You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST NO.

3 IN ESP 5
QUARTER 3

Pangalan:___________________________________________ Baitang:______________

Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung hindi wasto.

___________1. Mas malilinang ang pagkamalikhain sa pagsayaw kung ikaw ay mahiyain.

__________ 2. Gamitin para sa sariling kapakanan lamang ang ating pagkamalikhain sa sining.

__________ 3. Namamana natin ang angking galing sa pagsayaw at pag-awit ngunit kailangan
din natin itong pagyamanin at sanayin.

__________ 4. Nararapat lamang gamitin sa mabuti ang ating mga talento.

__________ 5. May parangal man o wala, gamitin ang pagkamalikhain sa pagguhit para sa ating
kapwa.

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang.

_______6. May paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan. Gusto mong ikaw ang manalo sa
paligsahan. Alam mong hindi ka mananalo kung hindi ka magsasanay sa pag-awit. Ano ang
gagawin mo?

A. Hindi na lamang sasali sa paligsahan.

B. Ipapaubaya na lamang sa ibang kalahok ang pagkapanalo.

C. Magsasanay pagkatapos ng online classes upang lalong mahasa sa pag-awit.

D. Sasabihin sa mga magulang na kausapin ang mga hurado upang ikaw ang manalo sa
paligsahan.

_____7. Magkakaroon ng palatuntunan sa Buwan ng Nutrisyon. Alam mong magaling ka sa


pagsayaw at pag-awit. Nagkaroon ng paligsahan sa Nutri-Jingle. Ano ang gagawin mo?

A. Magkukunwaring hindi marunong sumayaw at umawit.

B. Sasabihin sa guro na iba na lamang ang kanyang isali dahil ikaw ay nahihiya.

C. Makikilahok sa palatuntunan at gagawin ang lahat ng iyong makakaya.

D. Huwag na lamang pumasok sa paaralan upang hindi ka mapilit na sumali sa nasabing


palatuntunan.

_____8. Ang sikat na mang-aawit ay naghahanap ng batang magaling umawit upang makasama
niya sa kanyang online concert. At ang malilikom na pondo ay ipamamahagi sa mga lugar na
nakaLOCKdown at walang makain dahil sa karamihan ay nawalan ng trabaho o
pinagkakakitaan. Ikaw ay isang napakahusay na mang-aawit. Ano ang gagawin mo?

A. Hahayaan na lamang ito na maghanap ng ibang mahusay umawit.

B. Huwag na lamang magbubukas ng facebook o internet upang hindi mo na ito mabasa pa.

C. Sasabihin mo sa iyong kaklase na hindi naman marunong kumanta na siya na lamang ang
sumali dito.

D. Hahanapin sa social media ang account ng magaling na mang- aawit at sasabihin mo sa


kanya na taos puso mong tatanggapin ito.

______9. Dahil mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang paglabas ng mgakabataang tulad


mo, kailangan mong manatili sa loob ng inyong tahanan. Nais mo sanang mag-ensayo ng sayaw
sa inyong plaza dahil dito ay maluwag. Ano ang gagawin mo upang malinang pa rin ang iyong
talento kahit nasa loob lamang ng inyong tahanan?

A. Mag-eensayo na lamang sa panaginip na kunwaring ikaw ay nagsasayaw.


B. Ipagpipilitan pa ring makapunta sa plaza ng gabi upang hindi makita ng ibang tao.

C. Susunod na lamang sa pamahalaan at magmukmok na lamang sa inyong tahanan.

D. Sasabayan ang mga mananayaw na napapanood sa telebisyon o internet upang higit na


mahasa ang iyong talento sa pagsayaw.

_____10. Ang buong pamilya ninyo ay magaling sa paguhit. Isang Architect ang iyong ama at
ganun din ang iyong ina. Ikaw ay magaling din ngunit hindi pa sapat ang iyong kaalaman ukol
dito. Ano ang maaaring mong gawin habang nakaQuarantine sa inyong bahay at hindi pa
pumapasok sa trabaho ang iyong mga magulang?

A. Magguguhit kung nais mo lamang.

B.Sasabihin sa mga magulang na turuan ka lamang sa paraang alam mo.

C. Hahayaan na ang mga magulang na kausapin ka at piliting mag- ensayo sa pagguhit.

D. Magpapaturo sa mga magulang ng mga paraan kung paano mapapaunlad ang iyong
kakayahan sa pagguhit.

Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng / kung ito ay nagpapakita ng


pagkamabuting mamamayang Pilipino at X naman kung hindi.
______11. Ang mga magulang ni Annie ay tumulong sa paglalagay ng mga groceries na
ipamimigay sa mga nawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil sa Covid-19.

_______12. Ang buong pamilya ni Greg ay mahusay kumanta. Nagkaroon sila ng “online
concert” para makalikom ng pera na ibibili nila ng mga kagamitang ipapamamahagi sa mga
frontilers.

_____ 13. Si Bryan ay sumali sa tagisan ng galing sa pagkanta online upang magkaroon sila ng
perang pantustos sa kanilang araw- araw na pangangailan lalo na sa panahon ng Pandemya.

_____14. Napakahusay sumayaw ni Liezl at nakita niya sa tiktok na magkakaroon ng “Tiktok


Dance Challenge”. Hindi kalakihan ang premyo ngunit sinubukan niyang sumali upang
makatulong sa kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng perang kanyang mapapanalunan.

______15. Parehong magaling gumuhit sina Carlo at Christian. Dahil sa kagustuhang manalo sa
paligsahan at makatulong sa kanilang pamilya parehong silang nandaya upang isa sa kanila
ang manalo.

_____16. Si Doktor De Vera na isinakripisyo ang kanyang buhay at pamilya dito sa Pilipinas
upang maging isang doctor sa ibang bansa para sa mga pasyenteng may Covid-19.

_____17. Si Mang Jose na nagbebenta ng mga face mask, alcohol at iba pang kailangang
proteksiyon sa sakit na Covid-19 ng mga mamamayang Pilipino sa napakataas na halaga upang
kumita ng mas malaki para sa kanyang pamilya.

_____18. Si Gng. Santos na isang boluntaryo sa kanilang barangay na tumutulong maglagay ng


mga de latang pagkain at bigas para sa mga kababayang lubos na naapektuhan ng pandemya.

_____19. Si Mang Carding na isang tricycle diver na hindi iniinda ang virus na maaaring niyang
makuha sa kanyang pagmamaneho maitaguyod lang ang pamilya at makatulong sa kanyang
kapwa.

_____20. Si tatay Isidro na kahit na may sakit na “kanser” ay naghahatid pa rin ng mga pagkain
sa kanyang mga costumer upang maiwasan ng mga ito ang paglabas ng kanilang bahay.

You might also like