You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII,CENTRAL VISAYAS
Azagra High School
Tanjay City, Negros Oriental

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8

Pangalan: ____________________________________ Seksyon: __________

I.Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tawag sa mg taong kasangkot sa isang balagtasan. Sila ay ang nagsasalitaan o di kaya’y nagsasagutan, at
nagpapalitan ng mga katuwiran.

A. Lakandiwa B. Makata C. Mambabalagtas D. Manonood

2. Siya ang taong nagpasimula ng “balagtasan” at ang katawagang ito ay itinuturing na isang parangal sa kanyang ambag
sa panulaang Tagalog.

A. Francisco Baltazar B. Florentino Collantes C. Jose Corazon De Jesus D. Pedro S. Dandan

3. Ang taong matamang nakikinig, nanonood, at pumapalakpak sa isang balagtasan. Sila rin minsan ang nagbibigay ng
hatol batay sa narinig na paglalahad ng mga katuwiran ng magkabilang panig.

A. Balagtas B. Lakandiwa C. Mambabalagtas D. Manonood

4. Isang pagtatalong patula na maituturing na higit na sopistikado kaysa sa karaniwang debate. Tinatanghal ito gamit ang
mga piling salita na masining at matatalinghaga at binabanggit nang patula.

A. Balagtasan B. Patimpalak C. Debate D. Kuwentuhan

5. Tinuturing na tagahatol at namamagitan sa makatunggaling panig. Siya ang nagsisimula at nagsasara ng pagtatalo
matapos maigawad ang hatol o parusa.

A. Lakan B. Lakandiwa C. Lakambini D. Manonood

6. Si Francisco Baltazar ay kilala sa palayaw na Kiko at may sagisag-panulat na _____________.

A. Balagtas B. Huseng Batute C. Huseng Sisiw D. Kuntil Butil

7. Ang panahon kung kalian umusbong at lumaganap ang balagtasan sa ating bansa.

A. Amerikano B. Espanyol C. Hapon D. Negrito

8. Ang balagtasan ay nasa anong uri ng panitikan. Ito ay nagtataglay ng tugma, sukat, at indayog.

A. Alamat B. Pabula C. Tula D. Sarsuwela

9. Isa sa mga katangian ng tulang Pilipino na tumutukoy sa pag-iisang tunog ng mga huling pantig sa huling salita ng
bawat taludtod.

A. Indayog B. Sukat C. Talinghaga D. Tugma

10. Ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na maituturing isa sa mga elemento ng tula ay ________.

A. Indayog B. Sukat C. Talinghaga D. Tugma

11. Ito ay ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa mga tagapakinig.
A. Indayog B. Sukat C. Talinghaga D. Tugma

12. Siya ay kilala bilang “Huseng Batute” at “Hari ng Balagtasan”

A. Francisco Baltazar B. Florentino Collantes C. Jose Corazon De Jesus D. Pedro S. Dandan

13. Ito ay ang mga salitang literal na kahulugan na makikita sa diksyonaryo.

A. Denotatibo B. Konotatibo C. Kasingkahulugan D. Kasalungat

14. Ito ay tumutukoy sa kaparehong kahulugan ng salita.

A. Denotatibo B. Konotatibo C. Kasingkahulugan D. Kasalungat

15. Dito inihahayag ang kahulugan ng isang salita na malayo sa tunay nitong kahulugan ngunit ginagamit upang
makapagbigay ng ibang kahulugan.

A. Denotatibo B. Konotatibo C. Kasingkahulugan D. Kasalungat

16. Ito ay salita na magkaiba ang kahulugan sa isang salita.

A. Denotatibo B. Konotatibo C. Kasingkahulugan D. Kasalungat

17. Ito ang kahulugan na binibigyan ng simbolo ang isang salita.

A. Denotatibo B. Konotatibo C. Kasingkahulugan D. Kasalungat

18. Tinatawag ding kuro-kuro o sariling pananaw tungkol sa mga bagay bagay o pangyayari. Ito ay _______.

A. Opinyon B. Katotohanan C. Hinuha D. Wala sa nabanggit

19. Alin sa sumusunod na hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat ang angkop gamitin sa sumunod na pahayag?
__________ ka, ang mga kabataan ngayon ay higit na mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran.
A. Subalit B. Oo C. Bagaman D. Tama

20. Ang pahayag na _________ ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, o pagkontra sa isang pahayag
o ideya.

