You are on page 1of 73

LAM-ANG:

Reimagined
Isang Dulang Musikal ni Hango sa Ilokanong Epiko na
Jen Darlene Torres Biag ni Lam-Ang
sa Pagsasalin sa Tagalog ni
Angel Acacio

MGA TAUHAN

Estudyante Isang modernong kabataan na nakapulot ng


libro at magsasalaysay ng kwento

Lam-Ang isang di-pangkaraniwang lalaki, malakas

Namongan Ina ni Lam-Ang

Juan Ama ni Lam-Ang

Ines Kannoyan Ang babaeng inibig ni Lam-Ang,


pinipilahan ang ganda, mayaman

Tilaok mga kasa-kasamang hayop ni Lam-Ang na


Ka-ul may taglay na kapangyarihan, nakapagsasalita

Apo Danum diyosa ng katubigan

Sumarang kababata at karibal ni Lam-Ang sa panliligaw

Saridandan mangkukulam, tagapag-alaga ni Kannoyan,


matandang babaeng kuba, kayang magbalat-
kayo

Tandang Guibuan amaing gabay ni Lam-Ang, punong tagapayo


sa Nalbuan

Gumakas pinuno ng mga Igorot Tatuan


Kurdapya, Berberoka at Macabebe mga dalagang kaibigan ni Lam-Ang
Apo Laki at Apo Angin mga diyos/a ng kalikasan
Prologo
LAM-ANG

Hanggang sa unti-unti, may nabubuong mga


imahe at mga elemento.Usok, apoy, hangin,
liwanag at dilim. Nabubuo ang daigdig.

Sumasayaw ang mga elemento ng bagong


kalikasan. May awit na hindi tugma sa kahit
anong kanta. May mga nilalang na hindi
tulad na’tin. Sila ang mga diyos. Lumilikha
ng lumilikha ng lumilikha… hanggang sa sila
ay mawala.

Wala.

At pagkatapos ay digmaan ng mga sinaunang


tao.

Pagkatapos, mawawala.

Dilim lamang at isang libro ang naiwan sa


entablado.

Samantala isang nilalang ng lupa mula sa


ilang daang taon na nakalipas ang dumating.
Siya ay isang ESTUDYANTE. Makikita nya
ang libro sa gitna ng entablado at kanya
Estudyante: itong pupulutin.
Lam-Ang.
Kwento ng pag-ibig at pakikipagsapalaran ng
dakilang si Lam-Ang... isang imahinasyon.
Bubuksan nya ang libro.
Awit ng panimula.
Estudyante:
Iyeeee…
Ramdam ania ngay?
Kalikasa’y
Mayrong buhay Magdadatingan ang mga tauhan,
nagsisitakbuhan, mga mamamayan ng
Kamay mo ba’y aalalay?
Nalbuan. Ipapakita ang kanilang buhay at
mundo sa pamamagitan ng mga galaw.
Koro:
Iyeeee
Ramdam ania ngay?
Kalikasa’y

Ang simula: Nagmula ang lahat sa wala.

2
LAM-ANG

Mayrong buhay
Kamay mo ba’y aalalay?
Iyeeee…
Ramdam ania ngay?
Ka-mus-ta ang buhay?
Ito ang aming buhay! Hihinto, mararamdamang may mga papalapit

Estudyante:
Shhhh! Tutuloy ang tugtugin. Sa pagsasanay ay higit
na kapansin-pansin ang lakas at galaw ni
Juan na tila naglalaro lang. Patuloy ang
Ito ang Nalbuan kung saan isinilang
maindak na musika sa pag-awit ng
Ako’y may gampanin na gumabay Estudyante.
Pagsasanay ay
Kailangan sa buhay
Pagtatanim, pangangaso Magdadatingan ang ilang dalaga, kasama
Pagbuo ng tahanan niyo, dito, rito si Namongan. Todo ang pagpapasikat sa
Nakasalalay isa’t isa ng mga kalalakihan at mga
kababaihan.
Lahat:
Kahit ang paghanap ng katuwang sa buhay!

Mga Dalaga:
Kaming mga dalaga

Mga Lalaki:
Ganda’y maladiwata

Mga Dalaga:
Sulyapan ang bagong bihis
Pansinin ng labis labis

Mga Lalaki:
Dito sa Nalbuan
Ikaw ang pinakamaganda

Juan:
Namongan!

Sumarang:
Husayan ang pagsasanay!

3
LAM-ANG

Mga Lalaki:
Iye, iye, iye!
Ramdam ania ngay!
Ito ang aming buhay!
Ito ang Nalbuan! Magsisiuwian ang mga nag-eensayo na may
sundong dalaga, si Juan kay Namongan, ang
iba’y sa iba, maliban sa nag-iisang
Sumarang
Sa kabilang dako maririnig natin ang
malungkot na Ines Kannoyan at ang
mangkukulam na si Saridandan.

Ines Kannoyan:
Minsan ay nagbubulay-bulay Saridandan:
Sasapat ba ginto kong alay Sinabi ko na, dahan-dahan lang
Inay, hanap ko’y pag-ibig na tunay Ngunit ‘di nakikinig
Kailan ibibigay? Ang iyong ganda ay ninanasa
Kailan ibibigay?

Apo Danum:
Buwaya kong kaibigan
Bantayan ‘tong katubigan
Aking kalikasan
Mahal kong Amburayan
Ikaw ay aking bibiyayaan

Estudyante:
Biyayang mga isda
Agos na sariwa
Diyosa
ng Katubigan!

Apo Danum:
Ang Amburayan
Sentro ng Kabuhayan
Mula ngayon, kailanpaman

Sa kabilang dako, magkasama si Tandang


Guibuan at Juan sa pagkuha ng mga ani
pang-alay sa mga diyos.

4
LAM-ANG

Makikita naman natin ang Apo Danum,


Tandang Guibuan: diyosa ng katubigan, nagmamasid sa ilog,
Juan, kumpleto na ba? kasama nya ang isang buwayang tagabantay
ng Ilog Amburayan.
Juan:
Ito, para sa diyos ng lupa, ito, sa diyos ng
hangin, ng araw –

Tandang Guibuan:
Nasaan ang mga isda?
Aayusin ang mga palay.
Juan:
Bababa pa ako ng Amburayan? Aabutin ako
ng pag-angat ng buwan.

Tandang Guibuan:
Juan, kailangan! Dalian! Aalis ang matanda.Kakamot ng ulo si Juan.
Magpapatuloy ang musika.

Sa tuktok ng kabundukan nagpunta si


Tandang Guibuan. Sa hudyat nya ay
darating ang mga diyos ng kalikasan.

Tandang Guibuan:
Narito na’ng mga diyosang Apo Laki at Apo
Angin! Sila ay nag-aabang sa hinirang na Juan.

Darating si Juan na may alay na mga palay


Tandang Guibuan: kay Apo Laki, diyos ng lupa, alay na ibon kay
Mga diyos kong pinaglilingkuran, hinirang na Apo Angin, at wala para sa Apo Danum.
Juan ay narito na.
Labis ang tuwa ng mga diyos kay Juan
maliban kay Apo Danum na kanyang
binalewala. Dinamdam ito ng Apo Danum
Apo Laki: samantalang biniyayaan ng Apo Laki at Apo
Juan, kami’y nagagalak sa iyo. Angin ang magiting na Juan.
Tanggapin mo’ng basbas ko
Ikaw ay magiging di pangkaraniwang tao,
At lahat ng dadaloy sa dugo mo
Ay may biyaya ko.
Juan:

5
LAM-ANG

Marami pong salamat!

Apo Angin:
Tanggapin mo itong Tandang
Balang araw may pakinabang
At itong asong balahibuhan
Maging iyong kaibigan Mag-aalisan ang mga diyos, maliban kay Apo
Sa kamay ng masasama Danum.
Ikaw ay magpakadakila
Sasamahan kita
Sa bawat hangin at hinga

Apo Danum:
Nakuha mo ang pagpapala mula sa diyos ng
hangin at lupa. Dahil sa kakarampot na alay,
higit pa sa higit ang nakuha mong biyaya.
Ngunit sa diyosa ng tubig, wala?
Ngayon iyong dinggin,
Ang lahat ng dadaloy sa dugo mo ay aking
susumpain!

Tagtuyot sa buong Nalbuan! Digmaan at


masalimuot na kapalaran…

Tandaan ang nasaksihan


Balang araw at kahit kailan Mawawala ang lahat maliban sa Estudyante.
Ipamahagi sa sanlibutan Makikita ang reaksiyon nito sa kaganapan sa
loob ng aklat.

Estudyante:
\
Maningning na Diyos! Ilawan niyo po ang
pag-iisip ko upang maging tapat sa
pagsasalaysay ko sa kasaysayan ng buhay ng
isang tao.

Magbabago ang eksena.

Unang Tagpo:
\

6
LAM-ANG

Estudyante: Isang gabing maningning ang mga tala.


Noong unang-unang panahon, Sa Lambak Matatagpuan si Namongan na
Nalbuan… nagpapahangin. Darating si Sumarang na
may bulaklak na iaalay sana kay Namongan,
ngunit dumating si Juan.

Juan:
Mahal kita, mahal kita, mahal kita—

Namongan:
Juan? Ibibigay.

Juan:
Bulaklak.

Namongan:
Para saan?

Juan:
Napitas ko lang sa daan.

Namongan:
Salamat.

Juan:
Tinanggap nya! Tinanggap nya! Ayayay –

Namongan:
Maganda.

Juan:
Ikaw!
Walang kapantay.

Namongan:
Bakit ka naglakbay?

Juan:
Ang ‘yong mga mata ~
Namongan:
Bakit ka nagpunta?
Ang Pagsilang

7
LAM-ANG

Juan:
Ito'y tulad ng mga bituin Namongan:
… Patungo sa’kin?
Namongan:
Wag mo kong paulanan ng magarbong mga
salita.

Juan:
Mahal kita.
Walang salita o parirala ang makapagsasabi
kung gaano na kalala ito
At lingid sa kaalaman ng kalawakan
O ng hanging Amihan
Itong tunay kong nararamdaman
Sumpa ko ikaw lang ang mamahalin

Juan at Namongan:
Walang kapantay
Ngayon ang dadamin
At habang buhay
Sumpa kong ikaw lang ang iibigin

Estudyante:
Nagsama ang nag-iibigang Juan at
Namongan. Hindi nagtagal... hindi nagtagal
ay tinanggap nila ang isang biyaya. Nagdaan
ang mga araw, lumipas ng isa-isa, at si
Namongan ay naglihi na;
dumating ang pagbubunga ng saktramentong
tinanggap nila. Walang kapantay ang ligaya
ng mag-asawa.
Sa mumunting tirahan ng mag-asawa.
Ang tiyan ni Namongan ay bilog na bilog na.
Namongan:
Mahal, gusto ko ng sampalok.

Juan:
Mahal, saan naman tayo kukuha n’yan?

8
LAM-ANG

Namongan:
Humanap ka. Pero kung wala, pwede nang
kamiyas. Basta gusto ko ng maasim.
Pero gusto ko talaga ng sampalok, Mahal.

Juan:
Sige Mahal, masusunod.

Estudyante:
At umalis si Juan, umaalis sya araw-araw para
bumili ng mga pagkaing gusto ni Namongan.
Lumipas ang panahon, sa ikapitong buwan ng
pagdadalang-tao niya, Labis-labis ang
kagalakan nila dahil malapit nang manganak
si Namongan. Sa bigat ng pasanin ni
Namongan, napagtanto nya na kailangan nya
ng papag na mahihigaan.

Namongan:
Ay, asawa kong Juan, pwede bang... pumutol
ka ng kawayan, gawin mong papag para
meron akong komportableng mahigaan?

