake roll.

Inamoy niya ang cake at napaungol siya ng maamoy ang masarap na aroma niyon. Her mouth watered for
a taste. "Grabe, naglalaway na ako amoy palang." Tinakpan niyang muli ang cake roll at hinarap si Kaino.
His eyes were dilated and he had a very unfamiliar expression on his face.

"Anong nangyari sayo?" Usisa niya.

Umiling-iling ito at parang kinapos ito nang hininga ng magsalita ito. "Next time, huwag kang umungol ng
ganyan sa harapan ko."

Kumunto ang nuo niya. "Ano? Bakit naman? It's just a moan." Hindi niya maintindihan ang logic ng utak
nito.

Pinadilatan siya nito. "It's not just a moan, Gilen! Siguro sayo, pero iba sa akin. Lalaki ako at-"

"Oh my god!" Gilen exclaimed when she understood what he was talking about. "Y-You..." Her eyes settled
on his groin. "You-re ... h-horny?" Naiilang na tanong niya sa binata.

"What?! No! I just have a hard on! But I'm not horny!"

"Eh bakit mo ba ako sinisigawan?" Magkasalubong ang kilay na sabi niya. "I was just asking."

"Asking a wrong question." Kaino covered his groin when he saw her still looking at it. "Look away. Nako-
conscious ako sa tingin mo."

Napailing-iling siya. "Tumitingin lang naman ako."

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Kaino. "Kanina nang sabihan kitang maganda ka, namula ka.
Ngayon naman na ang junior ko ang pinaguusapan, mukhang ayos lang naman iyang pisngi mo." Napailing-
iling ito. "Iba ka rin, Gilen."

Inirapan niya ito. "Iba naman kasi yung kanina sa ngayon."

Gilen chuckled when she remember the glint of Kaino's eyes after he heard her moan. Natatawa siya na
apektado ang binata sa simpling ungol lang.

"Nakakatawa ka, Kaino." Aniya.

Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya. "Hindi ako clown."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at ibinalik ang mga pinamili nito sa paper bag. "Kaino?"

"Yeah?"

"Hindi mo ba napapansin?"

"Ang alin?"

"Paiba-iba ang mood mo. Kanina seryuso, tapos sweet, ngayon naman galit. Bipolar ka ba?"
Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. "You bring out all the emotions in me, Gilen. The serious, the
cheesy and the negative attitude. Ikaw lang ang may kayang palabasin yun sa iisang araw lang."

Tumigil siya sa ginagawa at hinarap si Kaino. "Well, in my part, ikaw lang ang nakakita sa mataray at
seryusong ako, hindi ko kasi hinahayaan ang mga tao na makita ang side ko na yun. So I think we're even."
She said the last sentence with a shrug.

Kaino nodded earnestly, and then his gazed dropped to the Hershey's kisses that he bought for her.

"I bought you Hershey's kisses..." Kaino trailed then he walked towards her and stopped when he's just
inch away from her. He leaned in and whispered over her ear. "Would you mind if you pay it with real
kisses?"

Hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi niya. Here's the sweet and naughty Kaino Garcia.

Gilen leaned in and whispered her answer over his ear. "So, fake pala ang binili mong kisses para sa akin?"
Pagkatapos ay umayos siya ng tayo, naka-plaster parin sa labi niya ang isang malapad na ngiti. "Sorry,
Kaino, wala kasi akong real Hershey's Kisses ngayon e. Siguro pag balik ko nalang sa manila."

Gilen left Kaino on his cottage, gaping. Dala-dala ang pinamili nito sa kanya, tinungo niya ang cottage niya
kung saan balak niyang kainin ang mga pinamili nito.

CHAPTER 10

MAGHAPONG nagkulong si Gilen sa cottage niya, ayaw niyang makita ang pag-alis ni Kaino. Hindi siya
lumabas mula ng umuwi siya dala-dala ang pagkain na pinamili ni Kaino para sa kanya. Hinatiran lang siya
ng lunch at dinner ng mga tauhan sa isla at hinayaan na siya ng mga ito sa cottage niya.

Nakahiga siya sa kama at kumakain ng Hershey's kisses ng may kumatok sa pintuan ng cottage niya. Sa
isiping mga tauhan iyon sa isla, walang takot na pinapasok niya ito.

"Pasok." Aniya sa malakas na boses. "Bukas yan." Hindi pa siya nagla-lock ng pinto dahil hindi pa naman
siya matutulog.

Umupo siya sa ibabaw ng kama at hinintay na pumasok ang kumatok. Nanlaki ang mga mata niya ng
makitang si Kaino ang pumasok at hindi isang island staff.

"What are you doing here? I thought..."

"Ako muna ang magbabantay sayo." Anito sa malungkot na boses.

"Okay, but you don't have to be sad about it. Kung ayaw mo akong bantayan, marami namang bantay dito
sa isla-"

"Ethan was shot."

Umawang ang labi niya sa sobrang gulat sa sinabi nito. "A-Ano? P-Paano? Diba nandito siya..."

Umupo si Kaino sa tabi niya at tumingala sa kisame na para bang may magandang tanawin doon.
"Umuwi kasi Ethan dahil nasa hospital ang father niya. Na stroke daw. Bibisitahin sana niya kaya nga
binigyan ako ng pahintulot ng superior ko na bisitahin ka at bantayan ka pansamantala habang wala pa si
Ethan. Kaninang hapon, babalik na sana ako sa manila ng makatanggap ako ng tawag. Ethan was shot in
the chest at the Hospital."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Kinakain ng guilt ang pagkatao niya. "Please, tell me na buhay si Ethan.
Kasalan ko 'to-"

Hinarap siya ni Kaino. "Buhay si Ethan, Gilen. Naagapan ang sugat niya kaya nabuhay siya."

Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. "Thanks god. Ayokong may madamay pa na ibang tao sa
problema ko."

Namayani ang katahimikan sa loob ng cottage niya. Hindi na nagsalitang muli si Kaino at siya naman, abala
sa pag-iisip kay Ethan. Nag-aalala siya para sa lalaki. Paano kung namatay ito ng dahil sa kanya? Kahit
naman hindi sinabi ni Kaino kung sino ang bumaril kay Ethan, alam na niya kung sino iyon. Siya ang
kailangan ng mga ito, bakit iba ang sinasaktan at hindi siya?

Malamang kasi nagtatago ka, kaya yung mga tao nalang na nakaharang sa daraanan nila ang itutumba nila.
Wika ng isang parti ng isip niya. At huwag ka ng magtaka kung ang isunod nila ay si Kaino.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa isiping iyon. No! Hindi! Hindi niya hahayaan na pati si Kaino ay
madamay sa gulo ng buhay niya. He's just doing his job for god sake.

"Anong iniisip mo?" Si Kaino ang unang bumasag sa katahimikan.

Tinitigan niya ang binata. "Natatakot ako. Paano kung ikaw ang isunod nilang barilin? Kaino, kapag
nangyari yon-"

"Hindi iyon mangyayari." Sinapo nito ang pisngi niya. "It won't happen to me."

"Pero-"

"Shh. Hindi yun mangyayari sa akin. Ako na ang magbabantay sayo. I'll be safe here in the island so stop
worrying over something that is not going to happen."

Kahit papaano, nabawasan ang pag-aalala niya sa kaalamang ito ang magbabantay sa kanya dito sa isla.
Hindi ito babalik sa manila kung saan naroon si Jaime Ramirez. Ang hindi niya maintindihan, bakit gusto
siya nitong patayin? Nasa kanya pa ang white book. Kailangan pa siya ng mga ito.

"Hindi ko maintindihan." Aniya sa naguguluhang boses. "Bakit ginagawa ito ni Jaime? Nasa akin pa ang
white book."

Binitawan ni Kaino ang pisngi niya at hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.

"Siguro naisip niya na wala namang saysay ang white book kung patay ka na." Anito. "Walang nakakaalam
kung saan mo itinago ang libro. Iniisip niya na wala kang magagawa lalo na ngayon na nasa isla ka at
nagtatago. Well, maliban nalang kung dala-dala mo rito ang librong iyon."

Mabilis siyang umiling. "Hindi ko dala ang white book. Nasa maynila iyon at nakatago sa-" Tumigil siya sa
pagsasalita at kinagat niya ang pang-ibabang labi. Muntik na iyon ah!
"I understand. You don't have to tell me." Nilaro-laro ni Kaino ang daliri niya. "Yun lang ang naisip kung
rason kung bakit ka niya gustong ipapatay. You're thingking na hindi ka niya papatayin dahil sa libro, pero
doon ka nagkamali. Papatayin ka niya dahil sa librong iyon, Gilen. Ibigay mo nalang kasi sa amin ang
librong yun."

"Kaino, akin ang librong iyon at hindi ko iyon ibibigay sa kahit na sino." Aniya sa garalgal na boses. "Pag-
aari yun ng mama ko. Iyon lang ang tanging bagay na iniwan niya sa akin ng mamatay siya. Mahal na
mahal ko ang mama ko kahit ganoon siya. Isa lang naman ang pagkakamali niya e, iyon ay ang maghangad
ng maginhawang buhasy para sa aming dalawa."

Tuluyan na siyang umiyak ng maalala ang pinagdaanan ng ina sa kamay ni Jaime Ramirez. Hinding-hindi
niya mapapatawad ang hayop na lalaking yun!

Kaino enveloped her into a warm embrace. Wala itong sinabi basta niyakap lang siya nito at hinagod ang
likod niya. Mas lalo pang lumakas ang iyak niya sa ginawa nito. Mula ng mawala ang mama niya, walang
tao na yumakap sa kanya ng ganito. She felt secure in someone's arm for the first time after her mother's
death. Nakaramdam lang siya ng ganito sa mama niya, at ngayon kay Kaino. Hindi niya akalain na sa bisig
nito, mararamdaman niyang safe siya kahit alam niyang gagawin ang lahat ni Jaime para mamatay siya.

She hugged him back and put her chin on his shoulder. Panay pa rin ang tulo ng luha niya.

Kaino pulled away and dry her tears. "Stop crying. Kung ano man ang nangyari sayo noon, hindi na muulit
iyon ngayon. I'm here. Hindi ko hahayaan na mangyari yun."

Gilen force a smile.

"You don't have to smile to show me that you're okay, Gilen. Just stop crying and drop that fake smile.
Ayokong makita ang pekeng ngiti na yan."

Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya at matamang tinitigan ang binata. Sinalubong ni Kaino ang titig
niya. He's looking at her like she's somewhat important to him. At sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya,
hindi niya napigilan ang sarili na i-kwento ang nakaraan niya rito.

"I'm scared, Kaino. I don't have a fairytale childhood, you know." Simula niya. "Nuong bata pa ako, nakikita
ko lumalabas si mama sa bahay gabi-gabi para raw may makain ako. Naawa ako kay mama, kaya naman sa
mura kung edad natuto akong magnakaw. Nuong una, munting halaga lang ang ninanakaw ko. Naging isa
akong batang mandurukot. Alam kong masama ang ginagawa ko pero hindi naman sapat ang inuuwing
pera ni mama para sa pagkain namin sa isang araw. And then at the age of ten, pumasok sa buhay namin si
Jaime Ramirez. Hindi ko alam kung ano siya, basta pinakilala siya sa akin ni mama at sinabing doon na raw
kami titira sa mansiyon niya."

Tumawa siya ng pagak. "Of course, I'm a kid. I was so happy kasi sa wakas may maayos na bahay na kaming
titirhan. Well, my happiness was cut off short when I saw Jaime hit my mom. Pinilit ko si mama na umalis
sa mansiyon pero hindi pumayag si mama. Kasi kahit daw binubugbug siya ni Jaime, nakakakain naman
daw kami ng tama. I want to leave Jaime's mansion, pero ayaw ni mama at dahil doon, mas nahasa pa ang
kaalaman ko sa pagnanakaw. Nalaman ni Jaime at ang kapatid niyang si Julio na isa akong mandurukot and
they wanted to take my talent to the next level."

"Anong ginawa nila?" Sa unang pagkakataon mula ng mag-umpisa siyang magkwento, nagsalita si Kaino.

Siya naman ang humawak sa kamay nito at nilaro-laro ang mga daliri nito.
"Ang ginawa nila? Nuong una, ginawa nila akong drug pusher. Kapag may mga illegal silang gawain na mas
makabubuti kung bata ang gumawa para hindi mapaghinalaan, ako ang pinapagawa nila. And then at the
age of thirteen, Jaime thought me how to be a professional grand theft auto. Alam mo bang ginawa ko ang
lahat para matuto kasi sinabi sa akin ni Jaime kapag may nanakaw akong sasakyan at walang gasgas, may
parti ako kapag nabili iyon. Gusto kong magka-pera kasi kapag marami na akong pera mapapapayag ko na
si mama na umalis sa bahay na iyon. I work hard, no scratch that, it's more like I stole hard. Kapag may
pinapanakaw si Jaime, volunteer kaagad ako. I want money. Tons of money. Then at the age of fifteen, isa
na akong sikat na magnanakaw ng kotse at kilala na ako sa larangang iyon. Magaling akong magnakaw, no
scratch and no defects. Ganoon ako magnakaw kaya naman gustong-gusto ni Jaime kapag ako ang nagta-
trabaho kasi walang gasgas at mahal ang bilihan sa black market. Then Jaime started to receive orders.
Hindi na kami sumali sa black market kasi by order na kami. Different countries, different orders, different
cars. Ako ang nagta-trabaho nun. But things went out of hand when Luther Sr., caught me stealing his car.
Natakot ako, kasi for the first time nadakip ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was scared shit. Pero hindi
ako pinakulong ni Luther Sr., pinabalik niya ako sa usapang ako ang magiging espiya niya kay Jaime at Julio
Ramirez. Magulo ang isip ko ng araw na iyon, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kung sino ang
papanigan ko. Pero kahit anong tago ang gawin ko, nalaman ni Jaime na nadakip ako at tinakot niya ako.
Kapag daw nagsalita ako, papatayin niya ang mama ko. Siyempre hindi ako magsasalita. That's my mother!
Nanahimik ako at sinunod ang lahat ng gusto nila pero natapos din iyon ng maabutan ko si mama sa
kuwarto niya na nag-aagaw buhay, may ibinigay siya sa aking white book, iyon daw ang magiging susi ng
kalayaan ko pagkatapos ay namatay siya habang yakap-yakap ko. Drug overdose raw ang kinamatay niya.
Doon ako sumabog. Pinuntahan ko si Luther Sr., ipinasok ako sa NBI Protection program and the rest is
history."

Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago nagsalita si Kaino.

"I'm sorry I judge you. I'm sorry kung pinagsalitaan kita ng hindi maganda nuong nalaman ko na
magnanakaw ka. I shouldn't have said that. I'm sorry." Puno ng pagsisisi ang mukha at boses ni Kaino
habang humihingi ng tawad. "I'm really sorry, Gilen."

"It's fine." Aniya na may genuine na ngiti sa mga labi.

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan pagkatapos niyang i-kwento kay Kaino ang nakaraan niya.
Masaya siya at humingi ito ng tawad kahit hindi naman siya karapat-dapat sa sorry nito.

"Alam mo bang galit ako sa mga nagtitinda ng drugs?" Tinuyo ni Kaino ang ilang butil ng luha na kumawala
sa mga mata niya habang nagku-kwento siya. "There's a part of me na galit sayo kasi kahit biktima ka rin,
may nasira ka paring buhay. But there's also a big part of me that wanted to hug you and tell you that it's
okay. That it wasn't your fault. Before I met you, gusto kong lipulin ang mga drug dealer at drug pusher
para parusahan at ikulong-"

"Kung ganoon ikulong mo ako." Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin.

Walang buhay na tumawa ito. "Hindi ko kaya, Gilen. Nuong malaman ko na isa kang magnanakaw, I tried to
be mad at you, pero hindi ko naman nagawa. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sayo na kahit pinipilit
ko ang sarili ko na magalit sayo at pandirian ka, hindi ko magawa. Nuong umalis ka sa manila, sinabi ko sa
sarili ko na galit ako sayo at wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sayo. But after a weak, I
bought you food and begged my superior to let me visit you. Gawain ba 'yon ng galit?"

Nakakataba ng puso ang mga sinabi ni Kaino. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito at siilin ng halik
ang mga labi. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero agad din naman itong nakabawi at tinugon ang
halik niya.

"Paano ka natutong humalik?" Tanong ni Kaino sa kanya ng maghiwalay ang mga labi nila.
She rolled her eyes. "When protection program released me, I went to club every night and make out with
every handsome man I see."

Nagdilim ang mukha ni Kaino na ikinatawa niya ng malakas.

"Are you jealous?" Tudyo niya sa binata.

Hindi siya nito sinagot at nanatiling madilim ang mukha nito.

"Uy, nagseselos siya." Kiniliti niya ito sa tagiliran pero wala man lang itong reaksiyon.

Napasimangot siya. "Come on, Kaino, binibiro lang naman kita. Sa tingin mo naman gagawin ko yun?"

Unti-unting nawala ang madilim nitong mukha. "Talaga? Hindi ka nakipaghalikan sa kung sino-sinong
lalaki?"

"Hindi po. Masaya ka na?"

Ngumiti ang binata. "Good. Kasi ako lang ang puwedeng humalik sayo."

Pagkawika nun ay sinakop nito ang mga labi niya at hinalikan siya na agad naman niyang tinugon ng buong
puso. Nag maghiwalay ang mga labi nila, matiim siya nitong tinitigan.

"Kanino ka natutong humalik?" Tanong na naman nito madilim.

"So, nagseselos ka nga?"

"Ano naman ngayon kung nagseselos ako?"

"Ang cute mo." Nangigigil na hinalikan niya ang binata.

CHAPTER 11

NAGISING si Gilen ng makarinig ng katok sa pintuan ng cottage niya. Ininat niya ang katawan at kinusot ang
mata kapagkuwan ay bumangon siya at pinagbuksan ang kumakatok. Napasimangot siya ng makita si
Kaino.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya rito. "Ang aga-aga pa. Bumalik ka roon sa cottage mo. Huwag
mong isturbuhin ang tulog ko."

Akamang isasara niya ang pintuan ng cottage nang iharang nito ang paa para hindi iyon tuluyang sumara.

Tiningnan niya ito ng masama. "Ano ba, Kaino? Inaantok pa ako kaya huwag kang umepal kasi tatamaan ka
sa akin."

Nginitian siya nito na parang hindi apektado sa iritasyon niya. "May dala akong breakfast."

"Kainin mo yang mag-isa." Iniwan niyang nakabukas ang pinto at bumalik sa kama at nahiga.
Narinig niyang pumasok si Kaino sa cottage niya, kapagkuwan ay umupo ito sa tabi niya. Naramdaman
niyang hinaplos nito ang pisngi niya, naiiritang tinabig niya ang kamay nito.

"Kaino, tantanan mo ang pisngi ko." Aniya na nakapikit ang mga mata.

Hindi ito nakinig at hinaplos ulit ang pisngi niya.

"Kaino, magsabi ka lang kung bet mo ang malambot kong pisngi. Ipapakilala kita sa dermatologist ko."

Gilen heard him chuckle.

"You're beautiful even in the morning. No messy hair and all." He said and she can note a smile on his
voice.

"Kaino, kung ayaw mong mag-fiesta ang dugo ko sa pisngi ko, tantanan mo ako sa beautiful na yan."

"I like it when you blush. It makes you more beautiful."

Nagmulat siya ng mata at handa ng sigawan ito ng makita niyang sobrang lapit ng mukha nito sa mukha
niya. Umawang ang mga labi niya.

His gaze dropped to her lips. Nag-init ang pisngi niya sa klase ng pagkakatitig nito sa labi niya. Ipinikit niya
ang mga mata ng dahan-dahang inilapit nito ang labi nito sa mga labi niya. Nang maramdaman niyang
lumapat ang labi nito sa labi niya, parang may nagrambulang elepante sa dibdib niya. Nagwawala rin ang
mga paru-paru sa tiyan niya.

Hindi nagtagal ang halik at inalayo kaagad ni Kaino ang labi nito sa mga labi niya.

"Para naman saan ang halik na yun?" Hindi napigilan ang sariling usisa niya.

He smiled cheekily. "It's my way of saying 'good morning'."

Pinigilan niya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya. Ayaw niyang malaman nito na nagustuhan
niya ang ginawa nito.

Inirapan niya ito. "Puwede ka namang mag good morning na walang kasamang halik."

"Alam ko." Umayos ito ng upo. "Pero gusto kitang halikan e."

Napasimangot siya. "Hindi mo man lang ako pinag-tooth brush."

Mahinang tumawa ito. "Mabango naman ang hininga mo so okay lang yun."

Pinandilatan niya ito. "Sino namang tao ang mabango ang hininga sa umaga?"

"Ikaw." Kinindatan siya nito at tumayo.

Sinundan niya ito ng tingin at nakitang lumapit ito sa pandalawang mesa na nagsisilbing kainan niya.
Maraming pagkain ang nasa mesa at lahat iyon ay katakam-takam. Mabilis siyang bumangon at nilapitan
ang pagkain.

"Saan mo nakuha ang mga ito?" Manghang tanong niya kay Kaino. "Usually, oate meal lang ang agahan
dito kaya nga panay ang reklamo ko. Ngayon naman, fried rice, bacon, hotdog and sandwich?"
"Binili ko ang bacon at hotdog sa manila, pinaluto ko lang dito. At yung fried rice naman at sandwich,
niluto ng kitchen staff."

Humaba ang nguso niya sa narinig. "Ang unfair naman, gusto kong kumain ng friend rice at sandwich pero
wala raw. Mayroon naman pala!"

Tumawa si Kaino. "Ikaw talaga, pag pagkain nabubuhay ang lahat ng cells mo sa katawan."

Nginisihan niya ang binata. "Inggit ka lang kasi-"

Nilagyan nito ng hotdog ang bibig niya para tumigil siya sa pagsasalita.

"Manahimik ka at kumain. Ang ingay mo." Anito.

Mabilis niyang nginuya ang hotdog at nagsalita. "Ang sama mo. Paano kung nabilaukan ako?"

"E di ima-mouth to mouth resuscitation kita." Anito at kinindatan siya.

"Heh!" Umupo siya sa bakanteng mesa. "Nakakainis ka pero salamat sa pagkain."

"Hindi ako tumatanggap ng salamat."

Mabilis siyang nagtaas ng tingin mula sa kinakain niya. "Ano?"

"Kung magpapasalamat ka sa akin, halikan mo ako. Yun lang ang tanging paraan para maramdaman ko na
talagang nagpapasalamat ka."

Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa. "Gago! Para namang gagawin ko yun."

"Eh di 'wag. Basta alam mong hindi ko matatanggap ang simpling thank you mo."

Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagkain. Inubos niya ang lahat nang pagkain na nakahain sa mesa.
Pagkatapos niyang kumain, malakas siyang dumighay.

"You have no shame at all, Gilen." Wika ni Kaino habang lukot ang mukha na nakatingin sa kanya.

"What?" Inosente niyang tanong. "Bawal na ba ang dumighay ngayon?"

"Well, one country in Europe actually forbids burping in the table. If you burp, you'll go to prison."

She rolled her eye at him. "Well, wala tayo sa Europe kaya naman I can burp whenever I want, wherever I
want. Pagdighay nalang, bawal pa. Anong klaseng bansa yun?"

"Mas matatanggap pa ng bansa na yun na umutot ka sa hapagkainan, huwag lang ang dumighay." Dagdag
pa ni Kaino.

"Ay, diyan kami magi-giyera. Walang puwedeng umutot habang kumakain ako. Talagang kakasuhan ko
siya."

Napailing-iling ito. "Ewan ko sayong babae ka."


Nginitian niya ito at tumayo. "Naiirita ka sa akin? Sige, makakaalis ka na." Aniya na itinuro ang pintuan ng
cottage. "Salamat sa pagkain at sana dalhan mo ako ng masarap na lunch mamaya."

Napatili siya ng walang sere-seremonyang pinangko siya ni Kaino at inilapag sa kama pagkatapos ay tumabi
ito ng higa sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" She tried pushing him away but to no avail.

"Matutulog katabi ka, bakit masama ba?" Balik tanong nito.

"Masama kasi-" Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng ipinulupot nito ang braso sa bewang niya at
hinapit siya palapit sa katawan nito. "K-Kaino, a-ano ba ang ginagawa mo..."

"Shh. Silent. Matutulog ako." Anito at ipinikit ang mga mata.

Napatingin siya sa maamong mukha ni Kaino habang nakapikit. Ang guwapo talaga nito. Nakakahalina
tingnan ang matangos nitong ilong, ang labi nito na mamula-mula at ang mga mapupungay nitong mga
mata na palagi siyang nahihipnotismo kapag tinititigan siya.

Inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata at inilapat ang labi niya sa mga labi nito. It was just a peck but
it sent tingles throughout her body.

"Thank you." Gilen whispered over his lips.

A small smile appeared on Kaino's lips. "You're welcome."

MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Gilen. Wala na sa tabi niya si Kaino at nakita niyang may
pagkaing iniwan ito sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan niya kung ano yun, as if on cue, agad na kumulo ang
tiyan niya.

I'm eating steak for lunch! Yehey!

Akmang kakainin niya ang steak ng mapansin ang maliit na note na nasa tabi ng steak. Kinuha niya iyon at
binasa.

Gilen,

Kapag nabasa mo 'to, I'm sure nasa manila na ako. Don't worry babalik din naman ako kaagad. May
importante lang akong bibilhin.

-Kaino.

PS: Eat well.

Napangiti siya sa sulat nito. She finds it very sweet, pero hind pa rin niya maiwasan na mag-alala para sa
binata. Nasa manila ito kung saan naroon si Jaime. Paano kung saktan nito si Kaino? Wala siya roon para
ibigay ang white book kapalit ng-

Natigilan siya sa naiisip. Oh god. Did I just think of that? Ibibigay ang white book?
Her gaze dropped to the steak on the plate and then her eyes move to the note in her hand. What's
happening with me? Kailan ko pa naisip na ibigay ang white book kay Jaime para hindi saktan si Kaino?
Ano ba itong iniisip ko? Ganoon na ba talaga kalala ang tama ko sa lalaking yun?

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Kakainin muna niya ang steak bago siya mag-isip. Nakaka-
stress ang mag-isip mas lalo na kung ang iniisip mo ay tungkol sa pag-ibig na hindi mo naman alam kung
may katugon o wala.

IT'S ALREADY twilight when Kaino arrived in the island. Nilukob ng saya ang puso niya ng makita ang binata
sa labas ng cottage niya at may dala-dalang itong maliit na icebox.

"How are you?" Tanong nito sabay halik sa labi niya.

"Okay lang ako." Kinuha niya ang icebox na dala nito at inilagay iyon sa ibabaw ng mesa at binalikan ang
binata para tulungan itong hubarin ang leather jacket na suot nito.

Napatigil siya sa pagtulong na hubarin ang jacket nito ng mapansing titig na titig sa kanya si Kaino.

"What?" Usisa niya sa binata.

Ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang ito sa kanya saka nagsalita. "Wala naman. May naisip lang ako."

"Oh, okay." Ipinagpatuloy na niya ang pagtanggal sa jacket nito at inilagay iyon sa coat rack na nasa likod
ng pintuan.

"Nabasa mo ba ang note ko?" Tanong nito at ipinulupot ang braso sa bewang niya.

"Oo."

"Did you eat well?"

"Oo."

"Did you like the steak?"

"Oo."

"Did you miss me?"

"Oo- Shit! No. I did not miss you at all." Mabilis na bawi niya.

Kaino chuckled. "Nope. Wala ng bawian. You miss me and that's it."

Inirapan niya ito. "You tricked me."

"Hindi kaya. Nagtanong ako kung na-miss mo ako, sumagot ka ng oo."

Pabiro niyang sinuntok ang braso nito. "Ewan ko sayong lalaki ka."

He grinned. "Ewan na ako kung ewan pero na-miss mo talaga ako." Panunudyo nito sa kanya.
"Heh!" Binaklas niya ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya at naglakad patungo sa kama. Umupo
siya roon at tiningnan si Kaino. "Bakit ka ba pumunta ng manila kanina?"

"I bought something."

"Siguraduhin mo lang na iyang binili mo e worth it para e-risk mo ang buhay mo. You know that Jaime's
men are just lurking in the corner ready to attack and-"

"Shh! Tahimik ka muna." Kinuha nito ang icebox at inabot sa kanya.

"Ano naman ang gagawin ko riyan?" Kunot ang nuong tanong niya.

"Open it."

