You are on page 1of 87

______________________________________

Private Property :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

Elemental Mage Book I (Brynna) #Wattys2016


by xiantana

Si Brynna Whitethistle ay isang makapangyarihang Mage. May kakayahan siyang


manipulahin ang tubig at lupa, dalawa sa apat na elemento. Ang isang Mage na
kayang magmanipula ng mahigit sa isang elemento ay tinatawag na Elemental Mage.
Pero ang mga Elemental Mages ay matagal ng nawala ilang daang taon na ang nakaraan.
Gaano man kalakas ng kapangyarihan ni Brynna ay walang silbi iyon dahil iniiwasan
siya ng kanyang mga Masters at mga kaklase dahil sa pagiging anak niya sa isang
preserver sa Palan. Pero biglang nagbago ang buhay ni Brynna ng isang gabi ay
ipinagtapat sa kanya ng kanyang nakagisnang ina na hindi pala siya nito tunay na
anak.
Ngayon ay kailangang maglakbay si Brynna patungo sa Brun upang makilala ang tunay
na mga magulang. Ngunit pagdating sa Brun ay napag-alaman ni Brynna na may
kumakalat na nakakamatay na sakit, ang Black fever. Sa lakas ng kapangyarihan ni
Brynna alam niyang may kakayahang siyang magamot ang sakit ngunit ang tanong ngayon
ay kung paniniwalaan ba siya ng mga HealerMage sa Brun gayong isang apprentice lang
siya ng isang preserver? At higit sa lahat sampung taong gulang lang siya.

Glossary

(In no alphabetical order)Elements:

Ignis/Fire/Apoy

Aer/Air/Hangin

Aqua/Water/Tubig

Terra/Earth/earth

Mage: may kakayahan na manipulahin ang isa sa apat na elemento

Master Mage: Gain mastery of their powers.

High Mage: ang pinakamataas na antas na mararating ng isang mage. Maaring rin na
pinakamapangyarihan.
Elemental Mage: kayang manipulahin ang dalawa o higit pa sa apat na elemento.

Elves/Elfo: isa sa mga long lived races, sila ang sinaunang tao sa mundo at may
angking kapangyarihan.

Sphinx: isang matalino at makapangyarihang nilalang. Isa sa mga long lived races.

Kapre/Guardians: isa sa mga long lived races, mga malalakas at makapangyarihang


nilalang. Sila ang tinuturing na mandirigma at tagabantay sa Lasang kaya
tinagurian silang Guardians.

HealerMage: mangagamot gamit ang kapangyarihan sa alin man sa apat na elemento.

Healer: Ordinary healers o manggagamot na hindi gumagamit ng kapangyarihan ng


elemento.

Healing House: Hospital o pagamutan.

Duke: isang dugong bughaw. (Highest rank after the monarch)

Duchess: asawa ng Duke.

Apothecary:  tindahan ng mga gamot o pharmacy.

Bath House: Isang kaugalian sa mga taga Quorian na maliligo sa bath house dahil
walang paliguan ang sariling mga bahay pwera nalang kung mayaman.

Long lived Race: mahaba ang buhay.

RoE: Reign of the Empress

AW: After the First War

ME: Mage Era

(Days of the Week)

Monday- Moonsday

Tuesday- Watersday
Wednesday- Windsday(Airsday)

Thursday- Tierrasday

Friday- Firesday

Saturday- Starsday

Sunday- Sunsday

(12 Months)Some of the names are from Old English and mostly sa baliw kong utak.

January- Old Moon

February- Lovers moon

March- Wild Moon

April- Red Moon

May- Flower Moon

June- Passion Moon (Honeymoon?lol But hey! Isn't June the wedding month?)

July- Thunder Moon

August- Corn Moon

September- Harvest Moon

October- Hunters Moon

November- Bear Moon

December- Cold Moon

=================

World of Elvedom
The World of Elvedom

(How to pronounce their names

Erythrina Maranwé Narmolanya read as (Ery-thrina Ma-ran-wa Nar-mo-lan-


ya)

Erynia Maranwé Narmolanya (Ma-ran-wa)

Lady Kesiya (Ke-se-ya)

Karess (Ka-ress)

Camthaleon Anvamanwé (An-va-man-wa)

Nienna Anvamanwé (An-va-man-wa)

Seregon Anvamanwé (An-va-man-wa)

Tarieth Windstone (Ta-ra-eth)

Tarieth Yaxine (Yax-zen)

ViticiPrema Strongbow (V-t-c-Prema Strongbow)

Firen Gwawrddydd (Fy-ren Gwour-ddedd) sounds


like Fire)

Ruwi Strongbow (Ro-wi Strongbow)

Dellani WingedShadow (De-la-ne Winged Shadow)

Tempest Ioane Strongbow (Tempest Yeoo-wan Strongbow)

Valerius (Va-ler-yos)

Brennon Lancaster (Brey-non Lan-caaster)

Lyla Lancaster (Ley-la Lancaster)


Bryan Lancaster (Bray-yan Lancaster)

Byron Lancaster (Bay-ron Lancaster)

Brynna Whitethistle Lancaster (Bre-yan-na White-thes-tle)

Sola Whitethistle (So-la)

Brandon Lancaster (Bran-don Lancaster)

Raevel (Rey-vel)

Master Thuros (Thu-ros)

Master Herone (He-ron)

Vanity Dustbringer (Va-ni-ty Dust Bringer)

Servio (Serv-yo)

Burien (Bor-yen)

King Fergun (Fer-gon)

Irene (Ai-re-ne)

Irish (Ai-resh)

Irma (Er-ma)

Lady Elvira Moonglow (El-ve-ra Moon Glow)

Andracus (An-dra-kus)

Mang Kaleb (Mang Ke-leb)

Marcus Nightwings (Mar-kos Night Wings)

Felix Nightwings (Fe-lex Nightwings)


Selena Moonglow (Se-le-na Moon Glow)

Master Rylon Stillblow (Rey-lon Still Blow)

Master Wanda Shadowwater (Wan-da Shadow Water)

Master Quiren Brightglow (Ke-ren Bright Glow)

Master Welrien Alamanda (Wel-re-yen Alamanda)

Master Bris Cawallader (Bres Cad-wa-la-der)

Shayle Shadowgalde (Shayl Shadow Glade)

Ivo Flyingleaves (E-vo Flying Leaves)

Camri Lu (Kam-rey Lo)

Delayla Forrest (De-lay-la Fo-rest)

Draenen Arkwright (Drey-nan Ark Wryt)

Arian Castilly (Eri-yan Cas-ti-ley)

Ffusia Isherwood (Fu-sha Ai-sher-wood)

Koriene Seaver (Ko-reyn Sea-ver)

Ller Arrow (Lur Ah-row)

Pershli Isworth (Persh-li Ay-worth) silent


S

Rosemair Dew (Rose-meyr Dew)

Wynston Izod (Wins-ton Ai-shod)

Derek Arrowhead (De-rek Arrow Head)


Raiden Strongbow (Rey-den Strongbow)

Daxen Strongbow (Dax-xen Strongbow)

Drakon Strongbow (Drey-kon Strongbow)

Myfanwy Strongbow (Mey-Fen-wey Strongbow)

Captain Giles (Gayls)

Captain Sevastyan (Se-vas-tyan)

Master Aaron (Eeh-ron)

Java (Ja-va)

Ixor (Ay-zur)

III Clan (Third Clan)

Master Xonia (Sun-ya)

Verely (Verey-ley)

Xerex (Ce-rex)

Xerxe (Cer-ce)

Melaconia (Mila-konya)

Uri (Yo-ri)

Yero (Yey-ro)

Quoria (Kor-ya)

Tuskan (Tus-kan)

Palan (Pa-lan)
La Fun (La Fon)

Brun (Bron)

Kurlaz (Kur-las)

Ver (Ver)

Isle (Ayl)

Baltaq (Bal-Tak)

Ghenzi (Ghen-ze)

Zhurea (Shur-ya)

Khu-Gwaki                                            (Khoo-gwaa-ki)

=================

Kasaysayan ng Quoria

            Noong unang panahon may isang malaki at malayong kontinenteng


tinatawag na Elvedom.  Ang mga naninirahan dito ay mga Elfo.  Matalinghaga at
makapangyarihan ang mga elfo.  Matatangkad, matutulis ang tainga at nakakasilaw ang
kagandahan ng mga ito .  Sila ay isa sa mga long-lived races o mga nilalang na
mahahaba ang buhay, pero sila ay hindi immortal.  Maaring mamatay ang isang elfo
sa  pamamagitan ng natural na paraan. Halimbawa ay kung sila ay malubhang
nasugatan o kung magpasya ang mga ito na sapat na ang taong inilagi sa mundo at
magpasyang maging parte nalang ng kalikasan.  Sa pagsapit ng ika-limampung kaarawan
sa taon ng mga mortal ay hindi na magbabago ang anyo ng isang Elfo lumipas man ang
ilang libong taon.

            Ang Elvedom ay nahahati sa dalawa, ang mga puting elfo at itim na elfo.
And puting elfo ay naninirahan sa Elveden at ang itim na elfo naman ay naninirahan
sa Darkden.

       Ang mga puting elfo ay pinamumunuan ni Lady Erythrina Maranwé Narmolanya at


ang itim na elfo ay ang kambal nito na si Lady Erynia Maranwé Narmolanya. 
Parehong maganda at makapangyarihan ang magkakapatid.  Sa loob ng mahabang panahon
ay pinamunuan ng dalawa ang Elvedom ng may dunong at talino na natutunan nila sa
ilang libong taong pamumuhay sa mundo. Namuhay ang mga elfo ng mapayapa at
matiwasay kasama ang iba pang mga nilalang na nakatira sa Elvedom at ang mga
nilalang na naninirahan sa pinakamalaki at masukal na kagubatan na nakapalibot sa
Elvedom ang Lasang.

            Lumipas ang ilang daang taon na parang kisapmata lang sa mga elfo. 
Isang araw may matuklasan ang mga ito.  Maliban sa kanila ay mayroong ibang
naninirahan sa kanilang lupain sa paanan ng Lasang.  Ito ang kauna-unahang mortal
na tao na tinatawag na tribung La Fun.  Payak ang pamumuhay ng mga taga La Fun at
likas na mapagmahal sa kalikasan.  Sa katunayan ay sinasamba ng mga ito ang
kalikasan, araw, buwan, bituin, kalawakan at pati na ang pinakamalaking lawa. 
Lingid sa kaalaman ng mga tribung La Fun na ang lawa ay isang sagradong lawa ng mga
elfo na siyang naghahati sa Darkden at Elveden.

            Hindi nakaligtas sa kaalaman ni Lady Erythrina ang paninirahan ng taga


tribu ngunit hinayaan na lamang niya ito na mamuhay sa kanilang lupain dahil
naramdaman nito na walang masamang hangarin ang mga taga tribu.

            Ang Sphinx ay sinasabing siyang pinakamatalinong nilalang sa Elvedom. 


Ang mukha nito ay kagaya ng isang tao, katawan ng isang leon at pakpak na kagaya ng
isang ibon.  Si Lady Kesiya ay isang Sphinx, siya ang namumuno sa Lasang.  Si Lady
Kesiya ang unang nakakaalam na ang mga tao ay matalino ngunit kulang ang mga ito sa
tamang pamamaraan.  Kaya nagpasya ito na ibahagi ang sariling kaalaman. Tinuruan
nito na mamuhay ng maayos ang mga tribung La Fun.  Sa kalaunan ay natutunan ding
mamuhay ang mga elfo at iba pang nilalang sa mga taga tribu. Dito nagsimula ang
lahat. 

Ang La Fun, ay naging isang maunlad na lugar, dahil dito mayroong mga
dumadayo sa La Fun na galing pa sa ibang panig ng mundo.  Dumami ng dumami  ang
populasyon ng mga mortal na tao.  Hanggang sa ng lumaon naitayo ang siyudad ng
Quoria na siyang naging sentro ng kalakalan.  Hindi pa dito nagtatapos ang lahat,
lumaki ng lumaki ang Quoria at nagkaroon pa ito ng mga lugar kagaya ng Brun, Palan,
Tuskan at iba pa. Sa kalaunan ay naging isang Imperyo ito.  Ang Palan, Brun,
Tuskan at La Fun ay ang pinaka maunlad na lugar sa buong Imperyo ng Quoria na
pinamumunuan ni Lady Erythrina na siyang naging kauna-unahang Imperatris sa
Imperyo.  Dahil sa pakikisalamuha ng mga elfo sa tao ay hindi maiwasang mamuo ang
magandang relasyon ng dalawang lahi na hindi tinutulan ng Emperatris.  Lumalabas na
ang anak ng isang elfo at ng isang tao ay minsan may taglay na kapangyarihan sa
apat na elemento. Tubig, apoy, hangin at lupa. Tinatawag ang mga itong Mage.  At
dahil dito naisipan ni Lady Kesiya at ng iba pang mga elfo na magtayo ng isang
paaralan para lamang sa mga may kapangyarihan, ang Unibersidad ng mga Elemental
Mages upang maturuan ang mga mages kung paano gamitin ang kanilang kapangyarihan.

           Ang lahat ng ito ay hindi bukal sa kalooban na tinanggap ng kambal ni


Emperatris Erythrina na si Lady Erynia.  Namuo ang selos sa puso ni Lady Erynia.
Pero sa paglipas ng panahon nanaig ang pagmamahal ni Lady Erynia sa kambal at unti-
unting nawala ang selos sa puso nito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana.

Sa unang pagkakataon na nasilayan ni Lady Erynia ang binatang si Vulcan


ay agad nahalina ang magandang dalaga sa kakisigan ng mandirigmang La Fun ng lingid
sa kaalaman ng binata. Pero gaano man kalaki ng pagkagusto ni Lady Erynia kay
Vulcan ay may pag-alinlangan itong nararamdaman. Dahil si Vulcan bagaman isang
mandirigma ay isang ordinaryong mortal lamang.

            Isang araw habang bumibisita si Vulcan sa palasyo ay nagtagpo ang


landas nina Vulcan at ni Lady Erythrina.  Agad na nahalina ang mandirigma sa
Emperatris at nagsimula itong nagpahayag ng damdamin.  Hindi nagtagal ay naging
magkasintahan si Vulcan at Lady Erythrina.  Ganun nalang ang galit na nararamdaman
ni Lady Erynia ng malaman nito ang lahat ngunit huli na ito.  Itinakda na ang pag-
iisang dibdib ng magkasintahan.  Lalo na ng malaman nito na kaya walang takot na
nagmahal ang kapatid sa isang mortal at tutulungan ito ni Lady Kesiya na hahaba ang
buhay ni Vulcan. 

            Selos, galit, at puot ay muling namuhay sa puso ni Lady Erynia. 


Naninikip ang dibdib ni Lady Erynia habang sinaksihan ang pag-iisang dibdib ng
kambal at ang nag-iisang lalaking iniibig.

            Maligayang maligaya ang Emperatris, walang ka alam-alam sa sakit na


pinagdaanan ng kambal.  Sa mismong selebrasyon ng kasal, bilang nag-iisang kapatid
ay obligado si Lady Erynia na magbigay ng maikling mensahe at regalo sa bagong
kasal.  Habang naglalakad ito palapit sa bagong mag-asaw ay hindi nito napigilang
pagmasdan si Vulcan.   Hindi maikakaila sa mga  mata nito ang magmamahal para sa
kambal na dapat ay sa kanya.  Hindi napigilan ni Lady Erynia ang galit na lumukob
sa dibdib.  At dahil doon binigyan ni Lady Erynia ng isang regalo ang mag-asawa.

            Isang makapangyarihang sumpa.  Isinumpa ni Lady Erynia ang bagong kasal


na kailan man ay hindi magkakaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa.  Pagkatapos
namutawi sa labi ni Lady Erynia ang sumpa ay dumulim ang kalangitan kasabay ang
nakakabinging kulog na yumanig sa buong lugar.  Saka nilisan ni Lady Erynia ang
lugar at simula noon ay hindi na ito nakita kailanman.

            Matapos kumalma ang lahat, nakiusap si Vulcan kay Lady Kesiya na kung
maari kapalit ng pagbigay dito ng mahabang buhay ay kung pwedeng bawiin nito ang
sumpa.  Pumayag naman si Lady Kesiya.  Kahit labag sa kalooban ng Emperatris ay
wala itong nagawa sa kagustuhan ng asawa.  Ngunit lubhang makapangyarihan ang sumpa
kaya hindi ito lubusang natanggal.  Hindi naman nauwi sa wala ang lahat.  Dahil sa
ginawa ni Lady Kesiya nagkaroon ng isang anak na lalaki ang mag-asawa. At dahil ang
Imperyo ng Quoria ay kagaya din ng kaharian ng mga elfo.  Tanging babaeng lang ang
maaring magmana sa truno.  Kaya hanggang sa mga oanahon na iyon ay walang
tagapagmana ang Imperyo.

        Gayunpaman hindi iyon naging hadlang para maging maligaya ang mag-asawa.
Pinamumunuan ni Empress Erythrina ang Quoria ng may kasamang pagmamahal sa mga
kinasasakupan.  At namuhay ang buong Imperyo ng matiwasay at mapayapa.

          Ang Palan ay naging tanyag bilang lugar ng pinakamagaling na Healers. 


Sila rin ang mayroong pangunahing pinagkukunan ng iba't-ibang klaseng gamot. 

            Ang Brun ay ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain sa buong Imperyo.

        Ang La Fun ay nanatiling payak ang pamumuhay pero tanyag ang mga ito na
magaling na mandirigma.

            Ang kaharian ng Tuskan naman ay ang tanyag sa ginto.  Minimina ng mga


ito ang ginto at iba pang mineral.   Ang Tuskan ay siyang pinakamayaman sa buong
Imperyo, pero sakim ang hari ng Tuskan.   Iniisip ng hari ng Tuskan na ito dapat
ang namumuno sa buong Quoria.  Kaya, nagsimula itong bumuo ng sandatahang lakas.
Nang sa tingin nito ay sapat na ang kakayahan ng kanyang mga sundalo, nagsimulang
magmartsa ang mga ito patungo sa Quoria kung saan nakatira ang Emperatris at ang
pamilya nito sa marangyang palasyo.

            Nang makarating ang sundalo ng Tuskan sa Quoria ay diniklara agad ng


hari na bumaba sa truno ang Emperatris. Hindi ito pinagbigyan ni Imparatris
Erythrina. Nilusob ng mga sundalong Tuskan ang buong Quoria.  Madugo ang naging
digmaan ng mga sundalong Tuskan at sundalo ng Quoria.  Pinangungunahan ng dalawang
malakas at makapangyarihang heneral ang Quoria na sina Commander General Dracon
Strongbow na isang elfo at General Herone na isang kapre.  Naglaban din ang mga
elemental mages ng Tuskan at Quoria.  Sa gitna ng labanang iyon maraming nasawi na
buhay hindi lang mga sundalo, mages, elfo at kapre kundi pati na ang mga walang
kamuwang-muwang na mga inosenteng tao.

            Isa sa mga nangunguna sa labanan ay ang mandirigmang si Vulcan.  Hindi


ito pumayag na manood lang habang nakikipagdigma ang mga kasamahan.  Ngunit sadyang
tuso ang hari ng Tuskan.  Lingid sa kaalaman ng Emperatris, isa sa mga plano ng
hari ng Tuskan ay ang patayin ang asawa nito para ito ang pumalit dito.  Magaling
na mandirigma si Vulcan ngunit ano ang silbi ng espada nito kung ang kalaban ay mga
elemental mages?  Malubha ang sugat na natamo ni Vulcan.  Nang malaman ito ng
Emperatris ay agad na pinuntahan nito ang asawa na mag-isa. Iniwan ang sariling
mga bantay upang siguraduhin ang kaligtasan ng nag-iisang anak.   Nang makarating
sa mismong lugar ng digmaan noon lang napagmasdan ng Emperatris Erythrina ang
ginawa ng Tuskan sa kanyang mga kinasasakupan at lupain.

            Ganun pa man inuna muna nitong hinanap ang kinaroroonan ng asawa. 


Nakita nito ang katawan ng asawa sa gitna ng labanan na wala ng buhay.  Tulala at
hindi makapaniwala ang Emperatris.  Labis na sakit at paghihinagpis ang
nararamdaman nito habang pinagmasdan ang ulo ng asawa na nasa kandungan.

            Nang mahimasmasan nakita nito na pinapalibutan siya ng kanyang mga


tauhan.  Naroon ang dalawa niyang heneral si Master Dracon at Master Herone. 
Maingat na inilapag ng Emperatris ang ulo ng asawa sa damuhan at dahan-dahang
tumayo.  Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mga mata ni Emperatris Erythrina
at nagsimulang naglakad.  Nahawi ang mga tauhan na nasa harapan upang padaanin ito.

        Biglang natigil ang labanan.  Unti-unting tumahimik ang kapaligiran.  Wala


kahit huni ng ibon ang maririnig, kahit ang hangin ay tumigil sa pag-ihip.  Walang
gustong gumalaw.  Sa gitna ng digmaan, sa malakas at puno ng kapangyarihang boses
nagsalita si Emperatris Erythrina.  Ang tinig nito ay naririnig sa buong Elvedom.

            "Makinig kayo!  Makinig kayong mabuti.  Tuskan!  Dahil sa kasakiman ng


inyong hari, winasak ninyo ang aking lupain.  Pinatay ninyo hindi lang ang aking
pinakamamahal sa buhay, mga kaibigan kundi pati ang mga inosenteng tao na tahimik
na namumuhay.  Dahil sakim kayo!  Dahil sa kasakiman kaya nagawa ninyo ito!  Simula
sa araw na ito, wala na kayong yamang lupa na mabubungkal sa inyong lupain!  Dahil
ginamit ng inyong mga elemental mages sa kasamaan ang kanilang kapangyarihan wala
ng kahit isang elemento ang maari nilang kontrolin!  Sa mga nandirito ngayon,
magdudusa kayo habang buhay! Magdusa kayo hangang isang Emperatris na galing sa
sarili kung dugo ang siyang mamumuno sa lupaing ito.  At muling pag-isahin ang
Imperyo na winasak ninyo!  Hanggang hindi dumating ang araw na iyon, magdudusa ang
buong Tuskan!"  Pagkatapos ay itinaas nito ang dalawang kamay sa kalangitan at sa
nakapanindig balahibong boses ay muli itong nagsalit.  "Ako si Emperatris Erythrina
Maranwé Narmolanya ng Quoria. Reyna ng mga puting elfo sa Elveden,  isinusumpa ko
kayo!"  Biglang dumilim ang kapaligiran, kasabay niyon ang pag-ihip ng malakas na
hangin, nakakabingi ang dagundong ng kulog na sinamahan ng kidlat at gumalaw ang
ang buong lupain.  Hindi malaman ng mga tao kung ano ang gagawin sa matinding
takot, hindi lang sa ipinapakitang lakas na kapangyarihan ng Emperatris kundi dahil
sa sumpang binitiwan nito.  Nang matapos ang hagupit ng galit ng Emperatris ay
unti-unting lumiwanag ang kalangitan.  At sumunod naman nito ang sobrang
katahimikan.

            Sa isang kisapmata ay nawala ang Emperatris  kasama ang mga elfo at


kapre at iba pang mga nilalang na galing sa Elvedom.  Ang tangig natira ay ang mga
sundalo ng Quoria, kahit ang libo-libong Tuskan at ang mga mages nito ay wala kahit
isang natira.

        Naiwang namuno ang anak ni Lady Erythrina sa Quoria.  At hindi naglaon ang
Imperyo ay naging isang kaharian na lamang.  Dumaan ang napakaraming taon ngunit
wala kahit isang ipinanganak na babae sa lahi ng Emperatris.

Master Welrien AlamandaEarthMageUniversity of Elemental MagesMage Era 490, Bear


Moon

=================

Chapter 1

                  

House of Lancaster Mer City, Brun Mage Era 501 Harvest Moon

            Nasa study room si Brandon ng nakakatandang kapatid na si Duke Brennon


Lancaster at kausap ito.

            "Will you try to relax? I'm sure Lyla will be fine. Bata at malakas ang
asawa mo kaya walang rason lara mag-alala ka." Pagbibigay lakas loob ni Brandon sa
kapatid dahil kanina pa ito hindi mapakali.  Kasalukuyan kasing nanganganak ang
asawang nitong si Lyla.

            "Alam ko naman 'yon, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Just


wait 'till you're in my shoes. Ewan ko lang baka mas masahol ka pa sa akin." Ganti
ni Brennon.

            Tinawanan lang ni Brandon ang sinabi ng kapatid.  "Pangatlong anak n'yo


na to, pero kung makaasta ka parang unang anak n'yo ito. Sa tingin ko'y may ibang
dahilan kaya ka nagkaganyan."
            "Nothing serious. It's just that Lyla and I, have a strong feeling that
we will have a girl this time because she was having more difficulty with this
pregnancy than the previous ones."  Sagot ni Brennon sabay tingin sa dalawang anak
na lalaking tahimik na naglalaro sa isang sulok. "Excited na rin ang mga anak kong
lalaki na magkaroon ng kapatid na babae."

            "Mabuti kung ganun---," hindi natapos ni Brandon ang sabihin sana dahil
may narinig silang malakas na sigaw.  It sounded too close to the master's chamber
where Lyla is currently giving birth.

            Binabayo sa lakas ng tibok ang dibdib ni Brandon ng marinig ang sigaw. 


Nagkatinginan silang magkakapatid.  Kitang-kita ni Brandon na namutla ang kapatid. 
Wala itong inaksayang sandali, agad na tumakbo palabas ng silid.  Naiwan si Brandon
kasama ang dalawang pamangkin.  Brandon muttered some prayers to all the elements
that his sister-in-law is alright. Ikamamatay ito ng kapatid kung may mangyaring
masama sa asawa nitong si Lyla.  Pagkatapos ihabilin ang dalawang bata sa katulong
ay sumunod si Brandon sa kapatid.

            Pagpasok palang ni Brandon sa silid ay alam na niyang may problema.


Yakap ng nakakatandang kapatid na si Brennon ang hipag na si Lyla na umiiyak. Hindi
kaagad siya nakasunod sa kapatid dahil binalikan niya pa ang dalawang pamangkin na
nagsimula ng umiyak ng biglang tumakbo paalis ang ama ng mga ito. 

            "How are you feeling love?  What happened?" narinig ni Brandon na


tanong ng kapatid, wiping the tears on Lyla's cheecks na walang tigil sa pagdaloy.

            "Babae ang anak natin Bren, narinig mo ba ako? May Brynna na sana
tayo..." Puno ng sakit at hinagpis ang boses ni Lyla ng magsalita.

            Sana? Brandon thought.

            "Pero bakit ganun...bakit ganun? Hindi man lang ako binigyan ng


pagkakataong marinig kahit ang iyak niya, kahit mahawakan ko man lang sana ang
mainit niyang katawan, ni hindi ko alam kung anong kulay ang mga mata niya, pati
iyon ipinagkait sa akin. Ang tagal ko siyang hinintay at pinangarap." Right there
and then alam na ni Brandon ang masakit na katutuhanan base sa mga sinasabi ng
hipag.  "Bakit-"

            "Shussh, it's alright, you did your best. Talaga lang hindi siya para
sa atin." Putol ni Brennon sa sasabihin pa ng asawa.

            Nakasarado ang mga bintana at kurtina pero may dalawang globe light sa
magkabilang gilid ng higaan kaya maliwanag pa rin ang loob.  Naroon ang HealerMage
na si Sola na tahimik na nakatayo sa isang sulok ng silid na marahil kagaya niya ay
hindi alam ang gagawin.  May karga ito na nakabalot sa puting lampin.  She is
probably waiting for the instructions as what to do next. Si Sola ang
pinakamagaling na HealerMage ng Water Temple sa buong Brun. Sa batang edad na
dalampu't tatlo ay isa na itong High Mage. Ang High mage ang pinakamahirap at
pinakamataas na antas ng isang mage. Kailangan ito ng maraming taong pag aaral,
sipag at kapangyarihan.  And to be able to received and use that title you must be
the most powerful in all the kingdoms. To achieve such title at an early age means
she is no ordinary mage.

            Bago pa man makalapit si Brandon sa HealerMage ay nagsalita ang kapatid


na si Brennon.

            "High Lady Sola anong bang nangyari?"

            "Ipagpaumanhin po ninyo your grace, hindi ko po nagawang iligtas ang


bata." Yuko ang ulong sagot ni Sola.

            "Paano nangyari yon?" di makapaniwalang sabat ni Brandon.

            "Wala na pong buhay ang bata ng iluwal ni Duchess Lyla. Kaya po


nahihirapan siya sa panganganak. Babae po sana," sagot ni Sola sa nanginginig na
tinig.

            Napatiim bagang si Brandon.  If a HealerMage can't do anything, how


much more his brother?  Even though Brennon is a powerful EarthMage, he is no
healer.  He can fertilized land, prepare it for planting, he can do a lot with his
power as an EarthMage but he can never grow a dead plant.  How much more heal a
child that was already dead.

            Kitang-kita ni Brandon ang sakit na bumalatay sa mukha ng kapatid at


gusto niyang magwala dahil siya man ay walang magawa para maibsan iyon. 

            The child is dead.  Hindi makapaniwala si Brandon sa narinig. Hindi


lingid sa kaalaman ng lahat ang kagustuhan ng mag-asawang magkaroon ng anak na
babae lalo na ang bayaw na si Lyla. Palibhasa parehong lalaki ang naunang dalawang
anak. Mapagmahal na mga magulang ang mag asawa, hindi inaasa ang pagdidisiplina ng
bata sa mga katulong. Kaya minsan biniro niya ang kapatid na pagnagkaanak ito ng
babae, nasisigurado niyang lahat ng naisin ng bata ay ibibigay nito. And now
this...

            Narinig ni Brandon na muling nagsalita ang kapatid habang yakap pa rin


ang asawa.  His brother eyes was on the bundle the HealerMage was holding.

"Paki asikaso ng anak ko High Lady Sola please." Paki-usap nito.

            Mukhang yon lang ang hudyat na hinintay ng HealerMage.  Quorian people


bury their children and adults differently. A dead child is wrap in a blanket and
lay them down in the ground while adults lay in a coffin with decorations of the
dead person's great deeds during his/her lifetime. The Brunesse people follow the
same tradition.

            Habang abala si High Lady Sola sa preperasyon sa sa paglibing ng bata,


hindi naman alam ni Brandon kung ano ang gagawin. Ayaw naman niyang panoorin ang
HealerMage lalo na at bata ang inaasikaso nito.  Iniiwasan din niyang mapatingin sa
mag-asawa. Kaya sinuyod nalang niya ng tingin ang silid, looking for something
besides the couple who needs privacy.  At the corner of his eyes he noticed
something peculiar.  There is water on the floor at the foot of the bed.  Kung
hindi lang sana niya nakasalubong ang mga katulong na galing sa paglilinis ng silid
ay hindi niya iyon pagtuunan ng pansin.