Juan:
Kawayan? Saan ako hahanap ng kawayan?

Namongan:
Naaalala mong may tinanim tayong kawayan
dati sa Bundok Ampalayahan? Doon.

Juan:
Ang layo naman!

Namongan:
Mahal, kailangan nating paghandaan yung
pagsilang ng anak natin. Gusto mo bang
ipanganak siya sa sahig?
Juan:
Ay, hindi, mahal!

Namongan:

9
LAM-ANG

Kung ganon, mahal, pumunta ka sa Bundok


Ampalayahan para makapaghanda tayo sa
itinadhanang magiging anak natin, para kapag
nadatnan ng di oras, nandyan ang papag para
meron akong mahigaan.

Juan:
Sige, mahal. Para sa anak natin.

Ay, nakakapagod pa lang magmahal.

Estudyante:
At nagpunta nga si Juan sa Bundok
Ampalayahan. Isasara ang libro. Musika ng Panganib.
Sa kabilang dako ay dadaan ang mga
Igorotang Tatuan at papatayin ang isa sa
mga taga-Nalbuan. Ito ay masasaksihan nina
Tandang Guibuan at ni Sumarang.
Bubuksang muli ang libro.
Babalik kay Juan.

… At pagkarating na pagkarating nya, ay


pinutol nyang agad ang kawayan na parang
hanging kinawayan lang nya. Ipinatawag nya
din ang malakas na ulan at ulap na tila
bangin sa kadiliman. Kidlat at lintik na
naghabulan ang pumasa-ilalim ng punong
kawayan; Kaya naging parang ulong
ginupitan ng buhok ang kawayang naturan.

Juan:
Kayong mga kawayan, hindi ba kayo nahihiya
na kailangan ko pa kayong pasanin sa
pagkalayo layo pa ng lalakbayin? Tumayo ang mga kawayan at naglakad,
sumunod si Juan sa kanila
Namongan:
Bakit ngayon lang?

Juan:
Pasensya na't natagalan.

10
LAM-ANG

Tandang Guibuan:
Juan! Juan!

Juan:
Anong mayroon, Tandang Guibuan?

Tandang Guibuan:
Yung mga Igorot na tatuan! Pinagpapatay ang
ilan sa ating mga kasamahan!

Juan:
Aba'y napakasama!

Tandang Guibuan:
Ubod ng sama!

Juan:
Naghahamon sila ng digmaan.

Tandang Guibuan:
Kailangan namin ng kapangyarihan mo, Juan,
ikaw ang pag-asa namin.

Juan:
Kung ganon, pupunta ako sa kabundukan at
ako na mismo ang hahamon sa kanila.

Namongan:
Mahal, baka kung mapaano ka. Hindi mo ko
pwedeng iwan dahil ako'y manganganak na...
Kaunting panahon na lang.

Juan:
Ngunit mahal! Pinatay nila ang ating
kasamahan! Tungkulin kong ipagtanggol ang
dangal ng Nalbuan!

Darating si Tandang Guibuan at Sumarang. Namongan:


Umalis si Juan. Bilib ako sa tapang mo, Mahal, ngunit
kababalik mo lang... aalis ka na naman.

11
LAM-ANG

Juan:
Mahal, mahal kita
Ngunit mas higit ang kapalaran na nakatakda
H’wag kang mag-alala aking sinta
Hindi magtatagal ay magbabalik na
Namongan, mahal ko, hindi ako mawawala,
hangga't ako, nasa puso mo.

Tandang Guibuan:
Halika na. Tuluyang aalis si Juan. Lilipas ang mga araw
at naghihintay parin si Namongan, kasama
ang alagang Tandang at Asong balahibuhan.

Namongan:
Mahal,
Nasaan ka na kaya?
Ilang araw nang dumaan
Dapat ay nasa piling na
Narito ako
Nag-aabang sa mga yakap mo
Halika't umuwi na mahal
Paghihirap ay di na magtatagal

At unti-unti
Pabagal ng pabagal ang panahon
Ika'y hindi pa rin nagbabalik
Nawalan na ba ng pananabik

Walang kapantay
Ang aking paglulumbay
Kahit mawalay Ako ay maghihintay

Estudyante:
Sumakit ang tiyan ni Namongan. Tumulo ang
dugo sa kanyang mga binti, habang
pumapatak din ang ulan at kidlat ay sumisilip.
May mga sumaklolo kay Namongan. Kung
sino sinong manghihilot ang tinawag nilam
pero wala sa kanila ang may-kaya. Sa huli,

12
LAM-ANG

dumating si Saridandan na matandang kuba at


mangkukulam. Ang mga daliri niya’y
mahinang talaga. Si Saridandan ay
nagtagumpay na tumulong kay Namongan,
Isang lalaki ang isinilang! Mapapatay si Juan.
Isasara ng Estudyante ang libro.
Apo Danum: Nakatigil ang eksena. Katahimikan. Sa
Isang lalaki! pagtanggap ng nangyari ay bubuksang muli
ang libro, magpapatuloy ang musika, isang
napakalungkot na musika.

Namongan:
Mahal,
Nasaan ka na kaya?
Narito ako
Nag-aabang sa mga yakap mo
Halika't umuwi na mahal
Paghihirap ay di na magtatagal

Hindi ko pa alam kung anong ipapangalan.

Saridandan:
Ang pangalan nya…

Sanggol:
Lam-Ang.

Ikalawang Tagpo:
Sa kabilang dako, digmaan.

Estudyante:
Makalipas ang panahon, nagtipon-tipon ang
mga taga-Nalbuan upang mabinyagan ang
sanggol na si Lam-Ang..

Tandang Guibuan:
Kamusta ang napakamumunting supling ni
Namongan?

13
LAM-ANG

Lam-Ang:
Tandang Guibuan, ikaw ang gusto kong
maging amaing gabay.

Tandang Guibuan:
Nagsasalita sya!

Namongan:
May taglay na hiwaga ang batang ito, mana sa
kanyang ama. Sya nga pala si Lam-ang. Sya
rin ang nagpangalan sa sarili nya.

Tandang Guiban:
Ay kakaibang bata! Isang... isang karangalan
ang maging gabay mo, Lam-Ang.
Tutunog ang gong at magsisitakbuhan ang
Taga-Nalbuan: mga tao. Darating ang mga Igorot at
Ang mga Igorot Tatuan! makikipagdigma sa mga mamamayan. Ang
lahat ng makita ay pinaslang. May ilan-ilang
makakatakbo. Makakatakas sina Tandang
Guibuan, Sumarang, Namongan, at Lam-Ang
patungo sa Ilog Amburayan.

Isang masalimuot na sandali.

Isinagawa ang pagbibinyag kay Lam-Ang.

Tandang Guibuan:
Mga diyos kong pinaglilingkuran, pakiusap,
Ang Binyag tulungan ninyo kami, iligtas kami sa
kapahamakan…

Isang umaga sa Nalbuan.Tagtuyot. Namongan:


Kahit ang sanggol lang na ito, parang awa
niyo na!

14
LAM-ANG

ESTUDYANTE:
Sa pagsikat ng panibagong araw, magbabalik
ang mga nagsipagtakas sa Nalbuan na
nawasak. Unti-unti nilang binuong muli ang
kanilang tribo at nagsimulang muli… ng
masasayang ala-ala! Isang masayang awit.

LAHAT:
Sa Bundok Nalbuan, ay isinilang
bunga ng pag-ibig, pangalan ay Lam-Ang
Sya ay mahiwaga, mahiwagang nilalang
Sa ligaya nya sana'y walang hadlang

Sabay-sabay nating
Subaybayan ang buhay ni
Lam-Ang! Sa kasagsagan ng awit nito ay makikitang
mabilis ang paglaki ni Lam-Ang.
Iyong kamtan sana ang mga mithi
At buong tapang mga kalaban magapi
Panonoorin ka sa bawat sandali
H'wag sanang mapawi ang ngiti

Sabay-sabay nating
Subaybayan ang buhay ni At unti-unti paalis na ang mga panauhin.
Lam-Ang Maiiwan ang mag-ina.
Lam-Ang:
Ina, nasaan ang aking ama?
Anak po ba ako sa pagkakadisgrasya o anak
akong marangal at sinisinta?

Namongan:
Mahal kong anak na Lam-ang, nandito ka pa
sa sinapupunan nung biglang umalis yung
ama mo. Kaya wala sya ngayon, kasi pumunta
Darating si Apo Laki at Apo Angin. sya sa kabundukan para hamunin ng laban
yung mga masasamang Igorotang Tatuan.

Aawit… habang binibinyagan si Lam-Ang. Lam-Ang:


Hindi pa sya bumabalik?

15
LAM-ANG

Namongan:
Hindi pa.

Lam-Ang:
Matagal na?

Namongan:
Matagal na...

Lam-Ang:
Ina, payagan mo akong hanapin kung nasaan
ang ama kong pinagkakautangan ng buhay.

Namongan:
Hay, anak kong matapang na Lam-ang,
napakaliit mo pa. Hindi ka pa gano'n kalakas.

Lam-Ang:
Nay, ako na’ng bahala. Pangako!
O ‘yan nangako ako ha!

Namongan:
Lam-Ang!
Ikatlong Tagpo:

Estudyante:
Makalipas ang siyam na buwan, oo siyam na
buwan lang, ay mabilis ang paglaki ni Lam-
Ang.

Tandang Guibuan:
Sinusubaybayan kita.

Lam-Ang:
Kidlat at tapang aking armas!

Tandang Guibuan:
Magsanay at magpalakas
Ayusin nyo ang tikas

16
LAM-ANG

Nang sa kalaban ay makaiwas!

Lam-Ang:
Inyo pong gabayan ang aking landas! Bubulong sa mga kalarong binata.

Si Tanda, tago!

Tandang Guibuan:
Lam-Ang!

Lam-Ang:
Ako?

Tandang Guibuan:
Ikaw, oo, ikaw, halika rito.

Lam-Ang:
Ano pong maipaglilingkod ko?

Tandang Guibuan:
Masahihin mo na lang muna ang likod ko
Pagkat kasabay mo’y malalaki sa iyo Lam-Ang, isa ka pa lamang -- bata
Ang Pagsasanay
Lam-Ang:
Wala naman akong nakikitang mali don,
Tanda!
Sa kapatagan. Ginaganap ang isang
pagsasanay. Ang mga lalaki ay nakahanay. Tandang Guibuan:
Kasama ang munti pang Lam-Ang. Ay pambihirang bata!
Makikitang nagtuturo ang Tandang Guibuan
habang nagmamasid ang Estudyante. Lam-Ang:
Ay pambihirang matanda!

Estudyante:
Sya ay nagbinata kaagad, nagsanay sa
pakikipagdigma at paggamit ng
kapangyarihan. Sya ay nagpalakas at
lumaking matapang gaya ng kaniyang ama.
Sya ay ginabayan ng Tandang Guiban at iba
pang mga kasamahang lalaki. Narito rin si
Sumarang na naging kanyang mabuting

17
LAM-ANG

kaibigan. Sa pagsasanay ay madali ang


kanyang pagtuto at sya ay tinaguriang
pinakamahusay sa lahat. Lalabas, at sa pagpasok muli ay lumaki na.

Lam-Ang:
Sa aking pagsasanay paghuhusayan
Taglay ko ang biyaya ng kalikasan
Tagumpay ay aking pagmamasdan

Tandang Guibuan:
Si Lam-Ang, katangi-tangi yang binatang
'yan.

Sumarang:
Parang hindi nanghihina.

Tandang Guibuan:
Matatag, kahit pawisan.
Lam-Ang, ipakita mo pa ang galing mo!
Lam-Ang:
Opo!
Ako ay lalaban ng buong tapang
Para sa aking amang buhay ko'y utang

Tandang Guibuan & Estudyante:


Ito ang paghubog kay Lam-Ang

Tandang Guibuan:
Napakahusay ni Lam-Ang, hindi ko itinuro sa
kanya iyon!

