You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

2 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Basahin at Pantigin Mo

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
1
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ivy Leigh P. Castañeda


Editor: Carmelita C. Goles
Tagasuri: Carmelita C. Goles
Genie A. Ybañez
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Ivy Leigh P. Castañeda
Tagalapat: Ivy Leigh P. Castañeda
Tagapamahala: SDS Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
ASDS Visminda Q. Valde, EdD
ASDS Raymond M. Salvador, EdD, CESE
CID Chief Juliet A. Magallanes, EdD
EPS Florencio R. Caballero, DTE
EPS Josephine L. Tomboc, EdD

Alamin
Isang masayang pagbati! Handa ka na ba sa panibagong
aralin sa araw na ito? Panahon na upang tuklasin natin kung
gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa
pamamagitan ng pagtugon sa ibat ibang gawaing makikita sa
modyul na ito. Halina’t mag-aral tayo!

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


● Napapantig ang mga mas mahahabang salita. (F2KP-IIc-3)
● Nababasa ang mga salitang madalas na makita sa paligid
at batayang talasalitaan. (F2pp-IIe-2.2; F2PP-IIIe-2.1)

Balikan
Panuto: Hanapin at isulat ang nawawalang pantig sa loob ng
kahon upang mabuo ang pangalan ng nasa larawan.
ak gu so pis da

1. _____long 2. _____hon

3. ba_____ 4. la______

2
5. _____lat

Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwento at unawain itong mabuti.

Malinis ang ilog. Walang kalat. Walang dumi. Walang


dahon. Walang papel.

“ Ang sarap maligo sa ilog,” ang sabi ni Mon. “ Ang linis!


Maliligo muna ako.” May isda, may karne, may prutas, may
gulay, at may sorbetes,” ang sabi ni Nanay.

“ Kakain muna ako bago maligo,” ang sabi ni Mon.

Ngayon ay unawain mo at sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
1. Sino-sino ang nasa ilog?
___________________________________________________________
2. Ano-ano ang kanilang kakainin?
___________________________________________________________
3. Bakit nasabi ni Mon na masarap maligo?
___________________________________________________________
4. Ano-anong mga salita ang ginamit sa paglalarawan ng ilog?
___________________________________________________________
5. Pumili lamang ng isang salitang sinalungguhitan sa kwento at
pantigin ito.
___________________________________________________________

3
Suriin
Magaling! Matagumpay mong nasagutan ang mga
katanungan. Basahin ang mga sumusunod na salita mula sa
kuwentong binasa.
isda-- is-da
gulay-- gu-lay
Ang salitang isda ay may dalawang pantig. Binubuo ito ng
pinagsamang pantig na is at da.
Anong pantig naman ang bumubuo sa salitang gulay?___________
Tandaan
 Ang mga salita ay binubuo ng mga pantig.
 Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso
ng tinig sa pagbigkas ng salita. May isa lamang patinig sa
bawat pantig. May iisahing-pantig na salita; mayroon
namang binubuo ng dalawa o higit pa.
Halimbawa:
ka
sa
ni
at
Ang mga ito ay binubuo lamang ng isang pantig. Kaya madali
lamang ito basahin. Tingnan mo lamang at basahin nang dahan-
dahan ang mga pantig upang mabasa nang tuluyan ang mga
salita. Ganito rin ang gagawin mo kung ang mga salita ay binubuo
ng higit pa sa dalawang pantig.

Ito naman ay may dalawa o higit pang mga pantig. Sabihin


ang mga pantig na bumubuo sa bawat salita.
Halimbawa:
Salita Pagpapantig
bayan-- ba-yan
magkapatid-- mag-ka-pa-tid
naninirahan-- na-ni-ni-ra-han
Ang salitang bayan ay may dalawang pantig. Binubuo ito ng
pinagsamang pantig na ba at yan.
Ang salitang magkapatid ay may apat na pantig. Binubuo ito
ng pinagsamang pantig na mag, ka, pa at tid.

4
Ang salitang naninirahan ay may limang pantig. Binubuo ito
ng pinagsamang pantig na na, ni, ni, ra at han.
 Ang pagpapantig ng mga salita ay makatutulong sa
pagbaybay nito nang wasto. Ang kaalaman natin sa pantig ay
mahalaga sapagkat ito ay pundasyon sa ating pagkatuto sa
pagbasa.

Pagyamanin
A. Panuto: Piliin at isulat ang tamang bilang ng pantig na
bumubuo sa salitang nasa loob ng hugis.

