You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 7:
Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga
Bansang Kanluranin-Sanaysay

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino– Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansang
Kanluranin
Unang Edisyon-2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arnie P. Taclap, Florebelle V. Paloso, Roberto P. Cabading
Editor/Tagasuri: Angelica Rodriguez/Sheryl C. Deocadez
Tagalapat: Franklin E. Benitez
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.p
Alamin

Natutuwa ako at natapos mo na ang paggalugad sa mga akdang


pampanitikan ng Mediterranean. Ngayon, lalakbayin mo naman ang mga
bansa sa Kanluran at South America sa pamamagitan ng kanilang mga
akdang pampanitikan. Muli nating palalawakin at pagyayamanin ang iyong
kaalaman at kakayahan tungkol dito.
Inaasahan na pagkatapos ng ating paglalakbay ay matutuhan mo ang
mga sumusunod:
1. Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin
ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa.
F10PN-IIg-h-69

2. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa


pahayagan, magasin at iba pa sa nakasulat na akda.
F10PN-IIg-h-69

3. Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo


ng sanaysay (talumpati o editoryal). F10PB-IIi-j-71

4. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan


sa tulong ng word association. F10PT-IIg-h-69

5. Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: paksa, paraan ng


pagbabalita at iba pa. F10PD-IIg-h-68

6. Naipahahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang


paksa sa isang talumpati. F10PS-IIg-h-71

7. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na


isyu. F10PU-IIg-h-71

8. Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media


(pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail at iba pa).
F10PB-IIi-j-79
9. Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang
nakikita sa social media. F10PT-IIg-h-75

10.Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang


nakikita sa mga social media. F10PD-IIg-h-73

11. Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda.


F10PU-IIi-j-77

1
Talumpati ni Dilma Rousseff sa
Aralin
Kaniyang Inagurasyon
2.7 -Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil
-Talumpati mula sa Brazil

Ayon sa UNESCO, ang Brazil batay sa kasaysayan ay kilala sa


pagkakaroon ng diskriminasyon sa aspektong sosyal, ekonomiko at
kultural. Tulad din ng Pilipinas, ang Brazil ay sumasailalim sa dalawampu’t
isang taong pamamalakad na diktaturyal. Kung kaya’t damang-dama ng
mga Brazilian ang kasiyahan nang manumpa sa katungkulan noong Enero
1, 2011 ang kauna-unahang babaing pangulo ng bansa sa katauhan ni
Pangulong Dilma Rousseff.
Ang Aralin 2.1 ay naglalaman ng talumpating pinamagatang Talumpati
ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon na isinalin sa Filipino ni Sheila
C. Molina. Ano kaya ang mahahalagang mensaheng ipinabatid ni
Pangulong Rousseff sa kanyang mga kababayan? Ang sagot ay malalaman
mo sa pagbabasa ng talumpati.

Tuklasin

Gawain 1: Character Profile

Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma


Rousseff. Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa
kasunod na bahagi.

Sino ba si Dilma Rousseff?

Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna -unahangbabaeng


pangulo ng Brazil mata pos manalo sa eleksiyon noong 2010. Siya ay
si Dilma Rousseff.

Isinilang siya noon g Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte,


Brazil.Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian atang kaniyang ina ay isang
Brazilian. Estudyante pa lamang siDilma ay naugnay na siya sa isang

2
militanteng sosyalistangg r u p o k u n g s a a n n a k a s a m a n i y a s i
C a r l o s A r a u j o n a kinalaunan ay siya niyang naging pangalawang asawa.
Noong 1970, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya
aynakulong na tumagal ng tatlong taon. Habang nasa kulungan,
nakaranas siya nang labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks.
Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977) at
pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ngDemocratic Labor Party.
Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang
pagigingconsultant at mahusay na tagapamahala ng partido.

Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong


2002, kinuha niya siRousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon
hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya.Dahil sa kaniyang kahusayan
sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang
Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan niyang tumakbo
sa eleksiyonbilang kahalili ni “Lula” noong 2010.