Maghahabulan. Sumarang:
Manang mana sa kanyang ama!

Tandang Guibuan:
Humanda yang mga bastardong Igorotang
tatuan.

Lam-Ang:
Pupuksain ang lahat ng masasama
At ililigtas ang amang nawawala

18
LAM-ANG

Sa kamay ng mga umagaw sa kanya

Pagkat matagal na siyang naghihintay


Kapit lang, uuwi no sya sa ating bahay
At papawiin nyang kanyang lumbay

Ina!

Namongan:
Anak, itigil mo na muna yang pagsasanay.
Kanina ka pa dyan, siguradong pagod ka na.

Tandang Guibuan:
Ay tama! Umuwi ka na nang
makapagpahinga. Ituloy na lang natin bukas.

Lam-Ang:
Salamat po... sa pag-aalala pero... Ina, Tanda,
Estudyante, at mga kaibigan, sa tingin
ko, panahon na... Nakapagdesisyon na akong
lumakbay para hanapin si ama.

Mga Binata:
Ha?

Namongan:
Hindi ako papayag Lam-Ang. Masyadong
mapanganib, baka hindi ka na makabalik
katulad ng iyong ama.

Mga Binata:
Oo nga, Lam-Ang!

Tandang Guibuan:
Sa tingin ko ay panahon na nga.

Mga Binata:
Darating si Namongan. Ha?

Tandang Guibuan:

19
LAM-ANG

Binata na si Lam-Ang at handa na syang


makipaglaban. Nagtitiwala akong
magtatagumpay sya.

Mga Binata:
Oo nga naman, Namongan!

Lam-Ang:
Tanda, hayaan nyo munang mag-usap kami ni
Ina. Aalis sila. Maghahanda si Tandang Guibuan
at mga binata sa pag-alis ni Lam-Ang,
iipunin ang mga sandata habang nakikipag-
usap sa kaniyang ina.

Lam-Ang:
Ina, payagan mo na ‘ko. Namongan:
Gusto mong payagan kita? Hindi, Lam-Ang.
Hindi mo na yan kailangang gawin.
Dahil kung natalo ng ama mo yung mga
tatuan, matagal na sana syang nakabalik.

Lam-Ang:
Baka sakali.

Namongan:
Lam-Ang, paano kung hindi ka din
makabalik? Paano naman ako?

Lam-Ang:
Ina, hindi rin ako makakatiis. Nakikita kita
araw-araw na nag-aabang.
Magagawa ko bang walang gawin?

Ina matagal ka nang naghihintay


Kapit lang, iuuwi ko sya sa ating bahay
At kanyang pawiin na ang iyong lumbay

Namongan:
Labag man ito sa kalooban
Humayo ka't sundan ang iyong kapalaran
Basta't bumalik sa aking kanlungan

20
LAM-ANG

Namongan:
Lam-Ang: Pawiin ang aking lumbay!
Pawiin ang iyong lumbay

Lam-Ang:
Babalik ako, pangako. O yan, nangako ako.

Tandang Guibuan:
Lam-Ang! Tatawag din ang mga kasama. Iaabot isa-isa
ang mga sandata at mga pabaon.

Sumarang:
Tanggapin mo. Bato mula sa pusang nag-
aapoy ang mata. Mabisa kapag madilim at
walang makita.

Estudyante:
Ito, bato na binasbasan ng tangraban.

Sumarang:
Ito naman, bato ng lawlawigan, agimat daw
laban sa mangkukulam.

Binata (Alimuog):
Ito, galing sa damuhan, matigas kapag
pinukol sa kalaban.

Lam-Ang:
Salamat sa inyong lahat! Salamat!

Namongan:
Anak, mag-iingat ka.

Sumarang:
Ako na ang maghahatid sa kanya sa duluhan
nang maituro ko na rin ang daan.

Lam-Ang:
Halika na Sumarang!

21
LAM-ANG

Sumarang:
Naaalala ko nung binyag mo, Lam-Ang.
Parang kailan lang ang liit mo pa.

Lam-Ang:
Naaalala ko nga rin. Bawat detalye. Si Tanda
na nagbasbas sa akin, ang pag-ahon ko sa
tubig. Naaalala ko ang ayos ng buhok ni Ina,
ang tingin sa kanyang mata, nababasa ko na
hinihiling nyang sana naroon din ang aking
ama. Sumarang:
Simula sa araw na ito, Lam-Ang, paglampas
mo ng Nalbuan, maaaring maglaho ang
isanlibong posibilidad na magbabalik ka.
Hindi natin alam. Malabo ang inaalok ng
kinabukasan. Pakiusap ko, sana ay magbalik
ka, kaagad. Paalam, Lam-Ang.

Lam-Ang:
Paalam Sumarang.

Aalis ang dalawa, madadaan sa Ilog


Amburayan. Titigil.

22
LAM-ANG

Ikaapat na Tagpo:

Estudyante:
Digmaan ang kanyang pinuntahan sa lupalop
na kaigorotan upang hanapin ang amang
pinagkautangan ng buhay. Mabilis na mabilis
niyang dinaanan ang lubhang makapal na
gubat, ang mga hamog, panganib, mutya ng
alupihan! At nang marating sya sa bundok na
may malalim na ilog, agad niyang nakita’t
napansin ang punong pinakamalaki’t malilim.
Ito ang tagpua’t pinagtitipunan ng mga
igorotong tatuan;
at dito, dito sya ay nag-abang.

Gumakas:
Mga kasamahan! Narito ang isang talunan!
Ubod ng tapang at lubhang
napakamakapangyarihan pero heto, heto sya
ngayon, isang ulong walang katawan!

Lam-Ang:
Mga pangahas!

Gumakas:

23
LAM-ANG

Taga-Nalbuan! Buti pa, kaibigan, magbalik ka


sa bahay nyo at baka sapitin mo rin ang
naging kapalaran ng aming pinugutan.

Lam-Ang:
Ay, mga tatuang Igorot, di ako nasisiyahan
ngayon. Mukhang kailangan kong
makipaglaro at kailangan ko ng makakalaban. Gumakas:
Ang Digmaan Isang hamon, narinig nyo 'yon?

Sa kagubatan, masukal. Nagsasalitang lilim Bilib ako sa tapang mo, ngunit yang klase din
at araw sa kanyang paglalakbay. ng kayabangan at katapangan ang dadali
sa'yo. Maniwala ka, ganyan din – ah marahil
mag-ama kayo? Wangis na wangis ha!
Nakakaawa naman ang iniwan mong ina. Pero
dahil may pista kami ngayon at
nakakasagabal ka, pagbibigyan kitang I-urong
ang hamon mo.

Lam-Ang:
Wala akong I-uurong, Igorot. Pasensya na
lang sa abala.

Gumakas:
Nakarating sa lugar na pinagtitipunan ng Sigurado ka? Uulitin ko. Sigurado ka?
mga igorot na kanyang mga kaaway. Kasama Hindi mo kami kaya!
rin nila ang Apo Danum na pinagmamasdan
lang ang pista sa kalayuan. Nagising si Lam- Lam-Ang:
Ang. Napagmasda’t nakita niya ang bungo ng Sa katunayan, napakaunti nyo nga. Bakit
kanyang mahal na ama sa sarukang hindi nyo pa tawagin yung mga taga-padang,
nakatingalang inilagay nila, at ipinaharap sa lahat ng mandirigma sa lahat ng bahay; mga
may piging at pista. taga-dardarat, Nueva, Tapaan, mga taga-
Mamookan, Kawayan. Sino pa ba? Ah!
Magtatawanan ang mga Igorot. Tutugtog ang Pakisabihan mo na rin yung mga taga-
musika. Magsasayawan ang mga ito at gambang, maghatid ka ng pasabi sa kaparian,
magsasalu-salo. Magpapakita sa Lam-Ang na sa Amangabin, Lipay at Lukutan, sa
kinakaladkad na ang mga sandata. Nakatuon Sumadag, Tupinaw at Bandan. Sa Sambangki,
ang pansin ng lahat sa kanya. Bakayawan at Sasaba.

Gumakas:

24
LAM-ANG

Magaling ka. Sige pagbibigyan kita. Mga


kasama! Tawagin ang iba pang mga
kasamahan, ang mga kawal! Maghanda sa
digmaan!

Estudyante:
Di nagtagal, mga kawal dumating na. Sa
digmaa'y handang-handa sila. Dumating ang
Magtatawanan. mga kawal na parang manok na binabalatan,
maingay, sunod-sunod. Talagang sila’y
marami’t kamangha-mangha, Hindi mabilang
at hindi kapani-paniwala; Agad kinikiskis ni
Lam-ang ang mutya, bato ng lawlawigan,
batong mahiwaga. Sa isang lundag nakarating
si Lam-ang sa gitna ng malawak na
kaparangan; Doon tinawag niya ang pansin ng
mga kalaban. Pinaligiran siya ng mga
kalaban. Sinimulan na ang digmaan!

Lam-Ang:
Aking sandata, pinagkakatiwalaang sandata
na tagpagtanggol ko. Ikaw nang tumapos sa
paghihiganti ko.
Magtatawanan
Estudyante:
Isinasak sa lupa! Ng mga taong mapagmalaki.
Sa galit at inis niyang matinding-matindi,
umusok ang lupa sa talim nito.

Lam-Ang:
Ang lahat ng ito ay kanyang sinasambit Mga Igorot na tatuan,
habang sumusugod ng sumusugod at Humanda kayo, papunta na ako.
napapatumba at napapatumba nya ang mga
kalaban. Estudyante:
Kinawayan niya ang hanging gumagapang,
mababa ang lipad at nakasisirang tunay. Ang
hanging ito’y kasama niyang nakipagdigma sa
Nakatumba na ang karamihan. kanyang mga kaaway na naghihintay doon;
Pinatay niyang lahat, maliban sa isa. Tanging
iniligtas na sadyang itinira.

25
LAM-ANG

Lam-Ang:
Ano ka ngayon? Ito yung sinasabi mong hindi
ko kaya? Daan-daang ulo katumbas ang ulo
ng aking ama. Ngayon nasaan ang yabang
mo? Nasaan yung mga kakampi mo? Wala
na! Pero huwag kang mag-alala, makakasama
mo din sila. Katapusan mo na.

Estudyante:
Ang kamay ng Igorot ay pinutol niya, binulag
niya at inalisan ng tenga. Pagkatapos ay
binungi pa. Saka niya pinaalpas-pinalaya ang
igorotong tatuang buhay pa. Si Lam-ang ay di
man lang naawa.

Lam-Ang:
Para may palatandaan yung mga apo ng mga
kalahi at kamag-anak mo;
Yan ang tanda ng tagumpay ko.

26
LAM-ANG

Ikaanim na Tagpo:

Estudyante:
Oo, naghanda nang umuwi sa tahanan si Lam-
Ang. Umagos ang dugo ng mga kaaway,
Umagos na tila ilog Bigan. Dumating siyang
mahinusay sa bayan niyang Nalbuan at
sinalubong ng mga nagagalak na kababayan.

Kababayan:
Nariyan na raw ang bayani!

Kababayan 2:
Sinong bayani?

Kababayan:
Magiting! Dakila! Napatay nya raw lahat ng
mga mayayabang Igorot, pati mga kakampi
nila!

Sa pag-alis ay makikita nya ang isang Kababayan 2:


tandang at isang aso na nakabantay sa ulo ng Sya lang mag-isa?
kanyang ama. Sasabay sila sa kanya pauwi.
Ang lahat ng ito ay pinagmasda’t nakita ng Kababayan:
Apo Danum. Oo, sya lang!