A. Pagsalungat B. Pagsang-ayon C. Payak D. Wala sa nabanggit

21. Ang pahayag na ________ ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa, o pakikibagay sa isang
pahayag o ideya.

A. Pagsalungat B. Pagsang-ayon C. Payak D. Wala sa nabanggit

22. Ang uri ng sanaysay na kung saan ito ay hindi seryuso at madalas nasusulat sa unang panauhan,

A. Di-pormal B. Maanyo C. Pormal D. Teksto

23. Mula sa katagang “sanay sa pagsasalaysay” o di kaya’y “pagsasalaysay ng isang sanay”.

A. Alamat B. Dagli C. Paglalahad D. Sanaysay

24. Isa sa mga paraan ng pagpapahayag na gumagamit ng mga halimbawa upang mahikayat nang husto ang mga
mambabasa o tagapakinig.

A. Pagsusuri B. Pag-iisa-isa C. Sanhi at Bunga D. Pagbigay ng Halimbawa

25. Isang paraan ng pagpapahayag na kung saan ay ginagamit ang paghahambing ng magkakatulad at pagkakaiba ng
mga bagay-bagay upang bigyang diin ang paksa.

A. Paghahambing B. Pag-iisa-isa C. Pagsusuri D. Sanhi at Bunga


(26-30) Piliin mula sa pagpipilian ang titik ng angkop na pinapakita ng pangungusap.

A. Denotatibo B. Konotatibo C. Kasingkahulugan D. Kasalungat

26. Si Isabel ay may matangos na ilong samantalang ang kaniyang ate ay pango.
27. Ang ina ang nagsisilbing ilaw ng tahanan na nagbibigay liwanag sa bawat miyembro ng pamilya.
28. Isang kasalanan ang aborsyon o ang sadyang pagtanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae.
29. . Naglagay na ng mga palamuti o dekorasyon si Martha bilang paghahanda sa pasko.
30. Alam ni Berto na pagagalitan na naman siya ng kaniyang ina lalo na kung malalaman nito na itlog na naman ang
grado niya sa pagsusulit.

II.Panuto : Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay nagpapahayag ng pagsang-ayon at ekis
(✗) naman kung ang pahayag ay pagsalungat.

31. Lubos akong nananalig na may magandang kahihinatnan ang pagsasakripisyo ng ama para sa kinabukasan ng
kanyang mga anak.

32. Ayaw kong maniwala sa mga sabi-sabi ng aming kapitbahay na walang patutunguhan sa paraan ng edukasyon
ngayong taon.

33. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, kailangan mong kumilos upang may mapala sa buhay.

34. Talaga palang ang anak na ‘di paiyakin, magulang ang patatangisin.

35. Tama ka sa pahayag na, “Ang kalusugan ay kayamanan”.

36. Pawang kasinungalingan ang mga binibintang kay Cardo Dalisay.

37. Iyan nga ang dapat, hayaang ang batas ang humusga at magbigay ng kaparusahan sa mga taong nagkasala.

38. Kontra ako sa paliwanag mo patungkol sa “same sex marriage”.

39. Totoong ang pagbabago ay dapat na magsimula sa bawat tao nang sa gayon ay makamit natin ang tunay na
tagumpay.

40. Ganoon din ang nais kong bigyang-pansin ng pamahalaan.

III. ENUMERATION:

(41-42) Mga Uri ng Sanaysay (2)


(43-45) Katangian ng Balagtasan (3)
(46-48) 3 Tauhang Bumubuo sa Balagtasan (3)

41. 43. 46.


42. 44. 47.
45. 48.

“Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat si Cristo ang
Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.”
- Colossians 3:23-24 -

You might also like