Tinanggap niya ang icebox at sinunod ang sinabi nito. Binuksan niya ang icebox at napamaang siya sa
laman nun.

Manghang nagtaas siya ng tingin sa binata. "A parfait?"

He smiled at her. "Yeah, masarap yan. Diba sabi mo kahapon, gusto mong kumain ng parfait? Nang
malaman kung aalis ang helicopter papuntang manila at babalik din kaagad, sumama ako para bilhan ka
niyan."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Binangit
niya rito kahapon na gusto niyang kumain ng parfait pero hindi naman niya inaasahan na bibili ito para sa
kanya. Na-touch siya sa ginawa nito. Nag-effort pa talaga ito para makakain siya ng parfait.

Napatitig siya sa parfait na nasa loob ng icebox. Halatang iningatan nito ang pagdadala ng icebox dahil
perfect looking ang parfait na nasa loob.

Tiningnan niya si Kaino. "Thank you."

"What did I say about saying thank you?"

"Na hindi mo tatanggapin yun kapag walang kiss." Natatawang sagot niya.

"Good." Iniumang nito ang pisngi sa kanya. "Come on, kiss me. Para ma-feel ko ang thank you mo."

Inilapag niya ang icebox at sinapo ang pisngi ni Kaino at siniil ng halik sa mga labi ang binata. Kaino was
smiling from ear to ear when she pulled away from the kiss.

"Thank you." Aniya na nakangiti.

Kaino's eyes were twinkling in happiness. "You're very much welcome."

She chuckled and shook her head. "Isa ka talagang ewan, Kaino."

"Ewan nga ako pero diba na-miss mo ako?" Tudyo nito sa kanya.

"Yeah, na-miss kita." Pag-amin niya rito.

Halata sa mukha ni Kaino na nagulat ito sa pag-amin niya, pero agad naman itong nakabawi at
dumukwang para halikan siya sa labi.
"Salamat naman at inamin mo rin na na-miss mo ako." Anito.

She chuckled. "Na-miss naman talaga kita e."

Kinuha niya ang parfait sa loob ng icebox at isang kulay puti na disposable spoon. She took a spoonful of
parfait at kinain yon. Napapikit siya sa sobrang sarap. Grabe, ilang linggo na ba ng huli siyang makakain
nito? Gilen took another spoonful of parfait at iniumang iyon sa bibig ni Kaino.

"Say ahh." Wika niya na nakanganga ang bibig.

He chuckled then says, "Ahh."

When Kaino's mouth opened, mabilis niyang isinubo rito ang parfait.

Gilen wiggled her eyebrows at Kaino. "Masarap diba?"

"Syempre. Ako ang bumili e."

Natawa siya sa sinabi nito. "Umandar na naman po ang kahanginan ni Kaino Garcia."

Inagaw nito ang kutsara sa kanya at sinubuan siya. "Hindi ako mahangin. Ang mga pinsan ko lang, hindi ako
kasapi sa mahangin association nila."

Natawa siya ng malakas. "Ewan ko sayo, Kaino."

"Huwag ka ngang tumawa. Kumain ka na oh." Anito sabay subo sa kanya ng parfait.

Naubos niya ang parfait sa pamamagitan ng pagsubo sa kanya ni Kaino. Hindi man lang niya napansin na
naubos na pala niya iyon. Inilagay nito ang icebox at ang wala nang laman na parfait glass sa ibabaw ng
mesa at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

Gilen lay on the bed and patted the space beside her. "Come here, tabi tayo."

Kaino eagerly lay beside her and encircled his arms on her waist. "Matutulog tayong magkatabi?"

"Hindi pa ako matutulog. Gusto ko lang mahiga-"

"Mahiga na katabi ako?"

Kinurot niya ang tagiliran nito. "Tahimik kung ayaw mong ihulog kita sa kama."

Ilang minutong walang imik si Kaino ng bigla itong magsalita. "Huwag mo akong itulak, magtatanong lang
ako."

"Ano naman tanong mo?"

"Mahal mo ba ako?"

Tumigil ang paghinga niya sa tanong nito. Hindi niya alam ang isasagot dito. Actually, alam niya pero ayaw
lang niyang sagutin. It's not yet time.

After a minute na hindi siya sumagot, nagsalita si Kaino.


"Don't mind my question. Mukhang napaaga yata ang pagtatanong ko." Pagkatapos niyon ay hindi na ito
nagsalita pang muli.

Siya naman ay nakatingin lang sa kisame at paulit-ulit na sinasagot ng puso niya ang tanong nito.

Oo.
CHAPTER 12

NAKANGITING lumapit sa kanya si Kaino. Bakas ang kasayahan sa mukha nito.

"Masaya ka yata." Komento niya habang naka-indian sit sa buhangin at nakatingin sa papalubog na araw.

He sits next to her. "Yep. Makakalabas na bukas si Ethan sa Hospital." Masayang balita nito sa kanya.

Nilukob ng kasayahan ang puso niya sa narinig. At least, kahit papaano, mababawasan ang guilt na
nararamdaman niya.

"Mabuti naman kung ganoon." Aniya sa masayang boses. "Natutuwa ako na makakalabas na siya sa
Hospital."

"Yeah, ako rin." Sangayon nito at inakbayan siya. "Tayo kaya, kailan makakalabas sa islang 'to?"

"Sana nga makabalik na tayo sa Manila. Miss ko na ang mga kaibigan ko." Aniya na nakatingin sa malawak
na karagatan.

"I know. Iyan palagi ang reklamo mo sakin." Hinapit niya nito palapit dito. "May tanong ako, Gilen. Huwag
kang magagalit ha? It just boggles my mind sometimes. Ayokong mag-assume at naiilang ako na
magtanong sayo."

"Sure. Ask away."

Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita.

"I always saw you in the Bachelor's Bar, and we both know that their drinks are expensive." Humugot ito
ng isang malalim na hininga. "Saan ka kumukuha ng pera pambayad sa mga drinks mo?"

Hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin kung anong ang inisip nito
bago ito magtanong sa kanya.

"Bago kita sagutin, gusto kong malaman ang nasa isip mo. I'm sure may naisip kang sagot sa tanong mo."

Binasa nito ang mga labi at hinarap siya. "Honestly, wala akong maisip. Naaalala ko yung sinabi mo sa akin
noon na inheritance mo iyon, pero sa mga nalaman ko ngayon tungkol sayo, alam kong hindi iyon
inheritance. So..."

Ihinilig niya ang ulo sa matitipuno nitong balikat. "After the NBI Protection program released me, Luther
Sr., hired tutors to teach me. Ayaw kung mag-aral kasi nga seventeen na ako, tapos elementary palang ako.
Nakakahiya. Hindi naman ako nahirapan sa mga tutors ko kasi mabilis naman akong matuto at may tutors
din ako nuong nasa poder pa ako ni Jaime. Kailangan kung matutong magbasa, magsulat at mag-english
dahil tumatayo rin akong sekretarya niya. I was taught how to socialize, how to make myself look beautiful
and many more. Kaya naman ng makaalis ako sa poder ni Jaime, hindi ako nahirapan."
"And the money?"

"Totoo ang sinabi ko na inheritance yun. A year after I was release in Protection Program, I met my father.
Buhay pa pala siya, pero patay na siya ngayon. May cancer siya at isang taon mula ng magkakilala kami,
namatay siya. Actually, malaki ang dapat kung ipagpasalamat kay Luther Sr. Dahil sa kanya nakapag-aral
ako sa collage at nakilala ko ang ama ko na MIA buong buhay ko. Nang mamatay ang ama ko, napunta sa
akin ang lahat ng assets, stocks at pera niya. Wala siyang ibang relatives maliban sa akin. He told me that
he met my mom on the bar and he didn't know that my mom got pregnant with his child, nalaman lang
niya nuong sinabi daw ni Luther Sr., pero siyempre nagpa-DNA test pa rin ako para sigurado and it turns
out, he really is my father."

"Kung mayaman siya, bakit nakatira ka sa isang simpling apartment at hindi sa isang mansiyon?"

Mapakla siyang tumawa. "Mansiyon nga pero wala naman akong kasama. Mas pinili kung ipagbili ang
mansiyon at manirahan sa isang simpling apartment kasi roon, It felt like home. Isa lang naman ako so
okay lang."

Kaino nodded earnestly. "Sorry I had to ask."

"It's fine. I don't mind."

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang nakatingin sila sa papalubog na araw. Kulay asul at
ginto na ang dagat at napakaganda niyon tingnan. Ipinalibot niya ang braso sa bewang ni Kaino at
naramdaman niyang natigilan ito sa ginawa niya. Kung titingnan, parang magkasintahan ang ayos nilang
dalawa, pero ang totoo wala naman silang relasyon.

Yeah, they hug, cuddle and kiss but that's it. Hindi niya alam kung anong tawag sa kanila. Hindi niya alam
kung sila ba o hindi kasi hindi naman nila napag-usapan iyon. Siyempre siya gustong pagusapan ang bagay
na iyon pero ayaw naman niyang pangunahan ang binata.

"Halika na." Wika ni Kaino ng tuluyan ng lumubog ang araw.

"Okay." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Magkahawak kamay silang naglakad patungo sa
cottage niya.

"Sana makulong na si Jaime." Wala sa sariling sabi nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito kasi alam niyang kailangan nito ang white book niya para mapakulong si
Jaime.

"Ang daming buhay na ang nasira niya." Wika ulit ni Kaino.

"Kung kailangan mo ang white book ko, all you have to do is ask."

Mabilis na humarang ito sa dinaraanan niya, bakas sa mukha nito ang gulat.

"All I have to do is ask?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "I know how much that book means to you,
Gilen. Kung totoo yang sinasabi mo at ibibigay mo sa akin ang white book, mapupunta iyan sa maraming
kamay, susuriin ang nakasulat doon. Mawawalay sayo ang white book na pinakamamahal mo. Hindi mo pa
nga binibigay sa akin, nagi-guilty na ako."
Nginitian niya ito. "Ibibigay ko sayo ang white book sa kadahilanang gusto ko ng matapos ito. Ayokong may
madamay at masaktan sa mga taong mahalaga sa akin-"

"Kasama ba ako sa mga taong na mahahalaga sayo?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ibibigay ko sayo ang white book sa isang
kondisyon."

Kumunto ang nuo nito. "Ano naman yun?"

"Babalik ako sa manila, ako ang kukuha sa white book kung saan ko yun itinago. Gusto kong mahawakan
man lang iyon bago ko ibigay sa NBI."

"Sige, pero may isang kondisyon din ako bago pumayag diyan sa gusto mo."

"Ano?"

"Sasamahan kita sa kung saan mo man itinago yun."

"Kaino, hindi naman ako tatakbo. Ibibigay ko-"

"It's not about you running away; it's about me, worrying about you." Sansala nito sa iba pa niyang
sasabihin. "Ayokong ma heart attack sa batang edad, at iyon ang mangyayari sa akin kapag hindi kita
sinamahan. Maha-heart attack ako sa sobrang pag-aalala sayo."

"Bakit ka naman mag-aalala?"

"Siyempre, kasi importante ka sa akin at ayokong may mangyaring masama sa'yo."

Nag-init ang pisngi niya sa sagot nito. "Ang cheesy mo."

"You bring out the cheesiness in me, Gilen." Seryusong sabi nito.

Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil pakiramdam niya makikita nito ang tinatago niyang
damdamin para rito. Nakatungo lang siya at nakatingin sa paa niya na para bang naroon ang sagot sa
problema niya.

"Sige, pumunta ka na sa cottage mo. Kakausapin ko ang superior ko tungkol sa sinabi mo. Sana pumayag
siya."

She rolled her eyes. "Papayag 'yon. Si Luther Sr. pa. Matagal na niyang gustong makita ang white book."

Tumawa ng mahina si Kaino. "I'm sure kapag napasakamay iyon ni Sir Luther, babasahin nun ang bawat
page."

She frowned at his words. "Teka, ano ba sa tingin mo ang laman ng white book at sinabi mong babasahin
yun ni Luther Sr.?"

Kaino shrugged. "It could be your mother's journal or the lists of Jaime's illegal deeds. You know ... those
kinds of stuff."

She chuckled at his answer. "Kaino, the white book is not my mom's journal neither a lists of Jaime's Illegal
deeds, it's a photo album."
Umawang ang labi ng binata. "A what?"

"A photo album."

Nagsalubong ang kilay nito habang iniisip kung ano ang maitutulong niyon para makulong si Jaime.

"A photo album? Anong magagawa nun para makulong si Jaime?"

She grinned at his bewildered face. "Surprise. Kaya tawagan mo na si Luther Sr., para malaman mo kung
ano ang maitutulong ng photo album ni mama."

He nodded, still confused. Kung hindi pa niya ito tinulak, hindi pa ito maglalakd papunta sa HQ para
kausapin si Luther Sr. through radio. Siya naman, pumasok sa cottage niya para ayusin ang mga gamit niya.
Alam niyang papayag si Luther Sr. sa gusto niyang mangyari.

Sana nga lang, tama ang gagawin ko. Ang photo album na iyon ni mama ang tanging bagay na nasa akin.
Ibibigay ko yun sa NBI dahil sa mga kaibigan niya at kay Kaino. Gusto ko nang matapos ito at ayaw kong
masaktan ang mga taong mahalaga sa akin, lalong-lalo na si Kaino.

Gilen won't deny the fact that she's doing this for Kaino. Hindi niya kakayanin kung masaktan si Kaino ng
dahil sa kanya. Hindi niya hahayaang masaktan ang mga taong mahal niya, at mahal niya si Kaino.

Yes, mahal niya si Kaino. Kahit ayaw niyang magmahal, tumibok pa rin ang puso niya para sa binata. Love
really hit you when you least expect it and cupid hit her hard. Sana nga lang may katugon ang
nararamdaman niya. Hindi niya alam kung assuming lang siya o nararamdaman niyang may damdamin din
para sa kanya si Kaino. Ayaw niyang mag-assume pero hindi naman niya iyon maiwasan. Babae siya at may
pakiramdam.

Pagkaayos niya ng gamit, hinintay niya si Kaino na dumating para sabihing aalis na sila. Pagkalipas ng ilang
minutong paghihintay, pumasok si Kaino sa cottage niya na may dala-dalang backpack.

"Come on, babalik na tayo sa manila." Anito na ikinangiti niya. "Papunta na rito ngayon ang Helicopter as
we speak."

"I told you papayag si Luther Sr."