            Brandon was about to kneel on one knee to take a closer look when his
eyes caught something on the bed frame.  The huge bed frame was made of wood.  It
was carved artfully with flowers and vines by his brother Brennon.  He noticed that
there was a tiny sprout. A combination of green and red color.  Kinabahan si
Brandon, nararamdaman niyang tumatayo ang mga balahibo sa kanyang batok.

            "Hindi kaya dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ng kanyang kapatid


kaya nakagawa ito ng ganoong magic?" wala sa loob na tanong nito sa sarili.

            Batid ng lahat na ang kapatid ay isang EarthMage at ang asawa nito ay


WaterMage pero kahit minsan hindi pa nagyaring si Brennon ay nagawang bumuhay ng
halaman na galing sa patay na kahoy.  Or heard that any EarthMage can do that at
all.  Mas lalo na kung galing sa isang patay na kahoy. Iyon ang pinakalohikal na
eksplinasyon dito. Pero isang bahagi sa isip ni Brandon ang hindi sumang ayon. May
kutob ito na ang bagong silang na pamangkin ang may kagagawan. But if that's the
case or if it's even possible, sobrang aga pa para lumabas ang kapangyarihan ng
bata. Usually the manifestation of power happens when a child reach the age of ten,
no one knows the reason but malaking pasasalamat na rin dahil all power required
control at mahirap iyong ituro sa bata lalo na sa isang kapapanganak lang na
sanggol.

            At ang tubig, hindi kaya...pero imposible iyon. The kind of power he


was thinking disappeared a long, long time ago, it's nothing but a myth, a
children's tale. They are called Elemental Mages. It is said that they can
manipulate more than one element. Walang nakakaalam kung ano ang hangganan ng
kapangyarihan ng mga ito. Kung ang kasaysayan ang pagbasihan, nakakapangilabot
iyon.

            Napatingin si Brandon sa mag asawa.

            Nakapagdisisyon si Brandon na sarilinin na lamang ang natuklasan. Dahil


sa kagustuhang wag ng dagdagan ang pighati na nararamdaman ng buong pamilya.
Lumabas ito ng silid, ngunit maingat na hawak sa kaliwang kamay ang bagong sibol.

=================

Chapter 2

Many years later...


Pal'wan, City of Palan ME 511, Harvest Moon

It was a usual day for Brynna bilang isang novice healer sa Academy of
HealerMages (AHM). The most prestigious school of healers in Palan and neighbouring
kingdoms. She has been a novice here for almost two years and also the youngest.
She is nine years old. Ang sumunod na pinakabata sa kanyang klase ay mas matanda sa
kanya ng tatlong taon.

Ang academy ay tumatanggap ng student mages mula sampung taon pataas


kaya hindi alam ni Brynna kung bakit siya tinanggap doon gayong napakabata pa niya
ng magsimulang mag-aral doon. Pero hindi na importante kay Brynna iyon, ang
mahalaga malapit na siyang umalis doon.

Malaki ang Academy. Nasa mismong Pal'wan ito, ang city ng Palan.
Dahil tanyag ang kaharian sa mga magagaling na HealerMages kaya dinadayo ang
Pal'wan. People to all walks of life went there to do business, looking for works
and of course find a cure to an illness. The Academy was a massive stone structure
with huge glass windows. Inside, it has countless of school rooms, mazes of
hallways and it even offered rooms for students from faraway lands. Makabago din
ang mga gamit sa panggagamot.

Tomorrow will be her last days as a novice. The next step would be
apprenticeship for four years. It's up to the Master to decide if the apprentice
is ready. Nanakit ang kanyang mga paa sa kakalakad. Kanina pa siya walang tigil na
inuutusan ng mga kasama. Labinglima silang mga novices, vying for the approval of
HealerMage Raaji for apprenticeship. He is the fifth HealerMage to choose an
apprentice tomorrow. But unlike the other novices, Brynna doesn't want an
apprenticeship for HealerMage Raaji or any HealerMage for that matter. She was
already an apprentice long before she set foot at the Academy.

Her mother is Sola, known as preserver Whitethistle. A powerful Mage.


Even though her mother never shown her powers to others, Brynna felt and have seen
it. There is an aura of tremendous power in her mother swirling around her body,
running in her veins and into the core of her being. Kaya hindi maintindihan ni
Brynna kung bakit nagtitiis ito sa pagiging isang preserver. Ang preserver ay ang
nag-aasikaso sa mga bangkay at nilalagyan ng gamot ang katawan ng tao para hindi
maaagnas.

Noong unang panahon ay tanyag ang trabahong ito pero habang nagiging
moderno ang kanilang kaharian ay unti-unti ring nagbago ang paningin ng mga tao sa
isang preserver. Kung may mga tao man na nirerespeto pa rin ang pagiging preserver
ay iilan lang iyon. Most people in Palan felt it was the lowest form of work. Lalo
na at ang kaharian ng Palan ay isang tanyag sa mga magagaling na HealerMages.

Kaya naman iilan lang ang natitirang preserver sa buong kaharian. Most
people choose to live in poverty than work as a preserver dahil sa takot na baka
magiging out cast. Pero hindi ganun ang kanyang ina. She embrace her work. Marahil
siguro kasi ayaw nitong maghirap sila. Tama naman ang nagiging desisyon nito, dahil
sa kakulangan ng preserver sa Palan kaya hindi ito nawawalan ng trabaho.
Nakatira sila sa labas ng Pal'wan city, sa mismong hangganan ng Palan
at La Fun, sa isang maliit na village. Sa panahon na nag -aaral si Brynna ay
nakatira siya sa mismong academy kaya naiwan ang kanyang ina sa kanilang bahay.
Dahil sa trabaho ng kanyang ina kaya walang gustong makikipagkaibigan kay Brynna.
Ang madikit nga lang sa kanya ay iniiwasan ng mga ito, makikipag-usap pa kaya?
Kahit ang kanyang mga Masters sa academy ay ganun din. Kaya naman solo niya ang
buong silid sa Academy.

Lahat ng iyon ay tinanggap ni Brynna kahit masakit sa kanya. She cannot


bring herself to hate her mother either dahil lang sa trabaho nito. Pinalaki siya
ng maayos ng ina at hindi kailan man sila nagugutom. She had seen what poverty
looks like. Dahil tuwing may oras si Brynna ay nagboboluntaryo siya na manggamot ng
libre sa Oretse ng Pal'wan at sa mga kapitbahay nila. Pero kahit libre ang
pangagamot nila ay bibihira lang ang lumalapit sa kanila na mga kapitbahay. Marahil
takot sa trabaho ng ina. Only the poorest of the poor knock on their door dahil sa
walang mapagpipilian ang mga ito. At habang tumatagal ay dumadami ang mga
nagpapagamot sa kanila na mga mahihirap, pero bibihira lang ang kanilang
kapitbahay.

Totoo, sila ay maituturing na outcast pero ipinagmalaki ni Brynna ang


ina at kailan man ay hindi niya ito ikinahiya. Ganun pa man may mga pagkakataon na
gaya ngayon na hinihiling ni Brynna na sana naging isang healer na lang ang ina
instead of being a preserver. Aanhin nito ang sobrang lakas ng kapangyarihan kung
ang inaasikaso nito ay patay na? Di naman nito pwedeng buhayin ang isang patay na
diba? Wala pang kahit isang mage sa Palan ang nakitaan niya ng lakas ng
kapangyarihan o nararamdaman niya na kagaya o katumbas ng sa kanyang ina. And she
wondered why for a long time, pero hindi hanggang ngayon ay hindi pa rin niya
natagpuan ang sagot sa kanyang mga katanungan.

Napabuntong hininga si Brynna at muling itinuon ang atensiyon sa


ginagawa. Kailangan niyang madala ang mga supplies sa Pal'wan Healing House. Ang
bitbit niya na kahon ay ang pinakahuli sa mga supplies na kailangan niyang dalhin.
Pagod si Brynna sa maghapong trabaho, dahil sa pagiging outcast niya kaya sa kanya
inaatang ng mga kaklase ang mga trabahong hindi nakakatulong sa mga ito, gaya
nalang ng pagdadala ng medical supplies sa healing house gayong silang lahat ang
inutusan na dalhin iyon doon. Kaya habang nagpatingin-tingin ang mga ito sa mga
pasyente sa infirmary at tumutulong ng konti at nag observe sa mga HealerMage doon,
heto si Brynna at basang-basa sa pawis.

Pagkatapos ipatong ang huling kahon sa likod ng wagon ay sumakay sa


harapan si Brynna. Hinila ang renda ng kabayo, nakahinga ng maluwag si Brynna ng
magsimulang humakbang ang dalawang kabayo na humihila sa kanyang sinasakyan.
Katamtaman lang ang bilis ng takbo ng mga kabayo pero ramdam pa rin ni Brynna ang
bawat dampi ng hangin sa kanyang mukha at katawan, tinuyo ang pawis niya.

Dahil hindi naman kalayuan ang Pal'wan healing house sa academy kaya
mabilis na nakarating si Brynna.

She stopped at the left side of a huge white stone building. Pal'wan
Healing House. Simple lang ang disenyo ng healing house. May tatlong palapag ito
na pahabang gusali. With brick roofs and small glass windows. Napapalibutan ang
malaking gusali ng halamang namumulaklak. It doesn't have a gate, it has open
space with well-trimmed Bermuda grass. Cobblestone roads that at first start with
one and as soon as the building is visible, the roads split into three. The roads
was shaped like a trident.

Ang Pal'wan Healing House ay ang pinakamalaki at pinakatanyag na


pagamutan sa kaharian ng Palan. Walang lumabas para sumalubong sa kanya. At hindi
na siya naghihintay pa na tulungan. People stay away from her kaya siya na mismo
ang nagdala ng mga kargang kahon papasok sa healing house malaking pasalamat niya
dahil hind naman iyon gaanong mabigat. Pagkatapos magtanong at ituro sa kanya ng
staff ng healing house kung saan dadalhin ang mga dala ay dumeretso na si Brynna
para ilagay iyon sa sinabing silid.

Dahil hindi naman niya kakayanin bibitbitin ang mga kahon na mag-isa
kaya nagpabalikbalik siya. On one of her trips ay may nakasalubong siyang isang
matangkad na lalaki. Base sa kasuotan nito ay isa itong HealerMage. Maamo ang
mukha nito bagaman seryoso ito. He looks young, siguro matanda kang ito sa kanya
ng ilang na taon.

Huminto sa paglalakad si Brynna para maiwasang masagi niya ang lalaki.


Walang lingon na nilampasan siya nito. Pagkalampas nito ay patuloy si Brynna sa
paglalakad.

Pagbalik ni Brynna ay naabutan niya ang lalaki kanina na nasa lob ng


silid na pinaglagakan niya ng mga dala. Abala ito sa pagbukas ng mga dala niya
kaninang mga kahon. Walang ingay na inilapag ni Brynna ang bitbit at maingat na
lumabas muli sa silid. Pero bago pa man siya nakalabas ay nagsalita ang lalaki.

"Are you Raaji's apprentice?"

Dahil ang tanging nakikita ni Brynna sa buong silid ay puro gamit, mga
kahon at gamot kaya nasisigurado niyang siya ang kinakausap nito. Nakasanayan na
niya na hindi siya kinakausap kaya hindi maiwasan ni Brynna ang magduda kung siya
ba talaga ang kinakausap nito kaya matagal bago nakasagot si Brynna.

Napatingin ang lalaki sa kanya kaya itinuro ni Brynna ang sarili. Just
to make sure.

"May-iba pa bang tao dito?" Kunot noo na tanong nito mukhang uminit ang
ulo. Marahil iniisip nitong tanga siya.

"No my lord. Just a novice." Sagot ni Brynna sa mahinang boses,


napahiya.

"Bakit ikaw ang naghatid nitong supplies dito mismo sa loob ng silid?"

Sa pag-aakalang nagalit ito sa kanya dahil nangahas siya na pumasok sa


silid kung saan nakalagay ang supply kaya pautal na sumagot si Brynna.
"Ah, pa-umanhin my lord. Hindi na po mauulit." Nakayukong sagot ni
Brynna. Lalong kinabahan, mukhang mas lalong nagalit ang lalaki.

"Sa susunod, magpatulong ka, mabigat itong mga kahon." Ang tanging sabi
nito bago iniwan siya. Nakahinga ng maluwag si Brynna kaya nagmamadali na rin
siyang lumabas sa silid.

Nadaanan ni Brynna ang lalaking kausap kanina. Kausap nito ang tatlong
lalaki na pawang nakayuko ang mga ulo. Mukha itong galit.

Biglang kinabahan si Brynna kaya halos takbuhin niya ang daan palabas
ng healing house bago pa may makakapansin sa kanya.

Nang makabalik sa academy ay pumasok si Brynna sa infirmary. Naroon


ang kanyang mga kaklase tumutulong sa mga HealerMage doon. Naabutan niya na
kasalukuyang ginagamot ni Master Raaji ang isang studyante. Nakapalibot naman dito
ang kanyang mga kaklase, listening and watching intently on the HealerMage.
Lumapit si Brynna sa mga ito but careful to put enough distance na hindi masagi
kahit ang damit niya sa mga ito dahil pagnagkataon baka magalit pa ang mga ito.

Dahil may kaliitan siya at nasa likuran pa siya kaya tanging mukha lang
ng lalaking studyante ang nakikita niya dahil natatakpan ng mga kaklase ang parte
ng katawan na kasalukuyang ginagamot. Halatang may ininda itong sakit dahil
maputla ito at halatang nasasaktan. Gumalaw ang isa niyang kaklase kaya nakita ni
Brynna sa maliit na siwang ang dalawang kamay ni Master Raaji na nasa itaas ng
dumudugong sugat. Brynna saw the HealerMage water power, cleansing and healing the
wound in a slow process. Brynna felt the healer mage power. It was nowhere
compare to her mother but he has a vast amount of it enough to heal grave wounds.

Finally the wound healed up. Tumayo si Master Raaji na parang walang
nangyari. As if to show that his healing power was not taking its toll on him.
Kulang nalang pumalakpak ang mga kaklase niya. Sobrang bilib ang mga ito sa
HealerMage, ngayon palang nararamdaman na ni Brynna na mas lalong magsisikap ang
mga ito maging isang apprentice lang ni Master Raaji.

"That's all for today class. Bukas I will choose among you kung sino
ang magiging apprentice ko." Deklara nito. Aalis na sana ito ng may maalala.
"Naipadala na ba sa Healing House ang supply na inuutos ko?"

"Nakatinginan ang kanyang mga kaklase, nababahala. Hinahanap siya.


Nakahinga ng maluwag ang mga ito ng makita.

"Yes Master." Sagot ni Daniella, ang pinakaleader ng klase nila.

"Good job students! See you tomorrow." Iyon lang at umalis na ito.

Kanya-kanya na ring alis ang kanyang mga kaklase. Ni isa sa mga ito ay
walang nagpasalamat. Hindi na rin naman niya iniexpext iyon, sa tagal ng panahon
ay sanay na rin siya sa trato ng mga ito sa kanya. The daughter of a preserver.
Napabuntonghininga si Brynna. Ilang buwan nalang at makakapagtapos na rin siya.
She can't wait to leave this place at mamuhay sa ibang lugar kasama ang ina.

=================

Chapter 3

            It's ironic really, the kingdom of Palan valued their dead too much
that's why they preserved their dead so they can properly mourn. Hindi inililibing
ang patay sa Palan hanggang hindi makapagluksa ang pamilya ng namatayan. Pero dahil
sa nangangamoy ang patay kaya kailangang ilibing ito agad. Kung matagal mangangamoy
o maagnas ang bangkay ay mas mabuti. Kaya naman talagang mahal ang serbisyo ng
isang preserver. Pero kung tratuhin naman ng mga ito ang isang preserver ay parang
may nakakahawang sakit. Kaya naman iilan nalang ang natitirang preserver sa buong
Palan gaano man kalaki ng kita.

Hindi niya kawalan. Dahil sa pag-aasikaso ng patay ng katawan ng tao


kaya maraming natutuyunan si Brynna. Simula ng magkaisip siya ay sadyang mahilig na
siya sa halaman at gamot, dagdag pa ang natural na kuryusidad niya sa lahat ng
bagay. Marami siyang natutunan sa katawan ng isang tao sa pamamagitan ng pagiging
preserver. At paanong hindi siya matututo? Gayong ilang patay na katawan ang
inaasikaso ng kanyang ina araw-araw? Hindi nito kakayaning mag-isa iyon kaya pati
siya tumutulong. Sa kalaunan ay natutunan din niya kung paano alamin ang sanhi ng
kamatayan ng isang tao.

Kinabukasan sa Academy.

Nasa auditorium silang lahat. Pag may malalaking okasyon ay sa


auditorium iyon ginaganap. Malaki at hugis talohaba ang auditorium na ang kalahati
ay may nakahilirang upuang kahoy na pormang hagdan sa pagkakasunod-sunod. Mula
mababa hanggang pataas ang mga upuan. Nakaharap sa mga upuan ay ang may kalakihang
entabladong na may anim na baitang. Gawa sa solidong granum ang entablado. Ang
granum ay ang pinakamatibay na bato sa buong Elvedom. Walang dekorasyon sa itaas
ng entablado maliban sa mga upuan na may mahahabang sandalan na siyang inuukupa
ngayon ng mga academy Masters. Sa araw na iyon ay naroroon ang lahat ng mga mag-
aaral sa Academy nakaupo sa mga nakahilirang upuan. Isa na roon si Brynna at ang
mga kaklase niya.

Tahimik ang lahat habang hinihintay na umpisahan ang programa. Mayroong limang
HealerMages na siyang pipili ng tag-iisang apprentice sa labinlimang studyante. Ang
limang mapipili ay nakakasigurado na magiging isang tanyag din na HealerMage kagaya
ng mga master na pumipili sa mga ito.

It was a very important event, it's the Academy's own version of


graduation day. Pero habang nakatayo si Brynna kasama ang mga kaklase at
naghihintay na mapipili, lumilipad ang kanyang isipan. Kagabi nanaginip na naman
siya. Napanaginipan na naman niya ang lugar na kailan man hindi pa niya narating.
And saw three faces that are all too familiar but she've never even meet. Matagal
na niyang napanaginipan ang mga ito kaya naging familiar na kanya ang tatlo at
naging bahagi na buhay niya ang mga ito. Mga kaibigan niya. Tanging mga kaibigan
niya. Ilang araw nalang at kaarawan na niya. Habang papalapit ang araw na iyon ay
halos gabi-gabi siyang dinadalaw ng panaginip.

Aaminin man ni Brynna o hindi, nararamdaman niya. Nararamdaman niyang


may pagbabagong mangyayari sa buhay niya. Kung ano man iyon ay hindi niya alam.
Pero pakiramdam niya...malapit na niyang malaman kung ano man iyon.

Nagbalik ang isipan ni Brynna sa kasalukuyan. Unang nagsalita ang


kanilang Head Mistress. Pagkatapos ng maikling mensahe at pasasalamat ay tinawag
na nito ang unang HealerMage na pipili ng apprentice. Si Master Swirlingwater.
Tumayo ito sa gitna ng entablado at inaanunsyo ang studyanteng napili.

"Student mage Margaret Hunter." Tumayo ang kaklase ni Brynna na tinawag


at naglakad ito palapit sa entablado at yumukod. Nagpalakpakan ang mga naroroon.
Bumalik naman agad sa upuan si Margaret.

Isa na namang HealerMage ang tinawag at pumiki ng kanyang apprentice.


Hanggang sa ang natitirang HealerMages ay makapili. At gaya ng inaasahan na ni
Brynna, hindi siya kasali na napili. She knew none of the HealerMages even
considered her. Somehow she didn't expect them too. Ganun pa man, hindi pa rin
maiwasan ni Brynna na malungkot. Kahit hindi man sabihin ng mga ito, kahit hindi
aminin ng kahit sino sa mga ito, mula sa mga master hanggang sa mga kaklase niya.
They know, they all know that she is the best of her class. Pero walang may gustong
piliin siya. None of them wanted a preserve'rs daughter. Ayaw ng mga ito na
madungisan ang kanilang reputasyon. She understand and had accepted it but still,
it stung.

Kanya-kanya ng alis ang mga taong naroroon ng biglang may dumating.


Papalabas na si Brynna ng mamataan niya ang lalaki. Natahimik ang lahat. Pamilyar
kay Brynna ang lalaking dumating. Maybsuot itong blue robe. Nakaharap ito sa mga
academy master kaya ang tanging nakikita ni Brynna ay ang likod nito. At dahil
doon kaya kitang-kita ni Brynna ang insignia sa likod ng roba nito.

It was the insignia of the Blackthorn House. The most powerful and
insanely rich house in the kingdom of Palan. There is only one known Blackthorn
that is allowed to wear that insignia. Alexander Blackthorn. The heir of the
Blackthorn house. It is said that half of the kingdom of Palan was owned by
Blackthorn family. They are said to be the most powerful house next only to the
royal families, rumours has it that they are even wealthier than the royal family.
But the Blackthorn keep a low profile. Alexander Blackthorn is also the HeadHealer
of the Pal'wan Healing House and the most powerful HealerMage in Palan.

Ayon sa mga naririnig ni Brynna ang binatang tagapagmana ng mga


Blackthorn ay mabait at masayahin. Pero may masamang pangyayari daw na naging
dahilan kaya naging withdrawn ito.

Hindi maiwasan ni Brynna na malungkot para sa lalaki. Kung anuman ang


nangyari dito ay hindi tamang habang buhay na maging malungkot ito. She believed
that everyone deserve a shot of happiness. And seeing the sadness in the young
man's eyes, saddened Brynna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang
nararamdaman niya.