Biography of Dilma Rousseff, kinuha noong Marso 1, 2014,


-Mula sa (http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html)

https://www.coursehero.com/file/45428465/ARALIN-21-5-1docx/
Panitikang Pandaigdig Filipino 10

Character Profile
A. Pangalan: ___________________________________________________________
B. Tirahan: ___________________________________________________________
C. Kasarian: ___________________________________________________________
D. Hanapbuhay:
_________________________________________________________
E. Pagkamamamayan:
___________________________________________________
F. Naging Tagumpay:
____________________________________________________
G. Kahanga-Hangang Katangian:
_________________________________________

Tanong:

Anong impresiyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang
impormasyon kay Pangulong Dilma Rousseff?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3
Gawain 2: Concept Mapping

Bumuo ng hinuha at palagay kung ano kaya ang sasabihin ni Pangulong


Rousseff sa kanyang kababayan. Pagkatapos ay subuking palawakin ang
ideyang ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pangungusap.

Ano kaya ang sasabihin


ni Pangulong Rousseff sa
kaniyang kababayang
Brazilian? Bakit?

Gawain 3: Bigyan ng Opinyon!

Basahin ang sumusunod na pahayag at pagkatapos ay magbigay ng iyong


sariling opinyon ukol dito.

1. “Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang


bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at
mabuting pamamalakad sa pamahalaan,”- Pangulong Benigno “Noynoy”
Aquino III (Inagurasyong Talumpati, 2010)

2. “Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di


pagkakaunawaan sa ibang nasyon nang mapayapa- hindi dahil naduduwag
tayong harapin ang mga panganib, kundi dahil ang pakikipagsundo ang
matibay na mag-aalis sa pagdududa at takot.”- Pangulong Barack Obama
(Salin mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013)

3. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon


ng edukasyon at oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang
henerasyon. Ang pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan at magkaroon
ng matatag na kinabukasan.”
- Prime Minister Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening Ceremony
ng Danish Presidency, 2012)

4. “Ang pangunahing banta sa kapayapaan ng mundo ay hindi ang di-


magandang ugnayan ng bansa, kundi ang paglaganap ng kasamaan. Ang
tinutukoy ko ay ang terorismo, drug trafficking, organisadong krimen at ang
sindikatong mafia. Ang lahat ng krimeng ito ay nagsilbing banta sa buhay,

4
progreso at pag-unald lalo na ng mahihirap. Sa kasalukuyan, ang mga
krimeng ito ang pangunahing hadlang sa pagkakamit ng mga layunin ng
United Nation.”- Peru Pres. Ollanta Humala (Salin mula sa 68th Session ng
General Assembly ng United Nation, Set. 25, 2013, New York)

5. “Hindi natin mahihiling na makaiwas sa kaguluhan ng mundo. Ngunit


kung tayo ay makatutulong sa paglutas nito at makikikisa sa paghubog ng
maganadang kinabukasan. Masasabing tunay na makabuluhan ang
pakikiisa ng Germany sa European Cooperation.”- Pres. Joachim Gauck
(Salin mula sa talumpati sa pagbubukas ng Munich Security Conference
noong Enero 31, 2014)

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na talumpati upang malaman mo


kung masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang
pinagmulan nito.

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon


(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,


Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at
susugpuin ang labis na kahirapan, gayundin, ang
lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

Nakita natin noon sa dalawang terminong


panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan.
Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa
sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon
ng mga hadlang upang patunayang maunlad na nga
tayo bilang mamamayan.

Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang


pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang
pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng
pag-asa, at habang may mahihirap na batang
tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng
pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain,
kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong
maisakatuparan.

5
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na dapat
gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong hinihingi
ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga
partido, mga nabibilang sa negosyo at mga anggagawa, mga unibersidad, ang ating
kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa
kapwa.

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang


panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga
hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan


upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na
pagpapaunlad.

Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng


ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay
na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita
ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na
sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na balanse
ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin nang
walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunladat
pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa
hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na
ipinakikipaglaban.

Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang


sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng
kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggast

Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay
ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.

Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito
na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga
serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko
ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.

Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng


pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng
negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa
pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.

Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,


pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri ng
Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.

Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na


pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng
pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo

6
rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na
pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang pangmatagalang mga
pondong pampribado.

Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang


pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng rehiyon.

Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na


transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga
paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit
ay nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.

Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses


Congress in Brasilia, kinuha nong Pebrero. 26, 2014,
mula sa (http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/sipi-mula-sa-talumpati-ni-dilma.html

Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan


Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng diagram (word
association)

pamumuhunan

Brazil ekonomiya

(Mula sa aklat ng Filipino 10 Panitikang Pandaigdig)

Gawain 5: Pag-unawa sa Akda


Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nais na makamit ni Pangulong Rousseff sa kanyang pamumuno


sa Brazil?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil batay sa mga sinabi ni


Pangulong Rousseff. Ayon sa kanya, paani niya ito mapabubuti? Sagutin sa
tulong ng T-Chart.