Hinawakan niya ang handle ng traveling bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Sabay silang
lumabas ng cottage ni Kaino pumunta sa clearing kung saan lalapag ang Helicopter na sasakyan nila
pabalik sa manila.

ILANG oras din silang nakasakay sa Helicopter bago ito lumapag sa rooftop ng NBI Headquarters.
Tinulungan siya ni Kaino na makababa sa Helicopter. Agad niyang nakita si Luther Sr. na nakatayo sa
elevator door ng rooftop at nakangiti sa kanila ni Kaino.

Luther Sr. motioned them to enter the elevator. Nang makapasok sila sa loob, Luther Sr. patted her
shoulder.

"Thank you in advance, Gilen."


Tinabig niya ang kamay nito na nasa balikat niya. "I'm not doing this for NBI; I'm doing this for my friends
and..." Lihim siyang tumingin kay Kaino. "And for someone who's important to me."

Luther Sr. smiled at her, the kind of smile that says 'I know something about you and Kaino'. It's creepy.

"Whatever your reason is, still ibibigay mo sa amin ang white book. I can't wait to see it. Curious talaga ako
noon pa kung bakit tinawag iyon na white book. It sounds intriguing and mysterious."

"Well, hate to burst your bubble but its called white book because it's covered with white kartolina."

Mahinang tumawa si Kaino.

Walang emosyon tiningnan ni Luther Sr. si Kaino. "Anong nakakatawa, Agent Garcia?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kaino. "Nothing, Sir."

"Good."

Nang makarating ang elevator sa floor kung nasaan ang Office of NBI Director, lumabas sila at naglakad
patungo sa opisina ni Luther Sr.

"Nakausap mo pa ba ang anak ko? How's he?" Tanong ni Luther Sr. sa kanya. "Hindi niya sinasagot ang mga
tawag ko."

"Ayos lang naman siya last time na nagkausap kami. Still doing things you don't want to know."

"Trust me, I know." Anito at naunang naglakad sa kanila.

"What are you two talking about?" Usisa ni Kaino sa kanya.

"Ah, yon? Kinukumusta ang anak niyang si Luther. Junior niya yun pero ayaw naman ni Luther na maging
junior ni Luther Sr. kaya naman pinatanggal niya ang JR sa pangalan niya." Paliwanag niya. "Naging ka-klase
ko si Luther nuong college ako. Naging close friend ko siya."

"Oh." Nawalan ng buhay ang boses nito. "Naging kayo ba?"

Nanunudyong tinitigan niya si Kaino. "Ano naman kung naging kami? Selos ka?"

Umingos ito. "Nope."

"Asus, sige deny mo pa."

"Ano naman ngayon kung nagseselos ako?"

Lihim siyang napangiti. "Wala naman. I was just asking."

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap niya. "Oo, nagseselos ako. Now could you please tell me na hindi
naging kayo para matahimik na ang kalooban ko?"

Napatanga siya sa sinabi nito. "H-Hindi naging kami..."

"Good."
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa opisina ni Luther Sr.

CHAPTER 13

HINDI mapakali si Gilen habang nasa sasakyan ni Kaino. Wala silang destinasyon dahil hindi pa niya
sinasabi rito ang eksaktong address kung saan niya itinago ang white book. Parang may pumipigil sa kanya
sa hindi niya malamang kadahilanan.

Binalingan niya si Kaino. "Hey, can we stop by in North Cemetery?" Tanong niya sa binata na abala sa
pagmamaneho.

Kumunot ang nuo nito. "Why?"

"Bibisitahin ko ang puntod ni mommy."

"Oh, okay." Anito at nagmaneho patungong North Cemetery.

Kailangan niyang makausap ang ina. Kahit hindi ito sumasagot sa kanya, napapanatag ang kalooban niya
kapag nagpapaalam siya rito bago gawin ang isang bagay. At iyon ang gagawin niya. Magpapaalam siya na
ibibigay niya sa NBI ang white book nito na ibinigay nito sa kanya.

"Okay ka lang?" Usisa sa kanya ni Kaino ng iparada nito ang sasakyan. Puno ng pagaalala ang boses nito.

She forced a smile. "Yeah, I'm fine. Puwede bang ako nalang ang pumunta sa puntod ni mommy? I want to
be alone for a while."

Halata sa mukha ni Kaino na hindi ito sang ayon sa gusto niya pero nagpapasalamat siya ng payagan siya
nito.

"Okay. Pero bilisan mo, ha? Alam mo naman na may gustong manakit sayo." Hinawakan nito ang pisngi
niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sayo. Kaya mag-ingat ka kung ayaw
mong mabaliw ako."

Kinilig ang lahay ng cells niya sa katawan sa sinabi nito.

"Ewan ko sayo, Kaino." Iyon nalang ang nasabi niya sa sobrang kilig na nararamdaman.

"What? Hindi ka naniniwala sa sinabi ko?" Umayos ito ng upo at tuluyang humarap sa kanya. "Gilen, hindi
ko kakayaning-"

Biglang tumunog ang cellphone niya na ibinalik sa kanya kanina ni Luther Sr. Tiningnan niya kung sino ang
tumatawag. It's Luther. Kumunot ang nuo niya. Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag
nito o hindi.

"Sino ba 'yan?" Usisa ni Kaino na nakakunot ang nuo at hindi maipinta ang mukha.

Palihim niyang iniiwas ang cell phone rito. "Wala naman. Kaibigan ko lang."

Tumaas ang isang kilay nito. "Really? Kung ganoon, bakit mo iniiwas sa akin ang cell phone mo?" Ibinuka
nito ang pala. "Give it to me. Ako ang sasagot."
Gilen rolled her eyes. "No. This is my phone, Kaino."

Nawala ang emosyon sa mukha ng binata. "Okay."

Naiinis na sinagot niya ang tawag. "Anong kailangan mo?"

"Woah." Wika ni Luther sa kabilang linya. "Rude much? You didn't even say hello."

"Hello, anong kailangan mo. Make it fast please."

Luther heave a deep sighed. "Fine. Jaime is looking for you. Alam na niyang narito ka. It's just a matter of
time at mahahanap ka niya. Kaya kung ako sayo, magtago ka na."

"Salamat sa impormasyon, Luther. Mag-iingat ako. Don't worry."

"Oh, I'm not worried, Bye." Tinapos nito ang tawag.

Binalingan niya si Kaino na kunot na kunot ang nuo habang nakatingin sa kanya. Napangiti siya ng
mahalata niya na nagseselos ito.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Sikmat nito sa kanya.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya sa tuno ng boses nito. "Bawal bang ngumiti?"

"Stop smiling."

"Bakit nga?"

Nag-iwas ito ng tingin. "Kasi ayokong ngumingiti ka dahil sa ibang lalaki. Hindi yun kaya ng puso ko, Gilen."

Nanlaki ang mga mata ni Gilen sa narinig. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya maalis ang tingin sa
binata. Hindi maiiwasan ni Gilen na umasa, umasa na sana may katugon ang nararamdaman niya. Hindi
naman nito siguro sasabihin iyon kung wala itong nararamdaman para sa kanya.

Wala siyang maitugon sa sinabi nito kaya naman binuksan niya ang pintuan ng kotse nito at akmang
lalabas na ng pigilan siya nito sa braso.

"Samahan na kita." Anito.

"Hindi na. Gusto kung mapag-isa." Aniya at tuluyan ng lumabas sa sasakyan nito at nagmamadaling
tinungo kung saan nakalibing ang ina niya.

Pagkarating niya roon, agad na tumulo ang luha niya. Every time she visits her mother, hindi niya
maiwasang hindi umiyak. Naaalala kasi niya ang pinagdaanan nito ng nabubuhay pa ito.

"Hello, mommy. It's been a long time since I visit you. Okay ka lang ba riyan?" Para siyang timang na
kinanakausap ang puntod ng ina. "Nandito ako kasi magpapaalam sana ako sayo. Okay lang ba kung ibigay
ko ang white book? Yun lang ang tanging alaala ko sayo. Ayoko pero kailangan ko itong gawin para sa mga
kaibigan ko. Para kay Kaino. Speaking of which, alam niyo po bang nagmahal na rin ako sa wakas? Yes,
mahal ko si Kaino. Ang lalaking nag panggap na bouncer para lang malaman ang sekreto ko.
Nagsinungaling siya sa akin pero hindi ko napigilan ang puso ko na mahulog sa kanya. Kagagahan ba yun,
mommy?" Tumawa siya ng mahina. "Kagagahan na kung kagagahan. Mahal ko talaga ang lalaking yun e."
Pinahid niya ang luha na kumawala sa mga mata niya. Kinalma niya ang sarili at tumingin sa kalangitan.
Napakaaliwalas nun. Sana ganito kaaliwalas ang buhay niya pero alam niyang hindi mangyayari yun
hangga't hindi nakukulong si Jaime Ramirez.

Inayos niya ang sarili at nagpaalam na sa ina niya. Kahit walang sumagot sa kanya, she felt good. Kung
kanina parang nagdadalawang isip siya na ibigay ang white book, ngayon buo na ang loob niya. Alam
niyang tama ang gagawin niya. Kung gusto niyang makawala sa nakaraan niya, kailangan niyang gawin
iyon.

Bumalik siya sa kinaruruonan ng sasakyan ni Kaino at nakita niya ang binata na nakasandal sa kotse nito at
mukhang hinihintay siya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

Nang makita siya ni Kaino, mabilis na sinalubong siya nito at niyakap.

"Are you okay?" Kaino asked after he let go of her. "Your eyes are red. Umiyak ka ba?"

Marahan siyang tumango. "Kinda. Don't worry. Palagi naman akong umiiyak kapag narito ako. Hindi ko
mapigilan e."

Niyakap ulit siya ni Kaino. "Don't cry. I'm here. Isipin mo lang ako at sigurado akong mabubuhay ang mga
dugo mo at hindi ka na maiiyak."

Kumawala siya sa pagkakayakap nito at napapantastikuhang tiningnan niya ito. "Really? Mabubuhay ang
dugo ko kapag isipin kita? Ano naman ang kinalaman nun sa pag iyak ko?"

"Well..." He trailed with a cute small smile on his lips. "If you think of me, then you'll think of my very hot
body and then-"

Malakas siyang tumawa. "Oh my god, Kaino, I never thought na komidyante ka."

Nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Hindi ako nagpapatawa."

Napatigil siya sa pagtawa. "You weren't kidding?"

"Nope."

Napabunghalit siya sa tawa. "God...K-Kaino-akala ko... nagbibiro ka." She said between laughs.

Hinawakan siya ni Kaino sa braso at hinila siya patungo sa kotse nito.

"Stop laughing!" Naiinis na saway nito ulit sa kanya at ipinasok siya nito sasakyan nito na tumatawa pa rin.

Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan, tumatawa pa rin siya. Tiningnan siya nito ng masama.

"I said, stop laughing Gilen or I'll kiss you!"

Hindi siya tumigil sa pagtawa sa isiping nagbibiro lang ang binata kaya naman ganoon na lamang ang gulat
niya ng makitang inilapit nito ang mukha sa mukha niya at walang sere-seremonyang sinakop ang mga labi
niya.

Napaawang ang labi niya sa ginawa nito na sinamantala naman nito para palalimin ang halik. Ipinulupot
niya ang braso sa leeg nito at tinugon ang halik nito.
Pagkalipas ng ilang minuto, naghiwalay ang mga labi nila. Tinitigan niya si Kaino at ganoon din ang ginawa
ng binata. Dahan-dahang inilapit niya ang labi sa mga labi ng binata ng biglang tawirin ni Kaino ang pagitan
ng mga labi nila at mariin niyang hinalikan. Napangiti siya sa ginawa nito.

"I'm in love with you, Gilen." Anito ng maghiwalay ang mga labi nila.

"A-Ano?" Malalaki ang mata na napanganga si Gilen sa sinabi ni Kaino. Hindi siya makagalaw sa
kinauupuan at parang nauturete ang utak niya sa narinig.

"I said I'm in love with you. Ang lapit ko lang sayo, hindi mo narinig?" Natatawang wika nito.

Tinampal niya ang braso nito. "Huwag ka ngang tumawa! This is not a laughing matter, Kaino. You just said
you're in love with me and I was shock and stunned! So don't laugh!"

"Now you feel my pain. "Kaino chuckled. "Anyway, I laugh because I'm nervous. I'm a guy, Gilen, kahit
gaano pa ako ka-guwapo at ka-hot nani-nerbyos pa rin ako."

Pabiro niya itong sinampal sa pisngi. "Baliw."

"Sorry." He gave her a small smile that makes her heart beat so fast. "I'm just nervous. Sabihin mo na kasi
kung mahal mo ako o hindi, para mapanatag na ang puso ko. Just a matter of minute at mai-stroke na ako
sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko."

Gilen kissed Kaino. At halatang nagulat ang binata sa ginawa niya. Bago pa ito makapa-react, she pulled
away and looked deep into his eyes.

"Kaino, mah-" She was cut off when Kaino phone rang.

"Hayaan mo ang isturbong cell phone na yan. You were saying?" Kaino's eyes sparkled in happiness and
anticipation.

Tiningnan niya ang cell phone nito na nasa dash board. "Sagutin mo muna. Baka importante yan."

Napipilitang inabot ni Kaino ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello?" Anito sa kabilang linya. Kumunot ang nuo nito at nagdilim ang mukha. "What? Okay, pupunta na
kami riyan." Tinapos nito ang tawag at itinapon ang cell phone sa dash board at mabilis na pinaharurot ang
sasakyang paalis sa north cemetery.

Napahawak siya sa gilid ng upuan. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya habang nakatingin sa dinadaanan
nila. "Bakit ka ba nagmamadali?"

Nakatutok ang mata ni Kaino sa kalsada ng magsalita. "Saan mo itinago ang white book?"

"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong niya.

"Where did you put it?! Damn it!"

Nagulat siya sa pagtataas nito ng boses. Bakit nasaktan siya sa pagsigaw nito sa kanya. Siguro dahil hindi
niya inaakala na sisigawan siya nito ng dahil sa white book na iyon.

"Bakit gusto mong malaman?" Walang emosyong tanong niya rito.


Mukhang nahalata nito ang pag-iiba ng tuno ng boses niya dahil bahagyang tiningnan siya nito. Walang
emosyon ang mukha na sinalubong niya ang tingin ni Kaino.

