You are on page 1of 6

SCHOOLS DIVISION OFFICE – MALABON CITY

Maya-Maya St., Kaunlaran Village, Longos, Malabon City


District of Malabon V
EPIFANIO DELOS SANTOS ELEMENTARY SCHOOL
1 Asogue St., Tugatog, Malabon City

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6


2017-2018

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga suliranin at hamon ng kasarinlan at
pagkamakabansa ng mga Pilipino sa ilalim ng batas militar

1.1 Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa patatakda


ng batas militar

1.2 Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng batas militar sa


pulitika, pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino

II. PaksangAralin

A. Paksa: Salik sa Pagdedeklara ng Batas Militar

B. Sanggunian: AP6TDK-IVa-1.1
https://www.youtube.com/watch?v=tcKK4k_NWq8

C. Kagamitan: puzzle, tv, speaker, laptop, mga larawan

D. Pagpapahalaga: Pagiging sensitibo sa mga pangyayari


sa kapaligiran

III. Pamamaraan
IV.
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan

2. Balik-Aral

Sino-sino ang mga nagging pangulo ng Pilipinas ang atin nang


natalakay?
Ipapanood sa mga bata ang balita tungkol sa libing ni Marcos.
https://www.youtube.com/watch?v=tcKK4k_NWq8
Itanong:
● Ano ang isyung pinagtatalunan?
● Sang-ayon ba kayo sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng
mga Bayani? Pangatwiranan.

3. Pagganyak

Nais ba ninyong makapanood ng video tungkol sa isang naging


pangulo ng ating bansa?
Ipapanood sa mga bata ang balita tungkol sa libing ni Marcos.

https://www.youtube.com/watch?v=tcKK4k_NWq8

Itanong:
● Sino ang pangulo ng Pilipinas ang napanood ninyo ?
● Ano ang isyung pinagtatalunan?
● Sang-ayon ba kayo sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng
mga Bayani? Pangatwiranan.

B. Panlinang na Gawain

1. WORD SEARCH PUZZLE


Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang may kaugnayan sa mga
suliranin noong Batas Militar.

D R A B C D E F G H K

E A E K L M N O P I A
A L R B E M A S K T R
B I S A E N S A A U A
M Y T W E L G A S O H
O I U E U U Y P D P A
B S W I L L D O G A S
G T Y U O W O G N G A
A A H W A S E R D B N
P A W D G H K L W E R
N E R T Y U I O P A S
P A G H I M A G S I K

2. Picture, Select!
Panuto: Hanapin ang mga larawan na may kaugnayan sa suliranin

noong Batas Militar.

Itanong:
● Batay sa napanood na video tungkol sa Batas Militar, alin sa
mga larawan ang may kaugnayan sa suliranin na naganap
habang ipinatutupad ang Batas Militar? Ipaliwanag.

3. Video Presentation
Ipapanood sa mga bata ang mga salik o dahilan kung bakit
idineklara ang martial law

https://www.youtube.com/watch?v=GVSNX5wGfA4

Itanong:
● Ano ang nais ibahagi ng video?
● Ano ano ang mga dahilan na nagbigay daan upang ideklara ang
Batas Militar?

4. Pangkatang Gawain: Pagsasadula

Ibigay ang mga pamatayan sa pagsasagawa ng pangkatang


gawain
Panuto: Isasadula ng bawat grupo ang Gawain na itinakda sa
kanilang grupo

Pangkat I– Inaresto at tinorture nang walang matibay na ebidensya


laban sayo.

Pangkat II– May Rally/Demonstrasyon laban sa pagtutol niyo sa


Batas Militar. (Ipakita ang mga dahilan kung bakit tutol kayo sa
Batas Militar.

Pangkat III – Pagbobomba sa Plaza Miranda.

Pangkat IV – Hinuli kayo ng mga sundalo dahil inabutan kayo ng


curfew sa labas ng inyong bahay.

IV. 1. Pagsusuri

● Sa inyong palagay, may maganda bang naidulot ang Batas Militar?


● Ano ang inyong mararamdaman kung isa kayo sa mga taong hinuli
at tinorture ng walang sapat na ebidensya sa panahon ng Batas
Militar?
● Sang-ayon ba kayo sa pagpapatupad ng Batas Militar?
● Alin sa mga ipinakita ng mga pangkat ang naglalarawan ng haon
sa kasarinlan/kalayaan? Ipaliwanag.

2. Paglalahat

● Ano ano ang mga salik kung balik idineklara ang Martial Law ?

3. Aplikasyon / Paglalapat : Picture Analysis

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Ibigay ang iyong opinyon ukol dito.

Itanong:

● Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


● Ano ang layunin ng isinasagawang rally?
● Sang-ayon ba kayo sa ipinaglalaban nila? Ibigay ang
inyong opinyon.

V. Pagtataya
Panuto: Isa-sahin ang mga pahayag. Lagyan ng ang mga naging salik
upang ideklara ang Batas Militar

___ 1. Dumami ang bilang ng mga rebelde at komunista sa bansa.


___ 2. Nagdiwang ang mga Pilipino sa pagtatakda ng Batas Militar.
___ 3. Maraming Pilipino ang nagtipon at nag-rally laban sa pamahalaan.
___ 4. Ang mga mamamayan ay maaaring manatili sa labas hanggang
hatinggabi.
___ 5. Inaresto at kinulong ang mga lumalaban sa pamahalaan kahit walang
sapat na ebidensya.
.
VI. Kasunduan
Sagutin:
Kung kayo si Pangulong Marcos , idedeklara rin ba ninyo ang Martial
Law noong dahil sa mga pangyayari naganap sa ating bansa ?. Isulat sa
isang buong papel.

Inihanda ni :

MA. THERESA L. DADOR


Gr. VI Teacher

Binigyan pansin :

Dr. ENRIQUE C. ROXAS JR.


Punungguro

You might also like