Namongan:
Anong mayroon?

Kababayan:
Pagsalubong sa dakilang bayani.

Namongan:
Nasaan?

Kababayan:
Naroon! Dinudumog ng mga tao!
Lam-Ang!

27
LAM-ANG

Lam-Ang:
Ang Pag-uwi Ina, ina kong mahal.

Isang magandang araw para magsaya. Sa Namongan:


Nalbuan. Nakaligtas ka!

Lam-Ang:
Ina, patawad, hindi ko na naibalik si Ama.
Patay na sya nang madatnan ko.

Namongan:
… Alam ko.

Lam-Ang:
Alam mo?

Namongan:
Palagay ko, matagal ko nang alam.

Lam-Ang:
Patawad, Ina.

Namongan:
Matagal ko na 'tong napaghandaan, itong
baka-sakaling-wala-na-nga-syang-talaga.
Napaghandaan ko, at wag kang mag-alala,
magiging maayos ako, sa takdang panahon.
Darating si Namongan. Pero sa ngayon, anak, masaya akong
nakabalik ka. Ay, lalong hindi ko alam kung
paano pa mabubuhay kung pati ikaw pa
mawala... Ano pa bang dahilan para hindi
maging kuntento? Ang 'yong ama, ubod ng
tapang at galing, tulad mo. Napaka-kisig,
tulad mo. Ang kapangyarihang taglay,
mahikang nakakapang-akit, wangis na
wangis. Parang hindi sya nawala. Ang ama
mo, Lam-Ang, marahil nasa kamay na sya ng
mga diyos. At mananatili sya dito, sa puso ko.

28
LAM-ANG

Nagkita sa mata ang mag-ina. Sinuyod ang


siksikang mga tao hanggang nagtagpo sila, Namongan:
nag-akap. Sa pag-uusap, tila sila lang ang Magpahinga ka na.
tao roon.
Lam-Ang:
Ay, Namongan, mahal kong ina, tawagin
mong lahat ng mga kaibigan ko't magsalu-
salo tayo!

Saan patutungo?
Tapos na ang yugto
Anong naghihintay na kapalaran?
Paalam sa nakaraan…

Lam-Ang:
Ina!

29
LAM-ANG

Ayon sa balita, dito sa ilog Amburayan,


Pinakamalaking buwaya’y matatagpuan

Lam-Ang:
Gusto ko sanang makalaro ang hayup na iyan

Macabebe:
Yayakap muli.
Maiiwan si Lam-Ang. Nilublob ko lang si Lam-Ang, nagsimatayan
na!

Kurdapya:
Marahil sa kapangyarihan nyang taglay, Lam-
Ang, nalason sila!

Mga Babae:
Nalason?!

Berberoka:
Yung buwaya! Papalapit dito, Lam-Ang!

Apo Danum:
Paalam, ngunit hindi ko alam
Kung bakit nadudurog itong puso ko
Itong namumuong tampo, galit sa tao
Ang puso’y hindi malilimot sa
sinapit mo ngayon

Si Lam-Ang ay akin nang sinumpa.


Dinggin mo ito:
Isang araw, sa takdang panahon,
Sya ay iibig, at dito ay may nakapataw na
responsibilidad.
Muli syang lulusong sa tubig.
Sa gayon ang kawawa kong likas na yaman
ay maghihiganti.
Ikapitong Tagpo: Ang Paliguan

Sa Ilog Amburayan. Naghahanda ang mga


Kurdapya: babae sa pagligo ni Lam-Ang.Sa pampang ng

30
LAM-ANG

ilog tumayo si Lam-ang. Iginala ang paningin Nang nakarating na silang magkakasama,
sa kapaligiran,Doon niya kaagad nakita’t sinalubong nitong si Lam-ang ang kanyang
natanaw ang pinabulang tubig ng buwayang ina, habang nakaabang na sa mesa ang mga
tampalasan. kaibigan nyang binata.

Lam-Ang:
Nang naguguan na nila si Lam-ang, nalaso’t
Ina! Gantimpalaan mo sila, piso bawa’t
namatay ang mga lamang-ilog. Lahat ng mga
hakbang sa pagpunta sa ilog at sa pagbalik
isda’t kampa ay nagsilutang. Mga palos na
ganun din sana.
patay ay di mabilang. Nagsitilian ang mga
babae.
Namongan:
Anak, saan ko kukunin?

Lam-Ang:
Sa unang kwarto, Ina! Marami akong ginto!

Aalis ang mga ito at iiwanan ang patay na Namongan:


buwaya. Darating ang Apo Danum, makikita Ginto! Sige kukunin ko!
ang sinapit ng mga isda at kanyang alaga.
Siya ay hihiyaw sa galit.

Lam-Ang: Lam-Ang:
Nasaan ang kaibigan kong si Sumarang?

Saan patutungo? Tapos na ang yugto Binata 1:


Anong naghihintay na kapalaran? Aba’y di naming alam. Tatlong araw nang di
Paalam, sa nakaraan nagpapakita.

Binata 2:
Lam-Ang! Tumagay ka na, kanina ka pa
namin inaabangan!

Tandang Guibuan:
Anong nangyari't natagalan yung pagliligo
mo?
Ang Salu-salo sa Tahanan
Ikawalong Tagpo:

Estudyante:

31
LAM-ANG

Lam-Ang:
Ah, may buwaya kasi doon, nakipaglaro
muna, alam nyo na, pasikat sa mga dalaga.

Binata 2:
Ibang klase ka talaga, Lam-Ang!

Tandang Guibuan:
Siguradong may napusuan ka na!

Binata 2:
Sinong napili mo dun sa tatlo?

Lam-Ang:
Wala pa,

Binata 1:
Aalis si Namongan. Susundan ng mga babae. Kunyari ka pa!
Babatiin ni Lam-Ang ang mga kaibigang
binata na tumutungga ng lambanog. Naroon Lam-Ang:
din sina Estudyante at Guibuan. Wala nga! Maniwala kayo o sa hindi.

Binata 2:
Hindi sapat ang alindog ng tatlong dalaga!

Binata 1:
Ano ka ba, si Lam-Ang yan! Mataas ang
pamantayan!

Binata 2:
Malamang ang gusto nyan, yung mga katulad
ni

Lam-Ang:
Ay, Tanda! Kamusta ka na!

Tandang Guibuan:
Mabuti naman. Ano nga?

32
LAM-ANG

Isang napakaganda, napakakinis na dalaga sa


Kalanutian. Sikat sya sa mga kalalakihan,
maliban sayo!

Binata 2:
Pinagpapantasyahan sya ng lahat! Pero ni isa
sa mga manliligaw nya wala syang sinagot.

Tandang Guibuan:
Maliban na lang kung tulad ni Lam-Ang ang
susuyo sa kanya.

Lam-Ang:
Mga kaibigan, sa sinasabi nyong 'yan parang
gusto ko tuloy dayuhin yang Ines Kannoyan
na yan.

Namongan:
Anak, naibigay ko na, ano pang kailangan
mo?

Lam-Ang:
Ina, sa pangalawang kwarto, sa taguan,
pakilabas ang mga damit kong pinakamahal.
Magbibihis na ako nang husto, pantalong may
tirintas ang gusto ko. Tapos, Ina, paki-kuha
narin yung gintong panali, pati yung puting
tandang at yung aso ko sa pangatlong kwarto.

Mga Binata:
Ines Kannoyan!

Lam-Ang:
Sino iyon?

Binata 1:

33
LAM-ANG

Namatay lahat ng isda?!

Lam-Ang:
Ah... e... hindi ako ang pumatay non! Yung
buwaya! Yung buwaya yung pinatay ko.

Estudyante:
Yung buwayang tagabantay ng Ilog?!

Lam-Ang:
Ah... papalapit kasi sya sa mga dalaga.
Babalik na si Namongan at ang mga babae,
makikisalo sila. Macabebe:
Opo, iniligtas nya po kami sa nagbabadyang
pangangain ng buwaya.

Tandang Guibuan:
Pero namatay ang mga isda, paano na ang
hanapbuhay ng mga mangingisda sa
Amburayan? Ay doon nakasentro ang
kabuhayan nila! At ang Apo Danum…

Lam-Ang:
Sinong Apo Danum?

Tandang Guibuan:
Diyosa ng Tubig.
Kinuha ni Namongan ang lahat ng ito, at sa
pagbalilk, nagbihis si Lam-Ang.

Binata 1:
Kahit ano namang idikit sa iyo Lam-Ang,
nagiging mahiwaga!

Berberoka:
At nung lumublob ka sa Ilog Amburayan,
namatay lahat ng isda!

Tandang Guibuan:

34
LAM-ANG

Namongan:
Shhh. Maghulos-dili kayo, papipiliin ko si
Lam-Ang.

Anak, sa mga dalagang nakasama mo kanina,


may nagustuhan ka ba? Sabihin mo,
ipapakasal kita.

Lam-Ang:
Kasal? Pasensya na, wala po akong
nagustuhan sa kanila.

Namongan:
Kung ganon, ako na lang ang pipili para sa'yo.

Lam-Ang:
Ina!

Namongan:
Sige na, anak. Panahon na para magkaron ka
ng kasintahan.

Lam-Ang:
Kung magkakaroon ako ng kasintahan, gusto
ko ako ang pipili, hindi po kayo, Ina.

Mag-iisip ng malalim at dahan-dahang aalis. Namongan:


Bakit, may napili ka na ba?

Binata 1:
Sa tingin ko wala namang masamang
naidulot. Nabalitaan ko na magkakaroon ng
pista doon bukas dahil marami silang
nahuling palutang lutang. Malamang sa
malamang ay ihahanda nilang lahat yon
bukas.

Lam-Ang:
Mabuti kung ganon.

35
LAM-ANG

Lam-Ang:
Kalanutian.

Namongan:
Kalanutian! Ang layo ng Kalanutian, anak!
Wag mo sabihing aalis ka na naman!
Si Berberoka na lang! O kaya si Macabebe! Si
Kurdapya! Maganda rin naman at makinis...
medyo. Konting hilod lang, maaagapan
naman.

Lam-Ang:
Ina, yan ba? Iyan ba yung gusto mo para
sakin? Paano naman ako! Hindi mo ba gusto
ang gusto ko para sa sarili ko?

Namongan:
Anak, ang iniisip ko lang naman, matagal
kang nawala, wag ka na sanang lumisan.

Lam-Ang:
Ina, sa huli, pagsisisihan mo lang na
iminunghkahi mo sakin yang mga binanggit
nyong mga dalaga dahil wala talaga akong
magustuhan sa kanila. Pagpigil ninyo, huwag
na at lalakad na akong talaga.

Lam-Ang:
Meron. Isang maganda at makinis na dalaga.
Hindi katulad ng mga minumungkahi nyo
sakin, Ina.

Namongan:
Sino naman yan?

Lam-Ang:
Donya Ines Kannoyan.

Namongan:
Taga-saan?

36
LAM-ANG

Tilaok:
Makinig ka sa nanay mo.

Lam-Ang:
Mahal kong ina, wag kang mag-alala. Tiyak
magiging manugang mo si Ines Kannoyan.
Kaya Ina, ang langis ng niyog ay ilabas na.
Ibig kong ang manok ko’y langisan na at
magagayak kaming pumunta sa Kalanutiang
bayan ng sinisinta. Pakitalian na rin ng
gintong tali 'tong mga bago kong alaga.
Salamat, Ina!

Namongan:
Patnubayan ka ng diyos.
Mag-ingat ka sa lalakaran mo,

Lam-Ang:
Ay, aalis na ako, inang mahal.

Mga Binata:
Mag-iingat ka Lam-Ang!

Namongan:
Ngayon na?

