You are on page 1of 1

“Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

Ano nga ba? Paano ba dapat? Ito ay ilan sa mga tanong na pumapasok
sa aking isipan sa tuwing naiisip ko ang mga katagang sinambit ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”. Ngunit paano mo pa nga ba masasabi na ang mga kabataan pa rin
ang pag-asa ng bayan kung sila rin mismo ay hindi marunong sumunod sa
mga patakaran at batas na ipinatupad ng mga nakatataas, katulad na lamang
sa paaralan.

Ang paaralan ay isa sa mga tulay o daan ng isang kabataan tungo sa


magandang kinabukasan. Ito ang nagsisilbing kanilang pangalawang tahanan
at lugar din kung saan sila magkakaroon ng mga bagong mga kaibigan, na
magiimpluwensiya sa kanila sa mabuti. Ngunit meron din namang
magpapahamak sa kanila kagaya na lamang sa paglabag sa mga
alituntunin.Ayon sa aking mga karanasan bilang isang mag-aaral sa isang
institusyon na libre ang martikula,may mga gurong maggagabay tungo sa
iyong pag-unlad, mga pasilidad na iyong magagamit sa iyong pagpasok. Ang
paaralang aking tinutukoy ay ang Kolehiyo Lungsod ng Lipa o mas kilala sa
tawag na KLL. Subalit kahit na ito ay ginawa para makatulong sa mga
kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap mayroon pa ring ilang
kabataan na ginagamit ito upang gumawa ng kalokohan kagaya nalamang ng
hindi pagsusuot ng mga tamang kasuotan,pagkukulay ng buhok,pagkakalat sa
mga pasilyo ng mga paaralan,hindi pagbubuhos sa mga palikuran na
nagdudulot ng masama at masangsang na amoy at higit sa lahat ito ang higit
na nagpagulat sa akin, hindi ko mawari kung paano nila ito nagagawa ang
pandadaya at panggagaya ng mga estudyante habang
maypagsusulit.Pagsusulit kung saan sinusukat ang mga mag-aaral tungkol sa
mga leksyon na kanilang natutunan.

Marahil hindi lamang ako sana’y sa mga ganong sitwasyon o talaga bang
ganito na ngayon kahit na nasa harap mo na ang guro o kung sino mang
nakakatanda saiyo. Kahit na pagsunod at pagiging displinaryo ay hindi na
magawa nang maayos.Mga kabataang tinagurian na pag-asa ng bayan.Ngunit
sila pa ata ang tatapos sa mga nasimulan ng ating mga ninuno mga
karapatan na ipinaglaban mga buhay na binuwis ay parang nasayang lamang.
Kabataan parin ba ang pag-asa ng bayan? .

You might also like