You are on page 1of 5

Mapa at watawat ng singapore

Singapore, lungsod-estado na
matatagpuan sa katimugang
dulo ng Malay Peninsula, mga
85 milya (137 kilometro) sa
hilaga ng Ekwador.

Ang pulang kulay ay sumisimbolo sa unibersal


na kapatiran at pagkakapantay-pantay ng tao.
Ang puting kulay ay nangangahulugang
lumaganap at walang hanggang kadalisayan at
kabutihan. Ang crescent moon ay kumakatawan
sa isang batang bansa sa asenso, at ang 5 bituin
ay kumakatawan sa mga mithiin ng bansa ng
demokrasya, kapayapaan, pag-unlad, katarungan
at pagkakapantay-pantay.
Landmark ng singapore

Ayon sa alamat, si Sang Nila Utama—isang


prinsipe ng Srivijayan ng Palembang—ay
dumaong sa ating dalampasigan sa gitna ng unos sa
dagat. Malapit sa bukana ng Singapore River,
nakita ng prinsipe ang isang kakaibang nilalang na
kinilala niya bilang isang leon, kaya't binigyan ng
pangalan ang Singapura.
Ang ama
Mayroong isang ama na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa
kaniyang pamilya. May anim itong anak na lahat ay takot sa kaniya
dahil laging mainit ang ulo nito at lagi silang sinasaktan kabilang ang
kanilang ina.

Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama. Mainit ang ulo nito
pagdating sa kanilang bahay. Tiyempo naman na malakas ang iyak ng
anak niyang si Mui Mui. Dahil sa pagkainis nito sa mga nangyayari,
nabalingan niya ng galit ang anak.

Sinapak niya ito at tumilapon malapit sa silid. Nawalan ito ng malay


ngunit nakabangon naman matapos ang ilang sandali. Gayunman,
dalawang araw matapos ang pananakit sa bata ay yumao ito.
Noong panahong iyon, ay nabuhay ang konsensya ng ama dahil sa
nagawa sa anak. Sa kaniyang pagmumuni-muni, naisipan niyang mula
noon ay magiging mabuti na siyang ama. Ang perang ibinigay ng amo
niya bilang abuloy ay ibinili niya ng mga pagkain.
Ngunit ang mga iyon ay dinala niya sa puntod ng namayapang si Mui
Mui. Hindi niya batid na sinundan siya ng iba pa niyang mga anak.
Inialay niya ang ipinamili sa anak na si Mui Mui kasama ang
pagsusumamo na patawarin siya nito. Nang umulan, sumugod ang
magkakapatid sa puntod at pinagsaluhan ang alay na pagkain ng ama.
Natutunan sa “ang ama”

1. Dapat laging uunahin ang pamilya higit, laging


pahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya,
sapagkat sa lahat ng oras anumang mangyari ay
sila ang dadamay sa iyo.
2. Huwag maging lango sa alak at mga bisyo dahil
hindi ito magdudulot ng maganda sa buhay mo.
3. Masama ang manakit sa kapwa pisikal man ito o
emosyonal.
4. Ang pagdamay sa mga taong dumadanas ng mga
kalungkutan at kakapusan sa buhay, lalo sa oras na
mayroong pumanaw sa isang pamilya.
5. Lahat ng tao ay may karapatang magbago. bawat
tao ay pagsisi sa kanyang mga nagawang mali
FILIPINO modyul 1

Mapa, watawat, landmark ng singapore

Panitikang asyano maikling kwento ng


singapore- ang ama

Natutunan sa “ang ama”

You might also like