7
B

R
A Paano mapabubuti ang
Ano ang kanilang
kanilang kalagayang
kalagayang panlipunan? Z panlipunan?
I
L

3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang sitwasyon ng Brazil sa mga


suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa ating bansa? Sagutin sa tulong ng
Venn Diagram.

Brazil Pilipinas

Pagkakatulad

4. Kung ikaw ang pangulo ng bansa, paano mo sosolusyunan ang mga


nabanggit na problema?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________.

Gawain 6: Opinyon Mo’y Ipahayag


Magbigay ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na
binanggit sa talumpati na tinutukoy sa sumusunod na aytem.

1. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na


kahirapan, gayundin ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.

8
2. Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang
kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad
na nga tayo bilang mga mamamayan.
3. Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang
hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan na ng pag-asa at habang may mahihirap na batang tuluyan
nang inabandona.
4. Matibay ang aking paniniwala sa kasalukuyan na ang inflation ang
nagdudulot ng kaguluhan sa ating ekonomiya at sumisira sa kita ng
ating mga manggagawa.
5. Hindi natin pahintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan
ang sariling interes na siya namang nagpapahirap sa maraming bansa
sa mundo sa kabila ng kanilang sama-samang pagpupunyagi ay
walang pagbabagong nagaganap.
6. Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na
nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng
mga mamamayan.
(Mula sa aklat ng Filipino 10 Panitikang Pandaigdig )

Pagyamanin

Sulong para sa Tagumpay!


Gawain 7: Pagsusuri sa Pagkakabuo ng Talumpati
Suriin ang pagkakabuo ng binasang talumpati sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong.

Mga Tanong Sagot


Panimula
1. Ano ang paksa ng binasang
talumpati?
2. Ano ang layunin ng nagsasalita?
Katawan o Nilalaman
1.Ano ang punto ng nagsasalita?
2.Ano-ano ang ebidensiya o
katunayang kaniyang inilahad?
Pangwakas
1.Bigyang – pansin ang wakas na
bahagi, ano ang masasabi mo rito.

9
Gawain 8: Kaugnayan na Balita
Manood ng balita ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pumili ng isang bahagi na
may kaugnayan sa isyung panlipunan
na nabanggit sa Inagurasyong
Talumpati ni Pangulong Rousseff.
Suriin ang sumusunod:
1. paksa
2. nilalaman ng balita
3. kaugnayan sa tinalakay na
talumpat
https://www.getrealphilippines.com/2016/06/president-rodrigo-dutertes-
inauguration-speech-change-already-started/

Isaisip

Sa iyong paglalakbay ay malapit mo nang makamtan ang


iyong tagumpay. Ang gaan-gaan ng feeling! Alam kong lubos mo ng
naintindihan ang ating leksyon pero may ibibigay pa akong mga
katanungan na susukat sa iyong kaalaman.

Gawain 9: Bubble Map


Isulat sa loob ng map ang mga salitang may kaugnayan sa salitang
Kahirapan at isulat sa papel.

KAHIRAPAN:
Hamon sa Bawat Pilipino

10
1. Ano-ano ang mga salitang may kaugnayan sa salitang Kahirapan?
2. Ilahad ang pananaw ng sumulat tungkol sa pagbabago sa pagsukat
ng kahirapan sa Metro Manila. Magbigay ng reaksyon ukol dito.
3. Ano ang iyong pananaw sa sinabi ng sumulat na “Ang unang
hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ang
suliranin ng bansa”?
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mabisang hakbang sa paglutas
sa kahirapan ng bansa?
5. Para sa iyo? Ano ang mga popular na anyo ng panitikan na
karaniwang nakikita mo sa social media? Patunayan?

Isagawa

Gawain 10: Lathalain… Suriin Mo, Ibahagi Mo! (Isulat sa papel)


Pagkatapos mong mabasa ang teksto ni Dilma Rousseff, gamit ang STRIPS,
Iugnay ang iyong sariling karanasan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng
sariling karanasang magpatoto nito.