"Are you here to choose an apprentice my lord?" Narinig ni Brynna na


tanong ng headmistress. Bago pa man makasagot ang lalaki ay tumalikod na si Brynna
at tuluyan ng lumabas sa silid. Kahit na pipili pa ng apprentice ang HeadHealer ay
wala rin namang silbi kung maghintay siya. Kung hindi siya napili sa limang
HealerMages sa HeadHealer pa kaya? Mabigat ang loob na nilisan ni Brynna ang lugar.
Sa labas ng academy ay naroon at naghihintay sa kanya ang kanyang kariton, ito ang
sasakyan niya pauwi sa kanilang bahay. Napapangiti si Brynna sa naiisip. Soon,
makikita na niyang muli ang kanyang ina at ang kanyang hardin.

~~~~*.*~~~~

Samantala, instead na sumagot si Xander sa tanong ng Headmistress sa


kanya ay iginala nito ang paningin sa mga taong naroroon. Wala roon ang kanyang
hinahanap, marahil ay nakaalis na ito o baka napili na ito na maging isang
apprentice.

"No Headmistress. May hinahanap lang ako. I'm sorry for interrupting. I
have to go. Thank you." Pagkatapos ay tumalikod at umalis.

Alexander was disappointed. Hindi niya maintindihan ang sarili kung


bakit hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ng batang babaeng naghatid ng
supplies sa healing house. Her eyes keep on hunting him. And her face...her face
look so achingly familiar. Alam niyang kabaliwan ang kanyang iniisip, siguro nga
nababaliw na siya. Pero kahit anong gagawin niya hindi mawaglit sa isipan niya ang
maamong mukha ng batang babae. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa kanyang mama
dahil baka pati ito mag-alala.

Hindi namalayan ni Alexander na nakarating na pala siya sa labas ng


academy. Maraming karwahe ang naroroon, may mga taong abala sa paglalagay ng mga
gamit sa loob ng karwahe marahil ay mga gamit ng studyanteng papauwi.

At the corner of eyes his eyes, he saw a wagon a few meters away from
where he stood driven by a child. Maliit ang ang kariton na gawa sa kahoy at
korteng kahon. Apat ang malalaking gulong sa bawat gilid at may isang maliit upuan
sa harapan habang hilahila ng isang hindi kalakihang kabayo. Natatakpan ng bandana
ang ulo ng bata. Marahil para maiwasang maalikabukan ang buhok nito. Nang
mapadaan ito sa harapan niya ay saglit na nagtama ang kanilang paningin. Piercing
ocean blue eyes looked at him.

Hindi agad nakagalaw si Alexander, daig pa niyang ipinako sa


kinatatyuan. Malayo na ang kariton ng nakahuma si Alexander. Gustuhin man niyang
habulin ito ay pinigilan niya ang sarili. Sigurado siyang mahahabol niya ito, pero
kung maabutan man niya, ano ang sasabihin niya dito? Baka mapagkamalan pa siyang
baliw. Lulugo-lugong naglakad patungo sa sariling karwahe si Xander.

Habang naglalakad ay patuloy na nakikipagdebate si Xander sa sarili.


Napahinto ito sa paglalakad ng biglang may marealized. Wala siyang ibang nakita na
kasama ng batang babae. Did she think to travel alone? Napamura si Xander sa
sariling katangahan. Sa tagal niyang nag-isip kahit habulin niya pa ito ay hindi
na niya maabutan ang bata. Malayo na ang narating ng kariton nito. Kung iisa lang
sana ang daan ay okey lang kay Xander, pero nagkataong maraming daan na pwedeng
daanan ng bata.  Lubos ang panghihinayang na nararamdaman ni Xander dahil
pakiramdam niya ito na ang huling pagkakataon na makita ang bata. At hindi
maintindihan ni Alexander kung bakit nalungkot siya sa isipang iyon.

Parang talunan na sumakay si Alexander sa naghihintay na karwahe habang


pilit na iwinawaglit sa isipan ang batang babae.

-•note•- Please let me know what you think of my works! And please don't forget to
hit the star! Kiss!kiss!

Xian🇵🇭

=================

Chapter 4

Lasang

"Lady Kesiya?" Nag-angat ng ulo si Kesiya mula sa binabasang libro


habang itinaas ang salamin na nasa dulo ng matangos na ilong, biglang napakunot
noo ng walang makitang nilalang sa harap.

"Lady Kesiya.." ulit ng malumanay na boses.

"Oh!" bigla itong tumayo.

"Empress! I'm sorry! It's been a while..." Ang tinutukoy ay ang mind
communication na siyang ginagamit ngayon ng Empress at Lady Kesiya.

"What can I do for you Empress?"

"It's time."

Sunalta, a small village in Palan.

Biglang nagising si Sola. Another dream.

"Ano ang ibig sabihin ng it's time? Hindi kaya..." bahagya nitong
ipinilig ang ulo. Hindi mapagdisisyunan kung matutuwa o malulungkot.  Ang dalawang
nilalang sa kanyang panaginip ay gumagamit ng lenguahe ng mga elfo. Hindi siya
marunong magsalita ng lenguwahe ng mga elfo pero nakakaintindi siya ng konti.

Matagal-tagal na rin mula ng dalawin siya ng ganoong klaseng


panaginip. Alam ni Sola na hindi pwedeng balewalain ang kanyang panaginip. Ginawa
na niya ilang taon na ang nakalipas, ngunit hindi iyon nagbunga ng mabuti.

Nagmamadaling inayos ni Sola ang higaan, nagsuklay ng buhok at itinali


gamit ang isang puting kapirasong tela pagkatapos ay lumabas at nagtungo sa
katabing pinto.

"Brynna hija, gising ka na ba?" sabay katok ng pinto.  Nang walang


narinig na sagot nagpasya itong umalis sa pag-aakalang nasa baba na ang anak at
nagluluto ng agahan.  Pagkapasok sa kusina ay agad na hinanap ang anak ngunit
walang tao roon. Wala rin itong nakikitang palatandaan na nakapagluto na ng agahan
na siyang nakasanayang gawin nito tuwing umaga.

Lumabas si Sola sa kusina at hinanap ang anak. Una nitong pinuntahan ang silid na
nasa unang palapag.  May dalawnag silid doon.  Una ay ang silid pagamutan kung saan
tumatanggap sila ng pasyente.  Ang pangalawa ay ang workroom ng anak.  Alam niyang
ang workroom sa baba ay ang paboritong pagpahingahan ng anak kapag tinatamad itong
magpunta sa sariling silid sa ikalawang palapag. Binuksan niya ang pinto at nakita
ang anak na mahimbing ang tulog. Nilapitan niya ito at tinakpan ng kumot. 
Hinayaan ni Sola na matulog ang anak. Pagkalabas ng silid ay muling siyang
bumalik sa kusina para magluto ng agahan. Sa pamantayan ni Sola simple ngunit
maganda ang bahay nila. Napapalibutan ito ng halamang namumulaklak. Sa likod ng
bahay ay may kalakihang  vegetable garden at mga halamang gamot.  Pero alam niyang
mahirap pa rin silang maituturing.

Samantala......

Nasa isang magandang paraiso si Brynna. Napapalibutan siya ng mga


bulaklak na may iba't-ibang kulay na nagkalat sa paligid at ang naglalakihang puno
ay mukhang kasing tanda na ng panahon.  Ang hangin na nalanghap niya ay napakalinis
at humahalimuyak ng  pinaghalong amoy ng lupa, damo at bulaklak.  Tunay na amoy ng
kalikasan. Inilipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na para bang ang hangin ay
nakikipaglaro sa kanya.

"Nakikiliti ako! Will you stop it---" tumiling saway ni Brynna sabay
lingon.   Pilit na inaalala ni Brynna ang pangalan ng batang babaeng nasa likuran
niya ngunit hindi niya maalala. Alam niyang kaibigan niya ito at matagal ng
kakilala pero bakit hindi niya matandaan ang pangalan nito? Mas matangkad ito sa
kanya at may berdeng nga mata at kulot na buhok.

             "Catch me if you can!" Imbes na tumigil ay natatawang hamon pa siya


nito.  Hahabulin na sana ito ni Brynna ng biglang may dumaan na kulay blue sa gilid
ng kanyang mga mata.  Napakurap si Brynna at sinundan ng tingin ang asul na bagay. 
Tumama uto sa isang punong mangga.  Sa tantiya ni Brynna ay may sampung talampakan
ang taas sa kaninang nakatayo na magga pero ngayon ay tanging abo nalang ang
natira.
"What was that?" narinig ni Brynna na tanong nga batang babaeng kulot
ang buhok. Marami ng nakilalang FireMages si Brynna sa Palan at La Fun, karamihan
sa mga ito ay warrior mages.  Ngunit hindi pa siya nakakakita o kahit naringgan man
lang na may kakayahang gumamit ang mga ito ng blue fire at sigurado siyang iyon
ang nakikita niyang kulay blue.

Nakatayo malapit sa naabong puno ay ang isang binatang lalaki. 


Nakatali ang mahabang buhok nito sa likod.  At syempre pa, doble ang tangkad nito
sa kanya.  Matangkad lang kasi siya ng isang pulgada sa isang duwende. Napangiwi si
Brynna ng maisip ang sariling height. Lalapitan na sana niya ang batang lalaki ng
may magsalita sa kanyang likuran.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo --?" sabi naman ng isang na namang


batang babae.  Kahit anong sabunot ni Brynna sa kanyang buhok ay hindi niya na
naman maalala ang pangalan.  Nilinis din niya ang tainga kasi hindi niya narinig
ang pangalang binanggit ng batang babae.  Halos magkasing tangkad lang ito at si
kulot.  Kulay brown o gray ba, hindi matiyak ni Brynna ang suot nitong kapote na
nakatakip ang hood sa ulo niyo kaya kalahati ng mukha lang nito ang nakikita niya. 
Hindi lang yata sakit sa limot at pandinig meron siya, pati na sakit sa mata! 

"Ah-h, I swear I didn't meant it to happen," nauutal na paliwanag ng


batang lalaki.

"So, ano pala?" Taas kilay na tanong ng batang babaeng naka kapote.

"Dapat iyong nakalambitin na mangga ang dapat niyang tamaan. Nice aim
by the way." Nakakaluko ang ngiting sabat ni kulot na nakalapit na rin pala sa
kanila ng di niya namalayan.

"Gee, thanks!  Salamat sa tulong!" sarkastikong balik ng batang lalaki.

"Anytime!" Natatawang sagot naman ni kulot habang naglalakad palapit sa


lugar na kinaroroonan ng punong natupok, yumuko ito at hinawakan ang abo.

"Wow, two and a half seconds ---." ang narinig ni Brynna na sinabi ni
kulot habang tumatayo at pinagpag ang abo na dumidikitsa kamay.

Anyong sasagot sana ang batang lalaki ng mapatingin ito sa silver


haired girl, muling itinikom nito ang bibig.

"You don't have any idea do you? Because if you do, you won't have
that smug look on your face right now." Ang sabi ng batang babaeng nakakapote sa
kanilang lahat. Noon niya lang din na realized na iba ang salitang ginagamit nito. 
Hindi Pai na siyang lenguwahe ng Palan.  Saglit na nag-isip si Brynna at pilit
inaalala kung anong lenguwahe ang ginamit ng mga kasama.   Quorianesse.   Kaya pala
nakakaintindi siya kasi alam niya ang lenguwahe na hinagamit ng mga ito.  Lumapit
ang batang nakakapote sa puno ng mangga at yumuko.  Nakaluhod ang kanang tuhod nito
sa lupa habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa abong seryoso ang mukha. 
Mayamaya ay tumingala ito sa kanilang tatlo at sa malumanay at serysong boses
nagsalita.

"Sa tingin ba ninyo dahil may mga kapangyarihan tayo may karapatan na
tayong sirain ang kalikasan?  Na dahil may kapangyarihan tayo ay may karapatan na
tayong pumatay?  O manakit ng iba, mapatao man, hayop o kalikasan?  Kailan man ay
hindi iyon kasama sa pribelihiyong ibinigay sa atin ng mga elemento.  Kung hindi
ninyo alam ito ay sasabihin ko na sa inyo ngayon palang.  Walang kahit anong klase
o kalakas na kapangyarihan ang maaring bumuhay ng isang patay na tao o kahiy na isa
ng abo!  Kailan man ay walang sino man ang nakakagawa niyon."  Madamdamin nitong
pangaral sa kanilang tatlo.  Napaatras ang batang lalaki ng itinuon ng batang
nakakapote ang kulay abo nitong mga mata.

"Habang buhay ng nawala ang punong ito.  Dahil walang kapangyarihan na


muling magbabalik pa sa punong naging abo na.  Alam ko, dahil naramdaman ko at ni
Brynna.   Pareho kaming may koneksiyon sa inang mundo." Nilingon siya nito kaya
tumango siya para patutuhanan ang sinabi nito.  

Nanayo ang balahibo sa buong katawan ni Brynna ng bigla nalang nagbago


lenguwahe ng muling magsalita ito na para bang binasa pa nito sa isang mahiwagang
scroll, "Once you take a life, no amount of magic can undo it. Bare this in your
heart, soul and mind. Only the one who give life, can give it back."  Balik na
naman ito sa Quorianesse.  "Alam ko na darating ang panahon na hindi maiiwasan na
makasakit tayo sa ating kapwa o mas malala pa makapatay. Ang importante ay wag
nating gawin iyon dahil lang kaya natin."  Hindi pa man sila nakatango ay may
pahabol pa ito.  "At bago kayo magsalita, makinig kayo." isa-isa sila nitong
tinitigan. "Ayokong pangaralan kayo, gusto ko lang na maintindihan ninyo na
kailangan nating maging responsable sa ating mga kakayahan at mag-ingat sa paggamot
nito.  Naintindihan ko na marami pa tayong dapat matutunan sa ating kapangyari--

"Naintindihan namin." Sabay-sabay na sabat nilang tatlo ng hindi sinasadya. 


Nagkatinginan silang lahat at sabay na nagtawanan.  Ganun lang at biglang nawala
ang seryosong atmospera kani kanina lang. Napatingin si Brynna sa kinatatayuan
kanina ng punong mangga at may naalala.   May kinuha ito sa bulsa ng damit at
nilapitan ang batang lalaki.

"Ayan, hindi man natin kayang buhayin ulit ang puno na iyan, pwede ka
namang magtanim para may bagong buhay na tutubo," kinuha nito ang kamay ng batang
lalaki at inilagay doon ang isang buto ng puno."

"What am I going to do with this?" Naguguluhang tanong ng batang


lalaki habang nakatingin sa nakabukas na palad ang buto na ibinigay niya.

"Eat it or use your brain." Natatawang sagot ni kulot. Natawa si


Brynna sa narinig.

Napalingon si Brynna ng may narinig na tahol ng aso. Muntikan pa


siyang mahulog sa higaan. She groaned, it was just a dream. Napakadetalyado ng
panaginip n'yang iyon. Ilang beses ng paulit-ulit ang panaginip na iyon ngunit
hindi niya alam ang kahulugan. Pero determinado siya na malaman kung sino ang
mga kasama n'ya sa panaginip.
Nagtaka pa si Brynna kung bakit may kumot na siya, noon niya naalala
bigla ang ina.

"Anong oras na ba?" Wala sa loob na tamong niyo sa sarili.  Nagmamadali


itong bumangon at dumungaw sa bintana. Papalubog na ang araw sa labas.

Diyos ko! Buong araw siyang natulog! Binalikan at inayos ni Brynna


ang hinigaan at ng matapos ay lumabas na para hanapin ang ina. Siya namang tawag
ng ina mula sa kusina.

"Bababa na!" Sigaw na sagot ni Brynna sa ina habang patakbong tinungo


ang kusina.  Tumunog ang tiyan ni Brynna ng maamoy ang niluluto ng ina.

"Ma, pasiyansya napasobra ako ng tulog." Hinging paumanhin ni Brynna sa


ina, sabay halik sa pisngi nito.

"Kumatok ako sa silid mo kanina pagkagising ko pero wala ka. Natagpuan kita sa
loob ng workroom mo, alam kung puyat ka kaya di na kita ginising. Mabuti na lang
at wala masyadong pasyente ngayon kaya hinayaan na kita. Alam ko na kailangan mo
ng pahinga. Hala magbihis ka na.

=================

Chapter 5

             Sa sumunod na araw ay pagod si Brynna gaming sa buong maghapon niyang


pagtatrabaho.  Walan na siyang ibang gustong gawin kundi ang humiga at matulog.
Pero magagalit ang kanyang ina kung hindi siya kakain.  Ang daming  pasyente,
karamihan sa mga ito ay mga bata, nakakaawa ang mga ito. Lahat ng mga
nagpapagamot sa kanila ay mas mahirap pa sa daga kaya libre lang ang panggagamot
niya. Minsan binibigyan lang sila ng bigas o prutas. Minsan wala talagang
maibigay.  Mabuti nalang at karamihan ng mga ipinanggagamot nila ng kanyang ina ay
kinukuha lang nila sa kanyang herbal garden sa likod bahay.   Pagkatapos na linisin
ni Bryanna ang pinagkainan nilang mag-ina ay deretso siya sa sala kung saan naroon
din nakaupo ito sa pangisahang upuan. Umupo siya sa mahabang upuan na kaharap ng
ina na malapit sa nakabukas na bintana. Wala sa loob na tumingala at pinagmasdan
ang maraming nagkikislapang mga bituin. Tahimik ang buong paligid, tanging ang mga
huni ng panggabing kuliglig lang ang bumabasag sa katahimikan ng gabi at paminsan-
minsang kokak ng palaka. Napalingon si Brynna sa ina ng magsalita ito.

             "May ipagtatapat ako sa iyo Bryanna at hinihingi ko ang iyong malawak 


na pang-unawa alam kong pagod ka ngunit hindi ito pwedeng ipagpaliban.  At habang
nagkukwento ako, hihilingin ko sana na hintayin mo na matapos  ang aking kwento
bago ka magtanong o magalit. Maipapangako mo ba yan  anak?" Napakunot noo si
Bryanna, biglang napukaw ang kanyang kuryusidad saka tumango.  Hindi rin nakaligtas
sa matalas niyang pakiramdam ang kakaibang ikinikilos ng ina. Mukha itong
kinakabahan. At hindi basta-basta tinatablan ng kaba ang kanyang ina.
           "Sampung taon na nag nakaraan ng magsimula akong managinip.  Tatlong
gabi na paulit- ulit ang parehong panagip.  Kaya alam ko hindi ito ordinaryo.  Pero
sa  panahon na iyon hindi ako sigurado sa sarili ko kung makakaya ko bang  gawin
iyon. Sa pang apat na gabi, nag iba ang panaginip na siyang naging dahilan kaya
nakabuo ako ng desisyon. Ang desisyon na iyon din ang dahilan kung bakit kasama
kita ngayon at ako ang kinilala mong ina."  Namilog ang mata ni Bryanna sa 
narinig, gustuhin man niyang magtanong ay di niya magawa dahil sa pangako  niya. 

             "Sampung taon na ang nakaraan ng magbuntis sa pangatlong anak si


Duchess Lyla, ang asawa ni Duke Brennon Lancaster.  Ako ang nagsilbing HeadHealer
at midwife sa palasyo, at sa panahong ding iyon ay isa akong HighMage ng Water
Temple. Parehong  mababait ang mag asawa. Mayroon silang dalawang anak na lalaki, 
limang taong gulang ang panganay at apat na taong gulang naman ang  kasunod ngunit
pinangarap ng Duchess na magkaroon ng anak na babae.   Hanggang sa natupad ang
pinapangarap ng Duchess ngunit patay ang bata  noong ipinangak.  Dahil ako ang
nagpaanak, kaya ako mismo ang nagsabi niyon  sa kanya. Sobra ang hinagpis at
lungkot ng mag-asawa sa nangyari.  Hindi maiwan ng Duke ang asawa kaya inutusan
niya ako na asikasuhin ang  bata, ni hindi man lang nito nakita ang anak dahil
hindi mabitawan ang  namimighating asawa." Napapaiyak nitong kwento.

             "Ikaw ang batang iyon Bryanna.  Inilagay kita sa basket na lalagyan


ng  pagkain. Tulog na tulog ka ni hindi ka man lang gumalaw kahit lakad  takbo na
ang ginawa ko.  Bago ako umalis sa Manor ay isinisiguro ko muna  na ipalit ang
bangkay ng isang bata na totoong patay na ng  ipanganak kinagabihan pa.  Isa akong
HighMage kaya alam ko kung ano ang gawin  sa patay na katawan para hindi mangamoy. 
Pagkatapos nun, nilisan ko ang lugar at nagpakalayulayo kasama ka.  Pinalaki kita
sa abot ng  aking makakaya.  Nagawa ko ang lahat ng iyon dahil sa utos sa akin ng
nilalang na napanaginipan ko na nagngangalang Lady Kesiya. Minsan iniisip ko kung
malaking pagkakamali ba ang nagawa ko sa  iyo at sa iyong pamilya. Ang tanging
kunsulasyon ko ay ang katutuhanang kaya ko iyon ginawa ay para sa kapahamakan mo."
Saglit na huminto ito para punasan ang basang pisngi gamit ang laylayan ng blusa
nito.

             "Nilisan ko ang Brun, ang buo kong pamilya, mga kaibigan at ang 
pinahalagahan kong trabaho pero ni kinsan ay hindi ko painagsisihan ang mga
panahong nakasama kita hija. Alam kong gusto mong malaman ang pang-apat  na
panaginip ko, kaya sasabihin ko sayo.  Nakita ko ang kamatayan mo  anak. Gaya ng
alam mo na, wala pang napabalita na mayroong dalawang  elemento ang kayang
manipulahin ng isang Mage, walang nakakaalam kung  bakit. Hindi pa nangyari na
lumabas ang kakayahan ng isang mage  pagkasilang nito. Kung may pangyayayari man na
maagang lumabas ang  kapangyarihan, kalimitan sa mga ito ay namamatay. Alam mo
naman ang  dahilan diba? Ang sanggol o bata ay walang kakayahang kontrolin ang 
sarili nitong kapangyarihan. Kaya kalimitan ang sariling kapangyarihan  ang kikitil
sa sariling buhay, not all mages are born to have immunity with their own powers.
Ikaw lang ang nakikala kong hindi tinatalaban ng iyong kapangyarihan. Hindi ka
nilulunod ng kapangyarihan mo sa tubig at ang mga halaman ay sumusunod sa iyo.
Pero kahit immune ka maraming beses na rin na muntik-muntikan kang napahamak sa
kapangyarihan mo dahil sa kuryusidad mo na rin."

            "Si Duke Brennon Lancaster at ang asawa nitong si Duchess Lyla ay ang
namumuno sa Brun at sila ang tunay mong mga magulang." Namilog ang bughaw na kulay
na mata ni Brynna sa narinig.  Kilala niya  sa pangalan ang Duke Brennon na iyon.
Hindi makapaniwala si Brynna sa ipinagtapat ng ina.
             "Kani-kaninang umaga lang anak may isang klaseng hayop akong nakita 
sa panaginip, mukha nito ay tao, pero ang katawan nito ay hayop. Kung hindi ako
nagkakamali ay isang sphinx ang nakita ko. Alam ko na mythical creatures ang Sphinx
pero saan ba nanggaling ang mga alamat? Diba sa mga  pangyayari noong unang
panahon? " Patuloy na ikinuwento nito ang napanaginipan. Hindi pa nga nya halos
maprosesso sa utak ang  lahat ng kanyang nalalaman ay dinagdagan pa ng ina.

             "Kaya naisip ko na baka ito na ang tamang panahon para bumalik ka sa 
inyo anak at harapin mo ang tunay mong mga magulang. Sana balang araw  mapatawad mo
ako sa nagawa ko.  Alam ko ipagmamalaki ka ng iyong mga  magulang dahil napakabait
mong bata. At sana wag mong kalimutan ang mga  itinuro ko sayo." Namanghang
napatingin dito si Brynn. Ganun lang? Pinapaalis na siya ng ina? Pero kung totoo
nga ang sinabi nito dapat lang naman na puntahan niya ang kanyang mga magulang.
"Pero paano po kayo ma?"

"Masaya na ako sa buhay ko anak. Kung mapalatawad ako ng mga magulang


mo ay sapat na sa akin. At sana mapatawad mo rin ako balang araw."

           "Ano ka ba naman Ma. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad. Ibinigay


mo na nga ang buong buhay mo sa akin, ako pa ba ngayon ang magagalit sa inyo? Wag
nyo na pong sisihin ang sarili ninyo.  Kahit po  masakit, malungkot at sari- saring
emosyon ang nararamdaman ko ngayon,  di ko alam kung ano ang uunahin pero ito lang
po ang masisiguro ko sa  inyo.  Di ko po kayo kayang kamuhian. Buong buhay ko wala
na kayong  ipinapakita at itinuturo sa akin kundi kabaitan, pag aaruga at ang
buong  puso mong pagmamahal.  At alam ko po na hindi lang po ako ang nagdusa  lalo
na po kayo.  Lumayo po kayo sa inyong pamilya at kamag-anak. Ni  hindi na po kayo
nag asawa dahil sa akin, parang kalabisan na po kung  magalit pa ako sa inyo ma."
Naiiyak ng sabi ni Brynna. "Oo, aaminin ko, may galit ako na nararamdaman, para
kasing pinagkaitan ako ng tadha a na makasama ang tunay kong pamilya. Pero di
naman po kayo nagkulang sa akin.  Siguro nga  po mas nakabubuti na kayo ang
nagpalaki sa akin dahil natuto akong  manggamot, tumulong sa kapwa at kahit di tayo
mayaman di naman tayo  naghihirap kagaya ng ibang tao at mga taong ginagamot
natin.  Dahil po  dun naging malawak ang aking karanasan at kaalaman sa buhay,
kahit bata  pa po ako alam ko at masasabi ko napakaswerte ko kasi kayo ang mama ko.
Saka po, diba sabi mo, hindi dugo ang basihan ng pagiging isang pamilya kundi ang
puso natin?"

            Mas lalo naman naiyak si Brynna ng makitang umiiyak na rin ang ina
sabay yakap dito. Nang mahimasmasan ay nagpaalam si Brynna na papasok na sa kwarto
para  magpahinga. Pinagpahinga na rin nito ang ina.

             Kahit anong pilit di dalawin ng antok si Brynna, hindi siya 


makapaniwala sa kanyang nalalaman. Puno ng katanungan ang kanyang isip  tungkol sa
totoong mga magulang.  Bakit kailangan siyang ilayo sa totoong niyang mga
magulang?  Kung tutuusin hindi naman nahirapan ang kanyang mama Sola sa kanyang
kapangyarihan ayon na rin dito. So anong silbi ng paglayo nila?  Sa katunayan ay
heto at buhay naman siya.  Nakita daw ng mama Sola niya ang kamatayan niya. May
mga kaaway ba ang totoo niyang mga magulang na magtangka sa kanyang buhay?  Pero
may mga kapatid naman siya?  Bakit siya lang?

At sabihin man o hindi ng kanyang  nakagisnang ina kailangan niyang magpakita at


magpakilala sa tunay na mga  magulang. Alam niya na hindi ganun kadali iyon. Lalo
na at pawang galing  sa makapangyarihang angkan ang totoong mga magulang. 

May namuong  excitement sa kanyang dibdib ng maalalang may mga kapatid pala siya. 
Ano kaya ang hitsura ng mga ito? Tatanggapin kaya siya or  mapagkamalang impostor
ng mga magulang at kapatid? Ito ang isa sa maraming iniisip  ni Brynna hanggang sa
ito ay makatulog. Pero bago tuluyang makatulog ay nakabuo ito ng desisyon.

•note•Anh chapter na ito ay karugtong ng chapter 4.  Hinati ko lang kasi umabot
siya ng 4k words.  Sobrang haba.  Pikit ko ring pinalitan ang mga english words ko
dito ng tagalog. 

Kiss! Kiss! xiantana

=================

Chapter 6

Mer City, BrunHarvest MoonRoE 511

Maganda ang kaharian ng Brun.  Noon lang nakakita si Brynna ng berdeng-


berdeng kapaligiran.  Makikitang sagana ang kaharian ng Brun sa mga pananim.  Dapat
lang din naman siguro lalo na at isang EarthMage ang Duke doon na siyang namamahala
sa buong lupain.  Ayon sa kanyang mama Sola ang pagiging isang Duke ay halos
kapareho lang ng kapangyarihan sa hari.  Ayon dito, noong nabuwag ang Imperyo ng
Quoria ay naging maliliit na kaharian ang  iba't-ibang lupaing sakop nito.  Isa na
doon ang Brun.  Pero dahil sa katapatan ng Duke bagaman independenteng estado ang
Brun ay nananatiling Duke ang may pinakamataas na kapangyarihan sa Brun imbes na
isang hari.  At iyon ang dahilan kaya nagalinlangan si Brynna. Ibig sabihin lang
kasi niyon ay isa siyang anak ng taong may pinakamakapangyarihan sa Brun.  Hindi
niya alam kung malulungkot ba siya, matuwa, maiinis o maiiyak.  Buong buhay niya
kasi pinahirapan siya dahil sa pagiging isang anak ng preserver niya. Iyon pala...

                "Brynna, ano na naman ba yang iniisip mo!  Ni hindi mo pa nga alam


kung tatanggapin ka ng mga magulang mo!  Ni hindi ka pa nga nakahanap ng trabaho!"
Sabay sabunot sa buhok.  Kasalanan niya kung bakit nasa Brun na siya pero heto siya
ngayon naghahanap ng trabaho.  Pinakiusapan niya kasi ang kanyang mama Sola na
bigyan siya ng pagkakataon na makilala ang mga magulang sa sarili niyang paraan. 
Kaya ito siya ngayon, pinahirapan ang sarili.

              Sa ikalawang araw ng paghahanap ng trabaho ni Brynna ay maswerteng


natanggap siya sa isang apothecary shop. Mabuti nalang at kailangang-kailangan ng
shop ng magbabantay at katulong. Dahil may alam siya sa panggagamot kaya mabilis
na natutunan ni Brynna ang bagong trabaho. 

Nakakapagod para kay Brynna ang buong maghapon dahil siya lang mag isa
sa shop, busy si Miss Elvira sa workshop nito, para daw iyon sa Mer Healing House
ang pinakamalaking pagamutan sa Brun. Pagsapit ng ala-sais ng hapon, isinara na ni
Brynna ang shop.  May ilang araw na siya sa shop ngunit wala pang kahit isa sa
pamilya niya ang nakatagpo o kahit nasisilip man lang.
Nakaharap ang malaking apothecary shop sa mismong daan.  Gawa sa kahoy
ang shop at ang harap niyon ay may malalaking salaming bintana.  Sa loob niyon ay
puno iyon ng iba't-ibang tindang gamot na nakapaloob sa botilya.  Ang dingding ng
kuwadradong silid ay napapalibutan ng estante mula baywang ni Brynna hanggang
umabot sa bubong.  At bawat estante ay may nakahilirang mga apothecary bottles.  Sa
kaliwang bahagi ng silid ay narron ang mababang estante na nagsilbing boundary.  
At doon nagbabantay si Brynna.  Bilang isang manggagamot ay maituturing na hulog ng
langit ang pagkakatanggap niya roon dahil nagustuhan niya ang trabaho.  May maliit
na pintuan ang shop patungo sa likod kung saan mayroong dalawang silid. Ang
workshop ni Elvira at ang stockroom. Naalala pa ni Brynna ang reaksyon ni Miss
Elvira ng malaman nito na pansamantala siyang nanunuluyan sa isang mumurahin na
Inn.

"Ano? Alam mo ba na delikado doon lalo na at napakabata mo pa?" bakas


ang disgusto sa mukha nito.

"Ang mabuti pa linisin natin itong stockroom sa likod para dito ka


muna habang hindi ka pa nakahanap ng maayos na matitirhan. Sasamahan kita mamaya
doon para kunin ang mga gamit mo. Baka kung ano pa ang mangyari sayo, kargo di
konsensya ko pa." walang nagawa si Brynna kundi ang tumango.
Mabait at dalaga pa si Miss Elvira. Ayon dito ng minsang nagkukwentuhan sila,
minana pa daw nito ang shop sa ina na isa namang HeadHealer sa Mer Healing house.
Ang pagkakaalam nito ay ulila na siyang lubos at sa tiyahin niya natutunan ang
kaalaman niya sa mga gamot at kaya nilisan niya ang tiyahin dahil may mga anak ito