Kaino sighed and park the car. He looked at her. "Anong problema mo? Akala ko ba ibibigay mo sa amin
ang book na yun. Bakit ngayon parang ayaw muna. I was asking you where it is-"

"You're not asking." She cut him off. "You're shouting at me. At hindi ako sumasagot sa mga tanong
naninigaw sakin."

Nagpakawala ang binata ng isang malalim na buntong hininga at hinawakan ang kamay niya na agad
naman niyang binawi.

"Sorry." Hingi nito ng tawad. "I wasn't thinking. I was just worried, okay? The person who called was Ethan.
Sabi niya may informant daw na nagsabi sa kanya na nasa kamay na ni Jaime ang white book."

Natigilan siya sa narinig. "What?" Lumalim ang gatla ng nuo niya. "P-Paanong mangyayari iyon? The book
was hidden in- shit! He figured it out." She whispered the last part.

"What do you mean by he figured it out? Saan mo ba iyon tinago?"

Tumingin siya sa labas ng sasakyan. "Itinago ko iyon sa isang lugar kung saan hindi ni Jaime iisipin na doon
ko itatago. Pero kung totoo ang impormasyon na sinabi ni Ethan, mas matalino pala si Jaime higit sa
inaakala ko."

Hindi makapaniwalang bumutong hininga si Kaino. "Ganoon lang yun? Wala ka man lang gagawin? Hindi
mo ibinigay ang White book na iyon sa NBI kasi pinakaiingatan mo iyon pero ngayong nakuha na iyon ni
Jaime, yun lang ang reaksiyon mo?"

Tiningnanan niya sa mga mata si Kaino. "Anong gusto mong gawin ko? Maglupasay sa sahig kasi nakuha
ang white book ko? Kaino, wala na akong magagawa kung nakuha niya ang white book. You want it? Then
go, retrieve it yourself."

Lumabas siya sa sasakyan nito at nagmamadaling naglakad palayo sa kotse ng binata. Nakita niyang
lumabas ng sasakyan si Kaino ay sinundan siya.

"Gilen? Where do you think you're going?!" Sigaw ni Kaino sa kanya habang mabilis na naglalakad palapit
sa kanya, siya naman ay mabilis na naglalakad palayo rito.

"Gilen!"

"Gilen!"

"Gilen!"

Naiinis na tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Kaino. "What?!"

"Saan ka pupunta?" Hinawakan nito ang braso niya at pilit na hinihila siya pabalik sa sasakyan nito.

Ipiniksi niya ang braso na hawak nito at humakbang paatras habang nakatingin kay Kaino.

"Kaino, kung nakuha na ni Jaime ang libro, then it's the end. Ipagdasal nalang natin na titigil na siya. Nasa
kanya na ang gusto niya, sana naman hanggang doon lang iyon, sana hindi niya ako patayin. Let's face it,
Kaino, kaya lang naman ako pino-protektahan ng NBI dahil sa white book, ngayong wala na sa akin yun,
wala ng dahilan ang NBI para protektahan ako. Wala ng dahilan para protektahan mo pa ako."

"Gilen, nasa NBI protection program ka pa rin dahil ikaw ang star witness."

Gilen took a step back. "I don't want to be a star witness at hindi niyo ako mapipilit."

Pinara niya ang taxi na papalapit sa kanila. She smiled at Kaino. Bago siya sumakay sa taxi, tinitigan niya si
Kaino at sinagot ang tanong nito.

"And yes, Kaino, mahal kita. Mahal na mahal." Aniya at tuluyan ng pumasok sa taxi at nagpahatid sa bahay
ni Luther. May kailangan silang pagusapan.

CHAPTER 14

NASA mina bar ng bahay niya si Kaino at umiinom ng alak habang walang tigil ang utak niya sa kaiisip kay
Gilen. Nag-aalala siya kung nasaan na ito ngayon, nang maghiwalay sila, hindi man lang niya ito tinanung
kung saan ito pupunta. O kaya naman, sana sinundan niya ang dalaga. Ngayon tuloy, nag-aalala siya ng
sobra.

"Bakit ka naman nakatulala riyan sa hangin at parang pinagsukluban ng langit at lupa?" Anang boses ni
Ethan.

Hindi niya nilingon ang binata na walang pahintulot na pumasok sa bahay niya. Well, sanay na siyang para
itong kabute na sumusulpot nalang bigla sa bahay niya.

"I'm not in the mood, Ethan." Aniya sa walang buhay na boses.

"Bakit?" Tumabi ito sa kanya at umupo sa katabing stool. "Anong nangyari sa'yo? Naglalasing ka ba dahil
naunahan tayo ni Jaime sa white book?"

Tiningnan niya ng masama ang katabi. "Hindi ako ganoon kababaw, Ethan. Bakit naman naisip mo na
maglalasing ako dahil lang doon?"

Ethan shrugged. "Dahil ikaw ang atat na ikulong si Jaime, Kaino. Ikaw itong gagawin ang lahat makulong
lang siya. Tapos ngayon, nawala ang pinakamalakas nating ebidensiya sana laban kay Jaime, kaya naman
naisip ko iyon. At mali ako." Tiningnan siya nito. "So... what's your problem?"

"Gilen left." Mahina niyang sabi.

"So? Ano naman ang problema roon? Umalis siya dahil wala na ang white book. Wala ng dahilan ang NBI
na protektahan siya. Wala ng dahilan para isugal natin ang buhay natin para sa kanya."

"Bakit naman wala? Nanganganib pa rin siya at responsabilidad natin na protektahan siya." Argumento
niya. "She's still a star witness."

"Kaino, stop it. Sir Luther called, tumawag daw sa kanya si Gilen para sabihing ayaw nitong maging star
witness kaya wala ng dahilan para protektahan-"

"May dahilan ako para protektahan siya dahil mahal ko siya!"


Halatang nagulat si Ethan sa sinabi niya dahil bahagyang lumaki ang mga mata nito habang nakatingin sa
kanya.

"Sabi ko na e. May gusto ka kay Gilen." Anito habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Hindi ko siya gusto, Ethan. Mahal ko siya. Magkaiba yun."

Nagkibit balikat lang si Ethan. "Ano ba nangyari kanina? Diba magkasama kayo nuong tinawagan kita?"

Tumango siya at tinunga ang alak na nasa baso. "Yeah. Pupuntahan na sana namin kung saan man niya
itinago ang white book pero huli na. Nakuha na ni Jaime. Tapos bigla niya akong iniwan sa kotse ko at
sumakay ng taxi."

"Yun lang?"

Tumango ulit siya. "Yeah."

Ayaw niyang i-kuwento rito ang sinabi ni Gilen bago ito sumakay ng taxi. It was personal. Para sa kanilang
dalawa lang iyon ng dalaga.

"And yes, Kaino, mahal kita. Mahal na mahal."

Mariin siyang napapikit ng maalala ang sinabi ni Gilen sa kanya. After she said that, he stand there like a
toad idiot. Naghalo ang emosyon sa dibdib niya at hindi siya nakagalaw. Alam niyang may nararamdaman
para sa kanya si Gilen pero ng marinig niya ang nararamdaman nito mula sa mga labi nito, hindi niya alam
ang gagawin.

"So... anong plano mo?"

Nagsalin siya ng alak sa baso at ininom iyon. "Hahanapin ko siya. Alam kung target pa rin siya ni Jaime.
Hindi ko siya hahayaang saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi. Magkakamatayan kami kapag
sinaktan niya ni dulo ng daliri ni Gilen."

Ethan chuckled. "Tough words, e hindi mo nga alam kung nasaan si Gilen. Hanapin mo muna bago pa siya
mahanap ni Jaime. Hindi mo mapo-protektahan si Gilen kung isa na siyang malamig na bangkay. And
please, protektahan mo siya ng mabuti, ayokong pagnawala siya bigla kang ma-mental. Tayo na nga lang
dalawa ang guwapong agent ng NBI, mababawasan pa."

Napangiti siya sa huling sinabi nito. Inilapag niya ang baso na wala ng laman at tumayo mula sa
pagkakaupo sa stool.

"I'm going to look for Gilen." Aniya.

"Malaki ang manila, Kaino, you need help."

Kunot ang nuong binalingan niya ito. "Tutulungan mo ako?"

"Well, wala pa namang order si Sir Luther na wala na ang kaso. So, yeah, tutulong ako."

He smiled at Kaino. "Great." Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa bar counter. "Let's go."

Hahanapin kita Gilen. Hahanapin kita kahit saan ka man magsuot.


"ANONG ginagawa mo rito sa bahay? Wala ka na bang matakbuhan?" Tanong sa kanya ni Luther ng makita
siya nitong nakaupo sa mahabang sofa sa living room ng bahay nito.

Tiningnan niya si Luther. "I need a safe place to stay for a while. Can I stay here?"

"Of course." Lumapit ito sa kanya. "I hope you don't mind me asking but, where's the NBI? Akala ko ba sila
ang magpo-protekta sa'yo? What happened?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Nasa kamay na ni Jaime ang white book. Alam kung hindi si Jaime titigil hangga't
hindi ako nawawala sa mundong ito. Ayoko naming pumunta sa mga kaibigan ko. I don't want to endanger
them. Masaya na sila sa mga buhay nila, ayokong ako pa ang sumira sa kalihayahang yun."

Tumago-tango si Luther na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya. "Okay. You can stay here. No
payment this time. Ayokong umasa na naman sa wala."

Napakagat labi siya. "Sorry about the car. Naabutan kasi ako ni Kaino."

"It's okay, you don't have to apologize. And speaking of which, where is he? Isn't he suppose to guard you
or something?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Tapos na ang responsabilidad niya na protektahan ako. Nang mapasakamay ni
Jaime ang white book, alam kung wala ng rason para protektahan pa niya ako, at saka ang mga taga NBI-"

"Stop lying to me, Gilen. Kilala kita. May binabalak kang gawin." Putol nito sa iba pa niyang idadahilan.
"Now, tell me what you're planning to do? We both know that Jaime won't stop until he had you inside a
casket. And I'm pretty sure na iniwan o tumakas ka sa poder ni Kaino para magtago rito sa lungga ko dahil
ayaw mong madamay si Kaino sa gagawin ni Jaime sayo. Am I right, or, I am very right?"

Napailing-iling siya. "Alam mo naman pala kaya manahimik ka na riyan." Tumayo siya mula sa pagkakaupo
at naglakad patungo sa hagdan papuntang second floor. "I'm going to rest then I'll tell you my plan. Doon
pa rin ba ang silid ko?"

"Oo naman."

Nagtuloy-tuloy siya sa second floor at tinungo ang silid niya na kaharap lang ng silid ni Luther. May kuwarto
siya sa bahay ni Luther kasi isang taon din siyang dito tumuloy sa bahay ng binata bago siya umupa ng
apartment at naging isang independent woman.

Pagkapasok niya sa loob ng silid niya, agad siyang humiga sa kama at natulog. She will need all the sleep
she can get para magawa ang plano niya.

DALAWANG araw ng hinahanap ni Kaino si Gilen pero hindi pa rin niya ito mahanap. Pinuntahan na niya
ang lahat ng dapat puntahan ni Gilen, pero wala pa rin. Tinawagan na niya ang mga kabigan nito pero wala
daw ang dalaga roon. Nag-aalala na siya. Hindi niya alam kung nasaan si Gilen, hindi mapigilan ng utak niya
na mag-isip ng mga negatibong bagay.

Naputol ang pag-iisip niya ng tumungo ang cell phone niya na nasa bulsa ng pantalon niya.
Nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag dahil hindi naka-rehistro ang number nito sa cell phone niya.
"Hello? Who's this?" Aniya ng sagutin ang tawag.

"How are you?"

Napamulagat siya ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya.

"Gilen! Ikaw ba yan? Okay ka lang ba? I'd been looking for you for two days, I'm so worried-"

"Stop looking for me, Kaino. At huwag ka na ring mag-alala para sa akin. I'm fine-"

"Anong hindi mag-alala sayo?" Sikmat niya. "Alam mo bang halos mabaliw ako sa pag-aalala sayo?!
Dalawang araw akong parang baliw na hinahanap ka, Gilen! Of course, mag-aalala ako sayo, ikaw ang
babaeng mahal-"

"Stop, Kaino." Huminga ito ng malalim. "Just stop looking for me and stop worrying about me. Ayos lang
ako rito sa kung nasaan man ako ngayon. Tumawag ako para sabihing ayos lang ako at huwag mo na akong
hanapin. It's for your own good."

Napatingin siya sa screen ng cell phone niya ng mawala ang dalaga sa kabilang linya. Mariin niyang ipinikit
ang mga mata at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Akamang ibabalik na niya ang cell phone
sa bulsa ng pantaloon ng tumungo ulit iyon, sa isiping si Gilen ang tumatawag, mabilis niyang sinagot ang
tawag.

"Hello, Gilen?" Excited ang boses na sabi niya.

"Nope, I'm not Gilen." Ani ni Ethan mula sa kabilang linya. "But by the sound of your voice, parang
kinontak ka niya."

"Yes, she just called to tell me-"

"Stop. Mamaya na iyang love problem mo. Sir Luther called, he wanted us in HQ in an hour. May sasabihin
yata siya sa atin tungkol sa kasong hawak natin. Hope its positive."

Bumuntong hininga siya. "Sana nga. Dahil hindi ko bibitawan ang kasong ito kahit ano pa ang mangyari."

"Good luck to both of us."

PAGKAPASOK niya sa bahay ni Luther, sinalubong kaagad siya ng binata. Kunot na kunot ang nuo nito
habang masama ang tingin na ipinupukol sa kanya.

"Akala ko ba nagtatago ka? Bakit lumabas ka ng bahay at ang tagal mo pa?"

Alam niyang ayaw ni Luther na ipahalata na nag-aalala ito sa kanya pero halatang-halata sa mata nito ang
pag-aalala para sa kanya.

"Lumabas lang ako para sumagap ng fresh air. Anong masama roon?" Pumasok siya sa kabahayan.

"Anong masama?" Sinundan siya ni Luther papuntang living room. "Masamang-masama. Kasi kapag nakita
ka ng mga tauhan ni Luther, tutustahin ka nila. Not that I care. Ayoko lang ilibing ang patay mong katawan
dahil hindi naman ako taga-libing ng patay. At saka hindi mo pa nagagawa ang plano mo kaya huwag kang
pakalat-kalat." Iyon lang at iniwan siya nito sa sala.

