You are on page 1of 4

LESSON EXEMPLAR IN ARPAN 6

FOURTH QUARTER WEEK 1

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard): Naipamamalas ang mas malalim na


pag-unawa at pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng
mga hamon ng nagsasarili at umuunlad na bansa

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard): Nakapagpakita ng aktibong pakikilahok


sa gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang
kaakibat na pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na
Pilipin

I. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies): Nasusuri ang mga suliranin at


hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar.

AP6TDK-IVa-1

Layunin:
Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar
Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan at pamumuhay
ng mga Pilipino.
II. NILALAMAN (Content)
LESSON: BATAS MILITAR AT KAHALAGAHAN NITO
Kagamitang Panturo: Batayang Aklat sa AP 6, AP6 CG, mga larawan, tsart, TM, TG
Sangguniang: AP6 CG, mga larawan, tsart, TM, TG
III. PAMAMARAAN:
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at/ o pagsimula ng bagong aralin:
Magpakita ng larawan sa ikalawang digmaan sa panahon ng Amerikano.
Itanong: Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa ikalawang digmaan?
B. Paghahabi ng layunin ng aralin at paglalahat.
Maliban sa ikalawang digmaan, may ibapa batayong hinarapna suliranin o hamon sa ating
bansa?
Pagpakita ng larawan na nagpapakita ng mga pangyayari sa panahon ng Batas Militar.
Bakit ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar?

Sa inyong palagay, nakabuti ba ito sa ating bansa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Magpakita ng Video Clip tungkol sa panahon ng Batas Militar.
Suriin ang ipinakitang video clip. Itanong: Paano nagsimula ang Batas Militar?
Anu-ano ang mga pagkakaiba ng pamumuhay natin noon at ang pamumuhay natin ngayon?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1
(Pinatnubayang Pagsasanay)
Talakayin ang konsepto tungkol sa Batas Militar kung ano ang naidulot nito sa ating bansa.
a. Anu-ano ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Militar?
b. Sino ang nasa likod ng pagtakda ng Batas Militar?
Talakayin ang mga epekto ng batas militar sa kalagayang pulitikal ng atig bansa.
Talakayin ang mga epekto ng batas militar sa pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2
(Pagpapalawak ng Kasanayan)
Ano ang kahalagahan ng Batas Militar sa kasaysayan ng Pilipinas?
Ano ang ginawa ng mga mamamayang Pilipino sa panahon ng batas militar?
Sino ang presidenteng nagmalabis sa kanyang kapangyarihang pampulitika sa panahong
Batas Militar?
Gamit ang Graphic Organizer, ibigay ang mga epekto ng batas militar sa pangkabuhayan at
pamumuhay ng mgaPilipino.
Punan ng mga ideya ang “graphic organizer”

Epekto ng batas
militar sa
pangkabuhayan at
pamumuhay ng
mgaPilipino.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Pangkatang Gawain

Pangkat I- Isadula ang mga mahahalagang pangyayari na nagtakda ng Batas Militar.

Pangkat II- Bumuo ng dalawang saknong na tula tungkol sa paksa at ilahan ito sa anyong jazz chant.

Pangkat III- Sumulat ng sanaysay tungkol sa paksa at ilahad ito ng paawit.

G. Paglalapat ng Aralin:

Magmungkahi ng saloobin tungkol sa


kahalagahan ng pangyayari ng batas
militar sa ating bansa.

H. Paglalahat

Bilang mag-aaral, ano ang mapupulot na aral sa mga pangyayari sa Batas Militar?

Kung ikaw ay makakabalik sa panahon ng Batas Militar, ano ang posible mong gawin para
makatulong sa ating bansa?

IV. Pagtataya

1. Anu-ano ang mga pangyayari sa Batas Militar na dapat nating alalahanin at pahalagahan?

2. Anu-anoang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtakda ng Batas Militar?

3. Anu-ano ang mga naging epekto ng Batas Militar sa kalagayang pulitikal n gating bansa?

4. Anu-ano ang mga epekto ng Batas Militar sa pangkabuhayan at pamumuhay ng mga


Pilipino?

5. Anu-ano ang mga suliranin hamon sa kasarinlan ng ating bansa sa panahon ng Batas
Militar?
V. Takdang-Aralin

Maglista ng mga pangyayari at ipakilala sa mga mag-aaral kung ito ba’y nagtakda ng Batas
Militar.

VI. Remarks

Inihanda at ipinasa ni:

SHEILA D. BATO

You might also like