at ayaw niyang makadagdag sa papakainin kaya nagbakasakali siya sa Brun.
Pinaniwalaan naman nito ang sinasabi niya.

             Pagkatapos isara ang shop, pumasok na si Brynna sa stockroom na


ngayon ay siyang tinutuluyan niya. Sa loob ng silid ay mayroong isang maliit na
higaan at maliit na lamisa at isang silya. Sa sobrang pagod ni Brynna hindi na ito
kumain dumeretso na ito ng higa at wala pang dalawang minuto ay tulog na ito.

Mataas na ang araw ng magising si Brynna.  Nagmamadaling nag ayos at


masayang nilisan ang silid.  Dahil tanghali ng nagising kaya tangahali na rin ng
magsimulang mamasyal si Brynna. Unang araw ng pahinga niya kaya excited siyang
mamasyal, una niyang pinuntahan ay ang tindahan ng prutas dahil nagugutom siya.
Hindi kasi siya kumain bago umalis ng bahay. Namangha si Brynna sa dami ng iba't-
ibang klaseng putas na naroroon, kaya matagal bago siya nakabili dahil sa dami ng
pagpipilian at dahil din sa tipid na tipid na gastusin ang kanyang pera. Kahit ng
makabiki na ay patuloy pa ring naglatingin-tingin si Brynna sa mga paninda roon,
sinuyod niya ang buong pamilihan.

            Natutuwa si Brynna sa dami ng tao kahit magulo at maingay doon.  Bawat


isa ay may kanya-kanyang ginagawa. Ang daming taong paroo't-parito.  May mga
nakahilirang tinda sa gilid ng daan.  May mga karwahe at kariton na hinihila ng
kabayo.  May iba pa na naghihila ng mga alagang hayop para itinda.  Halos walang
pinagkaibanang Mer City ng Brun sa Pal'wan City ng Palan maliban sa mga gusali. 
Karamihan sa mga nakatayong gusali sa Brun ay gawa sa kahoy.  Ang sa Palan naman ay
halos gawa sa bato. 

            Nang mapagod si Brynna ang napagpasyahan niyang pumunta sa plaza. 


Pabilog ang plaza at kahit doon ay marami ring tao. Sa gitna niyon ay mayroong
napakalaking punong kahoy na Narra. Napapalibutan ang puno ng upuan.  Sa kabilang
panig ng plaza ay ang hardin na may isang gruto ng babaeng ang kalahating katawan
ay buntot ng isda.  Namangha si Brynna sa nakita.  May bitbit ang babae na banga na
nasa akmang nagtatapon ng laman.  Doon lumalabas ang tubig patungo sa hindi
kalakihang wishing wheel. Nasa di kalayuan ng wheel ay may mga upuan din at doon
umupo si Brynna.  Habang kumakain may napansin si Brynna ang dalawang batang
babae, nanghihingi ito sa mga dumaraang tao. Limang minuto na ang nakaraan ngunit
wala ni isa man lang ang nagbigay sa mga ito kaya nagpasya si Brynna na lumapit.

Napakunot noo si Brynna dahil malinis ang mga ito kahit na butas-butas
ang mga damit. Ibinigay ni Brynna ang dalang prutas, agad namang kinuha ng
dalawang bata at nagpasalamat.

"Hi, ako si Brynna. Anong pangalan ninyo?" nakangiting tanong ni Brynna


sa dalawang bata.

Nakikita ni Brynna ang pag-aatubili ng dalawang bata.

"Natatakot ba kayo sa akin? O, sige kung ayaw ninyong sabihin ang mga
pangalan ninyo sagutin nyo nalang ang tanong ko. Bakit kayo namamalimos? Wala na
ba kayong mga magulang?"

Nagkatinginan ang dalawa bago nagsalita ang sa tingin ni Brynna ay


nakakatanda sa dalawang.

"Ako si Irene, siya naman si Irish. Wala na kaming papa, matagal na


panahon na, meron naman kaming mama, pero kahapon pa siya maysakit. Wala naman
kaming pera para sa gamot kaya nanghihingi nalang kami para may makain at para
makabili kami ng gamot para sa mama namin." Nahahabag si Brynna sa dalawa kaya
itinanong nito kung ano ang sakit ng ina ng dalawa.

"Mataas po ang lagnat niya palagi. Wala naman po kaming napapansin na


iba. Hindi lang po ang mama ang may sakit sa amin, marami po sa kapitbahay namin
ang may kaparehong sakit kaya baka po nahawa ang mama namin." Napansin ni Brynna
na tahimik ang isang maliit na bata kaya nilapitan niya ito. Sinalat niya ang noo
at nag-alala dahil sobrang init ng noo nito.

"Mainit ka Irish. Kailan pa nagsimula ito?" nag-alalang tanong ni


Brynna.

"Kaninang umaga po." Mahinang sagot ni Irish dito.

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Wala po kaming gamot." Ani ni Irene.


"Wala bang libreng pagamutan dito?" nagtatakang tanong ni Brynna. Bago
palang siya sa Brun kaya di nya alam.

"Meron naman po, mabait kasi ang Duke, kaso po sinabi ng mama na
simula po noong isang buwan na sunod-sunod po ang kaso ng lagnat. Katulong kasi
ang mama namin sa bath house, at narinig niya na usap-usapan na kulang daw po ang
gamot."

Naalala ni Brynna si Miss Elvira, ito marahil ang dahilan kaya halos
hindi na niya ito nakikita.

"Gusto nyo bang tingnan ko ang mama ninyo? May alam ako konti sa
panggagamot. Ang mama ko ay isang healer, tingnan natin kung may maitutulong ako,
kung papayag kayo."

Nakahinga si Brynn ng tumango si Irene. Inalalayan ni Brynna si Irish


saka sumunod kay Irene.  Hindi naman kalayuan ang bahay ng mga ito.
Ngunit hindi nagustuhan ni Brynna ang tinatahak nila. Papasok kasi iyon sa
kabahayan at makipot ang daan. Amoy palang alam na ni Brynna na oretse iyon.
Dikit-dikit ang mga bahay, may mga bata silang nadadaanan na ang dudungis na
naglalaro sa daan. Bakas ang kahirapan sa lugar na iyon. Lumiko pa ang mga ito at
sa wakas huminto ang dalawa sa isang maliit na bahay, kung bahay man na matatawag
iyon. Yari iyon sa nipa at kahoy, isang malakas na ihip ng hangin at tatangayin na
iyon. Hindi mayaman ang kinagisnang ina ni Brynna ngunit hindi din ganito kahirap
ang sitwasyon. Buti na lamang at sa loob ng bahay maayos-ayos din. Masinop ang
mag-iina. Agad na lumapit si Brynna sa ina ng mga ito na nakahiga sa nag iisang
kama na naroon. Tulog ito, at ng salatin ni Brynna ang noo, halos mapaso si Brynna
sa init.

"Irene, marunong ka bang mag-init ng tubig?"

"Opo ate Brynna!" napangiti si Brynna sa narinig. Kani-kanina lang


ilag ito sa kanya pero ngayon tinatawag na siyang ate.

"Mabuti. Kailangan kasi nating ilaga ang halamang gamot na meron ako.
At gagamitin din natin ito sa pagpunas sa katawan ng mama ninyo pati na sayo
Irish." Mabilis naman na kumilos si Irene.

"Ate Bryanna, gagaling po ba ang mama namin?" tanong ni Irish.

"Oo naman, basta kailangan lang na inumin mo ang gamot na ibibigay ko


sa iyo pero bago iyon kailangan mo munang kumain. Halika umupo ka at ipagbabalat
kita ng prutas. Ano ang gusto mo?" itinuro nito ang mangga.

Pagkatapos kumain ni Irish ay pinainum niya ito ng gamot at


pinagpahinga. Buti nalang at dala-dala niya ang kanyang bag. Kailan man ay hindi
pa nangyayari na wala siyang dalang gamot. Pinakain na rin niya si Irene. Tamang-
tama naman na matapos kumulo ang tubig nagising ang ina ng dalawa.
"May b-bisita pala t-tayo."

"Kumusta po kayo. Ako po si Brynna, bagong kaibigan ng mga anak ninyo.


Bago lang po ako dito sa Brun, nagtatrabaho po ako ngayon sa Essence Apothecary
Shop. Naikwento ng mga anak ninyo na may sakit nga po kayo. Kumusta po ang inyong
pakiramdam?"

"Ako naman si Irma. Ok naman ako hija, pero nahihirapan akong huminga
dahil siguro sa ubo ko. Irene, dulutan mo ng kahit anong makakain si Ate Brynna
mo, yong pinabili ko na tinapay sayo kahapon." Utos nito sa panganay na anak.

Nagkatinginan si Brynna at Irene.

"Naku, wag na ho. Busog na busog pa po ako." Pinipilit ni Brynna na


itago ang nararamdaman. Alam ni Brynna ang tinutukoy nitong tinapay, nakita niya
iyon habang naghahanap ng mapaglagyan sa prutas. Dalawang piraso lang iyon. Nakita
niya na gutom ang magkakapatid kanina, pero hindi nito kinain ang tinapay. Alam
niya na inilaan ng mga bata iyon para sa inang may sakit. Parang kinurot ang puso
ni Brynna sa nakita.

"Pasyensya ka na Brynna ha. Natigil kasi ako sa trabaho dahil sa sakit


ko." Nahihiyang paumanhin ni Irma.

"Ok lang po yon. May hihilingin po sana ako sa inyo Aling Irma."

"A—" naputol ang sasabihin sana ni Irma ng inihit ito ng ubo, agad
naman itong nilapitan ni Irene at hinaplos-haplos ang likod ng ina.

"Maari po bang tingnan ko po kayo? May alam po kasi ako konti sa


panggagamot, baka po makatulong ako." Hindi ito sumagot ngunit nakita ni Brynna na
tumango ito.

Matapos tingnan, pinainom ni Brynna ng gamot si Irma. Ilang sandali


lang natigil na ang pag-ubo nito.

"Aling Irma, paano po ba nagsimula ang sakit niyo?" tanong ni Brynna.

Ayon dito, nagsimula ang lagnat nito ng minsang umuwi ito sa bahay
pagkatapos magtrabo sa bath house. Karamihan sa mga kasamahan nito ay nagkakasakit
din kaya doble ang oras ng trabaho ni Irma. Kahapon lang itong nagsimulang
nahirapang huminga. Tumango-tango lang si Brynna habang nakikinig. May nabuo na
siyang kongklusyon. Sa tingin niya nahawa ito sa mga katrabaho o maari rin na
nahawa ito sa isa sa mga naliligo sa bath house na maysakit. Idagdag pa ang pagod
nito kaya madali talaga itong nahawaan. Nanghingi ng permiso si Brynna na tingnan
ang mata, bibig at iba pang parting bahagi ng katawan nito upang makasiguro kung
ano ba talaga ang sakit nito. Wala namang napansin si Brynna na kakaiba pero
pinainom pa rin niya ito ng gamot sa lagnat.
Napansin ni Brynna na papadilim na kaya nagpaalam na siya sa mga ito.
Nagpasalamat siya kay Irene sa paghatid sa kanya sa labasan. Nang makaalis ang
bata nagsimula na rin na tahakin ni Brynna ang daan papauwi sa shop. Hindi
maiwasan ni Brynna na mag-alala para sa mag-iina at magtaka kung bakit dumadami
ang mga maysakit sa Brun. Panalangin ni Brynna na sana ordinaryong sakit lang
iyon.

=================

Chapter 7

            "Brynna, mabuti at nandito ka na. May ipapakiusap sana ako sayo." Hindi
pa man nakasagot si Brynna ay natampal ng kanyang amo ang noo na parang may
naalala.  "Oh! Shoot! May nakalimutan ako.  Hintayin mo ako.  I'll be right back."
At umalis na ito ng hindi hinintay ang sagot niya.

Habang naghihintay sa labas ng pintuan ng workroom ni Miss Elvira si


Brynna, iginala nito ang paningin sa loob.

"Do you want to take a look around?" Alok ng amo ng mapansin siya.

"Maari po ba?" nag-aalangang tanong ni Brynna.  Ayaw niyang makaabala.

"Oo naman, come on in!" agad naman na pumasok si Brynna.

"O, bakit natahimik ka dyan?" Untag niyo kay Brynna.

"Wala naman po. Ang ganda po kasi ng mga gamit ninyo. Halatang
mamahalin. Pwede po bang magtanong Miss Elvira?"

"Ano yon?" balik na tanong ni Elvira sa batang kasama.

"Para saan po ito?" sabay turo sa tinutukoy nito.

"Ah, laboratory glassware. Hindi ka siguro pamilyar sa mga ito. This


are new invention of the University."

"Anong University po iyon?"  naguguluhang tanong ni Brynna.

"Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam, gayong halos lahat nalang yata
ng mga kabataan ngayon, pinangarap na doon mag-aral. University of Elemental Mages
in Quoria."  paliwanag nito.
"Ah, that university, doon din po ba kayo nag-aaral noon?"

"Oo. Ikaw, gusto mo bang mag-aral?" Tango lang ang isinagot ni Brynna,
upang maiwasang magsinungaling.

"Ano nga po pala ang sasabihin mo sana sa akin?" Untag ni Brynna.

"Naku, muntik ko ng makalimutan. Makiki-usap sana ako sayo Brynna na


samahan ako."

"Po? Saan po?"

"Siguro nabalitaan mo na ang nangyari sa Mer Healing House. Marami kasi


ang nagkasakit ngayon, kaya nagkulang ng supplies. Naki-usap ang mama ko na kung
maaaring magtungo ako sa La Fun. Alam mo ba kung saan yon Brynna?"

"Opo, malapit lang po kasi ang La Fun sa Palan di po ba?" paalala ni


Brynna dito.

"Oo nga pala! So, ayon nautasan ako ni mama na bumili ng supplies
doon."

"Pwede po ba yon? Ang alam ko napakasilan ng mga taga La Fun sa


pakikipag-kalakal sa ibang lugar."

"Don't worry Brynn—teka ano nga ba ang pwede kong ipalayaw sayo?"

"Bree nalang po." Nahihiya niyang sagot

"Bree...maganda bagay sayo. Well Bree, don't worry dahil may kasunduan
ang Brun at ang mga La fun. Kaya welcome tayo na magpunta doon. Ano, sasama ka ba
sa akin? Kung ang inaalala mo ay ang shop. Wag kang mag alala may nakuha na ang
mama na magbantay."

"Okey, sige po. Kayo ang bahala." Ani ni Brynna na halata ang
excitement sa mukha.

Inabot ng isang linggo ang paglalakbay nina Brynna bago nakarating sa


La Fun. Hindi nito inaasahan ang kaguluhang madatnan. Ang mga tao ay kanya-kanyang
takbuhan, isa lang ang direksyon na tinahak ng mga ito. Ang Lasang.

"Ano po ang nangyari bakit nagtakbuhan ang mga tao? Tanong ni Elvira sa
nakasalubong na matandang lalaki.
"Tuskan! Mga sundalo ng Tuskan! Bilisan n'yo ng umalis, tumakbo na
kayo!" Humahangos na sabi ng matandang lalaki bago mabilis na tumakbo paalis

"Miss Elvira, sumakay na po kayo para makaalis na tayo. Nanganganib po


ang buhay ninyo dito." Pakiusap ni Mang Kaleb.

"No, hindi tayo pwedeng umalis. Pero umalis na kayo at isama ninyo si
Brynna." Binalingan nito si Brynna.

"Hija, kailangan mong sumama kay Mang Kaleb. Hindi ligtas ang lugar na
ito. Ayokong mapahamak ka. Kailangan kong tumulong sa mga sugatan dito. Makiki-usap
din ako kung maari na sabihin mo sa mama ang nangyari dito para makapagpadala ng
tulong ang Brun sa lalong madaling panahon."

Umiling-iling si Brynna, hindi ito makakapayag na iwanan ang amo.

"Pasensiya na po, pero hindi ko iyon magagawa. Sasamahan po kayo. May


mga kakilala at kaibigan din po ako dito. Kaya hindi po pwede na di ako tumulong."
Determinadong pasya nito.

Wala ng magawa si Miss Elvira kundi ang pumayag. Pinaalis nito ang isa
sa dalawang karwahe na dala nila para ipaalam sa Brun at Quoria ang nangyari at
makahingi ng tulong. Nagpatuloy sa paglalakad ang grupo nina Mang Kaleb, Miss
Elvira at Brynna.

Nang makarating ang mga ito sa kabahayan saka lamang nakita ang
napakaraming sugatan at patay na nakahandusay sa lupa. Karamihan sa mga pinsala ng
mga ito ay sunog na katawan. Biglang natigilan ang lahat ng biglang gumalaw ang
lupa.

Naramdaman ni Brynna ang isang napakalakas na kapangyarihan.


Hahanapin sana niya iyon ng biglang sumigaw si Miss Elvira.

"Fire Ball!" Parang hindi makapaniwala sigaw nito. Sabay na sinundan ng


tingin nilang tatlo ang pagtama ng bolang apoy sa isang bahay di kalayuan sa
kinaroroonan nila, wala pang isang minuto ay nilamon na ng apoy ang bahay kubo. 
Hinila ni Miss Elvira si Brynna habang sinisigawan si Mang Kaleb na sumunod sa
kanila. Nagtago sila sa isang likod ng abandunadong kubo.

"Isang Black Robe? Paano nagkaroon ng Black Robe ang Tuskan?" wala sa
sariling tanong ni Miss Elvira habang sumisilip sa labas.

"Brynna, okey ka lang ba?' nag-alalang tanong nito.

"Hindi n'yo po ba naramdaman iyon?"


"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Elvira.

"Napakalakas po na kapangyarihan." Naguguluhang umiling si Miss


Elvira.  Sabay pa silang nagulat ng biglang may magsalita sa kanilang likuran gamit
ang lenguwahe ng Tuskan.

"Ooh...anong itong natagpuan ko? Isang babaeng Mage. Napakaswerte ko


naman."  Hindi nila namalayan na may tao pala sa kanilang likuran.  Demonyo ang
ngiting sumilay sa mga labi ng isang lalaking naka itim na roba, parang natatakam
ito habang nakatingin kay Miss Elvira. Nakaramdam ng matinding takot si Brynna. Sa
kanilang tatlo unang nakabawi si Miss Elvira.

"Oooh...what have we got here...a mage. Isang kampon ng haring sakim!"


panggagaya ni Miss Elvira sa kaharap na gamit din ang kaparehang lenguawahe na puno
ng pang-uuyam ang boses. Wala kahit konting takot ang makikita sa mukha nito ngunit
hinila siya nito at mataktikang inilagay sa likod ng katawan.

"Bwahahahahha! Palaban. Gusto ko yan. Hindi ko alam na tumatanggap ng


mga bisita ang La Fun pero bintahi sa akin ang pagpunta n'yo dito. This invasion
might not be boring after all."

"Wala na ba kayong natutunan sa nangyari sa First War at gusto na naman


ninyong maulit iyon?" paalala ni Elvira sa mage na kaharap bidding her time.

"At sino ang gagawa nun, si Firen? ViticiPrema? Ang inutil na si


Brennon o ang parehong walang silbi ninyong hari? Sa pagkakataong ito sisiguraduhin
ko na sa amin ang tagumpay! Tatanungin kita, may napapansin ka ba na kahit isang
mage ang lumalaban? Wala diba?"

Isa iyon sa unang ipinagtataka ni Brynna simula ng dumating sila wala


siyang kahit isang mage na nakikita. She have seen a few people fighting but those
are just plain warriors not mages. Ano ang laban ng mga iyon sa isang mage?

"Ano ang ginawa mo sa mga La Fun mages!" Nakatiimbagang na tanong ni


Miss Elvira.

Naramdaman ni Brynna na napasinghap si Miss Elvira kaya sumilip s'ya at


sinundan kung saan nakatingin ang mga ito. Kinikilabutan si Brynna sa nakikita. Isa
siyang healer kaya sanay na siyang makakita ng dugo, sugat at sakit ngunit hindi
kagaya nito. Di kalayuan sa kinaroroonan nila ay ang gabundok na katawan ng mga
tao. Halatang basta-basta nalang itong itinapon at pinagpatong-patong. Nanginginig
ang kalamnan ni Brynna sa nakita.

"How could this people do something so cruel?" di-maiwasang maitanong


ni Brynna sa sarili. Bumalik ang pansin niya sa dalawang taong nasa harapan ng
magsalita ang lalaking taga-Tuskan.
"That will happen to you too my little mage if you don't pledge
allegiance to my king."

"Hahaha! At sa tingin mo gagawin ko 'yon? Pagkatapos ng ginawa n'yo?


Nababaliw ka! Mamamatay muna ako!" humigpit ang hawak nito kay Brynna na para bang
sinasabing maging alerto siya.

"Kung ganon isasama ko kayo sa kanila." Nilingon nito ang iba pang mga
kasama at suminyas.  Pagharap nito sa kanila ay nakita ni Brynna na may bolang apoy
na ang mga kamay nito at ang mga kasama.  At sabay na ibinato iyon sa kanila.

Walang magawa si Brynna kundi ang pumikit. Hindi siya makapag-isip sa


sobrang takot. Ang hinihintay na apoy na tutupok sa kanya ay hindi dumating. Nang
ibinukas ni Brynna ang kanyang mga mata, nakita nito na napapaligiran sila ng
tubig. Nagsilbing proteksyon iyon sa kanilang tatlo.

Nararamdaman ni Brynna ang lakas ng kapangyarihan ni Miss Elvira pero


walang humpay na pagbato sa nila nga mga mages ng Tuskan.  Alam niya hindi
magtatagal ay mapapagod si Miss Elvira at kailangan niyang tumulong lero hindi niya
alam ang gagawin. Si Mang Kaleb ay isang ordinaryong mortal lang. Wala itong
kapangyarihan kaya alam niyang wala itong maitutulong. Siya lang ang tanging pag-
asa para makaligtas sila. Ngunit bago pa makapag-isip ng gagawin si Brynna
nakarinig ito ng isang nakakapangilabot na sigaw. Napatingin si Brynna sa mga
kasama at tao na nandoon ngunit sa kanyang pagtataka ay umaaktong parang walang
naririnig ang mga ito.

Mas lalong kinabahan si Brynna.  Kanina pa siya nagtataka kung bakit


pamilyar ang kapangyarihang nararamdaman niya.  Ngayon  marinig ang sigaw na iyon
ay sigurado na siya. Naalala bigla ni Brynna ang nakita kanina na gabundok na
katawan ng patay na mga mages. Nanghihilakbot si Brynna ng maisip na maaring ganun
din ang kahihinatnan nila at ang may ari ng pamilyar na kapangyarihan. Parang may
malamig na tubig na dumaloy sa likod ni Brynna, kasabay niyon ang galit na
nararamdaman. Kasabay ng isipang iyon ang pagbagsak ng tubig na nakaproteksyon sa
kanila. Humihingal na ibinaba ni Miss Elvira ang mga kamay. Talunan ang hitsura
nito. Humarap ito sa kanya at anyong yayakapin siya ngunit umiwas si Brynna.

"Brynna anong ginagawa mo." Ngunit palang walang narinig si Brynna.

"Ang kapangyarihan ng elemento ay kailan man hindi maaring gamitin para


kumitil ng buhay o gamitin para sa sariling mithiin." Ang sabi ni Brynna sa malinaw
at malakas na tinig habang nakayuko ang ulong naglalakad palapit sa mga Tuskan
mages. "At sino ka para magsalita ng ganyan?"  Hindi sumagot
si Brynna, huminto ito tatlong dipa mula sa mga taga Tuskan at saka nag angat ng
ulo.  -Bahagyang napaatras ito ng magtama ang mga mata nila.   Wala na roon ang
bakas ng batang nanginginig kanina sa takot habang magtatago.

             Icy blue eyes looked at the Black Mage. Mga matang ibang-iba sa kani-
kaninang batang nagtatago sa likod ng babaeng mage.  Marahil sa takot ay naglabas
ang Black Mage ng umapoy na latigo.
             "Special ang latigo kung ito.  Inilalaan ko lamang iyo sa mga taong
palahirapan ko muna bago patayin. Dahil pinukaw mo ang kakaibang damdamin na
matagal ko ng pinatay sa dibdib, magbabayad ka!"  Pinitik nito ang latigo sa lupa
at agad na umusok iyon at nagiiwan ng bakat.

"Sa susunod katawan mo ang magkakalatay ng ganyan." Ang mayabang na


pagbabanta nito.

Hindi umimik si Brynna patuloy lamang ito sa pagtingin sa kaharap.

"Brynna— " naputol ang sasabihin sana ni Elvira ng makita nito na


itinaas ng itim na nakaroba ang latigo. Gustuhin man ni Elvira na tulungan ang bata
ngunit ubos na ang kanyang lakas.

Ang anyong paglapit sana ni Elvira kay Brynna ay nahinto ng makita nito
na itinaas ni Brynna ang isang kamay hanggang dibdib.  Nakabukas ang palad na
paharap sa mga kalaban at hindi alintana kung tatamaan man ito ng latigo.  Kasabay
ng pagkuyom ng nakabukas na kamay ni Brynna ang biglang pagbagsak ng Black Mage sa
lupa.

"I'll return your power to where it came from and your soul to where it
should belong." Ang bulong ni Brynna sa kaharap. Ibinaling niya ang atensiyon sa
mga natitirang kalaban. Itinaas muli nito ang kamay at biglang napapalibutan ang
mga ito ng tubig. Nang masigurong wala ng natitirang kalaban, humarap si Brynna kay
Miss Elvira.

"Miss Elvira may pupuntahan ako saglit. Babalik agad ako." Hindi na
nito hinintay na sumagot ang kausap at mabilis na tumakbo patungo sa Lasang.

Hinihingal si Brynna ng huminto sa pagtakbo.  Nasa pinakagilid siya ng


isang parang.  Sa gitna niyon ay ang matagal na niyang hinahanap na kaibigan na sa
panaginip lang niya nakikita at nakakasama. Matutuwa na sana si Brynna kung hindi
lang ito napapalibutan ng mga kalaban.

=================

Chapter 8

Taroque City, Tuskan

            Pagkapasok ni Markus sa Lady Love Inn ay bumungad kaagad sa kanya ang


maingay at mausok na silid. Kapasin-pansin na halos lahat ng naroroon ay pawang mga
lango na sa alak. Pasimpleng sinuyod nito ng tingin ang paligid.  Pagkaraan ng
ilang sandali ay kampanteng naglakad ito patungo sa mesang nasa sulok at okupado ng
dalawang lalaki. Nang mapansin ng dalawa  si Markus ay tumayo ang isa at umalis. 
Umupo si Markus sa nabakanteng upuan.  Hindi pa man nag-init ang puwet nito sa
pagkakaupo ay may lumapit na ditong serbidora. 
           "Bigyan mo kami ng dalawang beer." utos ni Markus. Pagkaalis ng
serbidora ay tahimik na nag-uusap si Marcus at ang kaharap.  Natigil lang ang
dalawa ng bumalik ang serbidora dala-dala ang order ni Markus. Pagkatapos na
bigyan ng tip at palo sa puwet ay maligayang kumembot na ito palayo.  Hindi rin
nagtagal sa Markus.  Maya-maya lang ay tumayo na ito.  Naglapag ng pera sa mesa at
iniwan ang kausap ng hindi man lang tinikman ang alak. 

            Malayo layo din ang nilakad ni Markus sa madilim na eskinita.  Para


lang itong naglalakad sa isang parke gayong kilala ang lugar na iyon sa mga
milagrong nangyayari sa gabi man o araw.  Sa katunayan may mga nakasunod na dito
mula pa ng umalis ito sa Inn. Pero wala itong pakialam.  Nang matapat sa isang
lumang gusali ay kumatok ito.  Hindi nagtagal ay umawang ng konti ang pinto. 
Saglit na pinagmasdan ang mukha ni Markus at saka tuluyan ng binuksan ang pinto ay
hinayaan itong makapasok.

              Sa loob ng gusali ay isa lang itong ordinaryong bahay, may sala


kusina at ang mga kasangkapan na kahit na mumurahin ay malinis naman. Huminto si
Markus sa sala, may hinihintay. May maskuladong lalaking lumabas galing sa kung
saan at suminyas kay Markus na sumunod ito.  Nagpatiunang naglakad ang maskuladong
lalaki na hindi man lang nilingon kung sumunod ba si Markus dito o hindi.
Nagsilbing guide niya ito. Maraming silid at pasilyong paikit-ikot silang nadaanan
hanggang sa makarating sila sa pinakadulong puntuan. Binuksan ng kasama ni Markus
ang pinto at sumunod na pumasok si Markus dito.  Sa loob ng silid ay isa pa uling
pintuan ang binuksan ng maskuladong lalaki. Tumambad kay Markus ang kadiliman ng
gabi.  Nasa labas sila ng bahay.  May pinindot ang guide sa kung saan at biglang
may pintuan na bumukas. Hinintay muna ng kasama na makapasok si Markus bago nito
isinara ang pinto.  Hinintay ni Markus na masanay ang mga mata sa dilim bago
gumalaw.

          Sa loob ng silid ay may isang malaking bilog na lamesang napapalibutan ng


upuan.  Trese.  Hindi rin kaila kay Markus ang mga aninong nakatayo sa likod ng
bawat isang taong nakaupo doon. Mga tagabantay. Dahil madilim kaya halos hindi
maaning ang mga mukha sa mga naroroon.  Pero hindi iyon alintana ni Markus.  Kilala
ni Markus ang dose. Gaya kanina ay kampanteng lumapit si Markus sa bilog na lamesa
at naupo sa nag-iisang bakante doon. Siya ang pangtrese. Pagkaupong-pagkaupo ni
Markus ay nagsimula ng magtanong ang mga kasama. Hindi sa kanya kundi sa isang
payat na lalaking may itim na telang nakatakip sa mga mata. Nakatayo ito di
kalayuan sa kinaroroonan nila.

            "Magsalita ka." Utos ng isa sa mga kasama ni Markus.

           "Sumailalim na sa Selection ang apo ni Commander General ViticiPrema at


High Lord Firen Strongbow. Isa itong Elemental Mage, ang kapangyarihan ay tubig at
hangin." Panimula nito.

            "At ang Prinsepe?"    

            "Isang FireMage. Blue fire." Natahimik ang lahat sa narinig.

            "Blue fire?" ulit ng nagtatanong kanina.


            "Opo."

            "Ano ang balita sa La Fun?" Sa pagkakataong iyon ay ang katabi ni


Markus ang nagtatanong.

            "Ang mga kampon ni Haring Fergon na lumusob sa La Fun ay natalo. Ayon


sa mga nakakita isang makapangyarihang nilalang ang tumulong sa mga ito. Hindi nila
matukoy kung isa itong tao o elfo. Napakaraming sundalo ang bumagsak sa mga kamay
nito gamit ang malaking espada.  Ang nakapagtataka pa ay maingat ang nilalang na
ito.   Imbes na patayin ay sinusugatan lang nito ng malubha ang mga sundalong
Tuskan."  sagot ng lalaki na hindi itinago ang pagtataka sa boses.  "Ayon sa kwento
ng mga sundalong nakakita sa mga pangyayari. Ang mga mages sa La Fun ang unang
nakatikim sa kalupitan ni Master Andracus at General Bruin.  Napatunayan din na
nagtagumpay si Master Andracus sa pag-aaral nito sa necromancy o kung ano mang
klaseng dark magic ang ginamit nito sa Kapre.  Nagawa nitong kontrolin ang isang
kapre na pareho nating alam na imposibleng gawin." dugtong pa nito.

            "Sa papaanong paraan niya ito nagawang kontrolin?" taong uli ng


baritonong boses.

            "Hindi ko po iyan masasagot my Lord." Sagot ni Markus na bahagyang


yumukod.

            "Bakit hindi matukoy kung anong klaseng nilalang ang tumulong sa La


Fun?" tanong muli ng baritonong boses.

"Lahat ng mga napagtanungan ko ay pareho ang sinabi. Hindi nila alam,


marahil ay hindi ito taga La Fun at hindi nila nakita ang pagmumukha nito. Pero
lahat sila sigurado na isa itong bata. Ang totoo sa maniwala kayo sa sasabihin ko o
hindi. Dalawang bata ang taga pagligtas ng La Fun. Isang batang may silver ang
buhok na siyang pumatay sa Kapre at nag-iisang lumaban sa ilan libong sundalo ng
Tuskan. At isang batang may asul na mata ang lumaban naman sa mga mages ng Tuskan
na siyang pumatay kay General Burien."

            "Ano?!! Patay na si Burien?" halos magkapanabay na tanong ng mga ito.

            "Opo, at walang makapagsabi kung nasaan ang mga kasama nitong mga
mages. Wala rin kahit isa ang makapagsabi kung paano namatay ang Heneral. Pero, isa
sa mga utusan kong naroon ang nakaligtas at tumakas. Ayon dito, isang
makapangyarihan na batang dayuhan ang pumatay kay General Burien. Hindi nito
matukoy kung paanong nangyari. Basta nalang daw nalugmok sa sahig ang General. 
Pagkatapos masaksihan ang kapangyarihan ng batang ay umalis na ang inutusan ko at
