You are on page 1of 1

THIRD QUARTER Takda 3: YUNIT III MAKROEKONOMIKS - ARALIN 3 ANG PAMBANSANG KITA.

PH 243

1. Ipaliwanag ang kahukugan ng Gross NAtional Income. sa pagkwenta ng GNI, anu anoa ng mga
hindi na isinasama sa pagkwenta nito? Ipaliwanag ang dahilan. ph246.

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang
bansa. Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng
produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Hindi rin isinasama sa pagkuwenta ng
Gross National Income (GNI) ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi
ang nagsasagawa nito. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground
economy tulad ng naglalako ng paninda sa kalsada, nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa mga
bahay bahay, at nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa ay hindi rin ibinibilang sa pagkuwenta ng
Gross National Income. Ito ay dahil hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos
ng kanilang Gawain upang ang halaga ng kanilang produksiyon ay masukat. Ang mga produktong
segunda- mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang
halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.

2. Talakayin naman ang Gross Domestic Product o GDP? Magbigay ng nauugnay na Halimbawa. ph.
246

Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Halimbawa, ang kita ng mga
dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa dahil
nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang
kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang
banda, ang kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National
Income ng kanilang bansa.

3. Sagutin ang GAWAIN 4 GNI at GDP ph247. Isama sa pagsagot ang mga pamprosesong tanong.

Gawain 4: GNI at GDP

Pamprosesong mga Tanong:

1. Batay sa nabuong Venn diagram, papaano naiba ang Gross National Income sa Gross Domestic
Product?

Ang Gross National Income ay ang mga mamamayan kahit ang mga ofw sa ibang bansa ay kabilang
habang ang Gross Domestic Product naman ay maski dayuhan at mga tao sa loob ng bansa.

2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa?

Upang malaman ang kabuuang halaga ng isang bansa nang naaayon sa ekonomiya nito.

3. Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP?

dahil may iba silang sektor na kinabibilangan

You might also like