You are on page 1of 1

Ang Aking Ama

Ang aking ama ay haligi ng tahanan.Siya ang nagtataguyod sa pamilya para mabuhay.Siya rin
ang nagsisislbing taga-gabay sa aming magkakapatid.Siya ang inspirasyon ko kapag ako ay
nagkapamilya.Kaya naman.Ang aking ama ay siyang pundasyon ng aming pamilya.

Ang tatay ko ang nagtataguyod sa pamilya para mabuhay kami nang maayos.Siya ay
nagtatrabaho para matustusan namin ang aming pangangailangan.Sinisiguro niya kami ay
nabibihisan,napapakain,nabibigyan ng silungan at napapa-aral.Ganyan magtaguyod ng
pamilya ang aking ama.Masasabi kong napakaswerte naming magkakapatid sa kanya
sapagkat buong lakas niyang ginagawa ang lahat upang maitaguyod kami.

Bukod sa nabanggit,siya ang nagsisilbing taga-gabay sa aming magkakapatid katuwang ng


aking ina.Siya ang nagtuturo sa amin para makilala namin ang tama at iwaksi ang
mali.Dinidisiplina niya kaming mga anak niya kapag kami ay nagkakamali sa pamamagitan
ng pakikipag usap ng masinsinan.Sinusuportahan niya kami sa lahat ng mga desisyon namin
para sa aming kinabukasan.Ganito pumapatnubay ang aking ama.

Dagdag pa rito,siya ang inspirasyon ko kapag ako ay nagkapamilya,Puro kasi kabutihan ang
ginagawa niya para sa amin.Tinitiis niyang lahat ng pagod para kami ay mabuhay nang
matiwasay.Napakabuti niyang ama sa aming lahat.Ulirang ama ang tatay ko kaya kasing-bait
din niya ang nais kong mapangasawa.

Haligi ng aming tahanan ang aking ama,wala siyang kapaguran kung magtaguyod para sa
aming kapakanan.Lagi niya kaming pinapatnubayan sa lahat ng aming ginagawa.Siya ay
modelong ama para sa akin.Kaya naman, ang aking ama ang haligi ng aming tahanan,

You might also like