You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Pangalan: ___________________________ Prop. Marion C. Laguerta
Kurso/Seksyo: ______________________________

Proseso ng Intelektuwalisasyon sa Konteksto ng Wikang Pambansa May dalawang pangunahing


proseso sa intelektuwalisasyon para sa Filipino, ang prosesong lingguwistiko at ekstra-
lingguwistiko (Zafra, 2016). Kabilang sa prosesong lingguwistiko ang pagdedevelop ng
estandardisadong wika, pagbuo at pagpapaunlad ng mga korpora (talaan ng mga salita at
terminolohiya) at mga teksto sa iba’t ibang disiplina, pati na ang pagbuo ng rehistro ng wika
(mga salita o terminolohiya para sa partikular na disiplina at larangan).
Ayon pa kay Andrew Gonzales, “One needs to create an entire register, or a special variety of
the same language, for it is not terms that will realise the register, but a whole style of
presentation using the intellectualising variety of the language.” (Gonzalez 2002, 18) Kabilang
naman sa prosesong ekstra-lingguwistiko ang pagbuo ng isang grupo ng “significant others” o
“creative minority” (Gonzales 2002, 20).
Tumutukoy ito sa lupon ng mga iskolar at nagpapakadalubhasa bawat disiplina at larangan na
para kay Gonzales ay higit na makakatugon sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon ng Filipino sa
iba’t ibang disiplina at larangan dahil sila ang higit na may kaalaman at masteri sa mga ito.
Halimbawa, pangkat ng mga nagpapakadalubhasa sa bayolohiya, pilosopiya, pisika, agham-
kompyuter, matematika, at iba pa. kasama din sa prosesong ito ang paglikha ng mga
patakarang pangwika. Ganito rin ang sinasabi ni Paul Garvin ng Prague School of Linguistics sa
kanyang pagpapakahulugan sa intelektuwalisasyon.
Ayon kay Garvin (sa Constantino) “Intellectualization is a tendency towards increasing more
definite and accurate expression... In the lexicon, intellectualization manifest itself by increased
terminological precision achieved by the development of more clearly differential terms, as well
as an increase in abstract and generic terms.”
Ayon kay Lourdes Quisumbing, sa kontekstong Pilipino, ang intelektwalisasyon ay ang mas
mataas na repinadong gamit ng Filipino bilang wika ng pag-iisip, sining, at kultura. Bilang wika,
ang Filipino ay nararapat na magamit nang husto sa mas mataas na antas ng pag-iisip at sa mga
larangan gaya ng automation, informatics, at cybernetics. Halos ganito rin ang tinuran ni
Hornedo. Aniya, “Kung nais nating maging intelektuwalisado and ating wika, kailangang ito ay
iangat sa antas ng diwang malay.” Dapat ginagamit sa “mga kaisipang bunga ng maingat at
matimbang na pag-iisip o pagmumunimuni,” Pati na “sa mga larangang intelektuwal tulad ng
pagtuturo sa antas tersiyaryo at eskuwelahang gradwado, sa pagsulat ng mga akda sa
pilosopiya, agham at teknolohiya.”
Para kay Pamela Constantino “Gusto kong tingnan dito ang intelektuwalisasyon bilang isang
kondisyon o kalagayan na naipapakita na o nabibigyang pagkakataon ang wika na umunlad at
magamit sa iba’t ibang domain o mapaggagamitan nito, hindi lang sa pang-araw-araw na
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
komunikasyon. Kung gayon, hindi lang dapat na makikinabang dito ang mga nasa unibersidad
kundi pati ang karaniwang mamamayan.” Napakahalaga naman para kay Bonifacio Sibayan ang
pagsasalin ng mga “nakaimbak” na karunungan na nasa iba’t ibang materyal na nasusulat sa
Ingles at iba pang intelektwalisadong wika, upang ang mga materyal tungkol sa agham at
teknolohiya at mga asignaturang abstrak at mismong “wika” ang pinag-aaralan ay makaabot sa
higit na nakararaming mambabasang Pilipino. Sa ganitong paraan napapayaman ang wikang
Filipino at nabubuo ang kultura sa agham at mga abstrak, sa tulong ng behikulo at pagsasalin
mula sa iba pang wikang intelektwalisado, na isang mahusay na interkultural na gawain. Ito ang
hinihinging kasanayan upang maipakilala ang mga konseptong sa mga kailangang karunungan
at bigyang kahulugan ito sa wikang Filipino.
Samakatuwid, ang intelektuwalisasyon ay hindi lamang pagpapaunlad at pagpapalawak sa
gamit ng wika bilang instrumento sa pagdidiskurso sa mga paksain at paglikha ng talino sa iba’t
ibang laranga. May gampanin din ang intelektuwalisasyon ng wika na gawin ding
intelektuwalisado ang mamamayan. Ang gawain ng intelektuwalisasyon ng wika ay gawain din
sa intelektuwalisasyon ng mamamayan nang sa gayon ay buong talino at husay ito sa
pagsisikhay sa paghubog, pagpapatatag, at pagpapaunlad ng bansa.
Gawain 1: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Intelektuwalisasyon
2. Lingguwistikong Proseso ng Intelektuwalisasyon
3. Ekstra-Lingguswitikong Proseso ng Intelektuwalisasyon
4. “Significant Others” o “Creative Minority”
5. “Domain”

Sagutin:
1. Liban sa asignaturang Filipino, naranasan mo na bang makinig sa mga talakayan may
kinalaman sa asignaturang Matematika, Agham (Biolohiya, Kemistri, o Pisika), Ingles, at iba pa
gamit ang wikang Filipino? Ano ang iyong naging impresyon at bakit? Ipaliwanag.
2. Ipaliwanag ang modelo ni Haugen sa pagpaplanong pangwika.
3. Batay sa mga naibigay na pakahulugan sa Intelektuwalisasyon, ano ang pinakatumatak sa iyo
at bakit?
4. Paano mo bibigyan ng sariling pakahulugan ang Intelektuwalisasyon?

You might also like