You are on page 1of 1

Ang kalikasan sa pinakamalawak na pagpapakahulugan, ay ang gumigitaw at makikitang panlabas na

anyo ng mundo o daigdig. Ang "kalikasan" ay maaring mangahulugan sa lahat ng bagay na likas at
katutubong mula sa mga kaganapang anyong panlabas ng mundo, at maging sa buhay din. Ang pagaaral
at pagsusuri sa kalikasan ay napakamalawak at napakalaking bahagi- kung hindi kasingkahulugan at
katumbas mismo ng agham. Bagamat bahagi rin ang tao ng kalikasan, ang mga kagawian, kayarian at
idinudulot ng tao at ang pakikihalubilo nito ay di-madalas na itinuturing kabahagi ng kalikasan, at
itinuturing hiwalay na mulisip, maliban lamang kung itinutukoy nito ang kalikasan ng tao.[kailangan ng
sanggunian]

Ang pangkahalatang dalumat ng kalikasan, na nangahulugan sa liknaying sansinukob, ay isa sa maraming


pagpapalawak ng nauunang kaisipan. Nagsimula ito sa iilang pang-ubod na paglalapat ng salitang
sinaung Griyegong φύσις, physis ng mga pilosopong nauna kay Sokrates (bagamat ang salitang ito ay
namumukod na may maisig at pabago-bagong sukod at palahulogan noon, lalo na kay Heraklitus), at
panay na nakatanggap ng malawak na kahulugan magmula noon.

Sa panahon ng pagdating ng makabagong pamamaraang makaagham sa huling ilang siglong nakaraan,


ang kalikasan ay naging balintiyak na katotohanan, na isinatatag at pinapakilos ng mga banal na batas.
Simula ng Rebolusyong Industriyal, ang kalikasan ay mas panay na tinanaw na bahagi ng katotohanang
na walang paglalayon. Itinuring ito na banal ng ilang tradisyon (Rousseau, Amerikanong
transendentalismo), o ang palamuti ng banal na pagpapatnubay at kalinga (Hegel) o panggayak at
kasangkapan ng pantaong kasaysayan (Marx). Gayunpaman, ang isang buháy at masiglang pananaw sa
kalikasan, malapit sa kaisipang ng mga sinaunang pilosopong Griyego, ay muling naisilang at nanumbalik,
lalo na pagkatapos ng pagkakalathala ng mga kasulatan ni Charles Darwin.

Kaloob ng maraming paggamit at pakahulugan ng salita sa kasalukuyan, tumutukoy kadalasan ang


"kalikasan" sa heolohiya at buhay-ilang. Ang kalikasan ay maaaring tumukoy sa pangkahalatahang
pinamumuhayan ng mga halaman at hayop, at sa ilang pagbanggit nito, tumutukoy sa mga saayosan na
kaugnay ng di-buhay na mga bagay—ang paraan na ang iilang uri ng mga bagay ay nagpapakaumiral at
nagbabago sa kanilang sariling katangian, tulad na lamang ng panahon at heolohiya ng Daigdig. Madalas
din na tinatanggap ito na nangangahulugan na ang "likas na kapaligiran" o ang kaparangan—mailang at
mabangis na hayop, mga bato, kagubatan, at sa pangkahalatan, tumutukoy sa mga bagay na hindi
malimit, masyado, o malakihang pinagbago dahil sa pakikialam o pagyari ng tao, or o mga bagay na
umiiral ng hindi nangangailangan nito.

You might also like