You are on page 1of 1

Si Pres. Ferdinand R. Marcos Jr.

o mas kilala bilang sa tawag na Bongbong


Marcos at BBM ay ang kasalukuyang
presidente ng Pilipinas. Siya ang ika-17
presidente ng republika. Siya ay nagiisang
lalaking anak ng dating pangulong Ferdinand
E. Marcos Sr. Siya ay pinanganak noong ika-13
ng Setyembre, 1957. Simula pagkabata ay
nasaksihan mismo niya ang pagaalay ng oras
ng kanyang mga magulang sa paglilingkod sa
bansa, kaya naman naging inspirasyon ito
sakanya upang mapagpasyahan na tumulong
sa mga mamamayan ng Pilipinas.

Siya ay nag aral ng elementarya sa La Salle Greenhills (1964) , sekondarya


naman sa Worth School sa West Sussex sa England (1974) at nagkamit siya ng
ispesiyal na diploma sa Social Studies mula

sa Oxford University (1978).

Siya ay nahalal na representibo o kinatawan ng ika-2 distrito sa lalawigan ng


Ilocos Norte noong taong 1992 hanggang 1995 at taong 2007 hanggang 2010.
Na may pangunahing layunin na ipasa ang House Bill No. 8617 upang maitayo
ang National Institute for Clean Energy Research. Ang layunin nito ay mabigyan
ang mga siyentista at mga enhinyero ng pasilidad na makakatulong upang mas
mapalawak pa ang pananaliksik, pagsasanay, at pagpapalawak ng paggamit ng
mga "renewable sources of power" katulad ng mga wind mill. Naging
matagumpay ang proyektong ito at ngayon ay isa na ang Pilipinas sa unang
nagkaroon ng "wind mill for electricity" sa buong timog silangang asya.
Siya rin ay naging senador ng 6 na taon (2010-2016) pagkatapos niyang maging
congressman, ang naging pangunahing layunin naman ng pangulo ay ang
pagbibigay ng mga suporta at benipisyo sa mg OFW .
Habang siya ay nasa senado ay patuloy siyang nag papasa ng mga resolusyon
katulad ng :
SENATE BILL NO. 2593: HYDROGEN RESEARCH, PROMOTION, AND DEVELOPMENT
ACT OF 2010
SENATE BILL NO. 2885: CLIMATE CHANGE EDUCATION ACT OF 2011
SENATE BILL NO. 410: THE PHILIPPINE GREEN BUILDING ACT
SENATE BILL NO. 2097:PAGASA MODERNIZATION ACT (RA 10692)
SENATE RESOLUTION NO. 622: ENERGY INFRASTRUCTURE SYSTEM

You might also like