Lam-Ang:
… Gusto ko sanang maglakbay at
mandayuhan, dumalaw, makipaglaro sa
Kalanutian; at bibihagin ko ang puso nyang
Donya Ines Kannoyan. Pagpigil ninyo ay
huwag na at lalakad na akong talaga.

Namongan:
Huwag ka sanang lumisan.
Kung sakaling hindi ka magustuhan nyang
Ines Kannoyan, mapapahiya ka, at magiging
katawa-tawa.

37
LAM-ANG

Pinili kong si Lam-Ang ay hayaan


Wala na akong magagawa
Gusto niyang lumisan
Ngunit heto na naman’
Ako’y naiwan
Ayos lang siya’y magbabalik

Koro:
Magbabalik
Magbabalik
Magbabalik
Magbabalik…

Estudyante:
Si Sumarang ay nagpunta sa Kalanutian
Makita lang si Ines Kannoyan
At heto’t bigo
Sugatan sa pag-ibig
Ayos lang
Siya’y magbabalik

Koro:
Pinili niyang suungin ang Kalanutian
Makita lang si Ines Kannoyan
At heto na naman
Mahabang lakbayin
Ayos lang
Siya’y magbabalik

Namongan:

38
LAM-ANG

Tilaok:
Pasensya na, hayop lang, napapagod din.

Ka-ul:
May narinig ba kayo?

Ka-ul:
Malayo pa ang lakbayin, Lam-Ang.
Mabuting magpahinga muna kayo, akong
magbabantay sa inyo.

Lam-Ang:
Shhhh!

Ka-ul:’
Gising ako. Hindi ako tulog.

Sumarang:
Kaibigan kong Lam-Ang!

Patungo Kay Ines Kannoyan


Ikasiyam na Tagpo:
Sa kagubatan. Dapithapon.
Estudyante:
Sa bayan ni Ines Kannoyan nagtungo si Lam-
Ang. Lumipad ng mahiwagang tandang
hanggang sa kaya nito. Ngunit hindi pa
nakakarating, napagod ito at kanilang nilakad
ang walang humpay na daan patungong
Kalanutian. At nang nakalahati na ang daan,
mga mata’y kasinglaki na ng pinggan. Pagod
na pagod na si Tilaok.

Tilaok:
Ayoko na! Mauupo.

Lam-Ang:
Una, yung pakpak mo. Ngayon, paa mo
naman. Tara na, bilisan na natin nang
makarating na sa Kalanutian!

39
LAM-ANG

Talaga? Anong ginawa mo sa Kalanutian?

Sumarang:
Umakyat ng ligaw. Ikaw anong sadya mo
don?

Lam-Ang:
Maririnig ang hilik ng tandang. Ganun din!

Sumarang:
Hindi kaya... sino?
Maya-maya ay makakatulog.
May maririnig na yapak ng ibang tao. Ito ay Sumarang at Lam-Ang:
si Saridandan na nagtatago. Gigisingin ni Donya Ines Kannoyan!
Lam-Ang si Ka-ul
Sumarang:
Maya-maya ay mapapadaan si Sumarang na Ah, pareho. Parehong pareho.
galing rin sa paglalakbay. Tatahol ang aso sa
pagkakita sa kaniya..

Lam-Ang:
Sumarang! Saan ang punta?

Sumarang:
Pauwi na!

Lam-Ang:
Mukhang malayo pa ang lakbayin mo,
magpahinga ka muna, Sumarang.

Sumarang:
Salamat, kaibigan. Saan ang punta?

Lam-Ang:
Papuntang Kalanutian.

Sumarang:
Kalanutian! Kagagaling ko lang sa
Kalanutian.

Lam-Ang:

40
LAM-ANG

mo, kaibigan. Heto handang handa na ako,


talagang hindi ako natatakot sa iyo.

Lam-Ang:
Ay, Sumarang, kaibigan, alam mo ba kung
anong pinakaayaw ko sa lahat? Ang di
makaganti. Ngayon ang sibat mo’y babalik sa
iyo sapagka’t mainit ang hinawakan mo at
ang hinawakan ko’y malamig sa totoo, sa
puluhan man, sa talim o sa dulo.

Sumarang:
Kung ganon, sige gumanti ka.
Lam-Ang:
Totoo ngang sikat sya sa kalalakihan, ano.

Sumarang:
Oo. Maraming nakapila sa kanya. Payo ko sa
iyo huwag mo na lang ipagpatuloy ang lakad
mo kaibigan. Mapapagod ka lang. Wari mo
ha, sa ayos at hitsura mong iyan, sa dami nila,
siguradong hindi ka niya mapapansin.

Lam-Ang: Magtitinginan ng masama. Hindi aalis ang


Gano’n ba? tingin, tila may kidlat na pumapagit sa mga
mata nila at kaunti na lang ay sasabog na.)
Sumarang:
Itong matalas na sandatang kong
hinahawakan; Binabalaan kita, baka di mo
maiwasan. Ang sandata ko, may kawit na
nakamamatay.

Lam-Ang:
Sumarang, pagkakaibigan natin tila nalimot
mo! Kung ganon, sige, gawin mo ang gusto

41
LAM-ANG

Buong lakas na inihagis ni Sumarang ang Unang tingin ko pa lang alam ko na ang
sibat na kanyang hinahawakan; Buong pangalan mo. Ako nga pala si Saridandan.
bangis at agad niyang tinudlaan ang kanyang
kaibigang si Lam-ang. Ngunit sinalo lamang Lam-Ang:
ni Lam-Ang ang sibat na inihagis ni Ah. Bakit nasa kalagitnaan ka ng kagubatan,
Sumarang. Iwinasiwas at pinaikot niya ang Saridandan?
sibat nang siyam na ulit sa kanyang kamay.
Saridandan:
Maraming manlalakbay ang pumaparito.
Kung minsan dito sila tumitigil mula sa
mahabang lakbayin. Bakit hindi ka muna
mamahinga rito, Lam-Ang?

Lam-Ang:
Salamat, at pagod na nga kong talaga.

Lam-Ang:
Ay, naku, kaibigan kong Sumarang, wag
mong sabihing hindi kita binalaan at
pinaalalahanan! Heto na ang sibat at abangan
mo, kasi kung di mo mapag-ingatan, ay,
kakalat ang katawan mo sa daan.
Inihagis ni Lam-Ang ang sibat kay Sumarang.
Tumamang talaga kay Sumarang,
Inilipad ng sibat ang kanyang katawan.
Pagkatapos itinawid ang kaawa-awang
bangkay nya doon sa kabila ng burol.
Maglalakbay nang muli sina Lam-Ang at
mapapadpad sa kubo ng mangkukulam.
Pagkatapos nito ay nagpakita na ang pasilip-
silip na Saridandan na ngayon ay sa
dalagang anyo.
Saridandan:
Lam-Ang!

Lam-Ang
Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?

Saridandan:

42
LAM-ANG

Salamat na lang.

Saridandan:
Sige, magtitimpla lang ako ha.

Tilaok:
Lam-Ang, wag kang matutuwa sa sasabihin
ko. Mukhang may gusto sayo si Saridandan.

Lam-Ang:
Hah! Wala akong panahon para
makipaglibangan sa ibang babae. Na kay Ines
Kannoyan na ang puso ko.

Tilaok:
Ni hindi mo pa nga sya nakikita.

Saridandan: Sa sarili .
Saridandan, dahan dahan lang. Ika’y
magwawagi kung hindi magmadali. Ngunit di
yata kayang pigilin ang sarili? Sa kanila.

Tsaa, gusto mo? Masarap ang tsaang


ginagawa ko.

Ka-ul:
Ako rin uhaw na. Gusto ko rin ng tsaa mo.

Saridandan:
Nagsasalitang aso!

Lam-Ang:
Mahiwaga. Nagsasalita rin ang tandang ko.

Tilaok:
Kamusta?

Saridandan:
Ah. Gusto mo rin ng tsaa?

Tilaok:

43
LAM-ANG

Lam-Ang:
Bakit hindi?

Saridandan:
Papasok sa loob ang mangkukulam. Ah, ang ibig kong sabihin, para sa’yo kasi
talaga ‘yan.

Lam-Ang:
Hindi na kailangan at napawi na ang uhaw ko
ng maisip si Donya Ines Kannoyan.

Saridandan:
Ha? Wag mong sabihin yan, heto pang isang
tsaa.

Lam-Ang:
Sabihin mo, kung hindi sya kabigha-bighani,
pag-uusapan at pipilahan ba sya ng mga
kalalakihan? Nakita mo si Sumarang diba?
Handang mamatay sa kabaliwan kay Ines
Kannoyan. Hay, mas lalo lang din akong
napaibig.

Tilaok:
Bahala ka, Lam-Ang. Babalik si Saridandan. May hawak na isang
tsaa lamang.
Saridandan:
Lam-Ang, heto na ang tsaa mo.

Ka-ul:
Teka, nasaan ang sakin?

Saridandan:
Ay! Pasensya na aso at nakalimutan ko.

Lam-Ang:
Ibigay mo na lang sa aso ang tsaa ko.

Saridandan:
Hindi pwede!

44
LAM-ANG

Teka lang, dahan dahan lang. Sa


pagmamadali mukhang magwawagi. Ngunit
di, hindi ko na yata kayang pigilin ang sarili!
… Hindi mo naman kailangang ibigay ang
mga kwintas mo, isang halik lang.

Lam-Ang:
Itong kwintas ko, ang ibig kong sabihin…

Saridandan:
Ibibigay mo –

Lilitaw sa kanyang kamay ang isa pang tsaa.


Aagawin ni Ka-ul ang tsaa at iinumin. Iinumin ito ni Lam-Ang.
Saridandan:
Saridandan, dahan dahan lang. Ika’y
magwawagi kung hindi magmadali. Ngunit di
yata kayang pigilin ang sarili?
Ano sa tingin mo?

Ka-ul:
Napakaganda mo naman, Saridandan.
Hindi papansinin.
Saridandan:
Kung sa tingin mo masarap, yakapin mo ko. Yayakap sa kanya ang Ka-ul.
Umalis ka dyan!

Tilaok:
Aha! Sinasabi ko na nga ba! May gayuma ang
tsaa!

Lam-Ang:
Saridandan…

Saridandan:
Ano yon, mahal kong Lam-Ang?

Lam-Ang:
Itong kwintas ko…

Saridandan:

45
LAM-ANG

ilang araw kong dinasalan makuha lang ang


pag-ibig mo. Inaabangan kita doon sa
bintana. At sa wakas dumating ka at hindi ko
na pinalampas ang pagkakataon. Ngunit bigo
ako. Mukhang hindi mo ako mapagbibigyan
pagkat may iba ka na ngang mahal, Lam-Ang.
At ngayon aalis na ako. Mag-iingat ka, Lam-
Ang. Hanggang sa muling pagkikita. Pero
sana hindi na tayo magkita.

Lam-Ang:
ay agimat. Hindi ako tinatablan ng gayuma
mo. Masaya akong meron ka saking
pagtingin. Pero nasira mo ang tiwala ko.
Paumanhin kailangan na naming umalis.

Ka-ul:
Pagod pa ako Lam-Ang, bakit hindi muna
tayo manatili ng ilang araw o ilang linggo?

Saridandan:
Isang yakap! Kahit iyun lang.

Lam-Ang:
Pasensya na pero ang tanging babae lang na
aking yayakapin bukod sa aking ina ay
walang iba kundi si Ines Kannoyan.

Saridandan:
Lam-ang, ang lupit mo naman.

Tilaok:
Tara na.

