You are on page 1of 2

Alamat ng Gagamba

Noong unang panahon may isang mag-asawa na biniyayaan ng


isang magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag
nilang Amba.

Ang mag-asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela.


Parehas na galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang
mag-asawa. Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanyang ipapamana
sa nag-iisang anak.

Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano


ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong
naging bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga
mahihirap na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad.
Nahigitan na nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.

Dahil sa kanyang natatanging kakayanan naging tanyag ang bata


sa iba’t-ibang lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para
bumili ng mga disenyo kundi upang makita rin ang paggawa ng
bata. Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang
tela na ginagawa ng bata.

Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na


magaling siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito
ang sino man na magkipagtagisan sa kanya. Maraming mga
mahuhusay na maghahabi ang tumaggap sa hamon ng batang si
Amba. Gusto rin nilang patunayan kung siya nga ay magaling tulad
ng napabalita.

Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ang


bata. Lahat ng magagaling na maghahabi ay napahanga sa
kakayanan ni Amba. Nilaos sila ng bata at dahil dito mas lalong
yumabang ang bata.

Ani niya, wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan. Maging


ang mga diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang
makahihigit pa sa galing niya. Narinig ng mga diyosa ang
kayabangan ng bata. Hindi na sila nasisiyahan sa nagiging asal ng
bata.

Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at


hinamon niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha
namang pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa
nito alam kung paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo
sa kanya ang matanda.

Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang


manood kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging
napakaganda ng telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay
natulala sa mahirap na disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya
nang pagkapanalo ay sa tela ng matanda.

Nagngingit-ngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda


na mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang
matanda at tinulak-tulak ito. Iginiit nito na ang matanda ay nandaya
at baka ipinalit lamang ang isang nagawa nang tela sa ginagawa
nito. Baka nga si Amba pa gumawa ng tela aniya.

Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang


biglang lumiwanag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang
anyo. Iyon pala ay isang diyosa na nagpapanggap lamang.

Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging


masyadong mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan.
Nagbago ang anyo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga
mahahabang paa. Umiiyak ang kanyang mga magulang ngunit
alam nilang wala na silang magawa para sa bata.

Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa


ngayon, makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa
paghahabi ng kanilang mga bahay.

You might also like