Para sa akin ang mabisang hakbang sa paglutas sa


kahirapan ng bansa ay *

Rubriks

Natamong
Pamantayan Puntos
puntos
Malinaw ang pagkapapaliwanag sa layunin. 20%
Tibay lakas ng pagpapaliwanag sa argumento. 40%
Pagbibigay ng lagom o kongklusyon sa pagpapalawak ng
40%
pangungusap.
Kabuuan 100%.

11
Tayahin:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang


tamang titik ng tamang sagot. Isulat sa papel ang iyong mga kasagutan.

1.Sino si Dilma Rousseff?


A. ang unang asawa ni Carlos Araujo.
B. ang pangulo ng Chief of Staff noong 2005
C. ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil.
D. ang babaeng pangulo taong 2009.
2.Paano napatatag ni Pangulong Dilma Rousseff ang tugon ng kahirapan ng
mga mamamayan?
A. mabigyan ng sapat na suporta ang mamamayan
B. pagpapahalagang sulatin ang isinulat para sa paglalarawan sa
mamamayan
C. kinapapalooban ng paglalarawan sa isang mamamayan na may sipag
at tiyaga
D. masalimuot na pagpapahayag na binasa ng mga kabataan at
magulang
3.Anong pagpakumbaba ang hinihinging suporta ni Pangulong Rouseff sa
kanyang pamumuno sa Brazil?
A. buo B. masilan
C. minsan D. salat
4.Saan nagkakatulad ang sitwasyon ng Brazil sa mga suliraning kinakaharap
ng mga Pilipino sa ating bansa?
A. kasayahan B. kahirapan
C. kayamanan D. edukasyon
5. Ano ang dapat gawin ng isang Pangulo ng ating bansa?
A. banggitin ang may sala
B. balewalahin ang mga panukala
C. kopyahin at balewalain ang pinagkukunan ng kahirapan
D. pag-aralang mabuti ang kalagayan ng lipunan para masolusyunan
6. Kung ang editoryal ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng
kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang mabigyan ng
kaalaman, ano naman ang talumpati?
A. buong datos na nais ipahayag sa awtor.
B. kalahating kaisipan na nais ipahayag ng isang manunulat
C. kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati.
D. kaunti lamang ang nais itatalumpati
7.Alin sa ibaba ang simbolo na naglalahad ng katotohanan kung bakit
nasabi ng Pangulong Rousseff ang kalagayan sa Lipunan?
A. nakita B. nasilip

12
C. nasulyapan D. napanood
8. Anong dapat gawin upang masugpo ang labis na kahirapan sa bansa?
A. kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad
B. balewalain ang problemang kinakaharap
C. bigyan trabaho ang mga kababaihan
D. suportahan palagi ng gobyerno ang mga mahihirap lamang
9. Alin sa ibaba ang naglalahad tungkol sa ginawang tulong sa ating
pangulong Duterte?
A. namahagi ng pundo sa bawat sektor na apektado ng pandemya.
B. binigyang pansin ang mamamayang pakialamera.
C. humingi ng tulong sa karatig bansa na apektado rin ng pandemya.
D. binigyang ng pera ang humingi ng tulong.
10. Uri ng pampanitikan na ang nakalahad dito ang pinakamalakas na
katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa
mga tagapakinig ayon sa paksa.
A. talumpati B. dula
C. tula D. anekdota

Karagdagang Gawain

Naitatawid ko rin!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na gawain at isulat sa kwaderno ang
inyong mga sagot.

Pagsasanay 1
Mula sa mga nakatalang paksa, bumuo ng dalawang pangungusap. Sikaping
mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa. Ipaliwanag ang paraang
ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap.
1. Pagkakaisa ng mga bansa
2. Pag-unlad ng ekonomiya
3. Pagdami ng skilled workers
4. Pag-aagawan ng teritoryo
5. Drug-trafficking

Gawain 2
Mula sa napapanahong isyu ng lipunan. Sumulat isang talumpati ukol sa
kahirapang dulot ng Covid 19. Lakipan ng larawan.

13
Susi sa Pagwawasto

Tayahin
1. A
2. A
3. B
4. D
5. C
6. A
7. A
8. A
9. A
10.A

Sanggunian

Panitikang Pandaigdig Filipino 10

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/sipi-mula-sa-talumpati-
ni-dilma.html

https://www.getrealphilippines.com/2016/06/president-rodrigo-dutertes-
inauguration-speech-change-already-started/

14

You might also like