Saridandan:
Sandali lang!
Nabisto mo ako. Ito nga’y kahihiyan. Ngunit
pagtingin ko ay totoo. Pinagmamasdan kita
mula pa nung maglakbay ka. Halos tuyot na
nga ang mata sa pagtitig sa iyo. Yung tsaa,

46
LAM-ANG

Umalis si Saridandan.
Ka-ul:
Saridandaaaaaaaaaaan!

Tilaok:
Tara na!!! Sa pag-alis ay makakasalubong nila ang
serpyenteng may pitong ulo. Pipigilan sila
nito sa pagdating sa Kalanutian. Ngunit
walang dapat ipag-alala sapagkat ito muli ay
mapagtatagumpayan ni Lam-Ang.

47
LAM-ANG

Harana ko’y mabilis


Wag kang aalis
Di ko sasayangin ang ginto mong…

Sa Kalanutian
Ikasampung Tagpo:
Makikitang nakadungaw sa bintana ang
magandang si Ines Kannoyan. Sa labas sa
ibaba ay di mawari ang dami ng mga
manunuyo. Hindi sila mabilang.
Pagmamasdan nya ang kalangitan habang
kumakaway ang mga manunuyong sabik sa
kanyang atensyon.

Mga Taga-Kalanutian:
Kalanutian
Ako’y pagmasdan
Aking tahanan
O kalikasan
Ako sana ay pakinggan Maghihiyawan ang mga manunuyo. Ang iba
ay magpapalakpakan sa pag-awit nito.
Ngunit walang anumang bakas ng tuwa sa
mga mata ni Kannoyan sa atensyong kanyang
nakuha. Magdidilim paunti-unti. Patuloy ang
musika. Mabilis na nagsasalitan ang buwan
at araw. Makikita parin siyang nakadungaw,
at ang mga tao ay naroon parin. Ang mga
boses nila ay walang dating sa kaniyang
pandinig. Waring tahimik ang paligid at
walang saysay sa kanya ang pagsuyo ng mga
ito. Aawit muli si Kannoyan.

Ines Kannoyan:
Parang wala naman atang kapanapanabik
Parang wala naman sigurong may pakialam
o may pakiramdam

Manunuyo 1:
Ines, wag ka sanang maiines

48
LAM-ANG

Manunuyo 2:
Alis dyan, tabi na dyan, oras mo’y may
sukdulan
Siguradong hindi ka naman nya pagbibigyan
Kannoyan, hayaan mo akong magtapat ng
harapan

Ines:
Iniibig mo ako, alam ko na yan

Manunuyo 3:
Ines, Kugtahr nga pala ng Sasaba.
Ito, bago!
Baka gusto mo ng abaniko
At napakainit ko

Ines Kannoyan:
Pagod na kong makinig sa inyo!
Darating si Saridandan, na isang katulong
pala sa kanilang tahanan.
Saridandan:
Ines!

Ines Kannoyan:
Saridandan.

49
LAM-ANG

Anong bago, Saridandan? Marami kang


makikilala sa kagubatan na naglakbay pa
mula sa malalayong bayan papunta dito sa
atin, at karamihan sa kanila, ginagayuma mo

Saridandan: Dudungaw sa mga manunuyo.


Mga binata, pasensya na at isasara ko na ang
bintana. Mga handog nyo ay ialay na at nang
si Kannoyan ay makapagpahinga na.
Isasara ang bintana.
Mga Manunuyo:
Ang aga naman!

Saridandan:
Dapat mong isipin kung anong lalabas
sa’yong bibig. Ano na lang ang gagawin mo
kapag walang nakolektang handog na ginto
ang Unnayan mo?

Ines Kannoyan:
Sa araw araw ko silang nakikita, Saridandan,
ako’y napapagod na. Wala rin naman akong
tipo sa kanila!

Saridandan:
Alam ko. Ngunit yang taglay mong ganda,
Ines Kannoyan, ay ang puhunan ng iyong
pamilya. Hayaan mo lang muna sila.

Ines Kannoyan:
Hayaan! Yang maiingay na yan na araw araw
pinepeste ang buhay ko? Gusto kong lumabas
ng bahay na ‘to pero di ko magawa,
Saridandan! Sana nga ay may mapili ako ng
makaalis na ako sa tahanang ‘to.

Saridandan:
Sa gubat. May nakilala ako. Isang binata.

Ines Kannoyan:

50
LAM-ANG

Ay, dahuyan, mabuti’t nahuli ka ng punta!


Bintana ni Kannoyan maagang nagsara.
Bumalik ka nalang bukas o mag-abang kang

Saridandan:
Lam-Ang ang pangalan niya. Sa kanya lang,
Kannoyan, sa kanya lang hindi tumalab ang
gayuma kong tinimpla. Tinanggihan nya ang
halik, ang yakap, o kahit paghawak ng kamay
dahil sayo lang daw ang puso nya.

Ines Kannoyan:
Ganyan naman lahat ng sinasabi nila.

Saridandan:
Hindi ko alam, kakaiba sya. Hay, nakakaakit
syang talaga.

Ines Kannoyan:
Sa’yo na lang, Saridandan.

Saridandan:
O sya, magbihis ka sa hindi ka makikilala.
Ako’ng bahala kay kay Unnayan. Lumabas ka
at gumala.

Ines Kannoyan:
Talaga? Salamat, Saridandan! Aalis ang dalawa sa eksena. Samantala,
pagdating sa bayan ng Kalanutian ng
lalaking masigla, nagulat-namangha itong si
Lam-ang sa dami ng mga nandarayo sa
bayan na nakikipaglaro’t nanliligaw, di mo
alam kung sino ang kaagaw o kaibigan sa
dami nilang abot sa sukdulan. Ang iba ay
nagsisiuwian, ang iba ay nagsipaglatag ng
Lam-Ang: higaan upang mag-abang sa muling
Sandali, ah, nasaan ang Donya Ines pagbukas ng bintana. Ang lahat ng ito ay
Kannoyan? minamasdan nya, at sa mga magdaraan ay
magtatanong sya
Binata:

51
LAM-ANG

tulad nila kung panliligaw lang naman ang


iyong sadya.

Lam-Ang:
Ngayon paano kaya ako makakalapit kay Ines Aalis.
Kannoyan?

Tilaok:
Lam-Ang, hindi mo pwedeng paslangin sila
gaya ng ginawa mo sa mga Igorot o kay
Sumarang para makuha ang gusto mo.
Maging palakaibigan ka hangga’t maaari.
Ayoko nang makakita ng dugo! Lumusot-lusot at gumitgit si Lam-ang sa
pagitan ng mga binti ng mga kaagaw
hanggang sa nakarating sa gitna ng bakuran
ng bahay ng tanyag na Donya Ines
Kannoyan. Ibinaba niya ang alaga niyang
puting tandang. Noon din sa bakuran ay
lumabas ang nakabihis na Kannoyan.
Tumahol ang asong balahibuhan. Napatili
ang nagkukunwaring hindi si Ines Kannoyan.
Ines Kannoyan:
Anong ginagawa mo rito?!

Tilaok:
Pasensya na, kaibigan? Si Donya Ines
Kannoyan ang aming sadya. Magtataka sa nagsalitang tandang at labis na
matatawa, sa tawa nya ay halos di na
makahinga.
Ines Kannoyan:
Ano? Wala dito ang Donya.

Tilaok:
Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa
sinabi ko? Lalo pang natawa ang babaeng gigi.

Ka-ul:
Namamangha lang yan dahil ngayon lang sya
nakakita ng nagsasalitang mga hayop.

52
LAM-ANG

Lam-Ang:
Ah, kaibigan, saan ang daan papasok sa likod
ng bahay ng Donya?

Ines Kannoyan:
Mga hampas lupa! Sa tingin nyo ba ay maaari
kayong manghimasok ng ganun-ganon nalang
sa kanyang tirahan?

Tilaok:
Tinawag tayong hampas lupa.

Ka-ul:
Anong ibig sabihin ng hampas lupa?

Tilaok:
Hindi ko rin alam. Dahil siguro hayop tayo.

Lam-Ang:
Ah, ikaw, bakit ka rin nandito sa bakuran ng
donya?!

Ines Kannoyan:
Wala kang karapatang tanungin ang ginagawa
ko.

Lam-Ang:
Pero kanina tinanong mo rin kung bakit ako
nandito.

Ines Kannoyan:
Ah ganon ba? Kung ako sa inyo, umalis na
lang kayo. Wala kayong mapapala dito dahil
wala talaga sya dito.

Lam-Ang:
Kung ganon, kung aalis kami, dapat umalis ka
din.

Ines Kannoyan:
Ayoko ayoko ayoko, bitawan mo ako!

53
LAM-ANG

Nang makarating sa labas ay imbes na


magalit ay namangha si Ines pagkat ngayon
lang sya nakalabas talaga. Napaliligiran sila
ng ilang mga manunuyo. Ang ilan ay nag-
uuwian. Ang iba ay nag-eensayo ng mga
tugtuging pangharana, ang iba ay nag-aalay
ng regalo na kinokolekta ng mga alipin at
iniaabot kay Unnayan, nanay ni Kannoyan.
Sa kabilang dako may nagsusuntukan at nag
Lam-Ang: aasaran. Sya ay mabubungo ng ilang
Hay nako sa liit mong iyan, mapapansin ka ba nagdaraan.
ni Kannoyan?

Ines Kannoyan:
Ha! Una sa lahat hindi ako manliligaw ni
Kannoyan. At higit sa lahat ayaw na ayaw ni
Kannoyan ang mga mahahangin… na kagaya
mo!

Lam-Ang:
Talaga!?

Ines Kannoyan:
At tignan mo ang lakad mo, tila magkaiba ang
direksyon ng mga paa mo. Yung kamay mo
kapag naglalakad ay tila manghahataw.
Siguradong hindi ka nya magugustuhan.

Lam-Ang:
Ganito ako maglakad kasi ganito samin.
Ganito maglakad ang mga matatapang!

Ines Kannoyan:
Walang lugar sa puso nya ang mayayabang at
sakang na katulad mo!

Lam-Ang:
Mayabang ba ako!?
Kakaladkarin palabas si Ines.

54
LAM-ANG

Tilaok:
Maghulos-dili ka Lam-Ang!

Lam-Ang:
Tinawag nya akong sakang!

Ka-ul:
Ah, pasensya na, kaibigan.

Ines Kannoyan:
Dyan ka na.

Tilaok:
Lam-Ang sya lang dito ang iyong maasahan
pagkat sa kamay ni Kannoyan hindi mo sya
karibal.

Lam-Ang:
Teka teka, kaibigan! Patawad, sige na. Hindi
ko naman sadyang makipag-angasan talaga,
di ka na mabiro! Ano, ah, sa totoo nyan
dayuhan lang ako dito at… mukhang marami
kang alam sa mga kagustuhan ng donya,
maaari mo ba akong payuhan?
Lalakad lamang si Ines sa palibot ng mga
manunuyo. Sa paglalakad makakadekwat ng
kamote at ngangatain habang pinapanood
ang mga manunuyong naghaharanahan,
nagkwekwentuhan at nagduduelo sa tabihan.
Mauupo sa isang bato ang mapagkunwaring
hindi Donya. Tatabi si Lam-Ang.
Ines Kannoyan:
Tignan mo sila. Sa tingin mo magugustuhan
sila ng Donya?

Lam-Ang:
Syempre hindi!

Ines Kannoyan:
Mali ka.

55
LAM-ANG

Lam-Ang:
Bakit, anong sagot?

Ines Kannoyan:
Depende. Siguro basta may tapang na kaya
syang alisin sa kinalalagyan nya.