nagmamadaling bumalik dito.  Kaya wala na akong maging balita sa mga Mages ng
Tuskan.  Siguro kapareho din ang sinapit sa kanilang General." paliwanag pa nito.
Nagbigay ng signal ang isa sa mga kasama ni Markus at agad na may lumapit na anino
sa lalaki at inalalayan itong makalabas ng silid.

            "Ano sa tingin mo Markus?" tanong ni Cassandra ang nag-iisang babaeng


membro ng guild nila.

            "Hindi ko rin alam.  Ang dalawa ko pang nakausap ngayong gabi ay halos
magkapareho lang ang mga sinasabi."  sagot ni Markus. Muling natahimik ang mga
kasama. Dahil alam ni Markus na wala na siyang dahilan para magtagal doon kaya
bago siya nagpaalam ay sinabi niya ang pakay niya kung bakit siya naroroon.
"Tatlong araw mula ngayon, hiniling ni Lord Felix ang inyong presinsya. Hanggang sa
muli." Saka tumayo at nilisan ang lugar.

            Sa silid aklatan ni Lord Felix Nightwings ay muling inulit ni Markus


ang nalaman kanina.

            "Ang ipinagtataka ko lolo kung bakit hindi man lang yata lumaban ang
mga mandirigma nila sa Kapre.  Alam naman natin na magagaling ang mandirigmang La
Fun." Naguguluhang tanong ni Markus sa abuelo.

            Sumandal si Felix sa inuupuan bago sumagot.  "Alam mo ba ang kasaysayan


ng Quoria Markus bago ang First War?" umiiling si Markus.

            "Alam mo siguro na bago naging kaharian ang Tuskan, itong lugar natin
ay sakop ito ng Imperyo ng Quoria?" Tumango si Markus kaya nagpatuloy ito.

            "Pero bago ito naging isang Imperyo, ang Quoria at ang mga karatig na
lupain ay parti ng Lasang. Unang dumating sa lugar na ito ay ang mga La Fun.  They
are called the gods people. Pero kalaunan ay naging La Fun. Kaya sila tinatawag na
The gods people kasi sinasamba ng mga La Fun ang mga elemento, ang araw, ang buwan
at ang kalawakan. At malaki ang paggalang nila sa mga nilalang na nakatira sa
Lasang. Lalo na ang Sphinx at ang Kapre. Ang Sphinx ay sinasabing naging dahilan
kung bakit pinayagan ni Emperatris Erythrina na mamuhay ang mga ito sa Lasang."

            "But that's a myth Lolo!" putol nito sa kwento ng abuelo.

            "Saan nga ba nagsimula ang mga alamat?  Diba sa mga pangyayari noong
unang panahon?" Nanghahamon na pasubalian niya ang sinasabi nito.  Napailing si
Markus sa ideyang sinasabi ng abuelo pero hinayaan niya ito at nakinig.

            "Nagsimula ang kasaysayan ng Quoria sa La Fun. Naniwala ang mga La Fun


sa mga iba't-ibang klaseng nilalang na ang akala ng mga bagong henerasyon ngayon ay
isang alamat lamang." Sabay sulyap sa kanya.  "Malaki ang naging papel ng mga Kapre
o mas kilala sa tawag na Guardians sa kasaysayan. Sila ang unang nagturo sa mga
taga La Fun kung paano manghuli ng mga hayop para may makain ang mga ito, kung
paano makikipaglaban at kung paano pakinabangan ng mga tao ang sariling kakayahan
sa mga elemento. Dahil dito naging mag kaibigan ang mga sinaunang taga La Fun at
ang mga Kapre. Hindi ka ba nagtataka kung bakit tanyag ang mga La Fun sa mga
bugtong hanggang ngayon? Ayon sa mga kwento, ang mga Kapre ay mahilig sa bugtong at
naibagahi iyon sa mga taga La Fun.  At may mangingilang balitang nakakararating sa
akin na hanggang ngayon ay nakikipag-ugnayan pa rin ang mga ito sa kanila." Tiim na
tinitigan nito si Markus.
            "May itatanong ako sayo Markus, kung hindi totoo ang mga alamat na
sinasabi mo, bakit hanggang ngayon wala pa rin kahit sino ang nakakapasok sa
Lasang? At nasaan na ang mga taong nagtangkang pumasok doon?"  Hindi makasagot si
Markus.

            "Ipupusta ko ang lahat ng aking kayaman na patay na ang mga taong iyon.
Alam mo ba na mahilig sa tabacco ang mga Kapre?" Tumango si Markus alam niya iyon
dahil sa nababasa at narinig na mga alamat.

            "Gaya ng ibang mythical beings, ang mga kapre ay may sarili ding
kapangyarihan.  Pero first and foremost, sila ay isang magagaling na mandirigma. 
Mahilig din silang makipaglaban at manglansi.  Ang usok ng tabacco ng isang kapre
ay pwede kang isailalim sa isang halusinasyon.  Malaki ang respeto ng mga La Fun sa
mga kapre.  May iba nga na sinasamba nila ito.  Sa laki ng utang na loob ng mga La
Fun sa mga Kapre kaya hindi kataka-takang mas nanaisin pa ng mga iyong mamatay
kaysa lumaban sa isang nilalang na sobrang tinitingala nila. It's against their
code of honor. Teka, marami bang namatay?"

            "Ayon sa aking utusan lolo, lahat ng mages ng La Fun ay patay na. 


Maraming ring nasawing ordinaryong mortal.  At pati na ang Guardian."

            "Kailangang malaman natin kung sino ang mga batang iyon sa lalong
madaling panahon."

"Opo lolo." Ang tanging sagot ni Markus.

=================

Chapter 9

La Fun

            "Brynna hija, kailangan mo ng magpahinga. Tatlong araw ka ng di


natutulog ah." Bakas sa mukha ni Miss Elvira ang pag-alala sa kasamang bata.

            Tatlong araw na ang nakalipas simula ng lusubin ang La Fun ng mga


Tuskan. At kung hindi sa dalawang bata, baka mas malala pa ang mga sinapit ng mga
taga La Fun.  

            "Salamat Miss Elvie pero hihintayin ko na dumating ang healer galing sa


Palan." Ang tanging sagot ni Brynna.

            "But it will take another two days, baka ikaw ang magkasakit?"

            "Hindi po, maya-maya po darating na ang healer." Siguradong sagot ni


Brynna na ipinagtataka naman ni Miss Elvira.
            "Paano mo nasabi iyan?" tanong nito.

            "Dahil nararamdaman ko po ang kanyang kapangyarihan at malapit na siya.


Hindi mo ba nararamdaman iyon Miss Elvira?" Saka tumingin dito.

            Saglit na pumikit si Elvira ng magmulat ng mga mata napatingin ito sa


batang kaharap.

            "Wala akong naramdaman.  Kung totoo ang sinabi mo, pero healer?  Hindi
HealerMage?  At nag-iisa lang siya?  Saka paano mo naman nalalaman na malapit na
siya?"

            "Dahil malapit lang po ang tirahan niya sa La Fun."maikling sagot ni


Brynna na lalong ipinagtaka ni Miss Elvira.

            "Kung ganun sabay na tayong maghintay para makilala ko ang sinasabi


mong healer." Pagkasabi niyon ay nag-umpisa na uli ang dalawa sa pag-iinspeksyon sa
mga sugatang La Fun.

            Napatingin si Brynna ng may nagbukas sa pintuan ng tent. Agad itong


napangiti at tumayo ng makilala ang nakakapoteng pigura sa pintuan. Sinalubong
nito ang bagong dating at niyakap. Nag angat ng ulo si Elvira at nasaksihan nito
ang pagyakap ni Brynna sa bagong dating na para bang nakahanap ng kakampi.

            "Brynna, okey ka lang ba anak?" Sunod-sunod na tango ang isinagot ni


Brynna kahit gusto na nitong umiyak. 

            "Mukhang hindi ka okey.  Pero mamaya na tayo mag-usap.  Magpahinga ka


muna." Hindi nababaling utos ni Sola kay Brynna. Nagtataka si Sola ng makitang
umiiling si Brynna.

            "May ipakilala po muna ako sayo bago ako magpahinga, pwede po ba mama?"
pakiusap ni Brynna.

            "Sige, saan ba ang taong ipapakilala mo sa akin?" Sasamahan na sana ni


Bryanna ang ina ng lumapit bigla si Miss Elvira.

            "Oh!" Namula ang pisngi ni Brynna dahil nawala sa isip nito na


ipakilala si Miss Elvira. At hindi lang iyon, naisip din ni Brynna na baka malaman
pa ng mama niya ang kasinungalingang ginawa niya. O mabuko siya.

            "Miss Elvira, ang mama Sola ko. Ma, si Miss Elvira, sa kanya ako
nagtatrabaho." Atubiling pakilala ni Brynna sa dalawang babae.
            "Mama--?"

            "Nagtatrabaho--?" Halos magkasabay na tanong ni Elvira at Sola.

            Napangiwi si Brynna. Hindi alam kung paano aaminin ang kasinungalingang


ginawa. Anyong magpapaliwanag si Brynna ng biglang magsalita si Miss Elvira.

            "Sola?" kunot noo'ng tanong ni Elvira.

            Ibinaba ni Sola ang nakatakip na hood sa ulo.

            "Oh my god! A—auntie Sola?" gulat na gulat na usal ni Elvira. Kumunot


ang noo ni Sola sa narinig.

            "Ako si Elvie. Naalala mo ba ako? Ako ang nag-iisang anak ni Selena


MoonGlow." Lumapit ito kay Sola at niyakap ito. Hindi sumagot si Sola, tahimik lang
itong umiiyak. Si Brynna na nagmamasid sa dalawa ay napaiyak na rin.

            "Ang tagal ka naming hinanap Auntie Sol, ng buong mag-anak. Pati na si


Duke Brennon at Duchess Lyla. Ngunit hindi ka namin mahanap. Saan ka ba nagpunta?"
sunod sunod na tanong ni Miss Elvira kay Sola.

            "Ipagpaumanhin mo Elvira hija, pero maari ba mamaya na natin pag-


uusapan ang tungkol dyan? Iyong tayo-tayo lang?" pakiusap ni Sola sa pamangkin na
agad namang sumang-ayon. Binalingan ni Sola si Brynna. Brynna, nasaan ba iyong
gusto mong ipakilala sa akin?"

            "Nasa wagon po mama." Sagot ni Brynna at nauna na itong lumabas sa


tent. Nagtatakang sumunod si Sola kasabay si Elvira. Nasa ilalim ng punong Narra
ang wagon na sinasabi nito. Si Brynna at Sola lang ang pumasok sa loob dahil hindi
iyon kalakihan.     

            Napasinghap si Sola sa nakita. Isang batang kasing edad ni Brynna ang


nandoon. Napakaganda nito. Hindi man sabihin alam ni Sola na may lahing Elfo ang
bata dahil sa kulay ng kutis at buhok nito, idagdag pa ang angking kagandahan nito.

            "Anong nangyari sa kanya anak?" Matagal bago nagsalita si Brynna.

            "Alam ko na hindi ang batang ito ang rason kung bakit gusto mo na
pumasok tayo dito. Alam nating dalawa na mas magaling ka pa sa akin. Kaya magsabi
ka sa akin ng totoo." Tanong ni Sola.

Walang nagawa si Brynna kundi ikwento ang lahat dito ni Brynna ang mga pangyayari.
Mula ng dumating sila sa La Fun hanggang sa natagpuan niya ang batang nakahiga
ngayon sa harapan nila. Nang umabot sa puntong isinalaysay ni Brynna ang nagawa ay
hindi nito napigilang umiyak. Walang ginawa si Sola kundi ang hayaan ang anak na
sabihin lang lahat ng nararamdaman. Naintindihan nito ang ginawa ng anak, ngunit
higit sa lahat ang katutuhanang kumitil ng buhay ang anak. Alam nito na dadalhin
nito iyon sa konsensya at kailan man ay hindi iyon malilimutan.

            "Brynna anak, tama na. You did what you need to do. Alam mo yan, kung
hindi mo ipinagtanggol ang iyong sarili at ang mga kasamahan mo baka kung ano na
nag nangyari sa inyo. Ni ang isipin ay ayoko sa posibilidad na iyon. Alam ko hindi
ko dapat ito nararamdaman but I am glad you did it. Alam ko na hindi mo ito
malilimutan kalian man, na siya namang dapat para magsilbing aral ito sayo. Kilala
kita anak, hindi ka mamatay tao. Napakabait mong bata, kailangan mo lang tanggapin
at sana dumating ang panahon na patawarin ang sarili mo."  Umiiyak na tumango si
Brynna.

            "Kung hindi mo iyon ginawa wala na sanang La Fun ngayon. Yan ang
pakaiisipin mo. Now, I want you to sleep and take a rest."  Binantayan ni Sola ang
anak hanggang sa makatulg ito saka lumabas ng wagon.

            Nakita ni Sola na naghihintay sa labas ng wagon ang pamangkin kaya


nilapitan niya ito. 

            "Kumusta si Brynna?" agad natanong ni Elvira.

            "Iniwanan kung natutulog. Salamat hija sa pag-alala kay Brynna. Elvira,


hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Dalawang araw mula ngayon ay darating na ang mga
healer ng Palan at Brun. Kung maari sana bago dumating ang araw na iyon ay nasa
Brun na kayo."

            "So, Brynna already told you about what happened at gusto mong ilayo
ang mga bata?" tumango si Sola.

            "Kailan mo gustong umalis kami?" tanong ni Elvira.

            "Ngayon na habang natutulog ang dalawang bata. Paki-usap hija,


pakaingatan mo si Brynna." Puno ng paki-usap ang mga mata ni Sola na tumingin sa
pamangkin.

            "Of course, lalo na ngayon alam ko na pinsan ko pala siya—"

            "Hindi ko siya anak. Elvira makinig ka, sampung taon sa buhay ko


ginugol ko na palakihin, alagaan at siguraduhin ang kaligtasan ni Brynna. I would
gladly give my life for her. And I want you to do the same. Nakasalalay ang
kinabukasan ng Brun sa mga kamay nito. Pagdating mo sa Brun, huwag mong kalimutang
ipakilala siya sa mama mo. She knows what to do. And no matter what happen hija,
make sure that you follow Brynna's decision gaano man ka imposible iyon. Ipangako
mo iyan. I will stay here hanggang dumating ang panahon na kailangan ako ni Brynna.
Maasahan ba kita ha Elvira?"
=================

Chapter 10

Lancaster Manor

Kasalukuyang nasa hapagkainan ang mag-anak na Lancaster naghahapunan masayang nag-


uusap ang mag-asawang Brennon at Lyla ng biglang magtanong ang bunsong anak na si
Byron.

"Pa, I was at the plaza a few weeks ago when I saw this girl."
Seryosong kwento nito.

"Oy, may napupusuan na si bunso! Maganda ba By?" may kasamang kindat


pang tukso ng panganay na si Bryan.

"Oo, sobrang ganda niya, mga walo hanggang sampung taong gulang siguro
siya. Siya na siguro ang pinakamagandang babaeng nakita ko aside kay mama."
Seryosong sagot ni Byron hindi alintana ang panunukso ng kapatid. Tumingin ito sa
amang si Brennon.

"Pa, sure ka ba na wala kang ibang babae maliban kay mama?" Muntik ng
mabulunan si Brennon sa tanong ng anak. Hindi naman mapigilan ni Lyla ang matawa.

"Anong klaseng tanong yan By? You're not a kid anymore para magbiro ng
ganyan!" kunot noong suway ni Bryan sa kapatid. Nag-alala ito na baka ma-offend ang
ina.

"Pa, I just want an honest answer. Kung itatanong ko ito sayo na wala
si mama sa harapan parang mas lalong hindi maganda. And I want an honest answer,
malalaki na rin naman kami ni kuya." Tumigil sa pagtawa si Lyla ng makitang seryoso
ang bunsong anak.

"Sagutin mo ang tanong ng anak mo Brennon." Bagaman seryoso ang boses


ni Lyla ng magsalita ,nakikita naman sa mga mata nito ang totoong nararamdaman.

Tumikhim muna si Brennon bago nagsalita.

"No. And you will not insult me with that kind of question anak kung
walang dahilan. Now tell us." Seryosong tanong ni Brennon. Tumahimik ang lahat kaya
naman kinabahan si Byron ng magsalita.

"I-I'm sorry pa, pero she really, really look like mama kaya imposible
naman na anak ninyo siya sa iba kung kamukha siya ni mama. Tapos yong younger
sister namin, diba matagal na siyang patay?" Nauutal pang kwento ni Byron.
"Who?" bahagya pang umangat sa upuan na tanong ni Brennon sa anak.

"The girl I saw at the plaza few weeks ago. She even have the same hair
color with mama and the bluest eyes I've ever seen."

"Is this the reason why you asked me to show you the painting when I
was young? Tanong ni Lyla.

"Yes ma, I swear she really looks like you. Nagsisisi nga ako kung
bakit di ko siya nilapitan eh. Pero ng lapitan ko na sana, bigla naman siyang
umalis. Nilapitan niya ang mga batang nagpapalimos sa daan. Tapos sumama pa siya sa
mga bata patungo sa slum area kaya di na ako nakasunod. I tried to stay in the
plaza every Sunday o kahit hindi Sunday baka makita ko siya kaso it has been weeks
but no sign of her. Hindi na siya bumalik." Patuloy ito sa pagkwento. Hindi
napansin na namutla ang amang si Brennon. Hindi naman iyon nakaligtas kay Lyla at
sa panganay na anak.

" Yesterday nakita ko yong mga batang sinamahan ng batang babae, na


nalalaro sa plaza kaya nilapitan ko. Gusto ko kasing malaman ang kahit pangalan man
lang ng batang kamukha ni mama. Ang sabi naman ng mga batang sina Irish at Irene na
Brynna daw ang pa—." naputol ang kwento ni Byron ng marinig nito ang pagsinghap ng
inang si Lyla. Saka lang nito napansin ang reaksiyon ng ama at ina.

"Pa, diba sabi mo wala kang anak sa ibang babae?" Paninigurong tanong
nito sa ama dahil nakita nitong tumulo ang luha sa mga mata ng ina.

"Byron, alam ba ng mga batang kausap mo kung saan nakatira ang sinasabi
mong B-Brynna?" pigil hiningang tanong ni Brennon sa anak.

"Hindi po nila alam." Napapikit si Brennon sa narinig.

"Pero ang sabi po nila nagtatrabaho daw po ito sa isang Apothecary shop
na malapit po sa Mer. Di po ba doon ang shop ni Miss Elvie? Kaya pinuntahan ko,
kaso wala naman doon si Miss Elvie nasa La Fun daw at kasama daw nito ang bagong
katulong sa shop! Kaya naisip ko na baka si Brynna na yon! Pero papa nag-alala po
ako kasi di po ba nilusob ng Tuskan ang La Fun? Baka po napaano na sila ni Miss
Elvie."

Hindi agad nakasagot si Brennon, halos hindi pa ito makarecover sa


nalalaman sa anak. Kung totoong nasa La Fun ang batang tinutukoy nito ay nasa
pilegro ito. Tama ba ang hinala nila ni Brandon? Hindi niya mapatawad ang sarili
kung may mangyaring masama sa bata. Dapat ba na hindi sila tumigil sa paghahanap?
Kailangang makasiguro muna siya bago niya ito sabihin sa asawa.

"Brennon, may problema ba?" nag-alalang tanong ni Lyla sa asawa.

"Thank you Byron hijo for telling us about this, will you excuse us for
a moment?"
"I'm sorry pa, but don't you think we deserve to know what's going on?
Kung totoong wala kang ibang anak na babae, impossible naman may kamukha lang si
mama diba?" ani ni Bryan sa ama.

"Bren, pinakaba mo ako. Is there something that you didn't tell me?"
kinabahang tanong ni Lyla sa asawa.

Nanlulumong umupo uli si Brennon wala na itong magawa kundi ipagtapat


ang kutob sa asawa at mga anak. Kaya inaya ang mga ito sa sariling silid aklatan.
Ng makitang komprtableng nakaupo ang lahat say aka ito nagsimulang magkwento.

"Bryan, did you remember when you I told you that you had a little
sister?"

"Opo, she died at birth." Sumulyap pa ito sa ina.

"Brennon what is this? Pinakaba mo ako ng husto?" namumutla sa kabang


tanong ni Lyla.

"You're Uncle Brandon have a theory, aaminin ko pati ako ay ganun din.
After your mother learned about the death of your baby sister, she was so
devastated. I was at the room after she gave birth dinamayan ang inyong ina sa
kanyang pagdalamhati. I have never had the chance to hold your sister. The healer
was the one holding her at dahil hindi ko maiwanan ang inyong ina, I asked her to
do the burial preparation. Two days later pinagsisihan ko iyon."

"What are you trying to say Brennon? Na buhay ang anak natin?"
naluluhang tanong ni Lyla sa asawa.

"Kung totoong kamukha mo ang nakita ni Byron, then yes, our daughter
might be alive?" Amin ni Brennon.

           Halos himatayin si Lyla sa narinig.

"All these years Bren, why hide it from me? Alam mo kong gaano kasakit
sa akin ang pagkawala ni Brynna." Puno ng pagtatampo ang boses ni Lyla.

"And live like I do? Alam mo bang sampung taon ko iyong dinala sa
konsyensiya ko? Kung bakit hinayaan kong ibang tao ang mag-asikaso sa anak ko? Na
sana naging alerto ako at nagmasid gaya ng ginawa ng kapatid ko, di sana nangyari
na nakawin ng pinagkakatiwalaan kong healer ang ating nag-iisang anak na babae!
Everyday, simula ng sabihin ni Brandon ang kutob niya hindi na kami tumigil sa
paghahanap kay Sola. Pero nawala ito ng parang bula. I'm sorry Lyla, pero I don't
want to give you more pain. Ayaw kung umasa ka kasi wala pa kaming sapat na
ibedinsya ni Brandon." Lumapit ito sa asawa.
"You could have told me Bren, kahit papano nabigyan ako ng pag-asa.
Para mabawasan ang sakit na aking nararamdaman."

"No Lyla, it could be worse dahil bawat araw na lilipas na hindi natin
nakikita si Brynna ay wala kanang gagawin kundi pag-isipan ang kalagayan ng anak
natin. Kung kumain ba siya sa tamang oras at kung ligtas ba ito. No, I won't
subject you to that kind of pain."

"Two days after the burial kinausap ako ni Brandon, ipinagtapat niya sa
akin ang kanyang nakita sa loob ng silid." patuloy na salaysay ni Brennon sa lahat.

"Nang marinig ko iyon hindi agad ako naniniwala, ngunit ng ipakita ni


Brandon ang bagong tubo na halaman sa akin, doon lumakas ang paniniwala ko kaya
hinanap namin si Sola ngunit hindi na namin ito mahagilap." Lumapit si Brennon sa
bintana ng silid at hiiawi ang kurtina.

"Nakita ba ninyo ang punong yan, ang bagong sibol na halamang itinanim
ko diyan. After ten years, it grew into mahogany tree ang kaparihong puno kung saan
yari ang kama namin ng mama ninyo. Sa araw-araw na nikikita ko iyan it give me hope
na balang araw babalik sa atin ang ating anak Lyla, ang kapatid ninyo." Nilingon
nito ang dalawang anak na lalaki may namuong luha sa mata ni Brennon ng sabihin
iyon. Lumapit si Lyla sa asawa at niyakap ito.

"I'm sorry love."hinging paumanhin ni Brennon sa asawa. Napalingon ang


lahat ng biglang may marinig na kumakatok sa pintuan ng silid. Si Brandon ang
napagbuksan ng silid ni Byron.

"Uncle Brandon!" tuwang-tuwa itong yumakap sa tiyuhin. Pagkatapos ng


mabilis na kumustahan agad na ipinahiwatig ni Brandon na gusto nitong makausap ng
sarilinan ang kapatid. Agad namang nakuha ni Brennon ang ibig ipahiwatig ng kapatid
kaya pinaalis na nito ang dalawang anak kasama na ang asawa. Ngunit hindi pumayag
si Lyla kaya naiwan ito. Nang makaalis ang mga anak saka lamang nagsalita si Lyla.

"She's my daughter too kaya karapatan kong malaman ang lahat ng may
kinalaman sa kanya gaano man ito kaliit." Ani ni Lyla sa determinadong boses.

"Easy love, wag mong takutin ang kapatid ko. So, anong balita Bran?
tanong nito sa kapatid.

Ikinuwento nito ang nangyari sa La Fun. "Walang nakakakilala sa


dalawang batang naroon, hindi rin nagsasalita ang mga taga La Fun. Pero base sa
kwento nakakapangilabot ang kapangyarihan ng dalawang batang iyon---."

"Nakita mo ba si Elvira sa La Fun Bran?" sabad na tanong ni Lyla.


Natigilan saglit si Brandon ngunit agad itong ngumiti.

"Paano ninyo nalaman? Oh, never mind. Yes, nakita ko si Miss Elvira.
And this is the most interesting part. May kasama siyang dalawang batang babae."
Akmang tatayo si Lyla ng pigilan ito ni Brandon.

"Lyla please, you might want to listen to this first before you barge
in there." Napahinuhod naman si Lyla sa tulong ni Brennon.

"Sa naikwento ko na sa inyo kanina, dalawang bata ang tumulong sa La


Fun. It's not just a hundred army Lyla. It's thousands, at natalo ng dalawang bata
iyon. And if you remember kanina, na ang pumatay kay General Burien ay isang batang
babae na may bughaw na mata." Bahagyang natigilan si Lyla sa narinig.

"M-my d—daughther-----?"nauutal na paniniguro ni Lyla.

"Yes, at hindi lang iyon. Kinausap ko si Elvira bago ako nagpunta dito
dahil gusto kong manigurado bago ko ipaalam kay Brennon ang nalalaman ko. Tatlong
araw na hindi natulog o nagpahinga ang bata simula ng gawin niya iyon Lyla,
Brennon. It was her first time to kill someone, kaya hindi nakayanan ng bata ang
lahat. Ibinuhos nito ang lahat ng enerhiya at kapangyarihan sa panggamot na para
bang sa pamamagitan nito maibsan kahit konti ang kasalanang nagawa."

"But it was self-defence! Mas gugustuhin ko pang patayin niya lahat ang
mga sundalong Tuskan na iyon kaysa buhay niya at ng mga inosenteng tao ang
kapalit." Halos sumigaw si Lyla ng sabihin iyon.

"But your daughter doesn't know that Lyla, sa tingin ko ang tanging
nasa isipan niya ay ang katutuhanan kumitil siya ng buhay. She's a healer by the
way. Ayon kay Elvira nagpahinga lang ito ng dumating si Sola. Hindi alam ni Elvira
kung ano ang pinag-usapan ng dalawa---."

"Ano ang kinalaman ni Sola dito? Diba siya ang nagtraydor sa amin?"
galit na tanong ni Lyla.

"Lyla, huminahon ka. Contrary to what we think hindi nagtraydor sa inyo


si Master Sola. Ayon kay Elvira, pinapangako siya ni High Lady Sola na siguraduhing
ligtas si Brynna kahit kapalit pa ito ng buhay ng pamangkin at na sundin ang
desisyon ng bata kahit gaano pa ito kaimposible. Hindi naintindihan ni Miss Elvira
iyon pero nangako parin sa tiyahin. At hindi lang yan, may kutob ako na alam ng
bata kong sino ang tunay nitong mga magulang."

"Ano? Paano mo nasabi iyan Bran? Na sa pagkakataong iyon ay hindi na


napigilang sumabat sa usapan.

"Kutob ko, kaya nagpunta ang bata sa Brun ay para kilalanin ang tunay
na mga magulang. At sa tingin ko kaya hindi siya lumapit sa inyo dahil sa takot
siguro na baka hindi ninyo ito paniwalaan. Kung ang lahat ng kutob ko ay tama,
hayaan ninyo na anak ninyo mismo ang lalapit sa inyo."

"Pero kalian pa iyon Bran? Gusto ko ng makita at makasama ang anak


ko!"hindi mapigilang maging emosyonal ni Lyla.

"I have a plan." Mahiwagang sagot ni Brandon.

=================

Chapter 11

"O, Tarieth, bakit ikaw ang nandito nasaan si Brynna?" nagtatakang


tanong ni Elvira ng makitang si Tarieth ang nagbabantay sa shop instead na si
Brynna.

            Nasa ikatlong araw ng paglalakbay pabalik ng Brun ng magkamalay si


Tarieth. Agad namang nagkasundo ang dalawang bata na siyang ikinatuwa si Elvira.
Sana sa pamamagitan ng pagiging magkaibigan ay parehong makalimutan ng dalawa ang
karanasan sa La Fun.

            "Nasa workroom po ninyo Miss Elvira." sagot ni Tarieth.

            Kumatok muna si Elvira sa pintuan bago pumasok sa workroom. Nag-alala


na si Elvira kay Brynna.  Halo doon na ibinuhos nito ang lahat ng atensiyon at
oras. Hindi na ito lumalabas ng shop, tanging si Tarieth lang ang kinakausap nito.
Ni ayaw humarap sa ibang tao. Alam ni Elvira na parang natrauma ang bata, hindi
nito alam kung ano ang gawin para makatulong kay Brynna kaya hinayaan na lamang ito
ni Elvira na manatili sa workroom. Naging napakalaki ng tulong ng dawalang bata kay
Elvira. Habang si Tarieth ang nagbantay sa shop, si Brynna naman ang katulong ni
Elvira sa paggawa ng gamot. Hindi kaila sa mga bata ang dumadaming sakit ngayon sa
Brun.

            "Brynna?" tawag ni Elvira, ng wala itong marinig na sagot ay bigla


itong kinabahan.  Pagpasok ay mabilis na hinahanap si Brynna.  Natagpuan nitong
natutulog sa sahig si Brynna, nakaunan sa sariling kamay. Hindi mapagdisisyunan ni
Elvira kung gigisingin ang bata o hahayaan na lang ngunit hindi din maganda na
matulog sa malamig ang sahig. Muking lumabas si Elvira para humingi ng tulong kay
Tarieth na para ito na ang gumising kay Brynna.  Iniisip kasi nitong mapapahiya si
Brynna.

            Naabutan ni Elvira na may tao na inaasikaso si Tarieth.  Nagulat pa ito


ng makilala ang inaasikaso ni Tarieth.

            Yumukod muna si Miss Elvira sa dalawa bago nagsalita.  "Magandang araw


Duke Brennon, Duchess Lyla.  Kumusta po kayo?  May ipaglilingkod po ba ako sa
inyo?"

            "Mabuti naman Elvira, napagpasyahan lang namin na maglakad-lakad.


Naalala ko na malapit dito ang shop mo kaya dumaan kami." Ani ni Brennon.
            "May bago ka palang kasama. Tarieth tama ba ako?" tanong ni Brennon sa
batang kaharap.

            "Opo." Nahihiyang sagot ni Tarieth.

            "Ang totoo, dalawa ang katulong ko sa shop." Nakangiting sabi ni


Elvira.  "Naku! Muntik ko ng makalimutan! Kailangan ko pala ng katulong mo Tara na
gisingin ang batang iyon."

            "Bakit anong nangyari? At pakiusap ilang beses ko ng sinasabi sa iyong


tawagin mo akong Lyla." Bago pa nakasagot si Elvira naunahan na ito ni Tarieth.

            "Nakatulog na naman ba si Brynna sa workroom Miss Elvira?" natatawang


tanong ni Tarieth.

            "Oo, kaya kailangan ko na naman ang tulong mo para gisingin siya."

            "Bakit kailangan pang gisingin, tutulungan na kita Elvira na buhatin


ito at dalhin sa silid ng bata ng sa ganun ay makapagpahinga ito. Dito ka nalang
hija para may maiwang magbantay dito. Tara na, saan ba itong work room mo?" nauna
na itong pumasok sa loob kasabay ang asawa. Walang magawa si Elvira kundi sumunod
sa dalawa.

            Sa loob ng workroom agad nakita ni Brennon at Lyla sa unang pagkakataon


ang anak. Parang piniga ang puso ni Brennon at Lyla ng makita ang hitsura ng anak.
Nakahiga ito sa sahig. Ni wala man lang sapin para hindi lamigin. Ginawang unan ang
pinagsalikop na kamay. Natabunan ng mahabang buhok ang mukha nito kaya tumalungko
