You are on page 1of 2

WAYBER SA PAGPASOK SA BALAY SILANGAN REFORMATION CENTER

AKO, , nasa wastong gulang, nakatira sa


ay malaya at kusang
loob na isinusuko ang aking sarili sa pangangalaga ng BALAY SILANGAN REFORMATION CENTER – SAN
FABIAN, PANGASINAN na may pagsang-ayon sa umiiral na regualsyon at kautusan;

Na, ako ay naniniwala sa panganib na dulot ng droga at ang masamang epekto nito sa aking
kalusugan, sa aking pagkatao, sa aking pamilya at sa komunidad na aking pinaninirahan;

Na, ang ipinagbabawal na droga ay nagdudulot ng ibayong banta at panganib sa mga kabataan at
pamilya ng bawat Pilipino, sumisira ng kinabukasan ng isang tahanan at sumisira din ng moralidad ng ating
tahimik na pamumuhay;

KAYA MAGMULA NGAYON, na sa aking sariling kagustuhan na kusang pagsuko sa awtoridad,


bilang pagtalima at pagkilala sa aking responsibilidad ay nangangako ako at tutuparin ang mga
sumusunod;

a. Makibahagi sa proyektong pamumunuan ng BALAY SILANGAN Reformation Center hingil sa


programang “Balik-Loob”. Programang komunidad usapang sagipin ang mga nagbebenta at
gumagamit ng droga sa kapahamakan. Isang boluntaryong pagsuko para magbago sa
pamamagitan ng boluntaryong rehabilitasyon. Ito rin ang programang inilunsad upang tulungan
ang pamilya na mabuo muli at maiiwas sa panganib ng illegal na droga.
b. Na, sa aking boluntaryong pagsuko, ako ay magiging kliyente ng BALAY SILANGAN Reformation
Center at aking tinatanggap ang mga kautusan at regulasyon na nakatakda saksi ang PDEA,
Pulisya, Brgy. Kapitan o ang aking mga magulang o gumagabay sa akin;
c. Na, ako ay makikibahagi sa mga gawain at aktibidad tulad ng gawaing ispiritwal, makikinig sa pag-
aaral sa salita ng Diyos, pagpapalakas ng aking katawan at kaisipan at mag-aaral sa libreng kurso
na ibabahagi o ituturo ng mga ahensya ng pamahalaan o pribado;
d. Na, matapos na ako ay mareporma at gumaling sa paggamit ng ipinagbabawal na droga na
isagawang pinagkaisang pagkilos ng Balay Silangan Stakeholders, ako ay kusang loob na aalis sa
BALAY SILANGAN Reformation Center at kusang loob na mag-uulat sa MADAC/PNP/PDEA na
nakakasakop sa akin o sa Brgy. Kapitan upang malaman ang aking gawain progreso;
e. Na, sa hindi inaasahang pangyayari ng isang aksidente na walang kasalanan ang mga nagbabantay
na volunteer workers ng BALAY SILANGAN Reformation Center, sila ay hindi maaaring panagutin
o maihabla matapos ang masusing imbestigasyon;

Page 1 of 2
f. Na, sa kadahilanang hindi kasali sa pondo na itinataguyod sa aking pagsali sa Balay Silangan
Reformation Center ang mga iba pang klase ng gastusing personal, aking sagutin o sagutin ng aking
pamilya o guardian ang sarili kong konsumo hinggil sa mga naturang bagay;
g. Na, ang pagpasok ko sa BALAY SILANGAN Reformation Center ay sarili kong kagustuhan at walang
pumilit sa akin;

Balay Silangan Client


(Buong Pangalan at Lagda)

Saksi sa aking pagtalima at pagsunod:

Mayor Hepe ng Pulisya

Punong Barangay

Asawa Magulang/Guardian

LUMAGDA AT NANUMPA sa aking harapan, ngayong ika- araw , dito sa


.

Doc. No.
Page No.
Book No.
Series of 2022.

Page 2 of 2

You might also like