Isinandal niya ang likod sa likuran ng sofa at ipinikit ang mga mata. Kaagad na pumasok sa balintataw niya
si Kaino. Anon a kaya ang ginagawa nito ngayon? Ano kaya ang reaksiyon nito pagkatapos niyang
tumawag? Is he still looking for her? Sana naman hindi na. Masisira ang plano niya.

Kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa ng denim short at itinext ang mga kaibigan.

'Hey, I just want to say I'm fine and you don't have to worry about me. Miss you both and I love you.
Pagbalik ko ililibre niyo ako ng lahat ng restaurant na gusto kong kainan' 颅

After niyang isinend ang message, pinatay niya ang cell phone. Alam niyang kapag na-receive ng mga ito
ang text niya, tatawag ang mga kaibigan sa kanya at ayaw niyang mangyari iyon.

Tatayo na sana sila mula sa pagkakaupo sa sofa ng magsalita si Luther mula sa likuran niya.

"You want to watch a movie? Alam kong bored ka na. Showing daw ngayon ng Captain America, the winter
soldier. Tara, manuod tayo."

Nilingon niya ang binata. "Akala ko ba hindi ako puwedeng lumabas ng bahay mo?"

"Okay lang yun. Ako naman ang kasama mo. Halika na." Nauna na itong naglakad sa kanya palabas ng
bahay at wala siyang nagawa kung hindi sundan ito.

Honestly, she's bored to death at kailangan niya ng mapaglilibangan.

CHAPTER 15

SI LUTHER ang pumila para bumili ng ticket. Ayaw niyang makipagsiksikan at saka ito naman ang nag-aya
kaya ito ang dapat na pumila. Naka tayo lang siya sa isang tabi at nakatingin sa mga tao na abala sa mga
kani-kanilang buhay. Ang suwerte naman ng mga taong ito.

"Hey, I got the ticket. Sana naman maganda itong movie na ito." Anang boses ni Luther mula sa likuran
niya. "We have to wait for fifteen minutes bago mag-umpisa ang movie."

Binalingan niya si Luther na nakatayo sa tabi niya. "Okay. We'll wait."

"Sige." May kinuha itong kung ano sa bulsa. "Maiwan muna kita, bibili lang ako ng popcorn at soda. May
gusto ka bang chips?"

She shook her head. "Nope. I'm good."

"Okay. Hintayin mo ako at huwag kang gagalaw diyan sa kinatatayuan mo. I'll be back in a minute."

Tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa mga taong dumaraan. Ilang minuto ang hinintay niya bago
bumalik si Luther na may dala-dalang malaking lalagyan ng popcorn. Kinuha niya iyon sa kamay nito at
nag-umpisang kainin iyon.
Napailing-iling si Luther. "Hindi na ako magtaka na wala pa tayo sa movie, ubos mo na iyan. Want some
coke?" He asked with sarcasm on his voice.

Nginisihan lang niya ito. "Nagugutom lang ako, hindi nauuhaw."

Umiling-iling ito. "Kailan ka ba hindi nagutom?"

Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Pagkalipas ng ilang minuto, naglakad sila ni Luther
papasok sa loob ng sinehan. Hawak-hawak pa rin niya ang malaking lalagyan ng popcorn at panay pa rin
ang kain niya.

Nang makapasok sila sa loob ng umupo sa bakanteng upuan, ipinagdasal niya na sana nga mawala ang
boredom na nararamdaman niya, at sana mawala rin si Kaino sa isip niya.

PAGKAUWI nila ni Luther mula sa sinehan, mabilis niyang inayos ang bag na daldalhin niya para gawin ang
plano niya. Tamang-tama naman na pumasok si Luther sa silid niya at nakita ang paghahanda niya.

"This is madness, Gilen. You're going to kill yourself." Anito.

She just smiled at him. "I know. But I have to do this. For Kaino. For everyone I love."

Luther exhaled. "Ayoko pang mamatay pero para namang kaya kitang hayaang magpakamatay. Sasamahan
kita riyan sa kabaliwan mo."

Gilen walked to Luther and gave him a hug. "Thanks, but you don't have to do this. You can still back out.
Hindi kita pinipilit na tulungan ako, Luther."

"No, I have to do this. Konsensiya ko pa kapag namatay ka."

She chuckled. "So inamin mo rin na may konsensya ka."

Masama ang tingin na ipinukol sa kanya ni Luther. "Itikum mo yang bibig mo."

Nginisihan lang niya ang lalaki at nagpatuloy sa paghahanda ng dadalhin. Habang naghahanda, nasa isip
niya si Kaino. Sana naman maging worth it ang gagawin niya. Gagawin niya ito hindi para sa sarili niya kung
hindi para sa mga taong mahal niya.

Isinara niya ang bag at isinukbit iyon sa balikat niya. Lumabas siya ng silid at nakita si Luther na may
nakasukbit ding backpack sa balikat nito.

"Ready?" Nakangiting tanong niya rito.

Luther smirked. "I was born ready, Gilen."

Nagmamadaling tinungo nila ni Luther ang sasakyan nitong motorsiklo at sumakay doon. Mariin niyang
ipinikit ang mga mata ng maalala na naman si Kaino. Marahan niyang ipinilig ang ulo.

This is not the time para isipin ko si Kaino. Saway niya sa sarili.
Mabilis na pinaharurot ni Luther ang motorsiklo patungo sa bahay ni Jaime Ramirez. Babawiin niya ang
white book. Siya ang may-ari nun at may karapatan siyang mamili kung sino ang pagbibigyan niya niyon, at
wala sa listahan si Jaime sa bibigyan niya.

I'm going to get my book. Just wait, Kaino. Maibibigay ko rin sa'yo ang white book. Kunting hintay lang.

IPINARADA ni Luther ang sasakyan hindi kalayuan sa mansiyon ni Jaime. Bumaba siya mula sa motorsiklo
nito at inihanda ang sarili.

"Are you sure na naroon ang white book sa loob ng vault na nasa kuwarto niya?" Paninigurado ni Luther.

Tumango siya. "Oo, I'm sure. Wala siyang ibang vault sa loob ng bahay na iyan kung hindi ang nasa
kuwarto niya. Masyado kasi siyang sigurista. Naniniwala siya na dapat nasa kuwarto niya ang lahat ng
sekreto at importanting pag-aari niya. Iyon lang din ang bahagi ng bahay na walang bantay. Hindi puwede
roon ang mga bantay dahil wala siyang tiwala sa mga ito."

Kunot ang nuong tumingin sa kanya si Luther. "At paano mo nalaman ang lahat ng ito?"

"Tumira ako sa mansiyon ni Jaime ng maraming taon. Alam ko ang pasikot-sikot ng bahay na iyan." Aniya
habang nakatingin sa mansiyon. "Nasa left side ng bahay ang kuwarto niya. Fourth floor. Walang bantay o
kung ano pang security devices. Ang problema lang natin ay ang vault. May hand print scanner ang vault,
at kapag binuksan mo iyon at may kinuha ka sa loob at kapag ma-detect ng scanner na hindi ka si Jaime
Ramirez, tutunog ang alarm. And that your cue to make it fast and get out."

"Madali ngang makapasok sa kuwarto niya, mukhang mahihirapan naman akong makalabas. If the alarm
rings, then I'm toast and you know that." Komento nito.

"Kaya nga kasama mo ako. I will serve as your decoy para makalabas ka at maibigay ang white book kay
Kaino o sa tatay mo, kay Luther Sr.."

Luther grimaced. "I rather throw the book in the ocean than give it to my father."

She glared at him. "Give it to Kaino then."

"Okay, okay, I will."

"Good. Let's go."

Bago pa siya makalayo rito, pinigilan siya nito sa braso at niyakap siya ng mahigpit.

"This is a crazy plan, Gilen. I envy Kaino, maswerte siya at may babaeng katulad mo na nagmamahal sa
kanya. Sana nga lang maging worth it ang gagawin mo."

She hugged him back. "Just do what I told you to do and it'll be worth it."

Luther sighed and let go of her. "Okay. Let's do this shit."

WALANG ingay na lumapag ang mga paa ni Gilen sa loob ng malawak na solar ng mansiyon ni Jaime. She
had to be stealthy kung hindi mapupurnada ang plano niya. Kailangan niyang mag-ingat.
Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa mansiyon. Panay ang tago niya dahil napapalibutan ang bahay
ng mga armadong bantay. At alam niyang hindi ang mga ito magdadalawang isip na barilin siya. Nagtago
siya sa isang malaking halaman at nag-isip ng mabuting gawin. Hindi niya puwedeng sugurin ang mga
bantay dahil wala iyon sa plano niya, hindi siya mamamatay tao.

Napaigtad siya ng may kumalabit sa likuran niya, at nang makitang si Luther lang pala, parang gusto niyang
bugbugin ang binata.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong niya sa lalaki na mahinang boses.

"I can't get in without alerting the guards." He whispered back.

Gilen looked at Luther then she thought of something. "I know what I have to do." Binuksan niya ang bag
na dala at kinuha roon ang maid outfit niya.

Luther looked at her in bewilderment. "May dala kang maid outfit diyan sa bag mo?"

Nagkibit balikat siya. "It might come in handy, and yeah, it did."

Mabilis siyang nagpalit nang damit. Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Luther para hindi Makita ang hubad
niyang katawan. She rolled her eyes and finished dressing.

Ibinigay niya backpack kay Luther. "Nasa loob niyang ang isang hacking device. Just in case hindi gumana
ang hacking device mo. Remember, hack the password vault, open, take the white book then leave and ...
make it fast. Every second count. Mag-ingat ka."

Inayos niya ang damit at akmang lalabas na siya sa pinagtataguan niya ng pigilan siya nito.

Nilingon niya si Luther. "Bakit?"

"Be careful, Gilen. I want to see you alive and breathing after this shit."

Tumango siya pero alam niyang malabo nang mangyari iyon. Hindi nga niya alam kung makakalabas pa siya
ng buhay.

"I will." Aniya at lumabas sa pinagtataguan niya.

Dire-diretso siyang naglakad papasok sa loob ng mansiyon. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya pero
nilakasan niya ang loob. Kailangan niyang maging matapang. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng
lampasan niya ang mga armadong bantay na hindi siya pinatigil. Sinapo niya ang dibdib at kinalma ang
sarili.

Nagtuloy-tuloy siya sa kusina para kumuha ng props. Pagkarating doon, kumuha siya mop at maliit na
balde na may lamang tubig. Huminga siya ng malalim at naglakad palabas ng kusina, patungo sa library ni
Jaime kung saan naroon ang lahat ng record ng mga illegal transaction ni Jaime Ramirez.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan patungo sa third floor ng may magsalita sa likuran niya.

"Saan ka pupunta? Hindi mo ba alam na bawal ang mga katulong sa third floor?" Anang boses na kilalang-
kilala niya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bakit ba niya nakalimutan na pili lang ang mga katulong na puwedeng
umakyat sa third floor?

"O katulong nga ba kita?" Narinig niyang naglakad ito palapit sa kanya. "Humarap ka sa akin, Gilen, ang
paborito kung anak."

Nanigas siya sa kinatatayuan pero hindi siya nagpahalata na natatakot siya. Binitawan niya ang mop at
balde na dala at kinalma ang sarili saka hinarap si Jaime, ang lalaking umampon sa kanya kaya naman
naging magka-apelyido sila. Kahit pa nakilala niya ang tunay na ama, hindi niya ginamit ang apelyido nito.
Gusto niyang kalimutan ang nakaraan niya pero gusto niyang tumatak sa kanya ang apelyidong Ramirez.
Ang apelyido ng taong pumatay sa kanyang ina.

Parang demonyong ngumisi ito sa kanya. "Well, well, well, sinong mag-aakala na makikita kita rito sa
pamamahay ko?" Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. "Anong ginagawa mo rito?"

Masamang tingin ang ipinukol siya sa lalaki. "Nasaan ang white book ko?" Matigas ang boses na tanong
niya.

Jaime chuckled. "It's in good hands, don't worry."

Gusto niyang sampalin ang kaharap pero pinigilan siya ang sarili. Hindi makabubuting galitin niya si Jaime.
Ipinagdarasal niya na sana nakapasok na si Luther sa kuwarto ni Jaime at nabuksan na nito ang vault para
makalabas na ito sa mansiyon.

Hinawakan siya sa braso ni Jaime at hinila pabalik sa first floor. Malakas na isinadlak siya nito pa-upo sa
sofa at tinawagan ang mga tauhan nito.

Napakagat-labi siya ng makitang ang higit dalawampo nitong mga armadong bantay.

"Ang lakas ng loob mong pasukin ang bahay ko." Ani ni Jaime na umupo sa nasa harapan niyang sofa.
"Tingnan mo ang mga kalalakihang nasa harap mo ngayon, sa tingin mo ba kaya mo silang talunin?"

Gilen shrugged. "Worth the try."

Tumawa ng nakaka-insulto si Jaime. "Pagsisisihan mong pumasok ka sa bahay ko. Hahayaan nalang sana
kita e, kasi wala ka namang halaga sa akin, pero ngayong narito ka na sa harapan ko. Why not?" Kinuha
nito ang baril na hawak ng lalaking katabi nito at itinutok sa kanya.

Kalmado siyang nakipagtitigan kay Jaime. Pero ang loob niya ay parang nagtsu-tsunami.

"May tanong ako bago mo kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak mo."

Ibinaba nito ang hawak na baril. "Fine. Ask away."

Pinag-krus niya ang binti. "Paano mo nalaman na doon ko itinago ang white book?"

Ngumisi si Jaime. "Matalino ako e. Sa tingin mo hindi ko maiisip na roon mo itinago ang white book sa
puntod ng yumao mong ama?"

She gritted her teeth. "Paano mo nalaman ang tungkol sa ama ko?"

Jaime laughed. "Gilen, kahit naman wala ka na sa poder ko, I still know things about you. Sa tingin mo
naman hahayaan kita ng sampung taon na hindi minamatyagan ang mga galaw mo? Hinayaan kitang
mabuhay noon dahil nasa iyo pa ang white book pero hindi na ngayon. Sana noon pa kita pinatay, wala
sana akong problema ngayon."

Gilen smiled. "Nasagot din sa wakas ang katanungan ko kung bakit hindi mo ako ginulo ng sampung taon.
Pero puwede mo naman akong patayin kahit nasa akin ang white book. Wala namang nakakaalam kung
nasaan ang white book maliban sa akin."

