You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal

AMPID NATIONAL HIGH SCHOOL


P. Salamat Extension, Ampid I, San Mateo, Rizal
https://ampidnhsrizal.ph ampidnhs.308126@deped.gov.ph
(02) 8363 - 3937

Naratibong Ulat ukol sa Homeroom Guidance ng 9 Garnet

Dahil sa COVID-19, maraming buhay ang nasira at nawala, at ilang milyon na ang
nawalan ng trabaho. Naging malayo na tayo sa ating mga mahal sa buhay at nagbago
na ang pamumuhay ng lahat ng tao. Sa kabilang banda,hindi magiging hadlang ang
pandemya upang hindi magpatuloy sa buhay. Kaisa ang Edukasyon sa pagsulong ng
ahon tuloy ang edukasyon.
Ayon sa kasabihan “Ang oras ay ginto sa mga taong matatalino” ang oras na nakalipas
ay hindi na kailanman maibabalik kaya huwag sayangin. Sama-sama, tulong- tulong tuloy
ang edukasyon. Kaisa ang paaralang Ampid National High school sa pagsulong ng
kalidad na edukasyon sa tatlong pamamaraan ng pagtuturo.
Mahalaga ang pagkakaisa upang maisakatuparan ang layunin ng paaralan sa pagsulong
ng kalidad na edukasyon sa panahon ng pandemya, katuwang ng paaralan ang mga
guro, mga magulang at mga mag-aaral.
Ang 9 garnet ay hindi lamang nakatuon ang pag-aaral sa mga asignatura na nakaalan sa
kanila, nabigyang tuon rin ang kahalagahan ng hoomroom guidance. Sa kabila ng
kanilang modality na one way o modular approach ay hindi ito nagiging hadlang upang
hindi sila magabayan ng tama at angkop na pamamaraan sa pag-aaral. Kasama ng
kanilang mga module ang Weekly home Learning Plan na nakatala rin dito ang mga
Gawain na sasagutan nila sa Homeroom guidance tuwing Biyernes ng 4:00 – 5:00 ng
hapon. Mayroong iilan na nahihirapan sa mga Gawain ng nakaatas sa kanila ngunit sabi
nga lamang ang may alam, magtanong ka lang paalala ng gurong tagapayo na si Gng.
Marites Olorvida sa kanyang mga mag-aaral.
Ayon nga sa kasabihan, “Distance between learner’s and teacher has never been closer
than it is now.” Malayo man tayo hindi hadlang ang distansya para matuto, At iyan ang
obligasyon ng mga guro upang gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang landas upang
maabot ang kanilang mga pangarap. Ang gurong tagapayo ng 9 Garnet kailanman ay
hindi masasambit ang hindi kaya! Kasi lahat makakaya, kung sama-sama. Paalala ay
mahalaga upang mga bagay ay hindi maiwawaksi sa isipan ng bawat isa. Ang
kahalagahan ng kooperasyon ang tulay sa mithiin na pagtulong sa mga Gawain, sa tulong
ng teknolohiya maipapaabot ang impormasyon sa mga mag-aaral ng 9 Garnet sa bawat
araw o oras na mga nakatakdang Gawain ay nariyan ang guro upang gumabay at
umagapay sa mga Gawain na nakaatas sa kanila.
Lahat ay bago, lahat ay nahihirapan ngunit ito ay hindi magiging hadlang sa mga taong
determinado na matulungan at tutulungan sa mga pangarap sa buhay.
Ayon kay Robert Louis Stevenson “Don’t judge each day by the harvest you reap but
by the seeds that you plant.” "Huwag hatulan bawat araw sa pamamagitan ng pag-aani
na iyong ani ngunit sa mga binhi na iyong itinanim.” Hindi susuko at hindi aayaw sa kabila
ng lahat ng pagsubok sa buhay laging paalala ng gurong tagapayo na si Gng. Marites
Olorvida ng 9 garnet.
Narito ang mga iilan na mga Gawain ng 9- garnet sa homeroom guidance.
GARNET

Inihanda ni: Gng. Marites Olorvida


Gurong Tagapayo ng 9- Garnet

You might also like