You are on page 1of 3

MAIKLING KWENTO AT NOBELANG PILIPINO

"DALISAY NA PAGSINTA"

Si Sierra ang nag-iisang anak na babae ni Haring Jaime at Reyna Celes mula sa
kaharian ng Sankori. Ito ay nakatayo sa gitna ng kagubatan kung saan ito'y
napapaligiran ng matataas na pader at puno. Simula pagkabata ay namulat na siya
sa mundo ng monarkiya. Sa murang edad, itinuturo na sa kanya ang pagpapatakbo
ng isang kaharian at madalas siyang isama ng kanyang mga magulang sa opisyal na
lakad nito upang higit niya maintindihan ang tungkulin na naghihintay sa kanya.

Hanggang sa narating ni Sierra ang yugto ng pagdadalaga. Lumaki ang bata na


isang napakagandang binibini kaya naman naging usap-usapan at matunog ang
pangalan ni Sierra sa ibang kaharian. Taglay din nito ang talino at galing sa
pakikipagtalastasan kung kaya't mas maraming prinsipe ang nagpakita ng interes
sa kanya. Nahumaling sila hindi lang sa ganda ng binibini at malalim na persepsyon
sa buhay kundi maging sa bukal nitong puso na tumulong sa mga nangangailangan
at dedikasyon sa kanyang responsibilidad bilang susunod na lider.
Isang araw, napadpad Sierra sa maliit na bayan ng Banguet. Isa siya sa mga
volunteer ng organisasyon na naghahatid ng pagkain at inumin sa mga nakatira
dito. Kasama rin niya ang ilan sa mga naatasang bantay na ibinigay ng Hari. Dito
nakilala niya si Jay. Si Jay ay isang ordinaryo at simpleng tao lamang. Laki sa hirap
subalit hindi ito hadlang upang magpursigi siya sa buhay at makatapos sa
pag-aaral. Isa rin sa mga katangian na nagpa mukudtangi sa kanya ay ang kanyang
matipunong pangangatawan, matangos na ilong, mapupulang labi at kulay
kayumangging kutis. Hindi mo mababakasan si Jay ng sobrang pagod kahit
maghapon siyang banat sa trabaho. Sa pagpapalitan nila at mas malalim na
kwentuhan ay sa unang pagkakataon, tila ba mayroong pumitik sa kaloob-looban
ng puso ni Sierra na hindi niya maramdaman sa ibang tao.

Maraming prinsipe na ang nagpadala ng kani-kanilang mga regalo at hinihingi ang


kamay ni Sierra sa pagpapakasal. Ang lahat ng ito ay tinanggihan niya sa
kadahilanang mayroon nang tinitibok ang kanyang puso, si Jay. Ngunit alam ni
Sierra na magiging mahirap ang laban nila sapagkat magkaiba ang antas ng
kanilang pamumuhay. Kaya napag desisyunan ng dalaga na patagong makipagkita
na lamang kay Jay sapagkat alam niyang tututol ang ama sa kanilang
pagsasamahan. Nagpatuloy ito ng ilang buwan hanggang sa bilang patunay ng
kanyang pagmamahal kay Sierra, iminungkahi ni Jay na haharapin niya ang buong
komite ng palasyo at mga magulang ng dalaga.

Sobrang galit ang Hari ng malaman na si Jay ang nais pakasalan at katuwang ni
Sierra sa pamamahala ng kanilang nasasakupan. Tutol ang ama sa kadahilanang
mahirap lamang si Jay at isang ordinaryong mamamayan kaya't hindi niya
kakayaning buhayin si Sierra. Napag alaman na lamang ni Sierra na nagtakda na
pala ang kanyang ama ng lalaking papakasalan nito para lamang matigil ang
"ilusyon" niya na kung tawagin ni Haring Jaime. Maging ang kanyang ina ay
nagbigay din ng negatibong komento kay Jay. Lingid sa kaalaman ni Sierra,
pumunta si Jay sa kanilang kaharian upang subukan na kausapin ang kanyang mga
magulang. Subalit, ang pag-uusap na ito ang magiging mitya pala ng panganib para
sa kanya. Habang nakikipag-usap si Jay sa hari, bigla na lamang itong dinampot ng
isang guwardiya at sinuntok sa tiyan. Hindi nakapalag si Jay kaya't pinagsisipa rin
ito ng iba pang bantay ng Reyna habang nakangising pinagmamasdan ang binata
ng hari at reyna. Duguan na ang katawan niya ng madatnan siya ni Sierra.
Namamaga na rin ang buong katawan nito at nanghihina. Nagpupuyos sa galit si
Sierra at hindi magkamayaw sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang
unti-unting nawawala ang paghinga ng kanyang sinisinta. Hinding-hindi nanaisin ni
Sierra ang pagmamahal at relasyon na pera lamang ang nagbubuklod. Naniniwala
ang dalaga na hindi naman mahalaga ang antas ng pamumuhay para mahalin mo
ang isang tao at hindi rin tama ang manakit ng kapwa dahil lamang nagmula siya sa
mahirap na angkan. Nasambit ng dalaga sa kanyang sarili na, "Kung ganito lang
naman kalupit ang tadhana para makamtan ko ang totoong kasiyahan, mas pipiliin
ko nalang maging ordinaryong tao na walang anumang mabigat na responsibilidad
sa murang edad upang masabi ko na naging makabuluhan din ang pagkabata ko."

Sa paglisan ng kanyang mahal na si Jay, hindi rin nakayanan ni Sierra ang sobrang
lungkot. Ilang araw itong hindi kumain at tinatanggihan ang sino man na
pumapasok sa kanyang silid. Dahil dito, nagkasakit ang dalaga at unti-unti na
nanghina ang katawan. Alam niya sa sarili na malapit niya na makasama si Jay sa
kabilang mundo. Habang naiisip niya ito ay unti-unting pumapatak ang kanyang
mga luha sa mata habang diretso lamang itong nakatingin sa malawak ma kisame
ng kanyang kwarto. Huli na upang makahingi ng tawad ang kanyang mga
magulang at malaman nila ang pagkukulang sa kanilang anak. Bilang pagpupugay
sa dalawang pusong tapat na nagmamahalan ay ginawan nila ng monumento ang
magkasintahan at ito ang patunay nh kanilang dalisay na pagmamahalan.

You might also like