Tumango-tango si Jaime. "Oo nga puwede ko iyong gawin, but where's the fun? Mas Masaya kung ngayon
kita papatayin kung kailan marami ang masasaktan kapag namatay ka." Ngumisi na naman ito. "Isn't it
fun?"

She glared at him. "Demonyo ka talaga."

He smirked and whispered. "Matagal na, Gilen. Matagal na."

Itinutok ulit nito ang baril sa kanya at lihim siyang napalunok. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at
hinintay ang pag putok ng baril. Hindi man lang niya makikita ang mukha ng lalaking mahal niya. Hindi man
lang niya masasabi kay Kaino kung gaano niya ito kamahal. Hindi man lang niya mahahawakan ang binata.
Hindi man lang niya ito mahahalikan ulit. Naramdaman niyang namasa ang mata niya.

Paalam na, mahal kong Kaino. Sana maging masaya ka kahit wala na-

Nagmulat siya ng mata ng makarinig ng malakas na tunog. Malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi ni
Gilen. Good job, Luther. Good job.

"Anong nangyayari? Bakit tumutunog ang alarm ng vault-" nanlilisik ang matang tiningnan siya ni Jaime. "I
should have known na hindi ka papasok sa bahay ko ng walang plano!" Binalingan nito ang mga tauhan.
"Pumunta kayo sa silid ko at patayin niyo kung sino man ang nagbukas ng vault ko!"

Tumawa si Gilen. "Too late, Jaime, too late. By now, nakalabas na si Luther at papunta na sa NBI
Headqaurters." Tumayo siya at nginisihan ito. "It's the end, Jaime. The end."

Mabilis itong lumapit sa kanya at malakas na sinuntok siya sa tiyan ng paulit-ulit. Nabuwal siya sa
pagkakatayo at natumba. Namimilipit sa sakit na hinawakan niya ang tiyan. Shit! Hindi pa siya nakakabawi
sa sakit, sinipa siya ni Jaime at wala siyang magawa kung hindi ipikit ang mga mata at tanggapin ang sakit
na dulot ng ginagawa nito. Ito ang plano niya.

"Pagbabayaran mo itong babae ka! Papatayin kita-"

Biglang bumukas ang malaking pintuan ng bahay at maraming kalalakihan ang pumasok.

"Freeze! This is NBI!"

Jaime smirked at her evilly. "Magkita tayo sa impyerno." Pagkasabi nun ay paulit-ulit siya nitong binaril
hanggang sa mawalan siya ng ulirat.

Ang huli niyang narinig ay isa pang putok ng baril at boses ni Kaino na pulit-ulit na tinatawag ang pangalan
niya. Anong ginagawa ni Kaino rito?

CHAPTER 16
"HALUGHUGIN niyo ang buong bahay! Dakpin ang lahat ng naririto!" Narinig ni Kaino an sigaw ni Ethan.
Nakita niyang pinosasan ni Ethan si Jaime na may malay pa rin kahit binaril na niya ito sa paa.

Nanginginig ang katawan na nilapitan niya ang nakahandusay sa sahig na katawan ni Gilen. Ipinalibot niya
ang braso sa katawan ng dalaga at pinangko ito at nagmamadaling tinungo ang sasakyan niya.

"Gilen! Buksan mo ang mga mata mo!" Mariin siyang pumikit ng maramdamang namamasa ang mga mata
niya."Shit!"

Mas binilisan pa niya ang paglalakad patungo sa sasakyan niya. "Don't leave me, Gilen. Please, don't.
Please, don't. Dadalhin kita sa hospital. Please don't. Wake up, please, wake up. Marami pa akong
sasabihin sayo. Don't leave me." Marahan niyang niyugyug ang katawan nito. "Gumising ka, parang awa
mo na. Gusto mo bang mabaliw ako? Gusto mo ba yun?"

Napakagat labi siya ng may maramdamang mainit na likido na tumulo sa pisngi niya. Nang makita niyang
binaril ni Jaime ng maraming beses si Gilen, parang may pumira-piraso sa puso niya. Nagdilim ang paningin
niya at binaril niya si Jaime. Gusto niyang barilin ito ng paulit-ulit. Gusto niya itong patayin pero alam
niyang hindi iyon puwede. Ang importante ngayon ay madala niya si Gilen sa hospital.

"Kaino Garcia?"

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa lalaki na nakatayo sa harapan niya. Kumunto ang nuo niya.
Parang nakita na niya ito- That's it! This guy name is Luther. Ang anak ng superior nila.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"I'll drive you to the hospital." Anito.

"No. Bakit naman ako magtitiwala sayo-"

"Dahil ako ang tumawag sayo kanina. Ako ang lalaking kausap mo sa telepono. Ako ang humingi ng tulong
sayo. Ako ang nagsabi sayo kung nasaan si Gilen. Kaya huwag kang maarte at hayaan mo akong ihatid ko
kayo sa hospital. At saka..." Tiningnan nito ang parating na black sedan. Ang sasakyan ng superior niya.
"Para may dahilan ako na umalis."

Napailing-iling siya. "Fine. Nasaan ang sasakyan mo?"

Ngumisi ito at binuksan ang pintuan ng isang police car. "Here's my car."

"No, it's not."

"So, it doesn't matter. Emergency 'to."

Sumakay ito sa driver seat at wala siyang nagawa kung hindi sumakay sa back seat habang karga-karga pa
rin si Gilen at mabilis na pinaharurut ni Luther ang sasakyan paalis sa mansiyon ni Jaime.

Kaino caress Gilen's cheek and whispered. "I love you. Mabubuhay ka. Mag-uusap pa tayo. Magagalit pa
ako sayo. Papakainin pa kita ng maraming chocolates." A lone tear escape his eyes. "I'm sorry wala ako sa
tabi mo para protektahan ka. Patawarin mo ako. Kung nahanap lang sana kita kaagad e di sana hindi
nangyari ito."

"Paano mo naman mahahanap ang tao na nagtatago?" Wika ni Luther na nagmamaneho.


Hindi niya pinansin ang lalaki at pinakatitigan lang ang mukha ng dalaga. Ang mukha ng babaeng mahal
niya. He leaned in and kissed her forehead.

"I love you so much, Gilen. So darn much it hurts to see you like this!"

Mahigpit na niyakap ni Kaino ang dalaga at paulit-ulit na hinalikan ito sa mga labi. Puno ng pagsisisi ang
puso niya dahil hindi niya na-protektahan ang babaeng pinakamamahal niya.

Nag-angat siya ng tingin ng biglang tumigil ang sasakyan.

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya kay Luther.

May itinapon na puting bagay sa kanya si Luther at tumama iyon sa dibdib niya. Nang tingnan niya kung
ano iyon, nagulat siya sa nakita. It's the white book.

"What the-"

"Pinapabigay sayo ni Gilen." Tiningnan nito ang dalaga at ibinalik ang tingin sa kanya. "Promise me one
thing, Kaino Garcia."

"What?" Naguguluhang tanong niya.

"Promise me that you'll never hurt her. Physically and mentally, Gilen doesn't need your protection. But
her heart is another matter. Protect it and love her as much as you can. You don't deserve her love but
who am I to say that."

Lumabas ito ng sasakyan at mabilis na tinungo ang nakaparadang motorsiklo at iniwan sila sa gitna ng
daan.

"Anong-"

Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makarinig ng ungol. Mabilis niyang tiningnan ang dalaga na nasa
mga bisig niya. Nilukob ng kasayahan ang puso niya ng makitang unti-unting bumubukas ang mata ni Gilen.

"Gilen?" Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. "Gilen, naririnig mo ba ako?"

Umungol ulit ito at sinapo ang tiyan. Hinintay niya na tuluyang magmulat ang mga mata nito. The moment
her eyes opened, a wide smile appeared on his lips.

"Thanks god." Bulong niya at mahigpit na niyakap ang dalaga. "I love you so much, Gilen."

"N-Na-na..."

He pulled away and looked at her expectantly. "Yes, may kailangan ka? May masakit ba sayo? Saan?"

Sinapo nito ang tiyan. "Nagugutom ako. M-May chocolate k-ka ba r-riyan?"

Napatanga siya sa sinabi nito. "Ano?" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang dalaga. "Here I am, so
worried about you and you're worried about your stomach? God, Gilen, ano bang klaseng utak mayroon
ka at puro pagkain ang laman niyan?" Naiinis na aniya.
Dahan-dahang ngumiti ito sa kanya. "Eh sa nagugutom ako e." Inabot nito ang pisngi niya at hinaplos iyon.
"Sorry kung pinag-alala kita."

"Your sorry is not enough." Aniya na naiinis pa rin. "I can't believe you risk your life for that book! Baliw ka
na talaga. Alam mo ba kung gaano ka delikado ang ginawa mo, paano kung namatay-"

"I'm alive. I'm wearing a vest, Kaino."

Tiningnan niya ito ng masama. "Paano kung sa ulo ka niya binaril, paano-"

"But he didn't. Sorry nag pass out ako. Nawalanan ako ng malay dahil sa impact ng bala." Ipinalibot nito
ang braso sa leeg niya at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. "Sorry." Anito at inilapat nito ang labi sa
labi niya.

He instantly melted. Nawala ang inis na nararamdaman niya at tinugon niya ang halik nito. Mas hinapit pa
niya palapit sa kanya ang dalaga at pinalalim ang halik. When they pulled away, they are both huffing and
catching for breath.

Kaino smiled and put his head over her heart and whispered a promise to Gilen's heart.

Heart, I promise to protect you with my heart. To nurture you with my love. Just please, tell your owner to
love me as much as I love her.

"I love you, Gilen."

Gilen chuckled lightly. "I love you too, Mr. security guard, slash Mr. NBI Agent, slash Mr. Bouncer. Slash, Mr.
Kaino Garcia. Slash Mr. Republic act."

Kaino chuckled. "Pakiramdam ko may karugtong pa ang slash Mr. na iyan."

Mahinang tumawa si Gilen. "Malay mo... slash Mr. Husband na kita."

He grinned from ear to ear and looked at the woman who captured her heart and imprisoned it. "Well, do
you want to be my wife?"

Nginisihan siya ng dalaga. "Asa ka naman na o-oo ako. Ang lame ng proposal mo. Mag-isip ka ng unique.
Baliw!"

Napatawa siya ng malakas sa sagot nito. Bakit ba hindi na siya nagulat na hindi ito umo-o. It's just so Gilen.
The woman that he loves so much.

CHAPTER 17 (END)

NAKASIMANGOT si Gilen habang naglalakad palapit sa bahay ni Kaino. Ang lalaking iyon talaga, tulog
mantika! Nangako pa naman ito sa kanya na gigising ng maaga dahil pupunta ito sa bahay niya at sabay
silang magja-jogging. Pero heto, alas nuwebe na ng umaga, tulog pa rin ang gago na yun. Ang sarap
pisunin.

Kinuha niya mula sa bulsa ng denim short niya ang susi sa bahay ni Kaino bara buksan ang naka-lock nitong
pintuan. Ibinigay nito iyon sa kanya ng binata ng sagutin niya ito, tatlong buwan na ang nakakaraan. Halos
magtatalon ito sa tuwa ng umo-o siya. Siya naman, chill lang habang naka-upo pero sa loob naman ay
parang nagtsu-tsunami. Mahal na mahal niya ang kasintahan kahit tulog mantika pa ito.

She's so happy right now. After that night, hindi niya akalain na makakasama pa niya ang mga taong mahal
niya. Buti nalang at naisipan niyang magsuot ng vest. She can't express how much thankful she is to god
for saving her. Kung noon hindi siya sumisimba, ngayon, palaging siyang nasa simbahan tuwing linggo.
Marami siyang dapat na ipagpasalamat sa panginoon. Her life couldn't get any better. Nakakulong na si
Jaime Ramirez at ang mga tauhan nito. Walang piyansa ang kaso ni Jaime at dalawang buwan mula ng
makulong ito, nahatulan ito ng guilty at habang buhay na pagka-kulong. He deserves it! Talagang
nakatulong sa pagpapakulong kay Jaime ang white book.

Iyon ang nagsilbing ebidinsiya nila sa korte. Hindi lang pala drugs at pagnanakaw ng sasakyan ang illegal na
Gawain ni Jaime. Marami pa itong illegal na aktibidad na ginagawa at lahat ng iyon ay nasa white book.
Siya na yata ang pinakamasaya ng mahatulan ng guilty si Jaime. Wala ng mananakit sa mga taong mahal
niya. Mapapanatag na ang kalooban niya. Nagpapasalamat siya kay Luther, dahil kung hindi nito tinawagan
si Kaino para humingi ng tulong, baka namatay na siya. Thanks to that i-don't-care-guy-Luther, she's still
alive and breathing.

Huminga siya ng malalim at tinawag ang pangalan ng kasintahan.

"Kaino! Kaino! Wake up!" She's free to shout as loud as she can can. Sila lang naman ang tao rito sa bahay.
Umuuwi ang mga katulong ni Kaino tuwing weekends. Parang day-off na rin nila. And it's Saturday.

"Kaino! Come on. Wake up!" Sigaw niya habang umaakyat patungo sa second floor kung saan naroon ang
silid ng kasintahan.

Napasimangot siya ng binuksan niya ang kuwarto ng binata at wala ito roon.

"Saan naman kaya nagsusuot ang lalaking yun?" Tanong niya sa sarili at isinara ang pintuan ng silid ni
Kaino.

Naglakad siya patungo sa kusina. Nauuhaw na siya. Iinom muna siya ng tubig bago niya hanapin si Kaino.
Medyo may kalakihan din ang bahay na ito. Ayaw niyang ma-dehydrate sa kasisigaw ng pangalan ng baliw
niyang kasintahan.

Papasok palang siya sa kusina, agad na naamoy niya ang mabangong aroma ng pagkain. Mabilis siyang
pumasok at nakita niya si Kaino na hubad-baro at nagluluto. Napanganga siya sa kakisigan nito mula sa
likuran. Tanging faded jeans lang ang suot nito at wala itong sapin sa paa. Mula sa likuran, para itong
model ng jeans.

Yum! Ang matso-matso talaga ng boyfriend ko. Puwede ng gawing agahan! Lihim siyang napalunok at nag-
iwas ng tingin. Tamang-tama naman nilingon siya ni Kaino.

"Hey, chocolate." Nakangiting bati nito sa kanya at nilapitan siya para halikan sa pisngi. "Good morning.
How's your day?"

