You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN ARALIN 4.1 Panitikan: Ang Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Bilang ng Araw: 2 Sesyon
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IVa-b-18)

Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IVa-b-20)


Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng binasang
bahagi ng akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IVa-b-18)

Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido.

PANONOOD (PD) (F7PD-IVa-b-17)


Nagagamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng pag-unawa sa mahahalagang kaisipang
nasasalamin sa napanood na bahagi ng akda.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IVa-b-18)


Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
II. PAKSA

Panitikan: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Kagamitan: Pantulong na visuals

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.

Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

Pagtatala ng Liban

Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

Balik- Aral

AKTIBITI

Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (PICTURE PUZZLE)

Magkakaroon ng laro sa klase kung saan bubuuin ng bawat pangkat ang inihandang
puzzle ng guro na naglalaman ng isang larawan. Kung sino ang pangkat na unang
makabubuo ng larawan ang siyang tatanghaling panalo.
http://pre12.deviantart.net/7135/th/pre/f/2009/049/c/3/ibong_adarna_commission_by_tagasanpablo.jpg

Gabay na Tanong:

Ano ang nabuong larawan?

Magbahagi ng mga kaalamang may kaugnayan sa nabuong larawan.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.

Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Presentasyon
Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)

Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi ng


akdang Ibong Adarna.

AN
A
LI
S
I
S
Ang napakinggang bahagi ay mga tauhan sa Ibong Adarna. Paano mo bibigyang kahulugan
ang korido bilang tulang romansa batay sa binasa?

Ipaliwanag ang mahahalagang kaisipang nasalamin sa napakinggang bahagi ng akda. Ano-ano


ang mahahalagang detalyeng inyong nakuha? Isa-isahin ito.

Pansinin ang kabuuang katangian ng korido batay sa sukat, paksa at katangian ng tauhan.
Ilarawan ito.

Para sa iyo, may mabuti bang maidudulot ang pagbabasa ng mga korido lalong-lalo na ang
pagbabasa ng Ibong Adarna? Pangatwiranan.

Paano kaya naisulat ang tula? Ano ang kaligirang pangkasaysayang nakapaloob dito?

Pagbibigay ng Input ng Guro


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (POST IT)

Ilalagay ng mga mag-aaral sa bubble map ang tamang paglalarawan sa kaligirang


pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

A P L I K A S Y O N Mungkahing Estratehiya (SIMBOLISMO)

Ilalahad ng mga mag-aaral ang sariling pananaw tungkol sa maaaring motibo ng


may-akda sa pagsulat ng koridong Ibong Adarna sa pamamagitan ng pagguhit ng
isang simbolismo ukol rito.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katangian ng korido.

a. May 8 pantig sa bawat taludtod.


b. May 12 pantig sa bawat taludtod.
c. Naglalaman ng mga di-kapani-paniwalang pangyayari

d. Nagpapakita ng kabayanihan ng pangunahing tauhan

Basahin ang tula sa ibaba. Ano ang uri nito nito batay sa sukat?

“At kung hindi, sa aba mo!


Ikaw ay magiging bato,
Matutulad kang totoo
Kay Don Pedro’t kay Don Diego”

a. Awit b. Epiko c. Korido d. Soneto

Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Bagamat hindi naitala kung sino ang
nagsalin nito sa Wikang Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng
manunulat. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna kahit ito ay dayuhang
panitikan?

a. Dahil ito ay dinala sa Pilipinas ng mga Kastila at lahat ng kanilang dinala ay


dapat nating pahalagahan.
Dahil ito ay bahagi ng kulturang Pilipino at kapupulutan ng mga aral.

Dahil magiging tanyag tayo kapag alam natin ang mga akdang pampanitikang katulad ng Ibong
Adarna.

Dahil ito ay kasama sa mga aralin sa Filipino.

Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. Ang


mga tauhan ay pawang napapabilang sa mga kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa, hari at ilang
dugong bughaw. Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa. Ang Ibong Adarna ay
isang tulang romansa. Alin sa mga sumusunod ang di kaugnay ng pahayag?

Ang Ibong Adarna ay may mga tauhang napapabilang sa mga kaharian tulad nina
Reyna Valeriana, at Haring Fernando.
Ang Ibong Adarna ay naglalaman ng mga kamangha-manghang pangyayaring katulad
ng mga tulang romansa.

Ang Ibong Adarna ay nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga


tauhan kaya ito’y isang tulang romansa.

Ang Ibong Adarna ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa tunay na


buhay kaya ito’y tulang romansa.

Ano ang mahalagang detalye ng tula sa ibaba?

Ibon itong kung dumating

Hatinggabi nang malalim

Ang pagkantang malalambing

Katahimikan kung gawin

Pitong awit na maganda

Pito rin at iba-iba

Sa balahibong itsura

Ilalabas ng Adarna

Ang Ibong Adarna na isa sa mahahalagang tauhan sa korido ay nagtataglay ng


kakaibang kapangyarihan.

Ang Ibong Adarna ay isang koridong binubuo ng 12 sukat.

Ang Ibong Adarna ay isang sinaunang panitikan na sinulat ng mga ninuno.

Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa at ang mga pangyayari rito ay nagaganap
sa tunay na buhay.

Sagot:
B C B D A
Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

Gumawa ng tsart na nagpapakita ng pagkakaiba ng awit at korido bilang mga tulang


romansa batay sa mga sumusunod na pamantayan; sukat, pagkamakatotohanan,
paksa at halimbawang akda.

AWIT KORIDO

Sukat

Pagkamakatotohanan

Paksa

Halimbawang akda

Humanda sa pagsulat ng Awtput 4.1. Ibigay ang kahulugan ng brochure at mga paraan
ng paggawa nito. Magdala rin ng isang halimbawa nito at mga materyales na gagamitin
sa paggawa ng awtput.

ILIPAT

You might also like