You are on page 1of 2

KABIBE

Ni: Kyle Galangue

Isang mahiwagang kaharian sa kailaliman ng karagatan ang Atubiga.


Narito naninirahan ang Diyosa ng karagatan na si Coralina, diyos na may anyong
sirena. At ang kaniyang asawa na si Helmo na isang kalahating mortal at kalahating
halimaw.

Mayroon silang dalawang dalagitang anak na nagngangalang Islara at Perla. Si Islara


ay may mabuting puso at may kagandahang wala sa mundo na kaniyang minana sa
kaniyang ina. Si Perla nama’y kabaliktaran ng kapatid. Siya'y hindi gano’n ka-
istura ngunit mayroon siyang katalinuhang walang kahit sinuman ang makakapantay.
Pagdating sa kung sino ang susunod na mamumuno sa kaharian, pinag-aawayan ng mga
mamamayan ng Atubiga kung sino ba sa dalawa ang nararapat sa trono ng reyna.

Ngunit para sa dalawa, wala pa sa kanilang isip ang umupo sa trono at mamuno. Dahil
pareho silang may isang bagay na gusto muna nilang makamit bago matali sa
napakalaking responsibilidad. Ang makahanap ng kanilang kabiyak.

Si Seayan, isang mortal na may taglay na kakaibang kagwapuhan. Unang kita pa lamang
ni Islara sa kaniya noong siya'y umahon sa dalampasigan, siya na ay nabighani sa
mukha nito. Habang ang kapatid naman na si Perla ay hindi nagandahan sa pagkatao ng
nilalang. Marahil sa mayroon nga itong kakaibang kagwapuhan, mayroon din siyang
kakaibang kahanginan. Nainis si Perla sa kapatid dahil sa hindi magandang pagtingin
nito sa tao, pero masaya siya na nahanap na ng kapatid ang kaniyang mamahalin.
Ngunit sa perspektibo ni Seayan, totoo nga'ng nakakabighani ang kagandahan ni
Islara ngunit hindi ito ang kaniyang napupusuan. Namangha siya sa angking
katalinuhan ni Perla, nasa kaniya ang mga mata ng binata. Tuluyan na nahulog ang
damdamin niya kay Perla kahit na nararamdaman niyang may pagkadisgusto ang dalaga
sa kaniya.

Tinanong niya si Islara tungkol sa kung bakit ba parang may galit si Perla sa
kaniya. Si Islara nama'y nagtaka na kung bakit parang may interes ang binata sa
kapatid. Sinabi niya ang dahilan, inamin na niya ang nararamdaman kay Seayan at
umasang magiging maganda ang kakahinatnan ng pag-amin ngunit ng marinig ni Seayan
ang mga sinabi ni Perla, siya ay nagalit at agad na pinuntahan si Perla.

Pagkakita kay Perla, agaran niyang pinaliwanag na siya ang gusto nito at handa
siyang baguhin ang mga ayaw ni Perla sa kaniya tanggapin lamang siya nito bilang
kabiyak. Sa likod ni Seayan, nakasunod si Islara. Kaniyang narinig ang mga sinabi
ng binata. Bumagsak ang mga luha niya at nakita siya ni Perla.

Magsasalita pa lang si Perla, tumakbo na ang kapatid papunta sa karagatan agad


itong umuwi ng may mabigat na puso. Hindi niya matanggap na ang kapatid ay ang
iniirog ng kaniyang minamahal. Dahil dito kinain siya ng galit at pinaghandaan ang
pagbalik ng kapatid.

Sa kabilang dako, sa pinaka-unang pagkakataon, si Perla ay hindi malaman ang dapat


gawin. Tinitigan niya si Seayan at inalala ang mga sinabi ng binata. Agad na
nanlambot ang kaniyang puso. Nakita niya bigla kung gaano nga kaganda si Seayan.
Sinagot niya ito ng, hindi maaari maging siya ang maging kabiyak niya. Mas mahalaga
para kay perla ang kapatid kesa sa magkakabiyak. Kinausap niya si Seayan at sinabi
na kung pupuwede ba'ng sumama siya sa tahanan nila at subukang kilalanin ang
kagandahan ng kapatid. Kahit masakit para kay Seayan na pinagtatabuyan siya ni
Perla, pumayag ito sa kagustuhan ng dalaga.

Pagdating nila sa Atubiga, namangha si Seayan sa kagandahan nito. Pumunta sila kung
nasa'n naruroon si Islara.

Ngunit, si Islara ay may hinandang surpresa para sa kapatid. Ang kabibe, isa itong
regalo mula sa ama na si Helmo. Ang kabibe ay may kapangyarihang ikulong ang isang
nilalang sa loob nito. Ang kaniyang plano ay ikulong ang kapatid dito. Dahil
mayroon siyang bagong minimithi, 'yun ay ang umupo sa trono. Pero dahil sa kapatid
na kaagaw dito, may hadlang na kailangan niyang alisin.

Pagkakita ni Islara sa kapatid na kasama si Seayan. Biglang nag-apoy ang kaniyang


mata at agarang nilabas ang kabibe. Hinigop nito si Perla at naglaho siya na parang
bula.

You might also like