Lam-Ang:
Kalokohan. Ba’t naman gusto nyang umalis
sa ginto nyang tahanan? Samantala sa kabilang dako ay malakas ang
usapan ng mga manunuyo. Magiging
emosyonal ang luntiang Kannoyan. Titigil
ang paligid.
Manunuyo 4:
Kung sa bagay, panalong panalo ka nga talaga
dito. Magandang babae, magandang katawan,
kutis, kinatatayuan sa buhay, gintong bahay,
nasayo nang lahat kapag nakuha mo lang ang
matamis nyang oo.

Manunuyo 5:
Karibal, tinatanggap ko na ang pagkatalo ko.
Basta pag napili ka, siguraduhin mong
babalatuan mo ko.

Ines Kannoyan:
Minsan napagtanto ko na
Walang katuturan pala ang buhay ko
Minsan nagtatanong kung ang
Ginto ba ay mas mahalaga sa puso ko

Akala ko
Ako ay gustong gusto

Gusto kong maniwala na


Ako’y may patutunguhan
Gusto kong maniwala na Ako’y may patutunguhan

Gusto kong tumakas


Tumakbo, lumayo...
Ngunit ang gusto ko ay hindi ang tadhana ko

56
LAM-ANG

Dudungaw sa bintana si Saridandan at


sisigaw.
Saridandan:
Hoy! Ang iingay nyo! Umalis na kayo’t
nakakabwisit kayo!

Lam-Ang:
Ines Kannoyan? Lilingon ang lahat ng kalalakihan.
Palilibutan ang pinapangarap na dalaga.
Noon lang sya nakita ng harapan talaga.
Tinitignan sya ng mga ito na parang ginto.
Agad namang hinila ni Lam-Ang si Kannoyan
pabalik ng bakuran.
Ines Kannoyan:
Bitaw!

Lam-Ang:
Pasensya na! Hindi ko talaga alam, pangako,
mamatay man yung tandang ko!

Ines Kannoyan:
Salamat ha! Ngayon hindi na ko makakaalis
talaga!

Lam-Ang:
Mabuti nga kung ganon! Delikadong lumabas
ang napakagandang tulad mo. Pumasok ka na
sa loob, ako nang bahala sa kanila.

Tilaok:
Anong gagawin mo Lam-Ang?!

Lam-Ang:
Mga kaibigan! Makinig kayo! Itong
nagsasalita sa harap nyo, si Lam-Ang, ay ang
syang napili ni Ines Kannoyan. Wag kayong
mag-alala, iniimbitahan ko ang lahat sa inyo
sa aming kasal!

57
LAM-ANG

Tilaok:
Loko talaga ‘tong si Lam-Ang!

Mga Manunuyo:
Totoo ba yan?
Babalikan ni Lam-Ang ang mga karibal.
Lalapit naman si Saridandan kay Kannoyan.
Saridandan:
Totoo ba, Kannoyan?

Ka-ul:
Saridandan, buhay ka!

Tilaok:
Ka-ul, magtigil ka!

Lam-Ang:
Iaaalis kita dito, pangako!

Ines Kannoyan:
Oo. Sya nga ang napili ko. Magsialis na kayo.

Lam-Ang:
Totoo?

Ines Kannoyan:
Sinabi ko lang ‘yon para umalis na sila.

Lam-Ang:
Pero seryoso ako!

Ines Kannoyan:
Lam-Ang, ngayon palang tayo nagkakilala.

Saridandan:
Huwag mo nang banggitin ang nakalipas.
Isipin mo na lang na pagsubok iyon bago
makarating dito. Binabati kita.

58
LAM-ANG

Lam-Ang:
Salamat, Saridandan.
Ah, Saridandan – sandali.
Papasok na sa loob si Saridandan.
Saridandan:
Ano iyon?

Lam-Ang:
Ah, kasi yung aso ko kasi, ah, diba?
(Lalapitan ni Saridandan ang nagayumang
aso at pagagalingin. Mawawala na ang
kanyang pagtingin. Papasok na sa loob ang
mangkukulam.)

Papasok na sa loob ang Donya at doon Ikalabin-isang Tagpo:


palang makikita ni Lam-Ang si Saridandan.

Estudyante:
Samantala, si Lam-Ang ay hindi nawalan ng
pag-asa. Sa tulong at gabay ng mga alaga ay
nagkaroon ng lakas ng loob at kahihiyan din

59
LAM-ANG

sa masamang kaugalian sa pagpapaamo sa


donya. Araw-araw nya itong dinadalaw sa
bakuran. Kung minsan ay nagtatalo, kung Makikita ang dalawang nagsusuyuan at mga
minsan ay nagtatawanan ang hindi pa alagang mahiwaga. Makikita din si
magkasintahan. Saridandan.

Kung minsa’y tulay pa sa pag-uusap si


Saridandan na labis lang muling napamahal
kay Lam-Ang. Dumaan ang ilang araw,
Nagpapalit-palit nang itim at bughaw na
langit. Idaan na lang natin ito sa awit.

Lam-Ang:
Wag ka nang malungkot
Alisin mo’ng poot
Na bumabalot
Sa paningin ko
Ikaw ang pinakamaganda
Ngiti na, ngiti na

Nilakbay ko mula Nalbuan


Di mabilang na kabundukan
Sinuong mga kalaban
Ikaw lang ay masilayan

Wag ka nang malungkot


Narito ako
Wag kang matakot
Sa paningin ko
Ikaw ay mahalaga
Maniwala ka

Kannoyan:
Ang Panunuyo Gusto kong maniwala na

Makikita natin si Estudyante na naglalakbay Ito’y may patutunguhan


sa kung saan-saang lupalop ng kalupaan.
Gusto kong maniwala na
Ito’y may patutunguhan

60
LAM-ANG

Ito’y may patutunguhan

Nahulog na ang loob ni Kannoyan sa


matiyagang binata. Sila ay maglalapit.
Saridandan: Unang yakap. Unang halik. Nakita ito ni
Kung ganoon, sya na talaga. Saridandan na labis ang pagtatanggi sa
Ang pinakamaganda, pinakamayaman, at inggit na nararamdaman.
biniyayaan ng sinta. At ako naman itong
sinumpa, may hitsurang sumpa, pagsintang
sinumpa. Hindi ba’t sinabi ko na,

Sinabi ko na dahandahan lang,


Ngunit di nakikinig
Wag agad magpalinlang sa pakiramdam
At madali lang magmahal
Saridandan, dahandahan lang
Sinabi ko na, sinabi ko na…

At sa poot ngayon, siguradong hindi ko


kayang pigilan ang sarili.

Estudyante:
Nagtungo ang may pusong sugatan sa ina ni
Kannoyan na si Unnayan. Nabanggit nito ang
tungkol sa ngayon nang magkasintahan.
Lubos ang galit ngunit naisip nito na wala
naman dapat ikagalit kung ang kasintahang si
Lam-Ang ay kayang magbigay ng ginto na Tinawag ni Saridandan ang magkasintahan
higit o katumbas ng lahat ng kanilang upang makipag-usap kay Unnayan. Lubos
kayamanan. ang takot ni Kannoyan sa ina at buo naman
ang loob ni Lam-Ang
Saridandan:
Ipagpaumanhin nyo ngunit ito ang nararapat
kong gawin.
Lam-Ang:
Lam-ang: Nararapat nga, Saridandan.

Gusto kita Unnayan:


Lam-Ang, kung gusto mong ipakasal sa
Wag kang mag-alala aming Kannoyan,
Maniwala ka Hiling ko’y iyong pakinggan.

61
LAM-ANG

Kung iyong mapapantayan


Ang kabuuan ng lahat ng aming kayamanan
Sa sa iyo ay aming ingangalan,
Magiging asawa mo si Kannoyan;
Kung hindi naman, wag sanang magdamdam. Bubuntong hininga, lalong kinabahan ang
Donya.
Lam-Ang:
Tungkol diyan…

Palagay ko’y tila hindi pa mababawasan ang


minana kong kayamana’t ari-arian.
Halimbawa, kamakailan lamang, marami pa
akong kayamanan
Buhat sa bayang kaigorotan.

Kung mga ito’y kulang, di pa kasya, dalawa


pa ang sasakyang dagat ko riyan,
Bapor na yari sa gintong puro’t dalisay;
sasakyang-dagat na nagkakarga ng pinggan.
Wari kong kunin na ang sasakyan.

Unnayan:
Lam-ang. nararapat na iyong balikan
ang bahay mong pinagmulan.
Doon sa bayan ninyong Nalbuan;
Sabihin mo ang pinagkasunduan sa mahal
mong inang si...
Ikalabintatlong Tagpo:
Tilaok:
Namongan. Lam-Ang:
Sa pagbalik ko sa Kalanutian, maririnig niyo
Unnayan: ang kampana. Asahan niyo iyan.
Namongan.
Um ha – ehe… iye iye iyeii

Magsasalita ang Unnayan, gahigante ang Lam-Ang:


boses nito. Ikampana nga ninyo ang bakal upang
magdadaling pumarito lahat ng kababayan at
masanay tayo sa dalawang gintong
sasakyang-dagat ko. Lahat kayong aking mga
kababayan, sumakay kayo sa dalawang

62
LAM-ANG

sasakyan at pupunta tayong lahat sa


Kalanutian! Dadalo tayo sa piging at sa
kasayahan sa kasal namin ni Donya Ines
Kannoyan. Pinatunog nila ang bakal at nagsidatingan
ang mga kababayan. Maya-maya at nang
Um ha – ehe… iye iye iyeii nakasakay na ang lahat ng mga kababayan
niya.
Lalayag na ako pabalik sa’yo…

Hangin, dalhin mo sa direksyon ng


Kalanutian!
Dagat ay tinatawid patungo sa iyo Ines
Kannoyan
Huwag sanang sumalungat ang agos, o tubig
Ako’y dumuduyan pa sa pag-ibig Sa kanilang paglalakbay sa karagatan ay
nakasunod ang Apo Danum. Galit na mga
alon ang sumalubong paKalanutian.
Tumilapon sa tubig si Lam-Ang. Sa kanyang
paglubog ay nakakita ng isang pangitain:
Ang berkakan, ang kanyang Ama, at Apo
Danum. Sasagipin sya ng Amang si Juan at
magigising pabalik ng sasakyang dagat.
Tuloy ang kasal.

Kannoyan:
Ang Kasal Unnayan, Saridandan,
Si Lam-Ang na’y nariyan!
Sasalubungin natin si Lam-ang,
Ang lalaking napakatapang

Namongan:
Naku naman, Lam-ang,
Bilisan mo ang hakbang,
Iabot ang iyong kamay,
Sa sintang naghihintay
Magkamayan, magyakapan,
Sabik na nang sukdulan
Itong babaeng si Kannoyan

Tandang Guibuan:

63
LAM-ANG

Lumunsad kayong lahat

Mga Kababayan:
Mga kababayan
walang maiiwan!

Tandang Guibuan:
Magbihis nang ganap
Walang kulang!

Kannoyan:
Magbihis na
Wag na mahiya!

Lam-Ang:
Kumilos na

Mga Kababayan: Aalis ang dalawa upang magbihis. Sa salu-


Kasal ay ihanda na! salo ay nagkamustahan ang mga tao, ang iba
ay nagsayawan at nagkantahan.
Namongan:
Ay, aking balao’t kaibigan, Kay Unnayan
Ang kilalang donyera Unnayan.
Si Kannoyan ay uuwi sa amin Sa bayan na Pinagmulan
Sa buhanginan ay dumating sila;
Dinatnang naghihintay sa kanila Unnayan:
Si Lam-ang na kasama ang kanyang ina. Ay bahala kayo
Ako’y tiwala sa inyo
Basta alagaan ninyo
Kay gandang supling ko

Apo Danum:
Kamusta, mga tao
Ako’y di yata imbitado

Tandang Guibuan:
Apo Danum!

