Professional Documents
Culture Documents
Feature Writing 3
Feature Writing 3
Si Inday Sara ay ikinasal kay Manases Carpio, isang abogado, noong 2007 sa
Santuario de San Antonio Parish sa Lungsod Makati. Nagkakilala ang dalawa
habang nag-aaral si Inday Sara sa San Beda University. Dahil kapuwa abogado,
itinatag nila ang Carpio & Duterte Lawyers.
Sina Inday Sara at Carpio ay may tatlong anak: ang panganay na si Mikhaila Maria,
may palayaw na “Sharky, na kanilang adopted daughter, sunod si Mateo Lucas, may
palayaw na “Stingray,” at ang bunso na si Marko Digong, may palayaw na
“Stonefish.” Bago ipanganak si Stonefish noong 2 Marso 2017, triplets ang
inaasahang magiging anak sa pagbubuntis na ito ni Inday Sara. Sa kasamaang-
palad, nawalan ng heartbeat ang dalawa habang nasa sinapupunan ng ina. Ang
balitang ito ay inianunsiyo ni Inday Sara sa isang flag ceremony noong 5 Setyembre
2016.
Ang kanyang unang tungkulin sa pulitika bilang vice mayor ay ang paglunsad ng
landmark project na, “Inday Para sa Barangay,” na ang layunin ay tiyakin na ang
mga serbisyo ng pamahalaang lungsod ay makakarating sa lahat ng mga barangay
nito, kabilang ang mga malalayong lugar.
Itinatag din niya ang Magnegosyo Ta ‘Day (MTD), isang project na naghihikayat sa
mga kababaihan na maging negosyante. Ang tagumpay nito ay nagbigay-daan sa
pagtatag ng Rainbow Magnegosyo Ta ‘Day, na sumusuporta naman sa
entrepreneurship ng mga Lesbian, Gay, Bisexual and Transsexual (LGBT) sa
komunidad.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Davao City ay naging isang premier city hindi
lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa. Ang kanyang mga nagawa ay
hindi lamang para sa Davao City, kundi para sa buong Region XI.
Sa pamumuno niya, ang Davao City ay nagkamit ng 36 na parangal sa loob ng
maikling panahon mula 2011 hanggang 2013. Kabilang dito ang mga pagkilala para
sa maayos na pamamahala, negosyo, turismo, kalusugan, kapaligiran, fiscal
management, transparency, at iba pa.
Samantala, sa regional level, itinalaga siya noon ni Pangulong Benigno Aquino Jr.
bilang chairperson ng Regional Development Council (RDC) ng Region XI, at napili
rin siya bilang NEDA Board-Regional Development Committee-Mindanao Area
Committee (NB-RDCom-MAC) chairperson. Sa buong unang buong taon nyang
chairperson ng RDC, lumago ang Gross Regional Domestic Product ng Davao
Region mula 3.9 percent noong 2011 sa 7.1 percent noong 2012.
Pagkatapos unang term nya bilang mayor, nagpahinga sya ng tatlong taon sa
pulitika; pagkatapos ay muling nanalong na mayor noong 2016, at muli noong 2019.
Ipinagpatuloy ni Mayor Sara ang transformational leadership, pagkamit ng
kapayapaan at pag-unlad sa kanyang administrasyon.
Sa pagitan ng 2017 at 2021, nakatanggap ang Davao City ng 117 awards, citation,
at recognition, kabilang ang isa sa 2021 Top 10 Richest Cities of the Philippines ng
Commission on Audit (COA), at ang 4th Most Competitive Highly Urbanized City
noong 2021 ng Department. of Trade and Industry (DTI).
Noong 2021, sa gitna ng health crisis dahil sa COVID-19, napili si Mayor Sara bilang
Top Performing Mayor ng Pilipinas (para sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila),
na may rating na 93 percent, base sa isang independent and non-commissioned
survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).
Ipinakita rin ng mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kanilang
pagpapahalaga kay Mayor Sara at sa kanyang mga advocacies. Siya ay isang
adopted member ng Davao City’s Ata tribe ar pinangalanan siyang Biyo Simolun.
Itinuring syang adopted daughter ng tribong Tinguian sa probinsya ng Abra at
pinangalanang Dulimaman, na hinango sa matapang na bidang babe sa epic ng
tribo na Wadagan ken Dulimaman. Isa rin siyang adopted daughter ng probinsya ng
Camarines Sur at ng Tangub City. Napatunayan ni Mayor Sara kung gaano niya
pinahahalagahan ang mandato ng bayan.
Kung titingnan ang mga tagumpay na nakamit ng Davao City sa mga nakaraang
taon, malinaw na ipinakita ni Inday Sara ang matatag na pamumuno at ibinigay ang
kanyang commitment sa whole-of-government approach upang mapaglingkuran ang
mga tao.