You are on page 1of 1

Tigre ng Ilocos Norte, Tagapagtaguyod ng Bansang Pilipinas

Lathalain ni: Mary Grace B. Aranel

Ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, pagiging makabayan, at ang “sense of pride” ang nais
niyang ibalik sa mga Pilipino. Pangarap niya na ang bawat Pilipino ay taas-noong ipakikilala ang
sarili at sasambiting “Pilipino ako” saan mang dako ng daigdig. May sariling paninindigan,
pagmamahal sa bayan, at pagkalinga sa mga Pilipino ang ilan lamang sa kanyang katangian kung
bakit siya ang inihalal ng sambayanang Pilipino bilang bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. Ang
“Tigre ng Ilocos Norte”, kilala bilang “BBM” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez
Marcos, Jr. ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1957. Ikalawa at ang tanging lalaking anak
ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at at dating Unang Ginang na si Imelda Romualdez
Marcos.

Lumaki si BBM sa mundo ng pulitika. Walong taong gulang pa lamang siya noong naging pangulo
ang kaniyang ama. Dahil ditto siya ay maagang nakitaan ng angking talino at galing kaya siya ay
unang pinag-aral sa Institucion Teresiana sa La Salle Greenhills sa Maynila nang makamit niya ang
kanyang edukasyong kindergarten at elemetarya. Noong taong1970, si Bongbong ay ipinadala sa
Inglatera sa Worth School na isang all-boys Benedictine Institution.

Pagkatapos nito, siya ay nag-enrol sa St Edmund Hall, Oxford upang mag-aral ng Pulitika,
Pilosopiya at Ekonomika (PPE). Nag-enrol din siya ng Masters in Business Administration program
sa Wharton School of Business, University of Pennsylvania sa Philadelphia, U.S. pero nabigo itong
makumpleto na kanyang inaming nag withdraw siya sa programa para sa kanyang pagtakbo sa
halalan bilang Bise Gobernador ng locos Norte noong 1980.

Sa edad na 23-taong-gulang tumakbo at nanalo si Bongbong sa pagka-Bise Gobernador ng Ilocos


Norte nang walang kalaban at nanalo, sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan ng kanyang
amang namumuno sa buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong panahong iyon. Kinalaunan,
naging Gobernador siya ng Ilocos Norte noong 1983 at nahalal bilang Senador noong 2010.

Bilang gobernador, ginawa niyang first-class province ang Ilocos Norte. Naghanap siya ng mga bago
at modernong pamamaraan para mapaunlad ang lalawigan. Pinaunlad niya ang agrikultura at
turismo, at itinampok ang mga natural at kultural na destinasyon ng probinsya. Bilang mambabatas,
isa sa mga mahahalagang batas na kanyang tinulak ay ang Philippine Archipelagic Baselines Law
(R.A. 9522), na tumutukoy kung ano ang bumubuo sa karagatang teritoryo ng Pilipinas.
 
Nais ni BBM na ipagpatuloy ang naiwang legasiya ng kanyang ama ang pagkakaroon ng “strong
sense of nationhood”. Dahil naniniwala siya na kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang mga Pilipino,
malalampasan natin ang anumang krisis.

You might also like