Hindi siya nagpa-apekto sa napaka-yummy nitong abs at magandang ngiti. Inirapan siya ito.

"How's my day? Terrible!" Pinandilatan niya ito. "You promise na gigising ka ng maaga at pupuntahan mo
ako sa bahay para sabay tayong mag-jogging. I waited for an hour pero walang dumating kahit na anino
mo."
Kaino smiled at her na parang hindi ito apektado sa pagkainis niya. "Sorry, chocolate." Dumukwang ito
para halikan siya sa mga labi pero umiwas siya.

"No kiss. You broke your promise, Kaino."

"What? Why?" Kaino pouted. "This is the first time I broke my promise. Puwede bang warning lang muna
ngayon, saka na ang punishment? I haven't seen you for eight hours! Come on, Chocolate. Cut me some
slack."

Itinirik niya ang mga mata. "Kaino, huwag kang OA. It's just eight hours."

Naglalambing na niyapos siya ng kasintahan. "Yun na nga e. Eight hours without you is like a day without
water. Nanghihina ako."

Tinampal niya ito sa dibdib. "Tama na iyang ka-cheesihan mo. Baka langgamin ka na."

He grimaced. "Hindi ito ka-cheesihan. I'm just being sweet." Niyakap siya nito.

Mabilis niya itong tinulak ng maramdaman niya ang matitigas nitong abs. parang may nagrambulang
Jurassic sa loob ng puso. Pasimpli niyang pinahid ang malamig na pawis sa noo niya.

Kumunot ang nuo ni Kaino at pinahid nito ang pawis sa noo niya gamit ang palad nito. "Bakit ka
pinagpapawisan? Ang aga-aga, pinagpapawisan ka na."

Nag-baba siya ng tingin at napakagat-labi siya ng makita ang bas nito. Diyos ko naman! Maghunusdili kayo!
Ayokong magkasala! Inosente pa po ako.

Nagtaas siya ng tingin at natama ang mata nila ni Kaino. Pinapahid pa rin nito ang pawis niya. Kahit anong
pigil niya sa mata niya na hindi tumingin sa abs ng kasintahan, hindi talaga niya mapigilan. Panay ang
sulyap niya sa abs nito at sa pagkainis. Mabilis na kinuha niya ang apron at isinuot iyon sa kasintahan.

"Hayan. All covered." Aniya na nakangiti.

Kaino chuckled. "Ahh. Kaya pala hindi ka mapakali dahil sa matitigas kong abs. I'm so flattered, Gilen."

Pinukol siya ito ng masamang tingin. "Huwag ka ngang mahangin!"

Tumawa ng mahina ang kasintahan. "Bakit ba nagagalit ka? Hindi ka pa nasanay sa'kin." He gave her a sly
smile. "You know, I can take off my jeans too. Just say the magic word and I'll-"

"Heh!" Mainit ang pisngi na tumakbo siya palabas ng bahay ni Kaino. Narinig niya ang malakas ng tawa
nito mula sa kusina.

Naiinis siya! Mula ng malaman nito na virgin siya, he keeps on teasing her. Kasalanan ba niya kung wala pa
siyang karanasan sa bagay na iyon? Hmp! Masunog sana siya sa kusina!

Binuksan niya ang pintuan ng bahay ni Kaino at lumabas. Handa na siyang tumakbo patungo sa kotse niya
ng mapatigil siya sa paglalakad. Natusok siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa bagay na nasa harapan
niya. What the heck...

Dahan-dahan niyang nilapitan ang life-size chocolate cake na nasa labas ng pintuan ng bahay ni Kaino.
Nakaawang ang labi niya habang nilalapitan ang chocolate cake. Nagumpisa ng manubig ang bibig niya sa
nakikita.
"Like it?"

Mabilis siyang napalingon kay Kaino na nagsalita sa likuran niya.

"Yeah. Sa'yo 'to?"

Napailing ito. "Sa tingin mo naman kaya kung umobos ng ganyang kalaking cake? Hindi ako ikaw no."
Inakbayan siya nito at tinitigan ang cake. "I ordered Shay to make a life-size chocolate cake. Kailangan ko
pang magsilbing waiter doon sa caf 茅 niya para lang gawan niya ako."

Naguguluhang tinitigan niya si Kaino. "Bakit ka naman magpapagawa ng ganitong kalaki na cake. Kaino,
alam kong matakaw ako pero hindi ko naman kayang umubos ng ganitong kalaki na cake."

Kaino chuckled. "Akala ko kaya mo."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Ano naman ang tingin mo sa akin? Halimaw?"

"Well..." He trailed then looked at her.

She glared at Kaino. "Ano?"

Kaino chuckled again. "Nothing."

Kinurot niya ulit ito at napasimangot. "Kaino naman e!" Pagmamaktol niya. "Hindi ako halimaw. Tao ako!
Ako ang pinakmamahal mong girlfriend! Ako ang-"

"Ikaw ang babaeng mahal ko." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin at walang sere-seremonyang sinakop
ang labi niya.

Gilen automatically opened her mouth to accept the kiss. Ipinulupot niya ang braso sa leeg ni Kaino at
hinapit palapit ang binata sa katawan niya. Nasa gitna sila ng mainit na paghahalikan ng may tumikhim.
Naghiwalay ang mga labi nila ni Kaino. Napatawa siya ng Makita ang hindi maipintang mukha ng
kasintahan habang nakatingin kay Alexus, ang asawa ng kaibigan niyang si Clover.

"Hello! Stop kissing!" Tiningnan nito si Kaino. "Just do whatever you have to do para makakain na kami."

Kunot ang nuong tiningnan niya si Alexus. Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya ng Makita ang asawa
nito, ang kaibigan niyang si Marj at ang asawa nitong si Marlon Aiken. Ang kambal na si Ramm at Rann na
nakilala niya ng maging magkasintahan sila ni Kaino. Kasama ng mga ito ang kanya-kanyang asawa at mga
anak. Nasa tabi naman ni Ramm ang kapatid nitong si Eizel at ang asawa nitong si Lancelott. Bakit nandito
ang mga ito?

"Come on, Kaino. Just do it already." Wika ni Marlon Aiken.

"Do it." Segunda ni Ramm. "Stop being so coward."

Tumango-tango si Rann. "Go for it, cousin. Kaya mo yan. It's time for all of us to be officially taken."

"Ano bang sinasabi ninyo?" Naguguluhang tanong niya sa mga ito na may mga ngiti sa mga labi habang
nakatingin sa kanila ni Kaino. Binalingan niya si Marj. "What is this all about?"

Marj smiled. "It's not for me to tell."


Marlon Aiken grinned at her then looked at Kaino. "Do it, cousin."

Kaino nodded and looked at her. Humugot ito ng isang malalim na hininga at hinawakan ang kamay niya.
Naramdaman niyang nanlalamig ang kamay nito at pinagpapawisan. Bago pa niya matanung si Kaino kung
ano ang nangyayari, nauna na itong magsalita sa kanya.

"Gilen, you know that I love you right?" Nanginginig ang kamay nito. "And, I know... that, ahm, you love
me too. I ahm- just want to say that... I ahm, I love you so much... and I... I ... I- love you. I-"

Ipiniksi niya ang kamay niya na hawak ng kasintahan at tinitigan si Kaino. "What is your problem? Bakit ba
para kang ewan na nauutal. This is not you, Kaino. May nagawa ka ba? Kung may sasabihin ka sa akin, just
tell me straight. At bakit ba tinatanong mo kung mahal kita? Oo naman, mahal na mahal kita. Bakit ba?
Makikipaghiwalay ka ba sa akin? Iiwan mo ba ako? Magsabi ka lang kasi-"

Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya. "Will you marry me?"

Napatanga siya sa sinabi ni Kaino. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Nakatingin lang siya kay
Kaino na nakatingin din sa kanya. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Kaino..."

Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at sinapo ang pisngi niya. "When I saw you on the photo that Sir Luther
showed me, nagandahan na ako sayo. Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sayo. Nang makilala kita,
nagustuhan kaagad kita. Hindi naman kasi mhirap na magustuhan ka. You're so different. Good different.
Nuong nagpanggap ako na bouncer, masyado akong nagi-guilty. Alam ko kasing nagsisinungaling ako sayo.
Pero sa lahat ng pagsisinungaling ko, I never lied about my feelings for you. In-denial lang ako, but I know, I
can feel it. I'm falling in love with you. In the island, it was the best time of my life, being with you was
amazing. Doon lubusang nahulog ang puso ko sayo. I never thought that by protecting you, my heart will
be endangered. Endangered of falling in love with you."

Kaino gave her a small smile that makes her heart beat erratically. "Gilen, I know I'm not worthy of you. Up
until now, naiisip ko pa rin ang ginawa mo para lang makuha ang white book na yun. It angered me that I
wasn't there to protect you. Then I realized, you don't need my protection at all. Kayang-kaya mo kasi ang
sarili mo. You can take care of yourself. Pakiramdam ko napakawala kung kwenta. But then I realize, may
gamit ako. I love you and that's enough. Maybe you don't need me to protect you, but I will protect you. I
will protect your heart. I will love you as much as I can. I hope you accept the protection my heart is
offering."

"Gilen, I love you." Hinawakan siya nito at iginiya palapit sa malaking cake.

Gilen gasped when she see what's on the middle of the cake. It's a diamond ring. And it's so beautiful.
Natutop niya ang bibig para pigilan ang sarili na humikbi. Naiiyak siya sa sobrang kaligayahan.

"Oh, Kaino..."

Niyakap siya ni Kaino mula sa likuran. "Will you please, marry me, Gilen Ramirez? Will you please be my
wife?"

Hinarap niya si Kaino at sinakop ang labi nito. "Yes! Yes! I want to be your wife. I want to be Mrs. Gilen
Garcia!"

Kaino grinned. "Good."


Kinuha nito ang singsing na nasa cake at napatawa siya ng makitang may icing na nakadikit doon.

"Baka langgamin ako." Aniya na natatawa.

Kaino chuckled and put the ring on her finger. "Gusto kong isuot sa daliri mo ang singsing na pinili ko para
sayo, ants be dammed. Hugasan mo nalang mamaya, pero ngayon, suot mo muna."

Tumawa siya ng malakas sa sinabi nito. "Ewan ko talaga sayo, Kaino. Baliw ka na."

"Mapapangasawa mo ang baliw na ito."

"I can still back out." Nagbibiro niyang sabi.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito at nagdilim ang mukha. "I won't let you."

Napailing-iling siya at hinalikan ang binata sa tungki ng ilong nito. "Kaino, kahit pa siguro mapunta ka pa sa
mental, sasama pa rin ako sayo. Ganoon kita kamahal. Mild palang naman itong kabaliwan mo, kasi sa akin
ka lang naman baliw."

A smile broke into Kaino's face. "Sino ngayon ang mahangin?"

Inirapan niya ito at ipinalibot ang braso sa leeg nito. "Nahawa na ako sa kahanginan mo." Inilapit niya ang
labi sa labi nito. "I love you Kaino Garcia, my very own Mr. Bouncer. Ang hot mo kaya nuong bouncer ka
kasi yung suot mong t-shirt ay talagang bakat na bakat, lahat ng muscles at abs mo, nakikita."

Ngumisi ito. "Sabi ko na nga ba, pinagnanasaan mo ang abs ko."

Gilen smiled. "Oo naman saka magiging asawa mo na ako, kaya may karapatan akong pagnasaan iyang abs
mo."

Kaino laughed and captured her lips. "I love you so much, Gilen."

"I love you too, Kaino-"

"That's enough!" Pinaghiwalay sila ni Alexus. "Kumain na tayo." Binalingan nito si Kaino. "May niluto ka na
bang pagkain? Hindi pa ako nag-aagahan. Ang laki ng cake na pinadala mo. Napakabigat!" Reklamo nito.

Binatukan ito ni Clover. "Hoy, Alexus. Huwag ka ngang epal, hindi lang ikaw ang nagbuhat ng cake na iyan.
Tumulong din kami."

Mabilis na niyapos ni Alexus ang asawa. "Flower naman, mahal naman kita e. Come on, gave me a kiss."
Inginuso nito ang labi na tinampal naman ni Clover.

"Ang halay mo!"

Hindi makapaniwalang napanganga si Alexus. "What? Halik lang mahalay na agad?" Tinuro sila ni Alexus.
"Mas mahalay sila kasi kanina pa sila naghahalikan. Tapos ako itong pinag-iinitan mo."

Binatukan na naman ito ulit ni Clover. "Exempted sila."

Inungusan sila ni Alexus at pinangko nito si Clover na panay ang tili. "Ikaw nalang ang kakainin ko. Huwag
niyo kaming isturbuhin, gagawa kami ng little Alexus and cutie Cinnamon Clover."
"Don't call me Cinnamon you dimwit!"

Tawa lang ang isinagot ni Alexus sa galit na boses ni Clover. Napailing-iling nalang siya. Mula ngayon, ang
mga baliw na ito na ang pamilya niya. Masaya siya at kasama pa rin niya ang mga kaibigan niya.

Niyakap siya ni Kaino mula sa likuran. "Want to make little Kaino and cutie Gilen?"

She chuckled and leaned on his chest. "Hmm... why not?"

Kaino put his mouth over her ear and whispered. "Let's go to my room. I'll put my bouncer t-shirt. Diba
gusto mo yun?"

Natatawang hinarap niya si Kaino ang pinisil ang ilong nito. "You are so kinky."

"What? Don't you like it. Well, we can do the normal position-"

"How about I'll take off your bouncer t-shirt and then I'll lick your abs? Like it?"

Kaino's eyes were delated as he looked deep into her eyes. "Yeah, I will definitely, absolutely like it."

I hope you enjoy reading Gilen and Kaino's love story. Thank you and god bless - C.C.

**********************************
CONVERTED BY WATTPAD2ANY VERSION 1
----------------------------------

ALL RIGHTS RESERVED TO THE OWNER


OF WATTPAD.COM AND ALSO
ALL RIGHTS RESERVED TO THE AUTHOR
OF THIS BOOK

BY CONVERTING THE BOOK, YOU HAVE


ACCEPTED TO THE TOS OF WATTPAD
AND ALSO
WOULDN'T POST ANY OF THE CONTENTS
CONTAINED IN THIS FILE BY ANY MEANS
ELECTRONIC OR PRINTED, WITHOUT
THE CONSENT OF THE AUTHOR.

COPYRIGHT 2013
**********************************

You might also like