si Brennon para hawiin ang buhok ng anak ngunit naunahan na ito ng asawang si Lyla
na nag-uunahan ang luha sa pagdaloy sa mga mata nito.

            "My baby..."mahinang usal ni Lyla ngunit narinig iyon ni Elvira.


Natulala ito sa narinig. Agad na napagtagni-tagni nito ang lahat ng mga
pangyayayari saka lang nito napagtanto na kaya pamilyar sa kanya ang mukha ni
Brynna dahil kamukha nito ang Duchess.

            "Love, kailangan na nating ilipat si Brynna. Masyadong malamig ang


sahig baka dapuan pa ng saki ang anak natin." Mahinahong paalala ni Brennon sa
asawa na agad namang tumalima. Maingat na binuhat ni Brennon ang anak. Agad namang
itinuro ni Elvira ang silid ng dalawang bata.

            Mas lalong napaiyak si Lyla ng makita ang silid ng anak. Napakaliit


niyon at wala halos gamit.

            "Hindi ba pwedeng ilipat ang mga bata sa maayos na silid Elvira?" May
kalakip na paki-usap na tanong ni Lyla.

            "L-lyla, sinubukan ko na po na sabihin iyan sa dalawa dahil alam ko


kung gaano kaliit ng silid na ito. Ngunit ayaw pumayag, pareho daw silang walang
pera para pambayad ng upa. Ayaw naman na pumayag ng libre. Mataas po ang pride ng
batang iyan. Well, I guess alam ko na kung saan nagmana?"napapangiti paliwanag ni
Elvira sa dalawa na napangiti sa narinig.

            "I know you already knew this but allow me to say this. You have a very
powerful daughter your grace. At sa maikling panahon na magkasama kami. I could say
that, she has a big heart. Iwanan ko muna kayo." Paalam ni Elvira sa mag-asawa.

            "She really looks like you Lyla. Pati ang kulay ng buhok. How I wish we
have seen her grow."           

            "Me too. Our dream came true Bren. And I want to hold her too. Hindi ba
talaga pwedeng ipaalam natin sa kanya na alam na natin na anak natin siya." Halong
paki-usap ni Lyla sa asawa habang maingat na hinahaplos ang buhok ng natutulog na
anak.

            "Let's make her decide love, hindi natin alam kung ano ang nararamdaman
ng anak natin. We need to give her freedom to decide for herself." Natigil ang pag-
uusap ng mag-asawa ng biglang bumukas ang pintuan.

            "Your grace, I'm sorry to disturb you, pero may problema." Habol
hininga na balita ni Elvira. Agad tumayo si Brennon at inalalayan ang asawa,
pagkatapos maingat na halikan ang noo ng anak sumunod na rin si Lyla.

            "Anong problema? Agad na tanong ni Lyla pagkasarado ng pinto at humarap


sa dalawa.

            "We have to go Lyla, Mer Healing House just confirmed twenty three
cases of Black Fever. I need to make sure that you are safe and the children before
I go and do something about the situation." Puno ng pag-alalang sagot ni Brennon. 

            "Pero paano naman ang anak natin dito Bren? Ayoko iwanan siya na hindi
sigurado ang kaligtasan niya!"

            "Ako na po ang bahala sa dalawa. I'll find a way to keep them safe. 
Pwede rin po na dalhin ko sila sa Manor. I'll just need time to think for a reason
to convince them."

            "I'll keep Brynna safe." Napalingon ang lahat ng marinig nila ang isang
boses ni Tarieth sa kanilang likuran. Nagkatinginan ang tatlo.  Nagtataka si
Brennon kung bakit parang pamilyar sa kanya ang batang si Tarieth at kung bakit ang
lakas ng hatak na nararamdaman ni Brennon na maniwala  sa sinasabi nito ng walang
pag-alinlangan. Lumapit si Lyla sa bata, hinawakan ito sa balikat at yumuko upang
magpantay ang kanilang mukha.

            "Salamat Tarieth, aasahan ko yan ha." Ani ni Lyla na nakangiti.


            "Your daughter is powerful, and she could become the best healer in
Elvedom.  There is no illness that can kill her, natural or magic. That is the
reason why I let her stay in the workroom.  Dahil bago palang siya nagpunta sa La
Fun alam ng anak ninyo na may nangyayaring kakaiba sa Mer."

            Nanayo ang balahibo sa katawan ng tatlo.  Ang simpleng pagbigkas nito


sa Elvedom na para bang ordinaryong lugar lang iyon ay nakakapangilabot. Ang
nakapagtataka pa ay kung saan nito nakuha ang ganoong kaalaman?

            "Thank you again hija, pero mabuti na iyong nakakasiguro tayo sa


kaligtasan ninyong dalawa. Sige, mauna na kami ng asawa ko, Elvira aasahan ko ang
sinasabi mo." Paalam ni Brennon bago inalalayan ang asawa palabas ng shop.  Kahit
malayo na ang mag-asawa ay narinig pa rin ni Tara ang pinag-uusapan ng dalawa.

            "She has the grayest eyes that I've ever seen. Parang nanunuot iyon sa
kaibuturan ng pagkatao ko. She remind me of someone Bren. Her innocent face and
huge eyes are too captivating.  Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko habang
kaharap ang batang si Tarieth? Naniwala ka ba sa sinasabi ni Tarieth na si Brynna
ay maaring maging isang pinakamagaling na HealerMage sa buong E-elvedom?"

            "Yes, I felt it too.  But love, she's just a child. No matter how
powerful they both are, they still needed guidance from older people.  They are
just kids." Ang tanging sagot ni Brennon sa asawa. 

           Napabuntong hininga si Tara dahil may katutuhanan ang mga sinabi ng


Duke. 

=================

Chapter 12

            Nagising si Brynna ng nasa loob na ng maliit na silid nila ni Tarieth.


Napapahiya ng maisip na baka pinagtutulungan pa siyang binuhat ni Miss Elvira at
Tarieth. Nakatulong na naman siya sa workroom dahil sa sobrang pagod. Bumangon si
Brynna at binuksan ang nag-iisang bintana sa silid. Nagmamadaling inayos ang higaan
ng makita sa bintana na mataas na ang araw. Pagkatapos maglinis ng katawan at
magbihis at lumabas. Naabutan nito si Tarieth na nagbabantay sa shop.

"Hi Tara! Pasensya na tinanghali ako ng gising di tuloy ako nakatulong


sayo dito." Nagtaka pa si Brynna dahil humagikgik ang kaibigan. Nagtatanong ang mga
matang tumingin si Brynna dito.

"I'm sorry Bree, isang araw na ang lumipas, ikalawang araw na ito
simula ng makita ka ni Miss Elvira na natulog sa sahig. Sobrang late ka na! "
patuloy pa nito habang pinunasan ang luha sa gilid ng mata dahil sa kakatawa.
"Anyway, di ka ba nakaramdam ng gutom? May pagkain na akong binili kanina kumain ka
muna."
Napapangiti na rin si Brynna sa nakitang katuwaan ng kaibigan. She's glad she's
making her friend laugh after all that has happened. No. There's no use dwelling
on it, sasama lang ang kanyang pakiramdam.

"Oh good, you're awake. Brynna, Tarieth I need your help. There will be
a lock down in the city three hours from now and I need you two safe. But... since
you know a lot about medicine Brynna kailangan ko ang tulong mo. Don't worry hindi
mo kailangan na tumulong na manggamot. I just need you to help me make some anti-
biotic alam ko may alam ka doon. Okey lang ba?" alanganing tanong ni Elvira sa
dalawang bata na sabay namang tumango.

"Bakit po may lock down?" nababahalang tanong ni Brynna.

"Pero Miss Elvira kung may lock down paano makarating ang gamot sa
Healing house?" tanong ni Tarieth.

"Dadalhin ko kayo sa Lancaster Manor, doon may dating workroom si


Auntie Sola na hanggang ngayon ay walang gumamit. Kaya kailangan na magsara na tayo
ngayon para makapag-ayos na kayo." Paliwanag ni Elvira. Agad namang sinunod ng
dalawang bata.

Kanina pa di mapakali si Brynna. Palakad-lakad ito sa loob ng silid


nilang dalawa ni Tarieth. Pagdating nila sa Lancaster Manor unang itinanong ni
Brynna ay ang workroom ng mama Sola nito. At sa dating silid na rin ng ina nagpasya
ang dalawang bata na tumuloy kahit na binigyan ito ng tig-iisang silid.

"Tara, tatlong araw na tayo dito sa Manor, gusto mo bang lumabas kahit
saglit lang? Wala man lang tayong balita kung ano na ang nangyari sa labas. Dito
lang tayo tumutulong gumawa ng gamot. Ni hindi nga natin alam kung nakakatulong ba
ito. O kung totoong may out-break. Diba dapat pinakaunang ginawa ng mga
HealerMages ay hanapin kung saan ito nagsimula para makagawa ng lunas?"

"Iyon nga rin sana sasabihin ko sayo. Pero diba sabi ni Miss Elvira di
tayo pwede kasi mga bata pa tayo? Saka may mga magagaling naman na healers dito.
Pero nagtaka ako kasi dapat kanina pa nandito si Miss Elvira para kuhanin ang mga
nagawa nating gamot, ngayon tanghali na. Tingin mo nakahanap na kaya sila ng
lunas?"

"Siguro, kasi kung hindi dapat kanina pa nandito si Miss Elvira.


Tingin mo pwede na kaya tayong lumabas? Di naman tayo pinagbawalan na lumabas sa
silid diba?" Tumango si Tara bilang sagot.

"Tara, gusto mo bang sumamang lumabas? Ipakilala kita kina Irish at


Irene, gusto ko rin kasing kumustahin sila."

"Sino si Irish at Irene?"


"Nakilala ko sila noong unang nagpunta ako sa Plaza. Nagkataong
nagkasakit ang mama ng dalawa pati na si Irish, buti nalang may dala akong gamot.
Pero wala na akong balita sa dalawa kasi sumama ako kay Miss Elvira sa La Fun?"
Nang marinig ang La Fun sabay pa na natahimik ang dalawa.

Unang nakabawi si Tarieth. "Sige, para makalanghap naman tayo ng


sariwang hangin Bree. Tara na!"sabay hinila kay Brynna palabas ng silid.

"Saglit may kukunin lang ako." Bumitaw si Bree sa kaibigan at tinakbo


ang mga gamot. Dinala din nito ang bag at isinukbit sa balikat, pahalang sa
katawan.

Tahimik na naglakad ang dalawa palabas ng Manor. Malaking pasasalamat


ni Brynna at pwede silang lumabas na hindi na kailangang dumaan sa maraming pasilyo
sa Manor. May sariling pintuan ang workroom ng kanyang mama Sola na deretso sa
likod palabas ng hardin. Doon sila dumaan. Malapit na sila sa gate ng Manor ng
biglang may maalala si Byrnna at Tarieth.

"May nakalimutan tayo!" sabay pa na bulalas ng dalawa at nagtawanan ng


maalala na wala pala silang masasakyan papuntang plaza.

"So paano tayo ngayon makarating sa bahay ng mga kaibigan mo Bree,


lalakarin ba natin?"

"Pwede rin pero malayo, kaya mo ba?" may halong pag-alala na tanong ni
Brynna.

"At bakit naman hindi lakad lang naman ang gagawin natin. Saka malakas
na ako—."

"Pssst! Mga bata anong ginagawa ninyo dito? Alam niyo ba na may lock
down?" sita ng isang lalaki, nakasuot ito ng kulay brown na uniporme ng mga tauhan
ng duke. Nagkatinginan sina Brynna at Tarieth.

"Ah e—a-lam po namin, kaso may kailangan lang po kaming ihatid na mga
gamot sa Mer Healing house." Nauutal na rason ni Brynna.

"Sino ang may utos sa inyo?"

"Wala po kaso di po kinuha ni Miss Elvira ang mga gamot kaninang umaga
kaya po baka kailangan kaya kami na po ang maghahatid."

"Kayo baa ng mga katulong ni Miss Elvira?" usisa ng mamang bantay.


Saglit na pinagmasdan nito ng tingin ang hitsura nila Brynna. Ang suot ni Brynna
ay ang kasuotan ng pangkaraniwang mamamayan ng Brun. Kulay berdeng bistida na
hanggang sakong ang haba. Mahaba ang manggas na hapit. Round neck. Kulay puting
tela na isang pulgada ang lapad na itinali sa may baywang. Ang dulo ay hinayaang
nakalaylay sa likod, na umabot hanggang kalahating hita ni Brynna at sandalyas. Si
Tara naman ay naka itim na pantalong hapit. Naka boots na hanggang baba ng tuhod. 
Hapit sa katawan ang blusang mahaba manggas at may gloves ang mga kamay nankulay
itim.  Pinaibabawan ito ng kulay itim na kapote.  Mukha itong lalaki kaysa babae. 
Dagdag pang may bandana itong kulay itim sa ulo.

"Opo." Sabay pang sagot nina Tara at Bree.

"Mamang bantay may alam po ba kayo na pwede naming sakyan papunta doon
sa healing house?" tanong ni Tara.

"May karwahe pero totoo ba talaga na doon ang punta ninyo at di kayo
nagsisinungaling sa akin?"

"Naku hindi po! Ito nga po o." Ipinakita ni Brynna ang isang kahong mga
gamot na dala. Saglit nantiningnan ito ng mama. Tumango ito suminyas kina Bree
na sumunod dito.

Nang makarating sila sa gate saka nila nakita na may tatlong karwaheng
nakaparada doon. Lumapit ang mamang bantay sa isang karwahe.

"Pupunta ang isang ito sa Healing house, kung totoong doon ang punta
ninyong dalawa sumakay na kayo at sisiguraduhin ninyo na babalik agad kayo."
Kinausap nito saglit ang driver ng karwahe at pagkatapos ay suminyas na ito sa
dalawang bata na sumakay na, agad namang tumalima sina Brynna at Tarieth.

Pagkalipas ng sampung minuto nasa harapan ng isang malaking gusali na


yari sa semento, ang Mer Healing House. Ang pinakamalaking healing house sa buong
Brun.

"Wow! Ang laki pala ng Mer healing house!" ani ni Brynna habang
nakatingin sa malaking gusali. Nilingon nito ang kasama.

"Ano sa tingin mo Tara? Nakakakita ka na ba ng ganito kalaking healing


house?"

"Hindi pa. Pero may nakita na akong mas maganda at mas malaki pa dito
na gusali."

"Talaga? Saan?" Si Brynna na biglang na curious.

"Sasabihin ko sayo pero hindi sa ngayon."

"Ah, okey. Tara ihatid na natin ito para makadalaw na tayo sa mga
kaibigan ko." Aya ni Brynna.
Sabay na pumasok ang dalawa sa healing house. Agad na nagtanong ang
dalawa kung saan matatagpuan si Miss Elvira. Inulit lang ni Brynna ang rason sa
kausap na water mage, a novice healer.

"Maraming ginagawa ngayon si Miss Elvira." sagot naman nito.

"Saglit lang naman po, ibibigay lang po namin ito." Ani ni Brynna na
bahagya pang itinaas ang bag na dala.

Saglit na nag alinlangan ang babae pero pagkalipas ng ilang sandali


nakapagdesisyon itong samahan na lang sila sa kinaroroonan ni Miss Elvira. Marami
silang silid na nadadaanan na puno ng mga pasyente. Hindi nagustuhan ni Brynna ang
amoy na nalalanghap niya. Sinulyapan nito ang kasamang si Tarieth, napansin din ni
Brynna na halos hindi na humihinga ang kasama. Naawa siya dito kaya kinausap niya
ito.

"Tara, gusto mo bang sa labas nalang maghintay? Alam ko naman na hindi


ka sanay sa ganito."

"No, I'll stay with you." walang nagawa si Brynna sa matigas na


desisyon ng kaibigan kaya hinayaan nalang niya ito.  Tahimik na sumunod sila sa
novice healer.  Huminto sa pinakadulo ng pasilyo at itinuro ang isang pinto.

"Nandiyan si Miss Elvira sa loob, iwan ko na kayo." sabi nito at agad


namang umalis.

Kumatok muna si Brynna ng tatlong beses, bago may nagbukas sa pinto.


Halatang nagulat ito ng makita sila sa labas ng pintuan.

"A-Anong ginagawa ninyong dalawa dito? Alam ba ninyo kung gaano ka


delikado ang ginagawa ninyo?" galit na galit nitong tanong sa dalawang bata.

"S-ssorry po Miss Elvira, nagtaka lang po kasi ako—

"Kami." Sabat ni Tarieth.

"Kami dahil walang kumuha sa mga gamot na ginawa namin. Kaya


napagdesisyonan namin na kami na lang ang maghatid dito." Yuko ang ulong sabi ni
Brynna. Hindi nakaligtas sa paningin ng dalawa ang maputlang at nangangalumatang
hitsura ni Miss Elvira.

"Mga bata kayo!  Di ba ninyo naisip na baka mahawa kayo? Kaya nga may
lockdown dahil dumami ng dumami ang mga maysakit. It's like an epidemic. Alam ba
ninyo kung ilan na ang namatay sa loob ng tatlong araw ha? Lampas na sa isang
daan!" Mukhang defeated ang hitsura nito.
"Hindi nyo po ba alam hanggang ngayon kung ano ang pinagmulan ng
sakit?"

"No Tara, hindi pa rin. Ni hindi pa matukoy kung ano ba talagang


klaseng sakit ito. Tinatawag nila itong black fever dahil sa kulay ng balat ng mga
dinapuan but the healers couldnt find the cure." desperadong sabi ni Miss Elvira.

Nandito na rin lang naman kayo come on in, I want to show you to someone."
Pinapasok nito ang dalawang bata at muling isinara ang pinto.

Unang nakita ni Brynna pagpasok sa silid ay ang isang higaan.  Nang


makalapit ay nakita ni Brynna na isang babae ang nakahiga doon.  Sobrang putla ng
kulay nito na parang ilang buwan ng hindi naaarawan.

"Brynna, Tarieth, meet my mother, Selena." Punong puno ng lungkot at pait ang boses
ni Miss Elvira ng magsalita. Ganun nalang ang panghihilakbot ni Brynna at Tarieth.

=================

Chapter 13

           "Paano po nangyari yon?" tanong ni Tarieth.

"Hindi ko rin alam. Sa nasabi ko na sa inyo hindi nakakahawa ang sakit


pero maraming mga bagay na hindi kaagad namin na nalaman kaagad. 

"Kontamina di po ba?"

"Oo Brynna. Kontaminading tubig, pagkain at kahit kagay ng lamok. At


alam nating lahat na marami ang nagpupunta sa bath house. Kahit isang tao lang ang
may black fever ang magpunta sa bath house kahit nasa maagang stage pa ng sakit ay
nakakahawa na rin ito. Kaya biglaan ang pagdami ng may sakit lalo na ngayong
taglagas palang."

"Yong sakit po, anonpo ba ang mga sintomas at gaano katagal gupuin ang
isang taong maysakit?"tanong ni Brynna.

Matagal bago nagsalita si Elvira. Gustong batukan ni Brynna ang sarili


sa tanong niya na napakainsensitive.  Hindi na niya naisip ang nararamdaman ng amo.

"Sorry po, Miss Elvira." Hinging paumanhin ni Brynna.

"Hindi.  Okey lang ako Brynna." Lumapit ito sa ina at pinagmasdan.


"Pinakamatagal na ang isang linggo. Karamihan sa mga pasyente ng mama
ay inaabot lang ito ng tatlo o apat na araw. Depende sa lakas ng katawan.
Inaatake ng sakit na ito ang red blood cells, kaya namumutla ang pasyente.
Kailangang hydrated ang pasyente at aabunuhan ng dugo, pero sa dami ng pasyente
wala ng laman ang blood bank. May mga nagbibigay ng dugo kahit ako nagbigay na ako
para sa mama ko, pero kailangan din kasi na magkapareho kayo ng blood type. Buti
nalang magka type kami.  Pero ang katawan niya ay patuloy na lumulubha.  May mga
itim na spots na rin makikita sa iba't-ibang larte ng katawan niya. Hindi ko na
alam ang gagawin Brynna, Tarieth." Umiiyak na pahayag nito.

Ramdam ni Brynna at Tarieth ang sakit at hinapis ng amo. Awang-awa ang


dalawa dito.

"Brynna, alam ko na kalabisan na siguro ang hihilingin ko sayo pero


wala na akong magagawa. Kung may kahit konting pag-asa na matulungan mo akong
subukan na gamutin ang mama ko pakiusap hija, nagmamakaawa ako sayo, sa inyong
dalawa tulungan ninyo ako. Ang mama nalang ang natitira sa akin. Ayokong pati
siya ay mawala din.  Please, please, please..." pagmamakaawa nito. Nabigla ang
dalawang bata ng biglang lumuhod si Miss Elvira sa paanan nila.

"Miss Elvira! Diyos ko, tumayo ka!" Agad na inalalayan itong tumayo ni
Brynna.  Hindi agad nakahuma si Tarieth, halatang nagulat din ito.

"Miss Elvira, kahit hindi mo hilingin iyon susubukan pa rin naming ni


Tarieth na tumulong, kaya nga kami nandito diba?" Nilingon ni Brynna si Tarieth
para sigindahan nito ang kanyang sinabi. 

"Opo, sa abkt ng aming makakaya at kapangyarihan." Pangako ni Tarieth.

"Salamat, maraming salamat." Pasasalamat ni Miss Elvira na mas lalo


pang naiiyak sa narinig.

Inalalayan ni Brynna at Tarieth si Miss Elvira na maupo saka nilapitan


ng dalawa ang pasyente. Nasa magkabilaang gilid ng higaan dalawa. Tumingin si
Brynna kay Tarieth at tumango, lagbibigay hidyat sa kaibigan nanhanda nanito. 
Tumango din si Tara kaya dahan-dahang inilapat ni Brynna ang kamay patungo sa
dibdib ni Master Selene. 

           Unti-unting naglabas ng puting ilaw ang kamay ni Brynna habang nakatutok


ang mga mata sa katawan ng pasyente.  Ganun nalang ang panghihilakbot ni Brynna sa
nakita.

Puno ng napakaliit na parasite ang katawan ni Master Selene. They feed


on blood. Unti-unting nauubos ang mga red blood cells dahil parang hayok na hayok
ang mga parasite sa pag-ubos nito. Kinikilabutan si Brynna sa nakikita at
nararamdaman niya na parang babaliktad ang sikmura niya. Inilapat ni Brynna ang
dalawang kamay sa dibdib ni Master Selene at nagsimulang gamutin ang puso nito.
Nang masigurong okey na ang puso ng pasyente ay inilipat ni Brynna ang kamay,
ngunit agad na napansin na ang iniiwanan kanina ay pinutakti na naman ng mga
parasite. Unti-unti na namang namamatay ang mga red blood cells. Kahit gaano pa ka
dami ang napapatay na parasite ni Brynna sa tuwing aalisin niya ang kamay niya sa
katawan ng pasyente ay agad naman itong dudumugin ng panibagong parasite. Ilang
beses na paulit-ulit iyong nangyari. Kaya nagpasya si Brynna na panandaliang
huminto.

"Tara, Miss Elvira, wala pa akong nakitang ganitong klaseng parasite sa


tanang buhay ko." Ikinuwento ni Brynna ang nakita. Tahimik na nakinig ang dalawa.
Maya't-maya ay nagsalita si Tarieth.

"Bree, May plano ako. Diba sabi mo na mamatay ang mga parasite sa
ginagamot mo na lugar?" tumango si Brynna.

"Kapangyarihan mo sa tunig angbginagamot mo diba?" tanong ulit ni


Tarieth. Naguguluhan man ay tumango si Brynna.

"Okey, Miss Elvira may paliguan po ba dito?"

"Anong klaseng paliguan Tarieth?" Namilog ang mata ni Brynna sa


narinig.

"Tara, ang galing ng naisip mo! Miss Elvira, kahit ano po basta po
kayang mailubog ang buong katawan ni Master Selene."

"Meron, sige ipakuha ko. Yon lang ba?"

"Kailangan lang po punuin iyon ng tubig."

Agad na lumabas si Elvira.  Hindi nagtagal ay muling bumalik na may


kasamang apat n lalaking nagbubuhat ng malaking bathtub na gawa sa kahoy.  Sumunod
ang mga lalaking may dalang tubig para ilagay sa tub, pabalikpalik ang mga ito
hanggang mapuno ng tubig ang tub.  Nang maayos na ang lahat ay lumapit si Brynna sa
tub at inilublob doon ang dalawang kamay.

May liwanag na lumalabas galing sa kamay ni Brynna at kumalat iyon sa


loob ng tub.  Pagkatapos ng isang minuto , tumingin ito kay Miss Elvira at tumango.
Hudyat na pwede ng ibaba ang pasyente sa tubig.  Pinagtuling-tulungan ng apat na
lalaki na buhatin ang pasyente ngunit bago nila iyon nailisob sa tubig ay bumukas
ang pinto at pumasok sa silid  ang isang matandang babaeng galit na galit nakasunod
sa likuran nito ang iba pang nakarobang blue at pulang HealerMages na kanya-kanyang
puwesto sa loob ng silid.

"Anong kalokohan ito Elvira! Ilulusob ninyo diyan ang mama mo. Gayong
alam mo na mataas ang lagnat nito?  Gusto mo bang mamatay ang mama mo?"

"Master Maura, please. Desisyon ko po ito." Pakiusap ni Elvira sa


matandang healer.
"Isang kahibangan ang ginagawa mo Elvira! Nang dahil lang sa utos ng
isang batang babae na hindi nga natin kilala ay nagpaluko ka?  Oo alam ko ang plano
mo dahil mag nakapagsabi sa akin na nagpakuha ka ng tub.  Sino ang may pasimuno
nito? At sino ang mga batang ito? Ngayon ko lang sila nakita. Hindi mo ba
naisip na baka sila pa ang may dala ng sakit."

Mabilis pa sa alas kwuatro na lumayo kina Brynna at Tarieth ang mga


HealerMages na naroon sa loob ng silid..

"May tiwala po ako sa mga kaibigan ko Master Maura. Pakiusap po,


hayaan niyo na lang po ako." Umiiyak na si Elvira.

"Hmp! Bahala kung iyan ang gusto mo. Basta hindi ako nagkulang ng
paalala sa iyo. Wag mo akong sisisihin kong ikamamatay yan ng ina mo." Pananakot
pa nito kay Elvira. Ngunit gaano mang pagtutol ang ginawa ni Master Maura hindi
iyon makapigil sa desisyon ni Elvira.

Tumango si Elvira sa apat na lalaki naroroon at muling ay dahan-dahang


binuhat ng apat ang katawan ni Master Selene at inilagay sa . Hinawakan ni Brynna
ulo ni Master Selene para hindi malunod ang matanda at nagsimulang gamutin ito.

Unti-unting lumiwanagpagkamangha ng lahat na naroon. Nasaksihan ng


lahat ang unti-unting pag-kakaroon ng kulay sa mukha ni Master Selene. Wala pang
limang minuto ay parang natutulog lang ito bagama't bakas ang kapaguran sa mukha.
Ibang-iba ang hitsura nito ngayon kumpara kanina. Brynna open her eyes and look
for Tarieth, anyong lilingon ito ng maramdaman ang kamay ng kaibigan na dumantay sa
kanyang balikat.

"Miss Elvira, kailangan po na tanggalin na siya sa tubig pero bago po


iyon, Tara please." Nilingon nito ang kaibigan.

A few minutes ago...

"Tara, naramdaman mo ba kanina?" tanong ni Brynna pagkalabas ni Elvira


sa silid.

"Oo, tingin ko ito ang rason kung bakit madaling naigupo si Master
Selene sa sakit. What do you want me to do?"

"I need your help. Kailangan bago tanggalin si Master Selene sa tubig,
matanggal na natin iyon at mapatay."

"Okey." Sang-ayon ni Tara.

Tara went to the other side, nasa gitng bahagi ng tub, ganun din si
Brynna.

"Bree, you heal.... I kill!" nanlaki ang mga mata ng mga naroroon sa
narinig. Tumango si Brynna at inilusob uli nito ang kamay sa tubig pero sa
pagkakataong iyon sa bandang tiyan nito inilapat ang kamay. Brynna's hand glow
under water. Mayroong bumukol sa bandang tiyan ni Master Selene kitang-kita iyon
sa mga nanonood. Palipat-lipat ito parang itong bolang umiiwas sa kamay ni Brynna.
Walang ginawa si Tarieth, naghihintay lang ito ng signal galing kay Brynna.

"Now!" ng marinig ni Tarieth ang sigaw ni Brynna agad na inilapat nito


ang isang kamay sa pusod ni Master Selene. Hindi nagtagal inalis nito ang kamay na
may hawak na kulay purple na bilog. Gumagalaw iyon, agad na inilagay iyon ni Tara
sa hawak-hawak na apothecary bottle at agad tinakpan. Nang tingnan ni Tarieth ang
kamay, may mga gumagalaw doon na parang uod pero sobrang liit. Biglang umusok ang
kamay ni Tarieth, at nakita ng lahat na ang kulay purple kanina ay naging isang abo
nalang. Simpleng pinagpag ni Tarieth ang kamay na para bang isang ordinaryong dumi
lang iyon. Lumapit ito sa kaibigan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang
tigil na ginagamot si Master Selene.

Master Selene open her eyes. Una nitong namulatan ay ang isang pares
na kulay bughaw na mga mata at ang napakaamong mukha.

"Brynna, Tarieth?"

"Mama!" biglang bulalas ni Elvira.

"Elvie? Bakit dinala mo dito ang dalawang bata? Alam mo naman


na..."naputol ang sasabihin pa sana nito dahil nakita nitong umiiyak na ang anak.

"Bakit nasa tubig ako? Are you trying to bath me? Help me up."
Tumingin muna si Elvira kay Brynna, asking for permission kung pwede na ba itong
tanggalin sa tubig. Tumango si Brynna kaya agad na lumapit ang mga healer na
nagbuhat kanina.

"I need some privacy." Awtorisadong pahayag nito. Agad kumilos ang
lahat para lumabas.

"Brynna, Tarieth, stay. I need to talk to you."

"Master Selene, gusto mo ba na manatili ako rito baka may maitulong


ako?" tanong ni Master Maura.

"No. Hindi na kailangan alam kong marami kayong kailangang gagawin.


Salamat." Walang kibo na umalis si Master Maura sa silid.

Pagkatapos magbihis agad na kinausap nito ang dalawang bata.


"Brynna, Tarieth. Maraming salamat sa ginawa ninyo. I heard you
talking kanina, I wasn't sleep all the time. I wanted to talk pero kahit ang
pagmulat ng mga mata ay napakahirap na gawin. Kanina nararamdaman ko that you are
trying to heal me. Kaya nagising ako dahil gumanda ang aking pakiramdam.
Napakagaling mo hija. Marami pa sana akong itatanong pero may kailangan tayong
gawin. Will you help me girls?"

"Wala pong problema basta makatulong po kami, diba Bree?"

Isang tango lang ang sinagot ni Brynna.

"Batid ninyo kung gaano karami ang maysakit dito ngayon. At sa mga
oras na ito siguro akong kumalat na ang balita na may gumaling. Pero alam ko rin
na sa dami ng maysakit hindi mo kakayanin iyon ng mag-isa. Kaya kailangan
makahanap tayo ng paraan kung paano gamutin ang mga may sakit."

"Master Selene, may idea na po ako kung paano gagawin iyon. Pero
kailangan ko po ng panahon para isagawa iyon. At kailangan ko rin po ang tulong ng
lahat ng healer mages. Dahil sabi nyo nga po hindi ko kakayanin mag-isa ito."

"Walang problema hija, maaasahan mo ang tulong ng lahat ng mga healer


sa buong Brun. Sabihin mo sa amin kung ano ang dapat gawin. Pero bago mo sabihin
iipunin ko muna ang lahat para isang beses mo lang ito ng ipaliwanag at ng
maumpisahan agad ang healing."

"Sige po kayo po ang bahala. Pero bago po iyon, kailangan nyo po


munang kumain. Pwede naman po sigurong si Miss Elvira ang gagawa niyon habang
kahit papaano makapagpahinga po kayo. Alalahanin nyo po na galing kayo sa sakit."

Napangiti si Tarieth at Miss Elvira sa narinig. Nakita ng dalawa na


napasimangot si Master Selene sa sinabi ni Brynna na parang bata.

"Ganito pala ang pakiramdam ng isang pasyente? Buti nalang di ako


sakitin. Okey dahil ikaw ang aking healer, wala akong magagawa." Nilapitan nito
