AKing Laging nakangiti at madalang magalit, Siya’yGuro mapagpasensiya sa aming makukulit, Kung kaya’t kami’y nagpapakabait. Kay sarao mag-aral sa aming paaralan, Kalinisan at kaayusan ay mamamasdan, Palaging maayos aming silid-aralan, Pagkat guro nami’y may angking kasipagan. Sa pag-aaral nami’y laging nakasubaybay, Guro naming mahal sa pagtuturo’y walang humpay, Ibinabahagi kabutihan at katalinuhang taglay, Upang mapabuti ang aming buhay. TREES HALINA AT TAYO’Y TUMULA AT UMAWIT BETTY BOTTER Betty Botter bought some butter, But she said “this butter’s bitter! But a bit of better butter will but make my butter better” So she bought some better butter, Better than the bitter butter, And it made her butter better so ‘twas better Betty Botter bought a bit of better butter! PAGKAMAKABAYAN Kay gandang silayan lupang sinilangan Na may kalayaan, mga mamamayan Na naging dahilan ng pakikipaglaban Ng mga bayaning ating minamahal Si Gat Jose Rizal tunay na makabayan Nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban Para makamit lang buong kalayaan Ng mga mamamayan sa bansang sinilangan Mga kalayaang dapat na makamtan Ng mga Pilipinong mga nililiyag Ang maging Malaya sa lahat ng bagay At makapamuhay ng walang alinlangan. Mga Pilipino may angking kalayaan Sa pakikipag usap at pakikipagtalastasan Wikang Pilipino ang naging batayan Upang Pilipino’y lubos na magkaunawaan Wikang Pilipino ay ipaggiitan Na laging gamitin sa pakikipagtanggulan Upang maipakita pagkamakabayan Ng mga tao sa buong sandaigdigan