You are on page 1of 3

PANGALAN: MERIEL P.

CEBU

KURSO & SEKSYON: BEED2-B

ORAS & ARAW: NOV. 12, 2020

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at nga katanungan. Sagutin ito nang maikli
subalit malaman. I-download at I-encode dito ang iyong sagot at isend ito sa Google Classroom.
____________________________________________________________

GAWAIN BLG. 5 & 6

1. Bakit tinatawag na panahon ng pagbabagong-isip ang panahong ito?

- dahil sa mabilis na pag uunlad ng sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa ibat ibang panig ng
daigdig mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi at puspusan ang pagsusuring panlinggwistika sa mga
wikang Griyego at latin.

2. Magbigay ng (5) limang sanhi ng pagkakagising ng mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino.

- "1872" Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino Pagpasok ng diwang liberal dahil sa
panunungkulan ng liberal

na Gobernador Heneral Carlos Maria dela Torre.

Pag – aalsa sa arsenal ng Cavite, ang pagkakabuo ng gitnang uri (middle class).

Pagkakagarote sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.

3. Ano ang Kilusang Propaganda? Ano ang layunin nila?

- Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892.
[1]Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Carlos Kalea V.
David (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at
lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas,
pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga
parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga pang-
aabuso at ano mang anomalya sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusang ito na humingi sa pamahalaang
Kastilang mga reporma sa mapayapang pamamaraan.

4. Ibigay ang pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

- ang Noli Me Tangere - Ang aklat ng Noli nangangahulgan sa pamagat nitong "Huwag Mo Akong
Salingin" Ang nobelang ito ni Rizal ay isang Romantikong Nobela, Ito ay “gawa mula sa puso” “isang aklat
na mayroong damdamin” mayroong kasariwaan, kulay, katatawanan,kagaanan at kislap ng talino
samantala ang El Filibusterismo - Ang aklat ng el Filibusterismo na mayroong kahulugan sa pamagat nito
na “Ang Paghahari ng Kasakiman" ito ay isang nobelang politikal isang “gawa mula sa isip’ “isang aklat ng
kaisipan” nagtataglay ng kapaitan,pagkakasuklam, sakit,karahasan at kalungkutan.

5.Anu-anong mga katangian ni Dr. Jose Rizal ang dapat tularan nating mga kabataan sa kasalukuyan?
- Ang katangian ni Dr. Jose Rizal na dapat tularan at taglayin ng mga kabataan sa kasalukuyan ay ang
pagiging:

mabait

maawain

mapagmahal sa bayan

matulungin sa kapwa

mapagmahal na anak

madiskarte

may pananalig

may respeto sa magulang

matapang

lumalaban ng patas

atbp.

6. Paano naipamalas ng mga bayani ang kanilang nasyonalismo?

- Naipamalas ng mga pilipino ang kanilang kagitingan upang makamtan ang kalayaan sa iba't ibang
paraan. Katulad na lamang ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ginamit niya ang kanyang
angking talino at husay sa pagsusulat upang ipakita ang maling pamamaraan ng pamamahal ng mga
kastila noon, ang kanyang ginawa ay isang halimbawa ng tahimik at mapayapang pakikibaka. Katulad
naman ni Andres Bonifacio at marami pang bayani, ipinakita nila ang kanilang lakas upang ating
makamtan ang kalayaang ating tinatamasa ngayon. Sa kasalukuyang panahon, ang isang napakalaking
isyu na nangyayari sa Marawi sapagkat ito ay nasakop ng mga Maute group, ipinakita at lumaban ang
mga magigiting nating sundalo upang makamtan ang kalayaan at kapayapaan sa Marawi maging na rin
sa ating bansa.

7. Anong aral ang mapupulot sa una at ika-apat na dekalogo ni Mabini?

- ikaapat na dekalogo ni Mabini ay ibigin mo ang iyong bayan o Inang Bayan na kaikalawa ng Diyos at ng
iyong puri at higit sa iyong sarili, sapagka't siyang makaisa-isang Paraisong pinaglalagyan sa iyo ng Diyos
sa buhay na ito, bugtong na pasunod sa iyong lahi, na kaisa-kaisang mamamana mo sa iyong mga
pinagnuno at siya lamang pag-asa sa iyong inanak; dahil sa kanya'y humahawak ka ng buhay, pag-ibig at
pag-aari, natatamo mo ang kaginhawahan, kapurihan at ang Diyos.

8. Anong uri pag-ibig ang nais ituro ni Mabini sa ikasiyam at ikasampung dekalogo?

-ikasiyam at ikasampong dekalogo ay itutro sa atin na ibigin mo ang iyong kapuwa tao paris ng pag-ibig
mo sa iyong sarili, sapagka't binigyan siya ng Diyos gayun din naman ikaw ng katungkulang tulungan ka
at huwag gawin sa iyo ang di niya ibig na gawin mo sa kanya. Nguni't kung ang iyong kapuwa ay
nagkulang dito sa kamahal-mahalang katungkulan at nagtatangka ngmasama sa iyong buhay at kalayaan
at pag-aari ay dapat mong ibuwal at lipulin siya sapagkat ang mananaig ngayo'y ang kauna-unahang utos
ng Diyos na mag-ingat ka at iingatan kita.

You might also like