You are on page 1of 1

Hunyo 29, 2022

Isang mapagpalang araw!

Kaugnay po sa ating nalalapit na Recognition Day at Moving Up Ceremony SY 2021-

2022 na gaganapin sa ika-30 ng Hunyo, ang paaralan po ay naghahanda na para sa

mahalagang araw na ito.

Bilang bahagi ng nasabing paghahanda, ang mga gurong tagapayo ng

inyong anak ay manghihingi ng pahintulot sa inyo upang maipakita ang larawan ng

inyong anak sa mga sertipiko na ipapakita sa pamamagitan ng birtwal na programa kung saan

ay mapapanood sa pamamagitan ng Facebook Live.

Ang paghingi ng pahintulot na ito ay kaugnay sa Data Privacy Act of 2012 na ang

layunin lamang ay siguruhin na walang malalabag sa batas na ito.

Iipinauuna na po namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong inaasahang


pakikiisa sa ating mga nalalapit na gawain..

Sumasainyo,

MELODY D. DASAS
Gurong Tagapayo

Pinagtibay:

DEXTER P. JINO-O
Head Teacher In-Charge (Gr.10)

Naunawaan ko po ang nilalaman ng Data Privacy Act at pumapayag po akong


gamitin ang larawan ng aking anak para sa mga nabanggit na mahalagang palatuntunan.

______________________________________________

Pangalan at Lagda ng Magulang/Guardian

You might also like