Tatakbo at yayakap kay Kannoyan si Lam- Tandang Guibuan:


Ang. Lam-Ang, ako’y may sasabihin sa’yo
Buhay mo ngayon ay delikado

64
LAM-ANG

Lam-Ang:
Estudyante,
Ngayon ay ikakasal ako sa babaeng
pinapangarap ko. Makapaghihintay naman
siguro ang nanghahamon sa buhay ko.

Tandang Guibuan:
Narito ang Apo Danum!

Lam-Ang:
Mabuti kung ganoon
Mas maraming bisita mas masaya

Tandang Guibuan:
Naaalala mo ba ang nangyari sa ilog
Amburayan? Nagsimatay mga isda ng ikaw
ay paliguan. At ang kinalaban mong napatay
na buwaya ay mahal na alaga ng Apo Danum,
mula noon ika’y sinumpa, na sandaling
sumuong muli sa tubig, may mangyayaring
masama! Lam-Ang:
Kung ganon, iiwas ako sa dagat.

Tandang Guibuan:
Mabuti pa nga.

Saridandan:
Darating ang Apo Danum. Napakaganda talaga.

Ines Kannoyan:
Saridandan, may sama ng loob ka pa ba?

Saridandan:
Wala, Kannoyan, sa katunayan, masaya ako
para sa inyo.

Ines Kannoyan:
Ako din masaya ako para sa amin.

65
LAM-ANG

Saridandan:
Karapatan mong maging masaya.

Ines Kannoyan:
Salamat, Saridandan... Sa lahat ng oras na
nariyan ka para sa akin. Kahit sa mga
pagkakataong hindi komportable sa
pakiramdam mo nariyan ka, tapat. Maganda
ka, maganda ang kalooban mo. Karapatan mo
ring sumaya.

Saridandan:
Tungkol diyan...

Ines Kannoyan & Saridandan:


May isang binata. Kakaiba sya sa lahat. Magtatawanan.

Saridandan:
Sige na lumakad ka na.

Samantala, binibihisan ni Saridandan ang


sabik na donya.

Tandang Guibuan:
Sa ngalan ng Kalikasan,
Itong si Lam-Ang at Ines Kannoyan ay mag-
iisa, sa ilalim ng pag-ibig at gabay ng mga
nakasaksi. Ang magkasintahan ngayon ay
kasal na!

Tilaok:
Gusto ko rin sanang maikasal balang araw.

66
LAM-ANG

Ka-ul:
Kanino naman?

Tilaok:
Sa’yo.

Ka-ul:
Ano ka ba, hindi tayo bagay...

Kasi hayop tayo. Katahimikan.

Tilaok:
Hayop ka!!!
Maghahabulan ang dalawang hayop.

Lumabas na nakabihis na ang Kannoyang


kay ganda. Gayon din si Lam-ang na Ikalabing-apat na Tagpo:
nasasabik na. Sa seremonya ng kasal sila’y
handa na. Lumakad ng marahan ang dalawa
palapit sa isa’t isa. Sa gitna ay si Tandang Apo Danum:
Guibuan na siyang magkakasal sa kanila. Kayong mga nilalang,
Hindi ba’t sa mga salusalo ay kailangan may
Kasabay ng maringal na musika ay agad
handang rarang?
nagtungo silang dalawa sa harap ni Tanda.
Di nagtagal, ilang sandali pa, sinimulan na
Binata 1:
ang seremonya. Nang matapos ito ay
Tama, hindi pwedeng walang Rarang!
humarap na sa isa’t isa.

Ines Kannoyan:
Ay, gusto ko nga din itong matikman!

Apo Danum:
Bakit hindi pagbigyan ang hiling at nais ni
Ines Kannoyan, humuli ng isa at patunayan
Pagdiriwang. ang iyong pagmamahal, Lam-Ang?

Samantala, magkasamang pinagmamasdan ni Tandang Guibuan:


Tilaok at Ka-ul ang mag-asawa. Lam-Ang!

67
LAM-ANG

Lam-Ang:
Gusto mo ba talaga, mahal ko?

Ines Kannoyan:
Bakit hindi? Yan din ang gusto ng mga
panauhin mo. Kay Ines Kannoyan.

Lam-Ang:
Kung ganon, huhuli ako ng rarang.
Sisisid sa karagatan, ikaw rito ay mag-abang.
May pangitain ako at ito’y di ko mapag-
alinlangan. Sasaluin ako roon sa karagatan ng
dambuhalang pating na matapang at kakainin
akong walang patigan. Pero ito ang iyong
tatandaan, kapag sumapit at nangyari iyan,
mangangatog ang lupa. Kapag hindi ako
nakabalik, sumama ka sa ina kong si

Ang Rarang Namongan at manirahan sa Nalbuan. Ikaw


doon ay pagsisilbihan.
Pagkatapos ng kasalan, sa wakas ngayon ay
makikihalubilo ang Apo Danum. Ines Kannoyan:
Ano bang sinasabi mo Lam-Ang? Huhuli ka
lang naman ng rarang!

Lam-Ang:
Hindi ko pa batid ang panganib na nakaabang.

Apo Danum:
Sadya ko ay tapos na. Paalam.

Apo Danum:
May parte na nakikita ko
ang sarili ko

68
LAM-ANG

Luha ay parehong pareho Umiyak ang balong donya sa labis pighati’t


ng sinapit ko pagdurusa.

Paalam
Ngunit hindi ko alam
Kung bakit nadudurog itong puso ko
Itong namumurong tampo
Galit sa tao
Pinaglalaho’t pinaglilimot
ng nadarama ngayon

Ikalabinlimang Tagpo:

Namongan:
Ganitong ganito din ang sinapit ko kay Juan,
asawa ko. Dinasalan ko na rin lahat noon,
mga diyos ng kung anu-anong kalikasan.
Minsan, naisip ko baka ganoon lang talaga, at
yun ang nakatakda.

Minsan naiisip kong


Umalis na si Lam-Ang upang sisidin ang Maling diyos yata ang aking dinasalan
rarang. Pinapanuod siya ng mga panauhin.
Aalis na ang Apo Danum ngunit hindi Kannoyan:
mawawala. Aalis unti-unti ang mga panauhin Minsan naguguluhan kung
na nag-aabang habang patagal ng patagal Pinaglaruan lang ng tadhana
ang pagbalik ni Lam-Ang mula sa karagatan.
Sinisid na ng Estudyante upang hanapin si Namongan at Kannoyan:
Lam-Ang at tanging buto nya na lamang ang Minsan nagtatanong kung ang
natagpuan pagkat kinain na sya ng pating na nabubuong saya ay para lang bawiin muli
berkahan.
Namongan, Kannoyan at Apo Danum:
Hindi ko alam kung bakit

69
LAM-ANG

Malalim itong sakit


Anong magagawa?
Sya ay wala na ngang talaga Samantala, ang tandang at aso nama’y
Wala na talaga kausap ang Tandang Guibuan.

Tilaok:
Sinabi mo na ang Apo Danum ang nagtakda
nito?

Tandang Guibuan:
Siya nga.

Tilaok:
Alam ko na! Wag kayong mabalisa. Tawagin
ang Apo Danum! Si Lam-Ang maaaring
mabuhay pa. Tandang Guibuan:
Kapangyarihan Hindi ko siya matatawag at hindi siya basta-
Ilang araw ang nakalipas. Nakatayo sa basta matatagpuan.
nakabaong kahoy na libingan ni Lam-Ang
ang kanyang ina at balong asawa. Sa di Ka-ul:
kalayuan ay ang mga alaga rin nitong Bakit hindi tayo gumawa ng ritwal?
nagluluksa at Estudyante na tulala.
Tilaok:
Subukan natin.

Apo Laki:
Kung kumpleto ang mga buto niya, ang
sumpa ay mababawi pa kung mapapayag ang
sumumpa.

Apo Angin:
Hanapin ang mga buto nya! Dapat walang
kulang kahit isa upang maisauli ang buhay
niya.

Tandang Guibuan:
Iyeeee…

70
LAM-ANG

Apo Danum:
Ipinatawag mo ako, lingkod.

Tandang Guibuan:
Apo Danum, bawiin mo sanang sumpa kay
Lam-Ang. Hiling namin ay ibalik sana ang
buhay nya.

Namongan:
Diyosa, ano bang nagawa ng aking anak?
Ano man ito ay patawarin na sana, pakiusap!

Apo Danum:
Ilog Amburayan ay patay na, gayundin ang
mahal kong buwayang alaga. Kapangyarihan
nyang taglay ang may sadya at ito ang kapalit
na sumpa.

Kannoyan:
Kung ganoon, kunin mo ang kanyang
kapangyarihan kapalit ng kanyang buhay.
Hindi namin ito kailangan, ang karaniwan ay
sapat na.

Apo Danum:
Kapangyarihan kapalit ang buhay... Sige.
Ikumot mo ang iyong tapis sa kanyang mga
buto.

Lam-ang:
At nang lahat ay naipon na, walang naiwan Ay, Ines, Kannoyan, mahal,
at walang natira. Ginamit ng tandang ang ang himbing ang tulog ko kanina!
tuka niya, mga buto’y binilang na isa-isa.
Tinawag ng Estudyante sa pamamagitan ng Kannoyan:
ritual ang Apo Danum. Tulog daw sya! Hindi, Lam-ang.
Pitong araw tayong di nagkita. Kinain ka ng
pating, ano ka ba. Pero ngayon ikaw ay buhay
Magpapakita muli ang Apo Danum.

71
LAM-ANG

na. Asawa kong Lam-ang, buhay mo’y Nagyakapan silang mag-asawa


panibago na. Nalunod sila sa pagsinta;
At sa labis ng tuwa nila
Ka-ul: Nabuwal sila’t natumba sa ligaya. At ang
Tilaok, hindi ko akalaing maiisip mo iyon. matapang na si Lam-ang, sa kasabihan
niyang sukdulan, ang kanyang ina,
Tilaok: Estudyante, ang manok niyang puting
Talaga? Salamat. tandang at aso niyang balahibuhan, lahat sila
ay hinagkan.
Ka-ul:
Nauulol na ata ako sa’yo.

Tilaok:
Hayop.

Tandang Guibuan:
Tawagin ang mga kasamahan.
Tayo ay magdiwang!

Koro:
Sa bundok Nalbuan
Ay isinilang
Bunga ng pag-ibig
Pangalan ay Lam-Ang
Sya ay mahiwaga
Mahiwagang nilalang
Sa ligaya nya sana’y walang hadlang!

Sabay sabay nating subaybayan ang buhay ni


Lam-Ang!
Ngayo’y tumilaok ang puting tandang at
naging kamangha-mangha pagmasdan… Estudyante:
Kumilos ang mga buto ni Lam-ang at Lam-Ang!
himalang sukat pagtakhan ay bumangon Salamat… sa kwento mo.
itong si Lam-ang. Magpapasalamat sila sa
Apo Danum habang unti unti itong Lam-ang:
naglalaho. Salamat sa inyong lahat.
Sa panibagong pagkakataon, sa buhay.
Salamat. Nararapat lang tayong

72
LAM-ANG

magmahalan, iwanan na natin ang lumbay at


mabuhay sa kaligayahan. Lahat ng nakaraan,
hinagpis, pagdurusa,

Estudyante at Lam-Ang:
Hindi na natin babalikan.

Estudyante:
Isa itong kasaysayan.
Sinong mag-aakalang ito’y kasala-salaysay?
Nabuhay sila magpakailanman na lipos ng
kaligayahan.

Dito na natin tuldukan ang mahabang


taludturan. Ito ang kwento ng pag-ibig at
pakikipagsapalaran ng dakilang si Lam-Ang.

Tuluyang mawawala. Maiiwan na nakatayo


sa libingan sana si Estudyante. Sasambit sa
kahuli-hulihan.

73

You might also like