Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
Division of Bago City
RAMON TORRES DULAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Dulao, Bago City
I. Pagbasa: Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong.
Roel: “partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang freedom of information bill na hindi maipasa-pasa sa senado.”
Macky: “oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang foi daw ay freedom of income eh malamang nagkukumahog pa
ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!’
Roel: “sinabi mo pa, partner!”
Macky: “ano ba talaga ‘yang foi, partner?’
Roel: “sang-ayon sa seksyon 6 ng panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang
mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”
1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
A. Sang-ayon sa seksyon 6 ng panukalang batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno!
B. Kung ang foi ay freedom of income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit na nakapikit.
C. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
D. Naku! Delikado naman pala iyan!
2. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?
A. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
B. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
C. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
D. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
3. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng hal. nabasa?
A. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad
B.. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
C. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
D. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
4. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng opinyon mula sa akda?
A. Para sa akin
B. Sabi nga
C. Sang-ayon sa
D. Ng mga
5. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo?
A. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung
tinatalakay.
B. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
C. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
D. Lahat ng nabanggit.
Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob
mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong
uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa
kanilang mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung
saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon,
pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila
ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilang mga anak.
8. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin
ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag?
A. Bunga + sanhi
B. Sanhi + bunga
C. Paraan + resulta
D. Resulta + paraan
10. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
A. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
B. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu.
C. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
D. Lahat ng nabanggit.
II. Panuto: tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay wasto o di-wasto.
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
A. WASTO
B. DI-WASTO
III. Panuto: Tukuyin at kilalanin ang mga popular na babasahin. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.
21. Makulay na babasahin na isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginamit upang ihatid ang isang kwento.
22. Naglalaman ng isang tagpo sa Komiks, ito ay naka kuwadrado.
23. Kwentong maikli na maikling kwento.
24. Isang sulating hitik na hitik sa mga impormasyon at napapanahong isyu.
25. Dito nakasulat ang usapan ng tauhan sa komiks.
26. Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo.
27. Kwentong isinalarawan o ginuguhit ng dibuhista.
28. Pangmasa na uri ng pahayagan.
29. Pahayagan na pang Negosyante o pangmayaman.
30. Ito ay isang uri ng babasahin na may iba’t ibang tema tulad ng impormasyon sa mga artista, gadgets, pang negosyo,
pangkalusugan at marami pang iba.
IV. Panuto: OPINYON O KATOTOHANAN : Suriin kung ang pangungusap ay
A. Opinyon
B. Katotohanan
32.Sa aking palagay, ang matibay na pundasyon ng pamilya ay susi sa katatagan ng isang bansa.
33. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, ang kabataan ay siyang pag-asa ng bayan.
34. Para sa kanya, ang tagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang sarili.
35. Nakikita ko ang kaugaliang Pilipino ay makikita pa rin sa Pilipinas.
36. Batay sa pananaliksik, marami ng kabataan ang ginamit sa paggawa ng krimen.
37. Ayon sa balita sa TV Patrol kagabi, nasibak na sa serbisyo ang mga pulis na kasangkot sa hulidap.
38. Kung ako ang tatanungin, hindi nakatutulong ang programang K to 12 sa edukasyon.
39. Malaki ang posibilidad na tatakbong pagka-Presidente si VP Binay sa 2016.
40. Ayon sa PAG-ASA may namumuong 2 bagyo pa ngayong buwan ng Oktubre.
V. Panuto: Pagtapat-tapatin hanapin sa hanay B ang tinutukoy ng mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang Titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
41. Magasin ukol sa fashion.
42. Magasin ukol sa Negosyo. A. FHM
B. Entrepreneur
43. Magasin ukol sa Showbiz.
C. Cosmopolitan
44. Magasin ukol sa Kalalakihan. D. Good housekeeping
45. Magasin ukol sa Kabataan. E. Yes!
F. Candy
46. Magasin ukol sa Gadget.
G. T3
47. Magasin ukol sa Abalang ina. H. Men’s Health
48. Magasin ukol sa kababaihan. I. Metro
49. Magasin ukol sa kalusugan ng kalalakihan.
50. Magasin ukol sa pampaganda at pampasexy ng mga babae.
Inihanda ni:
PHOBIE SILVERIO-GUBAT