_______1.)
2 kalabaw 3

_______2.) 2 bakawan 3

_______3. )
3 natatamnan 4

_______4.)
5 pinaghahanda 6

_______5.)
5 nagmamaneho 6

B. Panuto: Pantigin ang bawat salita. Isulat ang iyong sagot sa


patlang.
Halimbawa: pamilihan— pa-mi-li-han

1.) paaralan-- _______________________


2.) kalsada-- _______________________
3.) pamayanan-- _______________________
4.) palaruan-- _______________________
5.) kapaligiran -- _______________________

5
C. Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Pantigin ang mga
sumusunod na salita.
Salita Pagpapantig Bilang ng mga Pantig

Hal: makapal ma-ka-pal 3


1. sinasabi
2. mapagbigay
3. nakadikit
4. nagsisigawan
5. nagpasalamat

Isaisip
Natutukoy ang bilang ng pantig ng salita sa pagpapantig. Ang
pagpapantig ay wastong paghahati o paghihiwalay ng mga pantig
ng salita. Nakatutulong ang pagpapantig sa tamang pagbigkas at
pagbaybay ng mga salita.

Tayahin
A. Panuto: Piliin ang tamang pagkakapantig ng mga salita. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.

1. bulaklak
a. bul-ak-lak c. bu-la-k-la-k
b. bu-lak-lak d. bulak-lak
2. kapatid
a. ka-pa-tid c. kapa-tid
b. k-apa-ti-d d. kap-a-tid
3. gumagawa
a. gum-aga-wa c. gu-ma-ga-wa
b. guma-gawa d. gu-maga-wa
4. sumusunod
a. su-mu-su-nod c. sumu-sunod
b. sum-usu-nod d. su-musu-no-d
5. matatandaan
a. mat-atan-daan c.matatan-daan
b. mata-tan-daan d. ma-ta-tan-da-an

6
Karagdagang Gawain
Lagyan ng tsek ( ) sa patlang kung tama ang pagkakapantig
ng mga salita at ekis ( ) naman kung mali.
_________1. sim-ba-han
_________2. sa-la-min
_________3. bas-ura-han
_________4. kaa-raw-an
_________5. na-si-si-ya-han

Susi ng Pagwawasto
3. so 5. ka-lat/ du-mi / da-hon/ pa-pel/ sa-rap/ li-nis
5. ak 2. da
sarap at linis.
4.pis 1. gu
4. walang kalat, walang dumi, walang dahon, walang papel,
BALIKAN:
3. dahil malinis ang ilog
2. May isda, karne, prutas, gulay at sorbetes
5. D 5. 1. Si Nanay at Mon.
A 4.
4.
C 3. TUKLASIN:
3. A 2.
2. B 1.
nag-pa-sa-la-mat / 5 5.
1. TAYAHIN: nag-si-si-ga-wan / 5 4.
na-ka-di-kit /4 3.
ma-pag-bi-gay / 4 2.
Gawain: si-na-sa-bi / 4 1.
Karagdagang C.
5. ka-pa-li-gi-ran 5 5.
4. pa-la-ru-an 5 4.
3. pa-ma-ya-nan 4 3.
2. kal-sa-da 3 2.
1. pa-a-ra-lan 3 1.
B. A.
PAGYAMANIN:

Sanggunian
MELCS

DO No. 104, s,2009- Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino

Villafuerte, P., Ona, L., (2003)Pagdiriwang Ng Wikang Filipino 2.


Binagong Edisyon 2010 DIWA SCHOLASTIC PRESS, INC.

Garcia, N., Aligante, J., Ola, M., Cruz, A., Castro, E., Cruz,
V.,Padalla, M., Alburo, G., Cruz, E., et.al (2013). Ang bagong
Batang Pinoy-Ikalawang Baitang. Rex Book Store,Inc

7
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,


Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


Region IX
One night I had a dream. I dreamed Our..
I think that I shall never see
that I was walking along the beach
A poem lovely as a tree.
Eden...
with the LORD.
Land...
In the beach, there were two (2) sets A tree whose hungry mouth is prest
of footprints – one belong to me and Against the earth’s sweet flowing
the other to the LORD. breast;

Then, later, after a long walk, I


noticed only one set of footprints. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?” A tree that may in Summer wear

And the LORD replied “My son, My A nest of robins in her hair;
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Upon whose bosom snow has lain;
sand, because it was then that I Who intimately lives with rain.
CARRIED YOU!
8
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.

You might also like