ang anak at kinausap. Nagkunwarin namang busy ang dalawang bata. Niyakap ni
Master Selene ang anak.

"I'm sorry love for scaring you like that." Narinig ni Brynna na
pahayag ni Master Selene sa anak. Hindi na nito narinig ang pinag-usapan ng dalawa
dahil natuon ang pansin ni Brynna sa bote na pinaglagyan ng parasite. Hindi na
iyon pormang bola. It covered the glass, parang mumunting uod na umaakyat ang mga
ito. Pagmalapit na ito sa bunganga ng bote itinagtag ito ni Tarieth hindi nito
tinigilang ng kaibigan hanggang hindi lahat nahulog.

"Brynna." Tawag ni Miss Elvira.

"Thank you!" yumakap ito kay Brynna pagkatapos ay binalingan nito si


Tarieth at ganun din ang ginawa.

"Thank you sa inyong dalawa. Utang na loob ko sa inyo ang buhay ng


aking ina. Hindi ko alam kong paano kayo pasasalamatan." Mangiyak-ngiyak sa labis
na pasasalamat ni Miss Elvira sa dalawa.

"Nako Miss Elvira walang anuman po iyon." Tumango naman si Tarieth


bilang pagsang-ayon.

"Iiwan ko muna ang mama sa inyo ha, papahatid ako ng pagkain para sa
inyo na rin baka nagutom na kayo. Brynna kung napagod ka pahinga ka muna, kayo ni
Tarieth."

"Okey lang po ako Miss Elvira, pero si Brynna, sisiguraduhin ko po na


makapagpahinga siya. Sige na po ako na ang bahala sa dalawang ito."

"Thanks Tarieth." Tumalikod na ito at lumabas ng silid

=================

Chapter 14

            Hindi naging madali ang pag-ipon sa mga healer dahil hindi basta basta
maiwanan ang mga pasyente. Pero dahil ipinag-uutos ng Head healer, they have to
follow, no questions ask. Pinamahala na muna nila sandali ang mga pasyente sa mga
assistant. Excited na rin ang mga healer na malaman kung totoo nga bang may
gumaling sa lumalaganap na sakit at ang responsible ay dalawang bata.

Magtatakipsilim na ng makontento si Master Selene sa dami ng dapat na


naroroong healers. Nasa may bandang likod sa may hardin ng healing house ang
pagtitipon. Ng makita ng mga naroroon si Master Selene ay agad na tumahimik ang
mga ito.

Namangha ang mga naroroon dahil hindi man lang ito inalalayan ng anak.
Naglakad ito na parang hindi ito nakabedrest a couple of hours ago.

Dalawang dipa ang layo mula sa mga narorong healers ng magsimulang


magsalita si Master Selene.

"Magandang gabi sa ating lahat. Alam kong marami sa inyo ang


nakakaalam na dinapuan ako ng sakit. Totoo iyon, dalawang araw na ang nakalipas ng
magsimula akpng maramdaman ng sintomas ng black fever. I was at deaths door when
Brynna and Tarieth healed me."

Napahinto si Brennon sa narinig.


"Brynna? His Brynna? Paanong nakarating ang anak niya dito gayong
sinisigurado niya na nasa bahay ito. Unless..." napatingin si Brennon sa unahan.
Ganun nalang ang pag-alala nito ng makitang naroroon nga ang anak, katabi nito ang
batang si Tarieth at naroon din si Elvira.

"At gaya ng ginawa ng anak ko, ako na mismo ang naki-usap sa dalawa na
tulungan tayo how to cure this black fever. At dahil sa bilang ng mga maysakit
hindi iyon kakayanin ng dalawang bata kaya ipinatawag ko kayo para magtulong-tulong
tayong lahat to how get it done."

"Gusto mong maniwala kami sa kakayahan ng batang iyan?" narinig ni


Brynna na sabat ng isa sa mga naroon. Biglang sabay-sabay na nagsalita ang lahat
na naroroon. Karamihan ay pinagtatawanan si Master Selene. Narinig ni Brynna na
ang iba ay nagalit dahil labag iyon sa code bilang isang healer. Kahit anong
paliwanag ni Master Selene hindi sya pinakinggan.

Sa kaguluhang iyon, tahimik lang si Brynna at Tarieth sa isang tabi.


Hinawakan ni Brynna ang kamay ni Tarieth dahil naramdaman nito na unti-unti ng
naapektuhanan ang kaibigan sa mga naririnig.

"Anong kaguluhan ito?" napatingin ang lahat na nakakarinig sa tinig na


iyon. Natahimik ang mga ito ng makita si Duke Brennon na naglakad palapit kay
Master Selene.

"Magandang gabi Duke Brennon." Bati ng mga naroon. Isang tipid na


tango lang ang isinagot ng Duke.

"Anong kaguluhan ito Master Selene?"

"Duke Brennon, magandang gabi po." Inulit ni Master Selene ang kanyang
sinabi kanina. Tahimik na nakikinig lang ang Duke. Maya maya ay nagsalita ito.

"Kung ito lang ang tanging paraan para malutas ang problema at
mailigtas sa kamatayan ang mga taong nadapuan ng sakit bakit hindi? Mas mabuti na
ito kaysa wala tayong ginagawa diba? Maari ba naming malaman kung paano ito
gagawin?" dagdag pa ng Duke.

Simula ng marinig ni Brynna ang awtorisadong boses na nag patahimik sa


lahat ng mga taong naroroon hindi na maalis-alis ni Brynna ang tingin dito. Hindi
niya alam bakit siya biglang kinabahan. Ganun nalang ang tuwang kanyang naramdaman
ng marinig na tinawag ito ni Master Selene na Duke Brennon. It's her father...

Kay tagal niyang hinitay ang pagkakataong masilayan ang ama.


Pinipigilan ni Brynna ang sarili na lapitan ito, yakapin at magpakilala. Alam
niyang hindi ito ang tamang panahon. Pasimpleng pinunasan ni Brynna ng kamay ang
mga mata dahil naluluha siya. Baka magtaka pa ang mga taong makakakita. Pero
hindi iyon kaila sa kaibigan, hinawakan nito ang kamay ni Brynna bilang suporta sa
kanyang nararamdaman.
Hindi agad nakasagot si Brynna ng matuon ang paningin ni Duke Brennon
sa kanya. Blue eyes meet blue eyes.

Parang tinadyakan sa sikmura si Brennon ng magtama ang paningin nila ng


anak. Alam niya na may blue eyes ito gaya ng kwento ng anak na si Byron, gayon pa
man he wasn't prepared sa nakita. It's like looking into the mirror. Wala kahit
isa man sa dalawang anak na lalaki ang nagmana sa kulay ng kanyang mga mata. Oo at
nakita na niya ang anak sa shop ni Elvira pero tulog ito. Ang napansin lang niya
noon ay ang pagkakahawig nito sa asawa but looking into her eyes now, ngyon niya
naiintindihan kung bakit maraming takot sa tingin niya. Looking at her daughter's
eyes, it's like looking into the depth of the ocean. She has a knowing and
innocent eyes.

Nagising si Brynna sa pagkatulala ng sikuhin ito ng kaibigan. Kaya


nagmamadali itong nag bow and nag greet sa Duke. She blushed with embarrassment.

"Duke Brennon, si Brynna at Tarieth. Sila ang tumulong sa akin."

Tumikhim muna si Brennon bago nagsalita.

"Hindi ba masyado pa silang bata para dito Master Selene?" ng marinig


ng mga naroroon ang tanong na iyon ni Brennon nagsimula na namang mag-ingay ang mga
ito.

Napuno na si Tarieth, every seconds na sinasayang nila maraming tao ang


nahihirapan at namamatay. Alam ni Tarieth na hindi ito dahil sa pagiging bata
nila. Dahil ito sa pride ng mga naroroon. Sino ba naman ang hindi masasagi ang
pride kung sila eh ilang taon ang ginugol sa pag-aaral tapos biglang sa
pinakamalubhang sakit ay dalawang bata na hindi nakapag-aral lang ang makalutas
niyon. Naintindihan iyon ni Tarieth at hindi niya masisisi ang mga ito. Pero diba
bilang isang healer ang unang tungkulin ng mga ito ay ang manggamot? Lumalalim na
ang gabi, kailan pa masisimulan ang lahat?

"Duke Brennon, mawalang galang na po, pero hindi natin


kilala ang mga batang iyang. Bigla nalang sumulpot ang dalawang iyan dito sa bayan
natin. Ang akin lang naman ay naniniguro. Baka mga sugo iyan, baka imbes na
gumaling baka mas lalong lumala ang mga tao. Baka mammatay tao ang mga iyan. At
Master Selene, baka naimpluwensiyahan kalang ng dalawang iyan. Halata kasi na wala
ka na sa tamang pag-iisip." Ayon sa lalaking kanina pa nakikita ni Tarieth na
matalim ang tingin kay Master Selene.

"Baka nga kampon ang dalawang iyan ng kadiliman!" dugtong pa nito.

Hindi nakapagpigil si Tarieth, anyong itataas na nito ang kamay ng


pigilan ito ni Brynna.

"Kampon ng kadiliman? Mamatay tao?" mahinahon ang boses ni Brynna ng


magsalita ngunit biglang nakaramdam ng panlalamig ang mga taong naroroon. Ang
kaninang mga matang kulang asul ngayon ay parang kulay yelo ito.

"Alam mo ba kung gaano kadali ang pumatay ng tao?" tanong nito sa


lalaki

"Isang segundo."

"Iyon lang ang kailangan kong oras para gawin iyon." Naglakad ito
palapit sa taong nagsalita.

"Do you know how long it takes to heal?" tanong nito na matiim na
tinitigan ang lalaking nagsasalita kanina, hanggang kilikili lang si Brynna pero
kung umasta ito daig pang isang insekto ang kaharap.

"It takes as long as there is life to save. Dahil walang madali sa


panggamot. Bilang healer alam mo yan."

"So, inaamin mo na isa kang mamamatay tao! Galing na rin sa sarili


mong bibig iy—." Biglang naputol ang sasabihin sana nito at sinapo ang sariling
dibdib hindi makahinga, pasinghap-singhap ito.

"Brynna!" si Elvira iyon patakbong lumapit kay Brynna. Ngunit


pinigilan ito ni Tarieth.

Napasinghap ng malakas ang lalaki, nakaluhod na ito ng tigilan ni


Brynna. Bakas ang takot sa mukha nito, hawak pa rin nito ang dibdib.

"70% of the human body is water, healer pakatandaan mo yan. At sa


katulad ko na isang water mage..."

"It's easy to kill, healer but it takes more energy to heal." Iyon lang
ang huling sinabi ni Brynna bago ito tumalikod at bumalik sa kinatatayuan kanina.
Wala kahit konting ingay ang nariring sa hardin.

"Kung sino man ang gustong tumulong maiwan, ang ayaw makakaalis na
kayo." Basag ni Master Selene sa katahimikan. Pagkaraan ng ilang sandali walang
kahit isa man ang umalis kaya suminyas si Master Selene kay Brynna na magsalita.

Lumapit si Brynna kay Master Selene.

"Magandang gabi sa inyong lahat." Bati ni Brynna.

=================
Chapter 15

Kahit gabi maliwanag pa rin ang hardin, napapalibutan ito ng globe light. Globe
light is made of glass, isa ito sa mga mahalagang invention ng mga mages sa
Quoria.  It emanates light, ang nakakagawa nito ay ang mga fire mage lamang, it
only glow when there is absence of light.  Tahimik ang lahat na pinakinggan ang mga
sinabi ni Brynna.

            "Alam ko na mahirap para sa inyo na maniwala sa aking kakayahan bilang


isang healer.  Ako po si Brynna Whitethistle, taga Palan."  May nararamdamang
pagtutol si Brennon ng marinig ang sinabi ng anak, pero pinigilan nito ang sarili. 
"Hindi po ako nakapag-aral sa kahit anong paaralan."

            "Kung ganun, sino ang nagturo sa iyo?" taong ng isa sa mga healer. 
Matagal bago nakasagot si Brynna.  Nagdadalawang isip ito kung sasabihin baa ng
tungkol sa lihim ng ina.

            "Sola Whitethistle po." Nakita ni Brynna ang gulat at pagkamangha sa


mga mata ng mga tao na naroroon.  Kilala ng mga ito si Sola.

            "Ano ba ang pwede naming na maitulong ineng?" tanong ng isang matandang


babae na healer.               

            "Madali lang po.  Kailangan nating patayin ang mga parasite sa loob ng
katawan."

            Lumapit si Master Selene kay Brynna at nagsalita.  "Lingid sa kaalaman


ng lahat, hindi lang ako ang napagaling ng gamot ni Brynna, sa loob ng dalawang
araw walang humpay na pinag-aralan namin how the disease works.  We found out na
mas mahirap gamutin ang mga taong may kapangyarihan kaysa ordinaryong mortal.  Soon
you will found out why."

            Nagtanguan ang karamihan na naroon.

            Tinuruan ni Brynna at Sola kung paano gamutin ang mga kagaya nila na
mages.  Sa mga ordinaryong mortal naman si Miss Elvie ang namigay ng mga gamot sa
ibang healer para ipainom ito.  Mabilis ang apekto ng gamot sa mga ordinaryong
mortal.  Pagkatapos inumin ang gamot the vomiting started.  Inilabas ng katawang
mortal ng katawang mortal ang mga parasite, nakahanda ang isan balde sa gilid ng
pasyente at may isang fire mage ang regular na sinusunog ang laman ng balde gamit
ang kapangyarihan ng apoy.  Sa mga mages naman ay mas komplekdo at mas matagal ang
proseso dahil hindi inilalabas ng katawan ng isang mage ang mga parasite.
Kailangang gawin ng mga healer ang ginawa ni Brynna kay Master Sola pwera nalang sa
paglubog sa tubig.  Pinapainom muna ng gamot ang mage na may sakit saka isasagawa
ang pagtanggal ng parasite sa katawan.

            Ngunit hindi doon natapos ang problema, dahil hindi nila naisip na ang
mga taong walang sakit at nabigyanng lunas ay maaari pa rin na pasukan ng parasite
ang katawan.  The medicine that they give to the patient doesn't prevent the
parasite na mamahay uli sa katawan ng tao.  Pagod at puyat gusto ng bumugay ang
katawan ng mga healer.  Hindi pa rin maubos-ubos ang mga pasyente dahil marami pa
rin ang nagkakaroon ng symptoms araw araw.  At hindi pa rin matukoy kung ano ang
pinanggalingan ng sakit.

            "Tara, hindi ko na alam ang gagawin ko.  Kahit anong gawin namin
patuloy pa rin ang pagdami ng maysakit." nanlulumong sabi ni Brynna.

            "Alam ko Bree, pero may sasabihin ako sayo, may gagawin ka pa ba?"

            Tumingin si Brynna kay Master Selene nanghihingi ng permiso, agad


namang nakuha ng healer ang ibig sabihin ni Brynna.

            "Naku, kanina ko pa sinasabi sayo na umuwi ka na para makapagpahinga,


may katigasan din kasi ang ulo mo.  Hala Tarieth, dalhin mo na itong kaibigan mo."
Utos ni Master Selene

            "Maraming salamat Master Selene." Pasalamat ni Brynna bago tuluyan


gumalis kasama ang kaibigang si Tara.

           Bago sumakay nakiusap si Tarieth sa driver. "Mr. pwede po bang dumaan sa


bathhouse?" agad namang tumango ang driver.

            "Anong gagawin natin sa bathhouse Tara?"nagtatakang tanong ni Brynna. 


Inilapat ni Tarieth ang hintuturo sa bibig na ibig sabihin wag munang magtanong.

            Bumaba ang dalawa sa pinakamalapit na bathhouse sa Lancaster Manor.

            "Maliligo ba tayo Tara?"

            "Oo. Halika na."  Sinalubong ang dalawa sa mga bathhouse attendants. 


Pagkatapos nilang mabigyan ng mga kagamitan sa paliligo tinungo na nila ang
paliguan.  Isa iyong malaking silid na may dalawang malaking pool na ang isa ay
hanggang leeg ang lalim at isa namang ay hanggang baywang ng tao.  Malinaw at
malinis ang tubig na umuusok pa.  Pinili kasi ng dalawa ang hot bath.

            Anyong lulusong si Brynna sa tubig ng mapakunot noo ito.  "Tara...wag


ka munang lumusong sa tubig ha."  Naglakad si Brynna sa gilid ng pool, binaybay
nito ang gilid hanggang sa bumalik sa pinanggalingan kanina.  "I feel something
strange, is this why you brought me here?"

            "Aksidenteng natuklasan ko ito kahapon.  At hindi lang dito Bree meron


pang iba."

            Hindi kaagad kumibo si Brynna halatang nag-iisip kaya hinayaan ito ni


Tarieth.

            "Tara, kailangan natin malaman kung saan galing ang tubig.  Dahil kung
magpadalos-dalos na naman tayo ng desisyon gaya ng ginawa natin baka magaya din ito
sa panggagamot, pabalik-balik lang."

            Tahimik na binaybay ng dalawa ang pinanggalingan ng tubig hanggang sa


nakarating sila sa likod ng bathhouse.  Isang malaking silid ang napasukan ng
dalawa sa likod ng bath house madilim at maraming tubo kung saan dumadaan ang tubig
sa bawat silid papuntang bath house.  Sa gilid ng malaking silid ay may isang
malaking water tank at sa gitna nito ay may humigit kumulang na dalawang metrong
laki na pool.  Sabay na humakbang palapit doon ang dalawa ng biglang may maramdaman
si Brynna na may tumama sa ulo bago nagdilim ang paningin.

            Dala ng maraming taong pagsasanay awtomatikong itinaas ni Tarieth ang


kamay at isinangga iyon. Matinding sakit ang nararamdaman ni Tarieth sa kamay,
kasabay niyon ay may tumama na kung ano sa likod ni Tarieth. Tumilapon ang katawan
ni Tarieth malapit sa pool dahil sa lakas ng impact ng fire ball sa tagiliran
nito.  Hindi maigalaw ni Tarieth ang katawan sa sakit na nararamdaman.

            "Itapon ang dalawang iyan sa tubig." Narinig ni Tarieth na utos ng


isang boses bata sa mga  kasamahang naroon.

            "Master Tulle, kailangan siguro nating talian ang mga kamay nila."

            Malamig pa sa yelo ang boses nito ng magsalita, "Gawin mo ang pinag-


uutos ko"

            Naramdaman ni Tarieth na ang isang pares ng kamay na humawak sa balikat


at ang isang pares ng kamay sa mga paa at walang hirap na itinapon siya sa
tubig.Tanging pasalamat ni Tarieth ay sa lahat ng iyon na hindi natanggal ang
kanyang bandana.  Ayaw ni Tarieth na makita ng mga ito ang kulay ng kanyang buhok
na itinatago niya.  Naramdaman ni Tarieth na hindi ordinaryong mage ang boses
batang naroon na sa tingin ni Tarieth kung hindi siya nagkakamali ay ang may
kagagawan ng lahat.

            Unti-unting nagkamalay si Brynna bago pa man niya naramdaman ang tubig


sa katawan.  Immediately she felt sick.  The water felt sticky and smelled like
rotten meat. Then she felt it, ang mga maliliit na parang mga linta na dumidikit sa
katawan.  Naninigas ang katawan ni Brynna sa takot at pandidiri ngunit
nakapagtataka dahil wala siyang maramdamang sakit sa kagat ng mga parang linta na
kulay itim.  She trash, kick and started to swim upward pero hindi nito iyon
magawa, parang may humuhugot sa lahat ng kanyang lakas.  Ang mga parang linta ay
pinagpyistahan ang kanyang buong katawan.  Sa unang pagkakataon nakaramdam ng takot
si Brynna lalo na ng makita niya ang kaibigang si Tarieth na nababalutan ng linta
ang buong katawan at hindi gumagalaw.  Pilit na tinatawag ni Brynna ang sariling
kapangyarihan pero hindi nito iyon magawa.  Pilit na pinagtatanggal ni Brynna nag
mga dumikit sa braso, leeg, mukha hanggang sa pati ang mga mata at bibig ni Brynna
ay natatakpan na.  Agad na ipinikit ni Brynna ang bibig at mga mata para hindi ito
makapasok at itnakip ang mga kamay sa ilong ngunit hindi sapat ang dalaawang kamay
dahil naramdaman na ni Brynna nag pagpasok ng mga linta sa kanyang tainga.
            Pagod, puyat, takot at kawalan ng pag-asa ay halo-halong naramdaman ni
Brynna.  How she wished her mama Sola was here o kung alam lang sana ng tunay na
mga magulang kung sino siya sana wala siyang panghihinayang na nararamdaman
ngayon.  Ito na ba ang kanyang katapusan?  Ni hindi man lang niya nasilayan ang
mukha ng kanyang tunay na ina at mga kapatid.  Na makasama ang mga ito at makilala
ng lubos at maging buo ang kanilang pamilya.  For the first time in her life she
felt helpless at ginawa ni Brynna ang pinakaayaw niyang gawin, she cried, kung
pwede nga bang matatawag na iyak iyon gayong nasa ilalaim siya ng tubig. 

            Unti-unting naubusan ng hangin si Brynna.  Habang nakapikit ang mga


mata hindi mawaglit sa isipan ni Brynna ang hitsura ng kaibigang si Tarieth.  Siya
ang dahilan kung bakit ito naroroon at kasama niya.  Idinamay niya ang kaibigan,
siya dapat ang magprotekta dito.  Kailangan niyang lumaban ngunit paano?  Habang
nakapikit may naalala si Brynna.

            Unti-unting nakaramdaman ng ginhawa si Brynna kaya mabilis na lumangoy


ito paitaas.  Malakas na napasinghap ng hangin si Brynna when she finally emerge
from the water.  Nag tama ang paningin ni Brynna at Master Tulle ng imunulat ito
ang mga mata.

            "Ah, Totoo pala na magaling ka."  Nakaramdam ng panlalamig si Brynna ng


marinig ni Brynna na sabi ng mukhang batang naka roba.  Narinig ni Brynna ang pag-
ubo ni Tarieth kaya lumangoy siya palapit at tinalikuran ang tatlong mages na
naroroon.  Nagtulungan ang dalawa na umahon sa tubig.  Sabay pang inilabas ng
dalawa ang laman ng tiyan.  Kulay itim iyon na tubig, naka tatlong suka pa ang
dalawa bago gumanda ang pakiramdam.  Hindi pa man nakatayo ng maayos ang dalawa ng
may maramdaman silang may paparating sa kanilang direksyon.

            Mabilis ang kilos ni Tarieth at iniharang ang sarili para hindi tamaan
ni Brynna kaya tumilapon ito ng tumama ang bolang apoy sa dibdib nito.

            "Tara!" paos na sigaw ni Brynna at tumakbo palapit sa kaibigan.  "Tara,


okey ka lang?  Hindi mo dapat ginawa iyon." Napaiyak si Brynna ng makitang nasunog
ang damit ng kaibigan sa bandang tiyan at nagdudugo.

            Inilapat ni Brynna ang dalawang palad sa tiyan ni Tarieth ng pigilan


ito ng kaibigan.  "No Bree," anito sa mahinang tinig.  "kailangan ko munang
magpahinga kaya I'll give you the courtesy to fight those bitches.  And please
dalian mo, gusto ko ng magpahinga."  Pilit na ngumiti pa ito sa sariling as if to
emphasize her joke.  Hindi sumagot si Brynna, pero tinulungan nito ang kaibigan na
umupo at isinandal sa pader.  Hinalikan nito sa noo ang kaibigan bago tumayo, she
wipe away her tears using her hand at humarap sa tatlong mages nanaroroon.

=================

Chapter 16

            There was no trace of tenderness on Brynna's eyes when she look at the
three mages. "Gusto kong malaman kung bakit ninyo ito ginawa sa mga taga Brun?"
Mahina lang ang boses ni Brynna ng magtanong pero abot iyon sa pandinig ng tatlo. 
Kilala ni Brynna ang dalawa sa harapan ang lalaking tumawag sa kanya na kampon ng
demonyo at si Master Maura, ang hindi niya kilala ay ang nasa likod ng mga ito. 
Walang nagsalita alin man sa tatlo, walang pasabing binato si Brynna ng sunod-sunod
na fire balls na kasing laki ng ulo ng tao ng lalaking healer.

            Sa pagkakataong iyon handa na si Brynna.  Agad na tinawag ni Brynna ang


kanyang kapangyarihan sa tubig.  At dahil walang alam sa pakikipaglaban si Brynna
ginaya lang nito ang ginawa ng kalaban.  Gumawa rin si Brynna ng water balls na mas
malaki konti ng mga fire balls.  Nagmagtama ang mga ito, agad na napuksa ang apoy
sa tubig.  Nang makita ng dalawang  lalaking fire mage na walang silbi ang kanilang
fire balls, lumingon ito sa pinakabata sa tatlo na nasa likod at tahimik na
nanunuod.  Nakita ni Brynna na tumango ang hindi pa nakilalang mage.  Isang hudyat
iyon sa dalawa, dahil naglabas ng isang pana ang lalaking fire mage.  Sa dulo ng
palaso ay umaapoy iyon.  Nakita na ni Brynna ang ganung klaseng pana sa panahon na
nilusob ang La fun sa mga taga Tuskan.  Kaya alam niya na sasabog iyon pag tumama
sa alin mang bagay.  Pang nangyari iyon, sasabog ang buong bath house.

            Hinila ng lalaking fire mage ang pana.  Sobrang bilis na lumipad ang
palaso, at dahil gahol sa oras ginawa ni Brynna ang pinakamadaling panangga sa
sunod-sunod na lipad ng palaso papunta sa kanyang direksyon.  Gumawa siya ng pader
na tubig, walang kahit isa ang nakapenetrate sa pader na tubig na ginawa ni
Brynna.  Kagaya ng mga fire balls napuksa ng tubig ang apoy niyon.  Tanging ang
palaso na lamang ang natira kasabay ng pagbagsak ng tubig sa paanan ni Brynna ang
maraming palaso na kani-kanina lang ay umaapoy.

            Mas lalong nagalit ang fire mage. Nakita ni Brynna na naumapoy ang mga
kamay nito at balik na naman ito sa pagtira sa kanya ng mga fire balls nito. 
Napasigaw si Brynna sa sakit ng parang binanlian ng mainit na tubig ang mga kamay. 
Mabuti nalang at mabilis ang reflex niya kaya hindi ang buong katawan niya ang
tinamaan.

            Napatingin si Brynna kay Master Maura, gustong kastiguhin ni Brynna ang


sarili kung bakit nawala sa isip niya na nandoon ito.  Hindi ito tatawaging Master
kung hindi malakas ang kapangyarihan ng matandang babae.

            "Tama ka, ano sa tingin mo ang papel ko dito tagapanood?" ngumiti pa


ito.  "Matitikman mo ngayon ang aking kapangyarihan bata!" nanlilisik ang mga
matang sigaw ni Master Muara.  Itinaas nito ang mga kamay at kumupas.  Ganun nalang
ang gulat ni Brynna ng makitang pinalibutan siya ng tubig at hindi lang iyon,
nararamdaman ni Brynna ang nakakapasong init ng tubig.  Hinala ni Brynna ang
kaninang maliliit na fire balls ay diversion lamang iyon para hindi niya mapansin
ang pag-iba ng temperature ng tubig.  Pinagsama ng dalawa ang kanilang
kapangyarihan.  At nahuli si Brynna sa patibong ng dalawa.

            Napaatras si Brynna ng makitang may lumalabas ng mumunting parang bula


sa tubig na hanggang lampas ulo na nakapalibot dito.  Hindi iyon ordinaryong bula
na inililipad ng hangin dahil mabilis na lumipad iyon patama sa kay Brynna at may
halong kulay pula iyon kaya alam ni Brynna na mas mainit iyon pag tumama sa balat. 
Mabilis ang kilos ni Brynna na sanggain ang mga paparating na bula gamit ang
sariling kapangyarihan sa tubig pero hindi lahat ng mga iyon ay nasangga ni Brynna,
kaya pagkaraan ng ilang sandali marami ng paso ito sa katawan.  Humihingal si
Brynna at pinagpawisan, sobrang init sa kinaroroonan nito.  Pero determanadong
hinarap ni Brynna ang mga kalaban.

            "Malakas ka bata, sayang at ito na ang kataposan mo!" sigaw uli ni


Master Maura at muling ikinumpas ang mga kamay at mas lalo pang dumami ang mga
parang bula na sa pagkakataong iyon ayang mibilis na lumipad patama kay Brynna. 
Patuloy sa pagsangga si Brynna sa mga paparating na water balls pero sobrang dami
niyon at pagod na rin si Brynna, she made her own wall of water pero dahil pagod
hindi iyon ganun ka epektibo pero nagsilbing buffer ang knayang pader na tubig para
humina ang pagdating ng mga watter bubbles.  Nagtaka nalang si Brynna dahil huminto
ang pagdating ng mga parang water bubbles sa kanya.  Nang ibaba ni Brynna ang pader
na tubig na nagsilbing panangga niya saka niya nakita ang dahilan kung bakit. 
Napapalibutan si Brynna ng mga lilies na drain ng mga iyon ang tubig sa dami ng
bulaklak na ngayon ay nasa paanan na lahat ni Brynna.

            Napatingin si Brynna sa kaibigang si Tarieth.  Nakaupo pa rin ito at


nakasandal sa pader himihingal.  Ngumiti ito kay Brynna ng magtama ang kanilang
paningin.

            "Thank you Tara." Hindi alam ni Brynna kung narinig iyon ng kaibigan
pero alam niya nabasa ni Tarieth ang buka ng bibig.

            Namumutla at parehong humihingal ang dalawang mages.

            "Tsk!" Itinaas ng hindi nakilalang mage ang dalawang kamay at agad na 
nalugmok si Master Maura at ang lalaking healer sa paanan nito.  Nag angat ito ng
tingin habang napapikit, sa unang pagkakataon nakita ni Brynna ang buong mukha
nito.  Sa pagkamangha ni Brynna ang maputlang mukha nito ay unti-unting
nagkakulay.  Nang magmulat ito ng mga mata, bahagyang napaatras si Brynna dahil ang
kaninang unang nagtama ang kanilang mga mata kulay brown iyon pero ngayon ay naging
kulay itim na iyon at wala kahit konting kulay na puti sa gilid ng eyeballs.  Nang
tingnan ni Brynna ang katawan ng dalawang mages na nasa harap nito wala ng bulto
roon tanging ang mga damit at roba na lamang ang natira.

            Bahagyang napaatras si Brynna.  "Ano klaseng nilalang ka?"

            "Ako si Master Tulle.  At tungkol sa unang tanong mo kanina, nandito


ako dahil sa utos ng aking mahal na hari."

            "Sinong hari?  At bakit niya ito ginawa sa Brun?"

            "Kailangan bang may dahilan?"

            "Oo! Dahil dinadamay niya pati mga inosenteng tao.  Iniutos din ba niya
sa iyo na pumatay ng maraming tao ha?"

            "May kaibahan ba?"  balewalang sagot nito.  "Kung ikatutuwa ng aking


mahal na hari kahit patayin ko ang buong mamamayan ng Brun gagawin ko.  At
pagkatapos kitang patayin, papatayin ko rin ang kaibigan mo." Itinuro pa nito si
Tarieth na nakasandal pa rin sa pader habang nanonood sa kanila.  Bakas sa mukha
nito ang sakit na nadarama.  "At pagkatapos ninyong dalawa, unti-unti kung
papatayin ang mga Lancaster.  Ipapakain ko ang Duchess sa mga alaga ko pati na ang
dalawa pa niyang anak habang nanunuod ang Duke." Nakakapanayo balahibo ang ngiting
ipinakita nito.  Na para bang kinasasabikan nito na gawin ang sinasabi.

            "Hindi ako makakapayag na saktan mo ang pamilya ng Duke o ang mga tao
ng Brun."  Malakas na tawa si Master Tulle sa narinig.

            "Hindi makakapayag?  Ikaw? Ha! Ha! Ha!"  Kinikilabutan si Brynna sa


tunog demonyo ang tawa nito. Napakabata pa ni Master Tulle.  Tingin niya nasa bente
palang ito, pero balot ng kasamaan ang puso nito.  "Mag-eenjoy ako na pahirapan ka
