You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE


BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ
BARANGAY LANITON

KATITIKAN SA GINANAP NA KARANIWANG PAG-PUPULONG NGAYONG


IKA-2 NG PEBRERO 2023 SA GANAP NA IKA- 8:00 NG UMAGA SA BAHAY
PULUNGAN NG BARANGAY LANITON, SAN LORENZO RUIZ, CAMARINES
NORTE.

Mga Dumalo:

HON. ROSEMARIE V. RUSSEL PUNONG BARANGAY


HON. RHODORA R. VILLARTA BARANGAY KAGAWAD
HON. RAMIL S. DE AUSTRIA BARANGAY KAGAWAD
HON. NORLITA B. MOYA BARANGAY KAGAWAD
HON. RAUL D. SAMONTE BARANGAY KAGAWAD
HON. RAYMUNDO F. TRINIDAD BARANGAY KAGAWAD
HON. EDGARDO E. VILLARTA BARANGAY KAGAWAD
HON. MA. VILMA Q. OJO BARANGAY KAGAWAD
HON. RAYMOND A. BONITO JR. EX-OFFICIO/SK-CHAIRMAN

RESOLUSYON BLG. 4 S-2023

“RESOLUSYONG HUMIHILING MULA SA TANGGAPAN SANGGUNIANG


BAYAN NA PINAMUMUNUAN NI PUNONG BAYAN NELSON P. DELOS SANTOS
PARA SA AGARANG PAGPAPAGAWA NG “TWO HUNDRED FIFTY METERS”
PUTOL NA KALSADA NA NAGMUMULA SA PUROK-3 BARANGAY LANITON
PAPUNTA SA BARANGAY DACULANGBOLO SAN LORENZO RUIZ
CAMARINES NORTE.”

MAY MUNGKAHI: KGD. EDGARDO E. VILLARTA


PINANGALAWAHAN NI: KGD. MA. VILMA Q. OJO

SAPAGKAT – Ang Sangguniang Barangay ay walang sapat na pundo upang


makapagpagawa ng proyektong ito.
SAPAGKAT – malaking tulong sa mga residente ng barangay na nasa mahigit apat na pu’t
limang kabahayan ang mabebenipisyuhan sa pagkakaayos ng kalsada dahil hindi na sila
mahihirapang dumaan sa maputik, lubak-lubak at mahirap na daan.

SAPAGKAT- ang pang agrikulturang lupain na mebebenipisyuhan dito ay nasa mahigit


siyam na pu’t limang ektarya, na malaking tulong sa paglabas at pagpasok ng mga produkto
sa barangay.

KUNG KAYA’T-sa mungkahi ni KGD. EDGARDO E. VILLARTA at pinangalawahan ni


KGD. MA. VILMA Q. OJO.

Napagpasiyahan na magpasa ng “RESOLUSYONG HUMIHILING MULA SA


TANGGAPAN SANGGUNIANG BAYAN NA PINAMUMUNUAN NI PUNONG
BAYAN NELSON P. DELOS SANTOS PARA SA AGARANG PAGPAPAGAWA NG
“TWO HUNDRED FIFTY METERS” PUTOL NA KALSADA NA NAGMUMULA SA
PUROK-3 BARANGAY LANITON PAPUNTA SA BARANGAY DACULANGBOLO
SAN LORENZO RUIZ CAMARINES NORTE.”

Napagpasiyahan din na magbigay ng sipi ng resolusyong ito sa iba pang sangay ng Gobyerno
para sa kanilang impormasyon at karampatang aksyon.

PINAGTIBAY NGAYONG IKA-2 NG PEBRERO 2023.

Pinatutunayan ko ang pagiging tama


at wasto ng Resolusyong ito.

ROSEMARIE E.
PALERO
Kalihim
Nagpapatotoo:

ROSEMARIE V. RUSSEL
Punong Barangay

You might also like