bata." Pagkasabi niyon ay may tumilamsik sa braso at katawan ni Brynna na galing sa
bibig ni Master Tulle.  Napahiyaw ito sa sakit na nararamdaman.  Nang tingnan ni
Brynna ang braso na natamaan umuusok iyon.  Parang nagdilim saglit ang paningin ni
Brynna sa sakit na nararamdaman.  Isang klase ng asido iyon.  Hindi pa man nakahuma
si Brynna sa sakit na nararamdaman ng may bumalot sa katawan nito.  Kagaya ng tubig
kanina sa pool, masangsang ang amoy niyon.  Unti-unting naramdaman ni Brynna na
hindi siya makagalaw at makahinga.  Parang naulit ang nangyari sa kanya kanina sa
tubig.  Narinig ni Brynna ang tawag ng kaibigang si Tarieth.  Anyong tatayo ito
ngunit ito man ay hindi nakaligtas sa kapangyarihan ni Master Tulle.

            "Diba sinabi ko na papatayin ko kayong dalawa?  Napagpasyahan kung


pagsabayin na kayong patayin.  Wala pang nakakatalo sa kakayahan ko."Pagkasabi
niyon ay mas lalong nahihirapan si Brynna na huminga at nararamdaman niya ang
sobrang init, parang sinisilaban ang buo niyang katawan.  Narinig ni Brynna ang
sigaw ni Tarieth. Alam ni Brynna na pareho sila ng nararamdaman ni Tarieth.  She
needs to do something!

            Brynna called her other power, ang kaninang mga bulaklak na lumabas sa
tubig ngayon ay namumukadkad na iyon ng tudo.  Nagbilang si Brynna ng isa hanggang
sampu.  Hindi pa man nakarating sa walo narinig na ni Brynna ang boses ni Master
Tulle.

            "Sino ang may kagagawan nito?  Sabihin m—

            Biglang napaluhod si Brynna sa sahig ng biglang nawala ang bumabalot sa


katawan.  Nagmamadaling nilapitan nito si Tarieth at may kung anong ipinasok sa
bibig nito.  Thanks to the elements buhay ito bagaman hinang-hina nagawa pa nitong
ngumiti kay Brynna.

            "Anong nangyari Bree at ano iyong inilagay mo sa bibig ko?"

            "Antidote, sorry Tara.  Wala na akong maisip na gawin."

            Sabay na napatingin ang dalawa kay Master Tulle na hawak ng dalawang


kamay ang leeg.  Halos lumuwa ang mga mata nito.  Napangiwi si Tara ng makitang
nihihirapan itong huminga.
            "Anong nangyari sa kanya Bree?"  tanong ni Tara habang hindi inalis ang
paningin kay Master Tulle.

            "Poison.  Ang bulaklak na iyan ay tinatawag kong Blood Lily."

            "Parang di tugma ang pangalan Bree, bakit kulay puti ang bulaklak?     

      "Dahil sa unang pagbuka ng bulaklak ng Blood Lily naglalabas iyon ng pollen


na pagnasinghot ng tao papasok iyon sa katawan.  Isa iyong klase ng poison,
paghumalo iyon sa dugo ng tao o hayop unti-unting pumuputok ang blood cells nito
hanggang sa mamatay ito.  Ang hindi ko alam ay kung gaano katagal mawalan ng buhay
ang isang tao, dahil ito ang unang pagkakataon kung gamitin ito.  Pero sabi ko nga
isang beses lang sila maglabas ng poisonous pollen, isang normal nalang na bulaklak
ito pagkatapos niyon."

            "Paano mo nalaman ang magiging epekto nito?"

            "Ginamit ko ang dugo ko."

            "Paanong nabuhay ka?" gulat na gulat na tanong ni Tara.

            "Hindi ko ginamit sa sarili ko," natatawang sagot ni Brynna na umupo sa


tabi ng kaibigan at sumandal din sa dingding.  "Kumuha ako ng dugo ko at iyon ang
ginamit ko sa mga ekspiremento ko. At pagkatapos ng mahabang panahon natagpuan ko
rin ang antidote nito."

            "So, hanggang kailan siya maghihirap ng ganyan?"

            May lungkot ang mga matang tiningnan ng dalawa si Master Tulle na


nakahiga sa sahig.  "Hindi ko alam." Ang mahinang sagot ni Brynna.  Lumipas pa ang
ilang minuto bago naramdaman ng dalawa na nalagutan na ng hininga sa wakas si
Master Tulle.  Ngunit bago mangyari iyon nag-iwan ito ng mensahe.

            "Hum-anda k-kaa-yo, i-t-to pa l-ang a-ang ump-pisa."

            Nagkatinginan si Brynna at Tarieth.  Hindi maiwasang kabahan at


kilabutan sa narinig.  Anyong tatayo si Brynna para lapitan si Master Tulle ngunit
pinigilan ito ni Tarieth.

            "Patay na siya Bree.  I'm sorry Bree hindi kita natulungan."

            "Ano ka ba, okey lang yon."

             "Noon pa man binalaan na ako ni Master Herone at Master Drakon na ang


kahinaan ko sa uod ay kailangan kong e overcome pero hindi ako nakinig.  Sa isip
ko, ano ba ang magagawa ng isang uod sa akin?  Such a small thing. Madali lang
naman silang patayin.  Iniisip ko na malakas at makapangyarihan ako. Pero ng
magsimulang dumikit sa akin ang mga linta Bree, I can't bring myself to move kahit
anong gawin ko.  I was paralized with fear and I lost.  Kaya malaki ang pasalamat
ko at hindi ang buhay mo ang naging kapalit ng kayabangan ko. Dahil pag nangyari
iyon, hindi ko alam kong mapapatawad ko ang aking sarili Bree." Pag amin ni Tarieth
sa nararamdaman.

            "Naintindihan ko ang nararamdaman mo Tara. Ako man ganun din, I almost


give up at sinisisi ko ang kahinaan ko. Kung bakit hindi ako marunong lumaban pero
habang nakapikit ako kanina, ikaw ang nakikita ko. You remind me how to fight and
not give up. Walang taong perpekto Tara, at lahat ng buhay na nawala habang buhay
nating dadalhin iyon. Pero kailangan nating lumaban para sa mga taong
nangangailangan sa atin lalo na sayo. Mga taong walang kalaban-laban. Lalo na at
may babalang iniwan si Master Tulle. Kaya nagkapagdisisyon ako Tara na sumama sayo
at magpursige na lumakas pa."Tahimik lang na nakikinig ang kaibigan kay Brynna.

            "Hanggang sa kahulihulihang hininga niya, kasamaan pa rin ang nasa isip


niya.  Sino ang mahal na hari ang tinutukoy nito Tara?  Ang hari ba ng Tuskan? 
Hindi na ba sila natuto noon?  Hindi pa ba sapat ang kaparusahang ipinataw sa
kanila ng Empress?"

            "Hindi ko alam Bree, hindi ko rin alam." Mahinang sagot ni Tara sa


kaibigan at ipinikit ang mga mata.

            Bago tuluyang pumikit si Brynna, inilapat nito ang mga palad sa tiyan
ng kaibigan at nagsimulang gamutin ito.  Ng makontento saka ito bumalik sa
kinauupuan kanina at ginaya ang ginawa ng kaibigan,ipinikit nito ang mga mata at
natulog.

=================

Chapter 17

            Hindi mapakali si Brennon, ayon sa inutusan niyang magbantay at


magmasid sa anak na kanina pa nagpaalam ang dalawang bata kay Master Selene na
umuwi pero hanggang ngayon hindi pa rin dumating si Brynna at Tarieth sa Lancaster
Manor.  Hindi na nakayanan ni Brennon ang paghihintay kaya nagpasya si Brennon na
hanapin ang anak.

            Una nitong pinuntahan ang gilid ng kuwadra kung saan nakaparada ang mga
karwahe.  He then get everyone attention and asked kung may nakakita ba sa dalawang
bata.  Walang kahit sino man sa mga ito ang nakakita. Ngunit bago nakaalis si Duke
Brennon may dumating na isang karwahe at ng tanungin sinasabi nito na may inihatid
itong dalawang bata sa bath house kalahating oras na mahigit ang nakalipas. 
Pagkatapos na magpasalamat, agad na pinatakbo ni Duke Brennon si EarthShadow
patungo sa bath house.

            Nang makarating sa bath house,nagkagulo ang mga attendants na naroroon


dahil sa presinsya ng Duke.  Agad na sinabi ng Duke Brennon ang pakay nito ngunit
ganun na lang ang pagkabahalang naramdaman nito ng malamang nawawala ang dalawang
bata.

            Pumasok si Duke Brennon sa silid kung nasaan huling inihatid ng


attendants ang dalawang bata kasama ang namamahala sa bath house na si Karla at
dalawang attendants.  Naroroon ang mga gamit na ibinigay ng attendants sa mga ito
ngunit halatang hindi iyon nagamit.  Sinuyod ng tingin ng Duke ang buong silid,
napakunot noo ito ng may maamoy ng kakaibang bango.  Sinundan nito ang
pinanggalingan ng amoy hanggang sa makita ang makipot na pasilyo sa gilid ng pool.

            "Para saan ang daan na ito?" tanong ng Duke sa mga kasamang naroroon.

            "Your grace, daan po ito patungo sa likod ng bath house." Magalang na


sagot ni Karla.

            "Maari ko bang makita?" malakas ang kutob ni Brennon na nakita iyon ng


anak at dala marahil ng kuryosidad kaya gustong malaman kung ano ang meron doon. 
Susubukan niya ang hinala baka matagpuan ang anak doon.    

            "Of course your grace."

            "Thank you." At mabilis ang hakbang ni binaybay ang makipot na daan.

            May kadiliman ang silid na napasukan nila Duke Brennon, hinintay ni


Duke Brennon na mag adjust ang mga mata sa dilim.  Napalingon ang Duke sa likuran
nito ng biglang bumaha ang liwanag sa buong silid.  Sinidihan pala ng dalawang
attendants ang mga ilaw na nakasabit sa dingding.

            Ganun nalang ang pagkamanghang naramdaman ng apat ngmakita ang pool sa


gitna ng silid.  Umaapaw ito sa dami ng bulaklak.  Nasisigurado ni Duke Brennon na
doon nangagaling ang humahalimuyak na bango.  Nahagip sa mga mata nito ang dalawang
pigura sa may dingding kaya agad na nilapitan nito iyon.  It was his Brynna and
Tarieth.

            Agad na kinapa ni Duke Brennon kung humihinga pa ba ang dalawang bata. 


Nakahinga ng ito ng malalim ng mapagtantong humihinga pa ang dalawa.  Mukhang tulog
na tulog ang dalawa. Agad na binuhat ni Duke Brennon ang anak at inutusan ang
dalawang attendants na buhatin si Tarieth.  Mabilis ang mga hakbang na nilisan ng
Duke ang silid na iyon.  Bago tuluyang umalis nagbilin ito kay Karla na walang
kahit sinuman ang papapasok sa silid na iyon at mas lalong walang kahit sino man
ang gumalaw doon.

            Dinala ng Duke ang dalawang bata sa healing house.  Nang malaman iyon
ni Master Selene patakbong sumalubong ito at mabilis ang kilos na pinahiga ang
dalawang bata.  Agad na tiningnan ni Master Selene kung may natamong pinsala ba ang
dalawa.  Kung ang mga damit ng mga ito ang pagbabasehan hindi mabilang ang dami
niyon, pero himalang wala kahit isang sugat na makita si Master Selene.  Napatingin
ito sa Duke, na halata sa anyo nito ang matinding pag-alala.
            "Wala akong makitang pinsala sa dalawa your grace.  Alam ko
nakapagtataka pero iyon ang totoo."

            "Kung ganun, maari ko ba silang dalawang dalhin sa Manor?"

            "Kung iyon ang gusto ninyo, mas makabubuti din iyon sa dalawang bata."
Magalang na sagot ni Master Selene.

            Mabilis na inutusan ng Duke na ihanda ang karwahe at umalis na ito


buhat-buhat si Brynna at si Tarieth naman ay buhat-buhat ng isa sa mga healer na
naroroon.

Two Days later...

            Napagpasyahan ni Brynna na maglakad sa hardin ng Manor.  Simula ng


magising siya wala na siyang ginawa kundi ang magpahinga.  Hindi sila pinayagan na
gumawa ng kahit anong gawain.  Gustuhin man nilang dalawa ni Tarieth na tumulong sa
healing house hindi sila pinayagan ni Master Selene dahil iyon daw ang ipinag-uutos
ng Duke.  Kaya hindi na nakatiis si Brynna at ngayon nga ay nasa hardin na siya. 
Napatingala si Brynna ng may makitang malaking puno ng Mahogany.  Ipinilig ni
Brynna ang ulo, she felt a familiar sensation ng ilapat ang mga palad sa katawan ng
puno.

            "Magkaedad tayo." Bulong ni Brynna.

            Napangiti si Duke Brennon ng marinig ang sinabi ni Brynna.  Kanina ng


malaman na lumabas ang anak agad na iniwanan ni Brennon ang ginawa at sinundan ang
anak.  Nakahinga ito ng maluwag ng makitang ang daan patungo sa hardin ang
tinatahak ng anak.  Mahigpit na ipinag-uutos ni Brennon sa lahat na mga kawaksi sa
Manor na bantayan ang dalawang bata at ipaalam sa kanya kung lalabas ng bahay ang
alin man sa dalawa.

            "Paano mo naman nasabi iyan?" nakangiting tanong ni Duke Brennon. 


Nagulat si Brynna ng marinig iyon.  Hindi nito akalain na may tao pala doon sa
hardin.  Bahagyang nanlaki ang mga mata nito ng makilala ang nagsasalita.

            "D-duke Brennon, y-your grace.  Pasyensya na po.  Akala ko kasi walang


tao at sorry po hindi ako nagpaalam na magpunta sa inyong magandang hardin."
Mabilis din itong yumukod ng biglang maalalang kailangan pala niya itong gawin. 
Namumula ang mukha ni Brynna sa hiya.

            Napangiti  naman si Duke Brennon sa nakita.  His daughter really remind


him of her wife.

            "Wag mo ng isipin iyon.  So, paano mo nasabi iyon?" tanong uli ng Duke.
            "Ang alin po?" walang idea si Brynna kung ano ang tinatanong ng Duke.

            Bahagyang natawa si Duke Brennon, "narinig kita kanina.  Ang sabi mo


magkaedad kayo habang inilapat mo ang mga palad sa puno.  Paano mo nasabi iyon?"

            "Ah, yon po ba?  Kasi po nararamdaman ko.  Hindi ko po maipaliwanag."


Nakayukong sagot ni Brynna.

            "Alam mo bang ako ang nagtanim ng punong ito?" kwento ni Brennon habang
naglakad patungo sa upuan na nakaharap sa puno.  "Halika samahan mo ako dito."
Anyaya nito kay Brynna. "Gusto mo bang malaman ang kwento ng punong ito?" tanong
nito kay Brynna na may bahagyang ngiti ang mga labi habang nakatingin kay Brynna.

            Mabilis na tumango si Brynna.  Kanina hindi niya mapagdisisyonan kung


aalis ba o kakausapin at ipagtatapat sa tunay na ama ang totoong pagkatao.  Pero
ito na mismo ang nagbigay ng pagkakataong makasama ito kaya hindi niya iyon
pakakawalan at sana balang araw makapag-ipon na siya ng lakas ng loob, siya na
mismo ang magtatapat dito.  Kaya umupo si Brynna sa tabi ng Duke.

            "Mahigit sampung taon na ang nakalipas ng magbuntis sa pangatlong


pagkakataon ang asawa kong si Lyla."  Bahagyang lumukso ang puso ni Brynna sa
narinig.  "Kakaiba ang pagbubuntis niya na iyon, nakikita at nararamdaman kong
nahihirapan si Lyla ngunit pilit na itinatago iyon ng asawa ko.  Kahit may dalawa
na kaming anak, pinipilit ni Lyla na magbuntis uli dahil sa kagustuhang magkaroon
ng anak na babae kaya kahit anong klaseng hirap kakayanin niya.  Pinangarap ng
asawa ko na magkaroon ng munting bersyon niya o kahit daw hati kami pumayag na rin
siya basta babae." Bahagyang natawa si Brynna sa narinig.  Natuwa naman ang Duke sa
nakita kaya nagpatuloy ito.

            "Pagkalipas ng siyam na buwan nanganak si Lyla ngunit ang sabi ng


healer na nagpaanak sa aking asawa na patay ang bagong sanggol na isinilang.  Ganun
nalang ang tindi ng hinagpis ng aking asawa, lalo na ng malaman ni Lyla na babae
ang anak namin.  Kulang nalang magwala si Lyla.  After the burial halos hindi na
kumakain ang asawa ko, natakot ako na baka pati siya mawala sa akin kaya lumuhod
ako at nagmamakaawa sa asawa ko na piliting mabuhay para sa akin at sa mga anak
namin.  At sa awa ng diyos pinakinggang naman ang aking hiling."  Bahagya pang
gumaralgal ang boses ng Duke.  "It was the most painful event in our lives hija."

            Sa mahinang boses, "anong kinalaman ng kahoy?" nakayukong tanong ni


Brynna.

            "Sa lahat ng mga nangyayari naroon ang aking kapatid na si Brandon. 


Habang nasa loob ng silid napansin niya ang tubig sa paanan ng kama at ng usisahin
iyon nakita niya ang bagong sibol na nakadikit sa mismong kahoy ng kama.  Kaya
nagtaka ito, lumipas ang ilang araw bago  ipinagtapat ng aking kapatid ang hinala. 
Ngunit huli na ang lahat, hindi na namin makita ang healer na nagpaanak sa aking
asawa.  Ipinahukay ko ang libingan ng aking anak at napagalaman namin ng kapatid ko
ang totoo.  Hindi iyon ang katawan ng aking anak.  Kaya simula noon hanggang ngayon
hindi kami tumigil ng kapatid ko na hanapin ang aking anak."
            "Sa loob ng mga nagdaang taon na lumipas, itinago ko ang lahat ng aking
nalalaman sa aking buong pamilya lalo na sa aking asawa."

            "Bakit po?" hindi pa rin timitinging tanong ni Brynna.

            "Dahil ayokong maranasan ng aking asawa ang aking nararamdaman pag-


alala, lungkot, galit, panghihinayang at pagsisisi.  Hindi ko alam kung nasa
mabuting kalagayan ba ang aking anak.  Kung ligtas ba ito, kung kumain ba ito sa
tamang oras.  Panghihinayang sa bawat araw na nagdaan na dapat kasama namin ang
aming anak at higit sa lahat pagsisisi, dahil hinayaan kung mawala ang aming anak
sa amin.  At galit sa gumawa nito sa amin."

            "Wag po kayong magalit kay Mama Sola."Biglang bulalas ni Brynna. 


Naitakip nito sa bibig ang kaliwang kamay, sabay panlalaki ng mga mata ng
mapagtanto ang sinabi.  "Ah, a-ang i-ibig ko--, I'm s-sorry.  I'm so sorry." Hilam
sa luha ang mga mata ni Brynna ng tumingin sa ama.  "Hindi ko alam na hinahanap
ninyo ako.  Na matagal na ninyong alam."  Umiiling-iling pa ito habang walang
humpay ang pagdaloy ng luha sa mga mata.  "Akalo ko kasi magagalit kayo sa akin
pagsinabi ko." Parang batang paliwanag nito sa ama. "Natakot ako na baka hindi kayo
maniwala sa akin, na baka hindi ninyo ako tanggapin dahil mahirap lang ako at
walang kahit anong maipagmamalaki.  Na baka kayamanan lang ninyo ang habol ko-"

            "Sshhh."  Hindi na napigilan ni Brennon ang sarili na yakapin ang


anak.  "It's alright hija, naintindihan ka namin ng mama mo."  Hinayaan nitong
umiyak ang anak sa dibdib hanggang humupa ang nararamdaman nito.  Nang mag-angat ng
ulo si Brynna, maingat na pinunasan ni Brennon ang mukha ni Brynna.

            "Alam ng totoo kong m-mama ang lahat? Pero ang s-sabi-." Naputol ang
sasabihin ni Brynna ng makitang tumango ang ama.

            "Nakita ka ng kapatid mo na si Bryron minsan sa plaza at nagtanong siya


sa amin kaya naghinala ako na baka ikaw iyon.  Lingid sa kaalaman mo binisita ka
namin ng mama mo sa shop ni Miss Elvira."

            "Kailan?" namilog ang mga mata ni Brynna sa nalalaman.

            "Naabutan ka namin ng mama mo na natutulog sa sahig.  Iyon ang unang


pagkakataong nakita ka namin ng mama mo.  Habag na habag ang mama mo sa nakitang
hitsura mo at gustong-gusto ka na niyang iuwi pinigilan ko lang." napangiti si
Brennon sa sinabi.

            "Ang daya, ako, ilang araw akong nagbabakasakali na makita kahit isa
man lang sa inyo, pero wala man lang kahit isa sa inyo ang sumilip."nakalabing sabi
ni Brynna na ikinatawa ng ama.

            "So, so you want to meet your mother?" seryosong tanong ni Duke Brennon
sa anak.  Nang makita nito ang pag alinlangan sa mukha ng anak agad nitong
dinugtungan ang sinabi.  "Kung meron man sigurong higit na gustong makita ka, ang
mama mo na iyon.  Patatagalin mo pa ba ang paghihirap ng mama mo?"  Umiling-iling
si Brynna bilang sagot.  "Kung ganun sabay nating sorpresahin ang mama mo."  Sabay
na naglakad ang mag-ama habang nakaakbay ang Duke kay Brynna.

            Nasa tea room si Lyla habang naggagansilyo agad na nag angat ito ng ulo
ng marinig na bumukas ang pinto.  Agad na nawala ang ngiting nakahanda sa mga labi
nito ng makita ang nasa pintuan.  Walang kahit sino man sa dalawang babae ang unang
nagsalita.

            Ito ang kauna-unahang beses na nakita ni Brynna ang sariling ina. 


Kahit na sa Manor sila nakatira ni minsan hindi nagkasalubong ang kanilang landas. 
Ang babae ngayon sa harapan ay maliit na babae, bata pa itong tingnan at sobrang
ganda. Mahaba ang maitim nito na buhok na hinayaang nakalugay na nilagyan ng ipit
ang magkabilang gilid ng buhok.  She has green eyes, kaya alam na ni Brynna kung
saan siya nagmana sa kulay ng kanyang mga mata.  Her mother have an ethereal
beauty.  Parang ayaw na ni Brynna na kumurap man lang sa takot na mawala ang ina sa
harapan.

            Unang nakahuma si Lyla tumikhim ito bago magsalita, " Hi! I'm Lyla."
Pakilala nito sa sarili.  Halos sumabog ang dibdib ni Lyla ng makita sa harapan ang
anak.  Oh! How she really wanted to hug her daughter and never let go, pero ayaw
niyang matakot ang anak.  She look so perfect lalo na ang mga mata nito na manang-
mana sa ama.

            Lumunok muna si Brynna bago sumagot, "A-ako po si Brynna."

            "Halika umupo ka." Anyaya ni Lyla.  Mabilis na inalis nito ang mga
gamit sa kabilang upuan.  Ngunit hindi tuminag si Brynna sa kinatatayuan kaya si
Lyla na ang lumapit dito.  Ngunit bago ito makalapit ng tuluyan narinig nitong
nagsalita si Brynna.

            "I'm so sorry.  I'm so sorry m-mama." Humihikbing sabi ni Brynna. 


Napahinto si Lyla sa paglapit.

            "Tama ba ang narinig niya?  Tinawag siyang mama ni Brynna Oh Lord


please let it be true?"

            "Hindi ko po alam na matagal na ninyong alam ang tungkol sa pagkatao


ko.  I'm sorry po."  Iyon lang ang tanging hinintay ni Lyla na patunay at mabilis
ang hakbang nitong lumapit sa anak at niyakap ito ng mahigppit.

            "Brynna! My baby.  Thank you. Thank you!" Walang salitang hinayaang ni


Lyla ang sarili na namnamin ang pakiramdam na mayakap ang anak.  Pagkaraan ng ilang
saglit bumitiw si Brynna sa pagkakayakap sa anak at yumuko ito para magpantay ang
mukha sa anak.  "Wala kang dapat ihingi ng tawad anak, naintindihan kita,
naintidihan ka namin ng papa mo.  Ako dapat ang humingi ng tawad sayo dahil hindi
kami naging maingat ng papa mo kaya nawala ka sa amin." Lumuluhang paliwanag ni
Lyla.
            "M-mama, wag po kayong magalit kay Mama Sola.  May dahilan po siya para
gawin iyon.  Dahil kung hindi po niya iyon ginawa, baka matagal na akong wala dito
sa mundo.  Kaya po pakinggan ninyo ang dahilan kung bakit iyon ng aking nakagisnang
ina."

            Natigilan si Lyla sa narinig ngunit tumango ito at muling yumakap sa


anak.  "Kung ganun gusto kong makita at makausap si Master Sola.  At
makapagpasalamat na rin." Sabay na napalingon ang dalawa ng bumukas ang pinto.

            "Opps! Sorry! I guess I'll be ba-." Naputol ang paghingi ng paumanhin


ni Byron ng makita ang kasama ng ina.  "It's you!"Malakas na bulalas nito.

            "Hi!" nakangiting bati ni Brynna sa matangkad na binatilyo.

            "Hi! I'm Byron." Nakangiting lumapit ito sa dalawa at inilahad ang


kanang kamay kay Brynna.

            "Ako si Brynna." Tinanggap nito ang pakikipagkamay ng binata.

            "So, are you my sister then?" Walang kabog-abog na tanong nito?

            "Nope! I'm your mother's sister." Nakangiting biro ni Brynna na


ikinatawa ng ina.  Tumili si Brynna ng bigla itong buhatin ng nakatatandang
kapatid!

            Bumalandra ang pintuan ng humahangos na pumasok si Duke Brennon. 


Napabuntong hininga ito ng makitang buhat-buhat ng anak na lalaki si Brynna malayo
sa panganib na inaakala nitong nangyayari.

            "What was that noise?" naiiritang tanong ni Brian sa ama ng pumasok ito
sa silid.  Hindi agad nito nakita si Brynna dahil nakatalikod ito habang ibinaba ni
Byron.  Mabilis na humarap si Brynna ng marinig ang boses ni Brian.

            "Hi!" nag-aalangang bati ni Brynna.  Hindi agad nakahuma si Brian ng


matitigan si Brynna.

            "Hi."Seryoso ang mukha nito ng lumapit kay Brynna.  "Kumusta na ang


pakiramdam mo?"

            "Ikaw!" namilog ang mga mata ni Brynna ng makilala ang lalaking


palaging naghahatid ng prutas sa kanila ni Tarieth sa kanilang silid.  Ang buong
akala ng dalawa ay katulong ito.

        "Magkakakilala kayo ng kapatid mo Brian?" nakakunot noo na tanong ni Lyla


sa panganay na anak.
            "Hindi mama." Maikling sagot nito sa ina.

            "Hindi ba at mahigpit ang bilin ko na wag lapitan ang kapatid


ninyo?"nakataas ang kilay na tanong ni Lyla kay Brian.

            Ngumiti lang ang binata, hindi apektado sa ipinakitang katarayan ng


ina.  "I was just curious.  So, welcome home little sis.  Can I have a hug?" agad
naman na lumapit si Brynna at niyakap ang matandang kapatid.  "Strickly no
boyfriend pet until you're thirty." Anito na ikinatawa ng lahat.  Unang pagkikita
palang nila ng kapatid at mukhang strikto ito.  Wala ng mahihiling pa si Brynna sa
kaligayahang nararamdaman.

            One month later...

            Umiiyak habang kumakaway si Brynna sa mga magulang, kapatid at mga


kaibigan.  Pati na rin ang kinagisnang ina na si Sola na mag-iisang linggo ng
dumating sa Brun at ngayon ay naninilbihan bilang healer ng pamilya ni Brynna.

            Gustuhin man ng mga magulang ni Brynna na sumama sa anak hindi nito


pwedeng iwanan ang Brun lalo na at katatapos lang ng Black Fever outbreak.  Nang
ipagtapat ni Brynna ang nangyari sa bath house ganun nalang ang pag-alalang
naramdaman ni Brennon at Lyla para sa anak.  Lalo na ng hilingin ng anak na
magtungo sa Quoria at doon mag-aaral kasama ang kaibigang si Tarieth.

            Gustong tumutol ni Lyla pero kung ang pagpunta ni Brynna sa Quoria


makakatulong para mas lumakas pa at mahasa ang kapangyarihan ng anak mas pinili ni
Lyla na mawalay sa piling ng anak.  Pero hinihiling nito sa asawang si Brennon na
pagkatapos ng mga gawain sa Brun luluwas ang mga ito sa Quoria para makasama ang
anak at hayaang si Brian ang mamahala sa Brun.  Walang magawa si Brennon kundi ang
pumayag sa kahilingan ng asawa.  Kaya mabigat ang dibdib na pinagmasdan ni Lyla ang
papalayong caravan na sinasakyan ng anak.  Nananatili ito sa kinatatayuan hanggang
wala ng makita sa sinasakyan ng anak.  Kinabig ito ni Brennon at niyakap.

            "We will see her again love, I promise." Yumakap si Lyla sa asawa
bilang pagtugon.  Hindi mawaglit sa isipan ni Duke Brennon ang natagpuan sa likod
ng bath house ng balikan niya itok asama ang kapatid na si Brandon.  Puno ng mga
puting bulaklak ang silid.  Nang seyasating mabuti ng Duke ang silid, mayroon itong
natagpuang dalawang pares ng damit.  Isang pambabae at ang isa ay damit panlalaki. 
Sa di kalayuan ng mga damit ay ang katawan ng isang batang babae na nakahandusay sa
sahig.  May dugo na lumalabas sa mga mata, tainga, ilong at bibig nito habang ang
isang kamay ay nakahawak sa leeg at ang isa naman ay sapo-sapo ang dibdib.  Bakas
sa hitsura ng mukha ang paghihirap at sakit na nararamdaman.  May dugo rin sa lugar
kung saan natagpuan niya ang anak at ang kaibigan nito.  At sa gitna ng maraming
bulaklak.  Ayaw isipin ni Duke Brennon kung kaninong dugo iyon pero alam niya
dalawa lang ang kanyang pagpipilian, kay Tarieth at kay Brynna.  Nguit
nakapagtatakang wala makitang sugat si Master Sola ng dalhin niya sa healing house
ang dalawang bata.  Napagkasunduan ni Duke Brennon at Brandon na itago ang
nalalalaman.

         Nang tanungin niya si Brynna at Tarieth pagkaran ng dalawang araw wala


ring maisasagot ang dalawa maliban sa mga pangalan ng tatlo nakalaban.  Kung ano
ang motibo ng mga ito ay madaling hulaan, ang pabagsakin ang Brun pero kung bakit
at sa kung anong dahilan ay nanatiling isang malaking katanungan sa isip ni
Brennon.

            Ngayon ang anak niya ay patungo sa Quoria para doon mag-aral kasama ang
kaibigang si Tarieth.  Maraming katanungang naglalaro sa isip ni Duke Brennon na
kailangan niyang malaman ang sagot sa lalong madaling panahon.  Dahil nangangaba si
Duke Brennon na nakasalalay dito ang kaligtasan hindi lang ng sariling pamilya
kundi ang buong Brun.

End of book 1

"I have received a lot of questions and comments about this book. So I will
answer here.

1. Yes, ang storya ng buhay ni Brynna ay of course may karugtong, kasi ang buong
Elemental Mage series ay tungkol sa kanilang apat na magkakaibigan.

2. Bitin ba? Wala akong magagawa. If I put here all Brynna's story, masyadong
maraming spoilers kawawa ang susunod ko na mga books and I don't want that to
happen.

3. No. I will not add anymore chapters of Brynna. But I might make changes.
Pasensiya na newbie lang.  I apologize for the typos and all.  And salamat sa reads
and votes.  And if you like what you read please share.  Thank you po.

Book 2 is titled Elemental Mage (Tempest).

(Revised and Completed May 2016)

end

______________________________________
Private Property :
YURIE MAY LIBRARY
______________________________________

You might also like